KABANATA XIII - Destination: Tagaytay

"Ang sarap neto uh, anong tawag dito?"

Natigilan kaming lahat sa tanong ni Jazz. Walang makasagot. Pati si Tifa na balon ang tiyan, nawalan ng gana. Nung una magandang idea kumain at magpalipas ng oras sa KFC, nakaorder pako ng extra Mayo. Pero dahil sa tanong ni Jazz, tingin ko nagkamali kami ng napili.

Paano namin sasabihing baka pinsan nya yung kinakain nya?

KFC. Kentucky Fried Cannibalism?

"Errr.. ehem. First things first, ano bang dapat nating gawin? Pupunta daw tayo dapat sa... Kanlungan ba yun? Teka, ano ba yung Kanlungan na sinabi ni Lam-ang?" Paligaw na taong ni Tifa. Tinignan nya si Makie pero mukhang hindi rin nya alam ang sagot. Rare yun.

Tinapos muna ni Jazz yung paginom ng softdrinks nya. Manok style. As in tinuka nya yung baso tapos uminom nang makatingala na parang naggagargle. Grabe gusto ko nang magtago sa lamesa sa hiya.

Nasabi ko rin ba na pinagtinginan din kami nung pumasok si Jazz na nakabahag? Buti nalang may enkantasyon si Makie para di mawaksi ang atensyon ng tao sa amin. Pero nakakunot parin yung guard sa amin. Nakakahiya talaga.

"Paano ko ba ipapaliwanag... Hmmm.. Ah! Teka, pamilyar ba kayo sa kwento nung paggawa ng tulay ng San Juanico?"

"Parang alam ko yun. Yung kwento ng matatanda. Sabi nila binuhusan ng dugo ng bata para tumibay? Uso raw yun nung panahon ng kastila diba?" Sagot ni Tifa

"Yun nga. Pero hindi yun basta kwento lang. Totoong nangyari yun. Pero ang di nyo alam ay hindi basta-basta bata lang ang dinarakip nila kundi mga..." dramatic pause.

"Napili?..." sagot ko naman.

"Syang tunay! Uubusin mo paba yan? Akin nalang uh." Sabay kuha nya ng manok ko, napangiwi kami pagkagat nya. Bleech. "Ang totoo talaga nyan ay kinukuha ng organisasyon ang Napili, palabas lang talaga yung sinasabing pagbuhos ng dugo. Marahil para magkaroon ng paliwanag ang pagkawala ng mga bata. Nung panahong yun hindi na kakaiba ang nawawalang mga tao kaya mabilis itong tinanggap ng mamamayan."

"Anong kinalaman nun sa Kanlungan?"

"Sandali eto na. Sila amo, kasama ang ilang kaibigan nya, naalarma sa pagkawala ng mga batang napili, kaya inunahan nila ang organisasyon sa paghanap, pagtipon at pagtago sa kanila. Pero nung lumaon dumami ang bilang nila at mas lalo nang naging mahirap tumakas sa mata ng organisayon."

"So ang solusyon nila ay ang maghanap ng liblib na liblib na lugar kung saan nila pwedeng itago ang mga Napili, tama ba?"

"Tumpak!"

"At yun ang Kanlungan?"

"Tama!"

"Para pala itong ampunan kung ganun?"

"Hmmm pwede. Pero mas akmang tawagin itong akademya. Isa kasia itong lugar kung saan sinasanay nila yung mga Napili kung paano makibaka, para sa pagtanda nila, kaya nilang protektahan ang sarili nila at mamuhay ng normal."

Para pala itong training grounds kung ganun? Sa isip ko biglang pumasok yung napanood kong anime na may training nanagaganap. Kailangan ko pa bang magmeditate sa ilalim ng falls? Naahh..

"Teka bat parang hindi ko ata alam yan?" Nagtatakang tanong ni Makie

"Kasi nung tinatag ang Kanlungan, nawawala ka na binibini. At isa pa hindi na ito matatawag na liblib kung malalaman ng iba. Kung katulad mong dyosa ay hindi alam na may Kanlungan, dapat tayong matuwa, ibig sabihin nagagampanan ang layunin nito."

May sense. Pero ayun na naman, nawala daw si Makie before. Gusto kong itanong kung ano ibig sabihin nun pero halatang iniiwasan nya ang topic.

"Paano tayo pupunta run?" Tanong ko.

"Madaming daan o lagusan papunta run, kagaya nung sa pridgider, nagbabago ito kada ilang araw, para maiwasan naring matuklasan ng kalaban. Tanging mga taga Kanlungan lang ang nakakaalam ng daan na yun."

"Oh, edi tara na pala, ano pa bang hinihintay natin, alam mo na daw daan sabi ni Lam-ang kanina diba?"

"Hindi eh."

"Huh, bakit?"

"Magmula kasi nung namatay ang anak ni Amo, pinutol nya ang ugnayan nya sa Kanlungan. Naalala nyo yung mga kasamang Napili ng anak ni Amo na lumusob sa kuta ng organisasyon? Lahat sila galing sa Kanlungan, isa sila sa pangunahing... ano ba pwedeng itawag... tawagin nalang natin silang mag-aaral. Sinisi ni Amo ang sarili niya sa pagpanaw nila, di nya kayang humarap sa mga naiwan, kaya pinili nyang umalis nalang. Kaya ayun, walang paraan para malaman kung saan ang kasalukuyang daanan papunta run."

Napabuntong hininga ako at nilantakan nalang yung natira kong mayonnaise. Sila naman napangiwi sakin.

"Hayyyy...... edi hopeless case rin pala itong plano natin." Reklamo ni Tifa.

Oo nga. Parang lalaking nagbubunot ng buhok sa kilikili. Walang sense.

"May isa pang paraan." Sagot nya na nagpakuha ng atensyon namin. "Pupuntahan natin derekta ang Kanlungan na hindi dumadaan sa tamang daanan."

"Oh pwede naman pala yun eh, bat dimo sinabi agad?"

"Mas mapanganib kasi."

Tumaas kilay ko. Anong bago run?

"Sa paanong paraan? Teka wag mo nang sagutin, kung sasabihin mong pwede namin ikamatay, gasgas na yan. Wala na kong excitement level dyan. Kaya lets go na."

Nagtatanong na tumingin sya sa dalawa. Nagkibit balikat si Makie. Keber lang.

"Kung yun ang gusto ni Milo, ok lang sakin. Ano pa bang pwedeng masamang mangyari sa atin sa lagay na to. Pero saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Tifa.

"Tagaytay."

"Oh? Saan dun? People's park? Picnic Groves?" Natuwa ako. Tamang tama field trip pa nung huli akong nakapunta run, makakapaggala rin kahit papaano.

Ngumiti sya. Para akong kinurot sa singit.

"Sa ilalim ng lawa sa gitna ng Bulkang Taal."

Yare.

~~~~~~~~~~~~~~

Una naming ginawa kinaumagahan ay magsanla ng luya. Muntikan nang mapa-moonwalk habang nag-ootso-otso yung bantay nung makita nya kung gaano kapuro yung gintong luya. Badtrip si Makie pero wala syang choice, wala na kaming war funds.

Magkano inabot? Secret. Haha.

Pagkatapos bumili kami ng damit ni Jazz, partikular na ng pantalon, salamat po. Ilang pagkain, at kung anu-anong abubot na nabili ni Tifa sa bilihan ng gadget spare parts.

Balak pa sanang 'manghiram' ni Makie ng sasakyan pero mariin naming tinutulan na ikinasuyam nya. Mahirap na, mahaba byahe, baka di kami umabot sa pupuntahan namin pag sya nagdrive.

Nagpunta kami Coastal at dun sumakay ng bus pa-Tagaytay. Katabi ko si Tifa sa pang dalawahan upuan, nasa kabilang side si Jazz, at nasa medyo malayong likuran si Makie. Ewan ko run, suplada mode ule.

Habang nasa byahe nagtatakatak ng macbook si Tifa habang hawak cp nya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Hmmmm... Gumagawa ako ng app."

"Seryoso? Anong app?" Sinilip ko macbook nya pero as usual wala akong maintindihan.

"Mobile tracker. Para satin. Iinstall nyo lang sa cp nyo, tapos connected na sa offline google maps, para in case na magkahiwalay tayo, wag naman sana, matetrace natin ang isat isa."

"Asteeeeg. Ikaw na talaga. Pero bakit di ka nalang magDL sa playstore? Im sure meron nyan dun"

Natigilan sya sa pagtatype. Parang nagdadalawang isip ng isasagot sakin.

"M-mas gusto ko kasi pag ako gagawa. At saka kulang-kulang yun ng feature malamang. At least nakasisigurado akong walang bugs to at gagana nang maayos. Sineset ko rin para gumana to without net"

Bilib nako sa kanya talaga. Kaso may isa lang problema.

"Wala akong cellphone."

"Huh anong nangyari sa cp mo?"

"Ano.... sinaksak ng halimaw." Diko masabing sinaksak ng isang magandang diwata eh. "Saka duda rin akong may cp si Jazz."

"Ganun?... hmmmm... Sige ako na bahala, gawan ko nalang kayo."

Wow ikaw na talaga.

Niligpit nya yung macbook, tapos humilig sya sa balikat ko. Ahiiiiiiy. Ok na sana eh, kaso.

"Aray! Yung sugat ko!" Napaigwas kami pareho. Di pa ganung kagaling yung sugat na gawa ng sigbin. Kahit medyo naghihilom na dahil sa nilapat na gamot ni Ines, kumikirot parin ito.

"Ay sorry sorry sorry!"

"Ok lang."

Umayos ulit sya ng upo, na labis kong pinanghinayangan. Close kami ng Tifa, pero hindi kami ganun kasweet sa isat isa. First time nyang humilig sa braso ko, napurnada pa. Bwisit na sigbin yun.

"Umm... Palit tayo ng upuan?" Tanong nya.

Yes! Tyansa na yun, tatanggihan ko paba?

Nagpalit kami ng upuan at humilig sya sa braso ko. Naparalyze ako, ewan ko ba, bigla ako nakaramdam ng kaba na diko pa nararanasan sa twing magkasama kaming dalawa. Pero kabang may konting tamis.

Ang bango ng halimuyak ng buhok nya. Ang sarap amuy-amuyin, kung di lang ako magmumukhang manyak. Sinilip ko ang mukha nyang nakapikit. Napakaamo. Para syang isang inosenteng batang wala pang bahid ng muwang. Ang sarap nyang titigan nang matagal. Hindi nakakasawa.

Narealize ko, hindi sa unang  pagkakataon, kung gaano ka cute ang kaibigan ko.

Pero narealize ko rin sa unang pagkakataon, na nakikita ko na sya bilang isang babae, at hindi lang bilang kaibigan.

Hindi ko alam kung maganda ba yun o hindi. Pero sa panahong yun, pinili kong ienjoy nalang ang ligayang dulot ng eksenang yun.

Na naputol dahil may napansin akong nakatayo sa pasilyo ng bus sa gilid namin.

Si Makie.

At ang sama ng tingin nya sa akin. Hindi yung usual na masamang tingin. Mas matindi run. Wala syang ekspresyon sa mukha pero parang galit ang mga mata nya nang diko alam kung bakit. Mabuti nalang nakapag pigil ako, kung hindi baka tumalon na ako ng sa bintana dahil sa takot sa kanya. Ganun katindi yung tingin nya.

Tinitigan nya lang ako ng mga sampung segundo bago sya lumipat sa tabi ni Jazz. Kung anong meron, hindi ko talaga alam. Weird.

"Bes." Nagising ako nang tawagin ako ni Tifang Bes na di nya madalas gamitin.

"Oh?"

"Salamat... salamat kanina sa pagligtas mo sakin."

"Wala yun. Kahit sino naman gagawin ang ginawa ko."

"Hindi lahat ng tao kayang isugal ang buhay nila para iligtas ang buhay ng ibang tao."

"Hindi ka ibang tao. At kahit ilang beses, handa akong ialay ang buhay ko mailigtas ka lang"

"............ alam mo para ka nang bida sa dramarama sa hapon. Ang korni mo."

"Wag mo na ipaalala, kinilabutan nga ako sa sinabi ko eh. Hindi bagay sakin."

"Pero salamat bes... Salamat talaga. Pati run kay Lam-ang. Nung inako mo yung pagbukas ko nang pinto, naappreciate nang sobra. Nakuha mo parin akong ipagtanggol kahit magkagalit tayo. Nasaktan ka pa tuloy."

"Wala yun. Karma ko na siguro yun dahil balak pa kitang iwanan, na buti nalang hindi dahil malamang di namin nakunbinsi si Lam-ang kung wala ka. At saka sorry rin. Masyado yata akong nanghimasok tungkol dun sa... parents mo. Baka lang kasi magalala sila. Pero wag kang magalala, di nako manghihimasok uli kung ayaw mo pagusapan, ok lang, ill respect that."

"......Wala na akong magulang Bes. Patay na sila... Matagal na."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"S-sorry to here that... A-anong nangyari sa kanila?"

"Pinatay sila bes. Nakita ko mismo kung paano sila nalagutan ng hininga."

Nashock ako. Hindi ko alam yun. Pinagpatuloy nya ang kwento.

"Siguro mga walong taon ako nun at dis oras ng gabi. Nagising ako para uminom ng tubig. Hindi ko alam kung bakit pero di ako mapalagay nung gabing yun. Siguro nararamdaman ko na ang mangyayari, may pangitain nako. Anyway, para mapuntahan mo yung ref, dadaanan mo muna yung kwarto nila mama. Pagdaan ko nakarinig ako ng kalampag, kaya lumapit ako para kumatok at tanungin sana kung ano nangyari. Pero bago ako kumatok, biglang bumukas yung pinto."

Hinawakan ko ang kamay nya. Nanginginig ito sa bugso ng kanyang damdamin. Gusto ko syang pigilan pero batid kong gusto nyang bitawan ang kanyang dala dala.

"Hindi ko na matandaan kung ano itsura nya, pero hindi ko kilala kung sino yung lumabas. Medyo bata pa ata sya, parang kaedad natin siguro. Ang natandaan ko ay ang damit nya. Punung puno ito ng dugo. Maraming dugo. Tapos may hawak syang kutsilyong balot din ng dugo. Natakot ako, pero diko magawang makatakbo, gusto kong malaman kung anong nangyari sa magulang ko. Kahit alam kong pwede akong saktan nung lalake, di parin ako nakatakbo." Nanginginig nyang sabi.

Umiling muna sya bago nagpatuloy.

"Pero hindi nya ako sinaktan. Nakakapagtaka nga eh. Nung nakita nya ako, parang nagulat pa siya, parang hindi sya makapaniwala na nandyun ako. Parang kilala nya ako at nung nakita nya ako, nagsisi sya ginawa nya. Tumakbo sya palabas ng bahay na parang natakot sa hindi ko alam na dahilan."

Dito nag-alangan sya kung magpapatuloy pa sa pagkwento o hindi. Nanginginig na ang buong katawan nya. At may naramdaman na akong pumapatak sa braso ko.

"Pumasok ako ng kwarto... at nakita ko sila mama sa sahig...... Hindi na sila gumagalaw..."

"Tama na Tifa." Sabi ko.

Nagpunas sya ng luha nya at huminga ng malalim bago nagsalita ule.

"Malabo na ang alaala ko nung gabing yun. Parang lumipas lang ang oras na nakatunganga lang ako. Dumating ang mga pulis, dinala ako sa ospital, pero tulala parin ako, nakulong ako sa oras kung saan nasa loob ako ng kwarto ng walang buhay kong mga magulang. Wala akong nararamdaman kundi sakit. At galit sa lalaking yun."

Tumikom nang mahigpit ang kanyang mga kamay at nagsalita sya gamit ang boses na hindi ko pa naririnig mula sa kanya.

"Pinangako ko sa sarili ko, at sa mama at papa ko, balang araw hahanapin ko ang lalaking yun. At ako mismo ang maniningil sa ginawa nya sa magulang ko. Ako mismo ang papatay sa kanya..." nanginginig sa naguumapaw na galit na sabi nya. Punong puno ng hinagpis ang boses nya. Halos hindi ko na sya makilala, hindi ko alam na may side syang ganun. Nakaramdam ako ng takot para sa kanya.

"Tifa..."

Biglang bumalik sya sa dati nyang gawi. Parang nag on and off lang ng ilaw.

"Pero malamang imposibleng mangyari yun. Parang di ko kaya haha. Saka wala naman akong paraan para hanapin yung hayop na yun, ni hindi ko nga matandaan kung ano itsura nya."

"Sino nagaalaga sayo ngayon?" Tanong ko mabago lang ang topic. Kumunot ang noo nya, parang ayaw nyang sabihin.

"May kumupkop sakin. Ang totoo nyan di ko sya kilala, parang malayong malayong kamaganak ko ata. Hindi naman kami close. Ang relasyon namin ay parang give and take lang. Alam mo yun, pinagaral nya ako pero di nya ako pinapakialaman, kapalit nun ginagamit nya minsan ang kakayahan ko. Malaki expectations nya sakin, at malaki ang respeto ko sa kanya. Basta mahirap ipaliwanag. Ayoko na munang pagusapan sya."

"Hindi ba sya magaalala sayo?"

"Malabo yun haha."

Nakucurious ako kung sino ang kumupkop sa kanya. Pero diko na itananong, in her own time alam ko ikukwento nya rin naman sa akin yun.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan

"Hindi ko alam sasabihin ko..." pag amin ko. Wala akong ideya kung paano ko mapapalubag ang loob nya.

"Wala ka namang dapat sabihin. Yung nakinig ka lang, sapat na para sa akin. At least kahit papaano nabawasan na dinadala ko."

"Salamat sa pagtitiwala at pagsabi sakin."

"Hmmm-hmm" patungong tugon nya.

Grabe. Masyado palang mabigat ang pinagdaanan nya. Iba sa na naranasan ko. Hindi ko naranasang magkaroon ng magulang kaya hindi ko alam ang sakit ng mawalan nito. Lalo pa sa hindi magandang paraan. Kung sino man ang gumawa nun malamang halang ang kaluluwa.

Sa kabilang banda halos magkatulad din kami. Naghahanap ng pagkalinga sa mga taong di na babalik pa. Baka maswerte pa na ako at may tyansa pa ata na mahanap ko ang sa akin. Humanga ako sa katatagan nya ng loob, kung ako yun baka nabaliw na ako.

Mukha ngang bagay kaming magsama. Parehas naming hinihilom ang sugat ng isat isa. Sa simpleng pagkakatagpo lang namin, nagkaroon ng kulay ang mapusyaw naming mundo.

"Bes, kahit anong mangyari, di kita iiwanan. Poprotektahan kita lagi. Hindi ko hahayaang mangyari ulo yung nangyari sayo." Buong puso kong sabi sa kanya.

Niyakap nya yung braso ko at tuluyan nang natulog bilang sagot.

Pero hindi tulad nung unang para akong batang natutuwa dahil nakatikim ng kending unang beses nyang nalasahan, nakaramdam ako ng kasiyahan ng loob. Una dahil nagkabati na ule kami. Pangalawa dahil pinagkatiwalaan nya ako sa nakaraan nyang kay hirap sabihin. Hindi yun madali. Naramdaman kong mas lalo pang lumalim ang samahan naming dalawa.

Nung mga sandaling yun, habang nakangiti ako sa natutulog nyang mukha, ipinangako ko sa sarili kong hindi ko sya pababayaan kahit ano pa man ang mangyari.

Nakaramdam ako ng kilabot na nanggagaling sa kabilang side. Patingin ko, nagka eye contact kami ni Makie. Sing talim parin ng kutsilyo nya ang mga mata nya. Nagkunwari akong humikab, at naidlip habang tinatanong sa sarili ko kung ano bang problema nya.

Paglipas ng ilang oras, dumating na kami sa aming destinasyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Nakapag UD rin, salamat sa pangungulit ni Jhe Res haha.

Sana masamahan nyo pa si Milo sa paglalakbay nya. Alam kong borig yung kwento, pero sana maenjoy mo parin.

;)

PS: pasensya na kung di nasama yung preview last chapter dito. Sa next pala yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top