14: Bakit
(Mula sa talaarawan ni Dario)
Ngayong Lunes ay nagbalik na sa dati si Binibining Tetay.
Habang tinitignan ko siya, hindi ko lubos maisip na matindi ang kanyang pinagdaanan sa kamay ng kanyang tiyahin at tiyuhin.
Marahil, ikinukubli niya ang kanyang masahol na pinagdaanan sa pamamagitan ng mga ngiti at pagiging palabiro. Siguro, pilya ang kanyang asta sa mga kalalakihan dahil nagbabaka-sakali siyang makahahanap ng magmamahal sa kanya.
Ang hindi ko lang maunawaan, bakit niya pinipilit ang kanyang sarili kay Ilyong? Mas mabait pa sila Tan at Mauricio sa kanya, ngunit na kay Ilyong ang kanyang atensyon, kahit madalas siyang di pansinin nito?
Bakit hindi siya natitinag sa pagiging suplado ni Ilyong sa kanya?
-Dario
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top