KABANATA XXXI - Ang Pagkatalo

"Ikaw ang bahala sa kaliwa, ako na sa kanan." Mahinang bulong sakin ni Makie. Sabagay, may malakas bang bulong?

Mukhang sila pa lang ang nakapansin samin, hindi pa sila tumatawag ng iba. Marahil di rin nila inaasahan na may tao sa pwesto namin. Isang pagkakataon yun para patumbahin sila nang di parin mamamalayan ng iba na nandun kami.

"Sige...... Pero sang side nga yung kaliwa?" Tanong ko. Hirap ako sa left and right minsan eh haha.

Nirolyo nya ang mata nya. Singbilis ng kidlat na hinawakan nya ang katawan ng sibat sabay tayo, umikot at yumakap ang mga binti katawan ng nasa kanan mula sa likod. Nag-sleeper hold sya sa leeg nito. Hindi makahinga sa sakal ang lalaki.

Kasabay naman nito nagulat yung katabi nya kaya minabuti kong agawin at itapon ang sibat nya. Sinuntok ko ito pero mas alerto sya kumpara sa kasama nya kaya nakailag ito at nakaganti. At magsimula ang umaatikabong palitan namin ng aksyon.

Pero unti-unti bumagal ang kilos namin hanggang tuluyan kaming huminto.

Nakatingin kami sa kasama nya na napaluhod na habang sinasakal parin sa akap ni Makie.

"........Pre di ba tayo maglalaban?" Tanong ko habang di umaalis ang mata ko sa dalawa.

"........Mamaya na siguro kapatid. Nanonood pa ako eh." Wala sa loob na sagot nya.

".........Sangayong ako dyan." Lunok laway na sagot ko.

Kahit nakikitang nahihirapan yung lalake sa kanyang sitwasyon, nakipagtagisan pa sya ng tingin sa aming dalawa. May ningning sa kanyang mga mata na naiipunan ng luya ng kagalakan. Nakuha pa ngumiti at mag thumb's up bago tuluyang mawalan ng malay. Niluwagan na ni Makie yung akap.

"A-ako naman!" Nanginginig na sabi nung lalaki habang aktong papalapit sa diwata. Pinukpok ko sya ng arnis sa ulo. Gagu sya. Balak pakong unahan.

"Dali, hatakin natin sila at itago sa damuhan habang wala pang nakakapuna sa atin." Utos nya.

"Ok." Pagsangayon ko habang hinahatak silang dalawa. Ganun yung bersyon nya ng 'hatakin natin'. Ako maghahatak at sya moral support.

"Wala ka nabang ibibilis pa dyan?" Reklamo nya.

"Wow hah. Kung tatanungin mo ako speed of light na itong kilos ko..... Kung gusto mo ng mas mabilis pa, but di muna tayo humingi ng tulong sa kanila." Turo ko sa harap.

May apat na lalaking nakakita sa amin. Napapunas ng mukha si Makie sa inis.

"HOY! ANONG GINAGAWA NYO DYAN?!" Sigaw nung isa.

"Ummm... Wag nyo kaming pansinin. Pusa lang kami." Sagot ko.

"................."

".......Meow?"

"TAGUMPAY YANG MGA YAN!" Sigaw nung isa pa. "HULIHIN SILA AT ○○○○ SA ○○○○"

"Pakyu! Walang ganyanan!" Sigaw ko.

Sumugod silang lahat sa amin na may pakay na wasakin kami. Siguro nabagot sila na walang aksyon sa kampo nila kaya natuwa sila sa aming pagdating. Kung aksyon ang hanap nila, nagkamali sila ng tutunggalian.

Nagpakawala ng mga kutsilyo si Makie at tumusok ito sa lupa dahilan para matalisod at gumulong ang isa habang nahatak nya pabagsal ang isa pa. Napalingon yung dalawa sa gulat, ginamit ko yung pagkakataon na yun para salubungin sila at hambalusin sa bodega ang isa. Bumaluktot ito at namilipit sa sakit.

Aatakihin ko na sana ang isa pero batid nya na ang presensya ko kaya inunahan nya akong undayan mula sa taas ng hawak nitong bolo baliktad ang talim. Nasangga ko ito pero tinutulak nya ito pababa. Kung katawan at pwersa ang paguusapam dehado ako sa kanya, kaya naman nagulat ako nang biglang nawala ang pagpwersa nya at bigla nalang tumumba. Kinarate chop pala ito ni Makie sa leeg. Ganun din ginawa nya sa isang lalaking tumatayo mula sa pagkakadapa.

Hinawakan naman sya sa braso nung isa na nakatayo na at aktong sasapakin pero sinipa ko ito sa likod ng tuhod kaya napaluhod ito saka ko hinampas sa leeg para mawalan ng malay. Sa isang iglap, bagsak na silang lahat.

Pero wala kaming panahong magdiwang. Ang ang nangyaring kumosyon ay kumuha ng atensyon sa ibang bantay at lahat sila at nagmamadali at sumisigaw tungo samin. Halos sampu rin sila. Lahat sila bato-bato ang katawan.

"K-kaya ba natin sila?" Tanong ko.

"Mas madali kung sasaksakin ko nalang yung sila sa dibdib tapo-."

"Bawal pumatay oy!" Putol ko. "Kalma. Wag masyadong warfreak. Ikaw nagsabing galit ka sa tao dahil pumapatay eh."

"Tsk." Asar nyang tugon. "... Ganito. Tandaan mo, kapag malaki ang kalaban, malaki rin ang atakeng gagawin. Kapag malaki ang atake, mas madaling ilagan. Saka mo gantihan kapag litaw na ang bahagi na kanyang katawan na pwedeng atakihin. Tignan mo to."

Yung pinaka malapit na sa amin ay hinarap nya, sumuntok ito sa kanya, pero dahil masyadong OA ang bwelo ng suntok madali lang nyang inilagan. Hinawakan nya ito braso umikot sabay patid sa paa, dahil sa pwersa ng pagsuntok naibalibag sya ng diwata. Bumagsak sya sa isa nyang kasamahan. 2 down sa isang kilos lang.

Lumapit sakin si Makie, humawak humawak saking balikat at bumulong sakin bago hinarap ang isa pang kalaban.

"Kaya mo yun?" Tanong nya sakin.

Sa lapit ng pagkakasabi nya dumaloy ang kiliti saking tenga papunta sa aking likod. Sobrang naexcite ako, napasuntok ako sa ere. Saktong may dumating na Diwang at tumama sa panga nya at hinalikan nya yung lupa.
Napataas ang isang kilay ni Makie.

"Walang tingin-tingin? Nice." Puri nya.

Hinawi ko ang buhok ko. "Maliit na bagay." Aking pagyayabang.

Dumating sa puntong napalibutan na kami ng mga kalaban. Yung ilang may di nakatulog bumalik sa kanilang hanay. Magkatalikuran kami ni Makie habang nagaabang kami ng pagatake nila. Sa ganoong pangyayari dapat nakafocus kami sa galaw ng mga kalaban. Pero ang totoo mas nakatuon ang pansin ko sa likod ni Makie na nakalapat sakin. Huehuehue.

Halos sabay silang sumugod sa amin. Bawat atake kapag tumama pwede akong tumiklop, pero sa aking mata parang slow motion sila gumalaw. Iba siguro talaga kapag nasanay ka lumaban sa isang bihasa. Nasanay na ang mata ko sa ganung pagkilos kaya ang galaw nila ay sisiw lang ilagan.

Inilagan ko yung suntok ng isa sabay tadyak sa sikmura nito. Yung pumalit sa kanya humambalos ng malaking baston, nasalag ko ito pero hindi ako handa kaya nabitawan ko yung arnis. Bago ito bumagsak sinalo ito ni Makie sabay hampas sa baba ng lalaki at sipa sa katabi nya. Gamit ang natira kong arnis sinalpok ko yung isang aatake naman sana sa likod ni Makie. Sinalag nya ito kaya siniko ko sya sa sikmura.

Ganun umarangkada ang labanan. Sinusuportahan namin ang ang isat isa. Nagulat nga ako dahil hindi kami naguusap pero parang napagplanuhan namin anh kilos ng bawat isa. Pero ganun pa man, hindi parin patas ang bilang namin sa kalaban habang patuloy naman na nauubos ang oras.

17 minuto na lamang ang nalalabi.

"Ihinto ang kaguluhang ito!" Sabi nang pamilyar na tinig.

Tumigil ang mga kalaban at gumawa ng daan para sa paborito kong Cabeza.

"Wow. Anong nagawa ko para paulakan nyo ako ng inyong pagdalaw sa aking simpleng panuluyan?" Magiliw na tanong ni Bon Jovi na noo'y nakasuot ng kanyang kasuotang pandigma.

"Wala naman." Sagot ko. "Naghahanap kami ng palikuran, tapos parang naamoy kita, ang sabi ko 'ahh, dito banda yun'. Kaya kamo narito."

Niniyerbyos ang mga kasa nya at nagtinginan. Hindi siguro sila sanay na may sumasagot nang pabalang sa pinuno nila.

"Hahaha nakakatawa ka talaga kahit kailan." Plastik na tugon nya. "Pero alam mo ang mas nakakatawa?"

Ipinakita nya sa amin ang isang radyo na kalimitang ginagamit ng gwardya.

"Kakakausap ko lang sa grupo ko. Ayon sa kanila winawasak na namin ang kampo ninyo. Ilang minuto na lang at uuwi kayong luhaan. Ano nga uli yung sinisigaw nyo kanina? 'MAGTAGUMPAY! MAGTAGUMPAY!' Andami nyong drama, mukha tuloy kayong tanga ngayon." Kutya nya na sinabayan ng pagtawa ng kanyang mga kasamahan.

Tumikom ang mga palad ko para pero wala akong maisagot sa kanya.

"Ay oo nga pala, yung kasama nyo. Ano nga uli pangalan nun, Taz? Medyo nagulpi sya ng mga kasamahan ko eh. Kaya tuloy nalaman namin kung nasaan kayo. Akalain mo sasabihin din pala nya pinahirapan pa kami. Pero wag kang mag-alala, di na kailangang kunin pa sya ni Gil Perez. Kami na bahalang magbigay sa kanya ng kalingat pagmamahal."

Pinangunahan nya ang sumunod na tawanan. Naglakad ako papunta sa kanya pero pinigilan ako sa balikat ni Makie.

"Oh ano yan? Kinokontrol ka na ng babae mo ngayon? Asan ang tapang mo?" Kutya nya. Naiinis ako, pero nagblush din ata ako sa sinabi nyang babae ko si Makie. Di lang pahalata.

"Ikaw Makie, hindi ko alam kung saan ka nagmula, hindi kita kinatanti dahil may respeto ako sa babae. Pero dahil sa ginawa mo sa aking pagpapahiya, papatulan na kita" hamon nito.

"Wag mo akong susubukan Bon Jovi." Sagot ng diwata. "Dahil kapag nagkataon iiyak ka ng dalawang beses ngayong gabi. Natawa lang si BJ

"Hindi ako umiiyak." Tugon nito.

"Dalawang beses." Tinignan sya nang matalim ni Makie. "Iiyak ka ngayong gabi."

Natahimik sya nang makita nya sa mata ng diwata na seryoso sya sa sinabi nya. Pati ilang kasama nya medyo umatras nang bahagya. Batid nila sa tingin pa lang na ang babaeng ito at delikadong kalaban.

Napaubo kunwari si Bon Jovi.

"Kahit ano pa man, tiyak na ang pagkapanalo ng kampo namin, kung narito kayo para sakupin kami wag na kayong umasa dahil yung watawat nyo na nakay Taz." Ngumiti sya.

"Aksidenteng nasunog namin." Nagtawanan uli sila.

Dun na nagdilim ang paningin ko. Hinubad ko ang suot kong kapa at iniabot ito kay Makie. Pati narin ang mga arnis ko. "Pabantay muna." Nagtinginan kami at nagkaintindihan, tumango sya.

"Ayan! Yan ang gusto ko. Ito ba ang tunay na dahilan kaya ka nagpunta rito? Alam mong matatalo kayo kaya gusto mo nalang ituloy yung duelo nating naunsyami? Ikinalulungkot ko pero matatalo karin dahil diko hahayaang makialam ang na naman ang babaeng yan." Duro nya ka Makie.

Naglakad lang ako at nilagpasan sya

"Ang dami mo pang satsat, manahimik ka nalang at dito tayo sa gitna." Hamon ko sa kanya. Hindi nya siguro nagustuhan ang tono ko kaya tumalima na lang sya at inutusan ang kasamahan nya na wag makialam.

13 minuto ang natirira.

Isa-isa nyang hinubad ang mga suot nyang panlaban. Siguro para masabing naglaban kami sa pantay na kalagayan.

"Anong patakaran?" Tanong nya.

"Wala. Mananalo kung sino mananatiling nakatayo." Sagot ko. Ngiti lang tugon nila at bigla nalang umatake para sorpresahin ako.

Pero inaasahan ko na yun.

Una nyang pinuntirya ang nasugatan kong braso, binigyan nya ito ng sipa na sinalag ko. Ang di nya alam pinagaling na ito ni Mayari kaya laking gulat nya nang makaganti agad ako ng suntok na tumama sa kanyang mukha. Nanggagalaiti lumingon sakin at sumuntok paitaas.

Nasalag ko ito nang dalawang kamay pero sa lakas ng suntok nadala ang katawan ko at bumagsak ako sa lupa. Dalidali akong umikot patayo at tumakbo. Kanya naman akong hinabol.

Nung inabutan nya ako, nagpaulan sya nang sipa at suntok na naiilagan ko lahat. Di gaya nang dati na hirap na hirap ako, malinaw na sa akin ang ikinikilos nya at alam ng katawan ko kung saan pupwesto para di tamaan. Kaya naman nagagawa kong makaganti sa kanya ng suntok sa mukha, at sa dibdib sabay takbo ko uli na labis nyang kinainis.

9 minuto pa.

Huminto ako na sya namang sinalubungan nya ng malaking suntok.
Hindi ko alam kung reaksyon lang yun ng katawan ko o dahil sa nakita ko kay Makie, pero ang ginawa ko umilag ako hinawakan sya sa braso, umikot, pinatid sya at ibinalibag. Kinopya ko ang ginawa ni Makie.

Natahimik ang mga kasamahan ni BJ. Kahit ako rin di ko inakalang magagawa ko yun, pagtingin ko kay Makie nakangiti sya sakin. Sabay bago ng reaksyon nya at turo sa aking harapan.

Sinabuyan ako ng lupa ni BJ at panandaliang nabulag ang aking mga mata. Nagsisisigaw ako sa sakit.

"Walang patakaran diba? Di ka magrereklamo sa ginawa ko diba? Umph!" Sabi nya sabay naramdaman ko tadyak nya sa sikmura ko. Dumapo rin ang kamao nya sa aking panga. Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig.

"Oh ano, anong pinagmamalaki mo ngayon? Ang yabang mo kanina hindi ba? Lampa ka pala eh." Sinipa nya uli ako.

Sa pagkakataong yun nakakakita na ako nang bahagya kaya nayakap ko ang binti nya at napigilan ito. Tumayo ako na hawak ito kaya nawalan sya nang balanse. Itinulak ko sya at napahiga sya. Nilapitan ko sya.

"Sinong lampa ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Nagpalitan kami ng galit sa pamamagitan lang ng aming pagtinginan. Gusto ko syang sipain pero ayokong gayahin sya na lumalaban nang madumi. Hinintay ko siyang tumayo para simulan uli ang laban nang may pangyayaring nagpaguho aa aming konsentrasyon.

GONGCCRSSHHHH! GONGCCRSSHHHH!
GONGCCRSSHHHH! GONGCCRSSHHHH!
GONGCCRSSHHHH! GONGCCRSSHHHHHHHHHHHSSSS!

Tumahimik ang buong paligid. Walang nagsasalita. Maririnig mo ang huni ng mga kuliglig na animoy bumabangga sa aking tenga.

Ang pang lima at huling pagtunog ng gong ang sumelyo sa hinala ko. Hindi ko na kailangan ng ulat nila Tifa para malaman ko ang nangyari. Limang tunog ng gong. Iisa lang ang ibig sabihin nun.

Natalo kami.

Natalo ang kampo Magtagumpay.

Naghiyawan ang mga Diwang sa pagkakatubog sa ginto ng kanilang pagkapanalo. Maging si Bon Jovi parang nabunutan ng tinik at wagas na tinawanan ako sa aking pagmumukha.

"HAHAHAHAHA! Ano kayo ngayon, asaan ang TAGUMPAY ninyo ngayon, mga talunan! Ngayon alam nyo na, kahit anong pagsusumikap ang gawin nyong mga mahihina, sa huli kami paring Magdiwang ang magdiriwang." Saksak nya ng mga salita sa puso ko.

Wala akong maisagot. Pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay tumakas sa aking katawan. Tulala lang ako sa lupa hanggang na napaluhod ako sa pagod. Tumingala nalang ako sa langit at nakita ko ang buwan na simbolo ng aking balangay. Para akong nanlumo.

".....Tch. Maglupasay ka dyan magdamag, wala akong pakialam. Nakakawala ng ganang kalabanin ang taong sumuko na nang ganyan. Mahina ka. Gaya ng balangay mo." Malamig nyang sabi.

Naglakad sya pabalik sa mga kasama, sinasabayan ng mga ito ang bawat hiyaw nya ng kagalakan.

Tumunog ang aking talinig at narinig ko ang boses ni Tifa at Talas sa kabilang linya, upang magbalita sa akin. Tinignan ko ang orasan sa PuSi.

May 5 minuto pang natitira.

"Nanonood ka ba ng Detective Conan?" Tanong ko kay BJ.

"Huh" Lumingon sya sakin nang nakangiti parin

"Ako nanonood nun lagi.. Paborito ko yun eh, Mahilig ako sa ganun, mga mysteries saka mga pagsosolve ng krimen. Saka minsan mapapaisip ka rin, paano nakakagawa ang kriminal ng ganung kakomplikadong krimen para lang linlangin ang mga detective." Kwento ko habang tumatayo.

"...Anong pinagsasabi mo? Nababaliw kanaba dahil sa pagkatalo nyo?" Sabi nya sakin.

"May naaalala akong isang episode sa Detective Conan." Pagpapatuloy ko habang naglalakad. "Tungkol yun sa isang babaeng dentista na pumatay, pero wala nakong pakialam dun. Naalala ko lang ang sinabi ni Conan nun. Para gumawa ng isang perpektong krimen, pwede mong manipulahin ang ilang elemento gaya ng oras, pangyayari, lugar at isa pa, diko na matandaan kung ano yun. Pero eto ang naisip ko. Pwede rin kayang gamitin yun sa Digmaan ng mga Watawat?"

Tumigil ako sa isang bagay na nangingibabaw sa kalupaan. Sa gintong tarakan ng Magdiwang. Kumunot ang noo ni BJ pero di sya gumaea ng hakbang para paalisin ako run. Ano pabang pwede kong gawin, sunog na ang watawat namin, natanggap pa sa laro ang grupo namin diba?

"Ang oras mahirap baguhin, eksaktong 2 oras lang ang binigay satin, hindi natin ito kayang pakialaman. Ang panyayari naman." Tinadyakan ko ang tarakan. Naramdaman ko ang tigas nito sa aking paa. "para manalo ka kailangan mong tarakan ng watawat itong bagay na ito. Pero anak ng putong may almoranas, ni hindi mo ata maigagalaw ito kung wala kang alagang apat na elepante. Di mo mapapakialaman ito." Reklamo ko.

"Saan patungo itong usapan na ito? Anong gusto mong sabihin?" Nagtatakang tanong nya.

"Ahhh. Pero kung lugar ang paguusapan" diko pagpansin sa sinabi nya. "maraming posibilidad ang mauungkat. Kung hindi mo mababago ang oras at pangyayari, baguhin mo ang lugar ng pangyayari."

"Ano pa bang pinagsasabi mo? Panalo na kami, kahit anong gawino hindi na mababago yun. Tanggapin mo ang pagkatalo mo." Pagdidiin nya.

"May nakakalimutan ka ata." Tinuro ko ang langit.

Kahit naguguluhan tumingin din sya rito na may kunot sa noo. Hindi nya maintindihan ang nais kong iparating. Hanggang sa biglang nanlaki ang mata nya at bilog ang bibig na napalingon sakin sa gulat.

"Tama. Narinig mo lang ang gong pero may isa pang kulang. Alam kong di pansinin ang samin kaya nung tumunog ang gong nawala na sa isip mo ito." Ngumiti ako. "Walang fireworks hindi ba?"

"P-paano nangyari yun?!" Gimbal na sabi nya.

"Simple lang. Lugar. Binago namin ang lugar. Yung kampo namin na sinakop nyo ay di talaga namin kampo. Yung tarakan namin na dinedepensahan ay gawa lang sa ordinaryong kahoy na pininturahan namin ng ginto. Ang tunay na tarakan ay nasa ibang lugar, tinakpan namin ng itim naming kapa para di kuminang saka tinabunan ng lupa at halaman para magmukhang maliit lang na punso. Pero syempre pinabantayan parin namin ito sa iba naming kasamahan. Ang kulang nalang ay protektahan namin ang tarakan sa aming makakaya para maniwala kayong iyon talaga ang tunay naming kampo." Pagpapaliwanag ko.

"Hindi totoo yan! Nagsisinungaling ka! Bakit nyo pa kailangan gawin yun kung naitago nyo yung tarakan nyo? Sana nagtago nalang din kayo." Di makapaniwalang sabi nito.

Bago ako makasagot kinuha ng isang kasama nya ang kanyang atensyon.

"Supremo! Isang masamang balita mula sa grupo natin!" Sigaw nung isa may hawak ng radyo.

"Ano?! Anong balita yan?!"

"Yung kasama nila." Turo nito sa akin. "Yung nahuli natin, nakatakas habang nagkakasayahan ang grupo natin. Tapos kinuha raw nya yung watawat natin, pati ng Magdalo, kasabay nun nagpulasan na ang lahat ng Tagumpay, iniwanan ang kampo nila sa di malamang kadahilanan! Naiwan tayong nakikipaglaban sa mga Walangtinag!"

"ANO?! P○○○! MGA INUTIL! BAKIT PINABAYAAN NILA YUNG WATAWAT!" Sigaw nito sa galit.

"P-pero di ba panalo na tayo?" Tanong nung lalaki.

Bumaling ulit sya nang nanggagalaiting tingin sa akin. Kulang nalang umuson ang tenga nito.

"Yun ang dahilan. Para makumbinsi kayong sakupin kami, at sa oras ng pagdiriwang ninyo, aagawin namin ang watawat nyo. Pero syempre di gagana yun kung hindi ninyo makikita ang 'kampo' namin. Kaya sadyang nagpahuli si Jazz sa inyo para dahil kayo sa patibong namin nang di nyo namamalayan." Ngiti ko sa kanya.

"S-sadya syang nagpahuli? Niloloko mo ba ako? Haha." Panggap nyang nakarecover.

"Tingin ko di rin kayang hulihin sya ng mga kasama mo, gustuhin man nila. Dahil direkta syang tinuruan ni Lam-ang. Mas magaling sya di hamak sa kga alipores mo." Pagyayabang ko na tingin ko'y totoo naman.

"E-eh ano naman ngayon? Sa inyo na ang watawat namin. Isaksak nyo sa ngala-ngala ninyo. Sa tingin nyo ba ikakapanalo ninyo ang 100 puntos? Baka nakalimutan mo nang abo nalang ang natira sa watawat ninyo?! Wala ka paring magagawa laban sa pagkatalo ninyo hahaha!" Tawa nya.

Nagkaroon uli sya nang kumpyansa dahil tama naman sya sa kanyang tinuran diba?

"Alam mo nagtanong-tanong kami. Alam nyo ba na di pala mahalaga kung saang tubo o kahoy nakalagay ang watawat natin? Kahit ano pwede nating gamitin. Basta nandun lang ang watawat, kahit isabit natin ito sa sanga, pwede mo syang itarak dito." Paghati ko ng kalaaman sa kanya.

"Oh? Magandang impormasyon yan. Kung may watawat kayo. Kaso wala, kaya basura lang yang pinagsasabi mo." Pag asar nya.

"Sigurado ka dyan?" Tanong ko at bigla syang nanahimik. Nagkaroon ng lamat ang kumpyansa nya.

".........."

"Isa pang tanong, ano ang pinaka mabisang paraan ng pagtataho ng gamit?" Tanong ko. "May nakapagsabi na para hindi makita ang dahon, itago mo ito sa kagubatan. Ibig sabihin itago mo ito sa lugar na laging makikita, at hindi nila ito makikita"

"ANO NA NAMANG PINAGSASABI MO?! HINDI MO BA AKO TITIGILAN NG KALOKOHAN MO?!" Sigaw nya sakin na di na makapagtimpi.

"Hindi mo parin ba napapansin? Ang lahat ng ginawa namin, ang uniporme naming lahat, ang pagsisigaw namin, bakit kita hinamon sa gitna, at kung bakit kita tinatakbuhan. Napansin mo bang nandito na ako sa tarakan? Lahat ng iyon, para rito. MAKIE!" Sigaw ko.

Tinignan nya si Makie na may inihagis nang buong lakas. Lumarga ito sa ere, lumagpas sa ulunan ni Bon Jovi, hanggang sa nasalo ko ito sa aking kamay.

"A-a-a-ano, P-p-p-paanong napunta sa inyo yan! ANONG GINAWA NINYO!?" Nahintakutan nyang tanong.

Hindi sya makapaniwala.

Dahil hawak akong mahabang baston, at sa dulo nito ay ang watawat ng Magtagumpay na dapat sanay nasunog na. Hanggang sa napuna nya na kung ano ang ginawa namin.

"Y-yung kapa mo!? Umpisa palang nasa iyo ang tunay na watawat?!"

"Nakuha mo." Pagkumpirma ko sa kanya. "Sino ba naman ang mag-aakala na susuutin ko ang watawat namin. Pero lalong hindi mahalata, lahat kami nagsuot ng katulad na kapang may simbulong buwan sa likod, at isang pekeng watawat ang hinanda namin para ipaagaw sa inyo. Para akalain nyong wala na kaming pagasang manalo. At oo nga pala, kung nagtataka saan nanggaling ang kahoy kung san nakakabit ang watawat, eto yung dalawang arnis ko kanina, nadudugtong kasi yun. Astig diba?" Sabi ko.

"A-a-a-a-a......" utal-utal nyang sabi. Di na sya makatugon nang maayos.

"Ano? Hindi ka makapag salita? Meron ka pang" tinignan ko ang oras. "12 segundo bago matapos ang laro. Anong gagawin mo?" Hamon ko sa kanya.

Nanlaki ang mata nya na parang natauhan. Nagmamadali syang tumakbo papunta sa akin, natitisod pa sya sa pagkukumahog. Pero may kaunti pang distansya ang layo nya sa akin. Hindi nya na ako maabutan.

May limang segundo pa ang natitira nang itinarak ko ang watawat namin.
Nagliwanag ang kalangitan at napintahan ito ng kulay pula. Parang may namukadkad na napaka gandang pulang bulaklak sa kalawakan. At panigurado lahat nang nakakita nito ay natigilan para sulyapan ang angkin nitong karikitang nakabibighani na napakailap kung magpakita.

Saglit pa at tumunog ang ugong nang torotot bilang hudyat ng pagtatapos ng DiWa.

"AHHHHHHHHHH PAPATAYIN KITA!" Parang baliw na pagwawala ni Bon Jovi na lumusob sa akin.

Pero di na sya umabot dahil pinatid sya ng diwata. Dumausdos sya sa lupa padapa at di na muling tumayo pa.

"Diba sabi ko sayo wag mo kaming susubukan, kundi iiyak ka ng dalawang beses. Pwes ngayon simulan mo na." Malamig na sabi ni Makie.

Hindi gumawa ng ingay si BJ mula sa pagkakadapa, pero nakita kong pigil na nanginginig ang buo nitong katawan.

Kinuha ko ang watawat namin at sinabayan ko si Makie paalis ng kampo nila. Wala na akong dapat pang iwang salita, sapat na ang sitwasyong maglahad ng aking saloobin. Binigyan kami ng daan ng mga Diwang na karamihan ay walang reaksyon pero namumutawi sa gilid ng mata ang tila hamog na malapit nang tumulo.

Sa paglabas namin ng kampo nila saka palang bumagsak sakin ang lahat. Tapos na ang laro. At nanalo rin kami sa huli sa tulong naming lahat sa buong grupo. Patunay lang na walang imposible kung magtutulungan. Nararamdaman kong parang namamasa ang aking mata. Pati si Makie at nagkukuskos ng mga mata. Pero baka sa pagod lang namin ito.

Sa gabing iyon nagtagumpay ang Magtagumpay.

Sa gabing iyon natuto rin ng malaking leksyon ang Magdiwang.

Sa gabing iyon sa kamay ng inaapi nilang balangay, naranasan ng Magwagi.....

Ang pagkatalo

***********

Nalalabing Oras:
Wala

Kampong Natanggal:
Magdalo
Magwagi
Magdiwang

Natirang Kampo:
Walangtinag
Magtagumpay

Puntos:
Magdiwang - 0
Magdalo - 0
Magwagi - 0
Walangtinag - 200
Magtagumpay - 1,400 (pinaka malaking puntos sa kasaysayan ng DiWa.

Kampyon:
MAGTAGUMPAY

***********

A/N:

Pinush kong iUD to kahit madaling araw na. Kaya wag nyo kalimutang magvote uh kundi i○○○○ ko kayo sa ○○○○ nyo, intiendez? Haha.

Sorry pala kung nagexpect kayo ng sobra sa plano ni Milo. Sana di kayo gaano nadismaya na ganun lang pala yung plano nyan, napakasimple. Pero sabi nga nila(kung sino sila, ewan ko), ang pinakamabisang plano, ay yung simple lang.

May nagrequest din na magsketch ako ng itsura ng characters kaya nagdrawing ako. Sorry po, anime style lang kaya ko at di na ako marunong kaya ganyan output, pagpasensyahan nyo na. Kung may makakapagdonate ng mas magandang sketch, highly appreciated po. Next chap kay Makie or Tifa ipopost ko.

Dedicated ito kay SergeantValentine Kasi sabi nya ivovote daw nya lahat ng chapters at loloadan nya ako ng 50 php.

Kay simplyme0505 rin na binasa to ng isang araw lang.

Kay iheartrjpascual na gumawa ng dalawang fanart na sobrang naappreciate ko. Di nga ako makatulog sa umaga eh. Dahil di naman talaga ako natutulog ng umaga haha. Salamat po uli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top