KABANATA XXXVI - Super Twins




Ang mga susunod na kaganapan ay nagalap lamang sa loob ng sampung segundo. Kaya wag na wag kayong kukurap.

Actually pwede naman kung gusto nyo, di naman to video eh. Pagmulat nyo makakapagbasa parin kayo nang walang nakakaligtaan kaya pwede na kayong kumurap kahit 1000x per minute. Kaya hala sige, kurap na.

Ok, moving on...

Sa lahat ng direksyon wala kaming makitang light-at-the-end-of-the-end-of-the-tunnel na senaryo. Para lang kaming mamimili ng napupusuan naming gugutay sa aming katawan. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isipan ko tulad ng kung sumandal kami sa gilid ng nakaparadang tren mahahagip parin kami ng parating? O kung sisiksik kami sa ilalim ng nakaparadang tren magkakasya ba kami, hindi ba kami makukuryente? O kung bakit pantalon ang tawag sa pantalon gayung hindi naman natin pinantatalon, bakit di nalang panlakad ang itawag?

Masyadong mapanganib kung sisiksik kami sa ilalim o susugal na sumandal sa tren, batid kong iyon din ang nasa isipan ng mga kasama ko. Nakita ko nalang si Makie na humarap sa nakaparadang tren na nataong na mismong pintuan na nito. Sinaksak nya ang pagitan ng pinto para pwersahing buksan. Ok sana yun pero may dalawang problema. Mataas masyado ang pintuan sa pwesto amin para mabuksan agad, at kahit abot namin ito wala na kaming oras para pwersahin ito at pumasok pa sa loob. Kung kaya lang namin itong tanggalin ng sa isang iglap...

Teka. Kaya yun.

Pinausog ko si Makie, tumingkayad, at gamit ang Bagwis lumikha ako ng malaking pakwadradong hiwa. Bumagsak na parang estudyante pala-absent ang bahagi ng pinto at tumambad sa amin ang butas na kakasya kami.

Tila nagkasundo kami kung anong gagawin nang hindi naguusap. Naunang tumalon papasok ang dalawang babae, sa pagsasanay na kinaharap namin lumiksi ang katawan Tifa at kinaya nang makasabay kay Makie nang walang kahirap hirap. Habang kami ni Jazz ay binuhat ang dalawang bata at inihagis sa dalawang nakasakay na sa loob at kanila namang sinalo. So far so good, in tagalog habang tuma-tagal lalong sumaaasarapppp.(kinanta nyo noh?)

Bahagya kong nakikita sa gilid ng aking mga mata ang paglapit ng tren at ng Bakunawa, sa aking tantya halos sabay lang silang aabot sa aming kinaroroonan. Daglian akong lumandag papasok at nilingon Jazz na susunod sa akin.

Dun na nabulilyaso ang lahat. Ang eksenang sumunod ay umukit sa aking mata at di ko malilimutan kailanpaman.

Pumorma na para tumalon si Jazz pero hindi ito natuloy. Dahil sumabit ang laylayan ng pantalon niya sa parte ng nahiwang pintuang nasa sahig. Pinilit nya ito higitin pero hindi ito matanggal. Patuloy parin ang paglapit ng tren at bakunawa, walang nagpapakita ng senyales ng pagbagal nito.

Tumingala sya sa amin. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang takot na bumabalot rito. Lumapit ako para sana tulungan sya pero hinigit ni Makie ang aking braso upang pigilan ako. Wala naring oras hindi ko na sya maabutan pa, pero ang bawat dugo sa aking katawan ay nagsusumigaw na tulungan sya.

Parang isang pelikulang black and white ang eksenang pinapanood ko, sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso bumagal ang pagtingin ko sa paligid. Kitang kita ko ang dahang-dahang paglapit ng tren ilang segundong nauna sa bago sa halimaw. Pero ang mata ko ay nakapako sa mata ng aking kaibigan, nangungusap sa pamamagitan ng mga mata. Halos isang segundo kaming nagkatinginan tapos ibinigay nya sa akin ang pinaka maningning nyang ngiting nakita ko.

Biglang rumagasa ang tren sa pumailalim nyang katawan.

Ilang segundo pa narinig ko ang pagsalpok ng tren sa bakunawa, naghuhumindig ang sigaw nila sa sakit na dumating sa kanya. Nagpaimbulog ang dalawa sa isat isa, pumaibabaw ang tunog ng nawasak na bakal, ang pwersahang langitngit ng prenong dulot ng pagsalpuk sa malaking nilalang, ang pagbagsak ng halimaw mula sa itaas na riles tungo sa kalsada at tuluyang pananahimik nito. Sa huli tanging tunog na lamang ng kuryenteng malayang dumadaloy sa hangin ang tangin dumapo sa king mga tenga.

Pero ang lahat ng ito'y tumagos lamang sa aking kamalayan. Ang tangin rumaratay sa aking isip ay ang paulit-ulit na eksana kung saan biglang naglaho ang ngiti ng aking kaibigan at napalitan ng paglitaw ng buhaw at puting demonyo sa katauhan ng tren. Wala akong nagawa. Wala akong naitulong. Abot kamay ko sya pero sa aking mismong harapan nalagasan ng isang sanga ang puno na bumubuo sa pagkatao ko.

Natulala ako. Tinakasan ng lakas ang buong katawan at gumiba ang nanginginig na tuhod kung kaya't napaluhod sa malamig na bakal na sahig. Rinig ko ang pagsalampak ni Tifa at tuluyan nyang paghagulgol. Ang pagsipa ni Makie sa upuang nagkalamat sa lakas. Pero ako hindi muna nakapagsalita. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakahulog hanggang sa tuluyang lumalabo ang aking paningin dahil sa mata kung nalulunod sa likidong nagmumula rito. Kumukulo ang kalamnan ko sa naguumapaw na emosyon ng pagkabigo.

Namatay si Jazz. Sa harapan ko mismo. At wala akong nagawa kundi manood lang.

"JAAAAZZZZZZZZZZZZ!!!!" Nahanap ko ang boses ko kumawala kasabay ng pagragasa ng aking pighati. Dahan dahang umakap sa akin si Tifa ka humahagulgol din tulad ko.

"Bok bok bok... Bakit?"

Huh? Ano yun? Nagkatinginan kami ni Tifa. Nagtataka rin ang mauhog nyang mukha. Kaninong boses yun? Nagmula sa labas kaya dahan dahan kaming sumilip sa ibaba mula sa butas. Laking gulat namin ng may maliit na pumagaspas papasok na tumama pa sa aking ulo.
Napahiga ako sa bigla at sinilip ang nilalang ng pumasok.

Isang maliit na bantam na tinutuka-tuka ang kanyang balahibo.

"Tawag nyo ko? Bokborokok." Sabi ng nagsasalitang manok.

"Ikaw ba talaga yan Jazz?" Tanong ko

Biglang sumabog ang mga balahibo at mula sa pagkakaupo tumayo dahan-dahan ang taong anyo ni Jazz. Sa oras na iyon dalawang bagay ang labis kong ipinagpapasalamat.

Una ay buhay sya. Hindi ko mailarawan kung gaano lumuwag ang dibdib ko nung malaman ito. Akala ko nawala na sya sa amin.

Pangalawa at pinaka importante sa lahat. Nagpapasalamat ako na may damit sya nung nagtranform sya. Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero buti nalang talaga, baka ibalik ko sya sa labas kung nagkataon. At pahabol narin, buti di parang sailormoon sya kung magbagong anyo. Watdahel lang.

"Jazz! Ligtas ka! Nagalala kami sayo!" Maluha luhang wika ni Tifa.

"Ikaw siguro." Sagot ko. "Ako di nagdudang makakaligtas si Jazz eh. I expected nothing less."

"Hulululululuh... Neknek mo! Bumubulwak nga luha mo eh."

"Sadya yun kasi nagdadrama kayo kanina, awkward naman kung di ko kayo sasamahan."

Tumawa lang si Jazz sa bangayan namin, napatawa narin kami. Hindi pa kami ganap na ligtas pero nabunutan kami ng kaunting tinik sa lalamunan kung kaya't idinaan namin sa tawa.

Dun biglang tumumba padapa si Jazz. Dumaloy ang napakaraming dugo sa sahig na nagmula sa malaking wakwak nya sa likod.

Nanlambot ang tuhod ko na parang pinakuluang karne. Dun lang ako nakakita ng ganung karaming dugo. Nanigas ako. Para akong pinaliguan ng halo-halo ni Santa Claus habang nakahubad ako kasama ng polar bears sa north pole.

"JAZZZZZZ!" Sabay naming sigaw ni Tifa nang patakbo kaming lumuhod sa tabi nya.

"Huwag nyo syang gagalawin!" Bulyaw ng diwata. "Mas lalo lang lalala ang sugat nya kapag ginalaw nyo sya!" Lumuhod din sya at tinignan ang sugat. Ang kunot nyang mukha ay sapat na para malaman na di magandang kalagayan ni Jazz.

"Pa.... senya na kayo..." Naghihingalong sabi ni Jazz. "A..kala ko.. makakaiwas na.. ako nung nag...manok ako pero may tangang... bakal na tumalsik sa aking.. likod.. Kaya ayan, may.. bago na akong.. bulsa sa liko hahaha." Bigla syang umubo at tumalsik sa sahig ang matingkad na dugo mula sa kanyang bibig.

"Wag ka nang magsalita Jazz. Wala tong sugat mo, malayo ito sa bituka. Gagaling din kaagad yan." Pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanya. Pati sa akin narin.

"Ang bi..tuka ng manok.. nasa likod ." Sagot nya.

"....totoo ba yun?"

"Syempre bi...ro lang yun... engot ka talaga min....san..." Nawalan sya ng malay. Namisplace siguro.

Kung di lang ako nayanig sa nangyari malamang binatukan ko na sya eh.

"Makie, anong gagawin natin? Diwata ka diba, kaya mo ba syang pagaling?"

"Sa kasamaang palad wala akong kakayahang pagalingin sya. At ang ganitong klaseng sugat... Aaminin ko sa inyo, hindi kaaya-aya. Kapag hindi natin ito naagapan kaagad maaari itong magresulta sa kanyang... kamatayan."

Hindi ko gustong marinig ang huling salita nyang binitawan. Hindi pwede.

"Tifa, di ba nagaral ka ng medisina sa Kanlungan? May mga dala kang gamot diba? Yung Bayagesic! Binigyan tayo nun, painumin natin sa kanya!"

"Yung Bayagesic panandaliang pangtanggal lang yun ng sakit, nakakatulong yun sa paggamot ng sugat pero hindi kagaya nito. May mga dala akong halamang gamot dito pero ang ganitong sugat kailangan ng mas agarang gamutan. Hindi to kaya ng mga dala kong gamot! Kailangan natin syang dalhin sa ospital!"

"Hindi. Hindi natin sya dadalhin sa ospital." Sagot ni Makie. "Kahit ang wangis nya ay tao, iba parin ang komposisyon ng katawan nya. Hindi rin alam ng mga doktor ang gagawin sa kanya, ihahatid lang natin sya sa higit pang panganib."

"At anong gagawin natin?! Wala na ba tayong magagawa? Hihintayin nalang natin syang mamatay rito habang pinapanood natin sya?!" Pabalang kong tugon. Umiwas sya ng tingin sakin.

"Hindi ko alam. Patawarin mo ako." Mahinang boses nyang sagot. Natauhan ako. Unang beses nya yata humingi ng tawad. Ibinunton ko ang galit ko sa kanya gayong wala naman syang kasalanan. Ang totoo nyan galit ako sa sarili kong kawalan ng silbi. Ni wala akong magawa para tulungan ang naghihingalong kaibigan ko.

Hanggang dito na lang ba ang paglalakbay namin kasama sya?

"Kaya ko syang pagalingin!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Si Mirasol. Hinawakan sya ng kapatid nya sa braso.

"Kuya wag mo akong pigilan!" Piglas ni Mirasol. "Gusto ko silang tulungan, kung kailangan gamitin ko ang kakayahan ko ay gagamitin ko yun para mailigtas ang kasama nila!"

"Hindi kita pinipigilan." Sabi ng kuya nya.

"Eh bakit hinihigit mo ang braso ko?"

"Kasi wala sila dyan! Sa iba ka nakaharap, nandito sila sa kanan."

Oo nga, bakante upuan yung kausap nya kanina, wala lang akong lakas ng loob na sabihin sa kanya yun.

Itinago nya muna ang namumula nyang mukha sa kanyang mga kamay bago humarap uli samin ang umulit na nagsabing "Kaya ko syang pagalingin!" na parang walang nangyari.

"Anong ibig mong sabihin?" Mabait na tugon ni Tifa para di mapahiya yun bata.

Inalalayan sya ng kapatid nya tungo sa amin.

"May kapangyarihan kami magpagaling ng mga sugat at simpleng sakit."

Pagdating nya sa pwesto namin bahagya syang naupo sa tabi ni Jazz. Umusal ng ungol ang huli.

"Umuungol sya. Isa itong magandang senyales na lumalaban pa sya at mas madali ko syang mapapagaling."

"Ummmm... Tingin ko isa itong magandang senyales na inaapakan mo yung kamay nya kaya sya umuungol." Sabi ko.

Tinago na uli yung mukha nya sa hiya. Pero mas maganda sana kung inalis nya muna yung paa nya.

Matapos nito dahan-dahan nyang kinapa ang paligid ng sugat. Ang maliit na kamay nya ay mistulang brush sa canvas na puno ng pulang pintura. Kumunot ang kanyang noo.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Bulag ako kaya diko matignan.(oo nga pala, tangang tanong) Pero pakiramdam ko kaya ko syang pagalingin, tatagal nga lqng ito ng mahaba habang sandali." Lumingon sya sa amin. Nakadilat sya. Kulay puti ang dapat sanay itim ng kanyang mata. Di ako makapag salita para sa mga kasama ako, pero ako ay nakaramdam ng bahagyang takot.

"Lumayo kayo. Bigyan nyo kami ng espasyo." Lumalim ang kanyang boses, tila lumihis ng landas sa mundong aming ginagalawan. Hindi na sya nagdalawang sabi, kusa na kaming lumayo sa kanila.

At nagsimula na siya.

Kung ano man ang ginagawa nya nung una hindi ko maintindihan. Nakaangat lang ang kamay nya sa sugat habang masasaksihan sa mukha niya ang matinding konsentrasyon. Pero walang namang nangyayari. Nagduda tuloy ako na naiscam kami.

"Napili rin kaming dalawa." Biglang sabi nung kapatid nya na hindi ko parin alam ang pangalan. "Pero naiiba kami sa pangkaraniwang Napili. Galing kami sa pamilya ng mga manggagamot, ang aming magulang ay mga doktor habang ang aming lolo naman ay isang albularyo na may kaibigang engkanto kung saan nya natutunan ang panggagamot. Hindi ito pinaniwalaan ng mga namin pero bago pumanaw ang aming lolo ipinamana nya sa amin ang kanyang kakayahan. Makikita nyo ang ibig kong sabihin." Tinuro nya si Mirasol.

Di tulad ng sa anime, di lumulutang ang kanyang buhok. Di umiilaw na kulay green ang kanyang kamay. At di rin natuluan ng luha nya si Jazz na sa di maipaliwanag na dahilan ay nakabubuhay ng patay sa anime dahil sa kapangyarihan ng pagkakaibigan at pagibig na sa totoo lang ay isang malaking kabulls**tan. Kung totoo yun nagbenta nalang ako ng luha sa botika. Pero may kakaibang nangyayari sa sugat ni Jazz.

Unti-unti, dahan-dahan, bumabalik ang ilang umaagos nyang dugo sa kanyang sugat. Ang dulo ng kanyang hiwa ay sumasara na parang tinatahi hindi makitang kamay. Napatda kami at namangha sa aming natunghayan. Isa itong milagro.

Isang ingay ang bumulabog sa natulala naming mga sarili. Ang amalanhig at amomongong nalimutan namin ay nagawa ng makababa ng platform at gumawa sila ng kumalabog ng ingay.

Sumilip ako sa gilid upang sipatin ang nasirang tren. Wasak ang ilang bahagi nito at naka tumba ang mga bagon. Isang milagro sigurong maituturing o baka sinadya rin pero walang taong sakay ang tren na iyon. Na labis kong ipinasalamat.

Ang bakunawa ay di ko na matagpuan. Pero malamang kung ako nasa lagay nya at nabangga rin ako ng tren di rin ako tatambay run. Malamang umatras muna sya para magpagaling.

"Hindi pa tayo tuluyang ligtas rito. Papaandarin ko muna ang tren para makalayo tayo." Sabi ni Makie na naglakad tungo sa harapang dulo ng tren.

"Sandali! Marunong kaba magmaneho ng tren?" Tanong ni Tifa.

"Watch and learn."

"Halaka. Watch and learn na naman. Teka sasama ako, mahirap na bak maging eroplano itong tren at lumipad kung saan." Ang sabi ng bestfriend ko pero sa nagiispark nyang mata halatadong gusto nya lang din subukang magmaneho ng tren.

"May sugat ka." Sabi nung batang lalaki.

Dun ko lang napansin na may mahaba akong galos sa kanang bisig. Marahil natamo ko nung gumulong ako para iwasan ang atake ng bakunawa. Hindi ko na lang napuna dahil sa umaatikabong mga pangyayari.

"Patingin ako at papagalingin ko."

"Hindi wag na. Wala ito kay Jazz. Hindi ko ito ikamamatay ikamamatay."

"Ikamamatay ko naman kung nalaman ng kapatid ko na may sugat ka rin at pinabayaan ko lang."

Hindi na ako makatanggi run. Kaya ipinakita ko sa kanya sugat ko at kanya namang inabot.

"Buti marunong ka ring manggamot." Pagsubok kong magsimula ng maliit na usapan.

"Sabi ko nga kanina diba parehas kaming nagmana sa lolo namin. Pero medyo iba ang pamamaraan ko kumpara sa kapatid ko."

"Hmmmm... Nice." Wala nako masabi.

Bigla syang naubo at parang nagipon ng plema sabay dura nito sa isa nyang kamay. Inilapit nya ito sa sugat ko.

"TEKA TEKA TEKA! Anong gagawin mo dyan?!"

"Ipapahid ko sa sugat mo."

"Dapak?! Bakit?"

"Sabi ko diba magkaiba kaming pamamaraan ng paggagamot? Eto yung sakin. Yung plema ko nakakagamot ng mga sugat at sakit." Seryoso nyang tugon.

"Pwedeng magbackout? Anong klaseng paggagamot yan, mas malala pa yung gamot kaysa sa sakit eh! Daig mo pa yung albularyo na nagpapainom ng pawis nya para manggamot."

"Pwede mo rin namang inumin to kung gusto."

"Wow ibang level ang competitive spirit mo uh, ayaw mong magpatalo sa albularyo. Hindi! No way! Yada! Ikaw na lang kung gusto mo. Kaderder amp."

"Edi sige kung ayaw mo talaga, ikaw rin."

"Feeling mo naman manghihinayang ako? Ok nako, mas gusto ko pa-"

Biglang umandar yun tren dahilan para mawalan kami ng balanse. Napakabit ako bigla sa bakal na hawakan at yung bata naman ay napakapit sa braso ko. At sa kasamaang palad, pumahid na parang lotion yung wonder salve nya.

"○○○○○○○ KADIRIIIIIII!" Buong ningnin kong sigaw. Pero di nagtagal nagbago rin ang tono ko. "....ooooohh. ansarap uh. Anong nangyayari?"

Unti unti akong nakaramdam ng mainit na sensasyon na may konting pangangati. Makalipas ang ilang sandali.

"Gumaling na yung sugat ko! Ang galing!" Sabi ko.

"Ano pa nga bang sabi ko kanina. Ayaw mo kasing maniwala eh."

"Oo nga sabi ko nga. Pasensya na pinagdudahan kita. Pero kadiri naman kasi eh..... Ano palang gagawin ko rito?" Tinuro ko yung natitirang likido na nagsiimula nang tumigas sa braso ko. Tumalikod sya at sinulyapan ako palikod.

"Nagawa ko na ang lahat ng aking makakaya. Hindi ko na problema yan."

Langyang bata ire. Nagfeeling misteryosong karakter pa kung sumagot. Parang syang yelo, ang sarap ihampas sa pader. Ipapahid ko sana sa kanya yung plema kaso bigla dumating yung dalawang babae. Itinago ko sa likod ko yung bisig ko. (May nalilito rito so para malinaw, braso = arm, bisig = forearm. Intiendez?)

"Ano tinago mo?" Tanong ni Tifa. "Nakita ko may linagay ka sa likod mo eh."

Pinunas ko sa balak yung plema tapos pinakita ko sa kanya yung kamay ko.

"Wala uh.  Nagpeflexing lang ako sa ng maskels ko."

"Hmmmmmm. Ok."

"Sa ngayon nakatakas na tayo sa mga kalaban pero para makasiguro dun na tayo bumaba sa huling istasyon. Kamusta ang lagay ni Jazz?" Tanong ni Makie na umupo sa upuan malapit sa pwesto nila Mirasol. Napataas ang kilay nya sa nakita, di maikubli ang paghanga.

Halos kalahati na ng sugat ni Jazz ang naghilom.

"Kahanga-hanga ang kakayahan mo para sa isang tao iha. Bihira ang may kapangyarihan na magpagaling ng ganito kabilis."

Mas bihira yung plemagic potion nung kapatid nya. Try nyo.

"Isang himala na hindi pa kayo nahahanap ng Organisasyon at Kanlungan hanggang ngayon. Saan ba kayo nagmula at nagkubli?" Tanong ng diwata.

"Oo nga. Huli tayong nagkita bigla kayong nawala. Wala sa hinagap kong magkikita tayong muli sa ganitong sitwasyon. Akalain mo bang simula pa lang binigyan nyo na ako ng clue sa tungkol sa bertud ko."

"Sino ba talaga kayo? Bakit nyo kami tinutulungan?" Tanong ni Tifa na may bahid ng lambing sa mga batang kausap nya.

Lumingon sa direksyon namin ang dalawang bata.

"Mga ate, kuya. Maaari ba kayong makinig sa kwento namin?" Tanong ni Mirasol.

At nagsimula silang magkwento.

Ok direk, bigyan moko ng artistic flashback scene.

*pan to right, zoom in, fade to black and dramatic music starts.*

˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙

Tulad ng nasabi nila, lumaki sila sa pamilya ng manggagamot. Isang albularyo ang lola nila, ang lola ay manggagaway. Parang mangkukulam pero sa mabuting paraan. Kung paano naging mabuti ang pangkukulam aba'y malay ko.

Ang tatay nila ay naging doktor dahil hindi nito nagustuhan ang propesyon ng kaniyang ama. Gusto nitong patunayan na ang medisina ay isang siyentipikong larangan at di inaasa sa kabulastugang tinatawag na mahika. Sa ganap na edad pinili nitong humiwalay ng pamumuhay sa kaniyang magulang.

Di lumaon nagkaroon ito ng asawang doktor din. At ipinanganak ang kambal nilang anak na si Mirasol at Ever.(sa wakas may pangalan na si kuya). Ngunit may problemang silang kinaharap.

Ipinanganak na bulag si Mirasol.

Bilang isang alagad ng medisina ginawa nila ang lahat para lunasan ito ngunit hindi naging sapat lahat ng karunungan nila at teknolohiya para mapagaling ang kanilang anak. Hindi rin pwedeng sumailalim ito sa isang operasyon para palitan ang kanyang mata dahil sa kanyang kakaibang lagay.

Ang karamdaman ng kanilang anak ay isang sakit na hindi pa natutuklasan ang lunas at pinagmulan.

Lumapit sila sa mga eksperto ngunit bigo parin sila. Sa huli isang pamamaraan ang naisip nilang gawin, labag man sa kanilang kalooban. Ang hingin ang tulong ng lolo at lola ng kanilang mga anak.

Isang ritwal ang ginawa sa mga bata. Kung bakit kasama si Ever gayong si Mirasol lang ang may karamdaman di nila maintidihan. Sa mata ng mag-asawang doktor ito ay katawa-tawa pero sa mata nila bilang desperadong magulang ay ito ang kanilang tanging pagasa.

Tumagal ang ritwal ng ilang oras. May likidong pinainom sa mga bata, dinasalan, pinausukan, tinawas, sinuutan ng kwintas at kung ano pa. Sa lahat ng ito nagkimkim lang ng inip at pagdududa ang magasawa para sa ikabubuti ng kanilang anak. At sa wakas dumating din ang balitang hinihintay nila.

At hindi nila ito nagustuhan.

Hindi maaaring gumaling si Mirasol, dahil sa simula't sapul wala itong sakit. Ang kanyang pagkabulag ay isang 'biyaya' na magkakaroon ng malaking papel sa hinaharap. Regalo ito ng dating henerasyon ng Napili na dapat linangin at matutunang gamitin.

Lahat ng paliwanag ay di pumasok sa isipan ng magasawa, isa lang ang naintindihan nila. Ang lolo at lola ay mga huwad na manggagamot. Hindi na dapat sila nag-aksaya ng panahon pa. Isang malaking pagtatalo ang naganap sa pagitan ng apat. Sa gitna nito isang tawag ang natanggap ng tatay nila Mirasol.

Isang grupo ng ekspertong manggagamot ang nagkainteres sa kalagayan ng batang babae, at sa pagaaralan ng talaang pangmedikal malaki ang posibilidad na mapagaling nila ito. Nagdulot itong labis na kagalakan sa puso ng magasawa, sa wakas magkakaroon na ng tunay na lunas ang anak nila di gaya ng sabi ng pekeng manggagamot niyang ama't ina.

Nagmadali silang umalis taliwas sa pagpipigil ng mga magulang nito. Binalaan sila nitong wag ilapit ang mga bata sa iba para sa kanilang kaligtasan pero sino bang makikinig sa huwad na kagaya nila?

Kinabukasan dinala nila ang mga bata sa isang opisina kung saan may tatlong tao sa loob. Sa umpisa palang parang may mali na. Mukhang hindi manggagamot ang tatlo, at ang interes na ipinapakita nila sa dalawang bata ay hindi natural. Nagdesisyon silang magalang na tumanggi at umatras sa kanilang inalok na tulong bagay na di inaasahang tinanggap naman ng mga ito.

Ngunit paglabas nila isang eksena ang pumulandit sa kanilang pamilya. Napapalibutan sila ng halimaw bakas ang galit at gutom sa mukha. Kahit natatakot nagawang makatakbo ng magasawa bitbit ang kanilang mga anak. Pero hanggang dun lang ang kanilang kinaya.

Ilang sandali ng kanilang pagtakas, pumanaw ang kanilang magulang sa brutal na pagpapatay ng mga halimaw. Marahil isang kasuklam-suklam biyaya, di nakita ni Mirasol ang kaganapan. Tanging ang kahindik hindik na tunog ng napupunit na laman na inaakompanyahan sigaw ng mga magulang nila ang parang teribleng kanta paulit ulit na tumutugtog sa kanyang isipan. Hindi naging sing swerte nya si Ever na nasaksihan ang lahat.

Sa isang liwanag na kumalat, tumambad sa kanilang harapan ang likod ng kanilang lolo at lola. Lumuluha silang humingi ng kapatawaran sa dalawa sa pagdating ng huli para mailigtas pa ang magulang nila. Inutusan nila si Ever na  tumakas at protektahan ang kapatid. Kahit labag sa loob, iniwanan nila ang kanilang lolo at lola na napapalibutan ng halimaw. Iyon na ang huling pagkakataong nakita nila ang kanilang magulang at lolo at lola.

Patuloy lang sa pagtakbo at pagtakas ang magkapatid, umabot ito ng ilang linggo tumitigil lang para magpahinga, matulog at kumain kung may magbigay o mahanap sila sa basurahan. Nung dumating yung oras na hapong hapo na sila sa pagod at gutom, isang misteryosong lalaki ang nagalok na tumulong sa kanila.

Itago na lamang natin siya sa ngalang Emilio Jacinto.

Kapalit ng tulong ay may ipapagawa siyang simpleng misyon sa dalawang bata.

Iyon ay ang katagpuin ang isang partikular na gwapong ubod ng sex appeal na binatilyo, at siyasatin ang kayang paguugali. At kung may busilak itong puso, ipadala ang mensahe nais ipaabot ng lalaki sa kanya.

Gaya ng inyong sapantaha, ang binatilyong tinutukoy nila ay (drumroll please) *ratatatatatatatatatatatatatatatata bagishh!* ako. At tulad ng inaasahan, may busilak akong puso kaya binigay nila ang mensaheng di ko naintindihan agad.

Matapos yun, binigyan nya ng sapat na pangtustos ang mga bata at itinalagang maghintay sa monumento para sa pagdating ko, kung saan ligtas din sila sa panganib dahil sa hatid na proteksyon ng dambana ni Bonifacio.

Pero sa di inaasahang kaganapan, isang araw bago kami dumating ay isang pamilyar na mukha ang naunang dumating. Ang isa sa tatlong nasa loob ng opisinang pinagdalhan sa kanila ng mga magulang nila.

Ang Batingaw.

And the rest, is history.

Ok cut! Salamat direk!

*zoom out, fade to white, and dramatic music stops*

˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙°˙

Natahimik kaming lahat. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Kung ikukumpara sa sitwasyon ko, ang dinanas nila ay ultra hard mode. Pero nagagawa pa rin nilang tumawa.... Ibig kong sabihin, nagagawa parin ni Mirasol na tumawa, habang si Ever nagagawang magpahid ng plema. Rakenrol.

Walang makapagsalita sa amin, hindi malaman kung anong mga kataga ang dapat bitawan.

'Walang hanggang pag-asa.'

Napatingin kami kay Tifa.

"Hango ang pangalan nila sa mga bulaklak. Ang Mirasol ay tagalog ng Sunflower. Ang Ever ay pinaikling Everlasting, o walang katapusan. Ang bulaklak ng araw ay maaring sumimbulo sa pag-asa. Kaya ang ibig sabihin ng pangalan ninyo ay 'walang hanggang pag-asa'." Ngumiti sya. "Napakaganda ng pangalang bigay sa inyo ng magulang nyo. Bagay na bagay sa inyong dalawa."

May tila may nabasag akong narinig. Ang pader ng depensa na buhat ng mga bata ay nagiba, at sa likod nito ay nakita ko ang tunay nilang katauhan. Mga batang nagnanais umiyak sa pangungulila at maging mahina sa kamay ng mga taong proprotekta sa kanila sa lahat ng nais manakit. Dumaloy ang luha sa kanilang mga musmos na mata at yumakap sa Tifa.
Sa gulat napahawak ito sa bakal kung saan may treasure na nakadikit. Tinignan nya ang kamay nya at dahan-dahang lumingon sa akin. Tumingin ako sa taas at sumisipol na binilang yung pagpatak ng tubig galing sa hightech na aircon ng tren.
Ginantihan nito ng akap at marahang pagtahan ang dalawa habang iniisip marahil kung paano nya ako gugulpihin pag nagkaroon ng pagkakataon.

Marahil naramdaman nilang parehas sila ng dinanas. Parehas nilang nawalan ng magulan sa kanilang harapan. At nakahanap sila ng isang espesyal na koneksyon.

Nung panahong yun nais ko sanang umiyak din. Pero sa ibang dahilan. Gusto ko rin makiakap kasi  bago man lang ako magulpi mwuhehehehe.

Pero may nangyaring biglang pumigil sa pang Famas level na eksenang yun.

Biglang umupo si Jazz na parang bagong gising lang.

"JAZZZZZZ!" Sigaw naming lahat.

"Oo, ako nga si Jazz. Bakit parang di nyo alam? Anong meron?" Nagtatakang tanong nya.

Pero binalewala namin yun sa tuwang aming nadarama. Napalitan ang lungkot ng pagdiriwang ng pagbabalik ng aming kasama. Naalala rin nya paglipas ng ilang sandali ang nangyari at taos puso syang nagpasalamat sa dalawang bata at inalok nya ng bulate bilang gantimpala na tinanggihan nung dalawa. I dunno why.

"Hahahahaha... May pala ako." Tatawa-tawang aabi ni Jazz.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Nagtataka lang kasi ako eh. Hahaha. Kung nandito tayong lahat, sinong nagmamaneho ng tren? Hahahaha."

"Hahahaha oo nga noh?"

"Hahahaha...."

"............."

"............................."

Bigla kaming nagsigawan at kumaripas ng takbo tungo sa unahang bahagi ng tren. Pwera lang kay Mirasol na biglang tumakbo sa kabilang direksyon. Dagli ko syang hinabol at binuhat saka sumunod sa mga kasama ko.

Inabutan ko silang nagsisigawan at nagtatalo. Ilang segundo nalang at aabot na kami sa dulo. Dali-dali naming hinatak ang preno at kasabay ng nakakangilong tunog ng bakal na nagkikiskisan bumagal ang pagusad ng tren hanggang tuluyan itong huminto may dalawang dipa ang layo mula sa dulo.

Bumagsak kaming lahat sa papag ng tren. At malipas ang ilang segundo napuno ng tawanan ang bagon na sinasakyan namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Anong gagawin natin sa kanila?" Tanong ni Tifa patukoy sa dalawang bata na natutulog sa kanyang kandungan dahil sa pagod.

Naka sakay kami sa isang pampasaherong FX na inarkila naming magmaneho lang kahit saan(wala pa kaming kasalukuyang destinasyon). Sa mga nangyari wala nang natitirang lakas pa si Makie na magmaneho kung kaya nirentahan nalang namin ang serbisyo ni manong drayber na nagngangalang Daniel Padilla. Pero ako na nagsasabi sa inyo, mas mukha pa syang Pacquiao kaysa Padilla.

Nung una tinanggihan nya kami. Di ko sya masisisi, sinong magsasakay sa mga batang gula-gulanit ang suot, puno ng galos at ang isa'y wakwak pa ang damit sa likod (may dugo pa ata,o baka design lang?). Pero nung inabutan namin sya ng isang rolyo ng pera, kulang nalang magmoonwalk sya nang parahap sa amin. See no evil, hear no evil, speak no evil ang drama nya samin. Feeling nya siguro sya yung papalit sa pumalit kay Jason Statham sa Transporter.

"Hindi ko pa alam." Sagot ko. "Ang pinaka magandang hakbang ay dalhin sila sa Kanlungan pero wala tayong panahon para run. Sa ngayon kailangan muna nating alamin ang susunod na hakbang at pupuntahan na nais ipaalam sa atin ni Jacinto."

"Paano naman natin malalaman yun? May nakuha kabang dereksyon mula sa kanya sa monumento?" Tanong ni Makie.

"Wala, diko sya nakita ng personal. Pero may nakilala akong bagong penpal na makakatulong sa atin."

Inilabas ko ang liham na halos pagbuwisan namin ng buhay makuha lamang sa tuktok ng monumento. Ang liham ng ama ng Katipunan. Ng tunay na Supremo.

Ang liham ni Andres Bonifacio.

Tinanggal ko ang selyo nito, binuksan ang ilaw ng FX at nilabas ang lumang papel na naglalaman ng mensahe ni Ka-Andres. Lumapit sila sa akin para silipin ang mga unang katagang nakasulat gamit ang tindang parang natuyong dugo. At ang mga katagang ito ay.....

'ELhoWz Ph03zsZ'

Pero syempre joke lang yun. Ang tunay na nakalagay ay....





※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

A/N:

You hate me right? Aminin nyo you hate me. Ang tagal magUD tapos nakakabadtrip mambitin. Lagi nalang ganun.

Sorry na. Busy kasi eh, tapos nagkasakit pa, nabedridden ng ilang araw. Pero walang may pake so shutup muna ako haha.

Promis, mas mabilis next update makabawi man lang.

As promised, batian portion tayo sa mga nag floodvotes. Say present guys.

OMInomnom23
darleneHOKAGIRL
SeVin_09
MOMOSEa
ShaylaTenorio
Uerie_24
jhoybanzil
jeniferpunzalan
kuyanic023
gerland15
win999
AlterTime
mAskofLie016
DatGuyStoryMaker
Misskreylane
MailaYruma
achilljim08
khen69
LonelyKatzuki
thunderBert_001
sanchisan
MiloLeonardo
Dom_24
Aogiri
jhelaiann7

Lastly, di nagaapear id ninyo, baka nagbago kayo mali spelling ko. Pm nalang
sychupid, anordinarygirl12

Special mention sila:
mmavinante
IamShishuka19
trevojenna

You know why
;)

At syempre sa idol kong si:
ICE-014

Na patuloy na nagbibigay ng sarili nyang interpretasyon ng mga karakter sa pamamagitan ng pagsusulat.

P.S. yung mga suot nila ay base sa deskripsyon ko sa ilang kabanata. Kaya rakenrol.
I hope namention ko lahat.

Yun lang muna. Chiao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top