KABANATA XI - Batingaw

"Habang tumatagal lalo akong napapaisip kung dapat ba pinalayas ko nalang kayo talaga sa labas kanina." Ani ni Lam-ang

"Uhmm... Thank you? Pero wala ka nang magagawa, touch move kana." Sagot ko

"Sa kasamaang palad."

"Hindi mo ba sya kayang talunin?" Tanong ni Tifa.

Tumawa na walang bahid ng tuwa si Lam-ang. "Nakasagupa ko na dati yan sa Bataan nung panahon ng Hapon bago mag Death March.  Mala impreno ang naganap. Daan daan sa kasamahan ko ang namatay dahil sa kanya. Yang ang isa sa natatanging nilalang na ayoko nang makalabang muli."

"Kumbaga matalik na karibal sya ng asawa ko. Lagi nalang bukambibig ang labanan nilang dalawa. Minsan nga nagseselos na ako dyan."

"Pakiusap Ines, hindi ito ang panahon parang mangasar."

"Mamaya nalang?"

"Oo sige. Kung mabubuhay pa tayo."

Patay. Kung si "Lam-Ang" na may sariling epiko ng pakikipagsapalaran nya ay may pagdududa na matatalo nya ang Batingaw, ano ang tyansa na makakaligtas kami?

Naalarma kami. Itinaas ng Batingaw ang kamay nya at mula sa kariton kumuha ang bungisngis ng isang malaking lumang kampana na balot ng lumot ay korales, pero may konting kislap ng ginto kang maaninag. As in malaki, parang sinlaki ng jeep. Nahirapan pa nga ang higante sa pagbuhat nito, pero nung inabot nya sa Batingaw, ay para lang itong namamasyal sa Luneta na may hawak na payong.

"Amo! Yun ang Kampana ng Kawa-Kawa(*1)!" Sigaw ni Blues.

"Yung nilubog sa ilog sa may Pagsanjan Falls? Akala ko kwento lang yun!" Ani ni Tifa.

"Gaya namin iha, gaya namin. Bago mo kami nakilala kanina akala mo kwento lang kami diba?" Sagot naman ni Ines.

Nagpunas ng pawis sa noo si Lam-ang gamit ang braso. "Delikado ito, hindi ko alam kung paano napasa-kanya ang Kampana ng Kawa-Kawa, pero mas lalong lumalabo ang sitwasyon natin." Mukhang kinabahan sila sa kampana. Hindi ko alam kung ano yun pero kahit ako kinilabutan nung makita ito.

"AMO AATAKE NA SYA!" Biglang sigaw ni Rocky.

"MAGTAGO KAYO SA LIKOD KO!"

Itinayo ni Lam-ang ang kalasag nya at nagtago kami sa likod nito habang inakap kami ni Ines para proteksyunan.

BONGGGGGG!

Umugong ang malakang na tunog ng kampana nang sinuntok ito ng Batingaw. Natabunan lahat ng tunog sa paligid. Hindi ito matining gaya ng inaasahan ko. Parang pag may nagpapatugtog ng musika na malakas yung bass na masakit sa dibdib. Amplify mo yun sa isang libong beses.

Nagkaroon ng crack ang sahig, ang mga katabing establisemento at sasakyan ay nagbasagan ang salamin, nayupi pa nga ang katawan ng jeep na malapit.

Sa lakas nito, lahat ng malapit na halimaw sa Batingaw ay sumabog at naging alikabok, lahat ng wak-wak ay nagbagsakan, lahat ng amomongo, kahit malayo ay namatay din, marahil dahil mas sensitibo pandinig nila kaysa sa iba.

Ang bungisngis ang pinaka kawawa sa kanila, tinatakpan nito ang mga tenga habang unumpog ang ulo sa sahig para siguro maibsan ang sakit. Kung di sya kalaban ay mahahabag ako sa kanya.

Nung tumama ang shockwave sa amin, akala ko ay nabangga ako ng trak. Muntik na kaming tumalsik kung di lang dahil sa pagharang ni Lam-ang at Ines. Hindi ito masakit sa tenga, mas malala pa. Nagmumula ang epekto sa loob ng katawan, na parang nangingilo. Nagwawala ang kalamnan ko, parang kumulo ang dulo at gustong lumabas sa ilong at tainga, pakiramdam ko rin luluwa mata ko. Yung internal organs ko gusto nang magharakiri, para malapit na akong sumuka ng dugo. Sobrang sakit na di ko maipaliwanag, nung panahong yun, habang sumisigaw si Tifa sa tabi ko, ginusto ko nang mamatay, matapos lang ang paghihirap ko.

"ROCKY! BLUES!" Pagtawag ni Lam-ang.

Pumuwesto ang magasawa sa harap ng mabilis na nasisirang kalasag. Inatras nila ang ulo nila at nagstomach-in, chest-out na parang nagiipon ng hangin sa diaphragm. Saka sila sabay na tumahol at tumilaok nang ubod nang lakas.

Malakas ang impact ng ginawa nila, nagtalsikan ang mga kalat sa paligid tulad ng mga bato, signage, salamin, hood ng kotse. Pati narin ibang poste ay lumundo.

At sa kabutihang palad, natigil ang pag-atake ng Batingaw.

Napaatras na parang tinulak ang Batingaw, naibagsak nya ang kampana na dahil sa bigat ay humukay sa kalsada at tumigil sa pag-ugong. Bigla ay bumuti ang pakiramdam namin.

Tinanggal ng Batingaw ang headphones nya at napangiting tila naaliw sa naganap. Mukhang napukaw namin ang atensyon nya.

At may masama pang balita.

"Amo," humihingal na sabi ni Rocky. "Mahigit dalawang siglo na mula ng huling ginawa namin yun, tingin ko hindi na namin kayang ulitin pa uli yun ngayon."

"Lauro, kung magpapatuloy ito manganganib ang mga bata." Sabi ni Ines.

Tumango ang mandirigma. "Hurmp. Magaling ang ginawa nyong dalawa. Wag kayong magalala, ako nang bahala."

Tinignan nya ang kalasag nya, kumunot ang ilong at tinapon ito dahil gulagulanit na.

"Napili" tawag nya sakin. "mukhang ipagpapaliban muna natin ang pagtuturo ko sa iyo."

"Hah anong ibig mong sabihin?"

"Nakita nyo naman ang nangyari kanina, hindi birong kalaban ang Batingaw, kailangan ng buong atensyon at lakas ko para lang makapantay sa kanya. At hindi ko magagawa yun kung nandito kayo. Hindi namin kayang hatiin ang sarili namin sa pakikipaglaban at pag proteksyo sa inyo."

"P-pero anong gagawin namin?"

Tinignan nya kami nila Tifa at Makie.

"Pumunta kayo ng Kanlungan at hanapin nyo si Maestro Kwatro. Ipakita mo sa kanya ang Balisword, at sya ang bahalang magturo sa iyo habang wala pa ako. Sasamahan kayo ni Jazz, sya ang nakakaalam ng Tarangkahan(*gate) at Lagusan."

"Sandali amo! Dito lang ako, kaya kong tumulong sa inyo! Hindi ako magiging pabigat!" Reklamo no Jazz.

"Alam namin yun Jazz, walang nagdududa sa kakayahan ko, isa kang mahusay na mandirigma at magiging malaking tulong ka sa amin sa labanang ito.... pero mas kakailanganin ka nila. Kailangan nila ng isang tulad mo na tutulong sa paglalakbay nila." Sabi ni Ines

Napayuko ang binata.

"Isa itong misyon Jazz, ang una mong misyon. Dalhin mo sila nang ligtas sa Kanlungan. Tulungan mo ang binibining proteksyunan ang Napili at ang Iha, maging kapalit man nito ng buhay mo. Makakaya mo ba yon?"

Tumingin sya mata ni Lam-ang saka tumango.

"Opo amo, gagawin ko ang lahat ng makakaya, at kahit hindi kaya para tuparin ang aking misyon. Makakaasa kayo sa akin. Dadalhin ko sila nang ligtas sa kanlungan."

"May tiwala ako sa iyo... anak."

Muntikan na ako maluha sa pagpapaalam nila. Ang ganda ng turingan nila na parang isang buong pamilya. Parang pagsisihan ko tuloy na nadamay sila sa amin. Pumunta si Jazz sa magulang nya para magpaalam. Niyakap din kami ni Ines bilang paalam.

"Binibini, alam mo na gamitin ang relo?" Tanong nya kay Makie

"More or less."

"18:98"

"Okay."

Lumingon ule sya sakin.

"Napili."

"Lam-ang."

"Magkikita tayong muli."

"Dapat ba akong matuwa?"

"Hindi. Dahil papatayin kita sa pagsasanay na balak kong gawin sayo."

"Excited much?" Sarkastiko kong tugon. "Salamat"

"Hrmpp." Sagot nya.

"Amo, naghahanda na ule ang Batingaw." Sabi ni Rocky.

"Lumayas na kayo, bago pa ako ang sumipa sa inyo paalis." Sabi nya sa amin.

"Tara na, sundan nyo ako." Sabi ni Jazz habang pinasusunod kami sa kanya.

Nakahakbang na ako nung tinawag akong muli ni Lam-ang.

"Napili."

"Oh?"

"Alagaan mong mabuti ang kaibigan mo."

"Huh?"

Nagisip muna sya na parang may gusto pang sabihin bago umiling.

"Wala. Umalis kana." Tumalikod na sya sa akin at inilabas kampilan na dun palang niya gagamitin. Kung ano man yung gusto nyang sabihin, ay hindi ko na alam.

"Halika na Milo!" Hinatak ako ni Tifa paalis.

Ang huli kong nakita bago kami lumiko sa kalsada ay ang matatatag na likuran ng apat na magiting na mandirigmang lumulusob sa kalaban. Isa itong matibay na larawang umukit sa aking kaluluwa na dadalhin ko habang ako'y nabubuhay.

~~~~~~~~

TALASALITAAN:

(*1) Kampana ng Kawa-Kawa. Origin: Pagsanjan, Laguna.

Etong isang ito ay hindi ko sigurado kung myth lang o totoo. Marami kasing nagsasabing totoo ito.

Panahon ng kastila nagdala ng malaking kampana ang mga Mexicans sa Pagsanjan bilang regalo sa simbahan na may patron ng Our Lady of Guadalupe.

Ang sabi ng iba gawa raw ito sa ginto.

Sa sobrang lakas ng tunog nito umaabot ang alingawngaw hanggang Majayjay at Pakil, Laguna. (Roughly 15-20km.)

Sa lakas din ng tunog maraming buntis ang naapektuhan. Meron napapaanak nang maaga, muntikang makunan, o may depekto ang anak na pinapanganak. Ang iba naman ay nagkakasakit.

Dahil sa mga reklamo nagdesisyon ang gobernador cillo at ikonsulta ito sa kura paroko. At napagdesisyunan na itapon na lang ito sa Kawa-kawa, malapit sa Pagsanjan falls.

Kung lalanguyin mo sa ito sa ilalim, makikita mo ito.

Muli, hindi ko alam kung ito ay totoo o kwentong bayan lang. Kasi marami nagpapatunay na nangyari talaga ito.

Ang tanong, paano ito nakuha ng Batingaw sa ilalim ng Kawa-kawa?

Malalaman natin yan sa hinaharap.

(--,)

~~~~~~~~~~~
A/N

Isang maikli ngunit makabuluhang kabanata.

Ano kayang mangyayari sa apat na mandirigma? Makakaligtas kaya sila o hindi?

Ang sagot....


Ay sikreto muna haha.

On to the next chapter!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top