KABANATA XLIX - Lihim na Kasaysayan
"S-sila ang mga pambansang bayani natin! Mga Napili rin sila?!" Reaksyon kong pangfamas.
"Oo, pero kumalma ka at maupo. Ayoko nang tinititigan ako pababa."
"Huh? Ah ok paumanhin." naupo ako at kinalma ang sarili.
"Wala parin sa aking pagtanggap ang matawag na isang pambansang bayani, ginawa langamin ang nararapat." nagkibit balikat sya" pero oo Napili rin sila. Hindi ba inaasahan mo na iyon?" tanong nya sakin. Nung una hindi ko ito naintindihan hanggang sa napasangayon nalang ako.
"Pumasok na sa isipan ko yan dahil ang sabi sa akin ay ang mga Napili ay may katangi-tanging katangian... Ummm.. Parang ganun." sagot ko. "At nung nakilala ko ang Maestro Kwatro, GDP, pati narin kayo, naisip kong hindi malayo na Napili rin sila. Pero nakakagulat parin malamang tama hinala ko."
Nanghingi muna sya ng tubig sa pitsel sa may ref (oo may ref) na inabot ko sa kanya. Binasa ang lalamunang hindi sanay magamit ng ilang taon bago nagpatuloy.
"Ang herenasyon namin ang namumukod-tangi sa lahat, sumunod sa henerasyon nila Lam-ang. Mga halimaw ang mga iyon.Bawat isa amin ay may angking talento't kasanayan na magiging susi ng pagkapanalo sa gyera laban sa Organisasyon. Bukod dun, lima sa amin ang Pinili kabilang ako. Kami ang pinaka matapang, mahusay, matalino. Kaya ang henerasyon namin ay tinawag na-"
"Generation of Miracles?"
"Generation of Miracles. Huh?"
"Meron din ba kayong lihim na ika-anim na Pinili ng Bertud? Taga suporta lang ganun? Tagapasa ng bala ng kanyon?"
"Ulupong! Anong pinagsasabi mo? Ginintuang Herenasyon ang tawag sa amin."
Umakto sya na hahampasin ako pero hindi ito dumating. Siguro kasi hindi abot. Saka nakkatamad tumayo pa para lang dun.
Nagkibit balikat ako.
"Mas ok yung generation of miracles eh, pero sige lang ho tuloy nyo na yung kwento. Ay saglit, sino po pala yung mga Pinili sa inyo?"
Kumunot ang noo nya tumingin sa itaas. Sinundan ko ito ng tingin pero kandila lang ang nakita ko. Iyon pala nagiisip lang sya.
"Ako ang unang Pinili ng bertud. Sakin ang Bertud ng Katapangan. Sumunod si Pepe na Pinili ng Bertud ng Karunungan. Bertud ng Kadalisayan naman kay Mabini. Yung dalawa.... Hindi ko na matandaan, kailangan mo ba talagang malaman?"
Pinagisipan ko ito at umiling.
"Ok lang po kung di nyo matandaan, ganun talaga pag gurang--err matanda na. Hindi naman ko pa naman po siguro kailangan yung impormasyon na yun, itatanong ko nalang kay Maestro kapag nagkataon."
Matalim nya akong tinignan ngunit hindi pinansin ang kumento ko.
"Itinatag namin ang K.K.K.K. bilang isang samahan ng aming henerasyon na ang layunin ay lupigin ang Organisasyon at palayasin ang Kastila sa mayumi nating lupain. Kung bakit puro K ang ginamit namin, isinunod namin ito sa unang letra ng Kanlungan at ng mga bertud."
"Bakit naging K.K.K. nalang?"
"Nung lumaon naisip naming tanggalin ang unang K upang walang maiuugnay na kuneksyon ang Katipunan sa Kanlungan. Isa itong lihim na institusyon at pinapangalagaan naming hindi makalabas ang anumang impormasyon ukol dito. Maging ang pagiging Napili namin ay lihim. Mas lihim pa sa pagiging myembro ng Katipunan. Sa loob ng Kanlungan lahat kami ay magkakapatid ngunit sa labas na mundo, hindi kami direktang magkakakilala."
Bukod dun may naisip pa akong dahilan, ngunit baka nagkataon lang. Ang mahahalagang bagay ay madalas na nakagrupo sa tao. Tatlong kahilingan, tatlong hari, tatlong bibe, tatlong bituin sa bandila at higit sa lahat, tatlong bibe.
"Ngunit kahit kami ang ginintuang henerasyon, hindi namin kakayanin labanan ang dami ng kalaban. Hindi kami hangal sasabak sa gyera na kulang ng bala. Kailangan namin ng tao. Kailangan namin ng mga sundalong lalaban nang sabayan sa bilang nila. Kailangan namin ng isang himagsikan."
"Ano hong ginawa ninyo?"
Ngumiti sya na tila inaalala ang masayang nakaraan. Na medyo wirdo dahil digmaan ang pinaguusapan.
"Si Pepe ay isang henyo." Masayang may halong lungkot ang boses niya nang sinabi nya ito. Kung tama ang pagkakatanda ko. Si Pepe ay si Jose Rizal.
Hindi ko napansing lumalapit na pala ako sa dulo ng upuan upang marinig nang maayos... Teka, kung di ko napuna, bakit napansin ko? Ah ewan!
"Ako ang naging pinuno ng samahan dahil ako ang naunang Pinili ngunit alam naming lahat na si Pepe talaga ang tunay na pinuno. Sya tagapagplano, ako lang ang maguutos at kaming lahat ang kumikilos. Sya ang puso at utak ng samahan, kami ang katawan. Kaya nung nasasaklad kami sa kaiisip ng solusyon sa aming problema, sya ang nagbigay plano."
"Gagawa sya ng mga nobela. Nobelang naglalayong buhayin ang kamalayan ng ating bayan. Nobelang mumulat sa mga matang pilit ipinipikit upang hindi makita ang sakit na pumapatay sa bansa. Nobelang bubuhay sa apoy ng himagsikan sa puso ng bawat Pilipino. Kami naman ang kukumbisi sa kanilang umanib sa nuo'y lihim na kilusan para labanan ang Kastila. Kapag wala na ang mga Kastila, madali na saming mga Napili na gapiin ang tunay na kalaban."
Maging ako ay nadamay sa kanyang maemosyunal napanbabalik tanaw. Noli at El Fili. Novelang naging sanhi ng rebolusyon sa aking utak. Nobelang sa paglipas ng matagal na panahon, kailangan paring gawan ng buod ng mga estudyante.
"Naging matagumpay ang plano. Maraming umanib at sumuporta sa kilusan. Nagkaruon maliliit na pagtutuos na ating napanalunan. Ngunit gaya ng sabi ko, maliliit lang ito. May baga na ang paghihimagsik. Kailangan namin na isang pangyayaring papaypayin sa baga upang sumibol ang malaking apoy."
"Ang pagkamatay ni Rizal? Dahil ba run kaya sya namatay? Isinakripisyo nya ang kanyang sarili?" madamdamin kong tanong.
"Tama at mali."
"Anong ibig nyong sabihin?"
"Tama dahil sa pagsasaripisyo nya naisakatuparan ang layunin ng Katipunan. Nagkaroon ng isang malaking pagkilos at nakamit natin ang kalayaan sa Kastila, at natalo natin ang Organisasyon. Mali dahil hindi pa patay si Pepe. Buhay pa siya. Itinakas namin siya ni Emil bago pa man bitayin. Pinalitan sya ng isang kaanib naming engkanto na kayang manggaya ng anyo. Ibinigay nya ang huli nyang sinulat, ang 'Mi Ultimo Adios'(*1) sa engkanto upang hindi paghinalaan na hindi sya si Pepe at makikita nilang may 'isinusulat' ito, na tinago sa isang lampara. Lahat ng ito ay nakapaloob sa kanyang plano."
Matapos nyang ipaliwanag ito natahimik ako. Lahat ng iyon plano ni Rizal. Isang napakalaking plano na tumagal ng ilang taon. Hindi ko lubos maisip kung ilang hakbang ang kinailangan, ilang piyesa ang iginalaw, para mapagtagupayan ang planong ito.
Tila nababasa ang aking isip, nagsalita si Bonifacio.
"Tulad ng nauna kong sinabi, si Pepe ay isang henyo."
"Nasaan po sya ngayon?" nasasabik kong tanong. Ang ideya makikita ko ang pangunahing pambansang bayani natin ay isang pangarap ng karamihan. Kung makikilala ko sya, isa itong pangarap na natupad.
"Walang nakakaalam."
At lumipad na ang pangarap.
"Huh? Di po ba itinakas nyo sya? Saan sya napunta matapos yun? Hindi sya sumama sa inyo?"
Umiling ito.
"Pinili nyang lumayo sa kaguluhan dahil ang sabi nya may dapat pa syang kaharapin, hindi nya pinaalam kung ano ito. Isang araw nagising na lamang kami na wala na siya, nagiwan lamang ng sulat ng pamamaalam at pangakong pababalik. Mamula nuo'y wala na kaming natanggap na balita mula sa kanya."
"Pero ang sabi nyo diba buhay pa sya? Paano kayo nakakasiguro na buhay pa sya kung wala na kayong balita mula sa kanya?" gulong gulo ang isipan ko nang itinanong ito.
"Dahil kaibigan ko sya kaya alam kong buhay pa sya." derecho nyang sagot. "Wala akong pinanghahawakang katibayan ngunit naniniwala akong naglalakad pa sya sa mundong ibabaw."
Tumango ako. Hindi ko maipaliwanag pero naniniwala ako sa kanya. Kung buhay pa sya, pakiramdam ko noon ay magkakadaupang palad din kami.
"Maiba tayo, nainom nyo ba ang kape na gawa ni Emil? Yun ang orihinal na kapeng timpla ni Pepe."
"Ahh, sya ba yung tinutukoy ni Jacin--err Ginoong Jacinto? Masarap yun!"
Kaya pala ganun nalang ang reaksyon nya nang ikinuwento nya ito na parsng nalulungkot. At kaya pala parang nakakagaling ito dahil gawa ng doktor nating bayani.
"Syang tunay itong naguupaw sa sarap at sustansya. Ang tawag namin rito ay Kapepe! O Kape ni Pepe!" buong pagmamalaki nyang sabi.
".........."
"..........."
Wala akong masabi. Awkward. Galing nga talaga sya sa Kanlungan at mukhang pati pagpapangalan ng mga bagay-bagay ay naituro sa kanya ni Lam-ang.
Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pero sa isipan ko napanood ko ang isang patalastas kung saan umiinom ng kape si Rizal kasama si Josephine Braken(hindi ko alam spelling). At sinambit ni Rizal, 'Ang sarap naman ng Kapepe mo.' sabay kindat.
Hindi na ako iinom ng Kapepe.
Huwag nyo rin ako isuplong sa kulto nya baka tugisin ako nun.
"Anong nangyari sa ng gyera nyo sa Kastila? Bakit... Napunta ka rito?" Sadya kong binago ang usapin. Agad nya itong sinagot.
"Dumating ang punto na malapit na ang aming pagpapatalsik sa kanila. At nagkaroon ng pagbubunyi ang mga Napili nung natalo namin ang pinuno ng Organisasyon sa kanilang hanay. Sa wakas, makalipas ang tatlongdaang siglo, kahit naruon pa ang kastila, malaya na muli ang bayan sa kuko ng Organisasyon.... Yun ang aming akala. May mas malaki pa palang dagok na naka-ambang."
Tumingin sya sa mga mata ko.
"Ang pagdating ng mga Amerikano."
Napailing ako. Pagkatapos ng isang kalaban, isa naman ang pumalit. Mas malakas pa ang pwersa.
"Dahil rin yan sa Organisasyon?" tanong ko.
Tumango sya.
"Habang patuloy kami sa pakikipaglaban at lango sa ideya ng pagwagi, kumikilos ang Organisasyon sa likod ng eksena upang mapaglaro sa kanilang galamay ang mga Amerikano. Gamit ang matatamis na salita ng pakikipagkaibigan, sinakop nila tayo at nanumbalik ang hawak sa atin ng Organisasyon."
"Hindi nyo ba sila kayang labanan?"
"Sinubukan namin, ngunit kami ay sugatan, literal at emosyonal sa nakaraang digmaan. Ang mga tao ay pagod na sa tila walang hanggang labanan. At ang pinaka naging tinik sa aming lalamunan, ay ang mabuting pagtanggap ng ilan sa mga kalaban dahil hindi nila alam ang katotohanan. Bukod pa roon, sa bagong tinatatag naming pamahalaan, may mga nakapasok na tuta ng Organisasyon. Wala kaming ebidensya kung sino sila pero sigurado akong merong taksil sa aming hanay. At ang misyon nila ay ang buhay ko at ng bertud. Dahil ako lamang ang hayagang gumamit ng bertud sa pakikipaglaban. Alam nila na isa akong Pinili."
"Si Emilio Aguinaldo!" tahasang kong pasok. "Sya ba yung traydor? Yun ba ang dahilan kung bakit nagkaroon kayo ng pagtatalo? Kung kaya inagaw nya sa iyo ang pagkapangulo at ipinatapon ka nya rito?"
Teka parang mali. Kung sya ang taksil, bakit pinagawa nya ang Lupa ng Hinirang?
"Hindi. Hindi sya traydor. Oo may sama sya ng loob dahil ako ang pinili ng Bertud at hindi siya, pero hindi sapat iyon upang magkalamat ang aming pagiging magkapatid ng Kanlungan. Hindi totoong nagkaroon kami ng pagtatalo. Lahat ng iyong palabas lamang"
"Kung ganun, anong tunay na nangyari?"
"Nagpanggap kaming nagtalo at nagkawatak para sa pamumuno ng bansa. Nahati sa dalawa ang katipunan. Ngunit ang totoo nito ay para makatakas ako at makapagipon ng puwersa at tao, habang siya naman kasama si Mabini ay hahanapin mula sa loob ng pamahalaan ang mga alagad ng Organisasyon. Kapag nagtagumpay sya, magsasanib muli kami ng pwersa at lalabanan ang mga Amerikano at Organisasyon."
Napaisip ako. Isa itong disenteng plano. At epektibo dahil buong kasasayan ay napaniwala. Pero iba ang epektibo sa nagtagumpay nang tuluyan.
"Hindi ito nangyari." ani niy. "Nahalal sya bilang pangulo, iyon ay kabilang sa aming plano, ngunit hindi namin inaasahan na karamihan sa pamahalaan ay kaanib na ng Organisasyon sa pamamagitan ng amerikano. Nabulag sila sa pangako ng nakakasilaw na salapi at ibinenta ang bayan. Kahit sya ang pangulo, hindi sya ang tunay na namahala sa bansa. Walang sumusunod sa kanyang utos. Isa na lamang syang palamuting pangulo. Kung kayat wala syang nagawa nung sinalakay ang pwersa ko sa aming pinagkukublian. Karamihan sa amin ay napatay. Kabilang ang aking lakambini.... Ang pinakamamahal kong si Oryang(*2)."
Bumagsak ang kanyang mukha. May bahagi sa aking puso na nakisimpatya sa kanya.
"...Ikinalulungkot kong marinig yan, nakikiramay po ako."
Umiling sya.
"Ayos lamang, matagal na itong naganap. Buhay pa naman sya sa aking puso, yun ang mahalaga.... Naaalala mo paba ang panaginip mo? Tungkol dun sa parteng babarilin ka sa isang liblib na pook?" bigla nyang tanong.
Nagisip muna ako bago sumagot. Ang ikatlong eksena sa paulit-ulit kong panaginip. Yung babarilin ako at kasama kong lalaki ng ilang kalalakihan habang nakagapos ang aming kamay.
"Naalala ko nga ho yun. Pagputok ng baril saka ako nagigising. Kung anong nangyari matapos yun hindi ko na alam dahil nagigising na ako. inakala ko nalang na namatay ako sa panaginip ko."
"Hindi lang iyon basta panaginip. Iyo ay akin ding ala-ala. Yun ang panahong hinatulan kami ng kamatayan ng aking kapatid na si Procopio. Tulad mo inakala ko rin na iyon na ang aming kamatayan nung ipinutok nila ang riple. Ngunit hindi kami ang kanilang inasinta kundi ang ilang kasamahan nilang lihim na espiya ng Organisasyon. Inatasan sila ni Aguinaldo na iligtas kami at itakas sa tiyak na kamatayan. Dinala nila kami sa bundok na ito kung saan naghihintay si Emilio(Jacinto). Ayon sa kanila, ang pakiusap ni Aguinaldo ay magtago ako rito hanggang sa matapos ang kaguluhan. Bumalik sila para ipamalita ang aming 'pagkamatay'"
Klak. Isa-isa nang nailalagay sa tamang posisyon ang mga pyesa. Nahahawi na ang hamog ng katanungan at lumilinaw na ang daan.
Pero seryoso, Procopio? Salamat Bathala at pinanganak ako sa henerasyong hindi sobrang luma ang pangalan at hindi rin sobrang bago na koreano na ang tunog. Pero mas ok narin Procopio kaysa sa Policarpio. Pfftt.. Aykentiben..
"Si Jacinto nakita ko na kanina. Pero yung kapatid nyo nasaan? Narito rin po ba"
Tumingin sya sa lamesa. Nandun ba kapatid nya? Wala syempre.
"Para mailigaw ang mga kalabang maaring sinusundan ang aming naiwang bakas humiwalay sya sa amin ng landas, gaya ng napagkasunduan, kinabukasan binalikan sya ni Emil... O ang mga natirang bahagi nya."
"...Isa syang bayani."
"Syang tunay. Mas bayani pa syang maituturing kumpara sa akin."
Saglit na katahimikan ang nangyari para sa kanyang dakilang kapatid. May isang minuto bago ako nagtanong muli.
"Bakit narito parin kayo hanggang sa ngayon? Bakit hindi ka umalis dito nung medyo lumamig na ang gulo? Pati ang mga taga Kanlungan, hindi ba nila alam na narito kyo at hindi ka nila tinulungang tumakas?"
"Dahil ito mismo ang aking kagustuhan... May mas malalim na dahil kung bakit mas pinili kong magtago. Dahil ang aking bertud, nawalan na ng bisa."
Bigla akong nanlamig at pinagpawisan.
"Paanong nawalan ng bisa? Wala nang kapangyarihan?!"
Ang di ko maitanong, wala rin bang silbe ang pagtungo namin run?
"Hindi ito tuluyang nawalan ng kapangyarihan. Hindi tulad ng sapantaha mo. Mas tamang sabihing nahimbing ito pansamantala."
Napabuga ako ng hiningang di ko napansing pinipigilan ko. Pinunasan ko ang aking pawis gamit ang braso. Nahimbing nang pansamanta. Hindi ko alam kung ano ibig sabihin nun pero mas mainam yun kaysa tuluyang di gumana.
Tapos bigla kong naalala ang paguusap namin ni Lapu-lapu, bigla lang ding nawalan ng bisa ang kanyang bertud. At sa pagkakatanda ko, may ilan paring bertud sa Kanlungan na wala pang napipiling Pinili.
Ilan kaya run ang kabilang sa bertud ng Generation of Miracles?
"Nahimbing? Natutulog ganun?... May pagkatamad pala yan eh."
"Oo parang ikaw."
"Tsuk, aray naman. Pero bakit ganun? Anong dahilan at bakit nagkaroon ito ng attitude problem?"
"Isa lang naman ang dahilan kung bakit nawawalan ng bisa ang Bertud kahit nasa kamay ito ng isang Pinili. Yun ay dahil may kinikilala na ito ibang Pinili na mas karapat-dapat."
"Sino naman?"
Tumaas ang isang kilay nya.
"Hindi pa sya pinapanganak nung panahong iyon."
"Haaaaahhh? Anlabo nyan men. May pinili na pero hindi pa pinanganak? Ano yun, super fetus? Libag palang ganun? Pinilibag?"
Napabuntong hining sya na parang gusto akong sipain.
"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, pero alam ko dahil ako bahagi ng katauhan ko ang bertud." hinawakan nya ang dibdib nya "May isang matinding paghahangad nag nanggagaling sa bertud na sumasalamin sa aking kaluluwa. Paghahangad sa tunay nyang may-ari na nabubuhay sa hinaharap. Sa mas malalim na bahagdan ng pagkaunawa nagkaroon ako ng premonisyon na balang araw darating ang tunay na Pinili ng aking bertud at gagamitin nya ito nang mas mahusay pa sa akin. Habang hindi pa dumarating ang panahong iyon, katungkulan kong pangalagaan ang bertud. At sa bilang kapalit di napapatid ang pisi ng aking buhay."
Sa madaling salita, nagtitipid ng baterya ang bertud at nagkakarga para pagdating ng Pinili sa hinaharap, full batt na. Ganun ba yun?
Pero kahanga-hanga na maging ang hinaharap ay nasasaklaw ng kapangyarihan ng bertud.
Napaismid ang Supremo.
"Nakakatawa lang na may halong lungkot. Sa tagal ng paggamit ko sa bertud, nang malaman kong hindi na ako ang kanyang Pinili nakaramdan ako ng konting selos. Para akong tinalikuran ng isang kaibigan. Pero batid kong iyun ang nararapat, at yun ang dapat talimaan."
Tinignan nya ang kamay na at tumango, tila kinumbinsi ang sarili nya sa kung ano mang dahilan.
"Sa tulong ni Jacinto na aking kumpidante, ang mga pangangailangan ko para mabuhay ay napupunan." pagpapatuloy nya. "Sya rin ang nagbigay daan upang magkaroon ng ako komunikasyon sa Kanlungan at kay Aguinaldo, at sila ay sumangayon sa aking kagustuhan. Sa pakiusap ko isinulat ni Aguinaldo ang Lupa ng Hinirang na nakabase sa mga patibong na ginawa namin rito, na naging Lupang Hinirang na alam nyo ngayon. Si Magallanes ay inilipat rito bilang bilanggo at tagapagbantay. At isinulat ko ang liham na inutos kong ilagay sa tuktok ng aking monumento. Pagkatapos nun ay paghihintay. Matagal na paghihintay."
Pinanghawak nya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa at tinignan ako sa mata. Parang posisyon ng isang hepe habang hinihimay sa tingin ang isang salarin. At sa titig nya sa akin, hindi lang nya ako hinihimay kundi ginigiling pa.
Tumulo ang pawis ko sa noo.
"Makalipas ang mahigit isang daang taon ng pagkakakulong ko rito, ipinanganak ka." wika nya.
Napalunok ako ng laway.
Matutuklan ko na ang kwento ng aking nakaraan.
••••••••••••••••••••••
(*1) Mi Ultimo Adios:
eng: My Last Farewell
Isang tula na isa sa huling isinulat ni Jose Rizal bisperas ng kanyang kamatayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896 sa kanyang kulungan. May isa pa syang isinulat na natagpuan sa kanyang sapatos ngunit hindi na ito mabasa kung kaya't wala pa ring nakakaalam hanggang ngayon kung ano ang nilalaman nito. O yun ang pagkakaalam nila (--,)
Wala itong titulo, ang una nitong titulo ay 'Mi Ultimo Pensamiento" (My Last Thoughts) na ipinangalan lamang ni Mariano Ponce na kaibigan ni Rizal na nasa Hong Kong noong nakatanggap sya ng kopya nito sa kanyang Twitter account. Pero dahil tunog 'Huling Real Talk' ang dating nito, hindi ito nag viral. Hanggang sa ipinost ito sa isang issue ng 'La Inpedendencia'(isang bagay na naaral nyo na dapat noong HS) noong ika-25 ng Septyembre, 1898 sa titulong 'Ultimo Adios'.
Ilalagay ko sana ang kopya nito rito pero dahil sa aba nito wag nalang. Search nyo nalang haha.
(*8) Oryang/Oriang:
Gregoria Álvarez de Jesús
(9 May 1875 – 15 March 1943)
Ang maybahay ni ka-Andres. Sya rin ang nagtatag at naging bise-pangulo ng babaeng bersyong ng Katipunan at tagapangalaga ng mga importanteng dokumento ng Katipunan. Sa pagpanaw ni Boni, napangasawa nya si Julio Nakpil. search nyo nalang kung sino sya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Dito ko ilalagay yung mga nagflood votes. Sorry kung now ko lang nahabol sa super busy. Salamat sa inyong lahat.
syrranydahlia, LaiChii, Aubeeng, kristabeer, freiiincessnielso, minwooian, arlenelindayen, BlasckMock_02, NaomiGailPantajo, berdenuebe, janiceannpablogarcia, LaurencePantalunan9, Iris_Chrome, MissGalaxy54, Jinone_08, MalynVarron, kenonyx1234567890,AlienLoLo, enial03, MsZeii23, Tiiben, Roldee, epogonhysrene, Aleckyuut, elemenopikyuar, futureself123, joypaculanan18, misstaken14, sophia_nicholas, midnightsun418, JaysonJ069, JohnDenielGonzales, BlyandYves, Jahrae, allanbrix08, moshluv, DeniseCatrineBautist, DalandanPunch, MushyYumMarshmallows
At lilyeunice_12 na halos lahat ng chapter naka 7 comments sya. chalamuch. next time ko sagutin pm mo, busy pa eh haha
Salamat sa lahat, malapit na mag 250k read ito. Magpapalabunutan ako pag nagkataon. ang mananalo may limited edition sintas para sa Rambo tsinelas. in 4 different color, OH wow So emeysing!
Please keep on voting, sharing and following, para po ito sa kaligtasan ng universe. SALAMUCH!
This week yung UD. i think.. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top