KABANATA XIV - Bolang Apoy, YAAAHH~!!
"Sigurado naba talaga kayo sa gagawin natin? Pag nalunod tayo mababasa tong mga gadgets at laptop ko." Paninigurado ni Tifa.
"Wag kang mag-alala, pag nalunod tayo, di lang yang gadgets mo poproblemahin mo. Saka kaya nga bumili tayo ng ziplock bags para dyan diba. Pero seryoso Jazz, di ba delikado to? Di ako marunong lumangoy." Tanong ko.
"Sino ba? Manok ako, di ako bibe. Maligo nga di ako gaano marunong, lumangoy pa kaya? Pero wag kayong mag-alala, ligtas yan(ata)... Saka nandyan naman ang binibini para sagipin tayo pag may nalunod."
"Pass. Kung malulunod kayo, do it yourself, wag nyo akong idamay. Hassle pa kayo sakin." Sagot ng masungit.
Malunod yourself? Bago yun ah.
Nasa gitna kami ng Crater Lake, o yung lawa sa bunganga ng bulkang taal. Nakasakay kami sa bangkang de motor na nakahinto kung saan may liwanag na nagmumula sa ilalim ng lawa.
Kung nagtataka kayo kung paano kami napunta run at bakit? Teka simulan ko.
Dumating kami sa Tagaytay nang magtatanghali na, na ayon kay Jazz ay masyadong maaga. Maaga ng kalahating araw to be exact. Hatinggabi pa raw kasi namin magagamit ang lagusan.
Dahil puyat, umarkila kami ng kwarto na pinarerentahan sa gilid ng Picnic Groves(maraming agent na magaalok sa inyo papasok pa lang). May sariling kwarto ang mga babae at lalake, na panigurado di kinaaliw ng dalawa. Yung sa amin ni Jazz, ok na sana eh, kaso imbes na humilik, tumitilaok sya sa pagtulog. Sarap kurutin sa esophagus eh.
Dahil may oras pa pagkagising namasyal muna kami (yehey) sa People's Park, na dating raw Palace in the Sky. Maganda naman, kung di mo lang papansinin yung mga parteng napabayaan na mula nung napaalis si Marcos. Pati na rin yung mga nageextort para bumili ka ng harinang may konting espasol.
Pagbalik sa Picnic Groves, namili kami ng pagkain at nagpicnic nga run sa isa sa cottage na nasa parang hagdanan pababa. Ang sarap ng kain namin nun habang tinitignan ang magandang view ng taal volcano, hanggang sa maalala naming di pala kami nagpunta run para magsyesta.
Pagdating ng hapon lumapit kami sa isang guide na madadala samin sa Taal Volcano. Sumakay kami ng bangka at pagdaong sa isla na nguso ng bulkan, sumakay naman kami ng asno(donkey) na kasama tour package namin paakyat. Pagdating sa tuktok, natulala ako.
Isang kagilagilalas na tanawin ang bumulaga sa mata ko.
Napakaganda ng lawa sa gitna ng luntiang islang kinatatayuan namin. Para kaming nasa paraiso. Makapanindig balahibo sa kariktan.
"Dun manggagaling ang guide natin." Turo ni Jazz sa nagiisang maliit na isla sa isang bahagi ng Crater Lake. Vulcan Point ang tawag sa islang yun.
Marahan kaming bumaybay pababa hanggang marating namin ang pampang kung saan may nakadaong na mga bangka.
"Ano nang gagawin natin? Pupunta tayo sa isla?" Tanong ko.
"Hindi. Maghihintay tayo." Sagot nya habang tinitignan ang paglubog ng araw.
Nung una ayaw pa kaming iwan ng gabay namin, sino ba namang tour guide ang papayag na iwan ang kliyente nya? Ngunit nang kausapin sya ng tresurer naming si Makie, ngiting aso nya kaming nilayasan. Teka, paano ba ngumingiti ang aso?
Sumilong muna kami at nagpalipas ng oras hanggang lumubog ang araw at tuluyan nang maggabi. Muntikan na akong makatulog nang bigla dumating ang hinintay namin.
"Ayun!" Turo ni Jazz sa may kalayuan.
Napatayo ako at kinilabutan sa nakita ko.
May lumulutang na bolang apoy na nagmula sa Vulcan Point.
"Santelmo yan di ba? M-multo ba yan?" Tanong ko. Sa lahat nang nakita ko akalain mo yun takot pako sa multo?
"Tangek, di multo ang santelmo o St. Elmo's fire. Ball lighting yan. Inexplain ni Nikola Tesla dati nung 1904. Isang uri yan ng plasma na nabuo sa condensation ng water droplets. Pag may positive and negative ions-" Giliw na sagot ni Tifa naputol nang humagalpak naman sa tawa sila Makie at Jazz.
"A-anong nakakatawa?" Nainsultong tanong ni Tifa.
"Haha hirap sa inyong mga mortal kung anu anong napapanood nyo eh pinaniniwalaan nyo. Multo? Plasma? Nag Enteng Kabisote marathon ba kayo o Sineskwela? Laughtrip amp." Sagot ni Makie. Nagpaliwanag si Jazz.
"Hindi multo yan o plema--"
"Plasma."
"PLASMA, o anuman. Para lang yang alaga naming mga elemento. Minsan ginagamit naming tagadala ng mensahe, bantay, o sa pagkakataong ito, tanda o gabay tungo sa isang bagay o lugar na nakatago. Yun ang dahilan kung bakit madalas itong makita ng mga taong naliligaw."
Napatango nalang ako. Ang totoo wala akong pakialam kung ano yun, importante gawin na kung ano dapat gawin nang matapos. Pero si Tifa nagpapouty lips na parang kunehong naka DIY na brace.
Gamit ang bangka, at ang linawag ng buwan bilang ilaw, sinundan namin ang santelmo kung saan ito tumigil bandang gitna ng lawa at lumubog sa tubig. Sa pagkaaliw ko, hindi man lang namatay ang apoy nito.
At yun na nga, bumalik tayo sa eksena kanina.
"Isa-isahin uli natin yung plano."sabi ni Jazz. "Tatalon tayo sa tubig kung saan nakapwesto ang santelmo at magpapalubog tayo habang nagpipigil ng hininga. Yun lang gagawin natin at makakapunta na tayo sa Kanlungan. Madali lang diba."
"Teka, di ba tayo lulutang nun? Alam mo naman yung bouyancy lev-"
"Lulubog tayo panigurado yan, kung tama ang pwesto natin, may mangyayari raw na magdadala sa atin sa Kalungan. Kung ano yun, ewan ko, yun ang sabi ni amo eh. Kaso may isa lang daw dapat na wag gagawin."
"Ano yun?"
"Wag kang didilat." Mahiwagang sabi nya.
"Eh paano kung dumilat ako?" Tanong ko.
"Hihilingin mong sana di ka nalang dumilat, magsisisi ka sa kaengotan mo at sasabihin mong 'sana naniwala nalang ako kay Jazz.'"
"Sabi ko nga eh". Diko na tinanong kung bakit, duda rin ako sasabihin ko yun. Sus...
"At pagdating sa Kanlungan?" Tanong ni Jazz.
"Magpapanggap tayong Napili lahat at di babanggitin ang tunay nyong katauhan ni Makie kasi Napili lang ang pwedeng pumasok run at baka di tayo tanggapin kapag nalaman nilang bukod kay Milo, hindi talaga tayo Napili. Worst pagkamalan pa tayong spy ng organisasyon." Sagot ni Tifa. "Pero bakit kailangan pang magpanggap ni Makie? Di ba mas madali kung malalaman nilang si Makiling ka? Baka maging VIP pa tayo run?"
"Ayoko." Tipid na sagot ni Makie.
"Kasi?"
"Kasi ayoko, tapos!"
Nagcross arms si Tifa. Gumaya ako. Napabuntung hininga naman ang diwata.
"Maraming nagtatangka sa buhay ko kaya nagtatago ako sa ibang katauhan. Kaya ko lang sinabi sa inyo kung sino ako dahil may konting tiwala ako sa inyo. Mga 25grams, ganun ka konti. Hindi ko ibubulgar ang sarili ko sa maraming tao, kahit Napili pa silang lahat. Baka pagsisihan pa natin yun sa huli."
Tumalima naman si Tifa sa sagot ni Makie.
"Fair enough. May point. Pero for the record, tiwala ko naman sayo 10grams lang."
"Walakompake."
"Ehem." Putol ko. "Dolphy and Panchito, sisimulan naba natin o papanoorin pa namin kayo magmahalan? Sino mauuna?"
At sa labis na kagalakan ko, tinignan nila ako lahat na parang kapatid ko si Michael Phelps.
"B-bakit kayo nakatingin sakin? Ako mauuna? Kayo na muna. Magaayos pako ng gamit ko. W-wag nyo ako tignan nang ganyan, di ako takot."
"Wala naman kaming sinasabing takot ka uh." Nginitian akong nangaasar ni Makie parang sinabing alam nyang naduduwag ako. Pagkatapos walang kaabug-abog na tumalon sa tubig.
Wala halos tumilamsik na tubig di gaya ng inaasahan ko. Para lang syang kinain ng lawa. Pagkatapos ng kunting bula, naging payapa uli ang kalatagan ng tubig na sinalamin ang imahe ng buwan sa kalangitan.
"Cooool!... Sunod nako Milo, Kitakits!" Sabay lundag ni Tifa, at gaya ng nauna para rin syang nilamon ng tubig. Naiwan kami ni Jazz na makatayo sa umuugang bangka.
At parang tinamaan ako ng deja vu.
"So pano tayong dalawa nalang ule. Sino mauna?" Tanong ko.
"Ako nalang ba uli?" Suhesyon nya.
Tatalima na sana ako kaso naalala ko yung nagpahuli ako sa pridgider, nakarma ako. Kaya ako nalang nagprisinta mauna.
Kaso nung nakatayo na ako sa gilid ng bangka at nakatingin sa ilaw ng santelmo sa ilalim ng tubig, nagdalawampung-isip ako. Last time nagswimming ako, sa 3 feet lang, nadapa pa ako kaya muntik pa akong malunod.
Gusto ko nang magbackout.
"Uhmm.. On second thought, mas mabuti siguro mahuli nalang uli ako, ikaw na muna maunAAAAHHHHH!" Sinipa nya ako palabas ng bangka.
Bago ako tuluyang bumagsak sa tubig, nakasisigurado akong narinig ko syang tumatawa at sinabing "Akala mo nakalimutan ko na noh?"
Langya. Ginantihan ako.
Digital ang karma. Double send pa.
~~~~~~~~
A/N:
Wala muna trivia. Super busy kasi sa work eh. Pero ieedit ko to at idadagdag yung part na yun. NapaUD lang kasi may nangungulit
(--,)
Maganda rin kasi masama yung taal volcano at santelmo sa explanation since para maintindihan susunod na chaps.
Next chap na yung bagong arc, exciting kasi buo na sa utak ko istory, diko nga lang maisulat. Pero bigyan ko kayo clues.
Training,
Team,
Tournament,
Wargames,
First Quest.
Yan ang mga dapat abangan. Sana lang magkaroonng time para magsulat huhu
Yan muna bye
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top