23: Pinipilit

(Mula sa talaarawan ni Dario)


Isang linggo na ang dumaan mula nang ako ay huling nakapagsulat dito.


Malugod kong binabalita na naipasa ko ang aking mga eksaminasyon sa universidad. Muli, ako ay nangunguna sa klase.


Nalaman ito nila Manuel at Juan, at dinala nila ako sa isang kapihan para ilibre nila ako ng merienda. Ngunit ako ang nagpresenta na sila na lang ang aking ililibre. Buti ay pumayag sila, at nagsalu-salo kami habang umiinom ng mainit na kape at ensaymada.


Bigla kong naalala na hindi ko na nakikita si Binibining Tetay sa aming dormitorio. Naitanong ko ito sa dalawa.


"Amigo, ngayon mo lang napansin? Kakaalis lang ng binibini nang walang pamamaalam kay Senyora Simang," tugon ni Manuel pagkatapos niyang sumimsim ng kape.


"Nakita raw siya nila Mauricio. Nag-alsa balutan at sumama sa isang di-kilalang lalaki," dagdag pa ni Juan habang ngumunguya ng ensaymada.


"Hindi ito kasalanan ni Ilyong?" Bigla kong naitanong. "Inaway ba niya ang Binibini?"


"Walang kinalaman ang ating amigo dito!" Natawa si Juan. "Ngunit napansin ko rin na noong una, akala ko ay magkaibigan na silang dalawa. Hindi pala. Siguro nga nagpahalata si Emilio na hindi niya gusto si Binibining Tetay nang higit pa sa kaibigan."


Sinimsim ko ang aking malamig na kape. Hindi ko lang mabanggit na nakita kong humalik ang Binibini sa pisngi ni Ilyong at hindi niya ito nagustuhan.


Mabuti ay naiba na ang takbo ng aming usapan. Mabuti rin at hindi nila nahalata na may lihim akong pagtingin kay Binibining Tetay at may lihim din akong pagseselos kay Ilyong.


Siguro ito na ang makakatulong para sa aking paglimot kay Binibining Tetay.



-Dario

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top