KABANATA XXVIII - Sarangay-ong Pasko, ay Maalala Mo Parin Ako.

"Kumandante."

Nagbunga nang mainam ang pagsasanay na ginawa ko sa ilalim ni Goyong. Bumilis ang pagtakbo at humaba ang resistensya ng aking katawan. Di alintana ang mapangahas na landas ng gubat na kay sukal. Maging pagtalon sa punong nabuwal o pagyuko sa mga sanga ay nagagawa nang mabilisan at di nalalagasan gaano ng enerhiya.

Nakakasabay ako sa mga kasamahan kong Tagumpay na parang ipinaglihi sa unggoy ang kaliksihan. Nakakatuwa. Siguro dapat ko ipagpatuloy ang 100 pushups, situps, squats at 10km run araw-araw hanggang tatlong taon. Baka lalo pa akong lumiksi at lumakas.

"Kumandante!"

Pero di rin matatawaran si Tifa. Medyo makuyad(clumsy) pa ang kilos nya pero di sya patatalo sa pagtakbo namin sa obstacle course na kung tawagin ay gubat.

Sinusundan namin si Talas na nangunguna dahil sya lang ang nakakaalam ng daan. Nasa gitna naman kami banda ng grupo namin. Katabi ko si Tifa, si Makie at Jazz nasa unahan lang namin.

"KUMANDANTE!"

Nagulat ako.

"Ako ba yun?" Tanong ko sa batang lalaking Aeta na tumatakbo sa tabi ko.

"Opo kumandante. Sabi ni Cabeza Talas yun daw ang itawag sayo dahil ikaw ang puno't dulo ng planong magpapanalo sa atin." Sagot nya.

Adik talaga yun si Talas. Di man lang ginawang 'Your Majesty' o 'Oh Great Ruler' para mas pang masa.

"Oh ano yun Raul, may sasabihin kaba?" Tanong ko sa kanya. Bilang isang ganap na Tagumpay, inalam ko talaga ang pangalan mga kapatid kong kabalangay. Para mas madali isagawa ang plano. Tanga ako kung ilang linggo na hindi ko pa rin alam ang pangalan nila.

".... Si Lito po ako Kumandante." sagot nya

"...... Ibig kong sabihin, uhmmm ano... si Raul nandyan ba?"

"Wala po tayong Raul sa Balangay natin."

"....... A-alam ko. Sinusubukan ko lang ang kapasidad at talas ng iyong kaisipan kung mapupuna mo ang pagsubok kong yun. Magbunyi ka. Nakapasa ka sa aking pamantayan."

"Ooohhh sabi ko na nga ba katangitangi kang nilalang! Salamat po! Isang karangalan na maging tagasunod ninyo!" Sabi nya sakin na kumikinang mata sa pag-idolo sakin.

Tumingin ako sa paligid, wala namang nakapansin sa usapan namin. Bwisit, nakakahiya.

"Ano yung sasabihin mo 'Lito'?"

"Ay oo nga pala! Kumandante, may sumusunod po sa atin sa likod! Mga Diwang nasa 7-10 ang bilang nila at armado ng mga sibat!" Ulat niya.

Anak ng putong may buhok sa loob. Inaasahan ko na na aatakihin nila kami, pero hindi ganoon kaaga. Hindi umipekto sa kanila yung sabayang pagbigkas namin. Tsk.

"Puntahan mo si Talas at sabihin mo sa kanya ang inulat mo, at sabihin mo magmadali sa kampo, bawat segundo mahalaga. Gagawan nalang namin ng paraan ang mga bisita natin."

"Opo." Binilisan nya ang pagtakbo at pagsingit sa hanay nang nauna.

Hinanap ko sa paligid si Jazz at Makie para makatulong pero sa dami namin hindi ko sila masulyapan. Sa likod nakita ko nga ang mga salarin, matitikas ang katawan na trademark ng Diwang pero wag kang palinlang. Kahit sa pangangatawan nila nagagawa pa nilang humabol samin at pumorma na parang ibabato ang... ??

"SIBAT! MAY PAPARATING NA SIBAT! UMILAG KAYO!" Sigaw ko nung naiuta kong tinaas ng mga Diwang ang sibat nila. Napalingon lahat sa likod.

"TAGUMPAY, IKA APAT NA MOSYON!" Utos ni Talas.

Nagwatak-watak ang mga Tagumpay at nagakyatan sa ibat ibang puno. Dun sila nagpatuloy nang pagtakbo, palipat lipat sa mga puno na parang ninja.

Naiwan ako sa ibaba.

"Milo umakyat kana rito!" Sigaw Tifa. Paano sya nakaakyat kaagad dun? Mga unggoy. Mga unggoy kayong lahat.

"Dito nalang muna ako! Babantayan ko kayo mula sa ibaba!" sagot ko.

"Lokohin mo lelang mo, sabihin mo di ka marunong umakyat!"

"Bat ko naman sasabihin yun?"

"ILAG." Nilabas ni Tifa ang busog nya at sa isang mosyon, kinarga ang isang palaso, binatak ang tali at pinawalan ito.

Kaso yung palaso direkta sa akin papunta!

Nung malapit na ito sa mukha ko bigla itong lumipas, lumagpas at tumama sa sibat na lumilipad tungo sakin. Dapak! Akala ko ba friendly game lang ito!

"Woah! Ang galing mo Tifa! Yun ba yung homing arrow mo? Ang galing mo, fans na fans na kita!" Puri ko.

"Ayyy... Wag ganun, dyahe ako. Ahihihi." Namumula nyang sagot. Kyot kyot.

Biglang may tumulak sakin at gumulong kami sa lupa. Buti nalang dahil may tumusok na apat na sibat kung saan ako nakapwesto.

"Siraulo kaba?! Tumingin ka muna sa paligid bago lumandi! Andaming kalaban, isang sibat lang nasalag nyo nagharutan na kayo kaagad! Anak ng patola!" Sigaw ni Makie sakin.

"Uhhh... Salamat?" Tugon ko.

Hindi ako makapagreact nang maayos. Alam nyo kung bakit? Kasi sa pagtulong nya sakin at paggulong namin, huminto kami kami na halos nakaakap sya sakin ilang pulgada lang ang lapit ng aming mukha at ang hininga nya dumadampi sa aking pisngi.

Magkatinginan kami ng mata. Natulala ako. Tulad nang dati nalunod ako sa kanyang mala balon na mata. Siguro dahil sa malapitan, dun ko lang tunay na napansin ang kagandahan ng kanyang mata. Para itong itim na kalawakang may bituin sa paligid at may bahid ng kaunting ginto sa gitna.

"May.... Nakapagsabi na ba sayong... ang ganda ng mata mo?" Wala sa loob kong sabi. Sh*t sh*t sh*t. Pinagsisihan ko kaagad ang pagkabigkas ko.

Tumaas ang isang kilay nya. "Marami na." Sagot nya. "Ilan sa kanila binaon ko sa lupa. At kung dika tatayo dyan, ako mismo maglilibing sayo."

"Ummm. Welcome..." Inalalayan nya ako tumayo. Paksyet ang lambot ng kamay nya parang ulap. Pero di ako sigurado, di pako nakakahawak ng ulap eh.

Bumaba si Tifa ng puno at lumapit.

"Heyheyhey! Stop the meaning of this! Anong ginagawa nyo?" Sigaw na tanong nya samin.

"Hindi ba halata? Niligtas ko yang kaibigan mo."

"Parang hindi ganun ang nakita ko." Duna nitong tugon.

"Pacheck up kana baka may problema kana sa mata kung ganun. Wala palang kwenta yang salamin mo eh."

"Eh ano naman. Wala naman talagang grado ito eh. Pakialam mo ba?"

"Hindi ko gusto ang tono mo tagalupa."

"Mas hindi kita gusto lamanglupa."

"Tampalasan!"

"Guys, mawalang galang na." Singit ko sa kanila na nagbabalagtasan.

"ANO?!" Sigaw nila sakin. Ang puso nyo.

"Ayokong sanang pigilan ang lambingan nyo pero may kalaban tayo remember? Ayan na nga sila oh, HI GUYS!~" Kinawayan ko sila. Kumaway din naman sila pero biglang naalala nila kalaban nila kami kaya tumigil sila haha.

Yun nga lang dahil sa pagbabangayan nilang dalawa nakalapit sila para kunin uli ang mga sibat na binato nila. Pito sila. Pito laban sa tatlo. Sana nandito man lang si Jazz. Mas ligtas yun kaysa si Makie ang makalaban nila. Kawawa sila.

"Mamaya na natin ituloy ang usapan Langaw." Naglabas ng dalawang gintong kutsilyong singhaba ng braso si Makie. Dun ko lang nakita yun. Parang maikling espada ang dating.

Tumango si Tifa, namumutil ang pawis sa noo, kinakabahan. Di ko sya masisi, kung tama pagkakaalala ko, yun ang unang pagsabak nya sa isang laban. Nanginginig syang kinargahan ng palaso ang busog nya.

"Asan na ang grupo natin?" Tanong ko kay Tifa, para mawaksi rin ang kaba nya.

"Nauna na sila, kasama naman nila si Jazz kaya wala kang dapat ipagalala. Habol nalang daw tayo, alam ko na yung daan."

Mas ok dahil makakapagconcentrate kami sa laban. Pero kung may kasama pa kami mas magiging madali para samin. Nilabas ko ang dalawang arnis na nakatago sa likods ko.

"Kapatid!" Sigaw ko sa mga Diwang. "Baka pwede nating pagusapan ito, hindi pa umiinit ang laro oh inaatake nyo na agad kami. Baka pwedeng pagbigyan nyo kami kahit ngayon lang." Pakiusap ko.

"Maguusap tayo kapag ginulpi kana namin! Ang kapal ng mukha mong makiusap matapos mong ipahiya ang Supremo, hindi ka namin mapapatawad! At hindi kita kapatid! Ate ba kita?" Ganting tugon nung pinaka matangkad sa kanila. Wow hah, galit na galit? Saka baka pwede kuya at hindi ate?

"Sige na naman oh... Pleaaaaaassseee?" Pakiusap ni Tifa.

Namula yung matangkad.

"*ehem* ano... Kung yun t-talaga ang gusto ng binibini. S-siguro pwede naman kaming magpagpanggap na wala kaming nakita rito na- Aray!" Binatukan sya nung isa. Pero dahil maliit yung bumatok, para syang nag jumpball.

"Hunghang! Gusto mo bang mapagalitan ng Supremo? Ang bilin satin lahat ng pwedeng tanggaling manlalaro, tanggalin! Ihanda mo ang sandata mo!" Utos nya.

Ayun pala ang plano nila. Divide and conquer. Hindi gagana ang pagkukumbinsi sa mga ito.

Itinuro nila ang mga sibat nila sa amin, kami naman ay pumuwesto para umatake. Si Tifa nasa bandang likod namin at nakatutok ang pana sa pinaka malapit na kalaban.

"Kamusta ang pagsasanay mo, marunong ka na ba?" Bulong ni Makie sakin.

"Sakto lang kahit papaano." Sagot ko

"Sige, ipakita mo sakin yang 'sakto lang' mo." Utos nya. Yes maam!

Unang lumusob ang tatlo sa hanay nila, sinabayan namin ito ni Makie. May ilang dipa pa ang layo namin sa mga kalaban kaya bago kami nagtagpo naunang dumating ang pana ni Tifa. Tumama ito sa damit ng isang lumusob at tumusok sa isang puno kaya napako ito doon at di na makagalaw. Nice one Tifs.

Kami naman. Malapit na kaming magtagpo, yung kaharap ko ay ibabato na ang sibat nya at ako naman ay naghahandang salagin ito nang.

BRAAAAUUUUUUUUUHHHHHHHHHHHHHHHRRRRR!!!!!

WTF! Ano yun?!

Natigilan kaming lahat sa ungal(roar) sa yumanig sa kapaligiran. Nanginig pa ang sanga ng ilang puno at nagliparan ang mga ibon at mga prutas. Luminga linga kami sa paligid, hinahanap ang pinanggalingan ng tunog. Bigla kong naalala ang sinabi nila tungkol sa gubat. Puno ito ng mababangis na hayop.

"A-ano yun?" Tanong nung lalaking sisibatin sana ako. Feeling close.

"Aba malay ko, bat ako tinatanong mo? Kayo taga rito eh."

"Shhhhh!" Saway samin ni Makie.

Bogg.... Bogg.. Bogg.. Bogg... KKRraackkk!

Sabay sa yanig ng lupa ang tunog. Parang yabag ng malaking nilalang, kasunod pagkaputol ng mga sanga.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa tabi ko si Tifa lumapit sakin at humihikbi sa takot.

"Oh, bat ka umiiyak? Natatakot ka?" Tanong ko.

"Hindi... Naiwan ko kasi camera ko bag huhuhu..." sagot nya. Sabi ko nga.

"Nasa may puno." Tinuro nung isang Diwang ang lokasyon nito.

Sa gawing kanan may ilang punong umaalog, na parang kawayang sumasayaw sa hangin. Kung ano man ang nandun, malaki ito para magawa yun sa mga puno.

Sumenyas ako sa mga Diwang na tumahimik, dumapa at dahan-dahang umatras. Sumangayon sila. Sa ganung pagkakataon, yun ang pinaka matalinong desisyon na dapat gawin. Gumapang kaming tatlo sa gilid ng isang punong nabuwal.

Nagpakita na ang mabangis na hayop. Ang unang lumitaw sa kanya mula sa dilim ng kanyang pinanggalingan ay ang dalawa nitong mata. Kulay pula ito na parang nagaapoy sa galit. Nung nakita ko ang dambuhala nitong mukha, kinilabutan ako. Mukha itong isang demonyo.

May dalawang sungay, kulay pula ang mukha, pahaba ang bibig, ang ilong ay parang sa kalabaw, mga ngipin na hindi katulisan pero kayang dumurog ng katawan. Kapag humihinga may usok na lumalabas sa kanyang ilong. Mukha itong......

Logo ng Chicago Bulls na naka steroids. Seryoso.

"Minotaur yan diba?" Tanong ko.

"Sarangay(*1)." Pagtama ni Tifa. "Greek yung minotaur. Sarangay sa dito satin. Malayong magkamaganak sila."

"Diba korean yun?"

"Tanga, saranghe yun." Pagtama ni Tifa.

Ayos uh. Buti pa sya may kamaganak sa ibang bansa. Pag nagbakasyon yun dito satin matataniman din kaya sya ng bala?

Ang ulo't pangibabang katawan nito ay pang toro. Habang ang pangitaas na katawan nito ay mala-tao, mas matipuno't mabuhok lang. May 8 pack abs ito. Meron pa atang iba pero ayoko nang kumpirmahin, masyado nang mababa eh. Ang taas nito ay higit sa dalawang tao, naka kuba pa itong maglakad. Ang matulis nitong mga sungay ay balot ng natuyong dugo.

Pero ang takaw pansin ay ang hikaw nito sa magkabilang tenga. Para itong perlas na kulay asul. May mahina itong kinang na nakakapangakit sa akin tulad ng gamu-gamo sa malamyang apoy ng kandila.

"Ang ganda nung hikaw nya." Sabi ni Tifa.

"May taglay daw yan na mahika. Hindi ko nga lang alam kung ano." Tugon ni Makie.

"Kunin kaya natin?" Sabi ko. Tinignan nya ako.

"Mahilig kaba sa yakult?" Tanong nya sakin.

"Hah? Oo bakit?"

"Mabuti. Dahil kapag kinuha mo sa kanya yung hikaw nya, pagkakasyahin ka nya sa bote ng yakult. Pinoprotektahan nya yan ng buhay nya, kaya hindi mo ito basta basta makukuha." Sagot nya.

Sayang. Wala pa man ding litro ng yakult na binebenta.

BRAAAAUUUUUUUUUHHHHHHHHHHHHHHHRRRRR!!!!!

Sigaw ule nito sa kalangitan. Hinampas nya ang ilang puno sa paligid na muntik nang mabuwal kung di lang ubod ng laki. Napatakip kami ng tainga.

"Anong problema nyan? May anger issues ata." Tanong ko.

"Siguro kagaya rin yan ng toro. Highly territorial sila at maikli ang temper. Ayaw nila ng may pumapasok sa teritoryo nila."

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Tinatanong pa ba yan? Aatras na tayo, ganun din ginawa nung mga Diwang oh. Wag na nating hintayin na makita pa nya tayo. Kailangan narin nating puntahan ang grupo." Ani ni Makie

"T-tama ka." Sagot ko pero may bumabagabag sa akin. May agam-agam akong diko matukoy. Parang may mali. Parang may nakalimutan kaming isang importanteng bagay.

At naalala namin yun habang paalis kami sa masalimuot na paraan.

"TULUNGAN NYO AKO! WAG NYO AKONG IWAN DITO!" Bumasag ang sigaw sa kapaligiran.

F*ck! Sabi ko na nga ba may nakalimutan kami. Naiwan naming nakapana parin yung lalaki sa puno.

At papalapit na yung Sarangay sa kanya!

Tumakbo si Tifa pabalik. Hinatak ko sya.

"San ka pupunta?" Pigil ko.

"Tutulungan ko sya! Ako ang dahilan bakit naiwan sya run eh!" Nerbyos nyang sabi.

"Wag kang lalapit dun, mapapahamak ka lang! At saka ililigtas sya ng mga kasama nya!" Sabi ko. Kumalma sya nung nakita nyang tama ako.

"Sangko!" Sigaw ng lalaking matangkad.

Tumakbo sya papunta sa nasa puno at pinilit tanggalin ang palaso. Pero malalim ang pagkakatarak at hindi ito nabunot. Habang tinatanggal nya ito hindi napansin na nasa likod nya na ang Sarangay.

Sabay ng nakakakilabot nitong sigaw, hinampas nya ng kamay ang lalaki. Sa lakas nito tumalsik sya at tumama sa bandang gitna ng isang puno ilang metro ang layo. Rinig ang nakakapanghinang tunog ng mga nabali nitong buto. Bumagsak itong patalbog sa lupa at hindi na gumalaw.

Nagsisisigaw ang nasa puno pero nang titigan sya ng Sarangay at inaamuy-amoy ang tanging maririnig mo sa paligid ay ang kanyang hikbi at pagtakbo ng kasamahan nilang iniwan sila sa tiyak na kamatayan.

"Kasalanan ko ito! Mamamatay sila dahil sakin!" Pahagulgol na sabi Tifa. Hinawakan ko sya sa balikat.

"Tifa! Hindi ito ang panahon para magdrama! Hindi pa sila patay, at kailangan natin silang tulungan!... Huy! Nakikinig kaba? TIFAAA! HELLOO?" Patuloy lang sya sa pagluha.

Hinawakan ko sya sa pisngi at marahang sinampal sampal pero wala parin. Tulala at di parin nya ako napapansin. Walangya. Ginawa ko pinasok ko yung hintuturo ko sa butas ng ilong nya at PAK! sinampal nya ko na may kasamang 'gago!'. Ayos, epektib. Ok, take two!

"Tifa! Hindi ito ang panahon para magdrama! Hindi pa sila patay, at kailangan natin silang tulungan! Nakikinig kaba?" Tanong ko ay tumango sya.

"Ililigtas ko yung lalaking tumalsik sa puno, para magawa ko yun kailangan waksiin mo yung atensyon ng Sarangay gamit ang pana mo tapos magtago kana. Kaya mo ba yun?" Tanong ko.

"O-oo. Sisilawin ko sya ng flashbang arrows ko." Sagot nya, tumango ako.

"Makie, habang bulag ang Sarangay ikaw naman ang magkawala dun sa nakapana sa puno. Tapos sabay-sabay na tayong tumakbo sa direksyon ng kampo natin."

Tinaasan nya ako ng kilay at nagkrus ng bisig.

"...Please?" Pakiusap ko.

"May utang ka sakin uh." Ani niya.

Ok lesdudis!

Umasinta ng pana si Tifa at nang pinawalan nya ito tumama sa puno sa bandang ulunan ng Sarangay kaya napatingin ito rito.

"PIKITTT!" Sigaw ni Tifa at nagtakipan kami ng mata.

PSZZHHHTT!

GRAUUUHHHHHHHHHH!!!!!

Magkasunod na tunog ng mahinang pagsabog at sigaw ng Sarangay.

Di na kami nagaksaya ng panahon at tumakbo sa magkakaibang direksyon. Magkada-dapa pa ako sa kandarapa magpunta sa lalaki. Nung nandun na ako hindi ko alam kung paano sya gagalawin. Akala ko patay na pero buti nalang at umuungol pa.

Nakadapa sya sa lupa, naliligo sa sariling dugo at nakalitaw ang buto sa... Dyuskopo, mama ko asan kana?

Inangkla ko ang balikat nya sa batok ko, sobrang bigat. Tinignan ko si Makie, di pa sya makasingit dahil pailag-ilag ito sa nagwawalang Sarangay kaya di sya mamatulong sakin. Tapos sa pagwawala nya nahampas nya ang isang puno at nabuwal ito.

Tungo sa direksyon namin.

Nagmadali ako sa pagbuhat sa kanya habang parang slow motion na bumabagsak ang puno sa ulunan namin. Nung pakiramdam ko di ako aabot inipon ko ang lakas ko para makatalon pailag. Buti nalang dahil kalahating dipa lang ang pagitan at napisak na kami.

Umungol sa sakit yung lalaki. Tiisin mo lang bro, mas mabuti nang masaktan kaysa mamatay.

Blag. May bumagsak sa tapat namin. Ano na naman yun?!

"Aray aray aray... Ang sakit ng likod ko." Sabi ni Gil Perez na lumabas mula sa malapit na puno. "Iho, ako nang bahala sa kanya at tumakas na kayo. Tapos na ang laro para sa isang ito pero kayo ay nagsisimula palang."

Kinuha nya sa pangangalaga ko yung lalaki at tumayo kami.

"Ginoo, ok lang kaya sya?" Tanong ko. Tinignan nya ang duguang lalaki.

"Ay malamang, ok lang sya. Tingin ko may ubo't sipon lang to. Halata naman diba? Bueno, mauna nako." At sumandal uli sya sa puno kung saan nilamon sila tungo sa kawalan.

"AHHHHHHHHHHHH!!" Sigaw ni Tifa.

Napaupo sya sa lupa at hindi maka takbo sa takot dahil papalapit ang sarangay sa kanya. At nakakakita na uli ito!

Dagli akong tumakbo at pumulot ng isang tipak ng bato para pukulin ito. Tinamaan sya at nakuha ko ang atensyon nito.

"Huuuy! Red bull! Ako ang atakihin mo, dito ka! Mas favorite ko ang Cobra energy drink kesa sayo!" Sigaw ko.

Umusok ang ilong nito sa galit at nagsisigaw na iniwanan si Tifa palusob sakin. Syete! Kumaripas ako ng takbo, malaki man sya, magagamit ko naman yun para magsisisingit sa mga puno at bato para di nya ako maabutan. Pero kinakapos ako ng hininga at kinailangan magpahinga saglit.

Nagtago ako sa likod ng isang puno. Tingin ko naman sapat ang distansya namin para di nya ako makitang nagtago. Nakahinga ako nang maluwag.

BLAGGGAKKKKRAASSHHHHH!!!

Binangga nya ang puno mula sa likuran, at tumagos ang dalawa nitong sungay. Napaggitnaan ang ulo ko, syet. Bago ako makalayo naramdaman kong parang lumilindol ang paligid, kaya napakapit ako sungay. Huli na nung nalaman kong hindi pala lumilindol. Binunot nya sa ere ang puno na parang damo.

At kasama akong nakakapit sa sungay na iwinawasiwas nya sa ere na may 30ft ang taas.

Ang nakakagulat pa nun, paano ko nasukat ang 30ft? May moment of brilliance ako sa gitna ng panganib? Asteeg.

Para akong latigong na iwinawagay nya. Masakit kapag humahapas ako sa puno pero diko tinangkang bumitaw. Bali ang buto ko pag nagkataon. Kaya kahit inaabot nya ako ng mga kamay inaangat ko ang aking binti para di maabot. Pero may isa akong di inasahan.

Ibinunggo nya ang puno isang malaking bato. Nabasag ang ilang parte nito at nayanig ako ng pagtama. Nakabitaw ako. Parang dahan dahan akong bumagsak, slow motion ang ang dating ng parating na kasakitan. Gumalaw ang kamay ko na parang pakpak, naghahanap ng makakapitan. At sa swerte ko may nahawakan ako, kinapitan ko ito na parang yun ang tali ng aking buhay.

Pero lalong nagwala ang sarangay, naghihiyaw ito na parang nababaliw sa galit at iniikot ang ulo na parang bagong ligong aso. Pero di parin ako bumitiw.

Kaso naputol yung kinapitan ko at ako ay tumalsik palayo. Mabuti nalang at talahiban ang aking binagsakan at ginulungan. Umiikot ang mundo ko at gusto ko nalang matulog. Pero hindi pupwede. Dahil pinuntahan kaagad ako ng sarangay.

BLAGGG! Binagsak nya ang puno sa gilid ko. Sinigawan nya ako nang harapan, halos mabasag ang eardrums ko. Ang malala pa nyan, ang baho ng hininga nya. Magtoothbrush ka naman dude. Pero sino ako para manghusga, madalang din ako magtoothbrush.

Nilapit nya ang kamay sa akin, aktong hahablutin at dudurugin ang aking katawan. Kailangan kong makatakas.

Pinilit kong umiwas, pero sumabit ang damit ko sa sanga ng puno. Hindi ako makaalis!! Papalapit na ang kamay nya.

Sshhoooooossss! Ssshosss! Shsooosss!

Mula sa kaliwa tatlong kutsilyo na ang lumipad at tumusok sa kamay nya. Humiyaw ito sa sakit. Pero di pa dun natapos ang kalbaryo nya. Tumatakbong dumating si Makie na parang ninja at gamit ang mahabang kutsilyo hiniwa nito ang binti ng sarangay, dahilan para bumagsak ito nang pahiga, kasunod ng malamyang pagyanig ng lupa.

Papalapit pa sana si Makie para saksakin ito pero pinigilan ko sya. Hindi sya dapat patayin. Pinagtatanggol nya lang ang teritoryo nya.

"Tsk. Ang prolema sa iyo masyado kang mabait. Tumayo ka." Sabi nya habang tinutungan akong kalagan at tumayo.

"Yung lalaki?"

"Nakatakas na. Pabalik na sa kampo nya."

Good. Ngayon kami naman ang tatakas. Kaso hindi pa pala tapos.

Tumayo ang sarangay, umaapoy ang ilong nito sa galit. As in literal na umaapoy. Para syang low budget dragon.

Napaatras kami ni Makie, mga sandata'y nakahanda at naghihintay ng pagkakataon para tumakas. Na ibinigay naman sa amin kaagad.

May tumamang palaso sa dibdib nya, pero imbis na tumusok mahinang sumabog ito at naging lambat na bumalot sa katawan nito. Bumagsak sya sa lupa at hindi makawala.

"Milo, Makie, dito! Hindi magtatagal yang lambat na yan!" Sigaw ni Tifa na sumesenyas na sundan namin sya. Hindi na nya kailangang magdalawang sabi pa.

Sinundan namin sya. Tumatakbo na parang wala nang bukas. Tungo sa kaligtasan at paalis sa kamatayan. Sa bawat paghiyaw ng saragay lumilingon kami, natatakot sa bawat paglingon na baka nakawala ito at naabutan na kami. Pero patuloy lang ang paghina ng boses sa aming paglayo.

Ilang minuto ang lumipas at nakasiguro na kami. Ligtas na kami sa kapahamakan. Pero patuloy parin kami sa pagtakbo.

Tungo sa direksyon ng Kampo Tagumpay.

~~~~~~~~~~~

"Ang tagal nyoooo! Kanina pa namin kayo hinihintay! Hindi na namin alam kung may kulang paba sa ginagawa namin!" Reklamo ni Talas sa amin.

Nakarating na kami sa Kampo, at tulad ng inaasahan isinasagawa na nila ang isang parte ng aming plano.

"Nalate kami. May nakasalubong kasi kaming korean na toro. Sorry." Sabi ko.

"Huh?! Ahh ewan! Basta tulungan nyo kami."

"Sige, hahabulin ko lang hininga ko saglit at susunod na ako." Naupo ako sa isang bato habang humihingal.

"Sige. Sumunod ka ha! Tifa halika sumama ka sakin tignan mo kung ok yung ginawa namin." Sabi nya.

"Hah? Sige." Sagot nito na wala parin sa sarili. Hinawakan sya ni Talas sa kamay at hinatak palayo. Tumingin sya sakin saglit bago umalis.

"Oh. Anong problema mo?" Tanong bigla ni Makie na tumabi sa akin sa bato. Sa unang pagkakataon nagkatabi kami umupo at magkadikit ang balikat. Achievement!

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Wag mo akong utuin, ingungudngod kita sa kumunoy. Diwata ako, alam ko kung sa isang lebel kung may itinatago ang isang tao. Lalo kana, sa tagal kitang inoobserbahan, alam ko kapag nagsisinungaling ka." Masungit nyang sabi.

Namula ako sa sinabi nya. Alam kong inobserbahan nya lang ako dahil Pinili ako. Pero kahit na. Kinilig parin ako.

"Wala namang problema. May nakuha lang kasi ako kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Pag-amin ko.

"Ano ba yun? Ipakita mo sakin." Nagtataka nitong tanong.

"Eto."

Inilabas ko ang bagay na nung una hindi ko napansin na hawak ko. Pero nung nalaman ko hindi ko ito mabitawan. Dahil siguro sa saya o takot. O baka parehas.

Hawak ko ang mahiwagang hiyas mula sa hikaw ng Sarangay.

Ihanda na ang bote na yakult.

✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩.

(*1) Sarangay:
Wala nako maishare dito. Naibahagi ko na lahat ng alam kong info rito sa kabanatang ito. Yung origin not sure, pero tingin ko hiram lang natin ito sa minotaur ng mga griyego(greek) eh.

★★★★★★★✩✩✩✩✩✩✩★★★★★★★★

A/N:

MERRY XMAS GUYS!
Eto gift ko sa inyo, xmas UD. Gift ko rin sa bday girl na si Hayley. Ewan ko kung tama spelling, its the thought counts. Kaya hinabol ko talaga tong chap na to. Sana di maging boring ang outcome.
Salamat sa lahat ng sumuporta at nakaapreciate ng kwentong ito. Dahil umabot na ito sa bonggang bonggang

30K READS!!!

Omg, im so proud of myself. Pupurihin ko mamaya sarili ko sa salamin.

Salamat sa inyong suporta. Kundi hindi dahil sa inyo, edi hindi. Sa iba nalang. Madali ako kausap eh haha

Till next UD. Chao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top