KABANATA XL - Noli na Me, Tangere na U!

May mga bagay sa mundo na makikita mo lang kapag hindi mo hinahanap o hindi kailangan. Gaya ng suklay na pinatong mo sa lamesa na tila nagpasyang magseaman at dimo na muling makita ngunit lumitaw nalang malipas ang ilang linggo sa gilid ng tukador matapos lokohin ng illegal recruiter. O yung tumama ng jackpot sa lotto ang alaga mong numero pero dimo tinayaan dahil nanood ka ng teleserye tungkol sa nawawalang anak mayaman na lumaki sa hirap at umibig sa mayabang/maarteng na mayamang binata/dalaga, dahil di ka nagsasawa sa paulit ulit nalang istorya nila.
Sa kaso namin, ang huling inaasahan namin makita sa masayang tahanan ng pamilyagit(pamilyang yagit) ay ang matagal nang hinihintay makita ni Talas. Si Noli.

Nagkataon? Hindi ko masabi.

Hindi kami makapagsalita ni Tifa. Ako, dahil hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Pero dahil sa PuSi ng Tagumpay, isang patunay yun na totoo ang sinasabi nya, dahil hindi ka magkakaroon nito kung hindi ka mamamayan ng Kanlungan. Si Tifa naman ay dahil nakatingin sya sa abs nito. Ewan ko kung bakit, pero minsan ang napakadaldal na babae gaya ni Tifa ay napapatahimik ng abs. Kaya siguro may abs sa abstinence. Tae lang.

"Sandali, Tagumpay din kayo? Mga bago ba kayo?" Tanong nya nung mapansin ang kulay ng itim na PuSi namin. "Kamusta ang balangay natin?! Nasa ayos pa ba? Wala naman bang naging problema sa pagkawala ko? Sino humalili sa akin?" Tanong nya habang hinawakan ako sa magkabilang braso.

Hindi ko siya masagot agad. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Sa pagsabing naging desperado ang sitwasyon ng Tagumpay sa paglisan nya, o sa pagsabing lumayo ka konti at wag mong idikit yun katawan mong nakahubad, kinikilabutan ako. Awkward amp.

"Si Talas. Sya ang Cabeza ng balangay natin ngayon." Ang sabi ko nalang. Nakahinga sya nang maluwag.

"Mabuti naman at si Talas. Bata sya pero alam kong maasahan syang gampanan ang tungkulin ng isang Cabeza." Sabi nya. Oo na. Pero mas mabuti kung bibitawan mo nako.

"Ano bang balita kay Talas? Hindi naman ba sya nahihirapan? Sinong kaagapay nya?" At nagtanong pa talaga ang kumag, di makaramdam. Parang crush mo lang.

Mabuti nalang dumating sila Makie at Jazz para iligtas ako sa nakakailang na sitwasyong yun.

"Kailangan na nating umalis!" Ani ni Makie. "Alam nilang di natin sila pwedeng patayin kaya tumatapang silang lumusob kahit masaktan ang ilan sa kanila. Hindi na namin sila kayang pigilan!"

"Sandali!"

Biglang tumakbo si Noli tungo sa mga batibat, na nakakabilib kung iisipin mong nanghihina sya. Lumundag ito at sumipa ng dalawang paa sa mukha ng pinaka malapit. Nung akmang babagsak na ito, humakbang-hakbang si Noli sa ulunan ng iba na parang apakan. Pag dating nya sa dulo kung saan naruon ang anak nila Bettybat, sinipa nya ito sa sipa sa pisngi kaya bumagsak ito sa sisidlan ng maitim na likido dahilan para masira ito at tumapon anh laman. Tumakbo ang datin Cabeza tungo sa lamesang may tukador sa dulo.

"Sino naman yun?" Tanong ni Jazz.

"Si Noli."

"Yung dating bise-presidente? Anong ginagawa nya rito?" Tanong ni Mirasol. Di ko sya masisi, di nya naman kilala o nakikita si Noli, kahit kami rin naman. Sabihin ko nalang may taping sya ng MGB na pang halloween.

"Sya pala yun. Hindi na masama." Sabi ni Makie na halatang nabilib.

"Kaya ko rin yun."

Tinignan ako ng diwata sabay tinawanan. Anong nakakatawa, di naman joke yun sinabi ko.

Nakabalik si Noli at pinangunahan kami sa pinto at sinenyasan kaming lumabas.

"Dali, tatayo rin agad ang mga yan at hahabulin tayo." Sabi nya. O baka gumulong. Ang lalaki nung tyan eh.

Pagdating namin sa pintuan ng bodega nakaranas kami ng isa pang problema. Nakakandado ito at hindi mabuksan kahit pagbangga at pagsipa namin.

"Usog kayo sandali." Utos si Noli. At nilabas nya ang susi ng pintuan.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko.

"Sa tukador ng lamesa kanina. Pag nagtagal kayo rito gaya ko, aalamin mo lahat ng paraan, pasikot sikot at mga labasan para tumakas. Sa kasamaang palad ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon." Habang nagsasalita sya nakatingin lang ng paghanga ang mga kasamahan ko sa kanya. Ako... Ewan ko. "Ayan bukas na!"

Nagsipasukan kami at tumambad sa amin ang malaking kwarto na puno ng abubot. Para kaming nasa silid aklatan na maraming hanay ng lalagyanan ng libro pero iba ang nakalagay. Mga sira sirang pyesa ng mga sasakyan, mga yero, gamit pang karpintero, mga bagay na tingin ng kapre ay koleksyon pero sa totoo lang basura na. Hindi gaanong maliwanag kaya nahihirapan kaming suriin ang paligid.

Nilock ni Noli ang pinto. "May kopya pa ng susi ang mga batibat na iyon. Hindi magtatagal ay mabubuksan nila ang pinto kaya magmadali na tayo hanapin kung anong kailangan nyo! Maiwan ko lang kayo saglit!"

"San ka pupunta?" Tanong ni Tifa. Tumaas ang isang kilay ko.

"Hahanapin ko lang ang sandata ko, alam ko dito nila yun tinabi. Saglit lang." At nawala sya sa hanay sa gawing kanan.

"Tifa anong hinahanap natin?" Tanong ko.

"Busina ng kotse!"

"Anong itsura nun?

"Basta mukha syang ano... busina?"

"Huhhh?!"

"Basta! Hindi ko rin alam paano ko ilalarawan! Maghanap kayo ng pyesa ng kotse bandang makina, saka baterya. Ipakita nyo lang sa akin."

Umokey kami at nagsimula nang maghanap, at aaminin ko sa inyo hindi ito madali dahil wala kaming ideya kung anong hinahanap namin. Bukod kay Tifa, wala nang may alam tungkol sa mga pyesa ng kotse. Si Makie ang alam nun ibangga yung kotse, sa pagkukumpuni ewan ko nalang. Hindi na nakatulong na madalim ang paligid at nagmamadali kami.

Nakailang turo na kami ng pyesa kay Tifa pero kung hindi mali yun pinakita namin, sira na ito or kaya wala patay na ang baterya. Tila walang patutunguhan ang ginagawa namin. Mas madali pa atang maghanap ng tunay na pagibig.

Natigilan kami nung gumalaw ang pintuan at may kumakatok.

"Pagbuksan nyo kami ng pinto. Hindi namin kayo sasaktan! Hindi na kami galit" sabi nung isa sa kanila.

Pero seryosong tanong. Bakit lagi nalang ganun? Yung mga killers laging kinukumbinsi yung mga papatayin nila na pagbuksan sila ng pinto. Tanga ba sila?

"Bakit di utak nyo ang buksan nyo para malaman nyo kung may laman?! Ano kami utu-uto?"

"Ginagalit nyo kami!" Lalong kumalampag yung pintuan. Mukha ngang galit sya. Wawa maman.

"Wag mong sirain yung pinto! Magagalit si Dad at Mom!" Sabi nung isang boses. Wow dad at mom. RK.

"May susi tayo." Bang! Para kaming binaril sinabi nyang yun. Pinagpawisan kami nung gumagalaw na yung doorknob. Dina ako nagisip, dagli kong ibinalandra ang likuran ko sa pinto. Hinarang ang murang katawan para hindi ito mabuksan.

"Wag nyo na akong isipin! Haharangan ko sila hanggat kaya ko, atupagin nyo ang paghahanap ng busina!" Sabi ko sa kanina. Handa kong isakripisyo ang aking sarili para sa kanila. At saka para humanga rin sila sa akin. Ewan ko, natatabunan ako ni Noli kahit ako naman ang bida. Wag ganun uy.

Pero sa halip na humanga napatingin lang sila sa akin na walang reaksyon. Walang kislap sa mata, walang luha ng paghanga, walang pagtanging pagtangis. Wala lahat. Para lang silang nanonood ng singing contest sa tv pero naka mute. Hindi ba kayo nabilib?

"Seryoso kaba sa ginagawa mo?" Tanong ni Ever.

"Oo naman! Isa akong mapagpalang nilalang kaya ako na umaako ng pinakapanganib na gawain pero wala man lang kayong intensyong mabilib o matuwa. Mga talipandas..."

"Paano kami mabibilib, hinaharangan mo yung pinto eh pahatak naman yung pagbukas nyan, di patulak."

"...eh?"

Bumukas yung pinto. At dahil tinutulak ko ito paatras nasama ako sa pagbukas. Bumagsak ako pahiga sa sahig kung saan naroon yung mga batibat na nagulat din sa entrada ko.
At ang mga kaibigan ko? Di nila kinaya yung eksena at pinagtawanan nila ako. Kaibigang tunay talaga. Pati tuloy yung mga batibat napatakip ng bibig at nagpipigil ng tawa at nagugutya ng tingin. Nakakahiya. Grabe nakakahiya talaga. Halos mapatakip ako ng mukha sa mata ng mapaghusgang lipunang iyon.

"Anong tinatawa-tawa ninyo dyan! Huli-ppfft.. Hulihin nyo sya!" Utos nung anak ni Betty na nagtatawa rin kunwari pa.

Nagunahan sila sa pagdampot sakin, mabilis naman akong gumapang palayo. Buti nalang malalaki sila at di makayuko dahil nakaharang ang tyan. Pero may isa parin na nahablot ang aking binti at muntikan nakong mapatili, pero dahil baka matawa lang lalo sila shut up nalang ako.

Ppzzzpppaaccckkkk!

Isang matalas na hagupit ang humiwa sa hangin sa ibabaw ko at lumatay sa kamay nang humablot sakin. Sa naghuhumindig na sigaw ay nabitawan nya ako, at nakita ko ang braso nya na umuusok ang bakat ng nang mahabang tumama rito.

"Tumayo ka na riyan at samahan mo ang mga kaibigan mo, pipigilan ko sila!" Sabi ni Noli. Tangan nya sa kanyang kamay ang isang sandata laban sa mga aswang. Isang buntot-pagi(*1). Halos kasing haba ito ng kanyang katawan at panipis hanggang dulo. Sa katawan nito ay may ilang maninipis na patusok na marahin balahibo ng pagi at ang hawakan at gawa sa pinulupot na tela na may mukha ng parang dragon sa bawat dulo.

Kung tutuusin dapat magpasalamat ako sa kanya. Kaso naiinis ako. Ako dapat yung astig eh, kaso hindi. Kaya napatayo lang ako run di alam ang gagawin. Nagpasya akong sundin sya. Tutal parang di nya naman kailangan ng tulong, walang nakakalapit dahil mas mabilis at malupit ang hagupit ng kanyang armas.

Naabutan ko silang nagtatalo.

"Hindi ba pwede yung mga pinakita namin sa iyo?!" Tanong ni Makie kay Tifa.

"Hindi pupwede yun, sira naman lahat yun eh! Sigurado bang nahalughog nyo na lahat?!"

"Hindi pa binibini. Pero karamihan sa mga nandito ay mga luma na, duda akong makakahanap pa tayo ng gumaganang busina kahit baliktarin man natin ang bodegang ito." Ani ni Jazz. Pero bakit babaliktarin, edi lalong mas nagulo.

"At kahit meron mang kahit isa rito na pwede nating gamitin, kukulangin na tayo sa oras para hanapin yun."

"Wala ba tayong magagawang paraan ate Tifa?" Tanong ni Mirasol.

"Teka sandali magiisip ako."

Tumahimik kami habang nagiisip siya, walang gustong mangistorbo. Lumilipad ang mata nya sa paligid, naghahanap ng mga bagay na pwedeng gamitin.

"Mga katoto, mangyari lang sanang makikiusap akong iyong bilisan. Tila yata may pinaplano ang mga ito para makalagpas sakin, pero hindi ko alam kung ano!" Ani ng ExCabeza.

Pero wala paring maisip si Tifa, tagaktak na ang pawis nya at halos pukpukin na ang noo para may lumabas na ideya. nlNagsimula naring maghanap uli si Jazz, Makie at Ever. Hindi mapakali na walang ginagawa habang nagiisip ang una.

"Wala ba tayong ibang pwedeng gamitin pamalit sa busina? Dapat ba talaga busina o kahit tunog busina lang?" Tanong ko tapos sinubukang gayahin sa boses ang tunog ng busina.

Napatingin si Tifa sakin at biglang nagbago ang ekspresyon at lumiwanag yung mukha. Di literal na lumiwanag na parang may flashlight sa ilalim uh, creepy nun.

"AYIIEEEEEEE! ANG GALING MO MILO!" Galak nyang sabi.

"Oo magaling talaga ako..... Pero bakit?"

At alam nyo kung anong sagot nya?
Lumundag sya at yumakap sakin at humalik sa pisngi.

Pumunta sya sa lamesa sa gilid, itinapon yung nakalagay dito at ipitong ang bag nya. Kinuha nya yung macbook nya.

"Bakit di ko naisip yun? Oo nga no, hindi naman importante yung mismong busina. Ang mahalaga ay yung tunog mismo ng busina. At kaya kong gayahin yun. Saglit lang."

May kinabit syang speaker para mas lumakas yung tunog. Naglapitan yung mga kasama namin nung napansin ang ginagawa nya.

At ako? Wala... Naging rebulto na ako sa kinatatayuan ko. Sa isipan ko tumutugtog ang kantang 'kapag tumibok ang puso by Manilyn Reynes' habang masaya akong kumakandirit at sumasayaw sa kabundukan na napapalibutan nang mababangong bulaklak habang nakikipaglaro ang maamong hayop gaya ng kabayo, aso, mga ibon, alamid(fox), asno(donkey), zebra, elepante at Tyrannosaurus Rex na may suot na pakpak ng butterfly at pink peacock gown. Gumawa pako ng korona ng bulaklak at sinuot sa bawat isa sa amin habang nagtatawanan na pinapanood ang takipsilim.

Madalas sweet sa akin si Tifa, pero unang beses nya akong hinalikan sa pisngi. Marahin sa pagkatuwa niya. Napahawak ako sa pisngi ko at tulala. Iba pala ang epekto ng unang halik(sa pisngi), nagfifeeling disney princess kahit mga lalake.

"*ehem* Bakit mukha kang tangang nakangiti dyan?" Tanong ni Makie na kinagulat ko. Bigla nalang syang sumusulpot.

"Huh? Ah eh Wala naman... Nakakita lang ako ng nagbaballet na T-rex."

"...... Takas muna bago landi." At iniwanan nya akong nagtataka kung bakit parang iritable sya. Na lagi namang nangyayari. Oh well.

"Matagal pa ba kayo?! May problema ako rito!" Sigaw ni Noli.

Hindi makapasok ang mga batibat sa pinto dahil hahakbang palang sila ay sinasalubong na sila ng hataw ni Noli. Pero sinolusyunan nila ito sa isang nakakasuklam na paraan. Ginawa nilang pananggalang ang katawan ng mga taong nakaratay sa kabilang kwarto. Maaring patay na sila, pero walang ni isa sa amin, kahit si Noli, ang kayang magtangka na hatawin ang mga batibat at sila ang tamaan. Hindi yun tama. Isa itong kalapastanganan. Sumumpa akong babalikan ko sila balang araw para mabigyan sila ng katahimikan.

"Eto na malapit na hinahanap ko nalang yung mp3 file!" Sabi ni Tifa habang nagiscroll sa nakabukas na music player.

"AYAN NA SILA!" Pumasok ang mga kalaban na nagtatago sa mga katawan.

"ETO NAKITA KO NA!"

*BEEEP BEEEEEP BEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEEP*

Nagkaroon ng pagyanig at isang parte ng pader ang nahati sa gitna at gumawa parang lagusang parihaba na may hagdanang paitaas. Hindi na kami nagaksaya nang panahon at tumakbo na kami paitaas. Binuhat namin ni Jazz ang mga bata para mas mabilis ang paghakbang. Sa kasamaang palad ang laki ng lagusang ay sakto rin para mapasok ang mga kalaban na papila. Mabuti at nasa hulihan si Noli at humahampas sa likuran kapag may nakakalapit samin. Lumipas ang isa-dalawang minutong paakyat kinakapos hininga kaming humahakbang pero wala parin ang labasan, ang mga batibat at di nagpapakita ang pagod, tila ata nasa tyan nila yung bagà nila kaya hindi nauubusan ng hangin.

Sa wakas narating din namin ang dulo at nakalabas kami, malamig na presko hangin ang sumalubong sa amin na nakabawas ng aming pagod. Pero sa likuran namin ay humahabol parin yung pinakamalapit na batibat pinilit nyang abutin ng kanyang kamay ang binti ni Noli pero pagkalabas na pagkalabas nito mabilisang sumara na parang sliding door ang lupa at naputol ang braso ng batibat at naging alikabok ito. Dun na kami nabagsakan sa pagod, napaupo, napadapa, hinahabol ang hininga.

Pero si Noli, wala akong masabi sa kanya. Kahit halatang pagod di hamak sa amin, di pa rin nya nakuhang magpahinga agad. Ang una nyang ginawa ay amuyin ang lupa at pakiramdaman ang hangin. Aktong umaayat sya ng puno nang tanungin ni Tifa kung anong ginagawa nya.

"Sinisigurado ko munang nasa ligtas tayong lugar bago tayo mamalagi rito. Mukha namang walang kalaban rito pero para makasigurado sisiyasatin ko muna ang paligid. Marami akong gustong malaman sa inyo at kayo rin mula sakin pero sa ngayon gumawa kayo ng apoy, para magsilbing pananggalang at liwanag natin."

Kahanga-kanga sya. Di ako nagtataka kung bakit sya ang napiling Cabeza ng Magtagumpay. Mayron syang kalidad na masasabi mong isa talaga syang pinuno kahit dun ko lang sya nakilala. Di ko alam kung bakit, pero nakakaramdam ako ng kaunting inis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gabi. Ayon sa aming orasan halos dalawang oras kami sa bahay ng kapre kaya hindi katakatakang gabi parin nang kami'y makatakas, kaya nagpasya kaming magpalipas ng gabi. Mapanganib rin gumala kapag gabi. Nasa isa kaming kagubatan, ang tanging liwanag namin ay ang siga ng apoy na pinaiikutan naming paupo. Sa paligid namin ay pinaikutan ng linya ng asin at ilang bawang. Proteksyon para sa mga masamang elemento na pwedeng lumusob sa amin habang nagpapahinga. Hindi sila nito tuluyang pipigilan, pero kahit papaano mabibigyan kami ng ilang sandali para makapaghanda bago sila makapasok sa proteksyong iyon.

Pero bakit asin at bawang? Takot sa pampalasa ang mga halimaw? Bat di nalang ginisa mix o magic sarap baka mas malakas yun dahil halo na. Kaso mahal. Kunsabagay, kaya nga raw aswang ang tawag dahil sa ASin at baWANG.

May ilan kaming pagkaing dala mula sa Kanlungan na pwede naming kainin sa mga sandaling gaya noon. Mga prutas na kahit maliit, masarap at nagbibigay lakas. Sa tubig, may malapit na sapa kaming napagkunan. Sana lang walang umiihi sa unahang bahagi at di naglasang tinola yung tubig. Paano ko nasabi... Basta.

Nung namamahagi na kami ng pagkain, mas madami ang kay Noli kasi halatang hindi sya kumain nang matagal. Kaya nung si Ever na yung nanghihingi sabi ko wala na.

"Bakit wala sakin?!" Tanong nya.

"Kasi walang... For Ever. HAHAHAHAHA!..." biro ko sa kanya.

Tinignan nya lang ako nang masama. Ang totoo nyan lahat sila masama ang tingin sakin. Nakita ko pa nga si Makie na pumupulot ng bato na parang ipupukol sa akin. Wala akong nagawa kundi ilabas yung prutas na para kay Ever na inagaw nya agad. Charming.

Habang kumakain kami ikinuwento namin kay Noli kung ano ang dahilan kung bakit kami napunta sa bahay ng Kapre at Batibat. Ang tungkol sa misyon namin, at ang kung paano kami napunta sa Kanlungan at Magtagumpay. Habang kinukwento namin ito tahimik lamang syang nakikinig.

"Samakatuwid nagkataon lamang na napunta kayo sa bahay na yun at nailigtas ako?..." malungkot nitong sabi.

"Pero ang alam ko ilang beses nagsagawa ng misyon para hanapin ka kaso wala silang mahanap ni isang bakas mo." Pag-alo ko.

"Wag kang mag-alala Maiko hindi na-"

"Milo."

"Uhuh... Yun nga, hindi naman ako gaanong nalulungkot, naiintindihan kong mapanganib magtagal sa labas na mundo ang mga Napili kaya ang paghahanap sakin ay hindi basta-basta. Medyo nahihinayang lang ako na sayang ang ginawa kong paghahanap kay Maestro Lam-ang kung ayon nga sa kwento nyo nandun na sya sa Kanlungan. Pero lahat nang bagay may dahilan, tingin ko hindi nan nasayang ang dalawang buwan kong paglalakbay sa labas nang Kanlungan!" Nginitian nya kami.

Nagkatinginan kaming lahat na nagtataka.

"Oh bakit natahimik kayo?"

"Noli... Tama ba ang sinabi mo? Dalawang buwan?" Pagkunpirma ni Tifa.

"Oo bakit?"

Tumingin si Tifa sa akin, hindi alam ang sasabihin. Si Makie ang bumasag ng balita.

"Mali ka Noli. Hindi buwan, kundi taon. Dalawang taon ka nang nawawala sa Kanlungan..."

Napahawak sa bibig si Noli. Hindi makapaniwala. Kahit ako paanong nangyari yun?

"Hindi na ito bago." Ani ni Jazz. "Iba ang takbo ng oras sa ibang mga dimensyon o mundo. Yun ang dahilan kung bakit ang ilang naliligaw sa kagubatan na parte na ng ibang mundo nang ilang oras, pagbalik nila sa kanila ilang araw na pala ang nakalipas."

Sa punto yun si Tifa naman ang nabigla. Tinignan ang orasan sa kanyang PuSi at napailing, nilabas nya ang kanyang Macbook at may tinignan.

"Guys..." sabi nya. "May mabuti at masamang balita ako para sa inyo."

"A-ano yung masamang balita?" Tanong ko.

"Tama ang aking hinala. Hindi lang tao mahigit isang oras namalagi sa bahay na yun kundi isang araw!" Tumigil muna sya para maintindihan namin ang problemang iyon. "Binigyan tayo ng limang araw para gampanan ang misyon, ang tantya ko dapat may tatlong araw pa dapat tayo dahil napunta tayo sa bahay na yun, dalawang araw na lang ang natitira."

Syete... Dalawang araw para puntahan si Bonifacio, paganahin ang Bertud ng Katapangan at pigilang kainin ng Bakunawa ang buwan. Habang tumatagal lalong dumadali uh. Tapos ang MRT ilang taon na wala paring bagong tren kasi kailangan pa nila nang mas mahabang panahon? Kakahiya naman sa dalawang araw namin.

"Ano yung magandang balita?" Tanong ng Diwata namin.

"Ang magandang balita, malapit na tayo sa destinasyon natin. Ilang oras na lakaran nasa paanan na tayo ng dalawang bundok. Siguro naman ok sa inyong lakarin? Ayoko muna sumakay ng mga kotse ngayon eh."

Sumangayon kaming lahat.

"Hayaan nyong tulungan ko kayo." Ani ni ExCab. "Sa dalawang taon na nawala ako hindi ko alam kung paano sila haharapin. Gusto kong tulungan kayo sa inyong misyon para naman kahit papaano magkaroon ng halaga ang pagkawala ko at magantihan ko kayo sa tulong na ibinigay ninyo sa akin."

Seryoso sya sa kanyang panukala kaya hindi namin magawang tanggihan sya. Saka alangan namang palakarin namin sya pabalik sa Kanlungan na wala man lang syang dala kundi ang isang tshirt na pinahiram ko. Badtrip nga eh, sakin maluwag yun sa kanya namukha pang model ng gym.

"Paano ka nga pala napunta sa bahay na yun kuya vice?" Tanong ni Mira. Gusto rin naming malaman.

Nagtaka sya kung anong vice yung sinasabi ni Mira pero sumagot parin sya. "Ganito kasi yan. Di ba nga hinahanap ko si Maestro para sana tulungan ang mga Balangay sa pagsasanay? Lumipas ang ilang linggo ni wala parin akong balita kung saan sya matatagpuan. Pero ibang balita ang nasagap ko, kaya nagsimula akong magimbestiga."

"At tungkol saan naman yang balitang yan?"

"May kakaiba raw kinikilos ang mga batibat sa buong bansa. Ang mga batibat ay hindi mahilig makisalamuha sa tulad nilang batibat pero ang sabi, karamihan sa kanila ay nagtitipun tipon sa isang lugar. Kung ano ginagawa nila hindi ko alam, pero tiyak ko hindi ito maganda. Kaya nagpasya akong magsiyat at para paikliin ang istorya napadpad ako sa bahay na yun."

"At mukha ngang naging panauhing pandangal ka nila." Biro ko.

"Oo nga eh, napamahal ako sa kanila kaya ayaw nila akong paalisin. Naging kampante ako kasi mukha silang mabait, at pinaghanda nila ako nang pagkain. Nung panahong gutom na gutom ako kaya nilantakan ko na yung pagkain, sunod ko nalang namalayan ginawa nila akong upuan. Haha." Tawa pa nya pero kami maduwal duwal na sa kwento nya. Walang nagtangkang magsabi sa kanyang 'uy kumakain ka pala ng exotic food?!' Yum yum.

"Pero dahil dun nalaman ko yung ginagawa nila. Sa pakikinig ko saga usapan at pagoobserba nalaman kong umaani sila ng itim na likido mula sa mga tao at inihahatid ito sa kanilang kliyente. Kung sino yun at kung saan hinahatid, hindi ko alam."

Kinilabutan ako nung naalala ko ang likidong yun. Hindi maganda sa pakiramdam ang nararamdaman ko mula run. At sa likod ng utak ko pakiramdam ko pamilyar sakin ang likidong yun.

"Ano ba ang likidong yun, at anong gagawin nila run?" Tanong ni Jazz.

"Manghuhula lang ako sa sagot kong ito pero tingin ko tama ang hinala ko. Pero may tanong ako, ano ang sa tingin nyo pinaka matibay na bagay sa mundo?"

Biglang nagtaas agad ng kamay si Tifa na parang oral recitation lang at sumagot sya ng 'diamond', 'orichalcum' at ilan pang mga salitang na sa hirap bigkasin mukhang kinuha sa sikat na pop song sa planetang venus nung dekado sisenta. Yun nga lang, lahat ng ito ay mali.

"Pag-ibig? Haha." Pabiro kong sabi. Na sinalubong ng kantyawan ng grupo. May nagpanukala pang itulak ako sa apoy na sinangayunan ng iba. Mahal talaga nila ako.

"Tama sya. Pagibig ang tamang sagot." Sabi ni Noli na parang bida sa bida sa baduy na teleserye, kulang nalang biglang kumanta si Gary V sa background ng rocksong na ginawang ballad. "Isipin nyo, ang pagibig ang napakatibay. Itago mo ito, itanggi, ibaon sa baul na kung tawagin ay pagkalimot, pero makalipas ang ilang taon di parin ito tuluyang nasisira. Ika nga, ang pagibis ay wagas at walanv kamatayan."

At nagtanguan silang lahat na parang iyon lang ang natural na tamang sagot, obyus naman. Nalimutan na nilang gusto nila akong sunugin nung ako sumagot nun. Ano yun pag may abs, mas kapanipaniwala? Bah!

"Sabihin na nating tama ka, pero hindi ko maisip na kumukuha ng pagibig yung mga batibat na yun. Hindi talaga. Kailan pa sila naging kamaganak ni kupido?" Pagdududa ni Makie.

Tumango ni Noli. "Hindi nga. Walang paraan para makuha nila ang positibong enerhiya na yun ng mga tao, kaya ang kinukuha nila ay ang kabaliktaran na singtibay rin nito."

"Galit?"

"Hindi. Takot."

Napatango ako nang di namamalayan. Sangayon ako, dahil tulad ng pagibig, ang takot na di tuluyang namamatay. Ang isa sa unang emosyon na nabuo mula nung unang panahon at nananatili parin ngayon. Takot sa dilim, sa pagkamatay, mga bagay na di nakikita atbp. Kahit pa sabihin nating di tayo natatakot sa isang bagay, sa ating puso may nakatarak na punyal na nagngangalang takot na hindi kinakalawang.

"At bilang tagapagbigay ng bangungot, wala nang ibang bagay na umani nito kundi mga batibat" ani ni Tifa.

"Tama. Binibigyan nila ng bangungot ang mga tao at ang purong takot na nararamdaman nila ay kinukuha nila at pinapatigas na parang marmol. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin nila rito."

"Sa tingin ko alam ko kung saan nila ito ginagamit." Sagot ko. Naalala ko na kung bakit pamilyar iyon. Nakita ko na yun sa pinatigas na porma.

Ikinuwento ko sa kanila ang pintuan na itim marmol sa may hapagkainan nila Neskapre. Kung paanong napakatibay nito na hindi nahihiwa ng Balisword(na ikinagulat ng mga kasamahan ko), at ang sinabi ni Betty na gawa ito sa materyales na hindi ko gugustuhing malaman kung ano. Ayun na yun, pinatigas na takot.

"Mukhang yun nga ang sagot sa katanungan natin." Ani ni Tifa. "Pero ang tanong dyan, saan nila ito gagamitin? Saan ito dinadala at sino ang kumukuha?"

"At bakit kailangan nila ng sobrang dami nito. Nung namalagi ako run, ilang sisidlan na ang napuno at inihahatid nila, hindi ko na mabilang."

Natahimik kami. Anong gagawin nila sa ganun kadami? At gaya ng sabi ni Noli, lahat ng batibat sa buong bansa ang gumagawa nito. Hindi ko lubos maisip kung saan nila ito gagamitin. Hindi ko maiwasang madapuan rin ng takot ang aking puso.

"Tanong lang kuya!" Taas ng kamay ni Ever. "Anong klaseng panaginip ang binibigay ng batibat?"

Nagdilim ang mukha nito. "Ang pinaka masama sa lahat ng masamang panaginip na maiisip mo. Pagkamatay mo, o mga mahal mo sa buhay. Mga halimaw na kahindikhindik. Mga panaginip na sa sobrang totoo pwede kang mabaliw. Hindi ko na idedetalye sayo iho dahil baka hindi ka makatulog."

"Pero kuya vice, natakot ka rin ba? Bat parang ok ka lang?"

"Natakot ako nung una. Ang isang bangungot ay sapat na ikasira ng ulo ng normal na tao, at araw-gabi nila itong pinaparanas nang walang palya hanggang sa kamatayan sa pagkagutom. Mabuti nalang may ilang buto ako ng prutas mula sa Kanlungan na naitabi nagsilbing nutrisyon ko kaya nakatagal ako hanggang dumating kayo. Pero hindi ako normal na tao. Isa akong Napili ng Kanlungan, Cabeza ng Magtagumpay, hindi ako padadaig sa takot mula sa panaginip na gawa lamang nang masasamang nilalang. Mas matibay ang aking pananalig kaya di ako nagupo."

Diko mapigilang humanga sa kanya, batid kong lahat kami ay ganun. Kung ako nasa kalagayan nya malamang tumalon nako sa pinamalapit na bangin. Hindi ko lubos maisip kung gaanong nakakatakot ang mga nakita nya sa kanyabg panaginip. Ang kwento nya ay nagiwan nang mabigat pakiramdam sa hangin. Marahil napansin nya to kaya bigla syang tumawa.

"Alam nyo kung ano mas nakakatakot sa bangungot? Yung makikita nyong uupuan ka ng dambuhalang maruming pwet ng batibat. Kapag nakikita ko, gusto ko nang umiyak hahahaha."

Nagtawanan kami. Ewan ko kung bakit, di naman nakakatawa yun. Pero buti nalang dahil napawi ng halakhak ang dilim ng na kumakakapit sa aming balikat.

"Yun lang ang alam ko." Sabi nya. "Kailangan malaman din natin kung para ang takot na kinuha nila pero sa ngayon unahin natin ang Misyon nyo. Kaya ang dapat gawin ay matulog para may lakas kayo para bukas. Ako na ang unang magbabantay ngayong gabi."

"Pero nanghihina kapa, mas kailangan mong magpahinga kaysa sa amin. Si Milo nalang ang magbabantay." Ani ni Tifa.

"Oo nga si Milo nalang." "Tama." Sangayon ng iba.

"TEKA BAKIT AKO?!"

Tumawa lang si Noli. "Ilang buwan nakong puro tulog, sobra-sobra na yun para sa akin. Gusto ko ring magisip ng sasabihin ko pagbalik sa Kanlungan... At saka... Ayoko munang matulog. Ayoko muna."

Di kami makatanggi. Kita ko sa mata nya ang takot. Takot na baka bangungutin sya sa pagtulog. Tama nga sya, di ito basta-basta namamatay.

"Wag kayong mag-alala, kapag inantok ako gigisingin ko si Milo bilang kapalit na bantay." Garantiya nya, sumangayon kami at nagsimula nang matulog.

Pero hindi nya ito ginawa. Hindi sya natulog buong gabi. Ang huli kong nakita bago ako makatulog ay ang imahe ni Noli na nakaupo sa sangay nang isang puno at nagiisip nang malalim. At ang malaking halos bilog na buwan sa kalangitan na may bahid nang pula sa paligid. Unti-unti nahahawig sa duguang buwan sa panaginip ko.

Dalawang araw. Dalawang araw nalang ang nalalabi. Dalawang araw para iligtas ang mundo mula sa pagkawasak. Nararamdam ko na. Unting unting lumalapit ang katapusan.





Eh ano naman ngayon? Walang may pake. Basta ako natulog lang tapos! At kinabukasan narating namin yun paanan ng bundok. At pagdating namin run...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

(*1) Buntot-pagi:

Sandata na gawa sa.... Wag kayong magugulat uh.. Buntot ng pagi! Gulat kayo noh? Di nyo expected yun. Oh my gulay watta shock that is! Kung tutuusin para itong latigo na di narorolyo. Mabisa itong panghampas sa mga aswang. Actually kahit kanino. Kapag nahampas ka nito di ka lang masasaktan, lalagnatin kapa sa sobrang sakit o sa lason na taglay ng ilan sa mga aswang. Pero wag kayong oorder nyan sa lazada kung may kaaway kayo. Masyadong rakenrol yan para gamitin sa tao.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Salamat sa paghihintay, kahit medyo boring ang chap na ito, still sana magustuhan ninyo. Wala muna drawing, pero kung may gusto kayong ilagay dyan feel free na imsg ako sa fb. O friendster kung dun kayo may account.
;)

Salamat sa nagread, votes, share. U da real mvp. Di ko ito malilimutan hanggang bukas.

Salamat po sa mga sumusunod na nag floodvotes:

JamesBigcas A01_O11 winrose999 YueClow ajwinchester07 mandrin_chan 1990velocity ehjsere mreyeliners IvanOlea0 MariaRoseDo riehnzkiepot_09 iamamudblood angKulayitim marianjanelle codename_anahaw CrisVincentMeneses3 KablotLopezrey JonisPunzalan makapalnagwapo Allenbernardo0896 Lahamqkoe LuHanniEDeer13

As usual may di ako mamention, nagpalit ata ng name. Salamat sa inyo, lam nyo naman kung sino kayo eh.

Writing na yung next, kaya makakapagUD nang maaga. I hope. Naeexcite ako sa next chap, ang galing lang kasi, magegets nyo why pag nabasa nyo na.

Chao. ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top