KABANATA XXXVIII - Buffet
"ANAK NG MGA MAGULANG! KAKAAYOS KO LANG NG DINGDING NA ITO MAY BUMANGGA NA NAMAN!" Naghuhumiyaw na sigaw nung nakaJerseyng Hagrid.
Nagmamadali syang lumapit, inihanda namin ang aming mga sandata ngunit nilagpasan nya lang kami. Mas pinagtuunan nya ng pansin ang pader na binanggaan namin. Kamut ulo ito pinagmamasdan ang pinsalang dulot ng pagkakabangga.
"Kung tatamaan ka nga naman ng kamalasan oo, sawang sawa nakong ayusin to.... NAKO NAMAN! PATI YUNG BAGONG SALA SET KO NAWASAK! #@$%!" Mariing daing nito nung napabaling sya sa nabangga rin naming mga upuan, lamesa at iba pa.
Lumingon siya sa amin sa unang pagkakataon. Akala ko hindi nya kami napansin, yun pala hindi nya talaga kami binigyang pansin nung una. Pero nung lumatay na sa amin ang kanyang mata, napabalikwas ako nang kaunti.
"Sino ang may kasalanan nito?" Nagngangalit na baling nito sa amin.
Bigla akong tinuro ng mga kasamahan ko. Lahat sila! Mga talipandas! Pwera pala si Mirasol na hindi alam kung saan tuturo pero hinawakan ni Ever ang kanyang daliri at itinutok sa akin.
"Teka wala namang ganyanan, bakit ako? Eh magkakasama tayong lahat na nasakay dyan." Reklamo ko.
"Wag ka nang umangal, sa ganitong mga pagkakataon ang pinuno ang dapat nagsasakripisyo para sa mga kasamahan nya." Sabi ni Makie.
"Kailan pa ako naging pinuno?!"
"Kanina lang, nung binangga mo yung pader."
"Hala, paano ko babanggain yan eh hindi naman naman ako ang nagmamaneheno! Ikaw yung drayber kaya!"
Nagtakip sya ng mukha nya at nagpanggap na umiiyak.
"*monotone voice* kung yan ang nais mo, ang isadlak ako sa kapahamakan. Tatanggapin ko. *robotic na hikbi* Oo, ako na yung may kasalanan."
Tinignan ako ng lahat nang may mga matang naninisi. Yung kapre napapailing pa sa akin. Feeling close badtrip.
"Sige na, ako na yung nagbangga. Ako na yung drayber, ayan oh tignan nyo, broooom broooom beeep beeep, galeng ko mag drayb diba? Drayber ako eh. Rakenrol" Sarkastiko kong sabi sabay "Sorry." sa dulo.
"Ikaw pala ang lapastangang sumira ng aking kabahayan! Anong sorry?! Magbabayad ka sa ginawa mo!!" Galit na sigaw ng Kapre sakin.
"Magkano ba? May mga ginto kami rito kung gusto mo." Pabiro kong tugon.
"Nakuha mo pang mamilosopo! At anong gusto mong sabihin sa akin? Anong balak mong gawin ko sa mga batong dilaw na yan, walang halaga ya! Nagkalat lamang iyan sa kapaligiran!"
"Hah? Anong pinagsasabi mo?"
"Totoo yun." Bulong ni Tifa. "Sagana ang Pinas sa ginto. As in makakakita ka nito halos kahit saan. Pati kasangkapan natin at palamuti normal lang na gawa sa ginto. Naubos na yun ng mga dayuhan ngayon pero sa mundo nila iba ata ang sitwasyon. Kaya di natin sila makukumbinsi sa mga ginto o anuman. Tignan mo ang paligid."
Lumingon-lingon ako at namangha. Doon ko lang napansin na napaka ganda ng bahay, at karamihan ng pader at gamit ay gawa sa ginto tulad ng doorknob, salamin, muwebles, mga inukit na pigurina.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko.
"Ewan ko. Benta mo nalang kaluluwa mo?"
"Salamat sa concern bestfriend, you're so kind."
"I try my best."
"Ano, wala?!" Tanong ni Kapre. "Wala kayong gagawin para panagutan ang paninira ninyo sa bahay ko? Bakit hindi nalang kaya..." inilapit nya ang mukha nya sa amin. "Buhay nyo ang kapalit?"
Napaatras kami at inalma ang mga sandata namin. Ang mukha nya ay hindi kaaya-aya tignan at may lumalabas na usok sa kanyang bibig dala ng tabako nya na hindi nakakatulong para kumalma kami. Kahit marami kami parang hindi sya madaling kalabanin.
Bigla syang binatukan ng babaeng mataba.
"Ulupong ka! Wag mong pagkatuwaan ang mga bisita natin! Mga kaawa awang tagalupa yan na naligaw rito tapos tatakutin mo pang gunggong ka." Binatukan nya ito uli.
"Aray naman pangga. Patawarin mo ako, wala naman akong balak takutin ang mga tagalupa, nadala lang ako ng emosyon dahil napapagod na akong ayusin yung pader sa tuwing may babangga dyan."
Pangga? Ano raw? Napanganga ako sa kanila.
"Wag ka sakin humingi ng kapatawaran, sa kanila!"
"Opo opo teka lang. Tignan mo, natetense tuloy ako." Sabay hithit nya ng tabako. "Umm... Mga iho iha patawarin nyo ang aking inasal. Nabigla lang ako. Lahat naman siguro mabibigla kapag mag pumasok sa sasakyan sa bahay nila diba?"
"Lubos akong humihingi ng dispensa sa kahangalan ng aking asawa, mga tagalupa." Malumanay na sabi ng babae mataba.
Napatda lang ako. Hindi makapaniwala. Ang kapre at ang babaeng mataba, wala man sa itsura ay parang... mabait?
"Ay hindi po, kami ang dapat humingi ng sorry dahil kami ang nanggambala sa inyo." Sagot ni Tifa. "Pwede pong magtanong? Kapre(*1) po kayo tama?*turo sa lalake* Kayo naman po ay isang... Batibat(*2)?"
"Tama iha. Tawagin nyo na lamang akong Betty, isang Batibat. Bettybat ba. Hihihi." Pakyut nyang tawa. Kinilabutan adam's apple ko. "At ang asawa ko namang kapre, sya si Neskapre."
Watdahek na mga pangalan yan ang kokorny. Ano to sitcom?
"Magandang gabi." Bati nito.
"At kami ang may-ari ng simple tahanan naming ito. Alam kong hindi nyo sadyang bumisita rito, pero wag kayong mabahala. Maraming beses nang may mga napadpad dito sa amin gaya ninyo kaya sanay na kami."
"Mawalang galang na po. Maraming naligaw narin dito? Anong nangyari sa kanila?" Duda kong tanong.
"Dinala namin sila sa tamang daan."
"Paano po? Maari nyo rin ba kaming tulungang makabalik kung saan kami nanggaling?" Tanong ni Tifa.
"Bago namin sagutin yan, maari nyo bang ibaba yung mga sandata ninyo? Nakakailang kasi makipagusap kung yung kausap mo balak kang saktan, tama ba ako?" Nakangiting tanong ng kapre.
Matapos ang ilang tinginan, ibinaba ng grupo namin ang mga sandata. Pwera sa akin. Hindi ko magawang maibaba ang Balisword. Mukha silang mabait at wala akong maramdamang masama sa kanila aaminin ko. Pero matapos ang eksena kay Batingaw, hindi ako makahanap ng tiwalang ibibigay ko sa kanila.
"Ayokong paghinalaan kayo, pero pasensya na. Marami kaming napagdaanang panganib bago kami nakarating rito. Paano kung kabilang din kayo sa Organisasyon na sanhi ng panganib na yun sa aming buhay? Paano namin kayo pagtitiwalaan?"
"Una dahil sinira mo ang bahay namin pero buo parin ang katawan mo at di kita ginawang panggatong."
"Pangga!" Saway nung Batibat.
"Oo na dear, eto naman di na mabiro. Ganito kasi yan iho, sino pumasok sa bahay namin ng walang pahintulot? Kayo hindi ba? Malamang dahil hindi kayo bumusina. Kapag ganun kasi, ang mundo nyo at mundo namin ay hindi napaghihiwalay sa isang eksaktong posisyon, sa sitwasyong ito yung kalsadang dinaanan nyo yun. Dun nakatanim dati ang punong tinitirhan namn. Kapag nadaanan ito nang di nagpapaalam makakatawid kayo tungo sa mundo namin."
"Ang ibig sabihin ng asawa ko, pumunta kayo rito nang sarili nyo at wala kaming kaalam alam dun. Kung myembro kami ng Organisasyon dapat una palang handa na kami sa pagdating ninyo. Eh hindi nga namin alam kung sino kayo. Kami ang biktima rito kung tutuusin, at sa mata namin kayo ang sumalakay sa matahimik naming mundo."
"Wala rin kaming kuneksyon sa Organisasyon. Ayaw naming makibahagi sa anumang gustong gawin ng mga yun." Paliwanag ng kapre.
"Pero hindi ba kapre at batibat kayo? Ang alam ko masasama kayong nilalang." Tanong ko.
"Wag mong lahatin. May mga kapre at batibat na masama, pero meron ding mabuti. Kung may itim, mayroon ding puti. Kahit ang barya may dalawang bahagi. Ganun din sa amin. Kaya nakikiusap ako, pagkatiwalaan mo kami at ibaba mo ang sandata mo." Pag-alo ng kapre.
"Hindi parin ako kumbinsido. Sino ang makakapagsabi na hindi nila kami aatakihin pagbaba ko ng sandata ko. Naninigurado lang ako para sa kaligtasan namin ng mga kasama ko." Sagot ko.
"Kaibigang Milo!" Bulyaw ni Jazz sabay paggitna sa pagitan namin ng magasawa. "Wag kang magpadalusdalos! Hindi magandang ugali ang panghuhusga sa iba. Ang panghuhusga nang walang ebidensya at gawain lamang ng mga mangmang na nagdudunung-dunungan."
Hinawakan nya ako sa balikat.
"Ang mga salita ay parang kutsilyo, maaring gamitin sa magandang bagay gaya ng pagluluto o makasakit sa iba. Ang mga salitang binitawan mo hindi mo alam nakasakit na pala sa damdamin nila. Gaya natin may puso rin sila sensitibo sa salita. Wag mo silang husgahan sa panglabas na ano." Pagdepensa nya sa dalawa. Nahiya tuloy ako sa aking inasal. Tama sya, mali ako sa pinakita kong kagaspangan ng ugali.
"Tignan mo sila." Turo nya sa dalawa. "Nakita mo ba ang nalulungkot nilang itsura. Paano kung ikaw ang nasa lagay nila. Paano kung maging ganyan ka rin kapangit, matutuwa kaba sa sasabihin ng iba?" Patuloy nya.
....teka lang Jazz. Parang may mali ata sa sinabi mo.
Humarap sya sa dalawa.
"Patawarin nyo kami ginoo, ginang pagkat kami ay nagkamali. Pero hayaan nyo, natuto na kami sa kamalian namin. Hindi lahat ng uri ninyo ay masama. Naniniwala na kami, hindi porket masama ang itsura gaya nyo, masama narin ang ugali." May sinserong ngiting sabi nya. Habang binubulungan ko syang tumigil na.
"At naniniwala rin akong masarap kang lumpuhin." Nanggigigil na sabi ng kapre.
Lumapit sya samin at binugahan ng usok. Hinihatak ko palayo si Jazz dahil baka bigla syang suntukin pero di sya natinag.
Tapos biglang tumawa lang ang kapre.
"Hahaha. Gusto ko ang ugali ng kaibigan nyo, nakakatuwa ang giliw nya."
Walang akong masamang pakiramdam sa kanila. Mukha nga silang mabait. Napabuntong hininga ako at ibinaba ang balisword.
"Halikayo, dun natin pagusapan ang kalagayan nyo sa hapagkainan. Tamang-tama naghahanda ako ng makakain bago kayo dumating." Paanyaya ni Betty samin.
***************************
Nakaupo kami sa malaking hapag kainan. As in MALAKI. Di sumasayad halos ang paa ko sa lupa at hanggang dibdib ko ang mesa kung hindi lang ako binigyan ng unan pamatong sa upuan para tumaas ang pwesto ko. Ang ang mga kubyertos, gawa sa ginto't pilak na namumulaklak sa tabi ng dagat. May mga painting pa sa paligid. Ang aura na pinapakita ng lugar ay sirenidad at pagiging elegante. Napakaganda.
Nagusap muna kami saglit kung bakit kami tumatakas sa Organisasyon at kung bakit kailangan naming makabalik sa madaling panahon naintindihan nila ang aming sitwasyon at nagpahayag ng pagkanais nilang tumulong.
Nagkwento rin sila tungkol sa pamumuhay nila. Ilang beses na ring may naligaw sa kanila kaya nasanay narin sila. Kapag mababait ibinabalik nila ito sa tamang daan. Ang mga masasama naman ay binibigyan muna nila ng kaunting leksyon.
May anak silang babae na nasa kwarto sa ikalawang palapag. Pero hindi raw iyon halos lumalabas ng kwarto para makihalubilo bagkus ay abala sa paglalaro sa sarili nito kwarto. Siguro nagoonline games o nageFB o kung anumang ginagawa ng batibat na kapreng teenager.
Ano kaya itsura nun? Babaeng mataba na may bigote't balbas?
Habang naguusap kami, pabalik balik si Betty sa kusina na nasa kabilang silid lang ng hapag kainan para magluto. Nakiusap kami na wag nang mag-abalang paghandaan kami dahil di naman kami magtatagal at aalis din agad. May pagkain din naman kami sabi ko. Sabay turo ni Betty sa sasakyan kung nakita ko yung napisat naming mga pagkain. Aww. Pagdating naman sa daan namin pauwi.
"Makakaalis kayo rito. Pero hindi ko masasabi kunng makakaalis kayo kaagad." Sabi ni Neskapre.
"Huh bakit po?!" Tanong ni Tifa.
"Nung napunta kayo rito may hagdanan kayong dinaanan tama?"
Tumango kami.
"Yun ang lagusan tungo rito sa amin. Kaso sa kasamaang palad, tulad nang nakikita nyo sarado ito. Ang tangi lang makapagbubukas ng daanang iyon ay ang busina ng sasakyan ninyo. Kaso nakita nyo naman ata ang kalagayan ng sasakyan ninyo."
Yari. Wasak na wasak ito. Mukhang nasira pati ang busina nito.
"Wala bang ibang paraan para makalabas dito?" Tanong ko.
"Wala na eh. Pwera na lang kung may mga mahiwaga kayong kasangkapan na pwedeng makarating sa kabilang mundo."
"Ayun! Yung relos ni Makie pwede yun. Yun ang ginamit namin dati nung naglakbay kami refridgerator. Baka pwede yun?" Tanong ni Tifa sa diwata.
"Sorry hindi pwede yun." Sagot ni Makie. "Gumagana lang ang relos ko sa paglalakbay sa ilang lugar na nakarehistro rito sa mundo ng mga tao. Sa lahat ng iyon, walang malapit sa Cavite."
"Ayun lang. Hindi tayo pwedeng magtagal dito. May mga tatlong araw nalang ata ang nalalabi para sa misyon natin." Pahayag ni Jazz
"Pwede kong subukang ayusin yung busina." Ayok ni Tifa.
"Kaya mong gawin iyon binibini? Kahanga-hanga." Bilib na sabi ng Kapre. Di kana dapat nagtaka, Tifa yan eh.
Nagkibit balikat si Tifa. "How hard could it be? Busina lang yun. Sa tingin ko may maisasalba pa namang pyesa sa kotse para makumpuni. Kailangan ko nga lang ng mabuksan yung sasakyan, diko kaya yun yuping yupi eh."
"Ako na ang bahala run, hayaan mo na ang pisikal na trabaho sa akin." Ani ni Neskapre.
"Talaga? Nakow salamat malaking tulong yun."
"Walang anuman. Halina't pumaroon na tayo nang maaga tayong matapos bago pa man matapos magluto si Pangga. Matagal namang magluto yun." Tumayo ang Kapre at nagtungo na sa lugar kung saan kami nabangga.
Si Tifa naman tumingin kay Makie bago umalis. "Oy ikaw. Sumama ka rin samin."
"Huhh? At bakit ko gagawin yun?" Tutol ng diwata.
"Kasi kailangan ko ng bodyguard. Mahirap na, hindi parin ako ganoon kapanatag rito. Pwede namang si Jazz ang isama ko, pero maiiwan kayong dalawa rito Milo para magbantay ng mga bata."
"Ohh. Ano naman ngayon kung ganun ang mangyayari?"
Tumaas ang isang kilay ni Tifa. "Tinatanong pa ba yun?" Sabay tingin sakin.
Tumingin din si Makie at kumunot ang noo. Kung bakit ewan ko.
"Kung ano man ang iniisip mo tagalupa, nagkakamali ka ng akala."
"Ows talaga?"
Di na sumagot at tumayo nalang si Makie. Nauna na syang lumabas tungo sa sala habang tila sinasakal sa kanyang paningin si Tifa. Sumunod ang huli pero bago tuluyang lumabas suminghot-singhot muna ito.
"Hhmmm... Ang bango naman nun. Kaldereta ba yun? Lalo tuloy akong nagutom. Hintayin nyo kami uh, saglit lang ito, wag kayong kakain na wala pa kami. Adios!" Lumabas na sya. Masarap nga yung amoy, pero parang adobo at di kaldereta. Kakatakam.
"Anong pinaguusapan ng dalawang yun?" Tanong ko kay Jazz.
"Wala sa hinagap ko katoto. Pero tinitignan ka nila, baka naiinis sila sayo. Ano bang ginawa mo?" Sagot nya.
"Hindi ko alam. Wala naman akong ginawang masama(na inamin ko) eh. Pero baka nga badtrip sila sakin. Lagi naman eh."
"Marahil nga."
"Hay nako mga walang muwang sa puso ng mga babae. Magdota nalang kayo." Bulong ni Ever.
"Hah anong sabi mo?"
"Wala po. Ang sabi ko kanina pa po ako naiihi. Saan kaya pwedeng magCR?" Sagot nya.
"Kung naiihi ka sumama ka sakin. Hanap tayong ng lupa, ipaghuhukay kita." Alok niya.
Tumingin sakin si Ever na nagwiweirduhan. Sinenyasan ko nalang sya na balewalain nalang.
"Wag kana mag-abala Jazz. May CR naman ata sila rito. Aling Betty! Saan po ang cr nyo, makikigamit sana ang kasama namin." Tawag ko sa batibat na noo'y nasa kusina.
"Nandyan lang sa kanang pasilyo. Deretsuhin nyo lang tapos kaliwa, yung pintuan run." Sagot nya.
Nagpasalamat ako at pinasama si Jazz kay Ever sa CR. Kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Mirasol.
Nakakunot ang noo at plnakatakip ng panyo ang ilong.
"Ok ka lang ba Mira?(yan tawag namin sa kanya) kanina kapa walang kibo dyan at parang balisa ka?" Alalang tanong ko.
"May naamoy lang akong mabaho. Hindi nyo ba naamoy?" Sagot nito.
"Wala naman." Sabay samoy ko sa kilikili ko baka ako lang yun. Ang totoo nyan nauutot ako, pinigilan ko tuloy.
"Hmmm... Sensitibo po kasi ako sa mga amoy kuya. Kapag bulag kasi tumatalas ang ibang pakiramdam tulad ng amoy at pandinig pamalit sa paningin. Kaya po sa simpleng amoy lang ay naapektuhan ako."
Oohh ganun pala yun. Para pala syang sigbin. Joke lang. Bago pa man ako nakasagot dumating si Betty dala ang banye-banyerang pagkain. Correction. Banye-banyera ng masasarap na pagkain.
May lechong baboy na may pakpak. San kapa? Pork with wings. May kaldereta, adobo, mechado, menudo, pansit atbp. Meron pang ooh so heavenly white rice, cooked to perfection fused with succulent aroma. Sa sobrang tindi ng epekto sakin, sinaniban ako ng english. Halos daigin ko ang Daranak Falls sa paglalaway ko. Yum yum yum! ping ping ping!
"Ohh, kayo nalang nandito?" Tanong nito.
"Opo. NagCR yung kasama kong mga lalake, yung dalawa naman nasa sasakyan at kinukumpuni yung busina ng sasakyan."
"Ahh kaya naman pala. Tena, kumain na muna kayo para di na ito lumamig."
"Gustuhin ko mang gawin yung alok nyo, antayin ko nalang sila. Papatayin ako ng mga kasama ko kapag inunahan ko sila eh haha." Pagtawa ko.
"Nakakatuwa naman ka namang magbiro sa nga kaibigan hihihi."
"Di po ako nagbibiro, papatayin talaga ako nun. Lalo na yung mahaba ang buhok." Biglang seryoso kong sabi. Pakiramdam ko totoo rin yun eh. Friendship goals.
Natigilan sya konti, tinitimbang kung nagbibiro ako. Nung nakita nyang seryoso ako, nangiti nalang sya.
"Hihihi. Sige kung hindi kita mapipilit, kahit inumin mo nalang muna itong inumin na pitsel. Gawa yan sa katas ng prutas. Tyak ko magugustuhan mo yan. Teka muna uh, kunin ko lqng yung panghimagas sa kusina."
"Sige po, salamat!"
Bumalik sya sa kusina at naiwan akong takam na takam sa pagkaing diko pa pwedeng kainin. Sa totoo lang para nakong nababaliw sa gutom pero natitiis ko pa.
Humawak sa braso ko si Mirasol.
"Oh bakit Mira? Ok ka lang ba?" Pagaalala kong tanong.
"Medyo nahihilo ako kuya..." Matamlay nitong tugon.
"Teka saglit lang, uminom ka muna para mahimasmasan ka."
Nagsalin ako ng sa baso ng inumin. Ang totoo nauuhaw narin ako pero mas mahalaga ang kalagayan nung bata kesa sa uhaw ko. Kinuha ko ang baso gaya ng aking nakasanayan.
At bigla itong nabasag sa kamay ko.
Natigilan ako. Napamura sa isipan. Ginawa ko ang turo sa Kanlungan. Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng baso bago ito nabasag. Isa lang ang ibig sabihin nun. Lason. May lason ang inumin.
Balak nila kaming lasunin!
Hindi ako makapaniwala. Ang mabait na magasawang kapre at batibat, balak kaming lasunin! Bakit?
Nakaramdam ako ng bahagyang paggalaw sa aking kamay. Ang PuSi ko palang suot ang gumagawa nun. Yung maliit na botelyang nakakabit na may lamang langis ay halos magwala na sa pagkulo. Bakit dun ko lang ito napansin?
Biglang nagbago sa paningin ko ang lugar. Nawala ang magandang loob ng bahay ang mga gamit, palamuti, disenyo, naging luma. Ang mga ding-ding, kisame at pader na sementado ay napalitan ng nanggigitatang lumang kahoy. Ang lamesa ang upuan ay nanlilimahid at parang nabubulok.
At ang pagkain. Mahabaging bathala, ang pagkain. Naduwal ako bigla sa aking nakita.
Ang kanin ay naging kaning itim(3*), na may gumagalaw na kasama. Heavenly pa? Ang pansit ay gawa sa bulateng kulay itim na tyak matitripan ni Jazz pero hindi namin. Ang mga ulam ay may halong nabubulok na laman, lumulutang na mga mata at laman loob gaya ng bituka. May dugo-dugo pa. Hindi ko gustong malaman kung saan ito nanggaling. At ang baboy. Hindi ito baboy. Isa itong nilalang na parang aso. Sobrang payat na halos buto't balat. Nakatali ang nguso at mga paa. Ang pinaka masama sa lahat, ang mata nito'y nakatingin sa akin. Buhay pa ito!
Yum yum yum? Ping ping ping? Pweh pweh pweh! Blech!
Napabalikwas ako sa upuan at dagling binuhat si Mirasol. Saka ako napatakip ng ilong. Para akong sinuntok ng nakasusulasok na amoy. Sobrang baho. Iyon siguro yung naamoy ng bata kaya nahihilo sya.
May nangyaring hindi namin napansin. Engkantasyon o mahika, hindi ko alam kung ano ang tumama sa amin at kung kailan. Marahil nung umpisa palang nangyari na ito, at malakas ito para pati si Jazz at Makie ay tablan.
Nung nabasag ang baso, kasabay rin nabasag ang sumpang iginaway nila sa akin.
Kailangang naming makatakas rito sa lalong madaling panahon!
Biglang lumabas batibat, at ako'y napasinghal sa kanyang itsura. Ang tunay nitong anyo.
Kung noon ay medyo marumi ito tignan, hindi ito makakapantay sa itsurang humarap sa akin. Napaka gulo ng buhok nya at parang may halong grasa. Iba na ang kulay ng balat, may ibang parte na kulay lila at pinugpog ng nabubulok at nagnananang sugat sa katawan. Ang mukha nya ay parang sa tao, pero litaw na litaw ang kagustuhan nitong manakit sa kanyang mata at ngiti. Tila lalo pa itong tumaba na parang rice terraces sa Banawe ang kanyang mga bilbil. Tumutulo ang laway sa kanyang bibig, parang ikaw kapag natutulog.
Sa kanang kamay, ang "panghimagas" ay kanyang tangan. Mga laman loob yun mula sa isang kakakatay palang na nilala. Ang katunayan may malaki itong puso na tumitibok pa. Hindi pa ako nakakakita ng ganung kasuklamsuklam na bagay sa buhay ko. Pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat sa nasasaksihan ko. Sa kabilang kamay may kusilyong pangatay na punung puno ng laman at dugo.
"Hihihi... Gising kana pala?" Makabulungang tanong nya. Kinilabutan ako sa kanyang boses.
"Halika...
Kakain na tayo."
At umalingangaw ang sigaw ni Tifa mula sa kabilang panig ng bahay.
※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※
(*1) Kapre
Origin: Tagalog
Alam nyo na kung ano to. Malaki at mabalahibong mama na naninigarilyo at amoy kambing. Nope, hindi sya yung tambay dun sa may tindahan sa kanto ninyo. Madalas syang nakatambay sa mga puno ng acacia, mangga, kawayan(goodluck sa kawayan) at balete. Nakasuot sya ng bahag na gawa sa halaman at may sinturon na pag sinuot ng tao ay....... secret (--,)
May kakayahan silang magpalit ng anyo, lumaki at lumiit. Kapag binaril nagpapanggap itong katawan ng puno ng saging. Kapag puputol kayo ng punong kahoy sa gubat kaulangang bigkasin ang mga katagang ito para balaan ang mga kapre at di sila matamaan ng babagsak na puno:
'Bari bari! Umarayyu kamu nganim, afu.'
Ibig sabihin nyan: wer na u, putol puno na me.
(*2) Batibat
Origin: Ilocos
Sila ay ubod ng tabang babae. Nope, hindi rin sila mga tiyahin ninyo. Kung may biglang pumasok sa isipan ninyong tao, hindi ganun. Mas mataba sila run. Kahit mukha silang tao kung tutuusin.
Nakatira sila sa mga puno, at kapag pinutol ito para gawing bahagi ng bahay, dinala mo rin ang bahay nya sa inyong tahanan. Ayaw nyang may malapit na tao sa bahay nila kaya kapag may taong natutulog malapit sa poste, dingding, kama atbp na gawa sa bahagi ng puno nya pinaparusahan nya ito. Unuupuan nya ang katawan ng natutulog dahilan para mahirapan itong huminga at makakilos. Sila ang dahilan ng mga bangungot.
Para mawala ang galit nito, kumuha lang kayo ng maliit bahagi ng kahoy kung saan sya nanunuluyan at ibalik sa kagubatan. Goodluck sayo kung magawa mo yan.
(*3) Kaning itim
Sinama ko ito bilang babala. Alam nyo na to pero sasabihin ko parin. Kung sakaling maengkanto kayo at dahil sa kaharian nila, wag na wag na wag na WAG tatanggap ng pagkain lalo na ng kanin itim. Simbolo ito ng pagiging kaisa mo sa kanila, at kailan man di kana makakabalik sa mundo ng mga tao.
◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎
A/N:
Yown nakaupdate na. At alam kong bitin uli kaya pasensya na. Babawi nalang next chap sa action scenes.
Natuwa ako dahil may bago akong librong nabili bilang reference para sa kwento. Ang titulo nito'y 'The Lost Journal of Alejandro Pardo'.
Dito may nakasaad na mga listahan ng ilan sa mga mythical beast ng ating kultura na mismong sinaliksik ay nakadaupang palad ni Alejandro Pardo nung panahon ng mga Kastila.
Matagal nakong naghahanap ng impormasyon tungkol sa talaan na ito at sa wakas merong akong nabili sa National Bookstore. Medyo kulang ng ilang entries so original pero ok na rin, marami nang madadagdag para sa SMAAK. Basahin nyo guys, its a must.
(Yung pic ng batibat at kapre galing dun. Orihinal na larawang iginuhit ng kasama ni Alejandro Pardo)
Muli nagpapasalamat ako sa kay ICE-014 sa pagmamahagi ng kanyang obra maestra sa paborito nating Diyosa ng Mikmik. pag gumawa ako ng Mikmik cake bibigyan kita bilang pasasalamat
Maraming salamat din sa mga nagfloodvotes, namely:
Bluemornyl, Yvonne_1110, maricaaawr, Ako_ay_Kabalyera, JhonaLibanan, grystr, aryl_kris88, spankwire_31, pRinCess_mEtZ444, CyrusRielLee, beonshy, steven022, rinnsagaro, blkside, dodongJod25, _mysteriousAJ_21_15, MargauxYannie, KennethCloresEnriquez, fairy0912, Piachubilita
Dont forget to Vote guys, kung kayang mag floodvotes malaking tulong po para sa akin. pindutin lang yung star sa bawat kabanata. Pashare narin po sa iba.
Support our heritage and culture! ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top