31: Kaba at Pagkasabik
(Mula sa talaarawan ni Dario, pagkatapos ng isang araw)
Si Juan ay nakatanggap ng liham kanina mula sa kaibigan ni Arron Sarrael. Hinahamon niya ang aming grupo na harapin sila sa labas ng Intramuros bukas, alas singko ng hapon.
Nagkumpulan kami nila Juan, Manuel, at Emilio para ito ay mapag-usapan. Ngunit palihim palang nakikinig sa amin si Binibining Tami. Dahil diyan ay nagpabili kami sa kanya ng mga kakanin na pang-merienda.
At may kakaibang nangyari na hindi namin inaasahan. Ang isang dalaga na si Tami ay inalok ang kanyang tulong na sumama sa amin para harapin ang grupo nila Arron Sarrael.
Kakaibang binibini ang dalagang ito at nais pang magdamit lalaki para kami ay matulungan. Hindi namin alam kung paano niya ito isasagawa ngunit pinagbigyan namin siya at nagtitiwala na kami ay matutulungan.
Hindi pa rin dumadalaw ang antok sa aking mga mata dahil sa labis na kaba. Ngunit ang kaba na ito ay may halong pagkasabik sa mga magaganap kinabukasan.
Nawa'y kami ay makaraos mula sa pakikipagharap namin sa grupo ng mga Kastilang iyon.
- Dario
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top