KABANATA XXIV - Pinili

Minsan sa buhay ng tao, haharap ka sa malalaking hamon na susubok sa kakatagan ng iyong kalooban. Idinisenyo itong maging parte ng buhay natin bilang pundasyon ng ating pagunlad bilang isang indibidwal.

Normal lang itong nangyayari. Pwedeng pagkatanggal sa trabaho, paghiwalay sa kasintahan, pagkawala ng mahalagang bagay, pagkamatay ng minamahal, 1% na battery kung kailan nagaaway kayo ni bae at sira ang charger mo, o maiharap sa isang suicide mission kung saan kailangan mong patayin ang isang dambuhalang ahas-dragon na kumakain ng tao, na balak kainin ang buwan na magreresulta sa kamatayan ng maraming tao. Oo, normal lang itong nangyayari sa buhay ng tao.

Pakyu, anong normal dun!

"Nahihibang na ba kayo?" Tanong ko.

Dinutdot ng dyosa ang hintuturo sa pisngi nya at tumingin sa taas na parang magiisip.

"Hmmm gusto mo ba talangang malaman kung paano ako mahibang iho?" Ngiti nya sakin.

"*ubo ubo* Hibang ba sabi ko? Nalilibang ba kayo kako. Libang hindi hibang, mali lang kayo pagkarinig."

"Talaga lang huh."

"Pero seryoso ba kayo? Ako? Papatayin yung Bakulaw?"

"Bakunawa(*1)." Pagtama ni Makie.

"Parehas lang yun. Kailangan ba laging precise? Pero ayun nga, paano ko papatayin yun? Baka nalilimutan nyo highschool lang ako, marami pang pangarap na tutuparin sa buhay. Ni hindi pa nga ako nagkakagirlfriend eh!"

"Malabo yan." Sabi ni Makie. Inirapan ko sya.

"Kung si BJ nga hindi ko natalo, bakulaw rin yun, paano pa kaya yung Bakunawang sinasabi nyo. Hindi ba pwedeng ikaw nalang pumatay dyosa Mayari?" Pagrarason ko.

"Kung pwede lang ginawa ko na noon pa. Pero sya yung likas na kahinaan ko. Hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sa kanya." Paliwanag ng dyosa.

"Eh sa ibang mga dyos at dyosa bat di kayo humingi ng tulong? O kaya kay Bathala sya naman nagkulong dun sa isang Bakunawa diba?" Tanong ko. Tingin ko mas posibleng ruta yun.

Bumuntong hininga si Mayari ang winagayway ang hintuturo nya sa mukha ko.

"Si Amang Bathala matindi ang paninindigan nyang wag makialam kaya di sya tutulong. Mas matigas ang ulo nun sa diamante. Ang mga dyos naman kahit pa nasa iisang panig kami hindi ibig sabihin na magkakasundo kami. May ere sila at ang iba mayayabang, hindi tulas ko na humnle. May kanya-kanya ring pinamumunuan, wala sa interes nilang tumulong kung hindi naman sila makikinabang. At higit sa lahat, ayokong magkautang na loob sa kanila." Sabi nya. Oh yeah, humble nga. Sobra.

"Kahit kapatid mong si Apolaki, hindi ka tutulungan?" Tanong ko.

Pinanliitan nya ako ng mata sabay turo sa suot nyant eyepatch.

"Nakita mo ba ito? Sya ang gumawa nyan!"

"Sya nagtahi ng eyepatch mo? Sweet naman pala ng big bro mo eh." Sabi ko. Naimagine ko ang dyos ng araw na nagtatahi ng cute na eyepatch at nakangiti. Parang kinilabutan ako.

"Gago! Sya ang bumulag sakin!" Sigaw nya na may padyak ng paa sa sahig. "Ginawa nya yan nung nagtalo kami kung sino ang mamamahala sa mundo. Matapos nya akong bulagin saka nya sinabing maghati nalang kami, sya sa araw at ako sa gabi. Buwisit sya, kahit kailan di ko sya mapapatawad. Mamamatay muna ako bago lumapit sa kanya!" Nanggagalaiti nyang sabi sabay cross arms at nag pout.

Oo mamamatay ka naman talaga pag lumapit ka sa araw, tanga ba sya? Pero diko sinabi yun syempre. At grabe sila magmahalang magkapatid uh. Cariño brutal.

"Pero ako?!" Balik ko sa topic. "Seryoso kayo, ako?! Paano ko papatayin yun kung kayo nga na dyosa ng buwan wala magawa sa kanya? No offense po magang dyosa. Makie, tulungan mo ako magpaliwanag sa kanilang dalawa?" Hingi ko tulong sa diwata.

Nagkibit balikat sya.

"Why not? Wala naman akong makitang problema run. Kung napatay yung dating Bakunawa, edi kaya ring patayin itong bago. Saka ang balita ko yung kaliskis raw ng bakunawa ay magandang gawing kutsilyo. Perfect para sakin yun. Kunan mo ako ha." Sabay kindat nya sakin. Kiligmuch.

Oh mahabaging Bathala, bat diko alam kung gusto akong tulungan ng crush ko, o mas gusto nyang nakikita akong nahihirapan.

"Edi ikaw pumatay, bakit ako pa?" Kunwaring reklamo ko para di halata yung blush. "Oh kaya naman yung ibang Napili rito Maestro, maraming mas magagaling lumaban sakin dito. O di kaya bakit di nalang kayo nila Goyong, siguro naman kayang kaya nyo yun?"

Nagkamot ng ulo si Maestro. Haba kasi ng buhok. Magshampoo ka kasi.

"Kung ganun lang sana yun kadali. Sana kami nalang. Hindi ko rin gustong ipahamak kayong mga bata sa sitwasyong ganito."

Bumuntong hininga sya at nagpatuloy.

"Ganito kasi yan. Maraming rason kung bakit ikaw ang napili kong Napili (galing ng choice of words noh?) para sa Misyong ito. Isa na riyan ay dahil nasa kamay mo ang Bagwis. Tama ba ako?"

Nilahad nya ang kamay nya bilang paghiram Balisword. Este Bagwis. .

"Kaso hindi ko nga alam kung paano gamitin nang maayos yan eh." Inabot ko ito sa kanya.

"Darating tayo dyan." Kinuha nya ito at binuksan. Dagli at lumitaw ang kumikinang na itim na patalim. Ang ganda ng talas nito ay nagdulot ng konting takot sa akin nung hindi ako ang may hawak.

"Long time no see. Namiss kita." Sabi nya habang hinahaplos na may pagmamahal ang patalim nito. Medyo creepy lang

"Sa akin ito, isa ito sa pinaka paborito kong sandata, hiniram lang ni Lam-ang sa akin." Paliwanag nya nung napansin nyang parang natuturnoff kami sa kanya.

Lumapit ang dyosa at ininspeksyon ito.

"Hmm... Balahibo ng minokawa? Pwede, pwede... Malaki ang maitutulong nyan laban sa Bakunawa. Teka ano yung nakasulat?"

Tinignan nila itong maige. Parang alam ko na tinutukoy nila.

"Lam-ang and Ines 4ever?..." basa nila.

Biglang sinipa ng Maestro yung isang upuan at buong panggagalaiting pinagtatadyakan ito.

"@%#&%* nung gurang na yun, hindi na nga nya sinoli, inukitan pa ang hayop! Pag nakita ko yun puputulan ko ng !%#& at ingungudngod sa #&#^@ nya at *#&% ng....." at iba pang child friendly language ang sinabi nya.

Tumigil lang sya nung naalala nyang kasama nya kami. Nagblush pa ata sya, tae. Ok lang yan Maestro. Minsan sa buhay ng tao, manggugulpi rin sya ng upuan. Ginawa ko rin yan nung Kabanata III.

"Ehem... Gaya ng sabi ng dyosa, malaki ang papel ng bagwis sa pagpatay ng bakunawa, kaya nitong hiwain ang makapal na kaliskis nito. Wag ka magalala, matututunan mo kung paano gamitin yan sa lalong madaling panahon." Paliwanag nya.

Ibinalik nya ito sakin. Parang ayaw ko na nga kunin matapos ang eksena nya, pero nooooo, this is my precious now.

"Ang isa pa sa dahilan, na marahil pinaka importante sa lahat, ay ang bertud mo."

"Ang bakunawa ay hindi lang basta isang halimaw. Isa itong mababang uri ng dyos." Sabi ng dyosa. "Walang makakapatay sa isang dyos kundi isa ring dyos. At sa bertud na yan, nakapaloob ang kapangyarihan ng pinaka malakas na dyos sa lahat. Yun ang dahilan kung bakit mga Napiling may bertud lang ang nakatalo sa unang bakunawa." Ohhhh.. so isa pala itong minor god kumbaga.

"Ang problema, ang bertud lamang ang pumipili ng pwedeng gumamit sa kanila. Dumarating ang panahon na ang isang Napiling dati'y nakakagamit ng bertud bigla nalang di gumagana sa kanya. Dahil nakahanap na ito ng mas karapatdapat gumamit sa kanya. Yun nga lang, kung nasaang panig sya ng mundo, walang nakakaalam. Gaya ko, dati nagagamit ko ang bertud ko, bigla pooof! Wala na. Laking problema dinulot sakin nun dati." Ani ni Lapu-Lapu.

"Akala ko ba lahat ng Napili pwedeng gumamit ng bertud?" Tanong ko.

"Mga Napili lang ang pwedeng gumamit sa bertud, pero ang bertud lang ang magdedesisyon kung sino ang gagamit sa kanila. At ang maswerteng mapipili ng bertud ay tinawatawag na Napiling mulat. O mas kilala sa tawag na Pinili."

Napiling mulat. Yun ang sabi sakin nung sigbin nung una naming nagtagpo. Yun pala ibig sabihin nun.

Pero yung 'Pinili', narinig ko na sa kung saan. Hindi ko lang maalala. Ewan ko kung bakit, nanlalamig ako kapag inaalala ko.

"Sa kasamaang palad, sa mga bertud na nandito sa Kanlungan, kasama yung sa akin dun, wala pa kaming nahahanap na pwedeng gumamit sa kanila. Maliban sa isa. Maliban sa bertud ng Katapangan na suot mo ngayon." Turo nya sa bertud ko. Na hinawakan ko naman nanaman. Naging habit ko na yun.

"Pero ano bang kapangyarihan ang meron itong bertud na binibigay nya sa mga Napili?" Tanong ko.

"Hindi mo alam? Depende sa bertud. May nagbibigay ng kakaibang pisikal na lakas, kapangyarihang kontrolin ang elemento tulad ng apoy, tubig, hangin, kidlat atpb."

Whoah, seryoso? Major revelations dude. Bakit umabot sa ganitong punto bago ko pa naitanong? Bobito amp.

"Anong kapangyarihan ng bertud ko?" Tanong ko na nagniningning ang mata.

"Hindi ako alam. Baka kakayahang maging invisible pag walang nakatingin sayo?" Sabi nya. Ehh?

"O kaya naman kapangyarihang makipag usap sa kabute." Suhesyon ni Makie.

"Alam ko na. Pwede ring makakalipad ka pamamagitan ng utot." Seryoso, dapat bang lumalabas yan sa bibig ng isang dyosa?

"Salamat sa kind words guys. Naapreciate ng hinliliit ko sa paa sobra." Sabi ko.

"Biro lang Milo. Alam ko kung anong kapangyarihan nyan pero hindi ko maaaring sabihin. Ikaw mismo ang dapat tumuklas niyan." Ani ng Maestro.

"Pero ang sabi sa akin naka selyo raw ito. Hindi ko ito magagamit kung hindi ko ito mabubuksan. Hindi ko alam kung paano gawin yun. Pinamana lang sa akin ito eh. Sabi sakin ni Lam-ang kailangan ko hanapin kung sino ang huling mayari nito. Pero wala akong ideya saan sya mahahanap."

"Dyan ka nagkakamali Napili. Kung sino man ang nagpamana sayo niyan, gumagawa na sya ng paraan para makipagkomunikasyon sayo." Mahiwagang sabi ni Mayari.

"..... Huh?" Matalinong tugon ko.

Wala akong maintindihan sa sinasabi nya. Ano raw? Gumagawa ng paraan? Paano? Kelan nangyari yun?

"Seryoso, tanga ba tong kaibigan mo?" Tanong nya kay Makie.

"Yan ang tanong ko araw araw ninang. Pero mali ka sa isang bagay. Di ko sya kaibigan."

Arouch ha. Sakit sa puso.

Nagkamot ng noo ang dyosa bago nagsalita.

"Bago ka nasabak sa mga kaganapang ito, may nangyari. Hindi ito nagkataon lang. Lahat ng mga bagay ay nangyayari nang may kadahilan. Marahil nararamdaman ng nagpamana sayo nyan na mangyayari ang lahat ng ito kaya sya na mismo ang gumawa ng hakbang. Pero dahil tanga ka, hindi mo ito napuna." Tae di parin siya titigil sa 'tanga'.

"Anong hakbang ang sinasabi mo?"

"Nararamdaman ko na ang kasagutan ay nasa bulsa mo na"

"Wala namang laman ito kundi kendi saka wallet ko eh."

Sumenyas sya na parang sinabing tignan ko. Kinuha ko ang wallet ko at binuklat. Wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa daga at ipis, kapiranggot na salapi, pictures, resibo na sinulatan ng pasasalamat ng mga bata sa jabee, calling card ni Scooby doo, kodigo sa P.E. at..... huh?

Napatingin ako uli. Nagtaka. Nagintindihan ko na kung bakit may parang kakaiba nung tinignan ko wallet ko.

Binasa ko uli yung nakasulat sa likod ng resibo.

"Salamat po sa pagkain Koya, nabosog po kami."

Wala namang kakaiba sa nakasulat.

Ang kakaiba ay yung mismong nababasa ko ito gayung nung una ay hindi!

Hindi drawing yung sinulat nila, kundi babayin! Kaya ngayon ko lang ito nabasa.

"Ang mga batang yun... Napili rin sila?" tangi kong nasambit.

"Hindi ko alam. Pero marahil ipinadala sila para bigyan ka ng mensahe. Hmmm... Meron pang lihim na mensahe sa ibaba. Pahiram." Kinuha nya ito at inilawan ang sa sinag na nanggagaling sa daliri nya. May lumitaw na mga salita.

"Magkita tayo sa dambana ng iyong bertud kung saan may malapit na bakal na dumadaloy."

"Hmmmm.. Alam ko ang lugar na ito. Ako nang bahala magdala sa iyo rito." Sabi ng dyosa tapos binalik ang resibo sa akin.

Tinignan ko lang ito at natulala, madaming tanong na pumasok sa utak na wala akong kasagutan.

"Milo." Nagising ako nang tawagin ako ng Maestro.

"Alam kong naguguluhan kapa sa mga pangyayari, hindi ito ang normal na buhay na nakasanayan mo. Pero ito ang buhay na itinakda para sa ating mga Napili. Kahit gustuhin mo, hindi mo ito matatakasan." Malungkot na ngiti nya sa akin.

"Pero wala akong kakayahan gawin ang gusto nyo." Pagamin ko.

"Sabihin mo, sino nagturo sayo ng Kali nung kinalaban mo si Bon Jovi?" Tanong nya.

"Wala po..."

"Ayon sa impormasyong nakarating sa akin, tinalo mo raw ang isang sigbin, ilang amomongo't amalanhig. Sino nagturo sa iyong lumaban nang ganoon?"

"Wala rin po."

"Kanina tinanong kita kung anong nakikita mo sa kwartong ito. Pero ngayon kung tanunungin ako kung anong ang nakikita ko sa kwarto ng pagkatao mo, alam mo ba kung anong isasagot ko?"

Umiling ako.

"Potensyal." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya. "Isang batang may napakalaking potensyal. Likas sa Napili ang may kakakayahang kahangahanga sa ibat ibang larangan. Pero kailangan paring linangin ito nang kaunti. Pero ikaw, para malaman ang Kali, matalo ang sigbin, at makipagsabayan kay Bon Jovi na isang magaling na mandirigma, na walang kaukulang pagsasanay ay higit pa sa inaasahan ko. Matapang, mabait, tapat sa kaibigan at may paninindigan, yan ang nakita ko sayo."

Hindi ako makapagreact. Hindi ako sanay na pinupuri. Pero masarap sa pakiramdam. Sige pa, purihin nyo pa ako, oh yeah.

"Napukaw mo ang atensyon ko. Gusto kong malaman kung anong meron sa iyo. Anong nakita ng organisasyon sa iyo at ipinadala nila ang daan-daang maligno, pati na ang batingaw para lamang sayo? Anong nakita ni Lam-ang sayo, na ilang dekada nang hindi kumukuha ng desipulo para papuntahin ka pa sa Kanlungan na gusto nya nang kalimutan? At anong nakita ng Maria ng Makiling, bakit ka nya napiling bantayan?"

Napatingin ako kay Makie. Totoo ba yun?

"Hindi totoo yan." Sabi ko nga eh. "Hindi ko sya napiling bantayan. Nagkataon lang na may Napili sa paaralang pinasukan ko, tapos may suot pang bertud. At nagkataong ring sya yun."

"Kaya nga, binantayan mo parolin sya diba?"

"Whatever." Sabi nya sabay takip ng visor ng cap nya sa mukha. Oh my, what's this?

"Alam mo kasi iho, aminin man o hindi ng masungit kong inaanak, may nakita syang potensyal sayo. Batid nya na hindi ka basta Napili lang kundi isang Pinili. Kung tutuusin nga kapag sinanay ka nang husto, tingi ko pwede kang maging pinaka magaling na Napili sa buong planeta."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"T-totoo ba yan dyosa Mayari? Sa buong planeta?" Naeexcite kong sabi.

"Oo. Hindi nga lang sa planetang ito! Bwahahaha! Pasensya na, masyado kasi kayong seryoso, ang pangit nyo tignan!" Tatawa-tawa sya na gumugulong sa ere at hawak ang tyan. Bastos na dyosa. Salamat sa pagpatay ng mood at excitement level ko.

"Biro lang. May potensyal ka oo, pero buong planeta, wiw. Hahaha." Punas luha nyang sabi.

Umubo ang Maestro at hinawakan uli ako sa braso para bumalik yung seryosong mood. O baka pinunas lang nya ubo nya sa damit ko..

"Naniniwala ako sa potensyal mo Milo. Gaya ng pagtitiwala ni Lam-ang at ng binibini sayo. At gusto kong makita ang paglago ng potensyal na yan. Kung may makakapatay sa bakunawa, sa tingin ko'y ikaw yun."

Tinignan nya ako nang mata sa mata.

"Ako si Lapu-lapu, ang unang bayani. Isa sa pinaka magaling na mandirima ng Kanlungan. Maniwala ka sa akin kapag sinabi kong naniniwala ako sa kakayahan mo."

Lumunok ako ng laway

"Ngayon tatanungin kita uli. Tinatanggap mo ba ang Misyon?" Madiin nyang tanong.

Nanginginig ako. Hindi dahil sa kaba. Kundi sa antisipasyon. May apoy na nabubuhay sa dibdib ko na unti unting lumalagablab. Buo na ang loob ko.

"Tinatanggap ko Maestro."

"Sabi ko na mga ba di mo kami biniguin." Tumawa at hinampas ako sa braso... Sabay punas. Sabi ko na nga ba.

"Pero hindi ko ito gagawin nang magisa. Isasama ko sila Makie, Jazz at Tifa." Sabi ko.

"Wala akong nakikitang problema dun." Thumbs up nya akin.

"Haahh?!" Sigaw ni Makie. "Teka pumayag ba ako? Ayoko! Dinala na kita rito, tapos na ang obligasyon ko sa iyo."

Napatingin ako sa kanya. Yun lang ba ang plano nya? Balak na ba nyang umalis pagkahatid sakin dito? Wag naman sana. Nalungkot ako bigla.

"Tsk tsk. Wag kang maarte anak, hindi ka si Kris Aquino. Tulungan mo lang si Milo sa Misyon nya, sisiguraduhin kong hindi mo ito pagsisisihan." Sabi ni Mayari sabay bulong sa tenga nya.

"Tsk... Hanggang sa matapos lang ang Misyon na ito." Sabi nya. Ano yung binulong ng dyosa para mapapayag sya agad? Well anyways kung ano man yun, buti nalang.

"So paano na, aalis na ba kami kaagad ngayon para sa Misyon namin?"

"Wag ka magmadali Milo, may mga paghahanda pa tayong kailangang gawin kaugnay ng Misyon na yun. May dalawang linggo kapa magsanay, pangangasiwaan ito ni Goyong. Sa kamay nya, matututunan mong gamitin nang tama ang kakayahan mo sa pakikipaglaban at paggamit ng Bagwis." Sabi nya habang may kinukuha sa tukador.

Nilapitan nya kami at may isunuot sya samin na kulay itim na purselas na may kahoy na may ukit buwan. May sobrang dalawa rin syang binigay para kay Tifa at Jazz.

Binasbasan din ito ng Dyosa, dahil buwan din naman daw ang simbulo nito.

"Yan ang Pulseras ng Silanganan ng balangay Magtagumpay. Magmula ngayon opisyal na nila kayong myembro. Opisyal ko rin kayong tinatanggap bilang mamamayan ng Kanlungan."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng pride. Sa wakas myembro na ako ng isang balangay. At sa balangay pa nila Talas. Ang saya ko.

"Sure sure." Walanv paki alam na sabi ni Makie. "Pero diretsahin mo kami, may iba ka pang agenda noh?"

Nangiti ang Maestro

"Gaya ng inaasahan ko sayo binibini, magaling kang makaramdam. Nagkataon kasing may magaganap na selebrasyon ng pagkakatatag ng Kanlungan, dalawang linggo rin mula ngayon. Parang foundation day ng paaralan. Ang tawag namin dito ay Libangan ng mga Bayani." Sabi nya.

Huminto sya. Marahil para maapreciate namin yung pangalan na parang hinango sa Libingan ng mga Bayani. Wow lang. Nagpagisipan nang matindi.

"May mga patimpalak na kalalahukan ang mga balangay laban sa isat isa. Nakasalalay ang posisyon nila sa taong susunod. Ang itinatanghal na kampyon ang kalimitang nagiging Pangunahing Balangay." pagpapatuloy nya.

"Oh, eh ano kinalaman namin dyan.

"Binibini, sa tulong ni Jazz, nais kong sanayin nyo sa pakikibaka ang myembro Magtagumpay. Sasali kayo sa patimpalak at kailangang manalo ang balangay niyo sa kompetisyon. Ikaw Milo ang mamumuno sa kanila. Ikaw ang magiging Cabeza ng Magtagumpay" sabi nyang may ngiti sa amin.

"HAHHHHHHHHH?!" Nagblending naming tugon.

»»»»»»»»»●●●●«««««««««««

(*1) Bakunawa.
Origin: Hiligaynon

Wala nako halos nasasabi rito, nasa nakaraang chapter na. Pero isa ito sa mga sea serpent-dragon ng Pinas. Sobrang laki nito, imagine nakain nya yung buwan? Pero kaya nyang lumangoy sa dagat na di kalaliman. Paano nangyari yun?

Yung description nya ay iba-iba. Pero malalaman nyo yung itsura nya sa kwenro pag nagharap na sila ni Milo. Soon.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N:

Salamat po sa 15k votes. Dahil dyan mas madalas nako maguUD
;)

Salamat din sa input @Le_Trace
Nagdecide akong ituloy yung balangay war games.

Dedicated pala itong kabanata kanila @azil012 at sa kapatid nya, na hinimayhimay pa yung istoryang ito para sa ilang clues na pahapyaw kong binanggit pero nakuha parin nila. Galing nyo mga Napili.
;)

Till next UD.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top