KABANATA XLIII - May Tatlong Lata Akong Nakita
Ok, para hindi ninyo sabihing tamad ako, na totoo naman, ilalarawan ko sa inyo yung mga kalaban namin. Makinig kayo bata. O magbasa, wateber. May pagsusulit tayo mamaya.
Bukod kay Magellan, apat ang kalaban namin. Yung mga malignong isinilang sa pader. Nalaman ko yung uri nila matapos ang pangyayaring ito, para sa inyo iisa-isahin natin sila.
Ang una ay isang Gisurab(*1). Isang higanteng tao. Parang kapre, pero hindi mo makikitaan ng talino sa mga mata. Isipin nyo na nakahubad si Pepe Smith, ganun ang itsura nya... Uhhh wag nalang pala, burahin nyo na sa isipan nyo yun. Rakenrol.
Kung kumilos ito para syang lumabas na sa isang eksena ng Attack on Titans. Oo tama, para syang titan! At kagaya ng mga titans, mahilig din syang kumain ng tao. Yipee!
Marindaga(*2) yung nasa tabi nya. Nung una akala ko sirena ito, pareho silang kalahati isda, at katawan ng babaeng tao sa pangitaas, ang pinagkaiba nila ang sirena nanglulunod. Ang Marindaga nanlulunod, saka ka kakainin. Taotarian ang usong diet sa kanila. Matuto tayo sa kanya ng table manners mga bata.
Ang kanyang kaliskis ay makulay at matalas. At ang itsura ng babae, harinawa, kamukha ni Jessy Mendiola! Badtrip. Makikita ko lang si Jessy, amoy isda pa. Tapos nangangain pa. Literal na nangangain uh, wag kayong ano.
Sa itaas may lumilipad na Mangmangkit(3*). Isa itong nakakatakot na malaking ibon. Pero teka lang kaibigang Milo, ano naman ang nakakatakot sa isang ibon? Para sa kaalaman nyo mga bata, kakaiba ang itsura ibon na ito, kahit siguro sya hindi nya alam kung paano nya ipapakilala ang sarili nya sa unang araw ng klase. Kasing laki ito ng malaking paniki, ang ulo nito ay wangis bubuli na may pulang mala batong mata. Ang buntot nya ay mabuhok. Ang paa ay sinlaki ng sa tao at anyong pang-unggoy. Ang matindi sa lahat and dila nito ay ga-kwerdas lang ng gitara. Tipong paano ka didila ng ice cream nun?
Nakainom kana ng buko juice sa mismong buko? Isipin nyo ulo ninyo yung buko, at yung dila yung straw nya na nakatusok sa bumbunan ninyo. Natakot kana? Dapat lang.
Ang huli ay isang itim na anino na kung tawagin ay Buso(*4). Linawin ko lang, hindi sya naging bise-presidente. Medyo mahirap syang makita dahil sa dilim ng lugar pero malamang napanood nyo na sya dati sa detective conan. Sya yung itim na laging gumagawa ng krimen dun. Malamang napunta sya sa kweba dahil wala na syang raket dahil naka unli replay ang anime sa GMA-7. Kung naghahanap kayo ng forever, manood ng anime dun, forever inuulit mga episodes.
At yan mga bata, ang mga alipores ni Magellan. Nakapaikot sila sa amin. Sa gilid ng aking isipan nakaramdam ako ng kaba pero may parte sa utak ko na umaasang kapag napalibutan nila kami nang tuluyan bigla silang maghahawak-kamay at kakanta ng "heal the world" ni Michael Jackson habang nakangiti at iyon ang magiging simula ng maganda naming pagkakaibigan. Pero hindi ito naganap. Ganun talaga, may mga bagay na di itinakda.
"Sh*t." mahinang usal ni Tifa.
"Wag kang matakot binibini." alo ni Noli. "hindi ko kayo pababayaan, hindi ko hahayaang masaktan."
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Hindi ako natatakot! Nalowbat yung digicam ko kung kailan marami-rami akong kukunan. Badtwerp!"
"Ahh... Ok." yan, pahiya konti.
Nilabas namin ang aming mga sandata at hinintay ang susunod nilang hakbang. Ngunit wala silang ginawa, hindi nila kami inatake at parang inooberbahan kami. Nakaabang din sila sa lalaki sa aming harap, tila inaabangan ang kanyang ipaguutos. Ganun na rin ang, ginawa namin.
Si Ferdinand Magellan(*5) ay pasuklam parin kaming tinitignan na para bang inistorbo namin sya sa maha bang pagtulog, na baka totoo nga naman. Tinignan nya kami isa-isa at tinimbang. Sa huli kinabahan ako nung tinuro nya kami at ibinuka ang bibig para magsalita.
Tapos sinara nya.
At ibinuka.
At isinara na naman.
At ibinuka ulit.
.........
Si Magellan ba yun o taong Janitor fish?
Nagkamot sya ng ulo at iika-ikang bumalik sa loob ng pinto... At naghintay kami nang ilang sandali.
".....Ano nangyari run, bakit pumasok uli?" nagtatakang tanong ko.
"Ewan ko, bakit ako tinatanong mo? Tanungin mo sila." sagot Makie.
Tumingin ako sa mga kalaban, maging sila nakatingin lang sa pintuan. Tila sila hindi rin alam kung anong pakulo nito. Saglit lang at lumabas muli si Magellan at tinuro kami.
"Binabati ko kayo at nakarating sa lugar na ito." pahayag niya na may matigas na tudlit(accent) at may pagkaisang tono. "Ito ang unang pagkakataon ang katulad ninyo ay ligtas na nakaabot sa aking lugar. Dahil dyan ipinapaabot ko ang aking lubos na paghanga. Ngunit ikinalulungkot kong sabihin na hindi kayo makakalampas rito kung hindi kayo nararapat na--"
"Teka, nagbabasa ka ba?" tanong ko.
Bahagya syang natigilan. "Hah? Anong pinagsasabi mo? Hindi ako nagbabasa. Wag mo akong istorbuhin!" sagot nya at umubo bago muling nagpatuloy. "Ngunit ikinalulungkot kong sabihin na hindi makakalampas rito kung--"
"Nagbabasa ka nga! Monotone ka magsalita tapos walang feelings!" pagpupumilit ko.
Mukha syang na nasaktan sa aking tinuran. "Kalokohan! Lapastangang bata! Ako ang bantay ng lugar na ito nang ilang siglo! Ang dakilang manlalayag! Wag mo akong pinararatangang binabasa ko lang ang sinasabi ko. Wala iyang katotohanan!"
"Eh ano yang papel nasa kamay mo na kanina mo pa tinitignan? Oh wag mong itago sa likod!"
"A-anong pinagsasabi mo? Wala akong hawak na papel oh!" pinakita nya yung kamay nyang wala laman.
"Eh tinapon mo sa likod eh. Kitang kita ko tinapon mo sa likod. Nakita nyo diba?" baling ko sa mga kaibigan ko na tumango naman at sinabing 'oo nakita ko rin yun', 'anong papel ba yun?', 'ay bakit ganun sya, nawala tuloy yung pagiging misteryoso nya'.
"Ano ba yun bakit kailangan oo pang basahin ang sasabihin nyo? Hindi nyo po ba alam?" tanong ko.
Sa buong panahong nangyayari ang usapan na yun namumula na parang kamatis sa galit si Magellan hanggang tuluyan na syang sumabog.
"Oo na!" pabalang nyang sagot. "Tama ka na bata! Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko kabisado! Nagbabasa lang ako! Oh ano masaya kana? Napahiya na ako? Mga bata talaga ngayon hindi marunong makiramdam eh. Akala mo kung sinong perpekto, hmp!" sabi nya sabay krus ng bisig.
Hmp? What the facts? Tsundere si Magellan?! Anak ng putong may bagoong sa loob, kakabwisit.
"Si Magellan ba talaga yan? Parang iba sa naisip kong imahe sa kanya. Parang nawalan ako ng gana..." sabi Noli na isinantabi ang kanyang buntot pagi, pero ang alerto ng mata nya ay taliwas sa kanyang ikinilos.
"Oo sigurado ako. Hindi ko lang rin inaasahan na ganyan sya." sagot ni Makie sabay bulong ng. "Pero maging alerto kayo, hindi natin masasabi baka pakulo lang niya iyan."
"Sabi ko sayo Kapitan kabisaduhin mo na ang litanya mo habang maaga." Sabi ng Buso. Na kung tutuusin nakakakilabot. Kulay itim lang sya na mababa ang boses. Kung saan nanggaling hindi ko alam. Wala naman akong makitang bibig nya. O mata. At ilong. Tenga. Mas nakakatakot pa sya sa mga kasama nya kung tutuusin.
"Ang sabihin nyo ulyanin na talaga yang matandang yan." gatong ni Jessy na naupo sa isang bato at nagseselfie sa kanyang iphone. Seryoso. Wala nakong panahong iproseso sa utak ko kung gaano kabalintuna ang eksenang yun.
"Ulyaninnnnnnn...." Ani ng gisurab na parang higanteng sabog. Shabu pa.
"Manahimik kayo! Ano bang malay ko na may makakarating na tao sa lugar na ito nang buhay? Buong panahon na narito tayo walang umabot dito, at ilang dantaon na yun? Marami na! Tingin mo makakabisado ko pa yung linya kong napakahaba?!" sagot ni Magellan.
Nagtaas ng kamay si Tifa. "Ano hong linya yun?"
"Yun yung pormal na pagbati ni Kapitan sa mga tagumpay na makakaabot sa lugar na ito." ang mangmangkit ang sumagot mula sa nakausling batong sinasabitan nya. Ang boses nya'y para boses sa ahas na navivideoke. Kahit dipako nakarinig ng ganun.
"Pagbati?"
"Oo, nakita nyo naman siguro. Maraming namatay kayong nadaanan, ang ilan sa mali yung dinaanan, o pagkagutom. Ang lugar kasing ito ay mahiwaga, kung hindi kayo Napili o wala kayong pormal na patnubay(turo nya sa liham na nasa bulsa ni Tifa) hindi kayo makakaabot sa lugar na ito. Kung tutuusin kung hindi ito ang dinaanan nyo sa apat na lagusan malamang patay na kayo sa mga bantay na naruruon. Kaya babatiin dapat kayo ni Kapitan." paliwanag ng buso. Kung sino pa walang bibig sya pa madaldal.
Kinilabutan ako. Kung nagkataong iba pala ang napili namin baka pinaglalamayan na kami. Kung may katawan pa kaming paglalamayan.
"Yun nga lang kinakalawang na ang utak ng matandang yan kaya hindi nya matandaan." sabat ni marindaga na di tumitigil sa pagseselfie.
"Idiota! Iyan ay walang katotohanan!" pagtutol ni Magellan, at inismidan lang sya ng una.
"Sandali." pagsabat ko. "Hindi ba kalaban namin kayo? Bakit kailangan nyo kaming batiin?"
"Oo nga. Hindi nyo ba kami sasaktan? Kakampi ba namin kayo?" habol ni Jazz.
Hinimas nya ang kanyabg mahabang balbas na pwede nang gawing doormat.
"Hmmmm... Hindi ko eksatong masasabing kalaban nyo ako. O kahit papaano hindi ako narito para hadlangan kayo. Pero sa kabilang banda hindi nyo rin ako matatawag na kakampi. Tch! Kakampi ng mga Indio? Isang katawa-tawang ideya."
Mas nakakatawa ang ideyang long hair ka sa babà pero pwedeng helipad ang bumbunan mo. Parang dumaong si Moses at hinati ang buhok na di na muling bumalik.
"Kung ganoon bakit kayo narito? Anong kailangan nyo sa amin?" tanong ni Tifa.
"Wala akong kailangan sa inyo. Bakit nyo naman iisiping may kailangan ako sa inyo? Mga tontang ijo at ija. Ang totoo nyan KAYO ang may kailangan sa akin. Sabihin nyo, bakit kayo naririto!"
Sasabat na sana kami sa kumento nya ukol sa sinabi nyang tonta inangat nya yung kamay nya.
"Teka wag nyo nang sagutin, alam ko. Nandito kayo para sa bertud. Lahat naman ng nagpupunta rito sa sinumpang lupang ay dahil sa bertud, hindi nga lang sila pinalad kagaya ninyo. Gaya ko, nakulong dito habambuhay sa dahil sa tonto de culong bertud na yan!"
"Sandali! Dahil sa bertud? Dahil sa bertud kaya ka nakulong rito? Bakit?" tanong ni Tifa.
Tumaas ang kilay nya sa kaibigan ko at tila nagiisip, sa huli nagkibit balikat lang ito. "Wala naman akong nakikitang masama kung sasabihin ko. Oo dahil sa bertud. Ang totoo nga nyan kaya ako nagpunta sa bansang ito ay dahil mismo sa mga bertud."
"Seryoso? Pero ang pagkakaalam ko dahil sa pampalasa kaya ka nagpunta rito." tanong nya. Naalala ko rin yun na tinuro sa paaralan.
"No no no no no, nagkakamali ka Ija. Ako, ang dakilang manlalayag na si Magallanes magpupunta sa malayo, masukal na bansang ito para sa pampalasa?! Hindi ako maglalakbay para sa ganun kasimpleng bagay. Kaya ako nagpunta rito ay dahil sa ekspedisyong iniatas sa akin ng kagalang galang na Haring Charles I ng España! Ang iuwi ang makapangyarihang bertud na nasa bansang ito."
Natigilan ako. Totoo ba yun?
"Teka paano nalaman ng hari ng España ang tungkol sa bertud?" pagusisa ko.
"Hindi lang ng Espanya." Sagot ng kaibigan naming diwata. "Alam din ito ng ilang bansang natangkang manakop sa atin tulad ng mga Hapon, Amerikano at ngayon ng mga Intsik. Isa lang ang dahilan. Ang Organisasyon. Laganap ang impluwensya ng Organisasyon sa buong mundo. Sila ang humikayat sa mga bansa iyon na lusubin tayo para kamkamin nila ang bertud. Kapalit ng ilang pabor. Yan ang kanilang gawain. Tama ba... Señor?" tanong nito na hindi alam kung paano tatawagin ang matanda.
"Si! Kayamanan, teritoryo at kapangyarihan. Tatlong bagay na ipinangako ng ilang katransaksyon ng Hari. Nung una pa lang nagduda na ako, masyado silang... Kakaiba. Pero ganun pa man di kayang tanggihan ng Hari ang ganung kalaking kabayaran. Ako namay kinaramutan ng interes. Ang tanging nais ko ay maglakbay, magtuklas ng bagong lupain, at marahil ang masilayan din ng aking mga mata ang bertud na sinasabi nila."
Tumingin sya sa itaas para maglakbay sa kanyang alaala. Pero sakto namang nalalag mula sa itaas ang ipot ng paniki kaya sablay ang misteryosong epektong nais nyang iparating. Pati yung buso nawalan ng interes at nangulangot nalang sa Ilong nya. Kung meron man.
"At nakita ko nga ito" pagalit nyang pagpapatuloy "sa kamay ng isang Napili gaya ninyo. Dahil barbarong taong iyon at mga tauhan nya, naputol ang aking pangarap na makapaglayag sa buong mundo. Pag nakita ko syang muli sya ang ikukulong ko rito hijo de p*tang yun hanggang hilingin nyang patayin ko sya."
Napansin kong pinigilan ni Jazz sa paglapit si Noli. Alam namin kung sino ang tinutukoy nya, si Maestro Kwatro Lapu-lapu. At hindi nagustuhan ng dating cabeza ang tinuran ng kapitan.
"May tanong ako. Hindi ba dapat patay ka na? Nalason ka sa binti diba?" pag bago ko ng tensyon.
"Huh?! No, Que putada! Sino nagsabi nyan? Tinuro sa paaralan? Dapat tigilan na nila ang pagtuturo ng maling impormasyon gaya nyan. Manda huevos! Mga indiong tunay." gulat nitong tugon.
"Nung nagharap ang puwersa ni Lapu-lapu, at ng Señor sa Mactan, ang bilang ng tauhan ni Señor ay nasa 60 habang 1500 ang kay lapu-lapu. Duda akong sa bilang na iyon, lason pa ang makakatalo sa kanya. Oo may permanente syang iniinda sa kanyang binti pero hindi ito nagmula sa labanan sa Mactan kundi sa isang naunang gyera sa Morocco." sagot ni Tifa na kinahangaan ni Magellan.
"Dapat kita kapurihan sa iyong kaalaman Hija. Tama ka tungkol sa aking pagkapilay. Hindi rin ako nalason. Pero magtamo ako ng maraming sugat na halos naging sanhi ng aking kamatayan. Pero may ibang plano ang timawang Pinuno nila para sakin. Kinuha nya ang aking halos wala nang buhay na katawan, pinagaling, at ikinulong rito. Dahil mas matindi pa sa parusang kamatayan para sa isang manlalayag ang makulong habambuhay sa lugar na walang dagat."
"Sa unang pagkakataon sumasangayon ako sa iyo tanda." pagsangayon ng isa ring lamangdagat na marindaga.
"Lumipas ang ilang taon ng pamamalagi rito dumating ang isang Pinili at nagtago sa kaluob looban ng kwebang ito. Sa ayaw ko at sa gusto, sa akin at sa mga iyan bumagsak ang katungkulang protektahan sya sa mga magtatangka ng masama sa kanya. Kaya babalik tayo sa paguusap natin kanina."
Tinuro nya ang pinto sa kanyang likuran.
"Nasa likod ng pintuang ito ang daan tungo sa hinahanap ninyo. At nasa aking paghuhusga kung karapatdapat ba kayong dumaan sa pintuan ito. Ang tanong ay karapatdapat nga ba kayo?"
"Anong Valid ID ba kailangan mo? Pwede naba school ID, wala pako NBI clearance eh." sagot ko.
"May baranggay clearance ako ng Kanlungan kung makakatulong yun." gatong ni Noli.
"Pwede ko ba kayong sampalin gamit ang sagwan ng aking barko? Tingin nyo nakikipagbiruan ako?"
"Wiw. Matapos ang lahat ng pinagdaanan natin para makapunta rito may ganito pa pala tayong kahaharapin? Nakakapagod na uh." Nagkamot ako ng ulo. "Pwede bang pagbigyan nyo nalang kaming dumaan dyan sa pinto? Tutal naman sabi mo napipilitan ka lang diba? Baka pwede kayong malingat saglit, manood ng daisy siete season 34, tapos tahimik kaming papasok sa pinto. Walang makakaalam. Hindi nyo kami nakita rito at hindi rin namin kayo nakadaupangpalad. Hindi nangyari ang lahat ng ito. Nang sa ganun 'nagampanan' mo parin ang trabaho at di rin naman kami nahirapan."
Tumaas ang kilay nito.
"Kung gumagana ang ganyang uri ng kalakaran sa inyong henerasyon, sa aking kinamulatan ay hindi. Ipinanganak ako sa isang henerasyong ang katungkulan, ipinilit man o hindi sa iyo ay seryosong bagay. Wala rin sa ugali namin ang pagiging tamad. Binigyan ako ng trabaho, gagampanan ko ito hanggang katapusan. ganoon lang kasimple iyon."
"Isang marangal na adhikain. Pero diba sa inyo nanggaling yung Mamyana Habit(*6)?" sagot ni Tifa.
".......H-hindi ko alam yang sinasabi mo."Pagmamaang-maangan nya "P-portuges ako, para sa inyong kaalaman. Kung anu't-ano pa man, hindi nyo ako makukumbinsing talikuran ang aking tungkulin"
"Kahit bigyan namin kayo ng isang latang bulate?" alok ni Jazz.
"Oo. Hindi magbabago ang desisyon ko bigyan mo man kami ng.... Huh?"
Ngumisi ang manok. "Oo tama ang narinig mo, isang lata ng sariwa at malinamnam na bulate. Ano sa tingin mo?" kumpyensang tanong ni Jazz na para bang napakalaking pabor ang inaalok nya.
"Ummm... Hindi ko alam ang isasagot ko..." Napatingin sya sa akin na may halong pagtatanong at paghingi ng tulong.
"Uh, Jazz. Wag mo na sya alukin. Tingin ko mahihirapan kang kumbinsihin sya."
"Alam ko Milo." pagintindi nya. "wala pa tayong mga bulate ngayon. Pero magtiwala ka sakin, bigyan moko ng sandaling panahon at makakalikom ako ng ng bulate na sasapat di lamang sa kanya kundi satin lahat."
Hindi pala nya naintindihan. Ang sakit sa pigè.
"Jazz. Hindi mahilig sya sa bulate." may diin kong sabi.
"Paano natin malalaman kung di natin susubukan? Walang impossible sa mundong ito basta maniwala ka lang sa sarili mo." Walang tinag nya namang sagot. Hinawakan ko sya balika.
"Napakamakabagbag damdamin, napukaw mo ang naninibughong loob ko, pero kailangan mong maintindihan, Jazz. Hindi lahat kumakain ng bulate."
Sinagi nya palayo ang aking kamay.
"Hindi totoo yan! Sinong hindi magugustuhan ang bulate? Sabihin mo hindi totoo yan!" buong hinagpis nyang sabi sakin. Kita ko ang sakit sa kanyang mata dulot ng pagkasira ng paniniwa. Nakakadurog ng puso.
"Dalawang lata!" sigaw ko. "Gawin mong dalawang lata ng bulate! Paraanin mo lang kami."
Sa tabi ko napa facepalm si Tifa at Makie. Parang sinipa pa ako ni Ever. Pero di ako sigurado kasi pinapagpagan nya (ata) ng dumi yung damit ni Mira. Pero kahit paano hindi ko naman binigo si Jazz bilang kaibigan. Nagtanguan pa kami na parang nagmamalaki sa isang tamang gawain.
Ang sama nga lang ng tingin sa amin ni Magellan.
"Hindi ko alam kung anong tingin nyo sa akin, o kung iniinsulto nyo lang ako. Pero hindi. Sa inyo na iyang bulate nyo. Gawin nyo gusto nyong gawin dyan, kainin o pakasalan nasa inyo na yun pero hindi ko kayo pararaanin dito."
"Sigurado ka?" Tanong ni Jessy na itinabi ang cp at seryoso ang dating. "Sa tingin ko maganda ang alok nila, bakit di mo muna ikunsidera? Hindi kana talo run."
"Huh?" gulat ni Magellan at pati kami rin. Di namin akalain na may sasang-ayon sa kalokohan namin.
"Sangayon ako." taas ng kamay ng anino. "Dalawang lata.. Madami na yun. Hindi mo kikitain yun basta-basta."
"I know right?" sagot ko. Sino ba namang kikita ng bulate?
"Sayo na yung isa, samin na yung isa pa." sabi ng mangmangkit.
"Bulateeee..." ani ng gisurab.
"Oh Dyos Mio Por pabor iligtas nyo ako sa kabobohang sumasalanta sa kanila! Ako lang ba ang utak sa kwartong ito? Mukha ba akong kumakain ng bulate?!" tanong ng kapitan.
".....Kung tatanungin mo ang opinyon ko, ummm hindi ko tuluyang maisasara ang posibilidad na yun." ani ni Jazz.
"Vete a la mierda! Seryoso ba kayo dyan sa sinasabi ninyo?"
"Bakit tanda, hindi mo paba nasubukan kahit minsan?" tanong ni Jessy.
"Hindi!"
"Hmmmm?... Sigurado ka?" panguusisa nito.
"....Siguro isang beses... Baka nga nasubukan ko na."
Nagulat kami at bahagyang napaatras.
"Pero isang beses lang yun! Nung tagtuyot at walang makain dito! Hindi na naulit yun! At saka isang nakakain na uri ng bulate."
"Binibiro ka lang namin Kapitan... Hindi naman namin inaakala na... May ganun ka palang... Hilig." naunawaing ngiti ni Jessy.
"Pero kung yan ang gusto nyo talaga, susuportahan ka namin. Naiintindihan ka namin. Hindi ba mga kasama?" ani ng anino.
"Tama! Kung gugustuhin ninyo ibibigay na namin yung dalawang lata. Sa iyo nang lahat yung dalawa." sabi naman ng ibon.
"Dalawaaaaaa..."
"Tatlo!" biglang sigaw ni Jazz. "Gawin nating tatlo! Hindi lang dalawang lata kundi tatlong lata na para sa Kapitan!"
Napa Ooooooooohhh kaming lahat. Parehas kaming kasama o at ni Magellan. Hindi ko alam kung saan nagsimula pero napansin ko nalang na umuulan nang masigabong palakpakang mula sa amin para sa Kapitan. Nababasag pa ang boses ng buso na nagsalita habang nagpupunas ng luha sa kung saang dapat nakalagay mata nya.
"*Hikbi* N-narinig ninyo yun Kapitan? Tatlong lata ng bulate, hindi ba kayo nagagalak?" ngiti? nito sa kanya.
Ang kapitan naman ay namumula sa galit.
"Mga tampalasan! Wag nyo akong pagkatuwaan, hindi ako naaaliw sa inyo! At kayo!" duro nya samin. "Kung wala kayong intensyong pumasok sa pintuang ito lumayas kayo sa harapan ko at wag nang babalik! Wag nyong sayangin ang oras ko."
Napakamot ako ng ulo. Oras na para magseryoso.
"Hay... Ayoko sanang humantong sa ganito, pero wala na ata tayong magagawa." inilabas ko ang talim ng balisword.
Nagpatunog ng leeg si Makie, na para sakin ay sabay na nakakakaba at nakakapangakit" Paano natin gagawin ito? Kailangan ba nating maglaban isa-isa o sabay-sabay na?"
Bumalik ang mabigat na atmospera ng kweba at lahat ay nakikiramdam. Itinaas lang ni Magellan ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Nagkakamali kayo ng pagintindi. Wala akong sinabing lalabanan ko kayo. Ang sabi ko patunayan nyo sa aking karapatdapat kayong dumaan sa pintuan. Isa na akong matandang nilalang, hindi ko kayo kayang tapatan sa pakikipaglaban."
Kumunot ang aking noo at bahagyag binaba ang aking sandata. "King ganun anong kailangan naming gawin?"
May kinuha syang supot ng tela na may lamang parang bato sa loob at pahabang kahoy na may ilang pabilog sa uka.
"Sinong marunong maglaro sa inyo ng sungka?" tanong nya.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
(*1) Gisurab -
Origin: Isneg
Mga higanteng kumakain ng tao. Gaya ng sabi ni Milo para nga itong titan siguro. Medyo uto-uto nga lang ito sa mga bata. Pag inutusan sila ng mga batang saktan ang sarili, ex. hampasin ang binti, pugutin ang ulo, gagawin nito walang pag aalinlangan.
Sa madaling salita, ang Titan sa pinas ay isang malaking lolicon.
(*2) Marindaga -
Origin: ??
Walang gaanong naisusulat sa kanila. Sila yung mas wild version ng mas sikat nilang pinsan na sirena. Kilala rin sila sa tawag na 'aswang ng dagat'. Parehas sila sa mga sirena, mayumi, kahali-halina ang tinig, at nanlulunod. Pero kung si Dyesebel nagkaroon ng binti para makasama ang minamahal, eto naman kakainin ng binti ng minamahal. So romantic. Mas mukha ring mapanganib yung parteng isda nya kahit maganda. Parang isda sa pinaka ilalim ng dagat. At least hindi ito kalahating tao at butanding gaya mga supladang tindera sa palengke ninyo.
(*3) Mangmangkit -
Origin: Iloko
Iba ito sa Mangmangkik, sa susunod ko na tatalakayin yun. Basically parang chimera na ibon. O baka napagtripan lang ng kalikasan. Ang dila nya ay kadalasang ginagamit pang sipsip ng bata sa sinapupunan ng mga buntis. Lagi namang ganun eh.
Wala na akong gaanong masasabi rito, di nyo rin naman maririnig.
(*4) Buso
Origin: Bagobo, Bukidnon
Madalas nakatira sa mga sanga ng puno. Hinuhukay ang mga libingan ng bagong libing at kinakain ang katawan ng bangkay pwera ng mga buto nito. Baka matinik? Baka di matunawan? Kaya kung ako sa inyo cremate nalang para pagkahukay nya, Surprise b*tch! na wow mali ka!. Kaso sablay kung gawin kang pulburon o pamalit sa paminta sa pagluluto ng adobo. Yum yum.
Pwede syang makita sa paggamit ng ritwal na hindi ko sasabihun kung papaano. Hayaan nyo bigla nalang lilitaw si Shinichi at sisigaw ng "ikaw ang salarin!" kapag nahukayan kayo ng bangkay.
(*5) Ferdinand Magellan (1480 - April 27, 1521)
A.k.a. Fernão Magalhães (Portuguese)
Fernando de Magallanes (Spanish)
Kilala nyo sya bilang isang kontrabida sa ating kasaysayan. Ang unang mananakop. Ang kinilalang tagatuklas ng Pilipinas na hindi naman totoo kasi may tao na rito na may mayamang kultura nung dumating sya.
Pero ang buhay nya ay makulay at puno ng tagumpay. Maraming syang gyerang nasalihan at dagok na pinagdaanan. Nasa misyon sya ng paglalayag sa buong mundo nang mapadpad sya sa ating bansa.
Sa labanan nila ng tropa ni Lapulapu, nagpaiwan sya sa dalampasigan at hinarap ang kamatayan para siguraduhing ligtas na makakatakas ang kanyang mga tauhan.
Kahit isang kalabang mananakop ang turing sa kanya para sa akin kahanga-kanga parin ang kanyang ginawa. Isa syang tunay na mandirigma.
Dahil dyan sana di nya ako dalawin sa gabi na may bitbit na lata ng bulate.
(。ŏ_ŏ)
(*6) Mamyana Habit -
Eto ang paborito mong sabihin sa iyong mahal na magulang kapag sinabihan kang gawin ang asignatura o mga gawaing bahay.
"mamaya na naglalaro pako!"
"mamaya na aalis ako eh!"
"mamaya na may kausap pako!"
"mamaya na kagigising ko lang, magpapahinga muna ako!"
Isa itong sintomas ng sakit na kung tawagin ay "katamaran" na nagdudulot ng pagkapal ng mukha. Sabi ng titser ko namana natin ito sa kastila. Dahil tayong mga pinoy ay sing sipag ng kalabaw. Naniniwala ako run, dahil may kaaway ako dati na hanggang ngayon mukha paring kalabaw. Pero sa kabilang banda naniniwala may mga taong pinanganak na ganun. Singkapal ng pwet ang mukha.
Wala akong pinatatamaan pero next time sabihan mo ng "mamaya na" ang magulang mo, maalala mo sana ito at tamaan ka.
Marami pakong sasabihin sana tungkol dyan. Pero siguro mamaya na.
ΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔΔ
A/N:
Una sa lahat sorry sa delay, madami lang pinagdaanan.
Mainly dahil sinugod sa ospital ang lola ko. Inatake raw, ewan ko kung bakit di umilag. Nagkabutas raw sya sa puso kaya humihiling ako ng dasal sa mabilis nyang paggaling. Donate narin kayo ng vulcaseal pangtapal.
I wish i could update as fast as possible. Pasensya na.
Next, isasali ko itong kwento sa contest ng Jollibee sa wattpad. Palimos narin ng votes, maraming good comments at shares baka sakaling manalo tayo. At sa ilang daang libong entries, kapag nanalo ang SMAAK, bibigyan ako ng regular fries with extra salt. So inspiring.
Seriously pahelp guys, baka mapublish to. Try nyo magcomment sa story description pwede ata yun.
Salamat sa lahat ng naghintay, sorry kung boring itong chap, nasa next kasi yung action.
Please pafloodvotes.
Sunod yung tungkol kay Magellan, di ako marunong sa spanish or portuguese kaya pagpasensyahan nyo na kung mali. Kayo na bahala magtranslate.
Lastly nagpapasalamat ako sa mga sumusunod na floodvoters. Mahal kayo nila Milo:
devileyeyakuza bebelynchan MiyabiDear achilljim08 ChibiiiHalili MittyDesu charumein XQCTs100 SachikoElleGarcia REYN_KYE jhophai06 galaxel gothiccurse mrcrmrcdboy The_Kristelverse Blue-Cyan veyjane22 janetallego Touka_Otaku
Sweetest_Nightmare30 thresmarias01 @ginoongtsong sgran05 ModernBabe101 luvoxitine ThisUnluckyLover mico125 ElfArcher DaragangSinukuan joyuelle @gamboalikeus rnelorobia DonnahAlmeda VennEve Melanish FindingXXX nelle_dehbourne super_dadah wxyz1234 rhadz0425
Salamat guys, love you.
Milo: OK! Surprise quiz! Kala nyo nalimutan ko uh. Mangyari lang na sagutan nyo ito sa inyong sariling salita.
1. Ano ang ihihiling mo sa gisurab? Ano ang kuneksyon nya kay vaporub? Alam kong corny sagutin nyo nalang.
2. Kung mahuli kayo ni Jessy, magpapakain ba kayo?
3. Paano nangungulangot ang isa buso? Palawigin.
4. Kung mabubuhay kang muli bilang mangmangkit, eh anong pinagkaiba nun sayo ngayon?
5. Ihalintulad ang iyong buhay sa isang lata ng bulate. Minimum tatlumpung talata.
6. 1 + 1 = 2. Explain why.
Isulat ang lahat ng ito sa 1/4 sheet of sandpaper na hinati sa gitna. Ipadala ang sagot sa author sa loob ng plastic ng hesheys kisses na may laman pang chocolate sa loob. Sambahin sya to save the planet.
Wala lang. Rakenrol!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top