13: Kakaiba
(Mula sa talaarawan ni Dario)
Bago ako matulog ngayong gabi, hindi ko malimutan na natulungan ko si Binibining Tetay sa kanyang suliranin.
Ngunit mas hindi ko malilumutan na siya ang unang yumakap sa akin. Nahawakan ko na rin ang kanyang kamay. Magaspang man ang kanyang palad, sadyang malambot naman ito at mainit sa aking sariling kamay.
Anong kakaibang pakiramdam ang kasalukuyang namumutawi sa bawat tibok ng aking puso?
At bakit ngayon ko lang ito nararamdaman?
-Dario
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top