KABANATA XIX - Maiko
"Kung titignan natin ito sa ibang perspektibo, baka ito na ang sagot sa isang misteryong bumabagabag sa atin. May mabuti ring dulot ang duelong ito, yun ang pananaw ko uh." Sabi ni Jazz habang ineescortan kami ng ilang kalalakihan sa paglalakad.
Malipas lamang ang ilang minuto pagkaalis ni BJ may sumundo na sa amin at dinala kami sa isang lagusan sa gilid ng bundok. Isang mahabang pasilyo lang ang tinatahak namin, kung saan papunta wala kaming ideya. May gag order ata ang mga escort namin kaya di kami kinakausap o pinapansin
Maliban sa ilang pagsulyap nila sa akin at palihim na pagaabutan ng butong pakwan.
Mukhang pinagpupustahan nila ng duelo namin. Gamit ang butong pakwan. Langya. Di man lang ginawang buto ng kalabasa o kasoy. Kuripot.
"Anong misteryo ang sinasabi mo?" Tanong ni Tifa.
"Yung misteryo ng mga kumakatok kagabi. Di ba ang hula may mamamatay sa atin? Malay mo eto na yun, pagkatapos ng duelo ni Milo baka magkatotoo na. Edi lutas na ang misteryo! Lutas na ang isang problema natin. Hahahaha!"
Di ko alam kung nagbibiro sya o hindi pero parang gusto ko syang idonate sa Andok's para litsunin.
"Sana nga tama ka. Pero malabo ata yun. Kahit mukhang durigista si Bon Jovi, ang kaya nya lang gawin ay baliin ang ilang buto ni Milo di naman gaanong importante, pero ang patayin sya? Tingin ko di sing halang ng mukha nya ang kaluluwa nya." Sagot ni Makie.
"Salamat sa tiwala guys. Nagbblush na kaliwang pigè ko sa puwet sa mga papuri nyo." Sarkastiko kong tugon.
Tingin ko pinapakalma lang nila ang damdamin ko bago ang laban. Sana. Pero sa dalawang ito, diko alam kung ano tunay na iniisip nila eh. Baka excited pa silang magulpi ako
"Tifa ok ka lang ba? Kanina kapa walang imik dyan uh." Pansin ko sa kanya na nananahimik sa tabi ko.
"Sabi ko sayo umihi kana kanina nung may pagkakataon pa eh." Pasok ni Jazz.
"Siraulo! Sabing di ako naiihi eh. Ipag-ihaw kita ng buto ng kasoy makita mo." Sagot ni Tifa.
"Haha wala namang ganyanan." Kabang tugon ni Jazz.
Note: deadly po ang amoy ng iniihaw na buto ng kasoy sa mga manok. Kaya wag pong magihaw nito malapit sa manok nyo, sa kapitbahay nalang.
"Nagaalala lang ako Milo. Kailangan mo ba talagang gawin ito? Kausapin nalang natin sya, susubukan ko syang kumbinsihim ule. Masasaktan ka lang sa gagawin ko eh."
"Sus ayun pa? Alam mo namang singtigas ng narra ang ulo nun. Kahit anong kumbinsi natin run, walang mangyayarin. Saka wala ka bang tiwala na mananalo ako?"
"That's a very hard question."
"Namu! Magtiwala naman kayo sakin."
"Ang tiwala ko sayo ay parang pagtitiwala ko sa kindoktor ng bus."
"Is that a good thing or a bad thing?"
"Sinasabi nyang maluwag pa sa loob ng bus, kahit may people power na sa loob."
"Hanubanamang mga kasama kayo. Imbes na ineencourage nyo ako, hinahatak nyo pa ako pababa."
"We're just being truthful."
"Truthfulin ko ilong nyo eh. Have some faith guys, kaya ko to. Hindi mababahag ang buntot ko sa ganyan. Zombie nga kinalaban ko sya pa kaya. Kayang kaya ko syang talunin. Teka ano ba yung maingay na yun?"
Napansin ko na yun. Parang ingay ng bubuyog nung una, pero habang tumatagal lumalakas, hanggang sa puntong di na maitatanggi yung ingay.
Kung ano man ang gumagawa nun, nasa likod ito ng pintuan sa dulo ng daang tinatahak namin
Pinigil ko ang hininga ko para makapaghanda sa pagbukas ng mga bantay namin sa pintuan, pero napaigtad parin ako paatras sa bigla. Parang commercial ng red horse, di lang ganun ka-OA.
Sumambulat sa amin ang nakakabinging ingay. Parang biglang pagbuhos ng ulan na ating mundo'y lulunuring tuluyan. Umabot ng 4.68 seconds bago ko naiayos ang sarili ko sa katinuan.
Nasa loob kami ng isang malaking dome na mukhang inukit sa loob ng kweba. Ang itaas nito ay tila naburdahan ng maraming santelmo, dahilan para maging maliwanag ang buong paligid. Ang ingay ay nag mumula sa mga tao na nakapaikot sa paligid, nakaupo sa mga pabaitang na mga upuan.(parang setup sa araneta pag laban ng PBA) pero pa-pentagon. Para rin siguro sa limang Balangay, naka segregate sila. Tingin ko lagpas limang daan din ang bilang nilang lahat.
Biglang naghiyawan ang mga tao dahilan para mapatingin kami sa pinagtutuunan nila ng pansin.
Sa gitna ng dome may isang pabilog na entablado. Yung tipong pwede kang mag-zumba sa saliw ng "girls just wanna have fun" habang nagsasabayang pagbigkas. Sa ibabaw nito may apat na tao. Yung dalawa nakabulagta, habang yung dalawa naman magkaharap. Ang mga mata'y naka tuon sa isa't isa, ang mga tingin ay parang tingin ng mabangis na hayop sa kanyang biktima.
Yun isang lalaki, matipuno ang katawan nya kahit tingin ko wala pa syang 18. May nakasuot ito ng jersey shorts pero may breastplate syang suot. Pero ang agaw atensyon ay ang hawak nyang malaking palakol. War axe ito, yung may talim sa magkaibang dulo. Halos nasa dibdib ko ang taas nito pero kung hawakan nya ito ay parang laruan lang.
Yung isa naman ay yung ever lovely na si BJ. Hawak nya ang kalasag nya, pero ang espada na nasa lalagyan sa tagiliran nya ay di pa nya nilalabas. Tila wala syang intensyong gamitin ito. Pero di ito kabawasan sa mapanggiit nyang postura.
Mukha atang di sila magsu-zumba.
"Anong nangyayari? Anong meron sa gitna?" Tanong Tifa.
"Zumba lessons?"
"Lul, mukha bang zumba yan?"
"Isa yang tagisan ng lakas." Sagot ng isa sa mga bantay namin. Di na siguro nakatiis kaya naki epal na sa amin. "Naisip kasi ng Supremo na magpainit muna bago ang duelo ninyo kaya inimbitahan nya muna ang ilan sa piling mandirigma ng bawat Balangay sa isang larong palakasan."
"Sabi mo lahat ng Balangay, eh bakit apat lang sila dyan? Diba lima ang Balangay?"
"Haha lahat maliban sa Magtagumpay. Kailan ba natutong lumaban ang mga pulpol na yun? Magiging katawa-tawa lang sila rito hahahaha!"
Kupal.
"Edi apat lang silang naglalaban-laban, tapos retired na yung dalawa. Sino ba lamang sa kanila?"
"Hah? Mali ka ng inaakala, tatlo laban sa isa ang larong yan. Mas gusto ng Supremo na marami ang kalaban nya, mas may hamon para sa kanya. At malamang yung dalawa nauna nya nang pinabagsak."
"Minsan pa nga lima ang kalaban ng Supremo, lahat batikan na sa pakikipaglaban, pero ni minsan di pa natalo ang Supremo. Tapos ikaw... BWAHAHAHA Diko kaya to!" Bigla itong natawa at nagabot ito ng karagdagang minatamis na dilis sa kasama bilang pusta.
Maooffend na sana ako kaso lalong umingay ang manonood hudyat ng paglalaban ng dalawa, kaya nakanood narin ako. At least di pay-per-view.
Nagiikutan silang dalawa, nagsusukatan. Pero si BJ pakaway-kaway pa sa manonood na parang di sineseryoso ang kalaban.
Naunang lumusob ang lalaking diko kilala, napikon siguro. Gamit buong bigat ng katawan hinataw nya pababa ang palakol nang may lakas na kayang pumutol ng punong kahoy sa isang tama.
Kaso di ito umubra.
Sinalag lang ito ni BJ nang walang kahirap-hirap. Panandaliang naparalisa ang lalaki sa lakas ng pagumpog ng palakol sa kalasag. Ginamit ng Supremo ang sandaling ito para umatake.
Dahil natatakpan ng kalasag, hindi nakita ng lalake ang pinawalang suntok ni BJ. Kumunekta ito sa kanang bodega na di natatakpan ng breastplate. Namilipit ang lalaki at kinulang sa hangin sa sakit, dahilan para mabitawan nya ang palakol. Pero di pa tapos si BJ.
Pawalis nyang sinipa ang mga paa nito, at nung pabagsak na ang lalaki malakas na dinunggol ni BJ ang kalasag nya sa mukha nito. Umugong sa paligid ang malakas na *BONG*, sabay bulagta mg lalaki sa sahig. Walang malay, ang dugo'y patuloy ma umaagos sa ilong.
Naghiyawan ang tao sa arena. Kami naman ay napaigtad sa nasaksihan. Napapikit nalang ako. Nasaan ang Commission on Human Right kung kailan kailangan mo?
"Oh ano, napasubo ka noh?" Rinig kong bulong ni Makie sa tabi ko.
Wala akong maisagot. Ang tanging pumapasok sa isipan ko ay umuwi ng bahay at manood ng Batibot. Ano ba yung napasukan ko, dyusmio marimar!
"Mukhang di lahat natuwa sa panalo ni Bon Jovi." Sabi ni Tifa.
Dumilat ako at dun ko napansin na tama ang sinabi nya. Pinaka malakas ang sa may hilagang kanan namin kung saan nakapwesto ang Magdiwang, base narin sa napansin kong suot nilang PuSi. Pulang may gintong araw. Galak na galak sila sa pinuno nila, habang panaka-naka lang ang palakpakan mula sa ibang grupo. Halatang di sila gaanong natuwa sa pagkatalo ng mga kagrupo nila, pero pumalakpak parin bilang paggalang narin lang siguro sa nanalo.
Pero kapansin-pansin ang grupo na nasa kaliwa. Walang pumapalakpak sa kanila kahit isa. Siguro di sila nabigyan ng suhol, libreng skyflakes at zesto apple.
"Yun siguro ang grupo ng Magtagumpay." Sabi ni Jazz na nakatingin din sa tinitignan ko.
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh ayun si Langib sa bandang harapan oh, yung nagaamoy ng kilikili."
"Oo nga ano." Sangayon ni Tifa. "Pero bat parang ang konti lang nila kumpara sa iba. Wala pa ata silang fifty."
"At lahat sa kanila ay bata." Puna ni Jazz.
"Lahat naman ng nandito bata ah." Tugon ni Makie.
"Maliban siguro sayo." Bulong ni Tifa. Buti di sya narinig.
"Ibig kong sabihin mas bata ang miyembro nila ng ibang balangay. Pinaka matanda na ata sa kanilang nakikita ko nasa edad onse o dose palang."
Oo nga. Pansin ko nga rin. Bakit di balanse kumpara sa ibang Balangay.
Saan na yung balangs na sinasabi ni BJ? Saka nasaan si Talas, wala ata sya sa grupo nya?
Napansin nalang namin na unti-unting tumahimik ang manonood at nawala ang palakpakan. Hinanap ko kung ano ang dahilan, hanggang narealize kong kami pala.
Lahat sila nakatingin sa amin.
May ilang nagtataka, may nagbubulungan, may mga tila yata inaasahan na ang aming pagdating.
"Ah Milo! Nandito kana pala!" Buong giliw na bati ni BJ na parang MC ng isang malaking patimpalak.
"Ay hindi. Wala pako rito. Hologram lang ako, obviously."
"Hahaha pilosopo ka parin hanggang ngayon. Tignan natin kung mananatili kang ganyan hanggang mamaya. Gumayak ka na at ikaw na ang susunod." Sabi nya sabay talikod papunta sa isang side ng arena kung saan may mahabang table.
Ang creepy lang, kala mo close kami kung umarte.
Ang pinuntahan nyang mesa ay nakaharap sa mismong entablado, hiwalay sa manonood. Yung tipong parang sa mga hurado. May lima itong upuan, sa likod ay may ibat ibang watawat na nakaladlad mula sa mga sibat na nakatusok sa lupa, diko lang gaano maaninag ang mga disenyo. Yun siguro ang pwesto ng mga Cabeza.
Sa limang upuan, dalawa ang bakante, ang gitna na malamang kay Bon Jovi na nasa gilid at hinuhubad ang kanyang kalasag. Yung isa nasa nasa dulong kaliwa, ang mayari nito ay malamang ang batang babae na humahangos ng takbo papunta sa amin.
"MILO! Totoo bang hinamon mo ang Supremo ng duelo?" Humihingal na tanong ni Talas. Inalo sya ni Tifa.
"Hmmm... Oo hinamon ko nga sya."
"Sa tingin mo mananalo ka?" Tanong nyang naka bambi eyes. Nakakadurog ng puso yung pagaaalala nya sakin. Na tats ako.
"Sa tingin ko may tyansa akong manalo sa kanya." Kumpyasa kong sabi para di sya magalala sakin.
"Tsk! Tumaya pa man din ako ng kalahating kilong kamoteng kahoy kay Supremo. Kung alam ko lang! Sayang!"
Traydor!
"Wag ka ngang ganyan!" Saway ni Makie. "Wag kang mawalan ng pag-asa, matatalo yan. Pag nagkataon hatian mo kami."
Hayup, mga traydor talaga.
"Talas, sino yung mga nasa lamesa run?" Tanong ni Tifa
"Ahh, mga Cabeza rin gaya ko. Hmm... yung nasa dulong kanan na lalaking nakasalin na mukhang bugnot na bugnot na, si Kiko yun ng Magdiwang. Madalas nasa Balangay lang nya yan nagiimbento ng kung anu-ano. Ewan ko nga bakit nandito yan eh, hinatak siguro ng Supremo."
Ok... medyo mukha syang nerd pero may itsura. Tinake note ko baka kailangan yung info sa future.
"Yung malaking katawan na yun na mukhang damulag kung ngumisi ay si Bangis ng Magdalo. Wag kayong lalapit dyan, mukha lang yang mabait pero manyak."
Mukha nga syang bouncer na may colgate smile. Medyo creepy.
"At yung nagiisang babae bukod sa akin, sya si Tony. Mabait naman yan, pero istrikta."
"Bakit parang ang sama ng tingin nya rito? May ginawa ba tayong masama?"
"Bukod sa biglaang pagdayo nyo rito, paghamon sa Supremo, at pangiistorbo sa pagpapahinga namin ngayong dis oras ng gabi, wala naman akong maisip na masama nyong ginawa. Wala naman. Laking tuwa nga namin sa inyo eh."
Sakalin kita sa gums eh.
Pero seryoso. Parang sobranf kunot ang noo nya sa pagsipat sa amin di ko alam kung bakit. Maganda pa man din sya, kaso nakakatakot ang aura.
Parang si Makie.
"Baka malabo lang mata. Ay teka, ayan na magiistart na yata." Sabi ni Tifa
May batang umakyat tungo sa gitna platform, lahat ng manonood ay nanahimik at tila nagaabang ng susunod nyang gagawin. Si Talas naman ay nagpaalam at muling bumalik sa pwesto nya sa lamesa.
At nang nagsalita ang bata na parang announcer, kinilabutan ako.
Kaboses nya si Michael Buffer. Yung announcer pag laban ni Pacquiao.
Kaso may puntong bisaya.
"Mga giliw na mamamayan ng Tanggulan, isang mapayapang gabi sa inyong lahat!" Panimula nya. Oh yeah, mapayapa nga yung tulog nung nagulpi BJ.
"Ang pangunahing atraksyon ng gabing ito ay magsisimula na! Ang duelo sa pagitan ng dalawang magtunggali, sino kaya ang magwawagi?! Ang ating pambato, oh ang dayo?!"
Naghiyawan ang mga tao. Nagtwerking naman yung small intestine ko sa kaba. Rakenrol.
"At para ipakilala ang mga maglalaban, IN THE RED CORNEEEEERR..."
"SANDALI!!!!" Putol ni Tifa. Napatingin kami lahat sa kanya.
"Paano magkakaroon ng corner yan eh bilog yang stage?! Eenglish ka lang mali pa!" Natahimik ang buong arena, tatak Tifa talaga, gusto laging correct.
"Eh bakit ring ang tawag sa boxing ring kahit square ito at di pabilog?" Sigaw nung Kiko ata yun, yung isang Cabeza na nasa lamesa nakangiti ito kay Tifa na parang nagkainteres sa kanya.
Napa Ooohhhhhhh yung manonood, parang nanunuya kay Tifa. Ano to fliptop?
"Eh kasi hhmmptrup!" Sasagot pa sana sya tinakpan ko na ang bibig. Baka mas lalong maging crowd favorite pa kami. Sumenyas ako kay Maykil Bapir na ituloy ang announcement.
"Ummm... SA DAKO RITO, ang pinaka magiting na mandirigma, pinaka magaling nananandata, ang wala pang katalo talo, ang pinuno nang lahat, ang SUPREMOOOOOoooo, BON JOVI!"
Naghiyawan ang mga tao, maliban sa grupo ni Talas nang pumunta sa gitna jjjnnnnsi BJ.
"AT SA DAKONG KABILA, ang DAYO! Si MAIKO!"
Langya, ang ikli na nga ng introduction ko mali pa pangalan, hayup.
Tawanan naman yung mga kasama ko.
"Bwahaha galingan mo Maiko, naniniwala akong kaya mo yan." Tawa ni Jazz.
"Do your best Maiko, you can do it! I believe in you." Sabi naman ni Tifa.
"Maiko!" Tawag sa sakin ni Makie.
"Ano yun?" Humarap ako nang pabugnot. Mangaasar rin siya panigurado.
"Humarap ka nang patagilid sa kanya. Mas konti ang makikita nya sayo, mas konti rin ang pwede nyang tamaan. At kahit anong mangyari, manatili kang kalmado. Kahit gaano pa kagaling ang isang mandirigma, kapag di na nakapagisip nang tama, maagang nababaon sa lupa."
"Ah.......... Salamat. Tatandaan ko yan." Natigilan ako, diko iniexpect na sasabihin nya yun, akala ko mangaasar sya. Tulala ako habang umaakyat ng stage.
Nagising lang ako sa chanting ng mga manonood sakin. Matutuwa na sana ako kasi akala ko may cheering squad nako, kaso puro "TAPUSIN! TAPUSIN!" sinisigaw nila. Masyado silang updated sa pinapanood nilang anime.
"Ang dami mong fans uh." Kutyang sabi ni BJ nung magkaharap na kami.
"Ang dami mo namang tagyawat."
Lumaki butas ng ilong nya.
"Bago ang lahat, sigurado ka na bang kakalabanin mo ako Milo? May oras kapa para sumuko."
"At may oras kapa para maligo."
Magsasalita na sana ang announcer pero pinigilan nya ito at sya ang nagsalita.
"MGA KASAMA! Bago magsimula ang laban nais ko munang magbigay ng anunsyo. Bilang ispirito nang pakikipagkaibigan sa mga dayo, at para lalong gumanda ang aming palakasan, bibigyan ko sila ng dalawang partida."
Natahimik kami. Ano na namang niluluto nito?
"Una, ang duelong ito ay di lang limitado sa aming dalawa ni Maiko. Inaalok ko rin ito sa dalawa pa nyang kasama na balita ko ay magagaling din sa pakikipaglaban."
Tinuro nya si Jazz at Makie, naghiyawan ang tao.
"Pwede nyo akong hamunin nang isa-isa, o sabay-sabay, nasa inyo ang desisyon. Sa huli ako parin naman ang magwawagi."
Nanlaki ang mata at isisigaw na ang pagtutol ko.
"Pumapayag kami!" Panguna ni Makie.
"SANDALI LA-ang..." aangal sana ako kaso tinitingan ako ni Makie nang "subukan-mong-umangal-ingungudnod-kita-sa-burak" look nya.
"Pumapayag kami." Muling sabi nya. "Pero sigurado ka ba sa alok mo? Di na ito mababali?"
"Isinusumpa ko sa ngalan ni Bayoa(*1). So paano sabay-sabay naba kayo?"
"Isa-isa. Hindi rin naman ako makukuntento kung manalo kami na pagtutulungan ka namin. At isa pa, ako ang naghamon. Laban natin to." Tinignan ko si Makie na may look "its-my-final-answer". Wala naman syang violent reaction.
"Pangalawa, binibigyan kita nang layang mamili nang gagamitin mong sandata."
Yes!
"Pwede ka ring mamili sa mga personal kong sandata, wag kang magalala, lahat ay matataas ang kalidad."
"No thanks. KKB tayo." Kanya-kanyang Balisword. Fufufu.
Sumenyas sya sa bata para ituloy na ang programa.
"Simple lang ang patakaran, atakihin nyo ang isa't-isa. Titigil lang ang laban kung hindi na kakayaning lumaban nang isa sa inyo o kusang sumuko. May mga nakaantabay tayong manggagamot pero limitahan nyo ang pananakit na di aabot sa peligro ang buhay nang isa't isa. At diko na siguro kailangang sabihin sa inyo na bawal ang pagpatay. Isa lang itong palakasan at di patayan. Maliwanag ba?"
Tumango kaming dalawa.
"Humanda na kayo sa inyong pwesto, Ihanda nyo na ang inyong sandata."
"Hindi ako gagamit ng sandata." Sabi ni BJ. "Sabihin na natin pangatlong partida ko yan sa inyo."
Hiyawan na naman ang mga uto-utong manonood. Well, pabor sakin yun. Makikita nya ang hinahanap nya.
"Mayabang ka ha. Prepare to be amazed!" Buong ningning kong nilabas ang nakasarang Balisword. Sa isip ko, tumutunog ang theme song ng Voltes 5. Ang yabang ko pa bubuksan ko na ang mahiwaga kong sandata. Sa harap madlang tao, natunghayan nila ang kagila-gilalas...
...na kinakalawang na balisong na singhaba ng hinlalato ko.
"@&%@ ano yan, pako?! Papatayin moko sa tetano? Bwahaha na-amaze nga ako. YU DA BES TALAGA MAIKO!" Halos gumulong sa katatawa si BJ. Ang buong arena kala mo guguho sa hagalpakan.
Pati mga friends ko nakijoin force din. Sakit sa puso. Hurt hurt.
Gusto kong magtago sa kweba sa hiya.
Paulit ulit kong binuksan yung balisong, pati yung pagbigkas ng "bagwis" inulit ko narin, kahit sa salitang namek natry ko na, wala pa talaga. Lalo lang akong napapahiya.
Diko na alam gagawin ko. Ayoko namang manghiram kay BJ ng sandata, sayang yung dala kong pride kung diko gagamitin. Maiiyak na sana ako, buti nalang to the rescue si Jazz.
"Milo, saluhin mo!" Binato nya ang isa nyang arnis sa direksyon ko.
Dahil sa superhuman reflexes ko, nasalo ko ito. Gamit ang mukha. Perfect 10!
Lalong dumagundong ang tawanan. Magpapaka-ermitanyo nalang sana ako sa kweba, at mamumuhay kasa ng mga fruit bats sa hiya.
Kinukuskus ko yung mukha ko at hinahabol ang gumulong na arnis. Tumigil ito sa paanan ni BJ.
"Pwede bang makisuyo? Paabot naman"
"Kunin mo." Sabi nya.
Sabay apak sa arnis nung pupulutin ko na. Inis to the bones.
Malabong makuha ko na sa kanya yun. Kaya tumingin ako kay Jazz at nagets nya naman ang gusto kong sabihin. Ibabato nya na sana sa akin yung isa pang arnis pero nagdalawang isip sya at umakyat nalang sa stage papunta sakin. Walang tiwala sa skills ko.
"Laugh trip ka talaga Milo, lumuha na mata ko kakatawa." Sabi nya pag-abot ng arnis.
"Alangan naman ilong mo lumuha, ambaboy nun. Pero Jazz, diko magamit yung Bagwis! Nangangamba ako na bakaka di gumana yung super saiyan mode ko. Anong gagawin ko?!" Pani na sabi ko.
Huminga sya nang malalim at hinawakan nya ako sa balikat.
Comforting sana yun kung di lang mala hacienda ang lupain sa kuko nya kakahukay.
"Una sa lahat, manok ako at di baboy. Pangalawa, diko alam kung ano yang super sayang nayan. Pangatlo, at pinaka importante sa lahat, kung sa tingin mo di mo sya matatalo sa lakas at galing, gamitan mo ng talino'y pagkamalikhain. Panigurado makagagawa ka ng paraan." Payo nya, pagkatapos at bumaba na sya.
Tama. Kung di ko magamit ang BBalisword, may isa pa akong sandata. Ang utak ko. Kelanman di pa ako binigo nito. Pwera lang kapag periodical exam at recition.
Tinaas ng announcer ang kanang kamay. Naghanda ako nang tindig. Nagsimula sya magbilang pababa.
3...
2...
1...
Pinanghiwa nya ng hangin ang kamay nya pababa. Sabay sigaw ng:
"DUELO!"
Ok. Game start!
~~~~~~~~~~~~~~~
(*1) Bayoa - God of pacts natin. Kadalasang tinatawag sa bloodpacts.
~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Sorry guys super busy eh. Hinati ko nalang nga ito, dapat eto na yung Duelo pero gagawin lo nalang yung Kabanata XX.
Pero dahil mahal ko kayo, binitin ko kayo ule.
(--,)
Salamay pala 6k reads na to. Kaai yung 3k ako lang rin siguro haha. Sana umabot to ng 10k+.
Love u guys, sorry ule
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top