KABANATA XV - Bikini Bottom?
Mali! Wrong move! Sabi ko na nga ba eh dapat nagtiwala nalang ako kay Jazz! Pag sinabi sayong wag kang didilat Milo, wag kang didilat!
Pero hindi eh, may humawak lang sa bukong-bukong(*ankle) mo, at hinatak ka pailalim, kinabahan kana agad. Edi sana hindi mo nalang sila nakita. Edi ikaw tuloy napahamak ngayon.
Hiniling ko tuloy na sana di nalang ako dumilat, nagsisisi tuloy sa kaengotan ko. Sana naniwala nalang ako kay Jazz. Teka parang pamilyar yung line na yun uh.
Pagbagsak ko sa tubig para akong kalabaw na nagmamacarena sa pagpiglas. Daig ko pa nag icebucket challenge so lamig ng tubig. Sobrang lamig grabe. Kasing lamig ng puso ng ex mo. Kung meron man.
SPLASH, SPLASH. Ang sabi ng tubig sakin.
PAKSH*T! PAKSH*T! Ang sabi ko naman.
Sa kaengotan ko nalimutan kong magpapalubog nga pala ako. Buti naalala ko, kaya ayun, tinawag ko ang inner peace ko at nag Zen mode o state of nothingness kapag nagmemeditate na ginagamit ko sa lang sa cr. At yun nga nagpalutang nalang ako sa ilalim ng tubig.
Lumutang sa ilalim ng tubig?! Paano yun? Ewan.
Matapos ang ilan oras paghihintay na ang totoo'y 5 seconds lang, nainip ako. Pati hangin ko nainip din at tumakas ang ilan sa bibig ko. Nagsimula na naman akong mangamba na baka malulunod lang ako na walang mangyayari. Sabi pa man din nila isa sa pinakamasakit na kamatayan ang pagkalunod. Oh happy thoughts...
Biglang may humawak sa ankle ko nang mahigpit at hinatak ako pababa, muntik na akong tumili. Kaso kelangan parin ng manly image kahit nalulunod hehe.
Kung ano man yung humatak, yun na marahil ang daan ko pababa sa kanlungan. Low tech na elevator. Ok na sana eh kaso may humawak sa kamay ko, gf lang? Wala bang getting to know each other stage muna? Pinaka malala, may humatak din sa pantalon ko pababa. Deym.
Nung may yumakap na sakin dun may pumasok sa isip ko. May tao ba sa ilalim ng lawa? Parang tao yung porma nung mga nanghaharass sakin eh. Hindi kaya.... sirena?(*1)
Naexcite ako. Kung ang mga sirena ay kasing ganda ng diwatang tulad ni Makie, willing akong mapalunod nang konti. Kaya diko sinunod ang payo ni Jazz. Buong kaengutan akong dumilat, dahil sa liwanag sa ibaba, naaninag ko sila.
SYOKOY!(*2)
Walangya, hindi sirena kundi syokoy! Yuckkk. Syokoy ang lumalapastangan sa kainosentehan ko.
Pero hindi tulad ng nasa palabas na kalahating tao kalahating isda, iba itsura nila. More on isda sila na korteng tao. Buong katawan nila puro kaliskis at palikpik. Ang ulo parang angler o yung isdang may ilaw sa ulo. Kulay puti na malaki ang mata at matatalas ang ngipin.
Tapos ang malala, may mga galamay pa ang ilan na parang sa octopus. Syete! Napapanood ko to sa anime! Ayoko mangyari sakin yun! YAMETE!!!(*3)
Mapatili ako. Goodbye manly image. Naibuga ko ang hangin ko sa gulat nakainom ako ng konting tubig. Hindi dapat magpatuloy yun kung ayaw kong mamatay sa pagkalunod habang yakap yakap ng lamang dagat. O lamang ilog?
Nabulabog sila at nagsipulasan. Sa gulat nila, at galit narin siguro, ang ilan sa kanila inatake ako gamit ang matatalas na kuko.
Iwinasiwas ko ang Bagwis at nagsi-alisan sila. Nagpanic ako at di na alam kung saan ang itaas at baba sa sobrang dilim ng tubig.
Ayun! May liwanag sa bandang paanan ko! Ang santelmo! Kung saan man ito papunta, nandun ang Kanlungan. Dagli akong lumangoy paibaba bago maubos ang hininga ko para abutin ang santelmo. Paminsan minsan iwinawasiwas ko ang Bagwis pag lumalapit sila. Nakalalapit na ako sa santelmo, kaunti nalang maabot ko na ito.
PANGGG!
Tinamaan ako isang pwersa ng alon sa bandang kanan. Nagsigawan ang mga halimaw at lumangoy papalayo sa takot. Nilingon ko kung ano yun at naibuga ko ang natitirang hangin ko.
Sa gitna ng kadiliman may nakita akong taong naglalakad sa ilalim tubig. Uulitin ko, naglalakad sya, sa ilalim ng tubig. At hindi sya basa o mukhang naapektuhan ng tubig sa paligid nya. O mas tama sigurong sabihing ang tubig ang sumusunod sa kanya.
Habang papalapit sya sa akin ay parang pinipiga ng pressure ang katawan ko. Pinipilit kong lumangoy papunta sa santelmo pero parang di ako umaandar. Ayokong maabutan nya ako. Kasi sa lahat ng nakita kong nakakatakot na nilalang, sya ang pinaka malala.
Hindi ko alam ito nung panahong yun. Pero sa unang pagkakataon, nakaharap ko ang isa sa maalamat na diyos.
Kumurap ako saglit. Pagdilat ko ay nasa tabi ko na sya.
"Magandang gabi Pinili." Sabi nya.
Naubusan ako ng hangin at tuluyang nagdilim ang aking paningin.
~~~~~~~~~~~
WHAPAAAKKK!
"AROUCH!!!!! Bakit nyo ko sinampal?! Sino namapal?!" Nagising ako parang pagdislocate ng kaliwang panga ko.
"Ayaw mo magising eh. Akala namin patay ka na. Kaya sinampal kita. Ang saya nga eh, pwede isa pa,n." Tatawa tawang sagot ni Jazz. Lul.
Teka, hindi ako magising? Nakatulog ba ako?
WHAPAKKK!
"ARAY! Ano na naman yun?! Bakit moko sinampal Tifa?! Gising na ako!" Reklamo ko uli. Pero at least nagpantay na ata panga ko.
"Eh sinampal ka ni Jazz eh. Nainggit ako. Dapat ako rin, bestfriend kita eh. Tagal ko nang gusto matry manampal, so I grabbed the opportunity. Aylabet!"
"Aylabet mo pwet mo! Wala nang mananampal! Gising na ako, wag nyo na akong sakta--MAKIE! Anong balak mong gawin dyan?! Ibaba mo yan!"
"Tsk." Nanghihinayang syang binagsak yung hawak nyang ga-brasong sanga ng puno. Kung anong gagawin nya run, na mukhang excited pa sya habang papalapit sakin, ay siguradong di healthy sa human body ko.
"Ano bang nangyari sayo? Pagkadilat ko nakita nalang kitang nakahiga dyan sa damuhan at di na gumagalaw. Basa kapa. Kami naman tuyo eh." Tanong ni Tifa.
Sa aming apat ako lang ang namumukod tanging basa. Ewan ko kung bakit sila hindi. May favoritism talagang nagaganap.
"Uhhmmm. Hindi ko alam eh. Di ko gaano matandaan kung anong nangyari. Ang alam ko lang may hinatak ako nung mga syokoy, tapos may nangyari. After nun.... Hindi ko na alam". Feeling ko nun may importante akong nalimutan. Well, meron nga pero next time ko pa maaalala.
"Anong syokoy?"
"Syokoy. Yung taong isda or isdang tao na may mga galamay na parang nasa hentai. Diba hinatak tayo nun palubog?"
"Huh? Hindi uh. Lumubog lang ako nang kusa." Sagot ni Tifa.
"Ako rin." Pagsangayon no Jazz. Nagkibit balikat lang si Makie. Keber lang as usual
"Edi ako lang yung na rak ng mga syokoy? Ampupu naman. Asan ang hustisya?"
"Oo nga eh bakit ikaw lang. Kakainggit naman." Sabi ni Tifa.
Walang dapat ikainggit dun. Kung gusto mo ikaw nalang. Irerecord ko pa.
Dahan dahan akong tumayo, tumutulo pa ang tubig sa damit ko. Bwisit
"Teka nasaan naba tayo? Nasa Kanlungan naba.... ta...yo.... Wow...."
"Yup... Wow nga.."
Nautal ako. Naubusan ng salita. Akala ko di na ako magugulat, mali na naman ako. Kung totoo ang paraiso, malamang iyon na yung tinutukoy nila.
Nasa damuhan kami na napapalibutan ng malalaking puno. May mga lumulutang na ilaw na noon ko lang napansin. O mas mabuting sabihing lumilipad. Parang mga alitaptap na iba-iba ang kulay. May pula, asul, dilaw berde, lila, kahel atbp. Hindi ko alam kung insekto yun pero kamangha-mangha.
Napakagandang tignan. Para akong napapalibutan ng lumilipad na christmas lights.
Pero mas makakabilib ang tanawin sa kalangitan. Ang malaking buwan, umaalon. Tapos ang mismong langit ay kumikinang na para maraming basag na salamin na natututukan ng ilaw. Parang kapag nasa ilalim ka ng tubig at nakatingin ka sa ilaw sa taas. Sa mas malinaw na imahe lang.
Maroon pang ibat ibang ibon na lumiliap na iba ibang kulay at laki. Kakaiba nga eh, kasi parang nasa tubig sila pero lumilipad at di lumalangoy.
"Nasa ilalim tayo ng lawa?" Tanong ko.
"Tama at mali. Nasa ilalim tayo ng lawa pero sa kabilang banda hindi rin. Nasa ibang dimensyon tayo." Sagot ni Makie.
"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ni Tifa.
"Ang ibig sabihin nun nandito na tayo." Sagot naman ni Jazz.
Tapos nag ehem-ehem sya at itinaas ang ang dalawang kamay na parang magbibigay ng magandang anunsyo.
"Maligayang pagdating sa Kanlungan!" Buong gilaw nyang sabi
~~~~~~~~~~~~~~~
(*1) Sirena - well obyus naman na alam nyo to. Dyesabel? Ariel? Parang ganun. Pero origin nyan talaga greek at di satin. From root word Siren. Nangaakit sila gamit ang magandang boses nila saka lulunurin ang mga biktima nila, kaya siren.
Pero dito sa Pinas iba. Ang mga Sirena hinuhuli at nilalagay sa malaking batya, pinapalabas sa may perya, umiiyak habang pinapanood ng mga mukhang tangang mga madlang extra. Cliché at its finest.
Ganyan kasama ang lagay ng TV industry ngayon. Oh well... its not my business.
(*2) Syokoy - magkaiba sila ng sireno. Walang malinaw na description ito, kundi mas mukha silang isda crossbreed sa halimaw kesa sa tao. Sila ang pinaka low hierarchy sa mga taong-isda or merfolks. Sunod sa Sirena, Sireno, Kataw, at mga nilalang na next time ko na sasabihin.
(--,)
(*3) Yamete - Yung iba alam to. Pero para sa ibang hindi. Japanese word yan na ibig sabihin "Stop". Na kadalasan nyong maririnig sa mga anime movies na pwede nyong ulit ulitin.
(--,)
~~~~~~~~~~~~
A/N:
As usual bitin na naman haha. Pero at least nasa Kanlungan na sila. Kung ano mangyayari, at kung sino may mga surprise appearance eh abangan nyo nalang. Hehehe.
Naeexcite tuloy ako sa mga susunod na kabanata.
Abangan....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top