KABANATA XXII - Ang Unang Dyosa
"Tumingin ka sa paligid mo at sabihin mo sakin kung anong nakikita mo."
"........... Makalat? No offense uh."
Nasa opisina kami ni Lapu-lapu ni Makie. Ang lokasyon namin ay sa isang kwarto sa tuktok ng bundok. Sa kahilingan narin ng maestro, kami lang ang pinapasok nya. Si Tifa at Jazz at naiwan sa ibaba at dina pinasakay ng elevator. Oo may elevator sa Kanlungan, kala nyo uh.
Di naman nagreklamo si Tifa, siguro dahil maiinterview nya si Goyong at Pilandok. Naawa tuloy ako sa dalawa.
Ang kwarto ay halos pabilog lang, ang dingding ay natural na inukit sa dingding ng bundok. May mga lumang bandila ng Pilipinas na nakasabit sa itaas. Sa bandang likod may malaking kurtina na may malaking simbulo sa gitna. Isang malaking "K", sa puwang ng K sa kanan ay may tatlong bituin, sa kaliwang bahagi ay kalahating araw na paalon ang sinag.
Iyon siguro ang logo ng Kanlungan.
Sa paligid ay puno ng gamit na may pinsala. May mga putol na palaso't sibat, helmet pananggalang at pananggang may uka. Piraso ng espada, palakol, punyal atbp. Mga gula-gulanit na damit at mga ornamentong puno ng sira. Nakahanay lang sila sa sahig at mga aparador na parang organisadong kalat.
"Ok lang iho, tama ka naman sa isang banda. Sa mata ng iba, kalat lang ang mga ito. Mga sira-sirang kagamitan. Pero bawat isa sa mga ito ay may mga kwento at aral na naibabahagi sa atin."
Kumuha ang maestro ng isang helmet, binugahan at buong pagaarugang pinunasan ito. Kahit nakangiti'y banaag sa mata niya ang malalim na kalungkutan.
Napansin kong kahit sira-sira na ang mga kagamitan, kumikinang parin ito na parang bago. Halatang napangangalagaan at nalilinisan nang regular.
"Mga gamit ito ng ilan sa mga magaaral, kaibigan, kamaganak at kapanalig ko. Karamihan mga Napili. Bawat isa sa kanila ay lumaban nang buong tapang sa Organisasyon, o sumabak sa ilang misyon. At nasawi. Ang mga sira-sirang gamit nalang na ito ang nagsisilbing ala-ala nila. Mga mumunting palamuti na isinasabit ko sa puso ko araw-araw. Paalala kung bakit ba ako lumalaban." Paliwanag niya.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kwarto, bilang paggalang narin siguro sa mga namayapa. Maging si Makie nagusal ng maikling dasal.
Ang inisyal kong naisip naman ay iba. Kung lahat ng gamit ay patay na ang may-ari, ilang Napili na ang namatay? Masyadong marami, hindi mabilang.
Kung mamatay ba ako ididisplay din ang balisword? Iwinaksi ko sa isipan ang sapantahang iyon.
"Replika ba yun ng Spoliarium(1*)? Astig, meron ka nyan." Puna ko sa isang pintang nakabalandra lang sa isang sulok.
"Ahhh hindi, yan yung tunay, yung nasa Museong Pambasa ang replika. Si Juan mismo ang nagpinta nyan dito sa Kanlungan. Isa rin sya sa mga Napili dati." Sagot ni Maestro.
Osom. Nilapitan ko ito para tignan. Di araw-araw makakakita ka ng obra maestrang tunay.
"....Ano yung mga kulay brown na parang marka?"
"Ahhhh yan ba? Nung minsan kasi naginuman kami ng mga opisyales at dating Napili ng Kanlungan, wala kaming mahanap na mantel sa lamesa kaya yan nalang ang ginamit naming sapin. Hayaan mo na, di naman importanteng bagay yan. Halika maupo kayo."
Rakenrol, national treasure di importanteng bagay? Ilang milyones na artwork ginawang sapin? Wow lang talaga.
Naupo kami sa dalawang upuan sa harap ng mesa ni Maestro. Parang yung setup sa baranggay hall pag may nirereklamo ka.
"Di na ako magpapaliguy-ligoy pa Kwatro, matutulungan mo ba kami?" Pasok ni Makie.
"Gaya ng sabi ko alam ko na ang kwento nyo. Naghahanap kayo ng mapagtataguan mula sa organisasyon at mapagsasanayan gamitin ang bertud tama? Walang problema, isa talaga yan sa layunin ng Kanlungan." Giliw nyang sabi.
"Maraming salamat po Maes-!"
"Pero hindi kasama ang kaibigan mo."
Napatayo ako.
"HAHH?! Si Tifa ba?! Bakit Maestro?! Hindi maaari yun! Wala naman syang ginawang masama uh!"
"Ang Kalungan ay lugar para sa mga Napili. Si Jazz ay isang mahiwagang nilalang, ganun din naman ang Maria ng Makiling. May puwang ang Kanlungan para sa kanila. Pero ang kaibigan mo..." mahinahon nyang sabi.
Sinenyasan nya akong maupo muli.
"Base sa impormasyong nakarating sakin. Kakaiba ang angking talino ng batang yun. Kung tutuusin ang kakayahan nya ay kahalintulad na ng isang Napili. Pero... Hindi ko alam. Hindi ko ito maramdaman sa kanya." Napailing sya na parang nagiisip.
"Dahilan na ba yun kung bakit di sya pwedeng manatili rito? Kahit hindi sya Napili, tingin ko naman ay makakatulong ang talino nya rito." Argumento ko.
"Bakit pwede nya ba gamitin yung cosine, tangent sa pagiigib ng tubig o pangangaso rito sa Kanlungan?" Sabat ni Makie.
"Di ka nakakatulong Makie." Sagot ko. Kahit ang totoo hanggang ngayon di ko rin alam saan gagamitin sa tunay na buhay yun.
"Bilang tagapamahala ng Kanlungan, trabaho ko ang magduda." Ani ni Lapu-Lapu. "Responsibilidad ko yun dahil nasa balikat ko ang buhay ng di lang sa iisang tao, kundi lahat ng naririto. Hindi ko maaaring pahintulutan ang walang kuneksyon sa ating mundo. Masyadong mapanganib para sa atin, at sa kanya."
"Mabait naman si Tifa uh, wala syang panganib na dadalhin sa Kanlungan, pramis. Kilala ko sya! May tiwala ako sa kanya!"
Umiling lang ang Maestro.
"P-pero kilala na sya ng Organisasyon. Pag bumalik sya sa labas, tuntunin sya ng mga malignong yun at..."
"Papatayin sya? Hindi malayong mangyari yun. Pero yun ay isang sakripisyong handa kong harapin sa ikabubuti ng karamihan." Malamig nitong tugon.
Hawak ang aking ulo, napatingin ako sa lupa. Hindi yun maaari. Hindi ko pwedeng iwan si Tifang magisa. Matalino yun pero tatanga tanga kapag wala ako. Hindi iyon ang inaasahan kong kaganapan.
"Una palang sinabihan na kita Milo. Mas mabuting hindi na sya sumama sa atin. Isang pagkakamali ang dalhin sya rito." Sabi ni Makie.
"Sabihin mo paano tayo makakarating dito kung wala sya? Eh sya nga ang nagkumbinsi kay Mang Liam na tulungan tayo diba?"
"Makukumbinsi ko si Lauro sa ibang paraan kahit wala sya."
"Sabi mo eh."
Tumayo ako sa upuan.
"Saan ka pupunta?!" Tanong nya.
"Uuwi na. Bahala na kung anong mangyari. Pero kung hindi ko makakasama si Tifa, wag nalang. I'm quit!"
"Bobo, Im quitting dapat!"
"LAKOMPAKE!"
Humarap ako sa Maestro.
"Pasensya na po sa abala Maestro Kwatro. Pero kung ang kapalit ng kaligtasan ko ay ang iwan ang kaibigan ko sa tiyak na kapahamakan, hindi ko po ito magagawa. Nangako rin po ako na sa kanya na hindi ko po sya iiwan. Ayoko pong sirain ang pangakong yun. Hindi ko po kayang iwanan ang kaibigan ko. Salamat na lang po."
"Milo!" Sigaw ni Makie.
Naglakad nako palayo. Buo na ang loob. Kung panganib lang ang kakaharapin namin mas gugustuhin kong harapin namin ito nang magkasama.
"Hindi pa ako tapos magsalita iho."
Napahinto ako sa sinabi ni Lapu-Lapu.
"Totoong hindi ko mapahihintulutan ang hindi Napili sa Kanlungan... Pero kung walang makakaalam... Pwede akong gumawa ng eksepsyon."
"TALAGA MAESTRO!?" Napabalikwas ako pabalik.
Ngumiti ito at tumango.
"Bukod pa run, pagsasamahin ko pa kayong apat sa balangay na gusto nyo."
Napatalon ako paupo(dunno kung paano yun). Muntik ko na halikan sa galak si Lapu-lapu kung di lang sa malapit na espada sa lamesa nya
"Ayos! Sabi ko na nga ba mabait ka talaga Maestro eh, kahit mukha kang member ng sputnik!"
"Palalampasin ko yang sinabi mo. "
"Magagawan natin ng paraan ang mga yan. Sa isang kundisyon."
Ayan na. Sabi nga nga ba may kundisyon na naman. Lahat nalang.
"Tinatanggap ko po. Anong kailangan kong gawin?"
"Naunang tanggapin bago alamin, anu kaya yun?" Reklamo ni Makie.
"Alam nyo na ang layunin ng Kanlungan diba?" Tanong ni Maestro na tinanguan namin. "'Magkanlong at magsanay ng Napili para ihanda sila sa buhay sa labas.' Yun palang ang pinaka una, bukod dun may iba pa."
Itinaas nya nag isang daliri nya.
"Isa na run ang pag-gabay. Ang ilang Napili na may kasanayan na sa pakikibaka, ipinadadala namin sila sa labas para maghanap ng Napili at hanggat maaari ay madala nila rito.
Sila ang mga Gabay."
"Yun ba ang gagawin ko, maggaGabay ako?"
"Hindi." Isa pang daliri ang itinaas nya, naka peace sign na.
"Ang isa pa ay ang paghahanap ng mga bertud na nakakalat sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay may dalawang bertud na ang nasa pangangalaga ng Kanlungan. Tatlo kung isasama natin ang nakasabit sa leeg mo."
Napahawak ako sa batong nakasabit sa leeg ko, parang naramdaman ko ang konting init mula rito. Nagblush siguro kasi sya pinaguusapan.
Tatlong daliri na.
"At ang pinaka huli sa lahat ay ang mga Misyon."
"Misyon?"
"Mga delikadong tungkulin na inaatas namin mga mahuhusay na Napili. Pangangalap ng impormasyon, pagpasok na himpilan ng kalaban atbp."
"So yun ba ang kailangan kong gawin?"
"Hindi."
"Eh ano?"
Tumayo sya at naglakad tungo sa likod kung saan naroon ang may malaking K na kurtinang nakasara.
"Paminsan-minsan may mga mas importanteng Misyon na dumarating. Mga Misyon na galing mismo sa mga diyos." Makabuluhan nyang sabi
"....huh? Diko gets. As in yung mga sinasabi nyong gods natin? Paano sila magbibigay ng misyon, akala ko bawal silang makialam sa mga tao?"
"Nang direkta." Paglilinaw ni Makie. "Pero sa ibang paraan minsan ay nakikisalamuha sila sa mundo. Kung hindi nila gagawin yun, mawawala ang balanse ng kalikasan."
Tumango ako kahit diko gets. Ayoko lang magmukhang ignorante.
"Minsan ay may mga bagay din silang kailangang gawin pero hindi magawa dahil sa restriksyong iyon. Dun tayo pumapasok." Lumingon sya sa amin. "Humihingi sila ng tulong sa mga Napili para gawin ang hindi nila kaya. Dahil kung teknikalidad ang paguusapan, hindi tayo normal na tao, kaya di rin talaga sila nakikialam sa buhay ng normal na tao."
"So kaya mo naiopen ito dahil may Misyong dumating mula sa kanila?"
Tumango sya.
"Kaya rin ako nawala nang panandalian sa Kanlungan para asikasuhin ang mga bagay kaugnay sa Misyon."
"Tungkol saan ba ang Misyong ito?"
"Siguro sya nalang mismo ang magpapaliwanag sa inyo dahil nandito na sya."
"Sinong siya?"
Bigla nyang binuksan ang kurtina at nalunod ang kwarto sa liwanag ng sinag ng buwan. Napapikit ako sa sandalimg pagkabulag.
Pagkadilat ko may batang babaeng nakatayo na sa aking harapan.
"WATDAFATS! SAN KA NANGGALING?!" Napatayo ako bigla, natumba ang upuan sa gulat.
Ang batang babae ay parang edad 7-8 lang. Halos nasa dibdib ko ang tangkad. Nakasuot sya ng bestidang puti at itim na maraming pileges(frills), parang lolita costume. Sobrang puti nya, na parang kumikinang ang kutis. Ang buhok nya ang hanggang baywang, pakulot sa bandang dulo at kulay ash grey, mukha tuloy syang banyaga. Napaka inosente ng kanyang mukha, bukod sa isang kapansin pansin na bagay. Naka eyepatch sya sa kanang mata. May drawing pa ng mata na cute anime style.
Ang cute nya, parang ang sarap himasin sa ulo.
Kung hindi lang tumatayo ang balahibo ko sa kilabot sa kanya.
Itinaas ang nya ang kamay nya. Parang may gustong hawakan sa dibdib ko.
Pakatapos may parang kuryente na lumabas sa bertud na suot ko. Tumama sa malaporselana nyang kamay. Umusok ito, nagapoy sa ilang darili. Pero di nya ito ininda bukod sa nagmukha lang syang nairita. Winasiwas nya lang ito at wala nang naiwang bakas ng nangyari.
"Tsk. Gaya ng hinala ko tunay ang bertud. Pero bukod dun wala na akong makitang espesyal sa kanya. Sigurado kaba sa kanya Datu?" Sabi ng bata, matinis ang boses na normal sa edad nya.
"Opo. Sa tingin ko kakayanin nya ang Misyon."
"Teka teka teka, anong pinagsasabi nyo, naguguluhan ako! Sino ang batang to?"
Sa kabilang banda nakatayo at nakanganga si Makie nakarehistro ang gulat sa mukha na hindi ko pa nakita sa kanya.
"N-ninang! Anong ginagawa nyo rito?!" Sigaw nya.
"Ikinatutuwa kong makita ka ring muli Makiling, mabuti naman ako salamat sa pagtanong. Mukha yatang bumata ka?" Sarkastiko nitong tugon.
"Ayokong marinig yan kung magmumula sa inyo."
"SANDALI! NINANG? NINANG MO SYA?" Tanong ko. Wala akong maintihan sa nangyari. Diko madigest.
"Oo bakit?"
"Ninang mo ang batang yan?!" Paguulit ko.
"Umayos ka ng pananalita mo, pag di kita natantya tatamaan ka sakin." Sabi ng bata.
"Di nga natantya eh, paano moko tatamaan nun."
"Magsorry ko Milo, kung ayaw mong mong maging alikabok na may glitters." Sabi ni Makie.
"Bakit, sino ba sya?"
Ngumiti nang plastic na ngiti ang bata tapos pumitik ng darili para tumunog
Biglang nabalot ang buong katawan ko ng linawag, dumaloy ang hapdi sa aking katawan. Nagpanic ako, napaluhod. Akala ko nasusunog ang buong katawan ko.
Tapos biglang nawala.
Nawala ang hapdi at sakit. Pati yung iniinda kong pinsala sa duelo nawala rin. Tinignan ko ang sugat ko mula sa sigbin. Tama ang hinala ko, humilom ang sugat ko at wala man lang naiwang bakas.
Napatingin ako nang may paghanga sa bata.
"S-sino po kayo?" Tanong ko.
"Di naman ako ganun kaimportante iho. Ako lang naman si Mayari(*1)"
Yumuko sya ay hinawakan ako sa baba. Nginitian nya uli ako, sa pagkakataong yun, hindi na plastik.
"Ang napakagandang dyosa ng buwan."
◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎
(*1) Spoliarium
1884
-Pintang obra maestra ni Juan Luna, kapatid ni Heneral Antonio Luna. Isinumite nya sa Exposición Nacional de Bellas Artes(isang exhibit/contest) nung 1884 sa Madrid, Spain kung nanalo ito ng gintong medalya.
Labis itong ikinatuwa ni Rizal, at naging inspirasyon nya ito sa paggawa ng sarili nyang Spoliarium, ang "Noli Me Tangere".
P.S. Spoliarium po tamang spelling hindi Spolarium haha.
(*2) Mayari
-Dyosa ng buwan. Kilala rin sya bilang Bulan.
Isa sa tatlong pangunahing anak ng Bathala. Tinuturing na pinaka maganda sa lahat ng mga dyosa.
Marami pang info pero maiispoil eh, babanggitin naman yun next chapter.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N:
Ayaw mag dedicate, siguro dahil cp lang gamit ko pero idededicate ko tong chap sa avid readers na sila @DiorweneDior at @JenlynFuentes salamat po sa inyo.
Hi guys! Whoaaa 11k reads. Nafeature pa sa watty. Umaygad diko akalaing aabot dito si Milo. Tatakbo nakong congressman nyan sa susunod.
Salamat po sa suporta, naway pagpalain kayo ni Mayari. Vote po kayo sa ibang chapters sana. Malaking karangalan po yun.
Yun lang po muna. kasi bukas maguUD na agad ako eh. Hopefully.. haha
Next Chapter:
KABANATA XXIII - Isang Simpleng Misyon
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top