KABANATA XXVII - Libangan ng mga Bayani
"OOOooooooohhhhhuuuuuuuuuuuuu"
Nagsimula ang araw sa isang malakas na tunog ng tambuli(torotot na gawa sa sungay ng hayop. Yung kadalasang senyas sa mga pelikula gaya ng lord of the ring kapag simula na ng gyera). Hudyat yun para dagli kaming magtungo sa plaza sa gitna ng Tanggulan kung saan unti-unting nagtitipon ang lahat ng residente sa Kanlungan.
Nasa harap kami ng isang entablado, sa pagitan namin ay may flagpole. Nakapila kami sa hanay ng bawat Balangay kung saan pinangungunahan ng bawat Cabeza. Sa likod namin ang ibang mga residente. May mga Duwende, Kibaan(*1), Alan(*2), Aghoy(*3) at iba pang nilalang na may hawig sa itsura ng tao. Mayron din mga Tikbalang(*4) at mga babaeng bersyon nito na Anggitay(*5).
Ang sabi ni Talas marami pang ibang residente pero ang iba ay ayaw makisalamuha sa mga tao.
Dumating sila Maestro kasama ang ilan pang delegado ng Kanlungan na hindi ko pa kilala. Sakay sila ng mga hayop na kung tawagin nila ay uniraw. Mga tamaraw na may isang sungay sa noo. Pinilit na unicorn. Parang kalabaw na pinaglihi sa rhino. Laftrip.
Umakyat sa entablado ang lahat maliban kay Gregorio del Pilar na dumiretso sa flagpole, at sa isang lalaking humarap sa aming mga Balangay.
"Sino yun?" Tanong ni Tifa kay Langib.
"Sya si Ginoong Julian."
"Hulaan ko, Julian Felipe(*6) ba? Yung nagcompose ng music ng Lupang Hinirang?"
"Ata. Ang alam ko yung Bayang Magiliw eh."
"Ugok parehas lang yun. Letra yung sinasabi mo."
Sa di po nakakaalam, letra rin ang tagalog ng lyrics.
Itinaas ni Ginoong Julian ang kamay nya bilang kumpas at nanahimik ang lahat at inilagay sa kaliwang dibdib ang kanang kamay. Kasabay ng pagbagsak ng kamay nya hinatak ni Goyong ang watawat ng Pilipinas pataas sa flagpole.
At nasaksihan ko ang pinaka nakamamanghang flag ceremony sa balat ng lupa. Mga tao, enkanto, diwata at lamanglupa, sabay-sabay kumakanta ng Lupang Hinirang. Napakamahiwagang tanawin.
Sa kasamaang palad iyon rin ang pinakapanget na bersyon ng lupang hinirang na napakinggan ko buong buhay ko. Mantakin nyo may kasabay kaming boses kabayo, duwende at impaktong kumakanta. Delubyo! Isipin nyo nalang lahat ng kapitbahay nyong sintunado, naglasing tapos nangaroling sa inyo. Di ba ang sarap sabuyan ng asin?
Sa huli parang nangingilid na ang luha sa mata ni Ginoong Julian habang kumukumpas at pinakikinggan ang bagong rendisyon ng kanta niyang di pwedeng ipatugtog kapag laban ni Pacquiao. Nakakaiyak pakinggan. Parang tunog ng kalabaw na nanganganak ng xerox machine.
Pagkatapos nag-alay ng talumpati si Lapu-lapu tungkol sa kahalagahan ng pakikipagkaibigan, karangalan, katapatan at kung ano pang kakornihan na hindi namin pinapakinggan talaga dahil sa kasabikan namin sa LNB. Nung nakaramdam syang walang nakikinig sa kanya, pinutol nya na ito at pinasiyananan ang pagsisimula ng Libangan ng mga Bayani.
Ilang paputok sa ere ang naging opisyal ba pagbubukas nito.
Isipin nyo na ang pinaka engrandeng pista na nakita nyo. Walang binatbat yun sa Libangan ng mga Bayani.
Andaming tao. Nagtaka ako kasi higit ito sa bilang ng alam kong populasyon ng Kanlungan. Yun pala umattend din daw pati mga dating residente.
Naguumapaw sa kulay, kasiyahan at higit sa lahat, pagkain.
Bawat madaanan mo may mga stall na nabebenta ng pagkain sa murang halaga. Ang iba ay libre pa o tumatanggap ng barter. Yun yung pagpapalit ng isang produkto sa isa pa na may kahalintulad na halaga.
Buti binigyan kami ni Talas ng ilang pisetas at piloncitos(*7) mula sa kaban ng Balangay para may panggastos kami.
May normal na pagkain gaya ng mga ulam at fastfoods. Meron din inihaw, lechon, mga prutas, minatamis at kakanin.
Meron din mga pagkaing kakaiba ang presentasyon. Kagaya ng sundot-kulangot na nakalagay kahoy na hugis ilong. Kaya para ka talagang kumakain ng kulangot. Watdapak.
Pero ang tumatak sa akin ay ang isang istante ng ilang Magwagi. May makinarya silang gumagawa ng cotton candy at sorbetes. Kakaiba ang imbensyon nilang yun. Pipili ka ng prutas na bibilhin mo sa kanila. Ipapasok mo sa isang dulo at viola! Magiging cotton candy o sorbetes na sya. At grabe, sobrang sarap! Para kang kumain ng prutas talaga na ginawang ulap o ice cream. At nasabi ko na bang ang pinaka masasarap na prutas na natikman ko ay nasa Kalungan? Hindi pa? Now you know.
Try nyo tikman pag nakapunta kayo rito, ako pa maglilibot sa inyo.
Ang ayoko lang yung sinubo sakin na coton candy ni Tifa. Ang sweet pa nung pagkasubo, kinilig pako. Akala ko strawberry flavor. Siling labuyo pala ang hayop. Maiyak iyak pa sya katatawa, ipasok ko sa ilong nya yung cotton candy nya eh.
Mayroon din parada ng ilang taga Kanlungan. May sumayaw nang naka costume. May mga duwendeng sumayaw ng gangnam, na aaminin ko sa inyo ayoko nang makita ule. Parang ginasaha yung mata ko. Meron ding mga naka sakay sa mga naglalakihang ibon na matagal nang extinct dapat pero buhay na buhay pa sa Kanlungan.
May parada rin ng mga bulaklak ng Kanlungan gaya ng Panagbenga Festival sa Baguio. Ang pinagkaiba lang mas magaganda ang bulaklak dito. Yung iba lumiliwanag. May ibang lumilipad na akala mo iibon Meron ding naglalakad na parang tao. Yung mga kulay palang nila ay sapat na para maghilom ang nagahasa kong mata.
Pero ang pinakamatinde ay nung dumating yung Rafflesia(*8), ang pinaka malaking bulaklak sa buong mundo na matatagpuan din sa Pinas. Ang masama nyan, yun din ang pinaka mabaho. Amoy patay na duriang binuro sa patis na may halong formalin galing sa pawis ng kanang hinlalato sa paa ni BJ. Masuka-suka kaming nagtakbuhan at gumulong palayo. Dun na nagtapos yung parada. Ang talino kasi nung organizer eh. Clap clap clap.
Tapos nagsimula na yung palaro.
Paano ko ba ilalarawan. Parang olympics, pero mas mahirap at mas nakakaaliw.
Tama nga si Talas, palarong pinoy pero may halong ibang elemento.
Yung sepak-takraw may apoy yung bola kaya hindi mo pwedeng sipain nang madalas kundi lapnos paa mo. Yung tinikling, may mga tinik talaga sa kawayan, at yung sayaw ng magkaparehas parang pang cheerdance, may hagisan pa sa ereng nagaganap. Sobrang bilis pa akala mo nakafast forward.
Dahil animal friendly(medyo) sa Kanlungan, walang habulang biik. Pero merong habulang gulay kung saan ako sumali. Oo marunong tumakbo yung ibang gulay sa Kanlungan. Hinabol ko yung isang kulay asul na kamatis hanggang mahuli ko. Kaso bigla itong umiyak, at nag tantalizing eyes sakin. Oo, may mata yung kamatis! Ang ending lumambot ang puso kong nagdurugo kaya pinakawalan ko ito. At nagkaroon ako ng kapayapaan ng kaisipan. Hanggang sa naapakan ito paglipas ng 7secs ng isang taga Magdiwang. Daig ko pa na broken heart. Magbabayad talaga sila.
May iba pang palaro tulad ng patintorture. Parang patintero pero lahat ng nagbabantay may sandata, habang ikaw ay may tinidor para depensahan ang sarili mo.
May Pinoy-Henyo pa nga. Pero wala halos manalo-nalo dahil sobrang luma ng mga salitang pinapahula. Sino ba naman makakahula ng kalupi(pitaka), dagitab(kuryente), salimpapaw(eroplano), tanlap(telebisyon) atbp. Tapos ang premyo mo relyenong dilis at inihaw na itlog? Wow lang. Nantrip lang ata nagpalaro nun. Pero oo, legit na pagkain yan sa Kanlungan. Kung paano ginawa, halika itanong natin kay Ernie Barong.
Sa huli ang nanalo rito ay ang Magwagi na sinasabing pinaka matalinong Balangay.
Sa mga palakasan tulad ng boksing, eskrimahan, thug-of-war(oo thug talaga. Ipagtutulakan nyo pinakamalaking myembro ng kabilang grupo pabalik sa kanila habang tinutulak nila sa inyo), kalimitang nananalo ang Magdiwang at Magdalo na malalaki ang katawan.
Walangtinag ang kumulimbat ng panalo sa mga palarong panggrupo tulad ng basketball at sabayang pagbigkas. Kung bakit meron nun ewan, nasama sa kurikulum.
Pagdating sa liksi ng katawan dun kami namayani. Nanalo kami sa palosebo extreme(300ft ang taas, akala mo kukuha kami ng magic beans) habang wala pa sa kalahati yung pangalawa. Meron pang batuhang bola na inis na inis ang mga kalaban dahil hindi halos makatama sa amin.
Ang pinaka exciting sa lahat ay ang pamamana. Nagpakawala sila ng mga lumilipad na aratilis at paramihan ang mga kalahok sa matatamaan sa oras na palugit. At tulad ng inaasahan, ang nasa top 5 ay puro Magtagumpay sa pangunguna ni Talas. Ang diko inasahan ay ang pangatlo si Tifa. Sa sandaling panahon, humusay sya kaagad sa larangan ng pagtudla.
"Ibang klase ka talaga, nung isang linggo para kang si Pacquiao kapag nagbabasketball. Halos lahat ng tira sablay. Pero ngayon hello Katniss Everdeen kana." Biro ko sa kanya nung nagpapahinga kami sa ilalim ng puno ng mangga. O santol. Ewan ko, parehas may mangga at santol yung puno eh.
Lumayo muna kami ingay ng kasiyahan. Dumidilim na ang langit at patapos na ang mga palaro. Bago maghapunan ay magsisimula na ang DiWa. Nagpahinga muna kami sandali.
"Wag mo itong ipagsasabi sa iba uh, inadjust ko kasi yung busog(bow) at mga palaso ko." Sagot nya.
"Paanong inadjust?"
"Kilala mo si Hawkeye ng Avengers?"
"Oo naman syempre kilala ko yun, maka Marvel ako eh."
"OH! Talaga?! Kilala mo yun?! Pakilala mo naman ako minsan!"
"Gago, di kami close. Nakakasabay ko lang sya bumili ng galunggong sa palengke minsan. Oh anong meron sa kanya?"
"Nakita mo yung bow and arrow nya? Nagkaroon ako ng idea run. Tignan mo ito."
May kinuha syang singhaba ng bisig nya na itim na bakal na maraming pindutan. Kumilos sya na parang sumuntok tapos biglang may lumabas rito at naging busog ito.
"Whoooaah osom!"
"I know right? Nilagyan ko ito ng automatic measurement features para di mahirapang magtarget. Recurved bow din ito, o yung dalawa yung kurba, kumbaga sa dulo may kurbada pa paharap. Para kahit konting hatak lang sa tali mas malayo ang mararating ng palaso. Gumawa rin ako ng ibat ibang palaso bukod sa normal, meron may homing, may lambat panghuli, may sumasabog, flashbang saka smokescreen. Bongga diba?" Parang bata na nagpapakita ng laruan nyang ngiti sakin.
"Ang galing, kahit kailan di ka nagsasawang pahangain ako sa mga imbensyon mo. Kailan mo to ginawa, parang ngayon ko lang ito nakita?" Tanong ko.
"Nung isang araw. Nagpunta ako sa Magwagi para humingi ng pyesa. Mabuti nga mababait sila sakin eh." Sagot nya.
"Teka teka teka teka! Nagpunta ka? IKAW? Sa Magwagi?" Gulat kong tanong.
"Oo. Naku pag nakita mo yung Balangay nila, ibang iba sa atin. Parang laboratoryo. Andaming pang computers. Kaso mali-mali yung setup kaya tinulungan ko muna sila. Sayang nandun ka sana para makilala mo rin si Kiko."
"K-Kiko? Yung Cabeza nila? Yung naka sagutan mo run sa Duelo." Yung gwapong lalakeng yun? Tanong ko sa loob ko.
"Oo sya nga! Ang bait nga nya eh. Tinulungan nya akong magplano at magdisenyo neto kaya natapos ko agad. Buti na lang at....... Teka, galit kaba?" Tanong nya.
"Huh, anong galit? Di uh. Bat naman ako magagalit?"
"Eh bat nakasimangot ka?"
"Di ako nakasimangot. Nakangiti ako. Inverted lang."
Ngumiti sya nang makabuluhan.
"Ang cute mo noh?" Sabi nya.
"Uh huh. Yan din sabi ko sa salamin minsan."
Dumantay sya sa balikat ko. Sabay malambing na sinuntok ako sa panga. Sa sobrang lambing muntik nako mawalan ng malay. Adik.
Malamig ang simoy ng hangin at naglalakbay sa ere ang saliw ng mala oyaying(lullaby) musika mula sa kudyaping(*9) humihele sa aming kamalayan. Gusto ko nang manatili run at mahimbing. Kung mamarapatin lang sana ng tadhana.
"Matanong lang. Magsyota ba kayo?" Biglang pasok ni Pilandok na nakaupo at nakatanghod saming dalawa. Kailan pa sya nanonood samin?
Nagpulasan kaming dalawa sa gulat.
"Hindi po! Magkaibigan lang po kami!" Sagot ni Tifa. Wag mo naman gaano itanggi haha.
"Shhhh! Teka. *singhot singhot* Naaamoy nyo ba yun?" Tanong ni Phil na sumisinghot sa ere.
Suminghot din tuloy kami, hinahanap yung naamoy nya. Akala ko may sunog.
"Wala naman po akong naamoy. Ano ba yun?" Tanong ko.
"Amoy ng mapupusok na puso ng mga kabataan."
Leche!
"Ano pong kailangan ninyo at nandito kayo?" Tanong ni bes. Oo nga, umalis kana, bigyan kita scooby snacks.
"Pinahanap kayo sakin ni Maestro Kwatro. Gusto nyang malaman kung handa na kayo sa Digmaan ng mga Watawat at kung sa tingin nyo mananalo kayo."
"Handa na po kami. May plano narin kami para manalo." Sabi ko.
"Mahusay. Handa rin kaming magbigay ng suporta sa inyong Balangay."
Yun oh. Lahat ng tulong ay kailangan namin para manalo.
"Salamat po." Sabi ni Tifa. "Anong suporta po ba yan?"
"Moral support."
Leche ulit! Sa inyo na yan.
Umupo sya sa tabi namin. Di makaramdam.
"Mamayang gabi na kayo aalis pagkatapos ng DiWa. Nakahanda na ang lahat ng kakailangan ninyo. Manalo matalo sa palaro tuloy ang plano natin laban sa Bakunawa."
Natigilan kami. Oo nga pala muntik ko nang malimutan yun.
"Ang gusto lang namin ay maging handa kayo. Kung maaari lang sanang sumama ako gagawin ko, pero may teleserye akong pinapanood tuwing gabi kaya goodluck nalang sa inyo. Kaya mo nabang gamitin ang Bagwis?" Tanong nya. Bwakanang dahilan yan.
"Opo. Naituro na sa akin ni Gurong Gregorio kung papaano."
Medyo magulo kung paano. Pero ang sabi nya, buhay raw ang Balisword at may sariling pagiisip. Kailangan ko itong pagkatiwalaan at ituring na kaibigan at sa wag kong pagdudahan sa oras ng pangangailangan. Kaya siguro di gumana nung laban namin ni BJ. Kasi iniisip kong hindi ito gagana, pinagdudahan ko kaya yun nga ang nangyari.
Tumango si Pilandok.
"Kung magkaroon kayo ng pagkakataon maghanap kayo ng sinturon ng kapre. Baka malaki ang maitulong sa inyo nun sa Misyon ninyo. Sige na, at dumating na ang pangatlong karakter sa kiligserye ninyo, ayokong makiapid hahaha." Tumayo sya at umalis nang tumatawa. O kumakahol. O kung ano mang ginagawang tunog ng pilandok.
Kung para saan yung sinturon ng kapre at saan maghahanap di ko na naitanong. Dahil papalapit sa amin ang isang anghel.
Correction, diwata.
Nasa likod nya ang papalubog at umaalon na araw, ang nakalugay nyang buhok ay sumasayaw sa hangin. Kumakain sya ng tsokolateng okoy. Para isang eksena sa isang pelikula. Hayyyy....
"Anong kailangan nun?" Tukoy nya sa papalayong pigura ni Phil.
"Wala naman. Sinabi nya lang na mamayang gabi na tayo aalis ng Kanlungan. Teka saan kaba nagpunta, kanina pa kita di nakita after ng flag ceremony?" Tanong ko.
"Tatay ba kita? Kailangan iulat ko sayo kung saan ako nagpunta?" Tinignan nya kami nang masama. "Di gaya nyo na naglalamyerda lang at nagpi-pbb teens, inasikaso ko ang parte ko sa plano natin para sa DiWa."
"Eh bakit galit ka?" Tanong ni Tifa.
"Hindi ako galit."
"Nakasimangot ka oh."
"Hindi ako nakasimangot. Nakangiti ako, inverted lang." Sabi nya.
Tumingin sakin nang masama si Tifa. Umiling ako. Nagulat din ako at parehas kami ngsagot ni Makie. Wala akong kinalaman dun.
"*ehem* Makie, kamusta naman yung ginawa mo ok na ba?" Change topic ko.
Nag victory sign sya samin.
"Tapos na. Ok na ang lahat. Tayo nalang kulang. Sino ba sa tingin mo kausap nyo? Kapag sinabi ko, asahan nyo nang mangyayari yun." Humble nyang sagot.
"Ooohhhhhhhhuuuuuuuuuuuuuuuuuu"
Umugong ang muli ang tunog ng tambuli.
"Yun ang hudyat na magsisimula na ang Digmaan ng mga Watawat. Tara na. Kunin na natin sa Cabeza ang mga pinatahi natin." Sabi ni Makie.
Sabay-sabay kaming nagtungo sa itinakdang lugar ng pagkikita namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"BWAHAHAHAHAHA. Saan kayo pupunta? May lamay ba kayong aattendan?"
"Baka naman akala nila sayawan ang pinuntahan nila rito at hindi Digmaan. Sige nga, pakitaan nyo kami ng dance steps! Hahahaha!"
Si BJ at Bangis ang nagtatawanan, kasabay ng mga Balangay nila. Pinagtatawanan nila ang suot namin itinahi pa ng mga kasamahan namin sa Tagumpay.
Naka all black kaming lahat na 43 na Tagumpay na kasali sa DiWa. Mula sa sapatos, pantalon at tshirt na may hood. Mayroon din kaming suot na kapang itim na sapat ang haba para takpan ang buong katawan pero di nakakaistorbo sa aming pagkilos. Sa likod nito ay may naka tahing buwan. Ang simbolo ng aming Balangay.
Wala kaming reaksyon sa pangungutya nila at matikas ang tindig naming lahat sa malamilitar at maayos naming hanay. Kahit pa halata ang pinagkaiba ng bilang namin at pangangatawan sa iba, di kami natinag. Hayaan mo silang tumawa. Dahil nasa amin rin ang huling halakhak.
Pero halata ang agam-agam sa ibang Balangay. Hindi sila sanay sa pinapakitang disiplina ng hanay namin. Kami lang din ang Balangay na uniporme ang suot. Dun palang iba na ang nakatagong pahiwatig.
Iba na ang Balangay namin, panoorin nyo kami. Ganito ang mga mandirigmang tumatayo at natututo mula sa pagkatalo. Maghanda kayo.
Ang ibang balangay di sumabay sa mga Diwang at Dalo. Si Kiko kumaway pa kay Tifa. Grrrrrr... Si Tony poker face na nakatingin parin samin sa di malamang dahilan.
Nakahanay kami sa gilid ng gubat kung saan gaganapin ang Digmaan ng mga Watawat. Sa harapan namin ay naroon si Maestro Kwatro para magbigay ng talumpati. Pero di tulad ng sa flag ceremony, lahat kami ay seryoso na sa pakikinig.
"Alam nyo nang lahat ang patakaran ng laro kayo hindi ko na ito patatagalin." Gumulong ang boses nya at narinig ng lahat humigit kumulang 250 manlalaro at higit pang manonood. Habang nagsasalita sya may lumalapit sa mga Cabeza at nagbibigay ng mga mapa.
"Nasa mapa nakalagay ang lokasyon ng mga kampo ninyo. Tandaan nyong mabuti at ibalik ninyo pagkatapos.
Bawal lumabas ng gubat hanggat di pa natatapos laro. Ang tunog ng tambuli ang magiging hudyat ng paguumpisa at pagtatapos ng laro."
Tinuro nya ang langit, kung saan may mga malalaki at makukulay na ibon na lumilipad. May nakasakay sa likod ng mga ito.
"May mga tagasiyasat tayo ng laro sa ere. Kinukunan nila kayo at napapanood naman namin ang mga kilos nyo kaya wag kayong magalala, kung sa tingin namin magiging napaka mapanganib na ng laro sila ang manghihimasok para pigilan ito. Pero wag nating paabutin pa roon."
Tinuro nya ang isang lalaki na naka damit militar na nakasandal sa isang puno. Kumaway ito.
"Tulad ng dati, ang mga napinsalang kalahok na hindi na makakapaglaro ay pupuntahan agad ni Ginoong Gil Perez(*10) para sunduin at dalhin dito sa mga manggagamot."
Sumandal ang ginoo sa puno at bigla syang parang nilamon nito. Niluwa sya ng isa pang puno sa kabilang dako at bumagsak sa lupa. Kumaway uli sya na parang sinabing ok lang sya. Seryoso, anong nangyari?
"Sino yun?" Tanong ko kay Makie na katabi ko.
"Sya si Gil Perez. Nabalitaan ko ang tungkol sa kanya. Isa syang Napili na may kakayahang magteleport. Nalaman nya yun noong panahin pa ng kastila. Yung nga lang nakakapag teleport lang sya sa sinasandalan nya tapos ang landing nya laging pabagsak. Buhay pa pala yan?" Sagot nito.
Whoa. Napaka cool at the same time napaka lame ng kakayahan nya.
Nagpatuloy ang Maestro sa pagsasalita.
"Kaya hindi dapat matakot kung masaktan man kayo, normal yun, basta walang magpapatayan ok? Laro lang ito na ang layunin ay patibayin ang samahan ng bawat Balangay. Ang importante ay magsaya tayo. Maliwanag?"
Sorry Lapu-lapu pero mukhang iba ang pananaw naming mga Balangay sa laro. Magsasaya nalang kami pag kami'y nanalo na.
"Mga Cabeza, bibigyan ko kayo ng ilang minuto para kausapin ang grupo ninyo bago magsimula ang laro. Sige kausapin nyo na sila."
Humarap si Talas sa amin na nagkakamot ng ulo. Namumula ito at hindi alam kung ano ang sasabihin. Tahimik lang sya nang mga 10-15 secs. May stage fright ang bata.
Sinitsitan ko sya at nung lumingon sinenyasan ko na 'kaya mo yan'. Pagkatapos ngumiti sya at tumango, at ibinalik ang mukha nyang pang-Cabeza. May apoy na nagniningas sa kanyang mga mata.
"Mga kabalangay," umpisa nya. "alam kong alam nyo na ang mga gagawin natin. At alam kong lahat tayo ay handa na. Kaya wala na akong sasabihin sa inyong pampalakas ng loob o pampapataas ng inyong kumpyansa. Hindi nyo na kailangan non."
Lumakas ang boses nya, puno ng tapang.
"Ang gusto kong mangyari ay malaman ng ibang Balangay kung sino talaga tayo, na hindi tayo talunan tulad nang pagkakakilala nila sa atin! Malakas tayo! Yan ang gusto kong itatak sa utak nila ngayong gabi!"
Nilibot nya ang mata nya sa amin. Sabay sumigaw sya.
"ANO ANG BALANGAY NATIN?"
"MAGTAGUMPAY!"
Sabay-sabay kaming sumagot, dumagundong ang lupa sa pagsasama-sama ng aming boses at puso.
"ANO ANG PAKAY NATIN??"
"MAGTAGUMPAY!!"
"ANO ANG GAGAWIN NATIN NGAYON GABI???"
"MAGTAGUMPAY!!!"
"HUMARAP TAYO SA KANILA AT IPAKILALA NATING MULI KUNG SINO TAYO!"
Humarap kami sa kaliwa, dahil kami ang nasa dulong kanan, nasa harapan namin ang lahat ng Balangay.
"ANO ANG PANGALAN NATINNNNN?!!!"
"MAGTAGUMPAYYYYYYYY!!!"
Sigaw namin habang itinaas ang kanang kamay namin.
Tapos humarap uli kami sa gubat, matikas ang tindig na parang walang nangyari. Umalingawngaw sa tahimik na kapaligiran ang aming boses. Walang ingay mula sa ibang Balangay. Natulala sa nasaksihan nila sa amin.
Umaandar na ang unang pyesa ng plano. Ipakita sa kanilang hindi kami madaling biktimahin.
Sumimple ng sulyap sa akin si Maestro Kwarto. Nag thumbs-up ako at panakaw syang kumindat sa akin.
"Tapos na ang oras ng paguusap. At naway tulad ng Magtagumpay ang inyong siglang manalo sa larong ito. Ipinapanalangin ko na maging makabuluhan sa lahat ang Digmaan ng mga Watawat ngayong taon."
Itinaas nya ang kamay nya.
"Maghanda. Sa bilang na tatlo magsisimula ang laro."
"Isa."
Malakas ang kabog ng aking dibdib. Pinilit ko itong pakalmahin.
"Dalawa."
Tinignan ko ang mga kasama ko at nagtanguan kami senyales na handa na kaming lahat.
"TATLO!"
Kasabay ng pagbagsak ng kanyang kamay at pag-ugong ng tambuli, sabay-sabay nagtakbuhan ang mga kalahok tungo sa magkakaibang dereksyon ng kanikanilang kampo.
Simula na ng Digmaan ng mga Watawat.
✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩
(*1) Kibaan:
Origin: Ilocos
Mga enkantong kayumanggi at ginintuan ang ngipin. Mahaba ang buhok nila na umaabot sa paa, pero sing laki lang sila ng dalawang taong bata kaya parang wala rin. Nakatira sila sa puno at masinop sa gamit. Madalas sila magregalo nang mahiwagang gamit sa kaibigan mortal. Halimbawa: mahiwagang palayok o kalupi na parehas di nauubusan ng laman. Sana maging close din kami.
(*2) Alan:
Origin: Tinguian
Dalawang beryon ito
Una
Mga makukulit pero mababait na kalahating tao kalahating ibon na nilalang. Madalas sila sa gubat na nakabitin patiwarik sa gubat. Ang daliri kasi nila sa paa ay nasa kamauy at ang kamay ay nasa paa. Kaya makikipaghandshake ka sa paa nya. Palakaibigan sa tao, sa katunayan ang ilang bayani ng epiko ang pinalaki ng ilang mga Alan.
Pangalawa.
Masasamang engkanto o alaga ng engkanto, may pakpak pero baliktad ang dereksyon ng kamay at paa. Kumukuha sila ng nalaglag na fetus bilang pagkain o pinapalaki bilang anak.
Pinili ko yung unang beryon para sa kwento ko.
(*3) Aghoy
Origin: Waray
Engkantong lalake at babae na mukhang bente anyos lang at katamtaman ang haba ng buhok. Nakasuot sila ng damit ng simpleng taong nasa nakatira sa gubat, nakapaa sila madalas. Mababait na nilalang at palakaibigan sa tao pero wag basta tatanggap ng regalo dahil may kaukulan itong panganib.
(*4) Tikbalang:
Origin: Tagalog
Alam nyo na to. Kalahating tao kalahating kabayo, gaya nung hayop na nangagaw sa ex ninyo. Sarap latiguhin.
(*5) Anggitay:
Origin: Tagalog?
Eto ang di nyo pa alam. Female counterpart ng tikbalang. Pinagkaiba lang yung itaas na bahagi nila ay tao, pangibaba ay kabayo na kabaligtaran ng tikbalang. Yung iba may sungay sa noo na parang unicorn. Para silang centauride natin, o yung babaeng centaur. Mahilig sila sa alahas. Sounds familiar?
(*6) Julian Felipe:
Enero 28, 1861 - Oktubre 2, 1944
Composer ng musika ng Lupang Hinirang(1898). Yung lyrics naman galing kay Jose Palma(1899)
(*7) Pisetas:
Peseta yan sa Español. Currency sa Spain sa pagitang ng 1869-2002. Ginamit din nating pera sa sirkulasyon nung panahon ng Kastila.
Piloncitos:
Maliliit na butil ng ginto na gamit nating pambayad bago dumating ang Kastila. Coz we were rich before they mugged us.
Yan ang ilan sa currency sa Kanlungan. Please correct my info kung may mali.
(*8) Rafflesia:
Pinaka malaking bulaklak sa mundo na makikita sa Pinas, Indonesia, Malaysia at Thailand. Super baho, amoy nabubulok na laman. Kaya ang nagkakalat ng pollen nya ay langaw sa halip na butterflies.
(*9) Kudyapi/Kutiyapi
Kutiyapi sa Maguindanao, Kudyapi sa Bukidnon at Tagbanwa. Instrumentong pang musika na may dalawang strings at 9 na frets. Para syang gitara na bandurya. Pero ang klasipikasyon nito ay mas nahahanay sa boat-lute o harp kaysa sa gitara. Pakinggan nyo sa youtube yung tunog.
(*10) Gil Perez:
Gwardya Sibil a.k.a. 'Jumper' ng Pinas nung ika-16 na siglo.
Ok. Isa to sa paborito kong urban legend pero may ilang kasulatan na nagsasabing totoo raw ito.
Oktubre 24, 1593,
Palasyo ng Gobernador ng Manila.
Pinatay ng mga tsinong pirata ang gobernador(Gomez Perez Dasmarinas) gabi bago yun(23). Nagbabantay parin ang mga gwardia at naghihintay sa bagong itatalagang gobernador.
Ang ating bida, si Gil Perez ay napagod sa trabaho at sumandal muna saglit sa pader para pumikit at magpahinga. Pagdilat nya BOOM! nasa plaza na sya ng Mexico City, Mexico! Surprise b*tch!
Dahil di nya alam kung ano ang irereak nagpatuloy sya sa pagbabantay. Hanggang lapitan sya ng ibang gwardia na nagtaka kung sino sya na kakaiba ang fashion statement. Ikinuwento nya na sya ay gwardia sa Manila, Pilipinas, pati ang pagkamatay ng gobernador. (Mexican and spanish language halos parehas lang ata kaya nagkaintindihan sila) Syempre hindi sila naniwala, imposible yun, Edi wow! Kaya kinulong nila ang kahinahinalang si Gil. Baka kampon pa sya ng demonyo.
After 2 months, may mga mangangalakal dala ng kalakalang galyon(tanda nyo pang tinuro yan mung hayskul tayo?) galing sa Pilipinas ang nagkwento tungkol sa pagkamatay ng gobernador nung 23. Nagulat sila kasi tugma yun sa kwento ni Gil na imposible nyang malaman nung 24 na nahuli sya kung sa mexico lang sya nakatira. Dahil ang network provider nila ay globe at smart na super bagal ng connection at aabot ng buwan ang sending ng info. Pwera nalang kung totoo yung kwento nya na nagteleport sya.
Pinagharap sila ng mangangakal at magkakilala pala sila, at huling nakita si Gil nung 23 suot ang damit pang gwardia na suot nya nung nahuli sya sa Mexico. Sa hindi malamang dahilan, totoo ang kuwento nya.
So kamot ulo nilang pinakawalan si Gil Perez.
Ang moral ng story? Wala. Gusto ko lang ishare.
O wag matulog sa work, baka paggising mo nasa kuta kana ng isis.
Baka may mas importante syang role sa future ng kwento.
★★★★★★★★★★★★★★★★
A/N:
Nirush ko to para makabawi sa mga readers ko na nagpapadala ng death threats sa bagal ko magUD.
Syempre gagantihan ko kayo kaya cliffhanger ending uli, bahala kayo dyan haha.
Ill try magUD ule nang mas maaga
Advance merry xmas guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top