KABANATA XVIII - Silid Paharapan

Kung nasa Hollywood lang kami, malamang naunahan ni Bon Jovi manalo si Leonardo DiCaprio ng Oscar sa galing nya umakting. Tinignan nya lang kami na parang di kami kilala, wala man lang butil ng pagkakilala sa mata nya. Para syang si Kristen Stewart magpoker face. Di hamak na mas pangit lang. Pati tuloy ako nagduda na sya nga yun.

Pero di ako pwedeng magkamali. Sya si Bon Jovi.

"B-bon Jovi?!" Tanong ko. "Anong ginagawa mo rito? Isang kang Napili?"

Bang! Binatukan ako nung alalay nya. Haring mother, may araw rin sya sakin.

"Talipandas! Gumalang ka! Hindi nyo ba kilala ang kaharap nyo?!"

"Actually kilala nga namin sya, kaya nga kami mukhang nagulat diba?" Ani ni Tifa

".....Totoo ba ang sinasabi nila Supremo? Kilala nyo ang mga taga lupang ito?" Nag-agam na tanong nya.

At ang epikong tugon ni Bon Jovi?

Wala. Tinignan nya lang kami...... Habang kalmadong nangungulangot.

Baboy. Paano namin gagalangin yan. Walang breeding.

Biglang may humahangos na lalaki ang lumuhod sa isang tuhod sa harapan nya. Payukong iprinisinta ang isang pilak na platito kung saan ipinahid ni BJ ang kulangot nya. Parang ashtray lang. O kulangotray? Pagkatapos kumaripas na palayo yung lalaki.

Nangyari lahat yun sa isang makisig na sandali.

Namesmerize ako. EPIC! Yun na yata ang pinaka eleganteng pangungulangot na nakita ko sa tanan ng buhay ko. I take it back. Ginagalang ko na sya. Sa sining ng pangungulangot.

"Hindi ko sila kilala. Dalhin ang mga yan sa Silid". Sabi nya sabay talikod samin.

"Teka sandali saan nyo kami dadalhin?!" Reklamo ko nung hinatak kami palayo.

"Saglit! Bon Jovi, kami to, schoolmates mo! Hindi mo ba kami nakikilala?"

"Oo nga! Si Tifa to oh, yung crush mo! Diba may rap ka pa nga nung isang sa kanya?"

"Tigilan mo ako Milo, sasabunutan kita sa kilikili!"

Dinala nila kami sa isang kubo medyo may kalayuan sa kumpulan ng mga tao. Pagkapasok sa loob sinara nila agad ang pintuan at kinandado mula sa labas.

Tinignan ko ang "Silid". Isang lamparang nakasabit sa taas ang nagsisilbing ilaw namin. Ang dingding ay gawa sa kawayan at nipa naman ang bubong, walang kisame. Bukod sa nagiisang pinto na nakakandado, walang nang bintana sa pwede naming labasan. May malawak na banig na sakop ang 1/4 ng silid, ang natira ay lupa na.

Hindi yun silid.

Kulungan.

"Hoooyyyy! Bakit nyo kami nilock dito? Ano bang ginawa namin?" Palabasin nyo kami!" Kalampag ni Tifa sa pinto.

"Kahit ihian mo pa yang pintuan, walang papansin sayo dyan sa labas." Sabi ni Makie.

"Naiihi ka Tifa?" Tanong ni Jazz.

"Hah?! Hindi noh! Bakit mo nasabing di ako napapansin?" Baling nya sa diwata.

Kinuha ni Makie yung isang arnis ni Jazz. Pumwesto na parang magbebaseball sa isang parte ng dingding at hinampas ito nang ubod nang lakas.

Pero walang nangyari.

Tumunog lang ng malalim na *TOG* pero wala ni isang gasgas sa kawayan. Parang humampas sa bakal ang arnis.

Binalik nya yung arnis kay Jazz at minasahe ang mga kamay nya.

"Hindi ito basta kubo. May salamangka ito. Ang nipang bubong ay di nasusunog o nabubutas. Ang mga dingding ay di kayang sirain o buksan mula sa loob. Hula ko aabot sa dalawampung metro ang lalim nang pagkakatusok ng kawayan kaya di kayang hukayin. Kahit tunog hindi makakalabas. Ito ang ginagamit na kulungan dati nung panahon ng gyera ng mga dyos at dyosa. Pasalamat na lamang tayo at may banig pang hinanda para sa atin."

"5 star accommodation nga eh. Feeling ko nasa Shangrila Hotel ako." Sagot ko.

Nalungkot ang mukha ni Tifa.

"Naiihi ka na ba talaga? Gusto mo hukayan kita ng inodoro rito?" Ani ni Jazz na nag-aalala.

"Gagew hindi nga! Ayoko lang na selyadong lugar kasi."

Niyakap nya ang sarili niya na parang nilalamig.

"Wala na ba talagang paraan para makatakas dito? Di kayang sirain ang dingding? Kahit hiwain ng espadang nakakahiwa ng kahit anong bagay?" Makahulugang tanong ko kay Makie habang kinakapa sa bulsa ang Balisword... Bagwis pala.

Tinignan nya ako na parang pinagiisipan ang sinabi ko sabay umiling.

"Walang dudang kayang sirain ng Balisword ang dingding. Mas higit ang kapangyarihan nito kaysa sa kubo."

"Edi pwede tayong-"

"PERO" Sabat nya. "Hindi tayo narito para gumawa ng gulo. Na mangyayari kapag sinubukan nating tumakas. At di nyo ba napansing di man lang nila tayo kinapkapan kung may sandata tayo? Tingin nyo bakit?"

"Kasi tingin nila kaya nila tayong talunin kahit may sandata tayo?"

"Tama. Kyumpyansa akong kaya namin sila ni Jazz. Pero sa inyong dalawa, para lang silang tumitiris ng garapatang may hika."

"Salamat sa pagtitiwala sa kakayahan namin uh." Sarkastikong sagot ko. Tingin ko kasi kung Super Saiyan mode ule ako kaya kong makipagsabayan sa kanila.

"So wala na tayong magagawa kundi maghintay rito?" Tanong ni Tifa.

"Kaya ngayon palang subukan nyo nang maging komportable." Nahiga si Makie sa banig na parang nakadekwatro at nakaunan ang ulo sa mga palad. Tinakpan nya ng cap ang mukha nya.

"Yung kausap nyo kanina, yung Supremo. Kaibigan nyo ba yun?" Tanong ni Jazz.

"No way! Never! Kaklase ko lang yun at boyfriend ni Tifa pero hinding hindi ko sya magiging kaibigan! Aray!" Binatukan ako ni Tifa.

"Siraulo ka! Wag mo akong ipagtulakan run adik ka! Pero sya ba talaga yun? I mean kamukha nya (at kaamoy) pero parang ibang tao sya kung umasta eh. Ni hindi man lang nya tayo pinansin."

"Siya yun. Sigurado ako." Sagot ng nakahigang Makie. "Ang mga di importanteng tao at bagay sa buhay at interes ko ay kinakalimutan ko agad. Pero ang gunggong na yun hinding hindi ko malilimutan. Dahil ilang beses ko nang gusto ingudngud ang mukha nya sa takong ko."

"Nagtatakong ka pala?" Giliw kong tanong.

"Oo, gusto mo sayo ko ingudngud?"

"Weird ba kung sasabihin kong oo haha." Pabiro kong tugon na sinuklian ng mga babae ng pandidiring tingin. Tumango tango si Jazz na parang normal lang ang sinabi ko.

Tapos awkward silence. Tae.

"*ubo ubo* Edi matagal mo na rin palang alam na Napili rin si Bon Jovi?" Change topic ko.

"Yun nga ang pinagtataka ko eh. Kadalasan kasi, may presensiya ang mga Napili. Kahit itago nila ito may konti paring mapapansin. Kaya ko nalamang Napili ka. Pero kay Bon Jovi, wala talaga. As in. Kaya nagulat din ako kanina."

"Yun din ang isang pinagtataka ko." Sabat ni Jazz. "Diba nasa lugar tayo ng Napili? Wala akong maramdaman sa kanila kahit isa. Para lang tayong nasa normal na baranggay."

Yeah right, baranggay sa ilalim ng lawa na may mcdong nagbebenta ng palaka at kuneho. Normal nga yun.

"Oo nga noh. Ngayon ko lang din napansin." Sagot ni Makie. "Marahil may ginagamit silang bagong inkantasyon para maitago ang presensiya.... nila-"

"Dahil dito yun."

Napaupo si Makie nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Bon Jovi at dalawa pang alalay. Tinuturo nya ang suot nyang bracelet.

"Pulseras ng Silanganan. Parang Perlas ng Silanganan. PuSi tawag ko for short. Gawa ng mga nerds ng Balangay Magwagi. Natuwa naman si Maestro Kwatro kaya standard issue na sa mga Napili ng Kanlungan. May GPS, pandetect ng mga kalaban, pampigil sa presensya ng mga Napili, atbp. At ang pinaka importante sa lahat, ay ibat ibang colors and designs. Pulang may araw para saming Magdiwang. Kasi kami ang pinaka magaling at pinaka importanteng Balangay. Ang iba, mga mabababang klase nalang."

Astig yung pulseras nya na maraming features. Pero pinaka agaw pansin yung pangalan. PuSi amp. Nakinikinita ko na sasabihin ko sa dalawa pag meron na kami nun. 'Ang ganda naman ng PuSi nyo.' Epic!

Sa buong monologue nya, lumilibot ang mata nya sa buong silid na waring inaaanalisa. Di dumadapo ang tingin nya samin, na mas ok para sakin dahil nababadtrip ako sa kayabangan nya.

Hinubad nya ang kanyang gintong kalasag at inabot sa dalawang alalay nya, na hirap na hirap sa pagbitbit nito, samantalang nung suot nya ito ay parang wala itong bigat. Hindi biro ang lakas nya.

"Makakaalis na kayo." Sabi nya sa mga alalay nya.

"Pero Supremo hindi namin kayo pwede iwan kasama ang mga weirdong yan."

Wow kami pa weirdo. Sila itong naka bahag at kitang kita pisngi ng wetpaks.

"Ako nang bahala sa mga dayo. Iwan nyo na kami."

"Pero Supremo baka kung anong gawin nila sa inyo."

"Minamaliit nyo ba ang kakayahan ko? O gusto nyong sipain ko pa kayo palabas? Hindi yun isang pakiusap kawal, utos yan ng Supremo nyo."

Tumiklop ang dalawa sa titig ng kupal nilang pinuno. Kung pwede lang siguro silang magtago sa lupa ginawa na nila.

"Opo." Sagot ng dalawa. Nag-bow sila sabay paatras na lumabas ng pintuan, karay karay ang mabigat na kalasag.

Pagsara nung pinto nagulat kami nung bigla tumakbo si BJ dito, dinikit ang tenga at waring pinakikinggan kung nakaalis na ang dalawa.

Kasasabi lang ni Makie na walang lalabas na tunog sa silid. Tanga.

Nung nakasiguro na syang wala nang tao, humarap sya sa amin at buong ningning nyang sinabi ang mga katagang:

"PUT@%*♡※® NYO! ANONG GINAGAWA NYO RITO?!"

Confirmed. Sya nga yun. Sya lang kilala kong machicharong bulaklak magsalita. Malutong magmura eh.

"Ikaw talaga si Bon Jovi?" Paninigurado ko.

"Malamang! Ako nga! Saan paba kayo makakakita ng nilalang na kasing gwapo ko?"

"Sa zoo." "Shake rattle and roll." "Animal planet." Sunud-sunod naming sabi. Sumabay naman si Jazz

"Dati may sinusundan kaming kapre ni amo sa kagubatan gamit lang ang duming iniwan nito sa daan." Kwento nya.

"Oh bakit? Kamukha nya yung kapre?"

"Hindi. Kamukha nya yung dumi ng kapre."

Hagalpakan kami sa tawa.

"Ta%@&○◎ nyo di tayo close uh. Umayos kayo."

"Pero kung ikaw pala talaga yan. Asan ang mga alalay mo? Hindi yang dalawang yun uh." Tanong ni Tifa.

"Sinong dalawa?"

"Si yung kambal. Yung Skittles at Beatles."

"Ahhh. Wala. Nandun sa kanila. Hindi naman sila Napili kaya wala sila rito."

And there you go boys and girls. Tulad ng sabi ko extra lang sila sa istorya. Swerte nila.

"Bakit kailangan mong magpanggap na di kami kilala." Tanong uli ni bestfriend.

"Alam mo kasi babe may pinangangalagaan kasi akong image dito. Ako ang Supremo. Ang pinakamalakas, pinakatanyag, pinakagwapo. Untouchable ako rito. Ayokong malaman nila kung ano ang buhay ko sa labas. The drawback of being a ruler sweetheart. Kelangang out of reach ako. Magugulat sila kung may nakakakilala sakin sa labas."

At kapag nalaman nila kung gaano ka kawalang silbi sa lipunan, maiimpeach ka.

"Pasensya kana babe kung di kita pinansin, nagtampo kaba? At ano nga palang ginagawa nyang kasama nyo? Wtf!"

Tinuro nya si Jazz na nakayapak at kinakalahig ang lupa.

"Wag mo syang pansinin. Naghuhukay lang yan ng inodoro, naiihi kasi si TifARAY!" Inapakan ako ni Tifa.

"Ehem. Edi kung ikaw ang Supremo matutulungan mo kami. Alam mo na naman kung bakit kami nandito diba?" Pagchange topic din ni Tifa.

"Depende kung anong tulong ang kailangan nyo babyloves. Actually muntik na ako maheart attack nung makita kita, pati yang dalawang kasama mo."

"Umm.. Tatlo lang yun. Apat kaming lahat." Paglilinaw ko.

"Ay! AY! AYYYYYYYY! Nandyan ka pala Ovaltine. Pasensya na uh, iniignore kasi kita kaya di kita napansin. Sige, kunwari nalang may pake ako sayo. Apat na kayo, ok na? Ano bang ginagawa nyo rito?" Sagot nya. Kumag amp.

"Ganito kasi yun-"

"Teka kinakausap ba kita? Si Sweetiepie ang gusto kong magkwento hindi ikaw. Shutup ka lang dyan Ok?"

Grrrrr... Gusto ko na syang sakalin, kung di lang puno ng libag leeg nya.

"Ganito kasi yan..." at nagkwento na nga si Tifa ng edited version ng the Epic Journey of Milo and Friends. Omitted lang yung tunay na katauhan ni Makie(bilang schoolmate namin at diwatang Makiling) at ni Jazz. Sa kwento lahat kami ay mga Napili.

Sa isang punto ng kwento napunta ang atensyon nya kay Makie dahil sa makulay na paglalarawan sa estilo nya sa pakikipaglaban. Pero dahil nga sa kanya nakafocus si BJ, muntikan na syang makilala. Lumapit ito para sana hubarin ang cap nito.

"Hindi mo ako kilala. Ngayon mo lang ako nakita. Bumalik kana sa pwesto mo at wag mo akong pakialaman." Utos ni Makie.

At gaya nung sa isang lalake, magkamot lang ng ulo si BJ na parang nakalimutan ang sasabihin at masunuring bumalik sa pwesto. Dumaloy ang kilabot sa aking gulugod sa tindi ng genjutsung ginamit ng diwata.

Sa kahabaan ng kwento pansing kong ginagawa ni BJ ang lahat para di mabore at kunwari pagpukosan ang sinasabi ni Tifa, kahit ang totoo'y parang nagpipigil lang syang magharvest ng golden kulangot sa ilong. Wala talaga sya pakealam sa kwento namin.

"So ayun ang kwento... Matutulungan mo ba kami?" Pagtatapos ni Tifa

"Lilinawin ko lang uh. Kaya kayo nandito ay para tumakas sa organisasyon na humahabol sa inyo, tama? At kaya nyo nalaman ang lugar na ito ay dahil kay 'Lam-ang', at sinabi nya ring magsanay kayo rito? Tama rin? Bale pansamantala gusto nyo munang manatili rito samin?"

"Yep. Tama lahat ng pagkakaintindi mo."

"Kung ganon di ko kayo matutulungan." Walang kaabugabog nyang sagot.

"Huh bakit naman?" Tanong ni Tifa. Nagulat pa sya. Inaasahan ko nang wala kaming mahihitang tulong sa kanya.

"Ok lang. It doesn't matter naman, ipakilala mo nalang kami kay Maestro Kwatro kami na bahalang magpaliwanag sa kanya." Sabi ko

"Hindi rin pupwede."

"Bakit?! Yun lang naman gagawin eh, di naman siguro mahirap yun!" Tugon ko.

"Di sa pinagdududahan ko ang kwento ng sweetheart ko, alam kong di nya naman ako lolokohin at pagtataksilan. Pero ano bang malay ko, baka gumagawa lang ng kwento si Choquick tapos pinupwersa nya kayong sumunod sa kanya. Baka nga espiya ka pa ng Organisasyon eh."

"Naknamputo bumbong naman oh, kaninong almoranas ba nagmula yang logic mo? Adik ka lang?" Galaiti kong tanong.

"Sige ikaw magsabi sa akin kung ano dapat kong isipin. Sa ilang dekadang nawala si Maestro Lam-ang rito sa Kanlungan, ilang ekapedisyon na ang naganap para hanapin sya. Lahat nabigo. Kahit ang pinakamagagaling na Napili sa larangan ng paghahanap ni anino nya di man lang nasilayan. Tapos kayo para lang kayong namasyal sa park tapos kumatok sa pintuan nya na parang magbabadjao tapos winelcome nya na kayo with arms wide open?! Tingin nyo kapanipaniwala yun? Paano nyo nalaman kung nasaan sya aber?" Baling nya kay Makie na syang nagdala samin kay Lam-ang.

"Friend ko sya sa facebook." Walang kyemeng tugon nya.

"Pakyu. Tignan nyo, di nga nya masabi totoo kung paano nya nahanap ang Maestro eh. Tapos paano nga kayo nagpunta rito? Sa Taal lake mismo at hindi sa tarangkahan? Bullshit! Kalokohan yun! Masyado yung mapangib at wala nang gumagawa nun."

"Pero yun ang totoo!" Sagot ni Tifa.

"Sabihin na nating yun ang totoo. Sabihin narin nating totoong nakilala nyo si si Maestro Lam-ang at sya nagpadala sa inyo rito. May patunay naman ba kayo?" Hamon nya.

"Meron." Kukunin ko na sana ang Bagwis sa bulsa ko para ipakita sa kanya nang bigla akong hatakin palayo no Tifa.

"Excuse lang Bon Jovi uh." Paalam nya sabay bumulong sakin. "Anong ginagawa mo? Wag mong ipapakita yan! Tanga kaba?"

"Bakit? Ipapakita ko sa kanya ang Bagwis para maniwala sya na di natin sya tinotalkshit."

"Kilala mo naman ugali nyan. Pag nakita nya yan baka kunin lang nya sayo yan at di nya rin ipakita sa Maestro. Inggiterrorist yan eh."

Oo nga pala! Pag nakita nya ang 'mahiwagang punyal' na mukhang galing sa sa bulsa ni Doraemon, maglalaway na naman si Damulag. Kahit gaano nakakafrustrate, di ko pwede maipakita ito bilang ebidensya.

"Oh asan na?" Tanong nya

"Sorry wala pala. Naiwan ko."

"Sus gasgas na alibi na yan. Ganyan din sinasabi pag wala akong assignment. At oo nga pala, kung sakasakaling maipakilala ko kayo kay Maestro, tingin nyo ba tatanggapin nya kayo basta-basta? Masyadong busy ang Maestro Kwatro. Wala syang panahon sa ganitong kalokohan."

"Hindi ikaw ang makapagsasabi nyan kundi ang Maestro mismo."

"Lilinawin ko lang. Wala ang Maestro sa Kanlungan ngayon. Alam nyo kung anong ibig sabihin nun?"

"......???" Blankong tugon namin.

"Tae. Ibig sabihin nun AKO, ang supREMO, ang kasalukuyang namumuno sa buong Kanlungan. I'm the man! AKO ang batas! AKO landas! Lahat gusto at sasabihin KO ang masusunod! Para sa AKING ikalulugod! Break it down yoooow!"

Nag-ala RNB artist na naman sya. Pero sa case nya, Rapper Na Bulok ang meaning. Buti wala yung dalawang may sakit na beatboxer na. Less sakit sa tenga.

"Sabagay kamukha mo si Kim Jung Un. Mas malinis lang sya." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko kelan ba balik ng Maestro?"

"Ahhh... Bukas? makalawa? Sa susunod na buwan? Hindi ko alam. May importanteng misyon syang ginagawa."

"Ano naman yun?" Tanog ni Makie.

"Hindi ko kailangang sagutin yan. Di naman kayo kasali run. Ang point ko, ang desisyon ko ang masusunod habang wala sya. I'm the bossing now. At ang desisyon ay hindi kayo pwedeng manatili rito."

Nagsalita kaming sabay-sabay para magreklamo.

"But wait! There's more!" Putol nya samin. "Dahil mabait naman akong pinuno at ayoko namang isipin ng Mallows ko na cold ako sa kanya, pwede ko parin kayong pagbigyan manatili pansamantala."

Napatigil kami. Papayag naman pala sya dami pang arte. Kaso panigurado may kundisyon. Lagi naman.

"Anong lagay." Tanong ni Makie.

"Baka di kayo magkakasama sa iisang Balangay."

"Huh bakit naman?"

"Over-population. Mahirap magsustento para sa ibat ibang Balangay. Lalo pa kung magkakalayo ang bilang ng residente sa bawat Balangay. Kailangan balangs."

"Balangs?"

"BALANGS! Balanse sa tagalog. B-A-L-A-N.... Basta balangs!."

Bobo magspell amputek.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko at parang nagkasundo sa tingin palang. Papayag kami pero hahanap kami ng paraan para magkasama sa iisang Balangay. Mahalaga makapasok kami.

"Saan-saan naman kami?" Tanong ko.

"Si Sweetie Pie walang problema. Ako nang bahala sa pagstay nya. Magbubuhay prinsesa sya rito. At ehem, syempre sa piling ng prinsipe nya. *kindat* Pwede ka ring dumalaw sa Magwagi kung gusto mo my labs. Sila nakatoka sa lahat ng teknolohiya rito, bibigyan kita ng guest pass."

"TALAGA?! I mean, talaga? Salamat." Biglang bago nya ng tono nung tinignan namin sya ni Makie. Makarinig lang ng 'teknolohiya' nauto na agad. Traydor amp.

"Ikaw?..." baling nya kay Makie, hinahanap ang pangalan nito.

"Maria Roberto." Biglang sagot ni Tifa. Tinignan sya nang masama ng diwata. Di parin sila tapos.

"Maria Roberto? Seryoso yun talaga pangalan mo?" Walang itong magawa kundi tumango kay Bon jovi, umubo naman si Tifa para itago ang tawa.

"Anyways, dahil sabi nila magaling karaw makipaglaban, tingin ko ipupwesto kita sa bilang depensa ng tarangkahan. Roronda kalang sa palibot. Pag may lumapit na halimaw or aswang na sa tingin mo kalaban, patayin mo agad. Madali lang diba?"

"....So in short security guard?"

"Tumpak!~ Bagay na bagay diba?"

Nanliit ang mata ni Makie sa ilalim ng visor ng cap. Nainsulto.

"Kasama ba sa toka yung pagsaksak ng mabahong nanggigitatang maitim na bossyng panget?"

"Aswang? Oo syempre, enjoy your time."

"With pleasure."

Tanga di nya nagets! Sya tinutukoy ni Makie! Nagraradiate na ng bloodlust yung babae di pa makuha! Lumayo tuloy ako 1.43 inches kay Makie.

"At yang lalakeng yan..." Turo nya kay Jazz na tutok na tutok sa palalim na palalim nyang hukay. "Pwede syang ano... ummm... ano ba?... taga hukay ng basurahan sa gubat? Sigurado ba kayong ok lang yan? Walang sayad? Baka mangagat yan"

Di yan nangangagat. Nanunuka lang.

"Wag mo syang pansinin. Ganyan talaga hobby nyan sa kanila."

"Ganun? Edi wow. So ok na? Solved na lahat, everybody happy. Pansamantala dito muna kayo habang ihahanda ko ang Balangay na tutuluyan nyo. Kitakits bebe." Nagflying kiss sya kay Tifa tapos dumiretso na sa pintuan.

"Teka teka teka teka!" Sigaw ko. May nakalimutan sya.

"Yes?"

"Paano ako?"

"Anong paano ka? Anong meron?"

"Saang Balangay ako mapupunta?"

Napapalakpak sya na parang may naalalang sadyang kinalimutan.

"Ay oo nga pala noh? Diko pa pala nasabi. Sorry sorry sorry. Ayun. Wala kang Balangay na pupuntahan. Dika kasali. Ok na? Bye."

"Ano hindi ako kasali?! Sabi hiwahiwalay lang nga kami!" Galaiti ko.

"Hay ano ba naman to ang hina ng kukote. Tsk tsk tsk. Oo nga hiwahiwalay kayo. Meaning literal na hiwalay ka sa kanila. Sa labas ka ng Kanlungan. Mamaya may maggagabay na sayo sa palabas. Bibigyan nalang kita ng bahag mamaya para at least may souvenir ka." Nakangiti nyang sabi na parang dapat ko pa matuwa ako.

"Teka hindi naman patas yan, kaya nga kami nagpunta rito in the first place dahil nanganganib buhay ko sa organisasyon diba? Akala ko ba 'Kanlungan' ng mga Napili ito? Bat moko pinapalayas?"

"Dahil prayoridad ko ang buhay ng lahat ng residente ng Kanlungan kesa sayo! Kung hinahabol ka nga ng organisasyon, paano kung matunton ka nila rito? Hindi ko isasalang-alang ang kapakanan ng lahat ng Napili rito para sa isang kagaya mo lang. Gusto mo ng patas? Tingin mo patas na ipagpalit ko kaligtasan namin para sayo?" Nagtaas ng boses si BJ. Bigla ko tuloy naalalang siya ang pinuno rito at di lang isang siga na kilala ko sa eskwela. Kahit gaano sya kasiraulo sa labas, sa Kalungan mukha syang responsable. Pero kupal parin.

Naiintindihan ko naman kung san sya nanggagaling. Pero di parin makatarungan. Ang hirap ng pinagdaanan namin makarating lang dito tapos ganun lang din pala? Saka lahat naman ng Napili hinahanap ng Organisasyon, kung ganun kadali mahanap ang Kanlungan sana dati palang nasakop na nila ito.

At kung tatanggihan nya ako, tumataliwas narin sya sa buong purpose ng Kanlungan, ang pangalagaan ang lahat ng Napili. Panigurado may iba pa syang dahilan kung bakit.

Bumuntong hininga ito at bumalik sa normal nyang itsurang pangasar.

"At isa pang pinaka importanteng dahilan sa lahat, ayokong nakikita ang pagmumukha mo. Naaalibadbaran ako."

Sabi na nga ba yun lang talaga ang dahilan. Nakadagdag pa siguro yung nangyari nug isang araw.

"Dahil ba sa Noli to?" Tanong ko

"Noli?"

"Dahil dun to diba? Galit kapa ba sakin nung nilaglag kita kay Taguro kahapon? Napagalitan kaba nang todo kaya gumaganti ka? Kung yun lang sorry na, pagusapan nalang natin to."

"Haaaahhhhh? Ano ako bata? Bakit ako magpapaapekto kay Taguro? Ang buhay ko sa labas ay hiwalay sa estado ko bilang Supremo rito. Walang kinalaman yun sa desisyon ko."

"Kung ganon bakit?"

"Ano na namang bakit?"

"Bakit parang galit na galit ka sakin? Bakit sa unang kita pa lang natin sa school pinagdidiskitahan mo na ako? Bakit lagi mo akong binubully kahit wala naman akong ginagawa? Ano talaga ang dahilan kung bakit ayaw mo akong patuluyin dito!"

Uminit na talaga ulo ko, lahat ng inis ko sa kanya sumambulat. Pero diko inaasahan ang naging tugon nya. Nanlilisik mata nya akong binulyawan.

"DAHIL KINAMUMUHIAN KITA! Yun ba ang gusto mong marinig? Oo galit ako sayo! Galit ako sa buong pagkatao mo! Kinaiinisan ko kung bakit kapa nandito sa mundo. Hindi mo magets kung bakit? Wala ka kasing alam Milo! Wala kang alam! Kaya mabuti pang manahimik ka nalang!"

Nagulat kaming lahat sa inasal nya. Alam kong nagkakainitan kami pero diko alam na galit sya sakin sa ganung kataas na antas. Yung tipong yung varicose veins nya sa mukha naging keloids na sa sobrang ngitngit. Kung bakit, pati ako nagtataka. Wala naman akog ginawa.

Bukod sa minsanang pagsumpit ko ng sago sa tenga nya pag di sya nakatingin. Maliit na bagay lang.

"Pinal na ang desisyon ko. Maghintay kayo nang utos mamaya kung anong susunod nyong gagawin." Sabi nya sa boses nyang pang Supremo.

Binuksan nya ang pinto at sya namang pasok ng dalawang alalay nya. Tulungan sila sa pagsuot sa kanya ng kalasag sa kanyang likod.

Wala na akong panahong isipin kung bakit sya galit sakin, dahil okupado ang aking utak pagiisip ng dahilan para makunbinsi syang patuluyin ako. Pati sila Makie at Tifa nagiiner panic na na pagiisip. 158 MBps ang takbo ng utak ko, nagmamadali dahil pag labas nya ng pintuan huli na ang lahat. Pero wala akong maisip na paraan.

Pwera lang sa isa.

"HINAHAMON KITA SA ISANG DUELO!"

Tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napatingin sakin. Nagbootloop sa kinatatayuan. Feeling ko nga may bilog sa ibabaw ng ulo nila na umiikot, nagloading, piniproseso kung ano yung sinabi ko.

"Pakiulit?" Blankong tanong ni BJ.

Umubo muna ako bago papiyok na nagsalita nang dahan dahan. Gustuhin ko mang umatras, wala nang bawian.

"Hinahamon kita sa isang duelo. Ikaw at ako. Diba yun ang ginagawa nyo rito pag may di napagkakasunduan? Pag natalo ako tatanggapin ko ang desisyon mo. Aalis ako rito nang walang reklamo at dimo na makikita ang mukha ko rito. Pero kapag nanalo ako tutuloy ako rito at ipapakilala mo kami kay Maestro Kwatro."

Habang nagsasalita ako, unting unting remirehistro sa mukha nila ang pagkaintindi. Si Tifa pinandilatan ako at umiiiling nang maliit na parang sinabing 'WAGGGG!'. So Makie nag facecap. Parang facepalm pero cap ginamit instead ng palm, gets nyo naman siguro. Yung mga alalay napanganga. Di makapaniwala na may matapang na humamon sa pinuno nila. Matapang o tanga? Abay ewan ko.

Tumawa lang si BJ, kita tartarus.

"Bwahaha! Seryoso kaba talaga?" Hinintay nya ako tumawa, di ako sumabay. "Taena seryoso ka nga?! Ako? Hinahamon mo? Tingin mo ba nasa school pa rin tayo na pwede kitang bigyan ng laru-larong suntok? Diko papatulan ang walang kwenta mong hamon dahil paniguradong ilalampaso lang kita. Wag mong sayangin oras ko."

Palabas na sya na kaya mas ginatungan ko ang pagkunbinse. Mapride sya at ayaw nang napapahiya kaya yun ginamit ko.

"Mas rason yun para dimo ako tanggihan! Patunayan mo sinasabi mo. Kung ilalampaso mo lang ako bakit ka magaalangan? Bakit? Natatakot kaba, SUPREMO?"

"Anong sabi mo?!" Napatigil sya at napatingin sakin

Konting push pa.

"Totoo diba? Kaya galit na galit ka nung una palang, ay dahil nung unang kita mo palang sakin alam mo nang Napili ako gaya mo at natatakot ka sa kakayahan ko. Na baka pag napunta ako rito maagaw ko ang titulong Supremo sayo. Tama ba?"

Namumula(or nangingitim) ang mukha nya sa pagkamuhi sakin. Bumubuka ang bibig na parang janitor fish dahil nagmumura silently. Nanginginig ang kamay nya at parang gusto akong sakalin. Mukhang napasobra ata ako ng mga 0.3 grams.

"Bardagul!" Tawag nya sa dalawang alalay pero walang pumansin sa kanya.

"BARDAGUL!" Bulyaw nya sa isa.

"P-po? Ako po ba Supremo? Brando po ako." Paigtad na sagot nito.

"WALA AKONG PAKIALAM! TINATANONG KO BA?! MAGMULA NGAYON SI BARDAGUL KANA!"

"O-opo Supremo." Takot na sagot nito.

"Ihanda nyo ang arena. Tipunin nyo lahat ng Balangay para manuod ng duelo sa pagitan ng Supremo at ng dayo. Sabihin mo may kakataying hayop ang Supremo nyo. NGAYON NA!"

"Opo!!"

Nagkumahog ito sa pagtakbo. Muntik pang mag somersault ang kawawang lalake kakamadali.

Lumapit sakin si BJ sakin, halos idikit ang mukha sa mukha ko. Sa pangitan ng gumugiling na ngipin, paangil syang nagsalita.

"Nagkamali ka ng pangiinsulto sakin sa teritoryo ko Milo. Hindi ko ito palalampasin ang pagpapahiya mo sakin. Ang tangi lang pumipigil sa aking balian ka ng leeg ngayon ay dahil nandito si Tifa. Pero kung gusto mo talagang masaktan, ibibigay ko yun sayo. At di ako magpapapigil kay Tifa o kahit lumuhod kang umiiyak at nagmamakaawa sakin. Pagsisisihan mo ito"

"Isa lang ang maisasagot ko sa sinabi mo." Sagot ko.

"Ano?"

"Ang baho ng hininga mo!"

"T@!&-*®※ ka! Maghanda ka sa duelo mamaya at gulgulpihin pa kita."

Kahit sa harap ng naghahamong leon di ko paring maiwasang manggasar. Sorry guys, cant help it.

Galit na umalis ito kasama ang naiwang alalay nya pabalyang sinara ang pinto. Nayanig ang silid sa pwersa. Nakahinga rin ako nang maluwag sa katahimikang sumunod.

Yun ay bago ako pinagtulungang gulpihin ng dalawang amazona.

"GAGO KAAAAAA! ANONG GINAWA MO!" Sigaw ni Tifa habang sinasabunutan ako.

"Nasisiraan ka naba nang bait?!!! Hindi ko niligtas buhay mo para magpakamatay ka lang! Kung alam ko lang ako nalang sana pumatay sayo para di sayang effort!" Reklamo ni Makie na sinusuntok ako sa solar plexus. Cariño brutal.

"Aray! Anong gusto nyong gawin ko? Eh wala na akong naisip na paraan para patuluyin nya ako rito! Aray! Aray! Teka lang! MAKIE! BITAWAN MO YANG KUTSILYO!"

"Nakita mo ba kung gaano sya kalakas para mabuhat yung kalasag nya?! Tingin mo pag binigwasan ka nya maibabalik pa namin ulo mo sa leeg mo?! Mahal ang Mighty Bond!" Ani ni Tifa.

"O.A. ka naman! Have some faith! Naalala mo yung lumaban ako kagabi diba? Tingin ko naman kakayanin ko sya."

"Hindi bulok na zombie kalaban mo. Amoy bulok na mukhang zombie lang pero sanay sa pakikipaglaban yun. Kaya nga sya naging Supremo eh. Anong panama ng tulad mong baguhan?!"

"Ahhh basta hahanap nalang ako ng paraan. Basta pag nagsuper saiyan mode ule ko I'm sure kaya ko syang talunin. Overkill pa yun dahil gamit ko ang Bagwis."

Totoo naman. Nung hawak ko ang Bagwis pakiramdam ko imortal ako at walang makakatalo sakin. Puno ako nang kumpyansa nun na kaya ko syang talunin kapag naulit yung nangyari sa labanan namin ng mga amalanhig at Sigbin. Bigla akong nasabik.

"Paano kung di gumana? Paano kung bawal kang gumamit nang sariling sandata at maglalaan lang sila ng dapat gamitin? Paano kung hindi lumabas ang kakayahan mo bilang Napili kung ang kalaban mo ay isang Napili mismo?" Tanong ni Makie.

Para akong inupuan ng snorlax sa narinig ko. Bakit diko na naisip yun?
Mukhang magbabackfire pa ang plano ko ah. Paano kung ganun nga ang mangyari. Edi magmumukhang tangang ipis ako nun na nilaban sa gorilla na may hawak pang baygon citrus scent! Biglang nanikip ang tyan ko sa kaba.

Wala sa loob akong lumayo sa kanila at napatingin kay Jazz na naghuhukay parin.

"Oy Milo! Ano, ayos ba?" Pamamalaki nya sa obra maestra nya.

Isa itong malaking bilog na may parang isang baitang na paikot din na pwedeng upuan nang apat na tao na magkakahap. May apat na butas sa mga upuan, yun siguro yung inodoro. Balak pa ata nyang maghoholding hands kaming apat run habang sabay sabay jumejerbags.

"Tapos na ba yan?" Tanong ko. "Parang bigla sumakit ang tyan ko eh."

"Kaibigan, handa na ito para sating lahat, sabayan na kita?"

"No thanks sa kanila ka nalang sumabay." Turo ko sa dalawa kapansin pansing nasa malayong pwesto mula sakin.

At habang nakatayo ako sa gilid ng butas, iniisip ko kung sisimulan ko na ba ang sarili kong fight of the century bago ng duelo namin ni BJ.

Tutal parehas lang namang mabaho ang kalaban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top