1: Ang Talaarawan ni Dario
(Unang sulatin)
Buenas Noches,
Sa wakas ay nakapaghapunan na rin pagkatapos ng isang mahabang araw. Kakatapos lang ng aming mga eksamen sa unibersidad ngayong Biyernes. Nawa'y maipasa ko ang lahat ng aking mga pagsusulit at maalala ko ang lahat ng aking pinag-aralan bilang estudyante ng Medisina.
Ako ay nag-aaral para maging isang optalmologo balang araw. Sabi ng aking mga magulang ay ipapadala ako sa Espanya para doon maging dalubhasa sa mga mata, ngunit matagal pa naman iyon. Hindi ko muna iisipin ang hinaharap; sa halip ay magpapakasaya na muna ako bilang estudyante dito sa Maynila, na tumutuloy sa Dormitorio de los Hijos sa loob ng Intramuros.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top