KABANATA XLII - Lupa ng Hinirang

"Ang daming lagusan."

Yan ang unang katagang sinabi nila Tifa ng makita nya ang nakasulat sa malaking tableta nang makababa sila sa puwesto ko. At totoo nga, hindi ko napansin ito agad pero dahil sa liwanag nakita ko ang mga lagusan sa kweba.

May apat lagusan papaikot, sa harap, likod, kaliwa at kanan. Nagpanukala si Noli na maghiwalay sa ilang grupo pero tumutol ang karamihan sa amin. Hula kasi namin isa run ang tamang daan tungo kay Boni at ang iba ay may patibong sa dulo. Sa ganung sitwasyon mapanganib ang maghiwalay, kailangan lang naming mapili ang tamang daan na tatahakin naming magkakasama.

Pero sorry ha, bwisit lang si ka-Andres. Sya na nagpapunta samin, papahirapan pa kaming hanapin sya. Pwede namang isulat sa liham na "magkita tayo sa pinaka malapit na Starbucks, ako yung nakasuot ng pink na tweety bird tshirt." Pero hindi, kailangan talaga sa kasukalan ng mahiwagang bundok ng tralala. Salamat po.

"Weird." Pagtataka ni Tifa habang pinagaaralan ang tableta kung saan nakaukit ang liriko ng Lupang Hinirang.

Hindi nakapagtataka, dahil sabi nga ni Boni, isa ang kantang yun sa magiging gabay namin sa paghahanap sa kanya. Kaya ang tingin namin, narun ang sagot sa kung anong pipiliin naming lagusan. Panibagong pahirap ni Boni. Salamat po.

"Bakit anong meron?"

"Wala ba kayong napapansing kakaiba?"

"Medyo iba yung mga salita." Sagot ni Makie. "Kagaya neto, yung 'bayang magiliw', hindi ko alam kung sinadya o nagkataon lang pero parang may isiningit na letra at may laktaw kaya nagmukhang 'biyaya ng magiliw'."

"Oo nga noh." Puna namin. Pati yung titulona Lupa ng Hinirang, nung una akala ko may uka lang sa bato kaya naghiwalay yung Lupa at ng. Nagkataon lang kaya yun?

"Kasama na yun, pero hindi yun ang tinutukoy ko." Ani ni Tifa.

"Ano ba ang nais mong ipahiwatig binibini?" Pagusisa ni Jazz.

"Matagal ko nang napuna ito eh, magmula pa lang nung nakuha nating yung liham ni Andres Bonifacio. Yun dalawang pambansang awitin daw ang makakatulong sa atin. Pero hindi ba kayo ng tataka? Bakit kasama yung 'Lupang Hinirang' eh ipinagawa ang kantang iyon ni Emilio Aguinaldo ilang taon matapos 'mamatay' ni Andres Bonifacio."

Oo nga noh. Bakit di ko naisip yun?

"Oo buhay pa talaga si Bonifacio ayon sa sulat niya, pero bakit Lupang Hinirang? Yung 'Dalit ng Katagalugan' maiintindihan ko dahil sya nagpagawa nun. Pero paano nya nalaman yung Lupang Hinirang kung nandito lang sya sa mahabang panahon. O kung alam nya man ito, bakit nya ito gagamitin eh ito yung kantang pinagawa ng umano'y nagpapatay sa kanya at umagaw ng pagkapangulo ng bansa?"

Tama sya. Kung ako si Boni ni hindi ko gugustuhing marinig ang LH(lupang hinirang) dahil pinapaalala nito ang pinaka masalimuot kong karanasan sa buhay. Nakapagtataka nga.

"Ibig mo bang sabihin peke ang liham? Isa ba itong patibong?" Tanong ni Noli.

"Hindi. Tunay ang liham. Nakita ko na ang sulat kamay at pirma ni Andres noon kaya mapapatunayan ko ito." Tugon ni Makie.

"At kilala ng mga bata si Jacinto na tapat na tao ni Bonifacio. Pinakitaan ko sila ng larawan ni Jacinto at kinunpirma nilang sya nga ang nautos sa kanilang gabayan si Milo para makuha ang liham."

"Ate Tifa si kuya lang po nakakita ng litrato, ako hindi." Reklamo ni Mirasol.

"Ay sorry Mira, hug nalang kita."

"Yey!"

Ako rin Tifa diko nakita yun. Pwede pahug din? Ehehe.

"Ano bang nais mong ipabatid binibini? Ano bang nasa isip mo?" Ani ni Jazz.

"Hindi ko pa alam... Pero ang may iba pang nais sabihin sa atin si Boni kung bakit nya ito ginamit. Baka may lihim itong mensahe."

"AHH!"

Napalingon kami kay Noli.

"May naalala ako tungkol sa sinabi dati ni Ginoong Julian tungkol sa LH. May lihim nga raw itong mensahe sabi nya."

"Anong mensahe raw?" Tanong ko.

"Hindi nya rin alam eh."

Tinignan namin sya na parang naliwanagan kami. Na walang silbi yung sinabi nya. Grabe nakakaenlighten.

"Ibig kong sabihin, hindi nya alam ang buong mensahe." Pagdepensa nya. "Ganito kasi yan, minsan naginom sila ni Maestro Kwatro, ako yung nanghuli at nagdala ng pulutan nila kinilaw na tamaraw nun, at dahil sa kalasingan naikwento nya sa akin kung paano ipinagawa sa kanya ni Aguinaldo ang LH. Ayon sa kanya musiko lang ang orihinal nito, wala pang letra. Ang titulo nito ay Marcha Filipina Magdalo na kalaunan naging Marcha Nacional Filipina. Alam nyo ba na ang liriko talaga neto ay isinalin lang mula sa isang tula na nasa wikang kastila?"

"Oo." Sagot ni Tifa. Alam ko rin yun(kunwari) pero hinayaan ko na si Tifa sumagot. "Ang orihinal na titulo tula ay 'Filipinas' na sinulat ni Jose Palma. Nung naging kanta na ito, sinalin ito sa ingles ang ang titulo ay 'Philippine Hymn' at ang unang bersyong Filipino ay tinawag na 'Diwa ng Bayan'."

"Ayan sinabi mo na." Ani ni ExCab

"Ang alin?"

"'Diwa ng Bayan' ang unang titulo diba? Bakit naging Lupang Hinirang na? At kung babaguhin mo ang pagkakasulat magiging Lupa ng Hinirang ito. Alam nyo kung bakit? Dahil iniutos ito ni Aguinaldo."

Umiling si Tifa. "Pero hindi ba halos edad 90 na si Aguinaldo nung naging opisyal na Lupang Hinirang na bersyon natin ngayon ang pambansang awit natin? Paano nya maiuutos yun kung uugod-ugod na sya?"

Si Noli naman ang umiling. "Hindi. Yun ang akala ng iba. Ang totoo nyan may nauna nang bersyon ang Lupang Hinirang na si Aguinaldo mismo ang nagsulat. Iilan lamang ang nakakaalam kabilang na si Ginoong Julian. At ang orihinal na liriko nito ay ang nakasulat sa tabletang yan. At titulo talaga nito ay 'Lupa ng Hinirang'. Hindi ito nagkataon, sadya ito ni Aguinaldo para makita ang lihim na mensaheng nakapaloob dito."

Tumango ako. Tapos tinignan mabuti ang tableta nang walang partikular na dahilan. Ang totoo nyan wala akong naintindihan, ayoko lang mukhang walang alam kaya nagpapanggap lang ako. Sana wag nila mahalata.

"AHHH! Nagets ko na!" Malakas na sigaw ni Tifa. Sa gulat muntik na tumakbo yung tutuli ko at umanib sa mga rebelde sa gubat.

Sa pagkatuwa nila nag-apiran yung dalawa. Kailan pa naging close yung dalawang yun? Oh aking kilay, bumaba ka na dyan at wag pahalata.

"Ummm hello? Nandito rin kami baka pwede bahagian ng talino nyo? Ishare nyo naman, naoop kami."

Napabuntong hininga si Tifa at umiling-iling. Parang sinasabing "hay... mga commoners talaga."

"Sige ganito nalang... ano pa ang ibang tawag sa salitang Hinirang?"

Pop quiz! Ano pa nga ba ang ibang tawag sa salitang Hinirang? Napatingin ako sa langit para magisip, nang bigla kong napagtanto! Na nasa kweba nga pala ako at di kita ang langit. Nang pumasok sa akin ang sagot, nanlaki ang aking mata.

"...Napili." sagot ko.

"Nakuha mo!"

"At ibig sabihin ng Lupang Hinirang o Lupa ng Hinirang ay Lupa ng Napili!" Habol ko.

"Tama! At naalala nyo pa ba kung anong pangalan ng bundok na ito? Bundok Hirang! Ito ang Lupa ng Napili.  Kung tama ang pagkakaintindi natin ibig sabihin ipinagawa ni Aguinaldo ang LH para magbigay ng sikretong mensahe sa ating mga Napili na pumunta rito!" Paliwanag ni Noli.

Tama. Lumilinaw na ang lahat, bakit hindi ko agad naisip yun? Ilang taon ko nang kinakanta yun ni hindi ko na naisip na may iba pala itong pagkahulugan. Kinilabutan ako.

"Pero may hindi ako maintindihan. Kung pinapatay ni Aguinaldo si Bonifacio, bakit nya pinapapunta ang mga Napili rito, eh hindi nya dapat alam na buhay pa si Boni?" Tanong ni Makie.

"Para mahanap natin ang bertud na nakay Andres Bonifacio." Sagot ng ni Noli.

"Paano mo nasabi? At saka na kay Milo ang bertud diba?"

"Pero hindi yun alam ni Aguinaldo. Baka akala nya na kay Andres pa ang bertud. At kung paano ko nasabi," Tinuro nya ang unang linya sa tableta. "basahin nyo uli ang lirikong sinulat ni Aguinaldo."

"Naiintindihan ko na." Sabi ko. Joke lang, si Makie nagsabi nyan, wala naman ako naintindihan eh. "Basahin nyo ang unang linya. 'Biyaya ng Magiliw.' Naalala nyo pa ba ang kwento ko kung saan nagmula ang mga bertud? Tungkol yan dun. Ang Biyaya sa linyang yan ay ang mismong 'Biyaya' na ibinigay ni Bathala kanila Malakas at Maganda. Ang Magiliw ay si Bathala mismo, dahil natural syang magiliw sa kanyang nasasakupan, lalo na sa mga tao, kaya nya nga ibinigay ang Biyaya. Ang 'Biyaya ng Magiliw' ay ang bertud. Kung susumahin natin magiging malinaw ang mensahe."

Tumango si Tifa. "'Hanapin ninyo sa Lupa ng Napili ang Bertud.'"

"At kaya binago bilang 'Lupang Hinirang' ang titulo at binago rin ang ibang letra tulad ng 'Bayang Magiliw' ay para maitago ang mensaheng ito sa Organisasyon." Dagdag ni Noli

Unti-unting nahuhulog ang mga pyesa sa tama nilang pwesto. Nabubuo ang isang larawang punit para maipakita ang eksenang nakunan nito. Ang galing lang. Kahit kaunti nabawasan na ang katanungang nangangailangan ng kasagutan

Nagkamot ng ulo si Tifa. "Pero hindi parin masagot kung bakit ginamit ni Andres ang LH."

Nagkibit balikat ako. "Edi tanungin nalang natin sa kanya nang personal. Pero para mangyari yun kailangan muna nating ng tamang lagusan."

"Alam ko na kung saan yun." Biglang singit ni Jazz na noo'y nawala sa eksena dahil abala sa pagtututo kay Ever ng makabagong uod hunting techniques. "Apat ang daan dito. Tingin ko nakapwesto sila sa hilaga, silangan, timog at kanluran. Ang pangalawang linya ay 'Perlas ng silanganan.' diba? Ang bertud ay minsang tinawag ni amo na perlas. Kung bakit hindi ko alam, maiintindihan mo lamang daw ito ng mga Napiling nakalinang na nang tuluyan ng kanilang bertud." Pagtapos niya.

"Kung tamang daan ay ang silangang pinto. Yun nga lang paano natin malalaman kung san ang silangan. Ayaw gumana ng compass natin."

"Ayun oh." Turo ni Mirasol sa isang lagusan.

"Teka Mira, sigurado ka ba? Paano mo nasabi?"  Tanong ko. Ayoko maging insensitibo pero alam nyo naman sitwasyon ni Mira diba?

"Opo sigurado ako." Kumpyansa nyang sagot. "Di ko alam kung paano ito gumagana pero kapalit ng aking paningin, malakas ang pakiramdam ko sa normal na tao, kasama na ang pakiramdam ko sa direksyon. Nararamdaman ko kung nasaan ang hilaga kaya sigurado ako na ayun ang silangan."

"Sangayon ako sa kanya. Kung papipiliin ako sa apat na lagusan yan din ang pipiliin ko. Yung natirang tatlo pakiramdam ko mali silang daanan." Pagsangayon ng diwata.

"Bakit?"

"May malakas na amoy sa tatlong lagusan." Si Jazz ang sumagot. Muntik pako matawa dahil akala ko joke, pero seryoso ang sumunod. "Amoy ng kamatayan."

~~~~~~~~~~~~~

Marami nang nakapunta sa kweba, yun ang una naming hinala. Maraming nakarating, walang nakabalik. Napatunayan namin ito nang makita namin ang unang kalansay sa daanan. Hindi na kami nakipag mabutihan dito, pero ayon kay Tifa wala itong pinsala, namatay sa gutom. Isang bagay na dapat naming ipagpasalamat daw. At least pag nagutom kami may manok kami. Joke lang.

Parang nabahala ako. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng patay na tao bukod sa mga lamay, mga amalanhig at mga lalaking nabasted. Pero walang ni isa man samin ang natakot. Nandun yung lungkot at pangamba pero parang nasasanay na kami. Hindi ko iyon dapat sa mga batang tulad namin. Pero wala kaming magagawa, ito ang raw ang itinakda. Pag nagkaroon ng pagkakataon kukutusan ko yang nagtakda.

Matapos ang paglalakad sa madilim na lagusan na tanging mga sulo lang sa pader ang liwanag(na katakatang may sindi parin. Naka Motolite ata.) nakarating kami sa isang kwadradong kwarto. Kakaiba sya sa nakasanayan naming tanawin sa kweba dahil iyong kwarto ay nilikha mismo ng tao at di natural na hinabi ng kalikasan. Gawa ang sahig at pader sa adobe. Sa ilang parte ng pader ay may rebulto ng mga halimaw o lamanglupa na nakadikit. Tipong parang kalahati ng katawan nila ay nasa loob ng pader at pilit silang kumakalawa mula rito. Ang kanilang mukha at larawan ng walang hanggang pananaghoy para makatakas. Mukha silang totoo, na tila ilang sandali lang bigla silang gagalaw at sasayaw ng lambada, papatayin kami, magseselfie sa aming mga labi, sabay sasayaw uli ng lambada. Oh kay sayang isipin.

Kung anu-anong klaseng maligno sila, di ko muna sasabihin. Kasi tinatamad ako eh. Kaya bitinin ko muna kayo tungkol dyan, bawal umangal, wala kayong choice.

Isa lang ang pintuan na nasa kabilang dulo ng kwarto. Nakasara ito at walang hawakan, sinubukan namin itong itulak pero hindi man lang ito natinag. Sa bigat nito naalala ko yung pintuan ng pagsubok sa bahay nila Killua nung napadaan ako run dati para maki-cr. O baka pahatak lang yung pagbukas nun at mukha kaming tangang nagtutulak.

Naisip kong hiwain ito ng balisword, pero may pumipigil sakin. Ewan ko, pakiramdam ko mali ito. Parang napaka sagrado nito para sirain. May katagang baybayin pa nga na nakasulat na ang sabi ay: 'Dont Open, Dead Inside.' Pero joke ko lang yun syempre.

"'Alab sa puso na sa dibdib mo'y buhay, sa lupa ng hinirang magiting mong iduyan.' Yan rin yung pangalawang linya. Anong ibig sabihin nun?" Ani ni Tifa na tinitignan ang camera nya. Kinuhaan nya kasi litrato yung tableta.

Napatingin din ako at napaisip. Parehas nga sila ng nasa tableta pero parang may mali na hindi ko mawari.

Binangga ako ni Makie at napagpalitan kami ng tingin, sabay umiling lang sya. Ano kaya yun?

"Alab ng puso sa dibdib? Hindi ba pagibig din yun?" Tanong niya. "Pero hindi eh. Walang kuneksyon. Dapat may kuneksyon sa mga bertud ang sagot. Isang damdamin. Isang damdamin na nakakapagpaalab ng dibdib gaya ng..."

"...Katapangan." tuloy ko. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata, nagturuan ng daliri na walang binibigkas na salita, iisa ang mga iiniisip. Ang bertud ng katapangan.

Inilabas ko ang aking bertud at ako'y napatda. Mahina pero di maikakailang may kakaibang kislap ito na wala naman dati.

"Ganyan ba talaga yan?" Tanong ni Noli na namamangha.

"Hindi. Ngayon lang nangyari ito. Kung ano man ang nandito sa kwebang ito, nakakaapekto ito sa bertud."

"Baka nararamdaman nyang nandito ang dati nyang Pinili." Wika ni Jazz.

Nagkibit balikat lang ako. "Anong gagawin ko rito?"

Napaisip kami hanggang sumagot si Tifa. "Lupa ng hinirang, dito yun diba. Magiting na iduyan... Hmmm subukan mong ialog."

Tumango ako, wala namang mawawala kung susubukan. Kinulong ko ito sa aking palad. Nung aalugin ko nagdalawang isip ako at namula.

"Aalugin ko talaga? Paanong aalugin ba?" Mahina kong tanong.

"Ewan ko... Basta iaalog mo lang talaga. Try taas baba, ganun."

Sinubukan ko itong ialog, kaso hindi ko kaya, binubungisngisan pako nung dalawang lalake. Habang yung mga babae at bata inosenteng nanonood lang at nagtataka sa kinikilos namin.

"Pwede wag nyo akong tignan?"

"Huh? Bakit?"

"Basta! Tumalikod nalang kayo. Oo pati ikaw Mira talikod ka nalang din."

Aangal pa sana sila pero tumalima rin kalaunan. At nasagawa ko na ang pagalog sa aking bertud. Inalog na parang tanga hanggang mangalay ang ang aking kamay.

"Wala nangyayari eh." Reklamo ko.

"Subukan mong ilipat sa kaliwa." Natatawang suhesyon ni ExCab.

"Ang hirap. Di ako sanay sa kaliwa eh. Ay @#*%&!"

Nag-apoy ang aking kamay! As in sumilab yung kamay kong hawak ang bertud at lumabas si Saiha at Nadare! Nagulantang din ang mga kasama ko at muntik ihian ni Ever (dahil sa pagkabigla at walang tubig) nang pinigilan ko sila. Dahil hindi ako napapaso. Saka kadiri. Ano yun pag nabigla, iihian kaagad? Buti nalang di mabiglain mga bumbero natin kung hindi... Ayoko na nga.

Binuklat ko ang aking kamay at lumakas ang liyab ng bertud at liwanag ang buong kwarto hanggang sa tuluyan itong nawala at nanumbalik sa dati. Pero nakaramdam kami ng konting pagyanig hanggang sa lumakas na halos tumumba kami sa aking kinatatayuan. Nakarinig kami ng pagbasag ng bato at paglingon ko hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Ang mga rebulto sa pader ay unti unting nababasag. Parang nababalatam at lumilitaw ang tunay na anyo ng mga nilalang na nakulong sa loob nito. Buhay pa sila, sementado lang. At sa itsura nila, mukhang di sila natutuwa. Siguro dahil hindi sila nakapag praktis ng lambada.

Kinuha ni Makie ang aming atensyon at itinuro ito sa pintuang dahan-dahang bumubukas. Mula rito lumabas ang isang matandang ermitanyo. Pero hindi tulad uugod ugod na ermitanyo sa mga pelikula, ang matanda mula sa pinto ay matipuno ang katawan. Hindi ko masabi ang edad nya, kung tutuusin sa mga nakakasalamuha ko, nawawalan na ng saysay ang konsepto ng edad. Mahaba ang puting buhok at balbas. Ang suot ay parang lumang mandirigmang kastila, ganun narin sa kanyang itsura. Matangos ang ilong at may kulay ang mata. Dahil kung walang kulay, transparent yun. Ayokong makakita ng transparent na mata. May kakaibang pagkasuklam sa kanyang mata habang kanya kaming sinuksukat. Parang mataderong hinahanap ang pinaka malaman pa parte ng kanyang kakatayin, pero bugnot na bugnot sa trabaho.

"Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko akalaing makikita ko ang taong yan dito." Pinagpapawisang sabi ni Jazz.

"Kilala mo sya?" Tanong ko.

"Nakita ko na ang isang larawan nya sa bodega ni amo. Iba na ang itsura pero hindi maikakailang sya yan. Tingin ko kilala rin yan ng binibini."

Tumango si Makie. "Nakita ko na sya. At may mga hindi ako magagandang alaala sa taong yan." Naglabas sya ng mga kutsilyo.

"S-sino sya?" Tanong ni Tifa na hindi nahahati kung camera ko pana ang hahawakan.

"Ang mananakop." Sagot nya. "Si Ferdinand Magellan."

Pinigilan kong magulat. Pero hindi ko sigurado, bumagsak din ata ang panga ko. Habang pilit na kumakawala ng mga halimaw sa pader at sinisipat kami ng matandang mananakop kumakabog ang dibdib ko. Nagsisiksikan kami sa gitna at nakikiramdam sa mangyayari. Sa gitna ng eksena ng kapahamakang iyon may katagang pumasok sa isipan ko.

'Sa manlulupig, di ka pasisiil.'

~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Wala muna ako imemention bukod kay diwatang nagsponsor ng chapter cover na ito featuring The Cabezas na magrerelease ng bagong album nila this coming millenium na walang bibili kundi mga minamahal nilang kabalangay.

Salamat ICE-014 Sobrang touched ako sa tralala dahil sa iyong walang sawang pagsshare ng talento. Lets give her a round of applause. O kahit a square of applause pa yan. Ang di papalakpak tutubuan ng tenga sa ilong kaya mabibingi ka everytime na hihinga ka.

Yung mentions later na, iedit ko nalang to. Super busy and antok na eh. Votes na lang po sa dalawang chap at sa iba. Pleaseeee.

Pasensya na sa delays, super busy kaya parang di napagisipan yung mga bagong chaps. (("')_(""))

May booth pala kami sa toycon pm lang sa attend dun
;)

Chiao

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top