25: Pagdaan ng Dalawang Buwan
(Mula sa talaarawan ni Dario)
Dalawang buwan na ang nagdaan mula nang umalis si Binibining Tetay sa aming dormitorio.
Hindi ako gaanong nangungulila sa kanya, ngunit minsan, naiisip ko kung nasaan na siya ngayon. Nawa'y siya ay nasa mabuting kalagayan.
Samantala, madalas na kaming napapaaway sa grupo ng mga Kastila sa aming unibersidad. Napalaban ako sa suntukan nito lang at sakto ang pagdating ni Ilyong para ako ay tulungan.
Iniwan namin na nakahandusay sa lupa ang tatlong Kastila na humamon sa amin ni Ilyong.
Sa ngayon ay nagbalik muli ang pagiging kaibigan niya sa akin. Tinulungan ako ni Ilyong na gamutin ang aking dumudugong ilong at namamagang mga kamao. Ganoon din ang aking ginawa sa kanya.
Matatapos na ang buwan ng Nobyembre. Papasok na ang Disyembre, ang buwan ng Pasko, at ramdam ko na abala na ang lahat sa darating na selebrasyon. May mga parol nang nakasabit sa mga bintana ng aming dormitorio. Nag-uusap na rin ang mga kasama kong estudyante tungkol sa kanilang mga plano, mula sa mga regalo para sa kanilang mga pamilya at kaibigan, at ang pag-uwi nila sa kani-kanilang mga tahanan.
Ngunit may isang sorpresa na dumating dito sa aming dormitorio, hindi lang isa, kundi dalawa.
Hanggang ngayon ay di ako makapaniwala sa mga kaganapan.
-Dario
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top