KABANATA XLVIII - Interview with a Katipunero

Kung tutuusin pumasok na ito sa isipan ko noon.

May ilang senyales na sa aking paulit ulit na panaginip. Ang malaking labanang nagaganap. Ang lumang kasuotan ng magkalabang panig. Ang mga sandatang masasabi mong may pagka-sinauna. Ang mukha sa repleksyon sa hawak kong bolo. Namukhaan ko ito pero hindi ko makilala dahil may pagkakaiba ito kumpara sa mukha sa sampung pisong papel. Ang pagkakabaril ko sa isang kagubatan. Pumasok na sa isipan ko, pero sa sobrang katawa-tawa ng sagot isinantabi ko ito sa aking isipan. At sa bilis ng mga sumunod na pangyayari sa nakaraang mga linggo naitabi ito sa kasulok-sulukan ng aking kamalayan.

Si Andres Bonifacio(*1) ang lalake sa panaginip ko.

Teka di ata maganda pagkakalarawan ko. Ang alake sa panaginip ko?... Parang ang bakla pakinggan. Rakenrol.

Mas tama sigurong sabihing ang napapanaginipan ko ay ang nakaraang buhay ni Bonifacio.

Pero ang rebelasyong iyon ay nagresulta rin sa maraming katanungan: Bakit ako? Anong relasyon ko sa Supremo at napapanaginipan ko ito? At bakit naririnig ko ang boses nya sa ilang pagkakataon? Atbp.

Pero walang saysay kung tatanungin ko lang ito sa aking sarili. Mabuti na lamang ay nasa harapan ko ang may hawak ng kasagutan.

"Tila naguguluminahan ka Milo. Katanggap-tanggap dahil alam kong maraming bumabagabag ngayon sa iyong isipn. Aalukin sana kita ng makakain at inumin upang mapawi ang kaguluhan ng iyong isip ngunit sa kasamaang palad wala akong maihanda."

"O-okay lang po, hindi naman po ako nagugutom." kinakabahan kong sagot.

May ganon syang aura. Mabigat. Napakamisteryoso. Kakabahan ka kahit pigilan mo.

"Kasinungalingan. Nagugutom ka."

Napatda ako. Hindi dahil nahulaan nyang totoo ngang nagugutom ako kahit itinanggi ko. Kundi dahil sa pagkakasabi na parang alam nya mismo ang aking nararamdaman. Na tila natural lamang na malaman nya ito. Kinilabutan ako sa di malamang dahilan.

"Wag na nating patagalin. Narito ka para sa bertud." sabi nya. Isa itong pahayag at isang di katanungan

Tumango ako. "...Pero bukod po run meron po akong mga-"

"Katanungan? Oo alam ko. Anong nais mong malaman? Sasagutin ko lahat. Marapat lamang yun sa dami ng pinagdaanan ninyo makarating lamang rito."

Napakunot ang aking noo. Parang alam nya ang aking iniisip. Pero hindi ko muna ito pinansin, dahil lumilipad sa aking isipan na naguguluhan ang mga katanungang nais kong mabigyan ng linaw. Ngunit hindi ko alam kung ano ang uunahin. Bakit sya narito? Anong kinalaman nya sa akin? Bakit ipinagawa ni Aguinaldo ang Lupa ng Hinirang na layong tulungan ang mga Napili na makarating sa kanya kahit magkaaway sila?

"Kayo ba yung nasa panaginip ko?" sa huli ito ang aking itinanong.

"Ako nga." walang gatul nyang sagot.

"Pati yung boses na naririnig ko minsan?"

"Tama, ako nga rin yun."

Tama ang hinala ko sya nga yun, kumpirmado. Pero bakit? Ang sunod kong tanong ay ang nais ko talagang malaman.

"...Kayo ba ang tatay ko?"

"BWAHAHAHAHA! Ay sorry! Natawa ako." Pumalahaw nya ng tawa, tumalsik pa ang makasaysayan nyang laway sa direksyon ko. Medyo bastos uh. Pinigilan nya rin ito sa huli at hirap na nagpatuloy. "Ipagpaumanhin mo, hindi ko lang lubos maisip kung bakit mo naman nasabi yan. Yun ang pinaka nakakatawang narinig ko sa ilang dekada. Hahaha ehem ehem." ubo nya sa pagpigil ng tawa. Nawala tuloy yung pagiging misteryoso nya.

Dahil dun gumaan ang usapan.

Marahil sinadya nya ito.

Nagtaka ako kung bakit marunong sya mag-english. Hanggang sa naalala kong turo ni Tifa na magtrabaho raw noon si Bonifacio sa isang Amerikanong kumpanya sa bansa natin noon. Kaya hindi ito kataka-taka.

"Eh diba kayo yung lumilitaw sa panaginip ko, at pati yung boses sa isipan ko, parehas pa tayong Pinili ng Bertud ng Katapangan. Ano pa bang iisipin ko, soulmates tayo?" tanong ko.

"Mas kaaya-aya nga yung nauna kumpara sa huli. Pero hindi, hindi ako ay iyong ama."

"Kung gayon, bakit nangyayari ang mga iyon sa akin?"

"Dahil konektado tayo sa isa't isa." sagot nya matapos ang ilang segundo.

"......Edi soulmates nga?"

"Sasampalin kita ng paa ko gusto mo?.." sagot nya. Sa dilim ng lugar hindi ko masabi, pero tingin ko nakangiti ang kanuang mata. "Ngunit sa isang banda tama rin iyon. Mayroon tayong espesyal na koneksyon na higit pa sa koneksyong pang ispiritwal. Binibigkis tayo ng kapangyarihan ng Bertud."

Buong kumpyansa akong tumunganga. Wala akong naintindihan eh. Smile lang Milo, kunwari bright boy ka.

"Mas lalo kang naguluhan." pansin nya, napakamotanga ako.

"Lagi naman ho. May talento ako sa pagiging mabagal magisip minsan. Marami akong gustong itanong, pero hindi ko alam kung anong ang uunahin, lahat sila nagkakarambola sa utak ko. Wala po ba kayong manual na lang dyan ng tutorials para madali?" biro ko

Syempre wala nun. Pero napaisip ang Supremo. Ei.. Meron ba?

"Ganito nalang, nais mo bang makinig sa pagbabaliktanaw sa buhay ng isang matanda? Nang sa ganoon matatalakay natin ang kasagutan sa iyong mga katanungan habang ako'y nagsasalaysay. Minsan ang kasagutan sa katanungan ng kasalukyan ay makikita mo sa paglingon sa nakaraan."

Sumangayon ako. Kung iyon ang mas magpapadali ng ekplenasyon, bakit hindi. At gusto ko ring malaman kung ano ang ikukwento ng isang Andres Bonifacio. Naks.. Inggit kayo noh?

"May nais akong ipakita sa iyo."

Biglang lumiwanag ang paligid at bahagya akong napapikit sa pagkasilaw. Pagmulat ko ang buong kwarto ay napapalibutan ng lumulutang na mga kandila. Kung saan ito nagmula hindi ko napansin. Sa isang iglap naron na agad sila. Labis akong namangha, kinilabutan at natakot. Namangha dahil sa napakaganda nitong tignan. Kilabot dahil mga petals na lang ng rosas na ikinalat ang kulang para na kaming nagdinner date. Brrrr syet lang. At takot dahil... Baka mademanda kami ng copyright ng Hogwarts.

Dun ko natanaw ang kanyang silid. Napatingin ako sa lagusang pinangalingan para matiyak kong nasa yungib parin ako. Dahil nagmistulang wala na ako sa kweba kundi nasa loob ng isang kubo. Tapos may lumulutang na kandila? Kung nagkataon malelechon kami. Astig.

Muntik na syang matumba nung tumayo sa kinauupuan at madali ko syang inalalayan. Natigilan ako nung napansin ko ang kanyang pangangatawan. Dahil sa liwanag nakita ko ang kanyang itsura. Lubog ang kanyang mata at pisngi. Nakasuot sya ng lumang kamiseta na tumatakip sa halos buto't balat nyang katawan. Sa leeg nya ay nakatali ang panyong kulay pula na fashion statement nya dati ngunit ngayon ay tila pantago nalang sa payat nyang leeg. Nakaramdam ako ng awa. Bakit sya nagkaganun?

"Salamat." wika niya, tapos napatingin sya sa aking reaksyon. "Bakit? Masakit ba akong tignan? Nagulat ka ba ang pinagpipitagang Supremo ng Katipunan ay isa nalang pinagbalatan ng dati nyang katauhan? Sa tagal kong hindi namamatay sa mundo, natural lamang na ang ito." may diin nyang sabi na may halong pagbiro.

"Ito ang nais kong ipakita sa iyo." turo sya sa dingding sa kanyang likuran kung saan may nakasabit na kurtina na may sulat na parang pinagkatuwaan ng mga bata.

"Ano yan? Kurtina? Sayang naman bakit binaboy nang ganyan! Ang pangit tuloy tignan. Tsk."

".....Watawat yan na ako mismo ang lumikha."

"Ay wow, sa pangalawang tingin hindi mo maikakaila na isa itong obra maestra. At yung kulay, oh so perfect! Grabe maiiyak na ata ako sa bugso ng damdamin. Sigurado kayong kayo gumawa nyan at di si Da Vinci?"

"Milo?"

"Yes po?"

"Tigilan mo ako."

"....opo." maamong tupa kong sagot.

"Iyan ang unang watawat ng kilusan aking itinalaga. Iyan ang unang watawat ng Katipunan." pagpapaliwanag nya.

"...Hindi ko pa yan nakita ni minsan kahit sa mga aklat."

"Marapat lamang, dahil iyan lamang ang nagiisang kopya at ilang pagkakataon lang namin ito ginamit bago pinalitan." paliwanag nya.

Tinignan ko ulit ito nang maige. Puting tela lang ito na may pulang letrang isinulat. KKKK. Iyon lang ang nakalagay. Atin-atin lang to uh, pangit talaga. Parang kinalahig ng manok. Shhhhhh..

"Bakit apat ang K?" tanong ko.

"K.K.K.K. Iyan ang orihinal na ngalan ng samahan. Pinaikli mula sa Kanlungan ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan."

Nanlaki ang mata ko. "K-kanlungan? Ibig sabihin yung KANLUNGAN?"

Tumango sya.

"Tama ang iyong hinala. Sa Kanlungan itinatag ang Katipunan. Ako, at ang ilang orihinal na myembro ng Katipunan ay mga Napili ng Kanlungan."

Wiw. Hindi ko akalain na may kuneksyon ang Kanlungan sa Katipunan. May konti akong hinala pero nasa 65.2miligrams lang. Pero hindi ko inasahan na sa Kanlungan mismo nagmula ito. Isa itong rebelasyon na ikakabula ng bibig ni Tifa.

"Pero pinangungunahan ko ang aking sarili," wika nya" Magsimula muna tayo sa umpisa. Naalala mo paba ang kwento kung paano nagkaroon ng mga masasamang elemento sa mundo tulad ng aswang, mga halimaw at iba pa?"

"Oho, mga dati silang diyos at diyosa na pinarusahan ng Bathala para maging kampon ng kasamaan at ipinatapon sa iba't ibang sulok ng mundo. Kalaunan sila ang naging Organisasyon." sagot ko.

"Syang tunay. Pero isa lamang dagdag na impormasyon, noong unang panahon wala pang 'Organisasyon'. Karamihan sa ipinatapon ng Bathala, kasabay ng pagkawala ng kanilang maayos nakaanyuhan, nawala rin ang katinuan. Tulad ng kanilang wangis, ang kanilang pagiisip ay nahaluan ng bangis. Nawalan sila ng kakayahan ng maayos na pagiisip. Ang tangi lahat tumatakbo sa kanilang kaisipan ay ang kagutuman nila sa kapangyarihan ng bertud at paghihiganti sa salinlahi ni Malakas at Maganda. Iyon lamang ang bumubuhay sa kanila. Kung 'buhay' pa nga ba itong matatawag May ilang pagkakataon na ang ilan sa halimaw ay nakakabalik sa ating tahanang lupain at nakakapaghasik ng lagim. Ngunit ang mga iyon ay mahinang maituturing at kaagad nagagapi ng mga unang Napili kung kaya't nanatili ang mapayapang pamumuhay ng mamamayan."

"Mga naunang Napili? Kayo po ba yun?"

"Hindi. May mas nauna pa, at mas makapangyarihan kumpara sa mga Napili ng henerasyon ko at henerasyon ninyo. Mas makapangyarihan dahil karamihan sa kanila binigyan ng kapangyarihan ng ilang dyos at dyosa bilang pabuya sa mga pagtalima sa mga Misyong ibinigay sa kanila noon. At may ilan sa kanilang Pinili ng mga bertud, kilala mo na ang isa sa kanila, ang Maestro Lam-ang."

Ang tungkol doon ay bahagya ko nang nalaman sa mga leksyon sa Kanlungan, hindi ko nga lang gaanong natuunan ng pansin dahil abala kami sa paghahanda noon Digmaan ng mga Watawat. Pero maraming impormasyon na wala roon na ibinabahagi ni Bonifacio.

Naupo kaming muli.

"Ngunit kahit na karamihan sa mga halimaw ay nawalan ng pagiisip, mayroong napanatili ang kanilang katinuon. Sila ang malalakas na dyos at diyosa na namuno sa panig ng kasamaan nung digmaan para sa Biyaya. Di nagtagal nagkaipon sila ng sapat na lakas at pwera, nagsama-sama at naging organisado. Kaya nabuo ang Organisasyon. Naging mas matalino sila sa pagkakamali, hindi nila direktang nilusob ang ating lupain sa takot na mapansin ng Bathala at tuluyan silang wakasan. Gumamit sila ng ibang pamamaraan."

"...Ang mga Kastila." bigla kong sagot. Naalala ko ang kinuwento ni Magallanes. Tumango si Bonifacio.

"Ginamit nila ang mga Kastila upang makapasok sa ating lupa. Tinulungan nila ito upang masakop tayo. Sinira nila ang mga anito, pinatay ang mga babaylan, ito ay upang maiwaksi ang mamamayan sa paniniwala sa luma nating mga diyos. Kapag humina ang pananampalataya ng mga tao, hihina rin ang kapangyarihan at ugnayan ng mga dyos sa atin, dahilan kaya hindi nila tayo naipagtanggol. Ang unang bugso ng pananakop ay napigilan ni Maesto Lapu-lapu na estudyante noon ni Lam-Ang. Ang ibang Napili ay lumaban rin, ngunit masyadong marami ang kanilang katunggali kaya ang ilan sa kanila ay pumanaw sa pakikipagdigma. Huli na ang lahat. Nasakop na tayo."

Nakaramdam ako ng lungkot nang marinig iyon ngunit may isa pa akong narinig na pumukaw sa atensyon ko.

"Teka, si Maestro Kwatro at mag-aaral ni Lam-ang?! Hindi ko pa ata naririnig yan uh!"

"Kasasabi ko lang kanina kaya malamang narinig mo na."

Oo nga pala.

"Pero hindi naman sila mukhang nagkakasundo uh."

Kumamot sya ng ulo. "Hindi ko alam ang dahilan ngunit sa aking pagkakaalam ganun na ang kanilang relasyon simula't sapul. Ngunit kahit naroon ang respeto nila sa isat isa bilang mandirigma. Maaari ko namang ipagpatuloy?"

"Sige po, shut muna ako uli." takip ko sa bibig.

"Ang sumunod na ginawa ng Organisasyon ay pinaghahanap ang mga Napili."

"Hindi ang mga bertud?"

Pinanliitan nya ako ng mata sa pagsabat ko agad kahit sabi kong tatahimik na muna ako, pero hinayaan nya nalang.

"Kahit mahanap nila ito, hindi nila ito magagamit. Kaya mas inuna nila ang mga Napili. Karamihan sa kanila ay kabataan at hindi pa marunong lumaban. Mas madali kasi iyon. Ang tingin nila hindi nila mapapakinabangan, pinapatay o kinakain ng mga myembro."

"Parang nagaganap ngayon." obserbasyon ko.

"Tama ka. At dahil sa pangyayaring iyon, nanganib maubos ang mga Napili, kung kayat gumawa na ng habang ang mga naunang hererasyon ng mga Napili, hinanap nila ang mga Napili at palihim na itinago para sanayin. Si Maestro Lam-ang at ang mga makapangyarihan mandirigmang sina Banna ng Kalinga(*2), Labaw-dongon ng Bisaya(*3), Prinsipe Bantugan ng Maranao(*4), Sandayo ng Subaon, Kundaman ng Palawan(*5), Tanagyaw ng Agyu(*6), Tulalang, ang tagapaslang ng dragon(*7), Tuwaang ng Manobo(*8), Baltog, Handiong at Bantong ng Ibalon(*9) at iba pa ay nagsama-sama upang itatag ang Kanlungan." may pagmamalaki nyang sabi.

".........."

".....Pwede ka nang mabigla at humanga ngayon."

"Ay dapat ba mabibigla ako? Kung ganun, HUWAAW! ASSTEEG! RAKENROL!.. Errr. Sino ho ba sila? Sorry po, diko sila kilala eh." kamotanga ko uli. Wala talaga akong ideya eh.

"...Sino ang unang presidente ng bansang Amerika?" bigla nyang tanong

"Alam ko yan! George Washington! Napagaralan ko yan dati sa History eh!" buong pagmamalaki kong sagot. Alam kong tama ako at kumpyansa ako sa napagaralan ko. Minsan lang iyon eh.

Nabasag ang kumpyansang iyon sa dilim ng mukha ni Bonifacio. Palabiro sya ngunit hindi ko dapat malimutan na sya ang pinuno ng himagsikan. Isang taong hindi mo dapat galitin.

"Alam mo ang kasaysayan ng ibang bansa ngunit hindi mo kilala ang mga bayani ng epiko ng ating bayan. Nalulungkot ako sa kalagayan ng pagpapahalaga ng henerasyong ito sa ating kasaysayan."

Hinampas nya yung mesa. Langya, trick question pala yun, kainis. Pero sa totoo lang hindi ako natakot dahil tila hindi naman sa akin nakatuon ang galit nya kundi sa pangkalahatan. Oo kasama ka run. Akala mo ligtas ka dahil nagbabasa ka lang uh.

"Hindi naman naituro sa amin yan sa paaralan... Ata." depensa ko.

Bumuntong hininga sya. Wala na ang galit at tila napalitan ng lungkot.

"Yun nga ang ikinalulungkot ko. Hindi na bale, makikilala mo rin sila nang personal sa mga susunod na pagkakataon." ngumiti sya bilang dispensa marahil sa inasal nya at nagpatuloy. "Nagpatuloy ang ganoong sitwasyon ng ilang siglo, sa likod ng pamumuno ng Kastila may nagaganap na madugong gyerang lingid sa kaalaman ng karamihan. Organisasyon laban sa mga Napili ng Kanlungan. Ngunit tayo ay lumaban ng digmaang walang pag-asa manalo. Bagamat nakikibaka ang ating ninuno gamit ang buo nilang husay, kaalaman at kapangyarihan, natabunan ito ng dami ng kanilang katunggali. Halos umabot na sa sukdulan at muntikan na tayo madapa sa nakaambang pagkatalo. Hanggang dumating ang henerasyon naming mga Napili."

Huminto muna siya at tumingin sakin. Sa gilid ng kaniyang labi may matatanaw kang bakas ng ngiti. Ngiti ng batang nais ipagmalaki ang bagong laruan ngunit nagpapanggap na inosente lamang. Kahit ano pa man ang sabihin nya hinanda ko ang aking professional gulat technique, para maging makatotoohan ang gulat ko kapag sinabi nya na. Upang hindi maulit ang pang famas na eksena ng pagkagalit niya.

"Bonifacio, Rizal, Luna, Aguinaldo, Sakay, Mabini, ilan lamang iyan sa pangalan ng mga Napili ng Kanlungan nung aking henerasyon. Siguro naman kilala mo na ang mga ngalang yan?"

Napatayo ako sa aking kinauupuan at bumagsak ang upuan sa sahig. Nanlaki ang aking mata at nanginginig ako sa pagkabigla.

Hindi ko na kailangang magpanggap... Nagulat talaga ako.

•••••••••••

(*1) Andres Bonifacio y de Castro.
(Nov. 30, 1863 - May 10, 1897)
Kilala rin bilang:
Supremo, Anak Bayan, Agapito Bagumbayan, Ama ng Himagsikang Pilipino, Dakilang Maralita, Unang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.
-ipinanganak sa Tondo, Manila at napatay sa Maragondon, Cavite.
Ikinasal kay Gregoria de Jesus a.k.a Lakambini, Oriang. Nagkaroon ng anak na pinangalanang Andres Bonifacio y Jesus(very imaginative) ngunit pumanaw noong sanggol pa lamang.
Itinatag ang Katipunan para labanan ang mga Kastila.

Actually maraming kontrobersya tungkol sa kanyang buhay mas lalo na kanyang kamatayan. Pinapatay daw sya ni Aguinaldo dahil sa pagtataksil sa bayan, pero para raw ito sa pagnakaw sa posisyon ng presidente. Ayaw kasi ng mga laking mayaman sa gobyerno na isang laking maralita ang mamumuno sa kanila.

Hindi ko idedetalye ang iba. Mas gusto kong alamin nyo ito sa sarili nyo. Learn history guys. Napaka makulay. Nakakabaligtad ng pananaw.

(*2) Banna
Origin: Kalinga

Isa sa mga bayani ng epiko ng ating bayan. Nakapaloob ang kanyang kwento sa Ullalim. Isang kanta/tula na nasalin-salin sa mga taga Kalinga sa loob ng maraming siglo. Kung babasahin mo lang ito nang tuloy-tuloy aabutin ka ng 2-4 na araw.

Papahapyawan ko lang ito dahil pahapyaw lang din syang nabanggit. At wala akong tyaga na magsulat nang babasahin mo ng 2-4 raw. Rakenrol.

Tungkol ito sa kwento ni Banna na ipinanganak ng nanay nyang nabuntis dahil sa pagnguya ng nganga wtf. Nung tatlong taong gulang palang sya bigla syang lumakas dahil sa pangaasar ng mga agta. May kulang dugo syang ulap na nasasakyan na parang kinton cloud ni Goku at isang palakol na ang pangalan ay Diwaton na sumusunod sa bawat utos nya. Stay. Play dead. Mga ganun. Wag lang shake hands, mapuputulan ka ng kamay.

Yan lang muna.

(*3) Labaw Dongon
Origin: Bisaya, Hiligaynon.

Bayani ng epiko na makapangyarihan. Mayroon syang bolang kristal kung saan nagkaroon sya ng supernatural sight. Hindi ako gaanong maalam sa istorya nya, pero may tumatak sa aking isipan.

May dalawa syang asawa at nakipaglaban sya nang patatay para maagaw pa ang asawa ng iba.

Isang tunay na romantikong bayani.

Ating syang tularan. Rakenrol.

******

Hinto ko muna yung eksplenasyon at ihahabol ko nalang sa susunod. Pati yung mga nagvotes. Unahin ko munang iUD to. Tatlong updates to kaya pabasa lahat

Please vote nyo lahat ng chaps thx.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top