KABANATA XXXV - Kaguluhan sa Kalookan

Ang swerte ko talaga.

Sa loob nang limang araw na palugit, wala pang bente-kwatro oras nakaharap ko na kaagad ang halimaw na natatakam sa buwan at ang kalabang pinaiiwasan sakin. Kumbaga sa RPG, kakalabas ko palang sa starting town Final Boss kaagad ang naencounter ko. Sana hinayaan muna akong maglevel up man lang.

Hindi pa nakakalubag loob na nakabitin ako sa tore at anumang oras pwedeng mahulog. Makababa man ako, nasa ibaba naman ang Batingaw.

Ang swerte sweeeerte ko talaga.

"piNiLiiii..." Dumaloy na parang kuryente sa katawan ko ang boses ng Bakunawa. Katulad ito ng nasa panaginip ko. Isang boses na magpapanginig sa buto mo sa katawan.

"....Shenron, ikaw ba yan? Pwede bang magwish?" Tanong ko.

Umangat ang ulo nito na parang cobra. Ang parang paikot na palikpik nito sa palibot ng ulo bumuka at kuminang ito sa sinag ng araw. Kung tutuusin napakaganda nitong nilalang. Mas maganda pa kumpara sa makikita mo sa mga pelikula.

Kasing laki lang ito halos ng tren ng LRT. Ang ulo nito ay parang sa dragon na parang ahas. May mala-latigo itong bigote sa makabilang parte ng mukha. May pangil itong nakalabas sa bibig na kakainggitan ng sabertooth tiger. Pahaba ang katawan nito na parang ahas, wala itong kamay pero meron itong pakpak na nakatiklop sa kanyang katawan. Ang buong katawan nito ay puno ng kaliskis na tila patalim na kulay pilak, ginto, bughaw, berde at dilaw na kumikutitak sa binabalik nitong liwanag.

Matutulala sana ako sa ganda nito kaso bigla syang sumugod sa akin kasabay ng malakas nitong hiyaw. Kitang kita ko ang pagbuka ng malaki nitong bibig na sagana sa ngipin. Balak nya akong lamunin kasabay ng bahagi ng monumento. Napakapit ako nang mahigpit at iniwaksi ang aking mukha.

Pero hindi dumating ang kanyang pag-atake.

Nilingon ko ito uli at nakita kong paulit ulit nitong binabangga ang kawalan. Tila ba may isang hindi makitang harang na pumipigil sa ditong makalapit. Para syang tumatalbog sa ere. Pilit nya parin itong ginagawa habang umuulan ng kanyang nagngangalit na sigaw.

"Milo." Sabi ng boses ni Makie sa communicator. "Sagradong dambana ang bantayog ni Bonifacio kaya hindi ito basta-basta masisira ng bakunawa sa kasalukuyan nitong lakas. Pero hindi matitiyak kung hanggang kailan tatagal ang proteksyon na yan kaya kakailanganin mong umalis dyan sa lalong madaling panahon."

Madaling sabihin mahirap gawin.

"BILISAN MO NA! May dagdag pa tayong problema rito!" Hinanap ko kung yung sinasabi nya at nakita ko nga. Yari.

Sa butas na ginawa ng bakunawa ay may mga naglabasan na pamilyar na nilalang. Mga amalanhig na parang naligaw mula sa set ng Thriller at mga amomongo. Long time no see kami, muntik nakong maiyak sa reunion namin. Nagbago pa sila ng timeslot, tanghaling tapat sa presensya ng maraming tao nagpakita sila. Lumalakas ang loob ng Organisasyon.

Patuloy na dumami ang kanilang bilang nang may mga dumating na pulis. Kita ko sa itsura nila ang pagkabigla pero hindi sila nagpadala rito. Pinaulanan nila ang mga ito ng bala pero habang halos di nila matamaan ang mga amomongo, hindi naman iniinda ng mga amalanhig ang balang tumatama sa kanila.

Isang sekyu ang matapang na nakisali sa putukan, tinutukan nya sa mukha ang isang amalanhig ng shotgun nya at boom, nawala ang kalahati ng ulo nila. Akala nila nakaisa na sila ngunit lalo lamang silang napatda nung hindi tumumba ang amalanhig, at nakipag eyecontact lang ito kanya. Dun na sila nabasag sa takot at kumaripas nang sobrang bilis ng takbo. Pwera run sa mga pulis na sinlaki ng shelane yung tyan. Kala mo bughaw na penguin kung tumakbo, lumulumba lumba. Kung sino pa alagad ng batas, sila pa mukhang manas.

Isang pulis na nadapa ang kinubabawan isang amomongo. Pinagbabaril nya ito pero hindi ininda. Nung aktong sasagpangin na sya tumama ang isang punyal sa noo nito at naging alikabok sya. Nakisali na si Makie at Jazz sa labanan habang ang dalawang bata ay pinoprotektahan ni Tifa habang inaalalayan nya ang ilang sibilyan tumakas. Dun ko lang napatunayang totoo ang sinabi ni Makie noon na hindi tinatamban ng ordinaryong sandata ang mga kalaban. Buti nalang nandyan ang squad ko to the rescue.

Pero hindi nila kakayanin ang dami ng kalaban, lalo na kung maisip ng bakunawa na mas madali silang target kaysa sa akin.

Nagmadali nalang akong bumaba na may halong pagiingat. Nung malapit na ako sa puwesto nila Bonifacio lumundag ako at umikot sa lupa pagbasak para makaiwas sa anumang atakeng inihanda ng Batingaw. Agad kong inilabas ang Balisw--.. Bagwis at inumang ito sa kalaban.

Na walang pakialam sa akin.

Nakatalikod sya sa akin. Tumatapik ang isang paa sa lupa, hawak ang headphones, at marahang humehead bang. Habang sa paligid namin may dragon na nagwawala, nagkakaguluhan ang mga tao at mistulang nagkakadelubyo, sya ay humeheadbang na parang walang pakialam sa mundo.

Parang may pumutok na ugat sa aking ulo.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako narinig.

"Hoy! Batingaw! Itigil mo na ang kagaluhang dinulot mo, kundi sasaksakin kita ng sandata ko!" Wala parin syang reaksyon kahit binalaan ko sya. Sabagay tingin ko di ko naman magagawa yun nang ganun kadali. Nakakabadtrip sya.

"HUY!"

"Sssshhhhh..." lumingon at sumenyas sya sa akin na manahimik. "Wag mo munang akong istorbuhin. Maggi-guitar solo na kasi si Slash."

Tapos umarte sya na parang naggigitara. Feel na feel pa nya pagiging lead guitarist kahit wala syang hawak na gitara.

Tae, may sayad ito.

Umikot ako para makaposisyon ako sa harapan nya. Sa tenga ko sumisigaw ang mga kasama, tinatanong kung anong ginagawa ko at pinatatakas ako. Ibinulsa ko ang communicator. Humingi ako ng kapatawaran sa isipan ko, lalo na kay Lam-ang. Alam kong nangako ako sa kanyang wag haharapin ang Batingaw pero sa nangyayaring kaguluhan batid kong ang Batingaw lang ang makakapigil nito.

Tinutok ko ang dulo ng Bagwis sa mukha nya.

"Hoy! Kinakausap kita! Ang sabi ko itigil mo na tong ginagawa mo!" Sabi ko. Epektibo naman dahil nakakuha ako ng reaksyon sa kanya. Pero hindi tulad ng reaksyong inaasahan ko.

Itinaas nya nang bahagya ang kanyang antipara(shades) para tignan ang Bagwis at napataas ang kanyang mga kilay.

"Oooooohhhhhhh espadang gawa sa balahibo nang Minokawa! At napaka ganda nang pagkakagawa! Ito ba ang ginamit mong pamaslang sa sigbin ko? Kaya naman pala. Pero mas kahanga-hanga ka sanang tignan kung di nanginginig ang kamay mo." Sabi nya na parang may tonong kumakanta. "Ibaba mo muna yan, relax lang muna, wala akong balak labanan ka. Parang nakakabastos naman kung maguusap tayo nang may nakatutok sa aking mukha hindi ba?"

Nakangiti sya sa akin tulad nung unang nagusap kami. Wala akong makitang bahid nang kasamaan sa kanya, na mas lalong nakakabahala. Paano nya nagawa ang ganoon nang walang kahalangan. Ang pinaka nakakatakot na tao ay yung taong hindi alam na masama sila o ang ginagawa nila.

Binaba ko ang sandata ko. Tawagin na nating katangahan, pero di ko maatim na undayan ang kalabang di armado. Kahit na ang Batingaw pa ito.

"Yun ba ang dahilan kaya ginagawa mo ito?! Para paghigantihan ang alaga mo? Idadamay mo ang maraming tao para lang dun?!" Galit kong sigaw.

"Saglit lang, hindi ata tayo parehas ng pahinang binabasa. Paghihiganti? Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong nya.

"Dahil pinatay ko ang sigbin mo."

Hinawakan nya ang baba nya na parang nagiisip.

"At?" Tanong nya.

"...pati narin yung ibang alaga mo."

"At?"

"...pinatay namin ang mga kaibigan mo kaya gusto mo maghinganti?"

Tinawanan nya lang ako. Tinapik pa nya ako sa balikat na parang close kami.

"Napaka inosente mo Pinili." Ika nya. "Sa sobra mong inosente natutuwa ako sa iyo. Hindi ko sila kaibigan. Ang kaibigan isa lamang ilusyon na gawa ng mga tao para sa sarili nilang kapakanan. Isang malaking kalokohan. Wala sa akin kung pinatay mo ang sigbin ko. Para sa akin isa lamang silang kasangkapan para gawin ang aking pinaguutos at pwedeng palitan kapag tapos na ang pangangailangan ko sa kanila. Hindi importante sa akin buhay nila. Pero syempre kung uubusin nyo sila lahat mamomroblema ako kaya sana limitahan nyo lang ang pagpatay sa mga alaga ko hah hahaha."

"Nakakasuklam ka."

"Salamat." Hinawakan nya ang puson nya at iniamang ang kabilang kamay saka bahagyang yumukod. Parang butler na nagpapasalamat sa papuri. Nakakairita sya.

"Anong kailangan mo kung di ka maghihiganti? Para kunin ang bertud o yung kinuha ko mula sa istatwa sa taas? O gusto mo rin akong patayin? Ako na magsasabi sa iyo, hindi ako papayag na magpatalo sa iyo basta basta."

"Uy hindi uh. Para namang napakasama ko sa sinasabi mo. (hindi ba?) Hindi ako pulitiko para nakawan ka, hindi rin ako naparito para kunin ang buhay mo. Kaya kong gawin yun anumang oras ko gustuhin pero nasaan ang saya run? Wala nang mas boboring pa sa isang larong nagsisimula palang natapos na agad. Magkaiba nga lang kami ng pananaw ng bakunawa." Sabay turo nya rito.

Nilingon ko ito. Nakatanghod ito at naninipat, naghihintay ng pagkakataong sagpangin ako habang binabanggit ang salitang 'PiNiLi' nang paulit-ulit. Napakainam, magkakaroon lang ng stalker, ahas pa.

"Alam mo kasi, yung mga kasama ko nababahala na sa iyo. Ang unang Pinili ng bertud malipas ang mahabang panahon. Isa kang malaking balakid sa aming mga plano. Pero aaminin ko sa iyo hindi ako sang-ayon sa kanila, wala akong makitang dapat pangambahan sa iyo. Isa ka lamang pangkaraniwang ipis na pwede apakan  ng Organisasyon kug gugustuhin namin."

"Bakit hindi mo ginagawa? Takot ka ba sa ipis?" Natawa sya sa tinuran ko.

"Gusto ko ang ugali mo Pinili. Nakakatawa ka. Bakit di ka nalang umanib samin? Panigurado may mahahanap akong posisyon para sa iyo."

"Sorry pero tatanggihan ko ang nakakatakam mong alok. Im a busy people."

"Person. Plural yung people. Bakit madami kaba?"

"Eh anong pakialam mo? Nasa Sesame St. ba tayo para turuan moko ng grammar?" Tumawa syang muli.

"Nakakaaliw ka talaga Pinili, nakakapanghinayang na nasa kabilang panig ka, panigurado magkakasundo tayo." Malamang hindi, psychotic ka eh, sabi ko sa isip ko.

"Iba ang dahilan kung bakit ako naparito." Sagot nya sa unang tanong ko. "Una para ipasyal ang bakunawa, kailangan nya magsite seeing at magexercise. Pangalawa ay para subukan ang kakayahan mo. Gusto kong makita ng sarili kong mga mata ang tunay mong kakayahan. Kung nararapat ba kitang ituring na katunggali o katulad ka rin ng iba na kadidismayahan ko. Kung tutuusin, kung kaya mo gamitin ang bertud mas matutuwa ako. Gusto kitang kaharapin kapag naabot mo na ang potensyal mo, mas magiging masaya ang pakikipaglaban sa iyo."

"Dahil lang don? Dahil lang doon?! Gusto mo akong subukan kaya sisirain mo ang lugar na ito?! Idadamay mo rito ang walang kamalay malay na tao para lang subukan ang kakayahan ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wow, why the hate? Kung ang inaalala mo ay yung pagkasira ng lugar na ito wag kang mag-alala. Bukas maayos na ang lugar na ito, lahat ng nasirang gusali makukumpuni. Lahat ng gamit mapapalitan. Di lalabas sa media ang nangyari at lahat ng tao ang malilimutan na naganap ito. Kayang gawin ng Organisasyong parang hindi nangyari ang tagpong ito kaya wala ka dapat ipangamba."

Nagulat ako sa sinabi nya. Ayoko syang pagkatiwalaan pero kahit kalaban sya tingin ko hindi sya nagsisinungaling sakin.

"Paano ang mga taong madadamay? Kung may namatay sa kanila, ibabalik mo rin ba ang buhay nila?" Tanong ko.

"Wag kang tanga. Ano to, dragonball? Pinatay na si Yamcha binuhay pa ulit para lang maging extra? Hindi. Ang buhay kapag nawala na hindi na maibabalik kailanman. Pero sa pagkakataong ito, ang mga mamamatay ay titiyakin hindi hahanapin ng naiwan nila. Malilimutan na lamang nila ang pagkatao ng pumanaw. Sa kabilang banda mas ok yun, mas may dating."

Tumawa sya. Nung una akala ko isa syang taong madadala sa usapan. Kung tao man sya. Akala ko base sa paguusap namin nung una may bahid ng kabutihan ang puso nya at maaari kaming magkasundo. Ngunit habang nakatingin ako sa mata nyang puno ng malisya't paglahalang, naintindihan ko na kung bakit ayaw akong paharapin sa kanya ni Lam-ang. Masama nga syang balita. Sa maraming dahilan.

"Isang kang baliw. Isang kang baliw na mamamatay-tao!"

"No no no no no no mali ka run bata." Napailing sya na parang pinapangaralan ako. "Baliw pwede pa, pero hindi ako mamamatay tao. Dahil para sa akin ang buhay ay parang kanta. May masaya, malungkot, puno ng galit o pighati. Mayroong mahaba mayroong maikli. Pero kahit anong ganda o pangit ng isang kanta, isa lang ang pinagkatulad ng lahat. Lahat ng kanta ay may katapusan."

Itinaas nya ang mga kamay nya na parang kumukumpas ng kanta. Tapos huminto sya at ngumiti sa akin.

"At ang buhay tulad ng kanta, natatapos rin. Hindi ko sila pinatay, sabihin nalang nating pinindot ko ang fast forward dahil dun din naman ang pupuntahan nila. Mamamatay rin sila sa huli. Tinutulungan ko lang sila."

"Hindi ikaw ang magdedesisyon nyan!" Napuno na ako sa kanya tinagpas ko sya ng Bagwis. Akala ko tatamaan ko sya dahil mukha sya di nakahanda pero simple nya lang itong inilagan.

Pinitik nya ang hawak nyang kampana at bumagsak ako sa sahig takip-takip ang aking tenga. Tila sasabog lahat ng aking ugat sa pag-ugong ng tunog mula rito.

"Wag kang arogante, sinabi ko na hindi kita papatayin pero pwede magbago ang isip ko anumang oras. Kung gusto mo talaga akong labanan pagbibigyan kita at pinapangako ko sa iyo, hindi ka tatagal ng limang segundo. O pwede ring tulungan mo nalang ang mga kaibigan kanina pa nananaghoy sa iyo."

Dahan-dahan akong tumatayo at napalingon sa mga kasama ko. Patuloy silang lumalaban sa mga lamang lupang patuloy ang pagdagsa. Hindi naman sila makalayo tungo sa ligtas na lugar dahil hinihintay nila akong bumalik.

May tinuturo si Tifa sa akin. Isang batang babae na naglalakad papalapit sa Bakunawa. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya run pero tila nahipnotismo ito sa ganda nito. Hindi pa sya napapansin pero anumang sandali ay makikita na sya ng ahas-dragon. Masyadong malayo ang mga kasama ko sa kanya. Ang pinaka malapit sa bata ay ako.

"Magdesisyon ka, haharapin mo ang kamatayan sa kamay ko o ipapakita mo sakin kakayahan sa paglusot sa hamon kong ito?" Tanong nya habang hawak-hawak ang kampana nila. Saktong lumingon ang Bakunawa sa bata. Hindi nako nagdalawang isip, mas importanteng iligtas ang bata kasya makipagsapalaran sa isang labanang di wala akong kumpyansang manalo.

"Kung ano man ang binabalak nyo ng Organisasyon, hindi kayo magtatagumpay. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para sirain ang plano ninyo. Sa susunod na magkikita tayo hindi na magiging kagaya nito ang sitwasyon."

"Syang tunay. Magkikita pa tayong muli. Higit pang mas maaga sa inaasahan mo." Sumandal sya sa monumento at nagkrus ng bisig. Inoobserbahan ang bawat kilos ko.

Ang angas lang. Pitikan ko kaya sya ng kulangot?

Sumigaw ang bakunawa nang ubod ng lakas, buong atensyon nito ay nakatutok sa batang babae na hindi natinag at patuloy na lumalapit. Sino ba yun, at anong bang nais nyang gawin? Wala nang oras para magisip dahil akmang sasagpangin sya ng bakunawa.

Kumaripas ako ng takbo, pinaka mabilis sa tanan ng buhay ko dahil baka di ko abutang buhay yung bata. Nung malapit na ako biglang tumuklaw yung bakunawa, sumabay ako ng paglundag. Gamit ang kaliwa kong braso niyakap ko yung bata, sa kanan ko naman kita ko ang bunganga ng bakunawa na papalapit sa amin. Di ko kayo tatakutin, pero parang nakita ko na ang tarangkahan ng impyerno. Ang init ng hininga nitoy waring nakakalusaw ng balat. At ang pangil nitong papalapit ay halos kasinglaki ng aking katawan.

"Aaaaahhhhhhhhhh!!" Ginamit ko ang Bagwis para tagain ang Bakunawa. Tumama ito sa pangil nya na lumiksa ng ambon na kislap at 'skkeeeeeeeehhh' na tunog ng magkiskisan tulad ng sa metal. Hindi sya nahiwa ng balahibo ng minokawa. Marahil pantay lang ang antas ng kayang ngipin(pati narin siguro ng kaliskis) sa tibay at talas nito. Pero sapat na para maiwaksi ang pagsugod nya.

Umikot ako sa ere para pagbagsak ko ay nasa ibabaw yung bata. Kumalabog ang likod ko at saglit akong nawalan ng hininga. Ang bakunawa naman at nanlilisik ang mata sa aking ginawa. Biglang dumilim. Yun pala sa ibabaw ko nakaangat ang dulo ng buntot ng bakunawa at handa kaming bagsakan. Gumulong ako pakaliwa habang akap ang bata na hindi madali dahil nadadaganan ko sya at baka mapagbintangan akong pedophile.

Bumagsak ang buntot nya dun sa dating pwesto namin. Kasabay ng pagyanig ng lupa, nawarak ang sahig sa lakas at bigat nito. Inangat nya ito muli para ulitin pero sa pagkakataong iyon nakagapang na kami patayo. Binuhat ko yung bata at tumakbo bago bumagsak sa likuran namin yung buntot. Ngunit bago kami nakalayo biglang bumungad sa amin ang kahindik hindik na mukha ng bakunawa na humarang sa aming pagtakas. Naghanap ako ng ibang dereksyon ngunit paglingon ko agad nyang akong sinugod, mabuti nalang ay alerto ako at naiwasiwas ko ang Bagwis sa kanya na naiwasan naman nito.

Hindi nya kami hinahayaang tumakas, kapag tatakbo ako sa kaliwa ibabagsak nya ang buntot nya, sa ibang dereksyon nakaharap sya samin at inaatake kami na sa tulong ng Bagwis hindi naisasakatuparan. Batid kong pinaglalaruan nya lang ako, parang isang lobo sa biktima nitong kuneho. Hanggang sa hindi ko napansin na nalibutan na kami ng katawan. Wala ka kaming matatakasan.

"Ka ka ka ka ka kaa." Tunog na nagmumula sa bakunawa. Tila tumatawa sa aming kalagayan. Habang ako naman ay hilong talilong sa kakaisip ng gagawing hakbang.

"Kuya, ibaba mo ako. Ako na ang bahala." Sabi nung bata.

Nagulat ako sa kunpyansa nung bata. Buo ang loob na sumasalamin sa kanyang mata. Walang bahid ng takot hindi tulad ko. Sino ang misteryosong bata yun na naglakas ng loob lapitan ang bakunawa habang ang tangin nais ko lamang ay takasan ito? Ibinaba ko sya.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kakausapin ko sya na tumigil na at bumalik sa pinanggalingan nya." Misteryoso nitong tugon.

"Kaya mong gawin yun?"

"Opo. Marunong akong makipagusap sa mga ahas. Tingin ko maiintindihan nya ako."

"S-sino ka? Anong pangalan mo." Nahiwagaan ako kung sino sya. Baka isa ring syang diwata na tutulong sa amin.

"Margeri." Sagot nya nang may ngiti saka nya kinaharap ang halimaw.

Nagsalita sa lengwaheng diko maintindihan. Parang 'sshhmak fextssspac shhhiiisss lesh' yung tunog na ginagawa nya habang naglalakad papalapit. Ang bakunawa naman ay tumigil saglit at napatingin sa kanya at gumagawa rin ng tunog. Tumagal sila nang mga dalawampung segundo bago tumango ang bata at lumingon sakin na nakangiti. Ayos mukhang nagtagumpay sya.

"Anong sabi nya? Titigil naraw ba sya." Tanong ko.

Nalakad sya pabalik tapos biglang tumakbo na umiiyak at nagtago likod ko. Sya namang lusob ng bakunawa na nasalag ko ng Bagwis, tula mk-tulak ko ang mga pangil nya palayo.

"Anong nangyari?! Akala ko ba marunong ko ng salita ng ahas?"

"Akala ko rin eh!" Sagot nya. "Nabasa ko lang yun dati, akala ko pwede sa kanya kaya sinubukan ko huhuhu."

"Saan mo nabasa?"

"Sa Harry Potter, parsel toungue baga."

"Mali ka ng kwentong pinasok! Akala ko pa man din diwata ka o Napili!"

"Huh, ano yun? Hindi uh, nautusan lang akong magpaload dyan sa kanto. Huhuhu." Sagot nito.

Bwisit. Palpak na bata ito, pinaasa lang ako gaya ng nililigawan o nanliligaw sayo ngayon. Sarap sakalin sa lungs.

Biglang umatras ang ulo ng bakunawa, ang katawan naman nito ay palapit sa amin. Ang tanging matatakasan lang namin ay ang harapan kung saan nakaharang ang mukha nito. Binuka nya nang husto ang bibig nya na kaya kaming lamunin ng buo. Tumutulo ang laway nya na bumubutas na sahig. Wala na kaming ligtas.

BOOOOMM!

Sumabog ang bibig nito at napatalikod kami para protektahan ang aming sarili sa apoy. Napahiyaw ang halimaw at lumayo sa amin na nagbigay daan sa aming pagtakas. Ang pinanggalingan ng pagsabog ay isang palasong pinakawalan ni Tifa na kumakaway sa kanya.

My savior!

Ganun pa man mukhang di gaanong nasaktan ang bakunawa, nagulat lang kaya natigil sa pagatake. Sapat na yun para makalayo kami sa kanya. Ang problema yung mga amalanhig at amomongo ay napuna kami at kami ang pinuntirya.

Limang amalanhig ang humarang sa harap ko. Akala akala ko may dance sequence silang gagawin eh. Tinadyakan ko yung isa na tumama sa nasa likod nya kayat parehas silang napahiga. Tinagpas ko yung ulo nung isa sa kanan at naging alikabok sya. Sumigaw yung bata dahil kinapitan sya nito umikot ako at hinati ang katawan nito at yung nasa likod nito tinuhog ko sa tyan. Yung dalawang nakahiga sinaksak ko sa lupa at walang natira sa kanilang lima.

"Wooah." Sabi nung bata.

"Wooah talaga. Bilib ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ikaw. Ayun oh."

Sa harapan namin may papalapit na dalawang amomongo at nasa pitong amalanhig. Anak ng putong kulay rainbow di na ba sila mauubos. Mahihirapan akong lumaban sa kanila habang pinoprotektahan yung bata.

Skkkkreeeeeeeeee...

Isang rumaragasang jeep ang umararo sa mga ito, ang ilan nadurog sa ilalim may tumalsik o umibabaw sa bubong mayroon ding ibinangga sa di makitang proteksyon ng damnana kung saan sila naging alikabok.

Bumaba mula rito sila Makie at Jazz, nagngangalit ang mata nung una.

"Kanina ka pa namin tinatawag di ka kaagad nagpunta! Siraulo ka talaga ano?!" Sigaw nya habang sinesenyasan ako na tumakbo kasama nila na aking tinalima. "Sino yan?"

"Ewan ko, Margeri raw eh. Wag mong pansinin extra lang sya. Jazz, pwede mo ba syang dalhin sa ligtas na lugar?" Tanong ko dahil sya ang pinaka maliksi sa amin.

"Masusunod." Tapos kinuha nya saking ang bata.

"Wait lang! Kuya! Wag ka munang aalis! Kuya kunin mo ito!" May inabot sya sakin na isang papel na may numero.

"Ano ito?" Tanong kong nahihiwagaan.

"Loadan mo naman yan. Papagalitan ako ni mama pag umuwi akong di naloadan yan eh nahulog yung pera ko nung gumulong tayo ehehehe."

Kinutongan ko muna yung bata sa inis bago ko pinaalis si Jazz. Tumalon talon sya sa bubungan ng mga sasakyang abandonado papalayo sa amin. Kami naman ni Makie ay tumakbo tungo sa direksyon ni Tifa at mga bata.

Habang tumatakbo ako nakita ko ang itsura ng lugar. Nagkalat ang mga tipak ng bato, may mga mga tindahang wasak at nagkalat sa daan ang mga produkto. May nagliliyab na mga sasakyan at mga naka taob sa daanan.

Lahat ng kaguluhang ito ay maayos kaagad kinabukasan ayon sa Batingaw. Kung totoo ang sinabi nya, hindi ko maiwasang humanga ka kanilang kapangyarihan. Sino makakapagsabi na hindi pa nangyayari ito noon? Baka may nangyari na dati na pinalabas lang na atake ng terorista o inayos din agad, nalimutan lang natin. Kaya siguro may araw tayong kahit pilitin natin, hindi natin matandaan kung anong nangyari.

Isang palaso ang lumipad sa ibabaw ng aking ulo at tumama sa isang amomongo na tumalon mula sa bubong ng bus papunta sa akin. Bahagya akong naulanan ng alikabok.

Lahat ng madaanan naming kalaban ay di tumatagal sa aming harapan. Gamit ang mahabang gintong kutsilyo ni Makie at ng Bagwis walang makapigil samin. Pagkataga ko ng isa, yuyuko ako at yung kasunod nya ang lalamon ng kutsilyo ni Makie. Isang amomongo ang hihiwa sa akin gamit ang kanyang kuko, sinalag ko ito sa malapad na parte ng bagwis. Bigla umikot sa ere si Makie at sa mabilis na kilos ng kamay tumalsik ang ulo ng halimaw. Bumagsak si Makie ng paharap sa akin at nagsalubungan kami ng patusok ng aming sandata para patayin ang kalaban nasa parehas naming likuran. Halos magkadikit ang pisngi namin sa proseso.

"Gumagaling kana." Puri nya.

"Foul yan. Wag ganyan, kinikilig ako."

"Gago." Sabi nya sabay bahagyang natawa. "Tara na."

Natulala ako. Parang dun ko lang sya napatawa ng sinsero. Pakiramdam ko lalong na kaming lumalapit sa isat isa.  Tralalalalala.

Sa wakas naabutan namin sila Tifa na medyo malayo sa kaguluhan. Sa may kalayuan nila may palibot na alikabok tanda nang mga napatay ni Tifa gamit ang pana nya. Biglang humawak sa dalawang kamay ang batang babae na na kahit nakapikit makikita mong kislap ng kanyang kasayahan.

"Kuya sabi ko na nga ba maiintindihan mo ang mensahe namin sayo! Kay tagal ka naming hinintay ng kapatid ko rito, sabi nya nga hindi ka na darating pero naniwala ako at narito ka na nga." Giliw nyang sabi.

Natouch ako sa sinabi nya, saglit lang kami nagkasama pero parang napaka saya nya nung magkita kami uli. Sayang nga lang at di nya ako nakikita.

"Oo nga eh, masaya ako na nakita ko kayong muli pero ano...."

"Mirasol! Mirasol po ang pangalan ko kuya."

"Ayun Mirasol... Hindi ko kamay yang hawak mo, kay Makie yan. Nandito ako sa kanan."

"Ay ganun ba, sorry kuya Makie."

Natawa si Tifa. "Sorry daw Kuya Makie. Patawarin mo na sya Kuya Makie."

"Leche! Ano, Mirasol, Makie lang pangalan ko pero babae ako. Ate Makie nalang."

"Ay sorry po uli ate Makie! Hehe."

Nakakatuwa sya. Napaka magiliw nya di tulad nung unang nakita ko sya. Ibang iba ang itsura niya pati ang kapatid nya. Parehas silang nakamaayos na damit at malinis ang pangangatawan di kagaya dati.

"Mamaya na tayo magbatian, di pa tayo nakakaalis sa panganib." Sabi nung batang lalaki na nakasimangot. Parang hindi sya bata kung umasta.

"Oo nga pala!" Sabi ni Tifa. "Bakit iniwan nyo yung jeep kanina?! Dapat dinala nyo na rito mas madali pa tayo makakatakas."

Oo nga. Bakit diko naisip yun? Bakit nga ba bumaba pa si Makie? Pero malamang may dahilan sya. Si Makie yun eh. Tinignan ko sya. Medyo namumula sya habang nakatingin sa langit.

"Anong meron sa langit? Nagbibilang ng stars sa tanghaling tapat. Malamang dimo na naisip noh?hanubanamanyannn...." Pang aasar ni Tifa.

"Edi kung gusto mo edi balikan mo yung jeep, hintayin ka namin dito, ikaw na magaling!" Ganti ng diwata.

"May kalaban!" Turo ng batang lalaki sa lupon ng mga amomongo't amalanhig na papalapit sa amin. Hinanda namin ang aming mga sandata nang may malaking bumagsak mula sa ere na gumulong sa kanila na nagpalasog sa katawan ng karamihan.

"...ayun na yung jeep mo. Gusto mo bang sumakay pa?" Tanong ni Makie kay Tifa patungkol sa jeep na gulagulanit matapos suwagin at itapon na parang lata ng Bakunawa sa amin. Buti nalang walang clienttrace at di kami tinamaan.

"No thanks. Andyan na ang Bakunawa iiiiihhhhhhhhhhhh! Takbo naaaaaa!" Tili ni Tifa nang makitang nakarekober na yung bakunawa at humabol sa amin.

Sinuwag nya ang isang kotse at tumilamsik ito tungo sa aming direksyon. Nakatakbo kami bago ito bumagsak at gumulong sa dati naming pwesto. Bumangga ito sa isang taxing nakahinto na sya namang tumama sa isang stop light natumba sa gitna namin. Buti na lang naitulak pa kami ni Makie kundi tinamaan kami nun.

"PiniLIIIIiii!!" Sumigaw ang Bakunawa bago sya kumaripas ng takbo... o gapang. O kung anumang tawag sa pagkilos nya. Di tulad ng ihas na pa-S ang andar ng katawan, sa kanya deretso lang. Sa kung anumang dahilan di pa sya nakakalipad. Marahil hindi pa ganap ang lakas nya lara magamit ang pakpak nya. Buti nalang. Baka mamaya umipot yun habang lumilipad kawawa yung mahuhulugan ahaha.

Dahil siguro sa bata kanina, wala sa isip kong kumilos ako para damputin si Mirasol para sana mabilis kaming makatakas lalo pat di nya makikita yung daan nang biglang hampasin ng kapatid nya yung kamay ko.

"Huwag mo syang hahawakan! Ako ang magbubuhat sa kanya!" Galit na sabi nung bata habang isinasakay nya sa likod nya ang kapatid nya.

"Sabi ko nga. Gusto mo pati ako narin buhatin mo kung yun ang ikaliligaya ng puso mo." Inisnab nya lang ako. Wow hah, celebrity.

Bago ako tuluyang tumakbo napasulyap ako sa Batingaw. Nakatingin lamang sya sa akin sabay nilagay ang dalawang daliri nya sa gilid ng noo at sumenyas ng pamamaalam. Parang yung kaway ng mga cool guys. Ayoko mang aminin pero ang astig lang tignan, para syang bokalista ng isang banda.

Tumakbo kami paderetso sa kalsadeng dinaanan namin nung gabi, parang ghost town na, wala na akong makitang tao, marahil dahil sa Batingaw kaya naglayuan sila sa lugar. Ang pangyayaring naganap ay parang eksena sa pelikula. Sa likuran namin biglang lumitaw mula sa kanto ang nagngangalit na bakunawa. Nawawarak ang kalsadang dinadaanan nya sa bigat. Habang kami ay paiwas-iwas sa mga sasakyang nakahambalang sa daan sya naman ay di ito alintana. Ang iba ay natatabig nya sa gilid ang iba naman ay sinusuwag at tinatapon nya sa amin. Naroong may mini van na tumalsik at humampas sa ikatlong palapag ng gusali sa aming kanan bago ito bumagsak at madaganan ang tindahan sa ibaba. Meron din tumama  sa footbridge sa aming ulunan na bumigay sa bigat nito. Mabuti nalang at nakatalon kami bago kami mabagsakan.

Nagpatuloy kami sa pagtakas hanggang sa tumambad sa amin ang di kaaya ayang tanawin. Sa lugar na aming tatakasan may nakaharang na grupo ng mga amalanhig. Nasa daan ang bilang nila! Nakulong kami, naipit ng mga kalaban! Sa harap may dead people power rally na nagaganap, sa likod may nagdadragon dance na tunay, wala kaming matatakbuhan!

"Milo, binibini! Halina kayo rito dali!"

"Jazz!"

Kumaway sya sa amin sa isang malaking hangdanan paakyat. Dagli kaming sumunod sa kanya sa ilang baitang hanggang sa nakarating kami sa isang platform.

Nasa MRT station kami. O LRT. Ewan ko diko kabisado.

"Hala patay paano yan!" Sabi ni Tifa.

"Bakit?"

"Wala akong dalang beep card!"

Pinanliitan namin sya ng mata at inisnab saka nilundag yung gate.

"Huy joke lang yun!" Alam namin. Isang korni ng joke na mga nagmamahal lang sa kanya ang tatawa.

Kaya tatawa na ako. "Hahahaha."

"Anong gagawin natin rito? Eh nakahinto yung tren, nasa kabilang platform pa!" Tanong ko pagdating sa platform.

"Hindi naman tayo magtetren eh, dito kasi may mas madadaanan tayo kumpara sa kalsada." Sagot ni Jazz.

"Dito? As in sa riles? Di kaya tayo makuryente?" Ani ni Tifa.

"Makuryente o makain ano pipiliin mo? Kung di naman tayo aapak sa baka di naman siguro tayo makukuryente."

Siguro. Wow. Nakakapanatag naman ng loob yun.

Biglang tumalon si Makie sa riles.

"Di ako nakuryente. Tapos na ba yang pagtatalong yan, di na kayo takot?"

"Sino nagsabing natatakot ako? Sige nga Jazz, mauna ka susunod ako."

"Ikaw muna para mabantayan ko likuran nyo."

Eto na naman po kami.

Habang nagtatalo kami kung sino susunod, walang kaabog abog na lumundag yung batang lalake bitbit yung kapatid nya.

"Oh ano, talo pa kayo nung bata." Sabi ni Tifa sabay talon din. Wala na kaming nagawa kundi sumunod at awa naman ng Bathala walang nangisay sa amin.

Tumakbo kami sa gawing kanan, maingat na humahakbang para iwasan yung bakal ng riles.
Tinanong ko si Jazz tungkol dun sa bata. Natuwa akong malaman na nasa ligtas itong lagay, ipinasok nya sa walkin freezer ng jollibee para di siguradong safe na safe. Nung tinanong ko kung nakapatay yung freezer abay di raw sya sigurado, natawa pa ang lintek. Sana lang di maging frozen goods yung batang yun at kumakanta ng let it go let it go.

BLLLAAAAGGGGGGG!!!!

Natigil kami sa pagtakbo. Sa di namin inaasahang pagkakataon, bigla nalang bumukas ang pakpak ng bakunawa sa saglit na sandali. Ngunit sapat na ang sandaling iyon para makasampa sya sa riles sa harapan namin. Akala kopa man din di sya makakalipad.

"ATRAS! SA KABILA TAYO!" Sigaw ko. Takbo uli kami sa kabilang daan habang ang bakunawa ay hinahabol kami na parang di naaapektuhan ng kuryente. Yung platform unti unting napupuno ng mga amalanhig na at amomongo na umakyat din. Pero hirap silang pumasok sa gate dahil sa naagnas nilang katawan. O dahil magnetic ticket parin ang meron sila at hindi beep card. Nung nasa gitna na kami ng station biglang huminto si Makie na nasa harapan namin.

"Teka bakit ka huminto? Aabutan na tayo... What the $%^&@&$*#" nabulalas ko nung makita kong may paparating na tren kung sa aming harapan may labing limang segundo siguro ang layo sa amin. Kung paanong mayroon paring tren na umaandar nung mga oras na nagkakagulo na, hindi ko alam. Pero ganun naman talaga, kung kailan kailangan mo, humihinto ang tren, kapag hindi naman saka aandar.

Nakulong kami. Higit pang mas mahirap ang sitwasyon kumpara sa ibaba. Sa likod may bakunawa, sa harap may tren na parating, sa platform mahirap nang akyatin may di pa mabilang na kalaban, at mayroong tren na nakaparada't hinaharangan yung kabilang platform at riles. Di na kami aabot kung sasalubungin namin ang tren para makalagpas sa nakaparadang tren at makatalon sa kabilang riles.

Wala na kaming makikilusan. Wala nang matatakbuhan. Naipit kaming anim sa lugar na natitiyak ang kamatayan. Kung makikita kami ng Batingaw malamang tinatawanan na niya ako ngayon. Bwisit. Hindi ako papayag na doon magtatapos ang lahat.

At ang oras na pagdating ng tren ay nasa sampung segundo nalang.

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

A/N:

Salamat sa mga nagtyagang maghintay at di mga nangungulit. Eto na po yung hinihintay nyo.

Ewan ko kung bakit pero dahil sa busy these past few days medyo tinatamad ako magsulat. So medyo bored at namental block ako nung sinusulat ko ito, kaya baka di nyo nagustuhan. Patawad ahaha.

Idededicate ito sa mga floodvotes gaya ng pangako ko last chap. Kaya roll call ito ngayon. Say present kung mabasa nyo ID nyo.

JingJengMae kuristineu, Mhine2be101, zZerKar, yeppeunprincess, TheGreatDictator, Choosy_reader1001, jewelmarj, charleslaureta, RonSolidum, ZyandreaMacanas, IronIsotope, Totzeyah, verusruyao, Mjhaybesin09, rose4696

Special mention:
kris_chan, ChanEukLee, aizenkulet216

Last but not the least, kay idol kong si ICE-014 fanart ni Jazz. Sya rin yung kay Tifa. Baka Ilagay ko rin yung Milo at Makie na gawa nya sa mga naunang chapter papalitan ko yung drawing ko, please check nyo po if ever.

Wag po kayong magsawang magvote and pashare sa iba.

At pakiusap, wag nyong gagawing mop ang watawat natin, ipapalamon ko kayo sa bakunawa. Galangin ang watawat, at taas noo tayo sa ating kasarinlan.
^_^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top