KABANATA XXVI - Digmaan ng mga Watawat

"May tanong ako, bakit mukha ka nang puno?" Tanong ni Talas.

Nabalutan ako ng mga halamang gamot. Ang totoo nyan mas mukha akong suman na niluwal ng mummy kaysa sa puno, pero sino ako para manghusga?

Inilampaso uli ako ni Goyong. Nakakasabay ako at nasasalag ang ilang pag-atake, nakakaganti rin paminsan-minsan. Pero para syang buhawi sa bilis, aakalain mong dalawa ang espada nya sa bilis ng pagtaga. Marami akong hindi nasasalag, bago ito tuluyang tumama sa akin nahihinto niya. Pero madalas nahihiwa nya ako. Hindi ko alam kung sadya o hindi. Pero yun ang dahilan kung bakit ako naging taong talahib.

Natapos ang sesyon namin sa isang makabuluhang leksyon na ibinahagi nya sa akin.

"Puntiryahin mo ang aking katawan, hanggang maari sa ulo at sa puso. Umatake ka para makasakit. Wag mong asintahing tamaan ang sandata ng kalaban gaya ng napapanood mo sa telebisyon, pwera nalang kung sasalagin mo ito. Tandaan mo, nagpapatayan tayo at hindi nagsasayaw." Pamamaalam nyang sabi sakin.

"Naranasan mo na bang makipag makipagiskrimahan kay Goyong? Hindi pa? Swerte mo, kung nagkataon magiging bonsai ka." Sabi ko kay Talas

"Ano yun?"

"Wala. Kumpleto naba tayo?" Tanong ko.

"Lima lang tayo diba? Nahihirapan kapaba magbilang kung kumpleto na tayo?" Sagot ni Jazz habang nililinisan nya ang arnis niya.

"....Pagusapan na ang dapat pagusapan nang maaga tayong matapos." Bagot na sabi ni Makie.

Kaming lima, ako, si Tifa, Makie, Jazz at Talas ay nagpupulong habang nagkakape sa isang mesa. Katatapos lang naming kumain at habang nagsisiesta ang karamihan pinili naming magusap para walang istorbo.

"Talas, idetalye mo sa amin kung ano ang patakaran ng mga palaro sa Libangan ng mga Bayani? Paano tayo mananalo run?" Tanong ko. Lahat ng impormasyon madadagdag ay isang hakbang pasulong sa tagumpay.

"Ok ka lang?" Sagot nya. "Kahit sabihin ko sa inyo hindi parin tayo mananalo sa ibang Balangay. Mas malakas ang pwersa nila di hamak sa atin. Ang totoo nyan dalawang taon nang kulelat sa palaro ang Balangay natin." Hindi ko alam kung nalulungkot sya o nagmamalaki sa sinabi nya.

"Oh cmon! Wag ka namang nega Master. Malay mo di na tayo kulelat ngayon. May nadagdag kang myembro diba?" Sabi ni Tifa sabay yakap kay Talas na parang yumayakap sa paborito nyang pet.

Kelan pa sila naging ganun kaclose? Ako rin bes ehehehe.

"Oo na... Wag mo lang ako yakapin, nakakairita." Sabi nya pero di naman pumapalag. Parang nagpipigil pa sya magblush. Kunwari pang ayaw.

Ang kyut nilang tignan. Parang mag-ate lang. Naalala ko bigla na bata lang si Talas at walang nagaruga sa kanyang magulang. Kaya siguro bigla syang naging malapit kay Tifa na likas na mahilig sa mga bata.

Nagsimulang magpaliwanag si Talas.

"Ang Libangan ng mga Bayani(LNB for short) ay pistang ginaganap bilang paggunita sa anibersaryo nang pagkakatatag ng Kanlungan. Parang kapyestahan din ito sa labas na mundo, may mga kasiyahan, handaan, programa. Nagtatayo rin ng pwesto ang mga Balangay na nagtitinda ng sarili nilang mga produkto."

"May mga politician din bang kumakanta't sumasayaw?" Tanong ko.

"Huh?"

"Wala, nevermind, ituloy mo na."

Nagkamot sya ng ulo. "Ahhh... Pero bukod dun, ang pinakahihintay ng lahat ay ang mga Palaro. Dun kasi malalaman kung anong balangay ang magiging punong balangay."

"Bakit naman? Wala ba kayong eleksyon?" Tanong ni Tifa.

"Wala ganyang konsepto rito. Kung sino ang pinakamagaling, sila ang mamumuno. Ang kwento sa amin nagsimula raw ito bilang simpleng pustahan lang nung nga unang residente ng Kanlungan. Kung sino ang mananalo, pagsisilbihan ng mga Balangay ng isang linggo, nung lumaon naging seryoso na itong paraan ng pamamalakad sa Kanlungan at tumatagal na ito ng isang buong taon."

"Parang may mali ata run ah..." Sabi ko.

"Hindi porket magkaiba tayo ng paniniwala, mas tama kana kaysa sa amin. Ito na ang kinagisnan namin, para sa amin walang tama at mali run. Sadyang ganun lang talaga."

Wala ako sa lugar makialam, pero pakialamero talaga ako eh. Tingin ko maling paraan iyon ng pamimili ng pamahalaan. Kung magkaroon ng pagkakataon, iyon ang isa sa dapat mabago sa Kanlungan.

"Anu-anong palaro ba ang meron?" Tanong ni Jazz.

"Madami. Karamihan normal na laro din ng mga bata na may halong ibang elemento. Tumbang preso, palo sebo, pukpok palayok atbp."

"Ah madali lang naman pala eh. Kaya na natin yan, nakapaglaro nako nyan dati. Ang saya kayang maglaro nun." Kung yun lang naman pala, kumpyansa akong malaki tyansa naming manalo.

"Pwera nalang kung ikaw yung presong itutumba. O kung nasa ulo mo yung palayok na pupukpukin ng daan-daang kalahok na hahabol sayo. O kung ikaw yung aakyat sa 250ft na kawayan sa palo sebo." Sagot ni Talas.

"Hahahahaha... Seryoso ba yun?... Di nga?"

"Dagdag na elemento sabi ko diba? Para mas may hamon yung mga palaro sating mga Napili."

I take it back. Wala nakong kumpyansa. Baliw, mga baliw silang lahat.

"Bukod dun, may mga paligsahan din ng pagpana, eskrima, pagyawyan, videoke contest at kung anu-ano pa."

Wth? Videoke contest? Naligaw ata ng landas yun.

"Bale kailangan lang nating manalo ng maraming laro para maging kampyon, tama?" Tanong ni Makie. Sana sumali sya sa videoke, maganda boses nya eh.

"Tama at mali. Oo nakakaapekto kung mananalo ka ng marami, pero kadalasan halos pantay-pantay lang ang mga balangay sa mga napapanalunang mga laro. Kung di nyo naitatanong ang Balangay natin ang laging nananalo sa palo sebo, pagpana at panghuhuli ng ligaw na hayop."

Makes sense. Magtagumpay ang nangangaso sa Kanlungan, marapat lang na manguna ito sa patimpalak na may koneksyon dito.

"Kung patas lang pala sa mga palaro ang mga Balangay, bakit sabi mo laging kulelat tayo?" Tanong ni Tifa.

"Dahil sa huling palaro ng LNB na hinihintay at pinaghahandaan ng lahat. Ang 'Digmaan ng mga Watawat'. DiWa pag pinaikli." Sabi nya sabay sabay ng kape. Nakatanghod lang kami sa paghihintay. Nagpaexcite pa, daming alam.

"Ang mga naunang palaro ay parang katuwaan lang, panlibang sa mga residente ng Kanlungan. Pero ang DiWa, tulad ng pangalan nito, isa itong giyera."

"Ano bang ginagawa sa DiWa? As in gyera talaga? Paglalabanlabanin tayo?" Ani ni Tifa.

"Parang ganun, pero mga kailangan tayong gawin para manalo."

Naglatag ng isang mapa si Talas. Mapa ng Kanlungan.
May dibuho(guhit/drawing) ng isang malaking bundok, ng Tangulan, mga gubat, kaparangan, ilog, lawa, talon, lambak atbp. May isang parte ito sa dulo na may blankong espasyo. Bago ko naitanong kung ano yun biglang tinuro ni Talas ang dibuho ng kagubatan sa gitna.

"May isang malawak kagubatan dito sa Kanlungan na puno ng mababangis na hayop. Bawat isang Balangay ay itatalaga sa mga kampo sa iba't ibang lokasyon sa loob ng gubat."

Gubat na maraming mababangis na hayop. Oh yeah sarap magcamping dun. Next field trip imumungkahi ko nga yun. Kung mabuhay pa kami.

"Kailangan nating depensahan yung kampo sa mga mababangis na hayop ganun ba?" Tanong ni Makie.

"Hindi naman sa ganun, bawal silang patayin. Parang dagdag hamon lang sila sa palaro, dahil mas mapanganib, mas masaya." Oo nga eh, nagkakaalmoranas nako sa sobrang saya. Yipee.

"Ang pangunahing layunin ng DiWa ay iyon."

Tinuro nya ang watawat ng Magtagumpay na nakatusok sa isang gintong tarakan sa tabi ng kubong tinutuluyan namin. Kulay itim ang watawat namin. Sa gitna nito ay may nakaguhit na buwan.

"Ang watawat na yan ay simbolo ng ating balangay. Ngayon makinig kayong mabuti, ipapaliwanag ko kung paano gumagana ang laro."

Sabay-sabay kaming humigop ng kape. Ramdam siguro sa ere ang kuryente ng aming pagkasabik.

"Ang laro ay tumatagal ng dalawang oras." Paliwanag nya. "Bawat Balangay sa laro ay binubuo ng tig 40-50 myembro. Maitatalaga tayo sa iba't ibang kampo, pero hindi ibibigay sa atin ang lokasyon ng kampo ng ibang balangay. Sa kampo natin makikita natin ule ang watawat at tarakan natin na yan na ipinuwesto na ng mga opisyal ng Kanlungan bago pa magsimula ang laro. Para manalo tatlo ang kailangan nating gawin. Magbantay, mang-agaw at manakop."

Tumigil sya, naghihintay kung may magtatanong. So far wala pa naman. Kaya nagpatuloy sya.

"Ang labanan ng DiWa ay labanan ng mga puntos. Bawat watawat ay may tig-100 puntos. Kapag naagaw mo ang watawat ng kalaban magkakaron ka ng 100 puntos para sa Balangay mo. Pero kapag ang watawat natin ay nasa atin pa hanggang matapos ang laro, may kaukulang 200 puntos ito sa Balangay natin."

Bahagyang nagtaas ng kamay si Tifa. May hawak syang panulat at papel.

"Lilinawin ko lang ah. Ang watawat natin kapag naagaw ng iba may 100 puntos sila, pero kapag nasa atin pa ito kapag natapos ang dalawang oras, may 200 puntos tayo?"

"Syang tunay." Sagot ng Cabeza.

"Eh paano kung naagaw sa atin ang watawat pero mahaba ang oras."

"Agawin mo uli. O di kaya mang-agaw ka ng iba."

"O kaya wag mo itong ipaagaw sa iba kahit ano ang mangyari." Sagot ni Makie na hindi matalik na kaibigan ang salitang pagkatalo.

"So ang pinaka malaking puntos na pwedeng makuha ng isang Balangay ay 600, tama?" Tanong ni Tifa.

"Hindi. May isa pang pwedeng gawin para makakuha ng mataas na puntos at maging mas mataas ang tyansang manalo sa laro. Ang mang-atake ng ibang kampo at manakop."

Kinuha nya ang panulat at papel ni Tifa. Gumuhit sya ng isang watawat na may buwan, at isang bilog na may araw sa loob, kundi ako nagkakamali, yun ang simbolo ng Magdiwang. Gumuhit sya ng linya mula sa watawat tungo sa bilog.

"Kapag naitarak mo ang sarili mong watawat sa tarakan ng watawat ibang Balangay magkakaroon ka ng 300 puntos." Paliwanag nya. "Bukod pa run, tanggal na sa laro ang Balangay na iyon, at lahat ng puntos na nakuha nila mapupunta sa Balangay mo. Ang matitira nalang sa kanila ay yung 200 puntos nila sa sarili nilang watawat. Kaya ang pwede nalang nilang gawin ay depensahan ang watawat nila."

"Paano kung naagaw sa kanila yung watawat?" Tanong ko.

"Wala silang puntos na matitira. Kulelat sila sa laro, at makakaranas ng pangungutya ng ibang Balangay, lalo na ng mananalo... Hindi maganda sa pakiramdam at morale ng grupo matatalo, lalo na kung dalawang taong magkasunod na nangyari ito."

Natahimik kami. Alam naming ang tinutukoy nya ay ang nangyari sa Balangay namin. Saksi ako sa naging pagtrato ng iba sa Tagumpay nang dahil lang sa larong ito. Nakakadismaya.

"Matanong lang, ilang beses pwedeng tarakan ng watawat sa isang kampo?" Pasok ni Makie.

"Kapag nasakop mo na ang isang kampo, di na sila pwedeng sakupin ng iba. Pero pwede ka pang maghanap ng ibang kampo para sakupin. Ngunit importante ring madepensahan mo ang sarili mong kampo. Dahil kahit ikaw pa ang nangunguna sa laro, kung nasakop ang kampo mo ng iba, sa isang iglap tanggal ka na sa laro at lahat ng puntos na naipon mo mapupunta sa kanila."

Wiw hard. Sa isang kisapmata pwedeng maglaho ang pinaghirapan mong puntos. Hindi ito basta laro lang. Tama sila. Isa itong gyera.

"May patakaran ba sa mga sandata? O bawal madala?" Ani ni Makie.

"Pwede kang magdala ng kahit ano, basta siguraduhin lang na hindi mo sasaktan ng husto ang mga kalahok. Kaya kadalasan yung mga kalahok nagdadala ng sandatang walang talim."

Wag saktan nang husto? Ibig sabihin pwede parin pero mild lang? Nibble nibble lang ganon?

"Paano mo pala malalaman kung tanggal na sa laro ang isang Balangay?"

"May kwitis na lilipad sa langit. Sa kulay mo malalaman kung sino natanggal. Pula sa Magdiwang, bughaw sa Magwagi, dilaw sa Magdalo, puti sa Walangtinag, at itim naman sa atin." Sagot nya.

".... Paano makikita yun kung itim?" Tanong ko.

".....Basta! Makikita mo yun. May usok naman na matitira eh." Iritang sagot nya.

".....Wala talagang kulay yung sa atin ano?"

Tumingin sya sa lupa.

"......Oo. Normal na paputok lang sa atin." Pabulong nyang sagot.

Bwisit pati ba naman sa paputok parang tinitipid din kami? Di nalang gawing torotot yung sa amin? Parang nalungkot tuloy si Talas. Wawang bata.

"Malalaman ba kung sino yung nanakop?" Tanong ni Jazz. Nice save pre!

"Hindi eh." Sagot nya, nagalak na nabago ang topic. "Pwera nalang sa Magdiwang. Mayayabang kasi yun eh. May dala silang malaking gong, hinahampas nila yun pag may nasasakop sila. May bilang depende sa nasakop nila. Pag limang hampas, ibig sabihin tayo yung sinakop nila."

"Kupalords talaga yung bataan ni BJ. Ang sarap sabunutan sa tutchang eh."

"Anong tutchang?"

"Buhok sa ilong."

"Ewww."

"*Ehem*" paubong papansin ni Tifa. "Linawin oo ule, para manalo kailangan nating mang-agaw ng watawat, manakop ng kampo, habang pinoprotektahan ang sarili nating kampo."

"Syang tunay. At saka habang nagiingat sa mga mababangis na hayop, wag nyong kakalimutan yan."

"Idetalye mo sa akin ang taktika ng bawat Balangay noong mga nakaraang DiWa." Utos ni Makie.

"Kailangan pa ba yun?"

"Para manalo sa kalaban kailangan nating malaman kung paano sila magisip. At kumilos." Si Jazz ang sumagot.

Nagkibit balikat si Talas at isa-isang inilarawan ang taktika ng mga ito.

"Ang Magdiwang laging nangunguna sa pag-atake at pananakop ng kampo. Sila kasi ang nakatoka sa seguridad ng Kanlungan kaya ang myembro nila ay binubuo ng mga magagaling na mandirigma. Kadalasan pinamumunuan ng Supremo ang pagatake. Nagiiwan lang sila ng 10-15 na pinakamamagaling nyang myembro na magbabantay sa kampo nila."

"Ang Magwagi na pinamumunuan ni Kiko, wala talagang hilig sa larong ito, mas gusto nila sa Balangay nalang nila habang gumagawa ng imbensyon kaysa sumali. Pero hindi pwede yun kaya napipilitan lang silang maglaro. Kadalasan itinatago lang nila yung watawat nila sa kung saan para di makita. Ok lang na masakop sila basta wag lang sila maging bokya sa puntos."

"Ang Magdalo naman, nakatoka sila sa pagmimina at paggawa ng mga gusali ng Kanlungan kaya natural na malalakas ang pangangatawan nila. Mas nakatuon sila sa depensa ng kampo nila. Sa lahat ng kampo sila ang pinaka mahirap lusubin. Wala pang nakakasakop sa kampo nila kahit minsan. Pero ang balita, ang pinuno nilang si Bangis ay bumuo ng alyansa sa Magdiwang kaya hindi ko masasabi ang mangyayari. Baka magtulungan silang dalawa"

"Yung Walangtinag medyo komplikado. Ang tungkulin kasi nila ay pagmemedisina kaya hindi sila ganun kagaling sa pakikipaglaban. Pero magaling sila sa patibong. At mga sandatang may mahinang lason para makapagparalisa.

Mahihirapan kang lumapit sa kampo nila. Ang taktika nila ay mang-agaw ng maraming watawat. Dahil kung walang watawat, wala ring mananakop sa kampo nila. At saka si Tony, yung pinuno nila, siya siguro ang pinakamagaling na babaeng mandirigma sa Kanlungan. Mabait sya pero ayoko syang makaharap sa labanan. Masama syang kaaway."

"Gaano sya kagaling?" Biglang tanong ni Makie.

"May nagsasabing mas magaling sya kay Supremo, pero walang makapagpatunay dahil di pa sila nagkaharap kahit minsan sa labanan. Malay natin baka mas magaling pa sya sayo."

Tumaas ang kilay ni Makie sabay ngiti. "Interesting..." Sasadyain nya yun malamang.

Habang nakikinig ako sa detalye ng bawat Balangay lalo akong nagdududa sa pag-asa naming manalo. Magagaling na mangangaso ang mga Tagumpay, pero sa derektang sagupaan marami pa kaming kakaining bigas. O kanin. Bat naman kami kakain ng bigas, hilaw yun. Ano kami ibon?

"Makie, ilan sa mga sinasanay mo ang marunong lumaban?" Tanong ko.

"Mga 25-30 siguro. May kasanayan sila, mabibilis at maliliksi. Pero kung ilalaban mo sa ibang grupo, dehado sila sa lakas at laki ng katawan."

Kulang pa yun. Kung idadagdag mo kami, 35 lang ang bilang namin, hindi pa sapat para sa 40-50 na tamang bilang. Ayoko rin namang magsali ng di pa marunong lumaban.

Kinuha ni Tifa ang atensyon ko.

"Samin naman, kabilang kaming dalawa ni Master, may mga 10 kaming marurunong pumana, kung makakatulong yun." Sabi nya sa akin.

45. Pwede na. Kulang sa minimithi kong 50 pero sapat na para maglaro. Ang iniisip ko nalang ay kung papaano mananalo ang 45 sa 50 ng ibang kampo na marurunong lumaban.

Hindi kami mananalo sa direktang paraan. Kailangang magisip ng ibang paraan na hindi nila inaasahan. Naalala ko ang sinabi ni Jazz, 'kung sa tingin mo hindi ka mananalo sa lakas at galing, gamitan mo ng talino't pagkamalikhain'. Sa tingin ko yun ang tamang taktika ng kampo namin sa larong ito.

Nagsimulang gumulong ang mga piyesa ng aking isipan. Pinagdudugtong ang mga elemento at detalye ng laro at bawat kampo.

Tumingin ako sa watawat namin. Kulay itim. Magagamit namin yun. Pero may kailangan pa ako. Inilikot ko ang aking mata at nakita si Jazz na naglilinis parin ng sandata.

"Jazz ano yang nasa arnis mo? Ngayon ko lang nakita yan ah." Tanong ko.

May paikot sa pihitan sa dulo ng isang arnis nya. Parang yung sa nguso ng mga pet bottle.

"Ahh eto? Nililinis ko lang. Pihitan yan para kapag kinabit mo at pinihit magiging baston ito."

Pinagdikit nya ang dalawang arnis at inikot. Nung natapos isa na itong baston. Hindi kasing haba ng kay Donnatelo pero sa kamay ng isang eksperto, mistulan itong makamandag na sandata.

Hiniram ko ito. Binaklas at binalik. Perpekto! Saktong sakto ito sa naisip ko. Pero may kulang pa.

"Pwede bang buhatin yun at ibahin ng pwesto para hindi makita ng ibang grupo?" Turo ko sa tarakan ng watawat.

"Kung papansinin mo, gawa sa ginto ang tarakan na yan. Sobrang bigat para buhatin ng normal na tao. Kapag ililipat na yan sa kampo gagamit pa sila ng higanteng hayop para dyan, bakit ba?" Tanong ni Talas.

Yun lang. Malabong mailipat namin yun ng lugar. Pero paano kaya kung ang lugar mismo ang ilipat namin? Pupwede kaya yun?

Naligaw ako sa isipan ko kaya hindi ko napansin na wala na palang naguusap at lahat nakatingin sa akin.

"Anong iniisip mo Milo? Kinikilabutan ako sayo, hindi ako sanay na nagiisip ka." Tanong ni Tifa.

"May plano ka bang naiisip? Taktikang pwede nating gamitin sa laro?" Ani ni Jazz.

"Mayron... Pero hindi ako siguro kung gagana eh."

"Ang kahit anong plano ay mas mainam kaysa sa wala talagang plano." Tugon sakin ni Makie.

"Tama. Ieducate mo kami." Ani ni bestfriend.

"Sige. Ganito kasi yan. Naisip ko kasi kung lalaban tayo nang harapan sa ibang Balangay, lugi tayo sa pwersa at bilang. Hindi tayo mananalo kapag lumaban tayo sa pantay na estado, lalo pa't sa tingin ko tayo ang pupuntiryahin ng lahat."

"Malaki ang posibilidad na mangyari nga yan. Yun ang nangyari nung nakaraang taon." Sangayon ni Talas

"Pero paano kung lilinlangin natin sila? Paano akala nila nakalalamang sila sa atin pero ang totoo hindi pala? Mas tataas ang tyansa nating magtagumpay laban sa kanila."

Natahimik sila at nagisip sa sinabi ko.

"Anong nasa isip mo? Please enlighten us." Sabi ni Tifa.

At nilahad ko ang nabuo kong plano.

"Ano sa tingin nyo? Pwede ba yung naisip kong plano?"

Wala muna silang reaksyon. Nagduda tuloy ako sa naisip ko.

"Anong pwede?" Biglang tugon ni Tifa. "Hindi lang 'pwede' yun! It's a genius plan! Tae, sino ka? Si Milo kaba talaga? Paano mo naisip yun?!" Tatawa tawa nyang sabi.

"Di ko man gustong aminin pero tama sya, magandang plano yang naisip mo. Medyo marupok sa ilang bahagi pero konting pulido lang sa tingin ko gagana iyon." Puri ni Makie.

Yun na ata ang pinaka sinserong papuri sakin ni Makie. Omaygawd Milo, wag kang iiyak. Magpanggap kang napuwing lang.

"Hindi ko gaanong naintindihan, pero kung sabi nila maganda eh baka nga maganda. Ang galing mo talaga Milo. Idolo na kita sunod kay FPJ." Monotone na sabi ni Jazz.

Lumapit si Talas sa akin na may ningning ang mata. May inabot sya saking maliit na bagay.

"Ano to?"

"Yan nang paborito kong bato. Sayo na lang yan." Sabi nya na nakatingin parin sakin na may paghanga.

Diko alam kung para saan yung bato, parang pinulot nya lang kung saan. Pero diko kayang biguin yung tingin nya na yun kaya kinuha ko na lang.

"Ang iniisip ko saan tayo kukuha ng gintong pintura at mga mananahi?" Tanong ko

"Walang problema run." Sagot ni Talas pagbalik nya sa upuan. "May makukunan tayo ng pintura. Yung mga mananahi naman magtatalaga ako ng ibang Tagumpay na di sasali sa DiWa para magtahi."

"Sakto kung ganun. Ang problema nalang natin ngayon ay komunikasyon kapag naghiwalay tayo. At kung paano natin mahahanap kaagad yung lokasyon ng ibang kampo, pati narin yung mga hayop para maiwasan." Sabi ko.

"Sa komunikasyon kaya ko na yan. May pyesa pa ako, kaya kong gumawa ng maliit na communicator para sa ating lima." Buong ningning na tugon ni Tifa.

"Mahusay. Ikaw na talaga. Hindi ko talaga alam kung paano mo nagagawa yan." Sabi ko. Seryoso, paano nya nagagawa yun?

"Sus yun lang, madali lang yun, chicken feed!"

"May chicken feeds ka?" Excited na pasok ni Jazz.

"Kalma jazz, expresion ko lang yun. Sa paghahanap naman ng lokasyon ng ibang kampo at hayop, tingin ko kaya kong gumawa ng--"

"Ako nang bahala run." Putol ni Makie. "Ipaubaya nyo na sa akin ang tungkuling yun." Ayaw siguro nang naiechapwera sa usapan.

"Anong gagawin mo binibini? Masyado raw malawak ang gubat para siyasatin mong mag-isa." Alalang sabi ni Jazz.

"Hindi naman ako ang maghahanap eh. Kakausapin ko ang ilan sa mga kaibigan para tumulong sa atin."

Bigla kaming napabalikwas ng pagtingin sa kanya. Napatayo pa nga nang bahagya si Tifa.

Nanlaki ang mata ni Makie sa gulat, nalilikot ang mata palipat-lipat sa amin.

"B-bakit? A-anong meron at nakatingin kayo nang ganyan." Parang kinakabahan nyang tanong.

"Wow..." mahinang sabi ni Tifa na nakalapat pa kamay sa dibdib. Diko alam ang sasabihin ko. Im so touched. May friends kana pala? Im so proud of you." Sinsero nyang sabi.

"Di ko rin akalain. Naluluha ako. This is a very historical moment. Guys, tayo'y pumalakpak bilang pagpupugay sa katapangan nyang gumawa ng kaibigan." Pag-aya ko sa kanila.

"Yeheeeey!" Nagslow clap kaming apat hanggang naging masigabo ang palakpakan at umulan ng papuri kay Makie.

Ang hirap pigilan ng tawa ko. First time namin mapagtripan si Makie eh. Diko alam kung nanginginig siya sa asar o hiya. Sarap videohan.

"Im happy for you Makie." Sabi ko sa kanya habang hahawakan sana ang balikat nya.

"Wag mokong hahawakan, baka pagsisihan mo." Banta nya.

"You're welcome." Sabi ko.

Umubo si Jazz.

"Ngayon may nabubuo na tayong plano, anong susunod na hakbang natin? Kaninong kampo ang pagtutuunan natin ng pansin?" Pagbago nya ng topic. Nice save uli Jazz! Youre my hero na talaga!

"Kung papipiliin nyo ako, ang pinaka malaking tyansa ng tagumpay na masakop natin ay ang kampo ng Magwagi. Sila ang pinaka mahina sa apat. Hindi rin nila aasahang aatakihin natin sila." Sabi ni Talas.

"Sangayon ako. Sila ang pinaka madaling sagupain. Kung magiingat tayo makakakuha tayo ng 400 puntos sa kanila at hindi na tayo magiging huli sa laban." Pangsangayon ni Makie. Kinuha nya ang tyansang mawala sa kanya ang topic.

Pero hindi ako sangayon sa kanila.

"Hindi. Hindi sila ang sasakupin natin, kundi ang Magdiwang." Buong diin kong sabi.

Napatingin si Talas sakin.

"Nababaliw kanaba? Sasakupin natin ang pinaka malakas na kampo?! Ano bang kamote yang tinatanim mo sa utak mo?!" Baling nya sakin.

"Kung maglalaro tayo, maglaro na tayo para manalo. At kung mananalo tayo, manalo na tayo sa pinaka engrandeng paraan. Para mangyari yun kailangan nating lampasuhin ang namamayagpag na kampyon." Mahinahon kong tugon.

Nagisip sila saglit. Nanunuot sa isipan nila ang lohika ng mga salitang binitiwan ko.

"Tama sya Master." Sabi ni Tifa. "Hindi ka naba nagsasawa sa ginagawa nilang hindi maayos na pagtrato sa Balangay natin? Talunin natin sila para matikman nila kung paano tayo gumanti sa nangaalipusta."

"Pero hindi natin sila kaya." Mahinang sabi ni Talas

"Sa tingin mo ba mahina ang Balangay mo?" Seryosong tanong ni Makie.

"Hindi!" Pag-angal ng Cabeza. "Malakas ang Tagumpay! Hindi lang kami nabibigyan ng tyansang maipakita yun. Kung may ipagmamalaki ako, iyon ay ang kakayahan ng Balangay ko."

Nginitian sya ni Makie.

"Kung ganun wag kang mag-alala, sa tulong namin at sa plano ni Milo malaki ang tyansang matalo natin sila. Magkaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo at sa amin."

Unting unting nabubuo ang determinasyon sa ekpresyon ni Talas. Nung huli buong loob syang tumango.

"Tama kayo. Masyado na silang mayayabang. Dapat matuto silang bumalik sa lupa. Bilang ganti narin sa matagal nilang pangaalipusta sa Tagumpay. Talunin natin sila. Ipakita natin ang tunay tayong mas magaling sa kanila." Sabi nya.

"Yown. So ngayon ang una nating gagawin ay puliduhin ang plano at ihanda ang materyales na kailangan natin. Samantala ipagpapatuloy natin ang mga pagsasanay natin, at pagtuturo nyo sa ibang myembro."

"Sige. Gagawa kami ng training na babagay para maisakatuparan natin ang plano mo." Sangayon ni Makie.

"So, meeting adjourned? Tapos na?" Tanong ni Tifa.

Natinginan kami at nagtanguan. Bago kami magpaalam biglang tumayo si Talas. Namumula at di makatingin ng derecho samin.

"....Salamat sa inyo." Nanginginig nyang sabi. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa Digmaan ng mga Watawat. Natatakot akong matalo uli, pero dahil sa inyo nakakakita nako ng liwanag ng pagasang manalo." Nagpunas sya ng mata. Tingin ko naiiiyak sya. Niyakap sya ni Tifa.

Ang batang ito ay pinuno ng isang Balangay. Dahil sa responsibilidad nya nalimutan nya na ang edad nya at kung papapaano maging mahina. Dahil wala syang masasadalan dahil sa kanya sumasandal ang lahat. Naawa ako sa kanya.

Pero dahil sa pagdating namin gumaan ang dalahin nya. Hindi ko alam ang dinanas nya sa loob ng dalawang pagkatalo pero hindi naming hahayaang maulit itong muli. Mananalo kami. Itinataga ko yan sa bato.

Inangat ko ang tasa ko ng kape.

"Para sa Tagumpay?" Tanong ko.

Ginaya ako nila Tifa, Jazz at Talas. Tinignan namin si Makie na hindi kumikilos. Sa huli nagkibit balikat nalang sya at itinaas natin ang tasa nya.

"PARA SA TAGUMPAY!" Sabay-sabay namin sabi sa pagtama ng aming tasa, inubos namin ang laman nito. Iyon na ata ang pinaka masarap na kapeng natikman ko sa buong buhay ko.

Sa aming pagkampay ramdam kong nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan naming lima. Isang samahang tinubog sa bakal. Samahang hiniling kong magpatuloy sa mahabang panahon.

Natapos ang aming pulong na puno ang aming dibdib ng intensyong manalo.

~~~~~~~

Nagpatuloy kami sa aming gawain. Ako sa pagsasanay, si Tifa at Talas nagtutulungan magayos ng gagamitin namin. Si Jazz at Makie gumagawa ng taktika kasama si Langib at ibang myembro na gagamitin namin para sa DiWa. Sa gabi nagpupulong kami para puliduhin ang plano. Nagiisip kung paano maisasagawa nang mas maayos at kung paano tutugon sa mga senaryong maaring maganap.

Mabilis paring lumipas ang panahon. Parang hanging hindi mapipigilan ang pagihip. Hindi namin namalayang nagdaan na ang isang linggo.

Dumating na ang araw ng Libangan ng mga Bayani.

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

A/N:

Sorry guys sa late UD. Alam ko dami na naghihintay sa inyo. Sobrang busy lang sa mga importanteng bagay tulad ng panonood ng anime at paglalaro ng rpg games. Naway mapatawad ninyo ako.

Babawi ako sa next chap kung saan magsisimula na naman ng kapanapanabik na aksyon.

;)

Dedicated to @Dollsheeez @Ginebra_45 at sa iba pang naghihintay ng UD.

Try ko agahan next time

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top