KABANATA XVII - Tanggulan

Ok, para di kayo malito isa munang paliwanag.

Ang buong lugar sa ilalim ng Taal lake ay ang Kanlungan. Binubuo ito ng ilang hektaryang lupain na may kagubatan, bundok, ilog, lawa, mga kweba at mga lugar na di pa napapasok ng mga tao. For some reason, mas malawak pa ang espayong nasasakop nito kumpara sa mismong laki ng lawa.

Noong una ang konsepto nito ay para itago lang ang mga Napili sa mata ng organisasyon, pero nang lumaon naging tahanan narin ito ng mga elemento tulad ng lambana, duwente at iba pa na endangered na dahil sa pagkasira ng kalikasan. Para itong sanctuary ng mga nilalang ng ating mitolohiya. Kaya tinawag na "Kanlungan".

Sa isang parte nito, may maliit na bayan sa paanan ng isang maliit na bundok na napalilibutan ng pader na bakod. Dun nakatira at nagsasanay ang mga Napili. Sa nakita kong tatag ng depensa at tindi ng mga sandatang nakadisplay dito, kaya nitong protektahan ang Spratlys.

Isa itong base militar. Kaya ito tinawag na Tanggulan.

At nasa tapat kami ng malaking tarangkahan nito.

"SINO YAN?!" Sagot nang lalake sa likod ng pintuan matapos itong katukin ni Talas. May pattern yung katok nya. 'takatak takatak taktaktak'. Parang komersyal ng ajinomoto.

"TALAS, PANSAMANTALANG CABEZA(*1) NG MAGTAGUMPAY!" Sagot nya sa hamon.

"PASSWORD?"

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Iisa ang iniisip. Need naming makabisado ang password na yun para sa future reference.

"NAKABAPAGPABAGABAG ANG BANGGABANGGANG PABAGABAG NG BAGANG NG KABABALAGHANG BUMABAGABAG NA NAKAKAPAGPABAGABAG!" Sagot ni Talas.

..........

.............

.......................

Binatang ina! Ano raw?!!! Paano namin makakabisado yun na di magseself destruct yung dila namin? Watdahek.

"...ANO RAW?" Tugon nung nasa pinto.

"WALA! WALA NAMANG TAYONG PASSWORD DIBA? SIPAIN KITA EH, PAPASUKIN MOKO LANGIB AT MAY MGA 'BISITA' TAYO!"

Walangya, pati kami nagoyo.

"Ikaw naman din mabiro, sino ba mga bisita natin? Bagong Napili?" Sabi nung boses habang binubuksan ang pinto.

Tulad ng inakala ko, base narin sa boses nya, batang lalaki ang humarap sa amin. Siguro mga 9-10yrs old. Nakasuot sya ng uniporme ng gwardya sibil, complete with helmet at bayonetang malaki pa sa kanya. Payat lang sya kaya maluwag ang suot nya. Para tuloy syang sampayan na may hawak na panungkit.

"Magandang gabi! Saang balangay kayo?......" bati nya sabay tingin sa likod namin." Teka, asan ang Gabay nila?"

"Wala. Pinadala raw sila rito ni Maestro Lam-ang."

"Wehhhhh? Di nga?" Manghang sabi nya.

"Yah. Pupunta na nga sana kami kay Maestro Kwatro para iharap sila. Kaya ang mabuti pa mauna kana run para masabihan si GDP. Magutos ka nalang papalit sa pwesto mo rito."

GDP? Sino yun? Kpop group?

"O-oo sige, maiwan ko muna kayo."

Umalis na sya na di halos umaalis ang mata sa amin.

At bumalik din makalipad ang ilang hakbang.

"Ummm...  Cabeza, may balita ba tungkol kay..." bulong nya kay Talas.

Umiling lang ito at kita kong nalungkot yung bata. Nagpaalam ulit ito at lumayo na uli.

"LANGIB!" Biglang tawag ni Talas" Wag kang gaanong maingay sa iba. Ayokong gumawa ng eksena, baka malaman pa ito ng ibang Cabeza. Lalo ng Punong Cabeza."

"Syepre naman, nakatahi na ang bibig ko, chao!"

At tuluyan na ngang nakaalis ito sa wakas. Ano bang pangalan yun, Langib? Haha.

"Ano yung Cabeza?" Tanong ko habang naglalakad kami sa pasilyong sa gawa ata sa adobe na may mga sulò(torch) sa pader.

"Mga pinuno ng bawat balangay. Mga Napili ring gaya natin. Napagbotohan ng bawat miyembro ng isang balangay para pangunahan ito. Ilan sa kanila ay arogante. Kaya ayoko munang makarating sa kanila ito. kundi makikiepal lang sila."

"At isa kang Cabeza? Ang galing naman." Manghang sabi ni Jazz.

"Pansamantala lang. Dahil sa sirkumstansya ako muna ang humalili sa Cabeza namin habang wala pa sya. Nandito na tayo."

Nagtapos ang paglalakad namin sa isang pintuang kahoy. HInawakan ito ni Talas.

"Bago tayo pumasok rito nais ko munang linawin ang ilang bagay. Ayokong kumuha nang atensyon ng iba kaya hanggat maaari magpanggap kayong napapabilang kayo rito sa tanggulan. Medyo mahirap lang dahil sa pananamit nyo pero kung di naman kayo gagawa ng eksena, sa tingin ko wala namang magiging problema. Maliwanag ba?"

"Yes maam." sangayon namin.

Binuksan nya ang pintuan.

"Whoa! Angasss..."

Ang nasa likod ng pintuan ay parang bazaar sa loob ng intramuroz. Luma tignan ang mismong lugar, parang nasa panahon ka ng kastila. Gawa sa adobe ang mga kalsada pati ang ilang establisyimentong nakatindig. May mga karwahe pang dumadaan.  Ang mga poste ng ilaw ay parang lumang lamppost. Yung hawlang may salamin. May mga santelmo ng maliliit lang sa loob na pabago-bago ng kulay.

Yung bazaar mismo ay bago. May mga maliliit na tyange ng ibat ibang bagay. Magmula sa pagkain, prutas at gulay(na kakaiba itsura at laki. Akalain nyo, talong na kulay carrot?), damit, laruan at sandata. Yes, sandata. Itak, palakol, bolo, sibat, pana, lanseta, kris, atbp. 

Parang may peryahan sa Las Casas Filipinas de Acuzar(*2). Google nyo kung di nyo alam. Ganda rin dun, pramis.

Ang di ko inexpect ay ang dami ng tao run. Oo alam kong para itong maliit na bayan ng mga Napili, pero wala sa hinagap ko na ganun karami ang tao. Nasa 200 siguro yung natanaw ko. Para kang nagpunta sa palengke pag oras na pamilihan. Ang pinagkaiba lang, puro sila bata.

Ang mga tindero, mamimili, kutchero ng karwahe, pati mga padaan-daan lang at istambay lahat bata. Pinaka matanda na siguro yung 17. May mga baby pa nga eh.

Ang pinaka matanda ko na sigurong nakita ay nasa edad 17, pinaka bata ay buhat-buhat ng isang ineng. Iba-iba ang suot nila, may naka tshirt at shorts, may naka saya, may kagaya ni Talas na naka pang taong gubat look, naka uniporme ng school, gwardya sibil, nakabahag, nakamalong at kung anu-ano pa. Ang iba nakafull armor pa na pang kastila noon. Mukha tuloy kaming nasa set ng commercial ng EQ diaper.

May dalawa pakong bagay na napuna. Una, lahat sila may suot na pulseras na gawa sa hinabing sinulid panggansilyo. May kulay puti, itim, pula, bughaw, at dilaw. May nakasabit ding botelya at isang kahoy na singliit ng dulo ng daliri.

May suot din palang ganun si Talas. Kulay itim, at yung kahoy at may ukit na buwan.

Pangalawa, lahat sila may sandata. As in lahat. Magmula sa pinakamatanda sa bata, lahat may hawak na iba ibang klaseng sandata. At mukhang sanay sila sa paggamit nito. Yung isa pa nga nagtatanggal ng tinga gamit ang jungle bolo. Mantakin nyo yun.

"Para rin palang Vigan ito. Hindi nalalayo sa mga baranggay dun. Mas marami lang... mga churva." Sabi ko.

"Para nga tayong nasa cosplay event eh" pagsanggayon ni Tifa

"Kahanga-hanga." Sabi naman ni Makie.

"Ito ang Plaza de S'dop(*3), ang sentro ng komersyo ng Kanlungan. Lugar kung saan nagkakasalamuha ang mga Napili at ibang residente ng Kanlungan. Para rin tong Bayan sa lugar nyo sa itaas. Ginawa ito para kapag kaya na naming pangalagaan ang sarili namin, di mami mahihirapang makibagay sa buhay ng ordinaryong tao sa taas."

May nadaanan pa kaming pandayan, kung saan umaalingawngaw ang tunog ng martilyo sa nagbabagang metal.

"Mga dwende ba yun?" Puna ko sa nagmamartilyo. "Parang unano lang. Di ba dapat singliit lang sila ng palad?"

Hanggang hita ko lang sila. Naka suot ng hat na pangdwende na kulay red, pero naka casual wear naman. Yung nagmamartilyo pa ngang isa naka goggles eh. Yung katawan nila mas maliit lang ng konti sa dwarves sa Lord of the Rings, at di rin kasing hairy nila. Saktong may balbas lang sila na pwedeng gawing peluka.

"Huh bakit naman?" Sagot ni Jazz. "Wala pa akong nakikitang ganun kaliit na dwende. And mga dwende ganyan lang talaga ang laki. Sila kaya ang pinaka magagaling na panday ng sandata't pananggalang. Paano sila makakapagpanday kung singliit lang sila ng martilyo?"

May point. Pero kung ganun sila kalaki, paano sila nagkakasya sa punso? Hmmm..

Naaliw kami sa nakita namin. Kuha pa nga ng kuha ng picture si Tifa. Si Makie mukhang natuwa rin sa inalok ng isang dwende na kutsilyong sing haba ng braso sa kanya. Sa talas nito, mahusay raw ito pang-fillet. Lalo na kung galit ka sa ipi-fillet mo.

Si Jazz balak pang tumambay sa stall ng aratilis shake.

Ako naman man naaliw rin mga pangalan ng mga tindahan. Kung sino nagisip ng mga pangalan ay mataba ang utak. At madumi.

'Kinang in a Moment Pandayan'

'Suki ng Inaway Klinika'

'Cookie na Mocha Panaderia'

'Bulalo Jab(Masasapak ka sa sarap)'

Atbp. Laughtrip amp. Kung sino man yung nagisip nun. Mukhang magkakasundo kami.

Tumitingin parin ko nang may makita akong pamilyar sakin. Hinampas ko sa balikat si Tifa.

"T-teka tama ba ang nakikita ko?! T-tifa sabi mo walang ganyan dito?"

"McDonalds?! May Mcdo rito?" Gulantang din nya.

Walang duda mcdo nga. Yung malaking M, yung store, pati yung istatwa ni Ronald Mcdonald nandun din. Except lang may hawak syang bolo at nakapose na parang si Bonifacio.

"Oo naman, bakit naman hindi? Di ba nga basehan ng Plaza de S'dop ay yung mundo nyo? Eh marapat lang na may Mcdo rito." Sagot ni Talas

"Jollibee?" Tanong ni Makie. Maka jabee pala sya.

"Nandun sa kabilang kanto."

"Kfc? Ay wag kfc, ayaw ko na run Chowking? Mang inasal?"

"Meron din."

Ermergad. Mukhang feel at home kami. Ginutom tuloy ako at napatingin sa paskil na product.

"....Ano yung Mcribbit at Mcrabbit?" Tanong ko.

"Piniritong palakang bukid, at kuneho."

Muntik na kaming maduwal ni Tifa. Natakam naman si Jazz as usual. Si Makie nagpapanggap na walang narinig.

"B-bakit? May fries naman at gravy na kasama yun uh." Depensa pa ni Talas.

"Eh yung... McDog?" Kinakabahang tanong ni Tifa.

"Edi hotdog! Ano pa ba? Wala bang ganyan sa inyo?"

Nakahinga kami maluwag. Buti naman di gaya ng iniisip namin.

"Meron naman... actually wala pala. Jolly Hotdog lang, pero McDog wala. Pangalan palang parang di na papatok."

"Weh? Ibig sabihin di pa kayo nakakatikim nyan? Teka nga sandali."

Tumakbo sya papasok sa mcdo at bumalik na may dala nang paperbag.

"Ayan, apat na McDog para sa inyong apat. Wag na kayong mahiya." alok niya. Inabot nya yung isa kay Tifa.

"Uhmmm... Busog pa kasi kami eh. Kaya salamat nalang siguro... Sige na nga." Sagot ni Tifa, wala tuloy akong choice kundi kunin din yung binigay sakin.

"Anong ginagawa mo? Dapat tinanggihan mo nalang." Bulong ko sa kanya.

"Tignan mo nga itsura nya! Kasing glittery ng mata nya yung mukha mo pag minamantika! Makakatanggi paba ako?"

Hindi ko alam kung sasangayon ako o maooffend. Tama kasi sya. Nagbambi eyes yung bata. Ang hirap tanggihan. Pati nga si Makie, kinuha yung sa kanya. Wala naman sigurong masamang halo yung McDog.

Pero di ko parin magawang kagatin, ang hotdog ng mcdong may palaka at kuneho sa menu.

"Hmmmm! MASARAP!" Bulalas ni Jazz.

"Seryoso?"

"OO! Tikman nyo kaya!" Sabi nya sa pagitan ng pagnguya.

Dahan-dahan kong itong kinagat. At pagkatapos ay diko na napansin na naubos ko na yung McDog. SOBRANG SARAP. Perpekto yung lasa. Hindi pa ako nakatikim ng ganun kasarap na pagkain sa buong buhay ko. Muntikan ko nang malimutan ang pangalan ko.

Naubos na naming apat. At base sa reaksyon nila(nangingilid pa luha ni Tifa), bitin rin sila tulad ko.

"Oh diba masarap? Made yan from real dogs!"

BLEEEECH! %&#^@ Muntik na talaga kaming maduwal. Pwera si Jazz na wala atang makitang masama sa pagkain ng kauri ng magulang nya.

"Bwahahaha joke lang! Normal na hotdog lang yan, masarap lang at sariwa mga pampalasa namin dito kaya iba lasa. Tara, sumunod kayo malapit na tayo. Bwahahaha! Kung nakita nyo sana itsura nyo, ay nakoooo hahahaha." Maluha luha sa tuwang sabi nung bwisit na bata. Bambi eyes pala hah.

"Pigilan nyo ko, bubunutan ko ng esophagus yang batang yan!" Gigil na sabi ni Makie.

Hindi ka nagiisa sa nararamdaman mo Makie. Hindi ka nagiisa. I second the motion.

~~~~~~

Ilang minuto pang paglalakad ay nakarating kami sa mas liblib na parte ng bayan. Wala na yung mga tyangge sa daanan, at mangilan ngulan narin yung tao.

"Ibaba nyo ang ulo nyo at tuloy tuloy lang ang paglalakad." Bulong ni Talas.

Sa bandang daraanan namin may anim kabataang lalake na nakatambay. Lahat sila nakatshirt at shorts pero may bakal na breastplate sa ibabaw, naka helmet at may hawak na mga sibat.  May pulang purseras sila na may nakaukit na araw sa maliit na kahoy. Nakaupo sa sahig o nakasandal sa pader ang iba. Pwera lang sa isa na nakatayo sa gitna ng daan. Sya lang yung di nakahelmet at may nakasukbit na espada sa beywang sa halip na sibat. Malamang sya ang pinuno nila.

Mukhang silang karapat dapat na iwasan. Kaya ganun narin ang reaksyon ni Talas. Sa lahat ng lugar, kahit sa ilalim ng tubig, hindi rin pala nawawala ang mga siga.

"Cabeza Talas, mukhang nagmamadali ka ata, saan ang lakad natin?" Bati ng lider nila.

"Sa kubeta. Kaya mawalang galang na, lumayas kayo sa daanan ko."

Sinubukan nyang dumaan sa gilid pero pinigilan sya nung lalake.

"HAHAHA, palabiro ka talaga Talas. Oh, may mga bisita ka pala, bat di mo kami ipakilala?"

"Mga residente sila ng Tanggulan, siguro di mo lang sila nakakasalubong kaya di sila pamilyar sa iyo?"

Tumawa tawa ito, pati yung mga kasama nya. On cue uh. Nagpraktis pa ata.

"Ah ganun ba? Nakakatawa naman. Bakit parang may nakapagkwento saking estudyante raw sila ng Maestro Lam-ang? At wala raw silang Gabay papunta rito. Tama ba bestfriend?"

Mula sa gilid hinatak ng isang kasamahan nya ang isang bata at itinulak ito dun sa lider na sya namang umakbay dito.

"Sorry Talas..." bulong ni Langib na puno ng takot.

"Pakawalan nyo sya." Pangigigil ni Talas.

"Whoa Cabeza, nagkakamali ka ng iniisip. Di kami goons para mangidnap, naguusap lang kami ng bestfriend ko diba? Pero hala sige, bumalik kana run sa mommy mo." Binatukan nya muna ang bata bago ito itinulak kay Talas.

Kumukulo ang dugo ko.

"Tara." Sabi nya samin matapos masiguradong ok lang si Langib.

"Hephep saan ka pupunta? Naguusap pa tayo."

"Kay Maestro Kwarto. Kaya wag mo kaming harangan. May importante kaming gagawin"

"At ano yun? Para saan? Para gawing myembro sila ng Magtagumpay?"

Napatingin ako kay Talas. Ayun ba ang plano nyang gawin? Para sakin naman ok lang. Kung yun naman talaga ang patakaran, kung kailangan mapabilang sa balangay walang kaso sakin yun. Pero sa kinikilos ng dalawa, parang may kailangan pa kaming gawin na nilabag namin.

".........."

"Anong nangyari? Wala kang sagot? Haha. Wag ka nang magabala pa, para malaman mo, wala si Maestro Kwarto ngayon, nagpunta sa mundong ibabaw at may kinailangan daw gawin"

"Maghihintay kami sa kanya."

"Cabeza, kami na ang magdadala sa kanila kay Maestro. Matapos silang makita ng Supremo."

Supremo? Ano yun? Brand ng noodles?

"Magtagumpay ang nakakita sa kanila kaya kaming mga Tagumpay ang responsable sa mga dayo. Walang kinalaman ang Magdiwang dito."

"Baka nakakalimutan mo na kung ano na ang Punong Balangay ngayon. Magdiwang na, at di na kayong mga Tagumpay. Kaya ibigay mo sila samin."

"Baka nakakalimutan mong Cabeza ang kausap mo!" Sabat ni Langib. Pinandilatan sya nung lalaki at nagtago ito sa likod ni Talas.

"'Pansamantalang' Cabeza. At sa kaawa awang estado ng Magtagumpay ngayon, mukhang epektibo nga ang pamamalakad mo."

"A-anong sabi mo?" Naoffend na bigkas ni Talas.

"Narinig mo ako Cabeza. Kami na ang namumuno ngayon. Wala kayong ibang trabaho kundi ang sundin kami."

"Tumabi kayo Diwang." May talim nang sabi ni Talas.

"Subukan mo kaming patabihin, Tagumpay." Nilapit pa nito ang mukha nya sa pangaasar at panghahamon.

May ilang segundo silang nagtitigan. Walang gustong pumiglas. Kulang nalang ay ang tunog ng bell at baka nagsapakan na sila.

Ngumisi yun lalake.

"Bakit ba ang tigas mo Cabeza? Mga dayo lang yan. Bakit, dahil ba galing DAW sila kay Lam-Ang, feeling mo babalik na ang ugok na si Noli?"

"SUMUSOBRA KANA!"

Biglang inundayan ng hataw ni Talas ng pana yung lalake. Nakailag naman ito, hinawakan sa braso ang bata at tinulak ito sa likod nang malakas.

"ITIGIL NYO YAN!" Sigaw ko.

Dagli kong sinalo si Talas na muntik nang tumumba. Nanggalaiti akong tumingin sa lalaki at aktong tatayo.

Pero kung ano mang balak ko nun(na sa totoo lang ay di ko alam. Nagalit lang ako sa ginawa nya kay Talas) ay di natuloy. Dahil bago pa ako nakatayo nakapalibot na sa amin ang mga kasamahan nya, mga sibat ay nakatutok sa amin.

"Saglit lang! Sasama na kami!" Pagbasag ni tensyon." Sasama na kami sa inyo, diba Milo? Konting lamig naman ng ulo, pleaseeee?" Nagbambi eyes din sya sa lalaki.

"Oo nga, mababait naman kami at masunurin, di na kailangan humantong pa ito sa singgalot at baka may masaktan pa, di ba binibini?" Sabi ni Jazz.

Sa tingin ko ang kinakausap nya mismo ay si Makie, na nuoy mukhang walang pakialam. Pero ang kamay ay kaswal na nakapasok sa beltbag, mga mata'y nanlilisik sa ilalim ng cap. Nakaramdam ako ng konting kilabot sa kanya.

Sinenyasan ng lalaki ang mga kasamahan nya para ibaba ang mga sibat.

"Ayun naman pala eh,  kung ganyan lang pala kasunurin ang mga dayo edi hayahay na ang buhay." Nakangisi nyang sabi.

Nilapitan nya yung isa sa kasamahan para kausapin.

"Ok ka lang ba? Pasensya na dahil sa amin napaaway ka pa." Sabi ko kay Talas habang inalalayan namin syang tumayo ni Langib.

"Wala to. Sanay na kaming mga taga Tagumpay sa ganitong pagtrato. Mabuti pa sumunod na kayo sa kanila. Ayaw nila nang pinaghihintay ang Supremo nila."

"Ano yung Supremo?"

"Yun yung Cabeza ng punong balangay. Bale sya yung punong cabeza ng lahat ng balangay." Sagot ni Langib.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Parang iisa ang iniisip.

"Babalik kami Talas. Kapag pinayagan kami ng Maestrong manatili rito sa Tanggulan, pupuntahan ka namin para sumali sa Tagumpay." Sabi ko.

Kung may sasalihan man kaming balangay, pipiliin ko nalang ang Tagumpay, kaysa sa pangkat ng mga jejemon na yun. Sa tingin ko pa sangayon rin sakin ang mga kasama ko.

"S-salamat." Sagot ng dalawa. Hindi ako sigurado pero parang may nangilid na luha sa mata ni Talas.

"Hintayin mo kami. Gaganti pa kami sa Mcdog mo. Di ko pa nakakalimutan yun."

Natawa sya nang mahina tapos hinawakan ako sa braso.

"Paalala lang. Kung arogante na ang ugali nang mga yan, magingat kayo sa Supremo nila. Mas kuuuuuupal yun."

"May kilala akong kupal sa school, wala na sigurong mas lalala pa sa kanya."

Natawa ako sa isipan ko. Bigla ko tuloy sya naalala, at kung gaano ka-petty ng pagaaway namin. Sa dinami-rami nang napagdaanan ko sa lumipas na araw, di na sya worth pagtuunan ng pansin. Di na naman makakaapekto ang sigang yun sa buhay ko. Sa kabutihan palad.

"Tapos na kayo magdramahan?" Epal nung lalake. "Bueno, sumunod kayo sa akin at ipapakilala ko pa kayo kay Supremo. Pasensya na sa inasal ko Cabeza. Magandang gabi, at salamat sa pangunawa. Good luck sa balangay Magtagumpay nyo." Binigyang diin nya ang pagiging sarkastiko sa pagsabi ng magtagumpay. Kumag.

Makalipas ang kaunting pamamaalam, sumunod na kami sa kanila. Bukod sa napaggigitnaan nila kami, hindi naman namin naramdamang bilanggo kami. Wala namang naganap na paggapos ng kamay, o pagkadena ng leeg o anumang makakaexploit ng human rights namin. Tahimik nga lang sila at di sumasagot sa mga tanong namin. Sa tingin ko nga ilag sila sa amin eh.

Hindi ko sila masisisi. Isang kaming abnormalidad na biglang pumasok sa normal na mundong kanilang kinamulatan.

Habang naglalakad, pabulong naming pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari base sa mga napagusapan at nakabuo kami ng konklusyon.

Tingin namin si Noli ang cabeza ng magtagumpay, at ang magtagumpay ng punong balangay noon. Umalis sya sa kung anong dahilan, at napunta sa Magdiwang ang pagiging punong balangay, si Talas naman ang humalili sa kay Noli habang wala pa ito. Pero di ganun kaganda ang kalagayan ng Magtagumpay sa kasalukuyan at mukhang inaalipusta sila ng ibang balangay.

Yun palang ang nalalaman namin, isinantabi muna namin yun for future reference. Naks.

Dumaan kami isang tunnel at lumabas kami sa isang bakanteng kapatagan. Parang maliit na plaza. Sa gitna nito may malaking bonfire, nasa labinlimang talampakan ang ang taas. Sa gilid nito ay may mga kabataang nakakumpol nang paikot. Base sa kantyawan, tawanan at hiyawan, mukha may nagaganap na event sa gitna.

"Anong meron dun? Fliptop?" Tanong ko.

Sumagot naman yung lalake sa wakas.

"Duelo. Kapag may myembro ng balangay na nagkaroon ng alitan o di pagkakasunduan, nireresolba namin ito sa panamagitan ng tapat na pakikipagbuno. Wala bang ganyan sa inyo?"

"Wala sa pagkakaalam ko. Hanggat maaari inaayos namin ang di pagkakasundo na di humahantong sa sakitan." Sagot bi Tifa.

Yeah right. Gaya ng gera sa Mindanao.

Natanaw namin yung mga naduduelo nung nakalapit kami. Dalawang batang lalake na nasa edad 10-11 nakahubad sila nang pangitaas at naglalaban. Hindi away-bata uh. Para silang nagma muay-thai, at ang galing nila. Para akong nanonood ng Ong-Bak: Kids edition.

"Yaw-yan(*4). May kasanayan ang mga batang yan uh." Pagapruba ni Makie.

"Isa ang Yan-yan sa mga unang itinuturo sa mga Napili rito. Kailangan nilang matutunang lumaban kahit walang armas sa paligid. Dahil sa pagtatapos ng araw, ang pinakamabisang sandata ng tao, ay ang kanyang katawan."

Nice. Ano to commercial ng Cobra energy drink? At ano ba yung Yaw-yan? Yung stick biscuit snack may choco dip?

Tumigil sa paglalakad ang lalaki at humarap samin.

"Bago ko kayo iharap sa Supremo ang gusto ko ay magbigay kayo ng lubos paggalang sa kanya. Magsasalita lang kayo kapag kinausap nya. Maliwanag?"

"Ok." "Yeah." "Maliwanag." "......." tugon namin.

"At ikaw, kanina pa kita napapansin, yang sumbrero mo tanggalin mo yan para makita ng Supremo ang mukha mo, akin na yan." Nilapitan nya si Makie para hablutin ang cap.

"Subukan mong tanggalin cap ko tatanggalin ko rin mata mo."

Napatingin kami lahat sa kanya. Nagulat na kaya nyang bantaan ng ganun yung lalake. Pero ang mas nakakabigla ay yung reaksyon nung lalake. Para lang syang tulalang nagtataka. Mukha syang nabrainwash.

".........Pero kung tutuusin, bagay sayo ang sumbrero mo. Maganda tignan." Nagpatuloy uli sya sa paglalakad habang nagkakamot ng ulo, nagtataka kung anong nangyari.

"Ano?!" Tanong na samin na nakatunganga sa kanya.

"Anong ginawa mo run?" Tanong ni Tifa

"Diwata ako. May mga... Skills ako. Gusto mo sample?"

"No thanks."

Dinala nya kami sa isang side ng bonfire kung saan may isang lalaking nakatayo at pinapanood ang apoy. Nakaharap ang likod nya sa amin.

May kalakihan ang katawan nya. Di ako sigurado pero parang naka uniporme syang pang school. Sa likod nya ay may nakasabit na kalasag na kulay ginto at pula na may ukit na araw at na paalon ang sinag.

Nung medyo nakalapit na kami parang may naamoy akong pamilyar. Hindi ko lang matukoy kung ano. Napapakamot tuloy ako ng ilong.

"Supremo, may mga bagong dayo sa ang tanggulan."

"Hhmmm. Magaling. Ilan sila? At sino ang gabay? Si Laguyon na naman ba?"

May kakaiba sa boses nya. May bigat, halatang pinuno ng mga mandirigma. Tipong kakabahan ka pag kinausap mo sya.

Pero hindi lang yun. Ang boses ay.... pamilyar. Narinig ko na ito. Hindi ko lang matukoy kung saan.

"Apat sila. Pero eto ang kakaiba Supremo. Wala silang gabay."

"......Totoo ba yan?"

"Opo Supremo. Hindi lang yun. Pinadala raw sila ng Maestro Lam-ang."

Napabaling nang kaunti ang ulo nya sa lalaki. Tila nagulat sya sa narinig.

"Nasaan sila ngayon?"

"Nandito po Supremo, kasama ko sila."

Oh my gulay. Syete. Kinabahan ako nun. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kung kausapin nya ako. Kahit na tingin ko kasing edad ko sya, nandun parin na isa syang pinuno na kailangang galangin. At hindi ako sanay sa ganun.

Dahan-dahan syang humarap samin.

At para akong sinipa sa harapan ni Bumblebee sa pagkagulat ko. Pati si Tifa napakapakapit sa braso sa bigla. Maging si Makie napahakbang palayo nangg konti.

Naintindihan ko na kung ano yung pamilyar na amoy na yun at kung bakit kilala ko yung boses. Kilala ko sya. Kilala namin sya.

Pero hindi yun maaring mangyari. Imposible. Isa yung pagkakamali. Wala sa personality nya yun.

Akala ko hindi na sya muling makakaapekto sa buhay ko. Isang napakalaking pagkakamali.

Dahil Supremo ng Magdiwang na nasa aming harapan....

Ay si Bon Jovi.

At tulad nang dati, cliffhanger muna.

~~~~~~~~~~~~

(*1) Cabeza:
Kabesa sa bigkas ng pinoy. Nung panahon ng kastila ay may hierarchy sa pamumuno ng gobyerno natin. May gobernador-heneral, gobernadorcillo etc. Yung namumuno naman ng baranggay, ang tawag dun Cabeza.

(*2) Las Casas Filipinas de Acuzar:
Resort sa Bataan na ang tema ay lumang Pilipinas. Super ganda run promis. Yung lumang bahay sa ibat ibang parte ng Pinas ay nirerestore dun at ginagawang paupahan tuluyan. Try nyo minsan. May kamahalan lang.

Ive been there, promise totally worth it pagpunta.

(*3) S'dop: (Sodop)
Dyosa ng Ginto. Simbolo mg karangyaan. Ipinangalan ang Plaza de S'dop sa kanya dahil ito ang sentro ng komersyo at bilang pagpugay sa dyosa. Para mabigyan din ang Kanlungan ng masaganang pamumuhay. Darating tayo dyan.

(*4) Yaw-yan:
O Sayaw ng Kamatayan. Isa sa mga martial art ng pinoy na gumagamit din ng siko, tuhod gaya rin ng Muay-thai. Tulad ng inilalarawan ng pangalan nito, isa itong deadly contact sports/martial art. Not suitable for kids. Wag nyong gagayahin sa bahay nyo. Sa bahay nalang ng iba.

~~~~~~~~~~~~~
A/N:

Expected nyo ba yung ending? Hula ko hindi eh.
(--,)
Kaya may introduction sya sa simula ng kwento kasi binibuildup ko sya at malaki ang gagampanan nya sa istorya. Both bilang kaaway ni Milo at kakampi bilang kapwa Napili.

Sorry sa mga nagagalit na sa tagal kong magupdate, busy talaga eh. Malamang nabadtrip uli kayo dagil sa cliffhanger ending. Sorry uli, hobby ko na ata yan.

Padami na nang padami ang characters at palalim na nang palalim and kwento. Actually medyo mahirap na pero nakakaexcite ding magsulat. Lalo na sa isang malaking event na sasalihan nila Milo bilang myembro ng isang balangay. Gagawa rin ako ng mapa ng Kanlungan at Tanggulan para maimagine nyo kung ano itsura at kung mangyayari yung mga susunod na magaganap.

Well sa susunod na mga 1-2 kabanata magkakaroon ng fight scenes.

Alamin nalang natin kung sino sila at kung bakit.

Chao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top