KABANATA XXI - 2 + 2 = ?
"Apat laban sa inyong lahat, ang isa ay may pinsala pa! Asan ang karangalan nyo bilang Napili?! Sa ginagawa nyong yan ano ang pinagkaiba nyo sa mga kalaban natin? IBABA NINYO ANG INYONG MGA ARMAS!"
Nagpulasan ang ang lahat ng nakapalibot samin at itinapon ang mga armas. Lahat nagtinginan sa sahig na parang may pinapanood na langgam na nagne nae nae. Tumiklop sa papalapit na Maestro.
Katamtaman lang ang taas nya. Nasa 40-50 ang edad. Hanggang balikat ang jeprox na buhok na naaambunan ng puting hibla. Nakasuot sya ng stripes na long sleeves polo, black pants at shoes na. Parang galing sa office work tapos maggigig sa rakrakan festival. Ang naiba lang ay ang mga suot nyang palamuti sa katawan. May mga gintong hikaw sya, choker at singsing, parang yung suot ng mga datu. Puno rin sya ng tattoo. Mga baybaying sulatin na parang orasyon at mga simbolo ang na nakaburda sa kayang mga braso hanggang leeg. Nagmistula itong damit na bumalot sa katawan nya.
May dalawa pa syang kasama. Isang binata na may kapayatan. Nakasuot sya ng lumang damit-militar. Mukhang nasa 20 ang edad pero halata sa tindig na may mataas syang katungkulan.
Pero ang agaw pansin ay yung isa pa. Paano ko ba ilalarawan? Isa syang naka-barong tagalog at nakashade na taong-aso. Di parang werewolf. Para syang aspin na nakatayo at singlaki rin ng tao.
Gaano kaya kalaki garapata nya?
Huminto sila sa tapat namin.
"Kasama ka run binibini. Pakibaba ng sandata mo." Sabi ng Maestro kay Makie na nuo'y busy paring tutukan ng punyal si Bon Jovi sa leeg. Nagenjoy ata.
Magkibit balikat ito sabay tago ng kutsilyo sa beltbag. Sya namang piglas ni BJ at tulak sa kanya.
"Maestro nandito kana pala? Ang mga dayong ito, pilit silang nanggugulo rito sa Kanlungan! Sa tingin ko'y mga espiya sila ng-"
"Tumahimik ka Punong Cabeza. Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Alam ko ang buong istorya." Pagputol nito sa kanya.
Nagitla si BJ.
"P-paanong-",
"Kanina pa ako nandito, napanood ko magmula umpisa."
"Mula umpisa? Edi nakita po ninyo kung paano nila ako dayain sa duelong ito Maestro? Ako ang tunay na nagwagi."
Di muna nagsalita ang Maestro. Tingin ko tumitibok ang ugat nya sa ulo sa galit. Nung nagsalita muli sya parang naginit ang paligid.
"Daya?" Pag-ulit nya. "Diba ang sabi mo kanina'y lahat sila ay pwedeng labanan ka, sabay-sabay man o sunod-sunod. Sa pagkakaalam ko wala silang nilabag na patakaran. Kung ano mang napagkasunduan ninyo, nararapat mong ibigay sa kanila. Sumunod ka sa batas ng Duelo Punong Cabeza."
"Pero Maestro, ang mga dayong ay hindi mapagkakatiwalaan! Ni wala silang Gabay nung nagpunta rito. Kaduda duda sila. Hindi sila nabibilang dito sa atin!"
"Punong Cabeza." Malumanay na pagpigil ni Maestro. "Ano ang pangunahing layunin ng Kanlungan? Bakit namin ito tinatag, natataandaan mo ba?"
"P-para... Para kanlungin ang mga Napili..." pabulong na sagot ni BJ.
"Tama. LAHAT ng Napili, may gabay man o wala. Sino ka para tumaliwas sa layunin ng Kanlungan?" Gigil na sabi nya.
Sa unang pagkakataon nakita kong mapatda si BJ. Tumatagaktak ang pawis nya. At batid kong dahil ito sa takot sa Maestro. Kinabahan tuloy ako.
"Sino ako Punong Cabeza?" Tanong sa kanya.
Di agad nakasagot si BJ, nakatingin lang sa sahig.
"Tumingin ka sa aking mata, at sabihin mo sa akin kung sino ako! Anong katungkulan ko rito sa Kanlungan!"
"K-kayo po si Maestro Kwartro! A-ang punong tagapamahala ng Kanlungan!"
"Tama. Tandaan mo yan. Sa susunod wag mo akong pangungunahan sa mga desisyon ko rito sa Kanlungan. Ako ang magsasabi kung dapat ba silang manatili o hindi. Walang karapatan ang kahit sino magpaalis ng kahit sinong Napili rito bukod sa akin, kahit Punong Cabeza pa sya Ayoko nang maulit pa ito. Maliwanag ba Punong Cabeza?"
"Opo..." pabulong nya uling sagot.
"Isa pa. Hindi ko nagustuhan ang inasal mo sa pakikipaglaban. Hindi ko tinuro ang pagiging sanggano at pagiging madumi. Isang karangalan ang pakikipag digma. Wag mo itong gawing perya. Pagsabihan mo rin ang mga tauhan mo. Pinuno ka ng Tanggulan, umasal ka nang naaayon sa posisyon mo."
Tumayo muna nang matuwid si BJ bago sumagot, ibinalik ang karakter niya bilang pinuno.
"Masusunod po Maestro." Matimbang nitong tugon.
"Bweno, makakaalis na kayo. Iwan nyo kami ng mga dayo rito. Goyong," pagtawag nya sa lalaking naka damit militar. "Sabihan mo ang ibang Cabeza na pangunahan ang grupo nila pagbalik sa kanilang Balangay.
"Opo Maestro." Tugon nito sabay lumapit sa mesa ng mga Cabeza.
"Hindi pa tayo tapos Milo." Sabi sakin ni BJ nang dumaan sya.
Pakenkoy kong ginaya ang sinabi nya gamit ang boses ni Damulag.
"Hindi pa tayo tapos Milo. Pakyu." Kutya ko
Sa tulong ng mga Cabeza, unti-unting naibsan ang bilang ng mga manonood hanggang sa maubos. Bago umalis, kumaway muna si Talas at Langib sa amin bilang paalam. Pero yung Tony, hanggang sa huling sandali ay iba pa rin ang titig sa amin. Titig na parang may halong pagdududa at kagalakan. Weird...
"Kaya mo bang tumayo iho?" Tanong sakin ng Maestro. Nagulat tuloy ako.
"Mga 73% lang po sir." Tugon ko habang iika-ikang tumayo.
Kinarate chop ako ni Makie.
"Araguy!"
"Ayan 65% nalang. Gumalang ka ulupong, wag kang pilosopo."
Pero imbis na magalit tumawa lang nang masigla ang Maestro wala na ang aura nyang nakakatakot. Umaliwas tuloy ang loob namin. Para na syang tropa lang ang dating. Bipolar?
"Hahaha ok lang binibini. Phil bigyan mo sya ng bayagesic."
Lumapit si Phil(yung aso) at inabutan ako ng dalawang brownish-green na tabletas na sing laki ng piso.
"Nguyain mo para mas maging mabisa." Sabi nya
Teka... Ano raw? Bayagesic? Gamot ba yun?! Watda. No way! Hindi ko isasalpak sa bibig ko yun. Ano yun, biogesic na gawa sa baya--
"Bayabas." Sabi ni Phil nang mapansin ang agam-agam ko. "Gawa yan sa katas ng mahiwagang bayabas ng Kanlungan at di gaya ng nasa maruming isip mo. Pero catchy yung pangalan diba? Nakakatulong iyan sa pagpapagaling ng sugat at panunumbalik ng lakas at pagibsan ng sakit. Pero kailangan parin matignan mamaya yang sugat mo."
Catchy? Oo catchy nga. Catchypan. Sinubo ko yung isa, pero diko manguya.
"Matigas masyado, hindi pa kaya ng panga ko." Reklamo ko.
"Tulungan na kita Milo." Alok ni Jazz.
Kinuha nya yung isang bayagesic, nginuya, niluwa, at inabot sakin. All with a very dazzling smile. May sayad ka talaga Jazz.
"Uhmmm... Siguro sipsipin mo nalang yung sa iyo brad. Pwede na yun." Sabi ni Phil na sinangayunan naming lahat.
Sya namang balik ni Goyong para sabihing nakalabas na ang lahat maliban sa amin.
"Bweno, ngayong tayo nalang ang tao rito," sabi ng Maestro.
Bigla silang lumuhod sa isang tuhod sa amin. Kay Makie to be exact. Natigilan kaming lahat. Hindi namin inaasahan ang ganitong pagbati. Papagalitan ng konti o kukupkupin ng taos puso pwede pa, pero ang Punong tagapamahala ng Kanlungan ay luluhod sa harap namin? Mahirap tunawin sa isipan.
"Maligayang pagdating sa Kanlungan binibini." "Isang malaking karangalan na mabiyayaan ng iyong presensya." "Ikinagagalak naming malaman na nasa mabuti kang kalagayan at napanatili parin ang kagandahan." Sunod sunod nilang sambit.
"Maliit na bagay. Pero kung mabiyayaan nyo rin ako ng pagkain mas maaaliw ako sa inyo." Supladong tugon nya. Pero lumalaki naman butas ng ilong. Kunwari pa.
"Nagpapahanda na kami ng kaunting salu-salo para sa inyo." Ani ni Goyong.
Bakit kaunti lang? Bat dipa damihan? Sana mayo.
"Mabuti. Pero paano nyo nalaman kung sino ako? Eh yung panot nga na si Lam-ang di ako natandaan agad. Wala akong matandaang nagkita na tayo kahit minsan."
"Si Lam-ang ang nagbalita sa amin na pupunta kayo, pati ng kalagayan nyo." Tugon ni Phil.
"Ligtas si Pinuno? Eh ang mga Magulang ko? Si Manang Ines?" Biglang pasok ni Jazz. Sabik malaman ang balita sa kanyang pamilya. Ganun din ko nang naramdaman.
Nginitian sya ni Maestro ay hinawakan sa balikat. Pero dahil mas matangkad si Jazz para tuloy syang sumabit sa estribo ng jeep.
"Ikaw marahil si Jazz, wag lang magalala, nasa ligtas silang kalagayan. Halos patas lang ang naging labanan nila sa Batingaw. Batid nilang di nila ito matatalo basta-basta. Kaya nang makahanap sila ng pagkakataon dagli silang tumakas. Hahabol daw sila rito, may kailangan lang silang tapusin."
"Salamat sa mahabaging Bathala." Sabi ni Jazz na nagpipigil ng luha.
Inakbayan namin sya ni Tifa. Parehas nya nakahinga rin kami ng maluwag matapos malusaw ang katanungang bumabagabag sa amin.
Ligtas sila. Maraming salamat.
"Paano nila kayo nakontak?" Biglang tanong ni Tifa. Oo nga.
"Nagviber sila sakin kanina." Sagot ni Phil.
"Ahhh.... ok." Wateber. Lanakong paki kung totoo yun o hindi.
"Edi alam nyo na ho kung bakit kami nandirito? Matutulungan nyo po ba kami?" Tanong ko.
"Wag nating pagusapan yan dito, sumunod kayo sa amin."
Sinundan namin sila palabas ng arena gamit ang isang lagusan na diko napuna nung una. Dumaan kami sa isang pasilyong puno nang maliliit na santelmo na parang xmas lights sa gilid ng kisame.
"Siguro naman hindi ko na kailangang sabihing itago ninyo ang tunay mong katauhan binibining Makiling?" Ani ng Maestro.
"Yun talaga ang plano ko. Mas kaunti ang nakakaalam, mas maganda. Kaya umaasa rin ako sa diskresyon ninyo."
"Makakaasa kayo. Ayaw rin naman naming madamay ang mga bata. Hindi pa sila handa."
Nahihiwagaan man ako sa ibig nilang sabihin hindi na ako nakapagtanong dahil biglang humarap sa amin ang Maestro.
"Ah! Ano ba namang paguugali meron ako? Alam na namin kung sino kayo pero nakalimutan naming magpakilala. Ako si Maestro Kwatro. Ang punong tagapamahala ng Kanlungan. Etong nasa tabi ko si Goyong. Ang komandante ng gyera at buong seguridad ng Kanlungan. GDP kung tawagin sya ng mga bata rito."
"Ikinagagalak ko kayong makilala." Tinunguan nya kami.
"Eto naman si Phil. Ang tagapangasiwa ng kuneksyon ng Kanlungan sa labas na mundo. Komunikasyon, komersyo, at iba pang pangangailangan natin na makukuha lang sa labas, sa kanya lahat dumadaan."
"Yoh!" Breezing bati ng aso ng customs.
"Sandali lang. May gusto lang akong iconfirm." Pasok ni Tifa sabay turo kay Goyong. Ayan na naman sya. "Namumukhaan kasi kita eh. Nakita na kita sa libro dati. Saka Goyong at GDP ang palayaw mo? Matanong lang, gusto ko lang malaman kung tama ang hinala ko....."
*dramatic pause for suspense*
"...Ikaw ba si Gregorio del Pilar(*1)?"
Huh?! Ano raw? Malabo yun, patay na si del Pilar eh.
Napakamot ng ulo ang binata na parang nahihiya.
"Ako nga binibini, kinagagalak kong malaman na kilala mo-"
"AYYIIIEEEE~ Sabi ko na nga ba ikaw yan eh!" Tili ni Tifa. "Humaygadhumaygadhumaygad! Selfie po tayo! SMILE!" Nilabas nya yung cp nya at pose sa tabi ng binatang walang nagawa kundi pailang na ngumiti.
Huwat? HUWAATT?! Sya si del Pilar? Alam ko sabi ko di na ako magugulat pagkatapos ng mga aswang na nakita ko. Pero yung makita sa harapan ko ang isa sa mga tinaguriang bayani ng ating bansa ay labis na kamangha mangha.
Tulala akong lumapit sa kanila at pumosing ng japanjapan. Ipopost na sana ni Tifa na may hashtag na #WithBayaniNgTiradPass #GDPinthehouse atbp nang pinigil kami ni Phil. Mahirap na, baka dahil lang sa isang tweet ay matunton ang Kanlungan. Tama naman, pero sayang parin.
"Di ko akalaing makikilala kita, although ang layo mo kay Paulo Avenilo, ok lang. Im so honored na makaharap ka." Sabi ni Tifa
"Uhhh... salamat?" Namumulang tugon ni Goyong. Shytype?
Bigla syang hinampas sa balikat ng Maestro.
"Mantakin ko nga naman, hanggang ngayon kilabot ka parin ng mga kababaihan Goyong. Kulang nalang magkapelikula ka hahaha." Sabi nya.
"Magkakaroon ata." Sagot ni Phil.
"........Talaga?"
"Yah. Karugtong ng pelikula ni Tonyo."
"Pati si Tonyo meron?!"
"Yep. Blockbuster nga eh."
".....Bakit ako wala?" Bulong ng Maestro.
"Teka muna, diba namatay ka na sa Tirad Pass? Bakit buhay kapa? O multo kana ngayon? Di naman sa naniniwala ako sa multo uh, nalilito lang." Tanong ko ni Tifa
Oo nga, paano nangyari yun?
"Sa nakikita nyo, buhay na buhay ako binibini. Malubha akong sugatan sa labanan sa Tirad Pass pero nailigtas ako ng mga kasamahan nating Napili sa bingit ng kamatayan. Minulat nila ako sa tunay kong layunin bilang Napili, kaya heto ako ngayon at naglilingkod sa Kanlungan."
"Pero alam ko natagpuan ang bangkay mo diba?" Tanong ko. Si Phil ang sumagot.
"Katawan ng puno ng saging. Magandang pamalit sa bangkay yun, basta alam mo lang kung papaano."
Kawarimi no jutsu Pinoy style?
"Pero diba kung buhay kapa ngayon dapat kulubot kana? I mean lagpas isang siglo(*2) na ang lumipas eh. Imortal kaba?"
"Mahaba lang ang buhay namin pero di kami imortal. Namamatay din kami tulad ng sa normal na tao."
Umilaw ang mata ni Tifa.
"Anong sikreto ng mahabang buhay ninyo?" Gigil nitong tanong. Nginitian sya nito.
"Kumain ng gulay at matulog nang maaga."
Pfffttt. Tablado si Tifa. Nagpouty lips tuloy haha.
Di parin ako makapaniwala. Ayon sa kasaysayan namatay sya sa gyera. Pero sa tinatakbo ng mga pangyayari, napapaisip ako kung ano nga ba ang 'tunay' na pangyayari sa ating kasaysayan. Pati yung ilang kwentong bayan nakikilala ko na nang harapharapan.
Bigla tuloy akong may naalala.
"Ikaw kilala ko rin kung sino ka," sabi ko Phil. Tumaas ang isang kilay nya.
"Talaga, sige nga, sino ako sa tingin mo?" Hamon nya.
"Si Scooby doo ka diba?"
"Awatin nyo ko, lalagyan ko ng isangdaang kulugo sa dila yang batang yan."
"Joke lang. Ikaw si Pilandok(*3) tama? Nabasa ko na mga kwento tungkol sayo dati. Nagbabasa rin kasi ako minsan." Patama ko kay Tifa.
"Paano mo naman nasabi?"
"... Kasi mukha kang aso?"
"Bastos na bata. Mahiwagang mouse-deer ako hindi ako aso! Ehem. Pero tama ka, ako si Pilandok at your service. Hetong business card ko, kung kailangan mong kumita ng extra kontakin mo lang ako."
Inabot nya ang calling card na may nakasulat na:
'Turn your 1000 into Millions.
Ask me how.
09xx-xxx-xxxx
Phil
-Business Associate'
"Umm sige salamat, itatabi ko lang muna siguro ito sa wallet ko. Kung saan di ko na sya titignan ule kahit kailan." Bulong ko sa dulo.
Paglagay ko sa wallet parang may napansin akong kakaiba, diko lang matukoy kung ano. Napakamot ulo nalang ako tapos nagsimula ule kaming maglakad.
Nakalabas kami ng arena at nagpatuloy sa daanan sa gitna ng parang isang playground. Pero imbis na palaruan, puno ito ng mga matutulis at matatalas na bagay. Parang obstacle course.
Doon malamang nagsasanay ang mga Napili.
"May itatanong ako Maestro." Pasok ni Jazz. "Matagal ko na itong gusto itanong eh.. Bakit Maestro 'Kwatro' ang tawag sayo? Meron bang Uno, Dos at Tres o Kwatro talaga ang pangalan ninyo?"
Nakuha nun ang atensyon namin. Nasa isip ko narin yun. Naunahan lang itanong ni Jazz.
Natawa lang ang Maestro. Tumigil sya sa harap ng pintuan papasok na nakaukit sa paanan ng bundok ng Kanlungan.
"Haha hindi, walang uno dos at tres, at di rin kwatro ang pangalan ko. Nagsimula lang ito sa biruan ng mga batang Napili ilang dekada na ang nakaraan. Hango yun sa isang kanta, ayun na ang tumatak kaya lahat Maestro Kwatro na ang tawag sakin."
"Ano pong kanta yun?"
"Alam nyo yung kanta ng mga bata tungkol sa addition?"
"????" Kanta sa addition? Ano yun? Blanko ang mukha naming apat.
"Sige subukan kong kantahin uh. Paano nga ba tono nun. Hmmm"
Pagkatapos ay kumanta sya ng kantang pambata na pamilyar sa akin. Kinakanta ito dati ng mga bata sa paglalaro o sa school nung nasa elementary pako. Malamang pamilyar din ito sa inyo.
'One plus one... Magellan.'
'Two plus two...'
Huminto sya sabay hinintay kaming sumabay.
'Lapulapu.' Sagot namin. At nagpatuloy pa kami sa pagkanta.
'Three plus three... Christmas tree'
'Four plus four... bagong bapor'
'Five plus five... Voltes 5'
Tapos napansin ko na kami nalang pala ang kumakanta. Si Maestro, GDP at Phil nakatingin lang samin na parang hinihintay na may magets kami. Napaisip ako.
Teka... 2 + 2 = 4 diba? Ang 4 ay kwatro rin.
Ay @#&$@ narealize ko na....
Si Maestro Kwatro si Lapu-lapu(*4)!
Nasa harapan namin ang Unang Bayani ng Pilipinas.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(1*) Brigadier-Heneral Gregorio del Pilar y Sempio
(Nov. 14, 1875 - Dec. 2, 1899)
Pinanganak sa San Jose, Bulacan, Bulacan. Pamangkin ni Marcelo H. Del Pilar.
-Tinaguriang Boy General at Bayani ng Tirad Pass. Isa sa pinaka batang heneral. Nakilala sya sa mga tagumpay nya sa mga labanan nung Philipine Revolution at Philippine-American war. Namatay sya sa Tirad Pass, Ilocos Sur sa edad na 24 nang pigilan ng kanyang hukbong binubuo ng 60 Pilipino sa mahigit 500 Amerikano para masiguro ang pagtakas ng hukbo ni Aguinaldo. Badass si kuya Goyong.
(*2) Siglo
-100 years po yan sa mga di po aware.
(*3) Pilandok
Origin: Maranao / Maguindanao.
Literally mouse-deer ang translation nyan. Pero si Pilandok ay isang karakter sa kwentong bayan na nakapautak at mapagbiro. Dahil sa angking diskarte at likas na kakayahang manlinlang, nagagawa nyang paglaruan ang mga mayayaman at makapangyarihang tao (minsan hayop) para maibigay sa kanya ang kanilang pagmamayari. Para syang Robin Hood na member ng Budol-budol. Sa ibang version normal na tao lang sya, pero sa iba ang kaanyuan nya ang isang taong-pilandok. Eng eng lang si Milo akala nya aso.
Basahin nyo mga kwento nya, tyak kong maaliw kayo.
(*4) Datu Lapu-lapu
(1491-1542)
Mactan, Cebu.
Kilala rin bilang Ilapulapu, Si Lapulapu, Salip Pulaka, Khalifa Lapu.
Tinaguriang Unang bayaning Pilipino.
Tinangihan nyang magpakasakop kay Fernando Magallanes(Ferdinand Magellan) na ikinagalit ng huli. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, 1521, kaanib ang isa sa anak ni Datu Zulla na kaaway ni Lapu-lapu naglayag sila para sakupin ang Mactan. May pwersa silang mahigit 1000. Di naman nagpatalo si Lapu-lapu nagabang siya sa dalampasigan kasama ang mandirigma nyang aabot ng 1,500.
You know the rest na.
;)
************************
A/N
Wow, umabot na 8k reads! Diko to inaakala! In 1 week naka 1k reads ako. Natats ako sa support nyo kay Milo. Kahit yung 4k dyan baka ako lang din back read nang backread haha.
Sana patuloy nyo parin suportahan ito at promisi maganda yung magiging karugtong. Excited na nga ako eh.
Anyways sorry sa cliffhanger, alam nyo naman ugali ko haha. Dumadami narin characters at may pumasok na na tunay na taong nabuhay sa kasaysayan natin. Sana mabigyan ko sila ng hustisya.
Anyways please vote vote vote po kayo para mapansin ng iba kwento ko, tingin ko may potensyal mafeature to pag nagkataon. Sa silent readers, ok vote nalang po kayo, bibigyan ko kayo ng PuSi pag may extra ako.
Yun lang, sa susunod ule.
Next chap:
KABANATA XXII - Ang Unang Dyosa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top