KABANATA XXIII - Isang Simpleng Misyon

"Nadudurog ang puso ko."

Sabi ng dyosa nakaupong padekwatro, at naka salumbaba. Saan nakaupo? Sa isang upuan na gawa sa sinag ng buwan. Deym.

"Nung una nabalitaan kong di alam ng mga kabataan na lumpo si Mabini. Tapos ngayon hindi rin pala ako kilala kung sino ako pati ibang mga dyos? Ano ba natututunan nyo, paibig?! Sungalngalin ko kayo eh."

Diko masabi na di kasi sya naituturo sa paaralan eh. Diko rin alam kung bakit eh. Mas nakafocus sila sa kultura ng ibang bansa kaysa sariling atin.

"Ang nakakainis pa nyan," dagdag nya. "kayong mga tao ay gumawa ng cellphone network na globe at sun, pero walang moon! Kabastusan naman ata yun, ano yun nakalimutan nyo lang? Eh kung ako kaya ang makalimot sa inyo?"

"Pasensya na kayo mahal na dyosa... Hayaan nyo gagawan namin kayo ng fanpage."

"Talaga?!.. este, sige ba, tama lang yan." Kunwaring di natuwa nyang sabi. "Dapat nga noon nyo pa naisip yan eh... Makikilala ba ako uli?"

"Oo naman po, mas sisikat pa kayo kay Señora Santibañez. Hahanap lang tayo ng mga arabong autolikers."

Nagningning ang mata nya at ngumingiwi ang labi sa pagpigil ng ngiti, nagbblush din sya na parang kinikilig. Para talaga syang bata umasal.

"*ehem*, Ninang, pwede bang sabihin nyo muna samin kung bakit nandito kaya sa lupa ngayon." Pasok ni Makie.

"Smile ka muna."

"............"

"Oo na wag mokong tignan nang masama, dyusko naman di kana mabiro. Ano ba nangyari napaka lambing kong inaanak dati?"

"NINANG!" Inis na sabi ni Makie.

Naaliw ako sa kanila. Ngayon ko lang nakita ang side na yun ni Makie. Nakakatuwa. Ang kyut nila magninang.

Magsimula na sa paliwanag ang Dyosa.

"Gaya nang pagkakaalam ninyo, ako ang dyosa ng buwan, ang reyna't liwanag ng gabi. Ang tagapangangalaga ng mundo ninyo kapag nagliliwaliw ang mayabang kong kapatid na si Apolaki(*2). Kilala mo sya? Hindi? Haha buti nga sa kanya. Anyway, kung wala ako malamang sinakop na kayo ng mga maligno. Ang sinag ko pumipigil sa kanilang maghasik ng lagim kapag gabi."

Bumulong ako kay Makie kung sino yung Apolaki. Sabi nya dyos daw ng araw. Araw at buwan, magkapatid? Ano ba nanay nila, blackhole?

"Pero nitong mga nakaraang gabi, may kakaibang nangyayari. Lumalakas ang pwersa ng kadiliman. Nito lang nakaraang gabi ilang maligno ang lumitaw sa mundong ibabaw kahit nasa ilalim ito ng kapangyarihan ko. Hindi nila inalintana ang depensa ko. Kalimitan may nakakalampas sa akin mga isa o dalawa. Pero nung isang gabi, alam nyo na siguro kung anong nangyari."

Humugot siya ng liwanag mula sa sinag ng buwan sa bintana at iwinagayway ito sa harap namin na parang sumasayaw. Unti unti lumilitaw ang isang imahe. Holographic 3d image ng naganap na labanan namin kanila Lam-ang. Tae. Ang panget ng mukha ko pag takot.

Bigla ito naglaho na parang nabasag. Kumunot ang noo ni Mayari.

"Aaminin ko na sa inyo. Unti unti akong nakararamdam ng panghihina ng kapangyarihan ko."

"Paano nangyari yun ninang? Seryoso kaba?" Gulat na tanong ni Makie

Bumaba ang dyosa ang naglakad tungo sa bintana. Para magmukhang mas madrama siguro ang kanyang paglalahad.

"Tatlong linggo magmula ngayon, ay may magaganap na paglalaho. At kinakatakutan kong hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito."

"Paglalaho?" Tanong ko.

"Eclipse. Sa pagkakataong ito, Lunar eclipse, o paglalaho ng buwan." Sagot ni Makie.

"Eh diba normal lang naman yun? Nanghihina ba talaga kayo everytime may lunar eclipse?"

"Hindi. Kung natural lang ang dahilan hindi ako manghihina. Ilang dantaon na nang huling nanghina kapag may paglalaho. Hindi ito normal dahil ngayong taon ay walang nakatakdang paglilinya ng buntala ninyo, ng araw at buwan."

Nagulat si Makie, kaya kunwari nagulat din ako.

"Ano yung buntala?" Bulong ko kay Makie.

"Filipino ng planet, wag kang magulo!" Saway nya. "Ninang... Wag mong sabihing tama ang nasa isipan ko?"

"Yung ang hinala ng dyosa Mayari." Sabat ni Lapu-lapu "Tingin namin ay nagsisimula na ng isang malawakang pagkilos ang Organisasyon laban sa atin. Kaya kami mismo ni Goyong ang lumabas at nagsiyasat. At sa kasamaang palad, nangyari na ang kinakatakutan natin."

"May nagpakawala sa Bakunawa."

Natakpan ng ulap ang liwanag ng buwan. At kasabay ng pagdilim ng paligid, nawala rin ang apoy ng kasiglahan ng mga kasama ko. Tila yata lahat sila ay nabagabag sa pangalang binitawan ng Maestro.

"Ano raw? Bakuna? Ano yun?" Tanong ko.

Nagsimulang magkwento si Makie.

"Nung unang panahon, maniwala ka sa hindi, pito ang buwan sa kalangitan. Ngunit ang Bakunawa, isang higanteng mala-ahas na dragon na namumuhay sa ilalim ng karagatan ang nagkainteres rito. Kinain nya ang anim sa mga ito."

"Bwisit sya. Pag naaalala ko yung hayup na yun gusto kong kakaliskisan eh! Nasa ibang buwan ko pa man din resthouse at condo units ko!" Reklamo ng dyosa.

Resthouse sa buwan? Anong gagawin nya run, magsswimming sa outer space? Magmomoon bathing?

"Tapos?" Tanong ko.

"Nung ika-pitong buwan na ang kakainin nya nalaman ito ng Bathala at pinalayas sya pabalik sa dagat. Sinumpang makulong duon habambuhay. Pero hindi parin nito napawi ang gutom nya sa buwan, lagi nya itong sinusundan mula sa karagatan. Yun ang dahilan kung bakit may high tide kapag bilog ang buwan, kung kailan nasa wagas ang kagustuhan nyang habulin ito. At kahit wala na ang Bakunawa, hindi na nalimutan ng karagatan ang gawing ito."

"Ayon sa sulatin ng ninuno ko, paminsan-minsan nakakaipon ng lakas ang Bakunawa para makawala sa kulungang dagat para kainin ang buwan." Ani ng Maestro.

"Nung panahong yun nasa mahigpit nang ipinagbawal ni Amang Bathala na makialam sa mga taga lupa kaya dedma nalang sa baranggay ang problema ko. Ang mga tao lang ang mismong tumutulong sakin."

"Naalala ko nung bata ako ang ginagawa namin nun nagiingay kami sa dalampasigan gamit ang mga palayok at instrumentong metal. Hindi sanay sa ingay ang Bakunawa dahil sa pagkakakulong sa dagat kaya kalaunan niluluwa nya ang buwan at babalik sa tirahan nya." Kwento ni Maestro.

"Pero nung nasa sukdulan ang pagkagahaman ng Bakunawa at huli syang nakawala, inuna nyang nilusob ang taumbayan para wala nang pipigil sa mga balak nya. Dahil dun nagdesisyon nang gumawa ng hakbang ang mga nanunang henerasyon ng mga Napili. Gamit ang mga bertud, nagawa nilang mapatay ito. Naging mapayapa na ang lahat, at kalaunan nalimutan na ng mga tao ang tungkol dito at ang ritwal ng pagiingay tuwing may nagaganap paglalaho."

And they lived happily ever after. Kung sana ganun lang kadali.

"Oh, edi patay na pala, anong problema? Ano yung nakawalang sinasabi nyo." Tanong ko.

Nagkrus ng bisig ang dyosa at pinalobo ang pisngi nya na parang spoiled na bata. Ang sarap kurutin. Kaso baka ipatapon alo sa buwan.

"Dahil sa awa ng mga tao na kailanman diko maiintindihan!" Inarte nya. "Nung napatay nila ang Bakunawa nagiwan ito ng isang itlog. Dahil iyon nalang daw ang natitirang sa lahi ng Bakunawa hindi nila ito nagawang patayin, itinago nalang nila ito sa isang lugar na walang makakatunton. Dapat pinatay nalang nila yun eh."

"Dahil isa itong inosenteng nilalang mahal na dyosa. Wala syang kinalaman sa ginawa ng magulang nya." Sagot ni Lapu-lapu.

"Ang puno ng mangga ay namumunga ng mangga at hindi ng mansanas. Kahit balatan mo ang ahas, ahas parin ito. Ngayon malaki na sya tingin mo inosente parin ba sya?"

Tanging kibit balikat lang ang naisagot ng Maestro.

"Teka teka, anong nangyari sa Bakunawa? San ito tinago?" Tanong ko.

"Binaon sa kailaliman ng lupa."

"Eh paano nakawala?"

"Mangyari kasi'y sa paglipas ng ilang dantaon nagbago ang kapaligiran. Nawala ang kabundukan at kagubatan, napalitan ng syudad. Walang nakakaalam kung plinano o nagkataon, pero sa lugar kung saan ibinaon ang Bakunawa napagdesisyunan ng isang pamilya ng mga negosyanteng itayo ang negosyo nila." Sabi ni Makie.

"Sinong pamilya at anong negosyo yang tinutukoy nyo?" Tanong ko.

"Robinson's Galleria ng mga Gokongwei(*2)."

Nanahimik ako saglit. Biglang pumasok sa isipan ko ang urban legend na napanood ko minsan sa tv.

"Oh?! Yung taong-ahas raw na kumakain ng mga babaeng sa nawawala sa department store? Yung nasa basement? Totoo pala yun?" Gulat kong tanong.

"Oo at hindi. Totoo yung nasa basement ito at kumakain ng tao pero hindi ito taong-ahas na kambal ni Robina Gokongwei ayon sa sabi-sabi. Ang katotohanan ay iyon talaga ang huling Bakunawa."

Naupo sa mesa ang Maestro at ipinaliwanag kung paano ito nangyari.

"Nung tinayo nila ang Robinson's, nabulabog nila ang Bakunawa sa pagkakahimbing at kinain nito ang ilan sa mga trabahador dito.
Dahil hindi na maaring itigil ang pagpapatayo ng mall sa takot na makawala ang ito, nakipagugnayan ang Kanlungan sa mga Gokongwei para sugpuin ang dragon. Pero masyado itong mailap. Ang solusyon na ginawa namin ay ikulong ito sa basement sa pamamagitan ng mahika at mga mahiwagang dasal. Binura rin namin ang ala-ala ng ilang nasangkot. Ang pamilya Gokongwei naman ay nagpakalat ng kwento tungkol sa taong-ahas na anak raw ng May-ari. Mas mas mabuting kumalat ang hakahakang kasinungalungan para pagtakpan ang mas nakakakilabot na katotohanan."

Naalala ko yung napanood ko, may parte dun na si Alice Dixon daw at si Rita Avita ay ilan sa mga biktima ng "taong-ahas" pero di ito napatunayan. Kung iisipin mo, baka pakana lang ito ng mga Gokongwei para nalinlang ang masa.

"Ngunit nang nagpunta kami run sira na ang kulungan, wala na ang Bakunawa. Kung sino man ang may kagagawan nito ay may malakas na kapangyarihan para sirain lang na parang papel ang mahika namin. Ang tangi lang iniwanan ay ang liham na ito."

Inabot sa akin ng Maestro ang isang papel kung saan nasasulat ang mga katagang:

"Ang bulan namon sang una, sang una,
Guin ka-on sang bakunawa,
Malo-oy ka man, i-uli, i-uli
Korona sang amon hari."

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko.

Pinagtaasan nya ako ng kilay.

"Basahin mong maigi Napili."

Binasa ko uli, sa pagkakataong yun may halong konsentrasyon. Unting-unting nagbago ang mga letra sa aking harapan:

"Ang buwan namin nung una, nung una,
Kinain ng bakunawa,
Maawa ka, isauli, isauli,
Korona ng aming hari."

"Ano ito, kanta? Sino yung hari?"

"Ako yan!" Padabog na sabi ng dyosa. "Kanta yan dati ng mga batang hiligaynon kapag may paglalaho ng buwan. Kakainis nga kung bakit hari eh. Para mag rhyme? Mukha ba akong lalake sa inyo?

"Hindi po dyosa, hayaan nyo na nagkamali lang siguro sila." Sabi ko. "Pero ang dahilan bakit iniwan nila ito?"

"Isa lang ang ibig sabihin nito. Isa itong pangungutya. Hinahamon nila tayong pigilan ang plano nila. Isa itong pagdedeklara ng gyera laban sa atin. At makikita nila ang hinaganap nila."

Nagpatunog ng kamao ang Maestro. Ang ngiti nya ay parang ngiti ng pating(kung ngumingiti nga ito) na naghihintay sa kanyang biktima. Nakakakilabot.

Kinakabahan akong isipin ang tungkol sa sinabi nyang gyera. Pag nangyari ito anong gagawin ko? At yun nga lang ba ang ibig sabihin nung iniwang sulat? Tingin ko may iba pa eh.

Hiningi ko ito at binulsa, ipapakita ko kay Tifa. Baka may makita syang hindi namin napuna.

"Hindi ko matukoy ang lokasyon niya" sabi ng dyosa. "pero mararamdaman ko ang Bakunawa dahil konektado kami sa isat isa. Nararamdaman kong unti unti itong nagiipon ng lakas para lusubin ang natitira kong buwan, at di na sya tatablan ng ingay, sanay na sya rito. Tatlong linggo... Tatlong linggo mula ngayon magkakaroon na sya ng sapat na lakas para kainin ang buwan. Kapag nangyari yun......"

Biglang umandap ang mahinang liwanag na nagmumula sa kutis nya, naiwan lang ang liwanag sa kanyang mata.

"Mamamatay ako."

Biglang humangin nang malakas, pumagaspas ang kurtina't mga bandila. Nagbagsakan ang ilang gamit. Ang sinag naman mula sa buwan ay bumalot sa dyosa na noo'y lumulutang sa ere. Ang buhok nya lumilipad.

Nung magsalita sya parang iba na ang nagsasalita. Parang ilang boses na sabay-sabay nagsasalita. Nagtayuan lang lahat ng aking balahibo.

"At ang mundong iyong tinitirhan ay masasadlak sa mga gabi na puno ng karimlan, maghahari ang kampon ng kadiliman at uulan ng kamatayan. Mamumuhay kayong takot sa pagdating ng gabing handog ay walang hanggang delubyo't pahihirap."

Nanatili syang ganon nang mga 23.7 seconds. Bawat segundo bumabaon sakin ang takot na idinulot ng sinabi nya. Hanggang sa bumalik sa dati ang kapaligiran at dahan dahan syang bumaba sa sahig.

Pumalakpak sya ng isang beses at tumingin sakin na nagniningning ang mata. Child mode ule.

"Kaya naman ngayon, hinihingi ko ang tulong nyo! Hehe." Pacute nyang sabi.

On cue, lumapit sakin si Maestro.

"Binigyan tayo ng isang simpleng misyon na makakatulong sa problema natin. Ikaw ang itatalaga ko para rito. Wag kang magalala, sa kakayahan mo, sinisigurado kong kakayanin mo itong gampanan."

"Ano bang misyon yan, hanapin ang kung nasaan ang Bakunawa?" Tanong ko.

"Hindi." Hinawakan nya ako sa balikat. Kinabahan ako.

"Patayin mo ang Bakunawa."

"Hahahahahahhahahahaha...




Urur!" Tangi kong naisagot.

✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩

(*1) Apolaki

-Ang dyos ng araw. Panganay sa tatlong pangunahing anak ng Bathala. Kapatid ni Mayari pero magkaaway sila, lalo na sa pamumuni ng teritoryo.
Kilala rin sya bilang Adlaw. Pero mas pinili ko ang Apolaki kasi mas Cool.

(*2) Robinson's urban legend

-Robinson's Galleria, Ortigas, QC.
Sikat na urban legend to sa kkamaynilaan tungkol daw ito sa taong ahas na anak ni John Gokongwei, mayari ng Robinson's. Kambal daw ito ni Robina Gokongwei.

Ayon sa kwento nasa basement daw ito at naghihintay ng mga magagandang babae na papasok sa dressing room. Dahil sa isang hidden cam makikita nya ang mga ito, pag may natipuhan. Pipindutin nya ang isang buton, mahuhulog ito sa basement, gagahasain at kakainin nya

Maraming bersyon ang kwentong ito at marami ring nagsasabi totoo ito, dahil may mga customer at saleslady na naitalang misteryosong nawala sa dept store ng mall.

Isa sa sikat na biktima RAW si Alice Dixon na ayon sa kanya ay maswerteng nakatakas nang buhay. Nang minsan syang nainterview sa tv tungkol rito ay bigla nalang naputol sa kaligitnaan ang palabas. Pagbalik nito ay wala na Ms. Dixon. At pag tinatanong sya tungkol rito tikom na ang kanyang bibig.

May nagsasabing binayaran ng mga Gokongwei ang kanyang pananahimik.

Ang taong-ahas raw ang swerte ng pamilya at sikreto ng kanilang lalong pagyaman.

(*3) Hiligaynon Lunar Eclipse Song.

Note lang po, di talaga trivia. Uung tagalog translation ay sarili ko lang wordings, kaya kung may mali pagpasensyahan nyo na.

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

A/N:

Oha sabi sa inyo may UD agad eh.

Yung next starting na po.
Vote lang po kayo ng mga chapters ko mga ginoo at binibini. Malaking tulong po. Kung hindi papakain ko kayo sa bakunawa.

Next Chap:

KABANATA XXIX - Pinili

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top