KABANATA XXX - Bad-Mintonne
"Meron akong maganda at masamang balita. Anong gusto mong unahin kong iulat?" Tanong sakin ni Jazz sa pamamagitan ng communicator namin.
Kasalukuyan nyang sinusundan ang grupo ng palusob na pinagsamang pwersa ng Diwang at Magdalo.
Kasalukuyan naman kaming nagpapahinga ni Makie sa isang sapa, may mga 45mins pa ang natitirang oras sa laro. Kaunting sandalu nalang pero kailangan din naming tipirin ang aming lakas, mahirap lumaban kapag wala ka nang bala.
Mabuti nalang at ang tubig sa Kanlungan ay napaka dalisay. Parang hindi tubig. Malalasahan mo kaunti ang katas ng mga prutas na dumadaloy sa ugat ng mga puno papunta sa tubig. Masasabi mo talagang buhay ang tubig na yun. Iyon ang pinaka masarap na inumin sa mundo, walang sinabi ang lahat ng inumin(kasi pag may sinabi yun matatakot ako. Nagsasalitang inumin? Brrr.)
Lumagok ako ng kaunti at naramdaman kong bumalik ang lakas ko. Super sarap. Sana ganito sa labas na mundo.
"Unahin mo yung magandang balita para ganahan kami." Sagot ko.
"Sige, ang magandang balita, konti lang yung nagbabantay sa watawat nila. Kaya ko na syang kunin ngayon din." Ano nya.
"Talaga?! Maganda nga yan! Eh ano naman yung masamang balita?" Tanong ko na labis na nagalak sa sinabi nya.
"Ang masamang balita, hindi totoo yung mabuting balita, pinagtitripan ko lang kayo hahaha. Bantay sarado yung watawat. Nasa gitna nila yung may hawak ng watawat at hindi sya nawawalan ng 8-10 bantay. Ganun din ang watawat ng Magdalo, dala dala rin nila ito. Tama si Talas, di nila kinuha ang watawat ng Magdalo." Ulat nila.
".... Badtrip ka rin madalas eh noh." Bwisit kong tugon. Sya kaya pagtripan ko.
"Ano sa tingin mo ang gagawin nila ngayon? Maririnig mo ba usapan nila?"
Tanong ni Makie na nakikinig din sa sarili nyang communicator.
"Hmmm. Katatapos lang kasi nila sakupin ang Magwagi kanina, at kung nakita nyo yun, maaawa kayo sa kampo nila, para itong nadaanan ng bagyo, lahat sinira nila, ni walang nagawa ang mga Magwagi. At ayon naman sa naririnig ko, hinahanap nila ang kampo natin. Nagpapadala sila ng ilang manunuklas na maghahanap pero pinadala ko na sila kay Ginoong Gil. Ang problema, hindi ko alam kung nagkataon lang o hindi, pero ang daang tinatahak nila ngayon ay tungo sa kampo natin." Sagot nya.
"Tingin mo kakayanin ng kampo natin ang paglusob nila?" Tanong ko.
".... Kung tatanungin mo ako kung kakayanin ng 40 myembro natin ang mahigit 60 na pinagsamang bilang nila, tingin ko parehas tayo nang magiging konklusyon."
Natahimik ako. Paano nga naman nila matatalo ang mga malalaking katawang kalaban namin, lalo pat dehado kami sa bilang. Nakaramdam ako nang pagkadismaya.
"Pero wag ka magalala. Sino ba sa tingin mo ang nagsanay sa kanila? Kami ng binibini. Tinitiyak kong hindi basta basta magigiba ang kampo natin, dadaan muna sila sa butas ng karayom. Magtiwala ka sa kanila." Mainit na sabi niya sa akin.
Tama sya. Kailangang pagtiwalaan ko ang kakayahan ng mg kasama ko. Lalo pat nandun si Tifa at Talas. Wala akong dapat ipangamba.
"Sige Jazz ganito muna ang gawin mo, sundan mo lang sila at subukan mong guluhin para di makarating kaagad sa kampo natin. Pag may pagkakataon din bawasan mo ang bilang nila." Utos ko.
"Walang problema, akong bahala. Titiyakin kong..... huh? Teka." Biglang hinto ni Jazz. "MAHABAGING BATHALA, ANO ITO?! TOTOO BA ITONG NAKIKITA KO?! PAPAA--......" Biglang putol ng linya.
"....Jazz?" Tanong ko.
"............" katahimikang lang ang sumagot.
"Jazz? JAZZ? Andyan ka pa ba?"
".............." wala parin. Tanging hangin lang ang kausap ko. Kinalmot na ako ng kaba sa puso.
Nagkatinginan kami ni Makie, banaag din ang pagkabalisa sa mukha nya.
"JAZZ!" Pasigaw na tawag ni Makie. "Anong nangyari sayo?! Ok ka lang ba? Sumagot ka kung naririnig moko?!"
"Jazz! Hoy, sumagot ka wag mo kaming pakabahin!" Sunod kong sabi.
Pero wala paring tugon. Napatulala ako. Natatakot sa kung anong naganap. Nahuli ba sya? Kalaban na ba nya yung grupo? O may umatakeng hayop? Nagiisip parin ako nang pwedeng nangyari, nang biglang.
"Milo! Binibini! Nandito na ule ako." Biglang pasok ni Jazz, sabay kaming napabuntong hininga.
"Anong nangyari sayo? Bakit bigla kang nawala?" Alalang tanong ko.
"Ayun. Grabe lang. May nakita akong higanteng uod, hinuli ko muna para mamaya hehehe. Asan na uli tayo?" Tatawa-tawang tanong nya.
".....Andun na tayo na parte kung saan sasakalin kita pag nakita kita mamaya. Hayop ka pinakaba mo kami sa wala!" Gigil kong sabi. Pati si Makie tinanggal yung communicator sa inis at lumayo.
"Oo naman, hayop talaga ako. Manok nga eh. Sige na ako nang bahala rito. Balitaan ko kaya uli mamaya sa mangyayari. Paalam. *click*" at tuluyan nya nang binaba ang tawag bago ko pa sya ibash.
"Bwisit talaga yung manok na yun, minsan di ko alam kung matino o may sayad eh." Sabi ko kay Makie.
Nakatalikod lang sya at di sumagot.
"Makie, ok ka lang? Alam kong naiinis ka rin pero OA naman yata yang pageemote mo." Lumapit ako sa kanya.
"Ssssssh!" Pigil nya sakin. Sinenyasan nya akong tumahimik at luminga-linga sya sa paligid.
Mukhang may napansin syang naka mansid sa amin.
Nilabas ko ang arnis ko at yumukod(crouch) para di makita gaano ng kung sino man ang nasa paligid. Nakiramdam din ako pero wala akong mapansing kakaiba. Nang biglang
Zsssstts zzzssstss zssszzts!
Tatlong kutsilyo ang ibinato ni Makie sa may talahiban sa gawing kanan. Pero wala itong tinamaan dahil mula roon bigla nalang may lumabas at tumakbo. Isa itong kalahok sa laro.
Pinaulanan ito ng kutsilyo ni Makie pero sa bilis nitong tumakbo tanging anino lang ang natatamaan. Gayunpaman patuloy parin ang pagragasa ng kutsilyong di nauubos sa kanya. Tumakbo sya tungo sa isang puno, humakbang paakyat at sa kalagitnaan ay tumalon pasirko sa ere tulad ng mga nagpaparkour para makailag. Napasipol ako, sa Hollywood ko lang napapanood yun. Sa Hollywood films pala, di sa mismong Hollywood, ang gara ko naman nun.
Habang paikot sya sa ere bigla syang may binato sa aming direksyon. Malaki, mabilis, umiikot at mukhang napakasakit pag tinamaan kami. Parolyo kaming umiwas sa magkabilang dereksyon.
"Ano yun?!" Tanong ko sabay habol ng tingin sa binato nya, si Makie naman di na nagpatumpik at mabilis na tumakbo tungo sa kalaban na nuoy tumalon paakyat ng isang sanga.
Nakita ko na umiikot parin sa ere ang binato nya, lumipad ito pataas, gumawa ng malaking arko na napatuloy pabalik sa direksyon namin. Nailagan ko uli ito.
Isa itong malaking boomerang.
At tatama ito sa likod ng diwata.
"MAKIE SA LIKOD MO!"
Lumingon sya at nakita nya ang boomerang saktong ilang dankal nalang ang agwat sa kanya. Nung akala ko tatamaan na sya, bigla syang humarap at lumiyad, tumama ito sa tela ng damit nya pero hanggang dun lang. Tinuloy nya ang pagliyad sa pagvertical, at paglagpas ng boomerang kasabay syang nakaikot pagkatapos ay swabeng bumato ng ilang kutsilyo.
Pabalik na ang boomerang sa may-ari na nasa sanga, halos isang segundo lang ang pagitan at kasunod nito ang mga kutsilyo. Pag nagkataon tatamaan sya ng mga ito pagkakuha nya ng boomerang. Yun marahil ang plano ni Makie.
Pero di ito nanghayari.
Pagbalik ng boomerang pinaikot nya ito na parang elisi, at napalihis ang mga kutsilyo pagtama rito. Itinigil nya ang pagikot at dun ko napansin na halos hanggang baba nya ang haba nito. Ginawa nya itong tungkod at tinignan kami mula sa itaas na parang minamaliit kami.
"Tony..." sambit ko nung nakilala ko sya.
Ang Cabeza ng Walangtinag ay wala ring tinag na nakatinding sa taas ng puno. May pagkasingkit ang kayang mata, mestizahin at may pagkatangos ang ilong. Ang buhok nya ay hanggang panga na kulot at kulay ash-blue ang dulo. Nakasuot sya ng bestidang kulay puti at itim na guhitan(stripes) na hanggang tuhod pero may kamison syang parang saudi jacket na putol ang manggas hanggang balikat. Nakajogger pants sya na maroon at rubber shoes. Medyo moderno ang porma nya kumpara sa ibang taga Kanlungan.
"Milo," tawag sakin ng diwata. "Tignan mo sa paligid kung nasaan ang mga kasama nya. Dehado tayo kapag napalibutan tayo nang di natin namamalayan."
"Wag kana mag-aksaya ng panahon, wala akong kasama." Sabat ng Cabeza. "Karamihan sa kasama ko ay naiwan sa kampo, ang iba ay naghahanap ng kampo ng kalaban ngayon. Ako naman, mas gusto kong kumilos magisa sa larong ito." May pagka astig na sabi nya.
"Paano mo nalaman kung nasaan kami? Sinigurado naming hindi magiwan ng bakas." Tanong ko.
Pinuwesto nya ang kamay nya sa gilid ng labi na parang sumisigaw.
"JAZZ JAZZZZ! Anong nangyari sayo?!" Gaya nya samin. "Ang galing nyo ring magtago ng bakas eh noh. Pero ok lang, nagtaon talagang hinahanap kita."
Napaface palm ako. Pahamak talaga si Jazz. Pero teka, hinahanap?
"Anong kailangan mo samin?" Tanong ni Makie.
"Sayo lang. May kailangan akong malaman." Sagot nya habang turo kay Makie.
"Wala akong panahon para sagutin ang mga tanong mo." Tugon naman ng diwata.
"Ikaw ba si Dian Masalanta(*1)?" Malamig nitong tanong.
Natigilan si Makie. Kung bakit, hindi ko alam. May kuneksyon ba ito sa nakaraan nya?
Tinanggal nya si Mayumi sa kanyang damit at mahinang itinulak papunta sa akin. Bahagyang rumehistro ang gulat sa mukha ni Tony nang makita ang Lambana pero wala syang sinabi.
Nang malapit na si Mayumi sa akin, inalok ko ang balikat ko para dapuan. Tinignan nya ako na parang sinasabing 'hah? Ok ka lang? Eww' sabay dura sa lupa. Walang modong lambana. Pero ok lang kasi yung dura nya nagisparkle na rainbow kaya kyut paring tignan.
"Nagmakamali ka. Hindi ako yun. Ano ang pumasok sa isipan mo at nasabi mo yan?" Tanong ni Makie.
"Una palang kitang nakita may hinala na ako na hindi ka Napili. Isa kang diwata. Pero ngayon wala nang duda, ikaw si Dian Masalanta. Wag mong itanggi." Pagpupumilit ng Cabeza.
Kaya pala parang nagulat sya nug unang makita kami. Akala ko nakatingin sya sakin, kay Makie pala. Sayang.
"Paano mo naman nasabing diwata ako?"
"Gusto mong malaman? Aminin mo munang ikaw si Dian Masalanta."
"Hindi ako aamin dahil wala akong dapat aminin. Ngayon kung di mo sasabihin, mabuti pang umalis ka nalang. Wag mong sayangin ang oras namin."
"Kung hindi ka aamin. Mapipilitan akong gumamit ng dahas para paaminin ka."
Ngumiti si Makie.
"Yan ang hinihtay kong sabihin mo." Maangas nyang sabi.
"Milo!" Tawag nya sakin habang hinuhubad ang kapa nya. "Bantayan mo si Gheronivejohfleksipathuqwexzitoremvanamayu. At wag kang makikialam, akin sya." Naglabas sya ng mga kutsilyo.
Agad-agad? Laban agad? Ganun lang yun? Mga warfreak amp.
Bago ko pa sila mapigilang maglaban dahil wala namang saysay ang away nila(ni hindi ko nga nagets kung bakit eh), bigla nalang nagpawala ng kutsilyo si Makie.
Nagpatihulog paatras si Tony sa puno kaya di sya tinamaan. Pag lapag nya binato nya agad yung boomerang sabay takbo tungo kay Makie. Ganun din ginawa ni Makie bato ng kutsilyo sabay takbo. Sabay nila itong inilagan, at nung nakalapit na sila naunang nagpawala ng suntok si Makie.
Inilagan ito paikot ni Tony kasabay ng isang roundhouse kick na nasalag ng Diwata. Hinawakan nya ang binti nito para sana ibalibag pero kumapit sa lupa ang Cabeza at inikot ang katawan para matakasan ang kapit ni Makie sabay tadyak nito na nailagan din naman. Sumuntok si Tony ng tatlong beses pero tinatapik lang ito ni Makie. Sa ikaapat hinawakan nya ang bisig nito sabay siko sa mukha, pero nasalag ito ng kamay ni Tony.
Patuloy silang nagpalitan ng suntok at sipa, at pantay lang halos sila nang galing. Labis akong humanga kay Tony na nasasabayan si Makie na napakahusay makipaglaban. Gusto ko sana silang pigilan pero parang naexcite ata akong manood ng dalawang babaeng nagaaway. May mali ata sakin. Pero sana may magdonate ng popcorn.
Pero kahit na halos pantay sila, sa huli lumitaw din kung sino ang mas nakalalamang.
Sumipa pawalis si Tony at tumalon si Makie, na nasa plano ni Tony dahil pabalik na ang boomerang nya. Habang nasa ere si Makie hindi sya makakailag dito. Nakita ko ang ngiting ng tagumpay na gumuhit sa mukha ng Cabeza. Ngiting masyadong maaga.
Biglang umapak ang diwata sa balikat nya at ginamit nya ito para tumambling pabaliktad nakailag sya pagtama ng boomerang. Si Tony kahit nagulat ay nagawa parin nyang saluhin sa ere ang sandata nya. Hinanda nya nang habalusin si Makie pero di nya inaasahan ang sumunod na nangyari.
May lumilipad na itim tela papunta sa mukha niya at natakpan sa kanyang paningin ang diwata. Ito yung hinubad na kapa ni Makie, dinampot at ibinato nya pagkalapag sa lupa.
Medyo nasindak ang Cabeza sa nangyari at hinataw nya ang kapa. Huli na nung nalaman nyang nakatutok na ang isang kutsilyo sa leeg nya.
"Checkmate. Talo ka." Walang hingal na sabi ni Makie.
Nginitian lang sya Tony.
"Sinong talo uli?" Sagot nito.
Tumingin sa Makie sa bandang sikmura nya. May nakatutok din dun na gintong kutsilyo na hawak ni Tony. Nakuha nya siguro sa paglalaban nila.
"Mahusay ka." Sabi ng Diwata.
"Mas magaling pako sa mahusay."
Tumalon sila paatras at naghanda uling sumugod. Dun nako pumagitna.
"Hep hep hep! Cooldown lang girls. Alam kong nagkakainitan kayo pero bakit ba kailangan nyong magaway? Hindi ko makuha eh." Sabi ko.
"Cabeza." Tawag ko kay Tony. "Tingin ko may alam ka tungkol kay Makie. Pero tinanggi na nya na sya si Doon Masalanta, kung sino man yun."
"Dian. Hindi Doon." Sagot ng Cabeza.
"Huh? Dito? Anong meron dito." Tanong ko.
"Hindi dito, kundi Dian!"
"Oo nga, dito nga sabi mo, di diyan."
"Huh? Ang sabi ko, Dian. Hindi doon, at hindi rin dito."
"Kaya nga. Hindi nga diyan, hindi rin doon. Dito ang sabi mo diba? Oh anong meron dito?" Tanong ko ule.
"Ang sabi ko, DIAN!"
"Ano ba talaga? Dito ka nang dito tapos di pala dito."
"Di DIYAN, DIAN!"
"Hindi dito pero..... Dito?"
"ARGGGGG!" Halos sabunutan nya ang sarili nya sa inis. "Ano ba tong kasama mo?! Ang sarap gulpihin, nakakabadtrip!" Tawag nya kay Makie.
"Welcome to the club." Sagot nya.
"Eniweys, ang punto ko, walang point yung pagaaway ninyo. Si Makie hindi mo mapipilit yang sumagot kung ayaw nya, ako na nagsasabi sayo. Ginatungan ka lang nyan kasi gusto nyang subukan ang kakayahan mo."
Tinignan ng Cabeza si Makie na nagkibit-balikat lang.
"Hindi naman ako tutol na maglaban kayo, asteeeg nga eh. Para akong nanonood ng anime. Tapos naka pang Kpop kapa Cabeza. Wag ka lang sasayaw uh."
"Huh?" Pagtataka ni Tony.
"Wala. Ang sa akin lang, kung magaaway kayo, hindi ito ang tamang lugar at oras. Kahit talunin mo kaming dalawa, wala ring merito sayo kasi wala naman kaming hawak na watawat. Wala sa amin, nasa isang kasama namin. Wala karing mapapala." Sabi ko habang sinisiguradong nakatago ang watawat ng Magwagi.
"May-(tinignan ko yung PuSi)- mga 30mins nalang tayong natitira sa laro, at parehas na tambak sa Magdiwang. Pag nagkataon parehas tayong talo, at ang dahilan ay dahil lang sa pagtatalo nyong ito. Gusto nyo ba yun?"
"Diwata." Tawag ni Tony kay Makie. "Ang tunay kong pangalan ay Mintonne." Sabi nya. Pang pagbigkas nya ay Minton.
Hinintay nya atang magkaroon ng reaksyon ang mukha ni Makie pero sya ay bigo.
"W-wala bang pumapasok sa isipan mo kapag naririnig ang pangalan na yun?"
"Pasensya na. Hindi ko alam kung sino ang akala mong ako pero hindi ako yun. Isa lang akong Napiling tulad mo." Malamig na tugon ni Makie.
Parang may nawasak sa reaksyon ni Tony. Tila nadurog ang puso nya at ilang sandali lang ay para syang luluha. Pero saglit lang yun at bumalik sya sa normal nyang ekspresyon, kaya naiwan akong nagtataka kung tunay ba yung una kong nakita.
Sinukbit nya sa likod nya yung malaking boomerang at tumalikod na sa amin.
"Hindi parin akong naniniwalang hindi ka si Dian Masalanta. Pagkatapos ng DiWa gagawin ko ang lahat para malaman ang katotohanan mula sa iyo."
Naglakad sya nang konti palayo tapos huminto at lumingon samin nang di humaharap.
"Kung hinahanap nyo ang kampo ng Magdiwang sundan nyo lang ang sapa na yan, wala pang sampung minuto makikita nyo na ito. Pero kung ako aa inyo sabihan nyo na ang Kampo ninyo. Dahil sa oras na ito palusob na ang grupo ko para durugin kayo. Gusto ko lang malaman nyo ito." Sabi at tuluyan na syang tumakbo sa gubat.
Tumatak ang sinabi nya sakin. Syete. Ibig sabihin palusob ang Walangtinag, Magdiwang at Magdalo samin. Kapag mangyari yun paniguradong magigiba ang kampo namin. Pinindot ko ang tawagan sila Tifa balaan nang napansin kong naglalakad na palayo si Makie na mabigat ang mga hakbang. Hinabol ko sya at nakita kong madilim ang mukha niya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Wala..." madiin nyang tugon. Pero hindi tulad ng dati na nagsusuplada. Parang may bahid ng... lungkot?
"Sino si Dian Masalanta?" Tanong ko.
"Isang katauhang binaon ko na sa limot."
Dumapo uli si Mayumi sa kanya at nginitian nya ito. Tumingin sya sa harapan at bumalik ang dating sya.
"Tara na. Nalalapit na tayo sa pagwawakas ng laro." Nagmadali na syang maglakad papunta sa sinabing lugar ng Magdiwang. Wala nako nagawa kundi sumunod sa kanya.
Dumaan kami sa isang masukal na halamanan, tumagal din nang lagpas 5 minuto ang paglalakbay namin nang makarinig kami ng nagtatawanan. Gumapang kami at sumilip sa pagitan ng mga dahon at tumambad samin ang hinahanap naming tanawin.
Nakita na namin ang kampo ng Magdiwang.
Simple lang ang pagkakatayo nito. Napapalibutan ito ng sulo at ilang konting bakod. May ilang bantay na umiikot at ilan na malapit gintong tarakan sa gitna. Ang bilang ko nasa sampu sila.
Tatlo ang nakikita kong problema.
Una, ang posisyon. Malapit ito sa isang bangin. Mula sa tarakan na nasa gitna ng kampo may 15 metro ang layo at maari ka nang mahulog. Hindi ka pwedeng makalapit nang di nakikita dahil walang halaman sa paligid, mabato at maliwanag dahil sa mga sulo.
Pangalawa ang mga bantay, malalaki sila at madami. Kumpyansa ako kakayanin ko sila kung kagaya lang silang Magwagi pero sa mga mandirimang Diwang baka may ilan lang akong matalo kapag nasorpresa ko sila. Pero pagkatapos nun baka si Makie nalang ang makapalag.
Pangatlo, at pinaka nakakabwisit sa lahat, nandun si Bon Jovi. Nakatalikod sya at nakatingin uli sa apoy ng medyo malaking bonfire nila. Hindi sya sumama grupo ng lumulusob tulad ng nakagawian. Marahil iniisip nyang lulusubin namin ang kampo nya kaya sya mismo ang personal na nagbantay.
Nakakainis. Pero ayos lang. Inaasahan ko na yun.
Dahil kasama ang presensya nya sa plano ko
"Ano bang meron sa mga bonfire at lagi syang nakatingin dun? Mahilig syang manood ng naglalarong apoy? Feeling nya hot din sya ganun? Tulak ko sya run eh." Bulong ko kay Makie.
"....Paano tayo lalapit? Lulusob ba muna tayo or gagawin natin agad ang nasa plano?" Tanong nya sakin.
Hindi ako makapaniwala, sa unang pagkakataon humingi sya ng payo sakin. Marahil tunay syang naapektuhan ng pagtatagpo nila ni Tony di tulad ng nais ipakita.
"Nasa atin ang elemento ng sorpresa, gamitin natin yun. Bawasan natin ang bilang nila hanggat kaya natin bago tayo mahuli. At dahil nandito si Bon Jovi, gawin natin ang lahat para kumagat sya sa pain natin." Sabi ko.
Tumango sya bilang pagsang-ayon nang biglang napabalikwas si Mayumi na parang nagulat at dalidaling may sinabi kay Makie na nanlaki naman ang mata at tumingin sakin.
"Nahuli raw si Jazz!" Bulong nya sakin.
"Hah paano?!" Gulat na tanong ko.
"Hindi rin nila alam, may lambana lang na nakakitang hawak-hawak ang kamay ni Jazz mula sa likuran, nasa grupo na sya ng Diwang sa Dalo. Nakuha na nila yung watawat. At malapit na sila sa kampo natin" paglalahad nya.
"Teka bat ngayon lang natin nalaman yan? Bat di kaagad sinabi ng mga lambana bago pa man sya nahuli. Ganun din kanina nung nakasalubong natin yung mga Wagi, di nila tayo sinabihan." Reklamo ko.
Tinanong nya si Mayumi, sumagot naman ito na parang nagaalangan. Nagsalubong ang kilay ni Makie.
"May ano... May inaasikaso raw yung mga kasama Gheronivejohfleksipathuqwexzitoremvanamayu kanina." Parang nagdadalawang isip na sabi ni Makie.
"Bakit ano bang ginawa nila?" Tanong ko.
"Nagmamadjong." Sagot nya.
Watdahel! Lambana, nagmamadjong? Anak ng putong may bagoong!Tinignan ko si Mayumi. Umiwas sya ng tingin at nagkamot ng ulo sabay labas ng dila. Ang kyut ng bwisit. Diko magawang mainis.
Bago pa ako magbigay reaksyon bigla nalang may nagsalita sa talinig ko.
"Milo!" Pabulong na sabi ng tinig ni Tifa sa kabilang linya.
"Oh bakit ka bumubulong?"
"Hindi ako pwedeng magsalita nang malakas! Nandito na sila! Di pa nila kami nakikita pero malapit na sila?" Nagpapanic na sabi ni Tifa.
"Sinong sila?"
"Yung Magdiwang, nandito na!"
Syet. Nagkatinginan kami ni Makie na nakikinig din.
"Milo!" Biglang pasok ng tinig ni Talas. "Nahuli nila si Jazz?"
"Seryoso? Di ko kasi makita sa pwesto ko." Sabi ni Tifa.
"Oo. Nakita ko sya, hawak hawak ng dalawang lalake at mukhang nasaktan sya."
Syet ulit.
"Teka.. Nakita na nila kami! Pinapalibutan nila ang kampo natin ngayon!" Sigaw ni Talas.
"May isa pang problema!" Pasok uli ni Tifa. "Nasa puno ako ngayon para tignan yung pwesto nila. Pero may nakita pa akong iba. May papalapit pang grupo papunta sa kabilang banda! Mga 10 minuto ang layo sa kampo natin."
Yun na ata yung WalangTinag. Syeettt.
"Ok guys. Kalma lang. Huminga kayo nang malalim, ganito ang gawin ninyo. Una nyong depensahan ang kampo mula sa mga Diwang, wag nyong isipin yung isang grupo dahil malayu-layo pa sila at pagdating nila baka matuon din ang atensyon nila sa mga Diwang. Basta wag kayong papatinag at higit sa lahat bantayan nyo maigi ang tarakan."
"Ok." "Sige." Sabay na sagot nila.
Tapos biglang akong kinalabit ni Makie, at may tinuro sya sa harap namin. Bumagsak ang panga ko.
"T-tawag ako ule sa inyo mamaya. Galingan nyo nalang. May aasikasuhin lang kami ni Makie." Binaba ko ang tawag.
"H-hi fans!" Bati bati ko sa dalawang lalaking nakatayo sa harap namin at sa kanilang sibat na nakikipag feeling close sa aming mukha.
Goodluck sa elemento ng sorpersa namin.
***********
Nalalabing Oras:
21 minuto.
Puntos:
100
Kampong Natanggal:
Magdalo
Magwagi
***********
(*1) Dian Masalanta
Origin: Tagalog
Ang dyosa ng pagibig, pagbubuntis, at panganganak. Tagapangalaga ng mga magsing-irog(mga nagmamahalan). Nung dumating ang mga kastila naging Maria Makiling sya. Pero di ibig sabihin na si Makiling ang dyosa ng Pag-ibig. Sa kung anong dahilan, napagtripan lang syang palitan ng mga kastila.
Pero sa kwento, si Makie si Makiling, ibig bang sabihin sya rin talaga si Dian Masalanta? Anong koneksyon nya kay Tony na ang tunay daw na katauhan ay si Mintonne?
Abangan...
A/N:
Ahahahahahahahahaha cliffhanger ule. Ganun talaga next chapter na ang konklusyom ng Digmaan ng mga Watawat eh. Kung ano ang plano ni Milo, at kung mananalo ba ang Magtagumpay, malalaman natin sa susunod na kabanata.
;)
Salamat po pala sa 40k reads! Gurabe na ito.
Dedicated to kay lambana19 at doctamae na lambana at Napiling tunay. Salamat. Maam, magkaroon ka sana ng graded recitation para rito haha
And nga pala, sa mga ginagamit kong salita na di nyo naiintindihan, comment lang kayo para mapaliwanag ko. Minsan nagsshare pako ng ibang lecture nun, gaya ng kung ano tagalog ng loud speaker, charger etc. Yun lang.
Dont forget to vote guys. Pati sana sa mga lumang chaps.
;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top