KABANATA VIII- Knock, Knock, Knockin on Liam's Door
Ti Biag ni Lam-ang
'Ang Buhay ni Lam-ang'
Isang lumang epiko tungkol sa isang magiting na mandirigmang mula isilang ay biniyayaan na ng kakaibang lakas at kapangyarihang ginamit nya upang lipulin ang masasamang tao, halimaw at elemento.
Kung tutuusin marami nang mga pahiwatig.
'Liam Angara Store' -ang paobyus na pangalan ng tindahan na tumutukoy sa pangalan nya na napaka lame.
Ines(Kannoyan) -ang magandang asawang nakuha nya sa matinding pagsuyo. Gaano katindi? Niregaluhan daw nya ng mga bangkang puno ng ginto at kayamanan. Beat that!
Ang mahiwagang aso at tandang - mga kaibigan nyang kasama nya sa pakikibaka. (Rocky at Blues ang pangalan nila. Jazz naman yung bantam. In fairness astig pangalan nila, napagisipan di gaya nung pangalan ng tindahan.)
Ngipin ng buwaya - mula sa buwayang ginapi ni Lam-ang gamit lamang ang kamay nung naliligo sya sa ilog. Nagsisilbing agimat laban sa kapahamakan.
Ulo ng berkaran(yung nasa taas ng pinto) - isang uri ng isdang mala pating na minsang pumatay kay Lam-ang. Nabuhay sya muli sa nang ipunin ni Ines ang mga buto nya(na honestly para sakin ay nakakadiri), binalot sa seda, at dinasalan ng tandang at aso.
Pagkatapos niresbakan nila yun berkaran, gagu raw eh.
Mababasa mo lahat ng yan sa libro o sa internet kung wala kayong pambili o tinatamad kayo tumambay sa National BookStore. Medyo iba iba lang ang mga bersyon pero sa kabuuan pareparehas lang ang kwento.
Ang hindi mo lang mababasa run ay ito:
Isang Napili si Lam-ang at ang lahat ng kapangyarihang ipinamalas nya ay dahil sa naging tagapangalaga sya ng isa sa mga bertud.
Nalaman ko yan nung kinukunpirma ni Tifa yun kay Lam-ang. Mukha ring nastarstruck siya, sabagay sino ba naman makapagiisip na makikilala namin ang sinasabing pinakamagiting na mandirigmang nabuhay sa Pilipinas.
Correction. Nabubuhay parin pala.
Naging imortal daw sila ni Ines dahil sa gantimpala ng isang diyos sa kagitingang ipinamalas niya.
Pero di tulad ng asawa nyang napanatili ang kagandahan sa loob ng ilang dantaon, mula sa isang makisig at matipunong madirigma, naging kahawig nya si Mang Dagul ng pugad baboy.
Kung bakit, ewan ko. Baka nasobrahan sa lechon.
Pero kung sya nga ang magiting na si Lam-ang, walang duda sya nga ang makakatulong sa amin.
"Hindi. Pasensya na binibini, pero hindi ko kayo matulungan dyan."
At iyon na nga, di nya raw kami matutulungan, paksyet lang.
"Anong hindi! Nangako kang tutulungan mo ako di ba? Sabi mo pa nga 'sa abot ng aking makakaya binibini', tapos ngayon tatanggihan mo ako?"
"Kung proteksyon ang hanap nyo mula sa organisasyon, pwede kayong manatili sa pamamahay ko kahit gaano katagal. Napapalibutan ito ng enkantasyon kaya hindi ito mapapasok basta-basta. Bukod pa run handa kaming ialay ang buhay namin para proteksyonan kayo mula sa kanila pero sa hinihiling mo, patawad binibini pero hindi ko yun kayang gawin."
Ang sinasabi nyang kahilingan na di nya pwedeng gawin ay ang turuan akong gamitin nang tama ang bertud na labis nya ngang tinatanggihan.
Pero bago yan, rewind muna tayo ng konti, mauuna yung kwento ko eh, excited lang.
Ilang minuto pagkatapos kaming ipakilala, pumasok ng main house si Ines para maghanda ng rarang na kakainin namin. Ewan ko kung ano yun, pero isda raw yun na paborito ni Lam-ang. Ok nako basta may mayonaisse. Ang magasawa aso at tandang(ang weird talaga pakinggan) ay tumulong maghanda. Pero tingin ko sadyang iniwanan lang nila kami para makapagusap ng masinsinan tungkol sa kalagayan namin.
Sa di matukoy na kadahilanan, naiwan kasama naming nakaupo palibot sa counter si Jazz.
Nung una nagulat si Lam-ang na may kasamang Napili si Makie. Pero ang unang akala nya si Tifa ang Napili at di ako. Ayon kasi sa kanya ang ilan daw sa mga Napili nabibiyayaan ng kakaibang talino tulad ng sa bestfriend ko, pero tinanggi ito ni Tifa at ni Makie, mahilig lang talaga magaral yung una. Napakamot nalang ng ulo si Lam-ang, wari mo'y nagtataka.
Parang ayaw nya atang akong maging Napili. Sabagay kahit naman ako ayaw ko eh, kaso wala naman akong choice.
Nung pinakita namin yung bertud ko hindi sya mapakaniwala, pinatunayan nya nga na isa ito sa mga bertud, at sa unang pagkakataon nalaman ko ang tawag dito.
Ang Bertud ng Katapangan.
May ibat ibang klase rin pala ng bertud, at bawat isa sa kanila ibat iba rin ang kapangyaring ipinagkakaloob nito Napiling gumagamit dito. May bertud ng karunungan, kagitingan, kadalisayan at iba pa. Pero di ako naaaliw sa tawag sa mga bertud. Ang baduy kasi. Parang galing lang sa Juan dela Cruz na palabas sa abscbn.
At ayun na nga, matapos naming ikwento ang lahat ng naganap sa ilang oras na lumipas, ipinanukala ni Makie na sanayin ang aking kalinangan sa paggamit ng bertud ko, tutal naman ay may karanasan sya sa paggamit nito, na mariin nga niyang tinanggihan.
Bahagya akong nadismaya. "Teka, wala akong alam sa plano ni Makie na ipatraining ako sayo, ni hindi pa nga ako pumapayag sa suggestion nya eh. Ang alam ko lang may humahabol sa akin na gusto akong patayin para sa lintik na bertud na to. Kung pwede ko lang ito itapon ay gagawin ko eh."
Nahintakutan sila sa pahayag ko.
"Pero syempre di ko gagawin yun, kahit ano pa man ang mangyari, pagmamayari ko parin ito at tanging kuneksyon ko sa magulang ko. Kung mayron mang karapatdapat na gumamit nito, ako yun. Kaya kahit di ako sumasangayon kay Makie, tingin ko karapatan ko ring malaman kung bakit mo kami tinatanggihan."
Kung tutuusin wala sa hinagap ko na may training palang kasama ito, kung ako masusunod, gusto ko nalang mauwi sa bahay at matulog dahil maaga pa pasok kinabukasan eh kahit kaplastikan lang yun. Pero syempre imposible nang mangyari yun, iba na ang sitwasyon, at gagawin ko ang lahat para makatakas sa pangil ng kapahakan para mabuhay. Kahit pa ang magsanay para gamitin ang bertud.
Bumuntong hininga si Lam-ang. "Bweno sige ipapaliwanag kung yun ang gusto nyo. Maraming dahilan kung bakit. Una." tinaas nya ang hintuturo nya. "Kahit Napili lang ang pwedeng gumamit ng bertud, hindi lahat ng Napili ay pwedeng gumamit nito."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tifa.
"Sa paglipas ng panahon marami nang nabuhay na Napili, ang ilan pa sa kanila ay personalidad na malamang kilala nyo. Magugulat lang kayo kung malaman nyo kung sinusino sila. Pero sa lahat ng iyon, ilang namumukod tanging Napili lang ang nakakagamit sa bertud. Hindi ko alam kung anong pamantayan ang kailangan pero isa ang nakakasigurado ako, kailangan mulat na ang Napili sa kanyang mga kakayahan."
Napiling mulat. Narinig ko na yan na sinabi sa akin nung Sigbin. Hindi pa rin malinaw sa akin kung anong ibig sabihin nun.
Bumaling siya kay Makie at nagusap sila nang may kahinaan. Pero di kasing hina ng akala nila kasi naririnig ko parin sila.
"Ipagpaumanhin mo binibini, hindi ko alam kung san mo napulot ang binatilyong yan pero sigurado ka bang Napili sya? Wala akong makitang ni butil ng pagiging espesyal sa kanya."
"Alam ko Liam, kahit ako nagduda rin nung una. Mukha lang syang patpatin-"
"At uhuging walang sustansya sa katawan."
"Oo, uhuging walang sustansya sa katawan, pero nakasisigurado akong Napili sya."
"Kahit mukha syang tatanga-tanga?"
"Oo, kahit tatanga-tatanga syang tignan."
"Kahit mukha syang kinulang sa am nung bata pa?"
"Oo, kahit muk...."
At kung anuano pang lait ang namutawi sa bibig nila.
"Alam nyo kung lalatiin nyo ko sana naman yung hindi ko kayo naririnig noh. Kaharap nyo lang kaya ako. Salamat sa mga papuri." Sarkastiko kong sabi.
Napalingon silang apat sa akin. Napataas ang mga kilay ni Liam at Jazz na parang nabilib habang nakangisi lang si Makie. Si Tifa naman parang nalaglag ang panga sa gulat.
"Naintindihan mo sila?!" Manghang tanong ni Tifa.
"Oo naman! Ang lakas kaya ng boses nila, syempre maririnig ko yun!"
"Hindi ko tinatanong kung narinig mo, ang sabi ko eh kung naintindihan mo sila."
"Huh? Oo bakit naman hindi? Eh tagalog yung usapan eh.
Natawa habang pinapalo ni Makie ang balikat ni Lam-ang. "Sabi sayo Napili yan eh."
Naghimas ng bigote na waring naaliw ang huli. "At mukhang unting unti narin syang namumulat sa kakayahan nya."
"Teka ano na naman bang pinagsasabi nyo, naguguluhan ako eh." Rekamo ko. Si Tifa ang sumagot sa tanong ko.
"Milo, hindi sila nagtatagalog."
"Huh? Ok ka lang? Hindi kaya. Ang linaw linaw eh, tagalog usapan nila."
"Hindi Milo. Ibat ibang dialect ang ginamit nila. May bikolano, chabakano, tausug, bisaya, manobo, pangalatok at iba pa. Marunong ako ng konti kaya pamilyar ako sa mga dialects na yun." Paliwanag nya.
Nagitla ako sa pagkabigla. "P-pero tagalog narinig ko." Mahina kong sagot.
"Hindi Milo, walang tagalog sa usapan nila. At meron pa, yung huli nilang ginamit, di ko matukoy kung anong lengwahe yun, parang luma. Pero ang nakakagulat ay nung sinagot mo sila gamit yung lengwaheng yun!"
Napatahimik ako sa pagkalito. Walang mali sa memorya ko. Alam kong tagalog yung usapan nila, at tagalog din ang sinagot ko.
Seryosong humarap sakin si Makie. "Yung lengwaheng huli naming ginamit, yun yung pinaka unang ginamit namin nung panahon pa lang nila Malakas at Maganda, kaya imposibleng matutunan mo yun Milo."
"Isa sa mga kakayahan ng Napili ay ang maintindihan ang lahat ng lengwahe't diyalektong ginamit sa Pilipinas mula sa pinakaluma hanggang sa pinakabago. Maririnig mo ang lahat bilang tagalog at makakapagsalita ka gamit ang lengwahe ng iba kahit tagalog ang sinabi mo. Dinisenyo yan para magkaintindihan ang mga Napili kahit iba iba ang lahi nila. Isang patunay yun na Napili ka nga Milo." Pagtatapos nya.
In short may built in dictionary kami sa utak namin. Nakaka-amaze pero mas matutuwa ako kung ang kayayahan ko lang ay marunong lumipad o magteleport o magtimetravel atbp kaysa maging superhuman translator. Pero kung iisipin ko ngayon, salamat narin dun at nagamit ko yun sa pagsulat sa kwadernong ito.
"Ok... So ibig sabihin nun, candidate na ako para magamit ko ang bertud ko?"
Napakamot ng bumbunan este ulo si Lam-ang. "Maaari, pero hindi parin tayo nakakatiyak. Sabi ko nga isa lang yun sa pamantayan."
"Eh bakit ikaw sabi mo bata ka palang nagagamit mo na yung bertud? Nabasa ko pa nga na nagsasalita ka na pagkapanganak mo tapos 6 months ka palang nung unang makipaglaban." Paguusisa ni Tifa.
"Exaggerated lang yun! Ano ako tyanak?! Dala lang yun ng pagiging utu-uto ng mga tao dati kaya masyadong napalaki ang mga kwento ng pakikipagsapalaran ko." Napaface palm sya sa pagkainis. "Pero tama ka, nagagamit ko na ang bertud ko mula pagkabata, pero ibang kaso naman ako, namana ko ang kakayahan ko sa pakikibaka sa aking ama, at nang ipamana nya sa akin ang bertud nya bago niya lusubin ang isang pangkat ng masasamang igorot, sinamahan nya ito ng seremonyas para tuluyang maipasa sa akin ang kapangyarihan nito, dahil siguro batid nya na di na sya makakabalik ng buhay, at ang bertud ang proprotekta sa bagong silang na ako."
Nanahimik kami saglit bilang paggalang sa namayani nyang ama.
Nagpatuloy sya paglipas ng ilang segundo. "At dun tayo mapupunta sa pangalawang dahilan ko." Tinaas nya ang dalawang daliri nya na parang nagpeace sign. "Nararamdaman ko ang kapangyarihan sa bertud mo, pero may pakiwari ako na selyado pa yan."
"Anong ibig mong sabihin?" Mukhang bagong balita rin ito kay Makie.
"Sa palagay ko di ito naipamana ng maayos ng huling tunay na nagmayari nito. Sa "tunay" ang ibig kong sabihin ay huling gumamit ng bertud sa tunay nitong potensyal. Ibig sabihin, hanggat di pa nabubuksan ang selyo nito, kahit magsanay ka ng ilang taon, hindi mo ito magagamit."
Parang may bomba na bumagsak sa harapan namin na syang nagwasak sa pagasa namin. Kung di ko magagamit ang bertud, ano nang gagawin namin?
Sa unang pagkakataon sumali sa usapan si Jazz, pero wala kang mababanaag na agam-agam sa boses nya. "Edi hanapin nila kung sino ang pwedeng magbukas ng selyo ng bertud." Oo nga naman, kay simple lang pala ng solusyon.
"Hindi ganun kasimple yun Jazz," naging killjoy uli sa panot. "Para mawala ang selyo nyan, kailangan ng presensya ng huling mayari nito."
Natupi ang sikmura ko, isa lang ang ibig sabihin nun. "A-ang aking magulang... Kailangan ko silang makita?"
Tumango si Liam na sa unang pagkakataon, may halong paglambot sa kanyang ekpresyon.
"Pero hindi ko alam kung paano sila mahahanap, ni hindi ko nga alam kung anong itsura nila eh." at nung panahong iyon, hindi ko rin sigurado kung gusto ko silang makita. Makalipas ang ilang taon ng pangungulila sa kanila, nung nagkaroon ng pagkakataong makatagpo ko sila, nagdalawang isip ako.
"Hindi ko alam kung paano, "puno ng kumpyansang sabi ni Makie. "pero sa tingin ko makakahanap din kami ng paraan sa hinaharap para matagpuan ang mga magulang nya. Kaya yung pangalawang dahilan mo, void na rin yun. Ano pa next?"
Umalmang aangal si Liam "Pero binibini-"
"Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko Lauro?" ginamit nya ang dating palayaw ni Lam-ang na may halong pagbabanta.
Kahit ako may duda rin sa pahayag nya, pero sa kakayahan nya, walang itulak kabigin, kahit sabihin nyang triangle ang mundo at kulay pink ang araw with matching polkadots, maniniwala ako.
Pinagpawisan nang malapot si Lam-ang. Paano ko nalamang malapot? Ewan ko, wala rin akong balak hawakan para malaman. Atsaka may malapot ba talagang pawis?
"Ang huli at pinaka mabigat na dahilan ko sa pagtangging turuan ka Napili.... ay dahil sa anak ko."
At sa saliw ng ritmo ng katahimikan, sa ilalim ng umaandap na liwanag ng bumbilya, nagsimulang ikwento ng mandirigma ang istorya ng isang amang may pusong nananaghoy sa minamahal nyang anak.(naks ang lalim)
Kung tama ang pagkakatanda ko, walang nabanggit sa mga libro na nagkaroon ng anak ang magasawang Ines at Lam-ang. Kung meron man, di nailarawan kung anong kinahinatnan niya.
May anak na lalaki sila Lam-ang na nagngangalang Tristan. Oo modern yung name, kasi 70's sya pinanganak. Apparently, delayed ng ilang century ang menopausal stage ng magasawa.
Mabait, makisig at magalang si Tristan, higit sa lahat isa rin syang mahusay na mandirigma tulad ng kanyang ama. At tulad ng inasahan, isa rin itong Napili.
Personal na ginabayan ni Lam-ang ang paglaki ng kanyang anak. Batid nyang ito ang magiging tagapagmana nya ng kanyang bertud, ang "Bertud ng Kagitingan" balang araw. Kaya mula sa pagkabata ay sinanay nya na ito sa pakikidigma at ilang pang kaalamang kailangan para maihanda ito sa nalalapit na araw ng pagsasalin ng kanyang kapangyarihan.
Dumating nga ang araw na pinaka hihintay ng mag-ama, at sa kabutihang palad walang naging problema sa seremonyas. Naging ganap na tagapangalaga ng bertud ang kanyang anak. Napuno ang dibdib nya ng kagalakan para sa anak na tingin nyay magliligtas sa mundo sa kapahamakang dala ng organisasyon.
Pero may isang huling pagsubok pa na kailangang pagdaanan si Tristan para tuluyang makontrol nya ang kapangyarihan ng bertud. At ito ay ang aktuwal na pakikibaka gamit ito. Kaya sa pahintulot ng kanyang ama, kasama ang ilang kaibigang Napili rin, sinugod nila ang isang kilalang kuta ng Organisasyon.
Sa ika-16 ng Hulyo 1990, sa edad na labing anim, ilang oras malipas mamana ang bertud, pumanaw si Tristan. Kasabay ang mahigit kumulang 1,600 pang katao.
Sa kasamaang palad, hindi nya nakontrol ang kapangyarihan ng bertud. Nagresulta ito sa isang malagim na kalamidad
Tinawag itong, 1990 Baguio City Earthquake.
Nasadlak sa matinding kalungkutan ang mag-asawa. Sinisi ni Lam-ang ang kanyang sarili sa pagpanaw ng anak at ng iba pa, ang nagpasya syang iwanan ang kanyang buhay bilang isang Napili at mamuhay bilang normal tao.
Tumatak sa isapan ko ang anyo ng dating magiting na mandirigma habang nakaupo at nakatikom ang mga kamao sa noo sa pagdadalamhati. Animo'y nagdarasal sa mga sinaunang diyos na magising sa isang bangungot na matagal nyang pinagkakulungan.
Naintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang pagtanggi nyang turuan ako. Ang sakit na mawalan ng isang anak, at ang pagpanaw ng karamihan, na sa tingin nya at kanyang kasalanan, ang tumunaw sa dating malabakal na konstitusyon ng pinakamagiting na mandirigma ng Pilipinas.
Pero bukod sa malagim na sinapit ng kanyang anak, may isa pang mas bumagabag sa amin ni Tifa.
"Yung Baguio Earthquake... ay kagagawan ng bertud?" Kinagat nya ang labi nya at dinikit ang isang kamao sa pagiisip.
"'Maling paggamit ng bertud'". Pagtama ni Makie. "Essentially, kung tama ang paggamit mo, walang masamang pwedeng mangyari. Pero may mga pagkakataong hindi kinakaya ng Napili ang kapangyarihan ng bertud. Siguro dahil kulang sa kaalaman, o baka hindi talaga sila ang nararapat na humawak nito."
"Pero di ko akalain na ang bertud ang sanhi ng paglindol. Ganun ba kalakas ang mga bertud?" Tanong pa ni Tifa.
"Mount Pinatubo, Mayon at Taal eruptions, bagyong Thela, Ondoy, Milenyo, Yolanda at iba pang kalamidad na nagpadapa sa sangkatauhan, gawa rin yun ng maling paggamit ng bertud." Napasinghal kami sa mga tinuran ni Jazz.
Mukhang sumakit ang ulo ni Tifa sa pagkabahala. "Kung si Bathala ang gumawa ng mundo, at kalahati ng kapangyarihan nya ay nasa mga bertud..."
"Kayang sirain ng mga bertud ang mundo pag napunta ito sa maling kamay." Pagpapatuloy ni Makie.
Napahawak ako sa bertud. Masyado nang bumibigat ang responsibilidad na kaakibat nito. Sa animes at RPGs ko lang nakakaranas ng ganitong storyline. Hindi ko makakailang natatakot ako sa naririnig ko, kulang na lang ay madumi ako sa pantalon ko sa kaba.
Pero may di ko maiwasan. Alam kong mali pero di ko mapigilan.
Naeexcite ako.
Sa buhay ko na puno ng kabagutan, bigla akong tinapon sa ibang mundo. Gaya ng naisulat ko nung una, matagal na akong naghahanap ng kulang na diko mapunan.
Sa tingin ko ito na yung hinihintay ko.
"Kung ganun eh mas lalo lang na di dapat mapunta sa Organisasyon itong bertud. Mas lalo lang din na dapat matutunan ko kung paano ko magagamit to."
Tinaasan ako ng boses ni Tifa. "Sira ka naba Milo?! Hindi mo ba narinig sinabi nila? Maaari kang mamatay kapag ginamit mo yan! Di lang ikaw, marami pang ibang mapapahamak!"
"Eh ganun din naman eh, pag diko natutunan gamitin to para proteksyonan ang sarili, papatayin din ako ng organisasyon, tapos gagamitin nila to sa masama. Edi mas mabuting ako nalang ang gumamit. At least kung mapahamak man ako, sa sarili ko namang kamay."
"P-pero..."
"At saka kakayanin ko to Tifa. Ako pa." Sabi kong puno ng kumpyansang wala naman talaga ako.
Kahit di sangayon natahimik nalang sya.
"Wag kang masyadong magmadali Napili. Wala pa akong sinabing pumapayag akong turuan ka." Sabi ni Liam.
"Lauro-" Ani ni Makie.
"Ang anak kong si Tristan ay nagsanay na mula pagkabata para gamitin ang bertud, pero anong nangyari? Nilamon sya ng kapangyarihan nito. Paano ka nakakasiguradong kaya ng lampang Napili na yan gawin ang di kinaya ng anak ko? Pasensya na talaga binibini. Pero hindi parin nagbabago ang desisyon ko."
Nagpintig tenga ko run sa lampa part pero bago ako magreklamo nagsalita sya ule, na puno ng dalamhati ang boses.
"Hindi nyo naiintindihan. Nakita ko kung paano tabunan ng malalaking tipak ng bato ang sarili kong anak. Nakita ko kung paano sya namatay. At wala akong nagawa para iligtas sya. Ako na ama nya. Ang magiting na si Lam-Ang. Walang nagawa para sa anak ko."
Tumingin sya sa amin.
"Bukod sa kanya, daan daang tao pa ang nagbuwis ng buhay dahil lamang sa pagkakamaling yun. At sino ba ang nagturo sa kanya? Ako! Ibig sabihin ako ang pumatay sa kanya pati sa mga inosenteng tao yun. At para saan? Wala! Dahil di nagapi ang organisasyon. Namatay sila para sa wala!"
"Walang may gusto ng pangyayaring yun Lauro."
"Hanggang ngayon nakikita ko parin nang paulit-ulit ang pagkamatay ng anak ko na parang kanina lang nangyari. Naririnig ko parin ang iyak ng mga taong humihingi ng tulong para sa kanila at sa minamahal nila. Naamoy ko parin ang kamatayang umaalingasaw nung araw na yun. Oo walang may gusto nun. Lalo na ako. Ayoko nang maulit pa ang pagkakamali ko." bumaling sya sakin "Ayokong maging dahilan ng pagkamatay mo at ng ibang tao Napili. Patawarin nyo ako. Hindi ko kaya.
Tahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Ayaw nilang sirain ang pangfamas na pagmomoment ni Lam-Ang. Hindi ko maisip kung paano nya kinaya ang ganun kabigat na dalahin. Naaawa ako. Pero at the same time, naiinis ako sa kanya.
"Duwag ka." sabi ko
"Anong sabi mo?" halos mahiwa ako sa talim ng titig nya.
"Narinig mo ako. Ang sabi ko duwag ka."
Tumayo si Jazz pero sinenyasan sya ni Lam-ang. Buti nalang. Inapakan naman ako ni Tifa para tumigil.
"Maaring tama kayo. Isa akong patpating uhuging lampang mukhang tatanga tanga di nag-am nung bata pa ako. Pero isa lang ang masasabi ko. Di ako duwag katulad mo."
"Diko gusto ang tabas ng dila mo bata" pang Pacquito Diaz na tugon nya.
"Di pa ako pinapanganak nung 1990 kaya diko alam ang nangyari sa lindol. Pero naranasan ko yung ondoy at alam ko libo libo ang namatay sa yolanda. Eto ang tanong ko, kung bertud ang may kagagawan nun, anong ginawa mo para mapigilan ito?"
"Sumosobra kana Napili!" sabi ni Jazz
"Kung ako nasa kalagayan mo na may mala alamat na kakayahan, gagawin ko ang lahat para di maulit sa iba ang nangyari sa anak ko. Kung may isang Napili na di makontrol ang bertud, ako ang pipigil sa kanya, ako ang gagabay."
Nakatingin lang sya sakin habang sinasabi yun.
"Di ako kagaya mo Lam-ang. Mahina lang ako. Pero di ako magmumukmok sa isang tabi para sa bagay na nangyari na, kahit gaano pa ito kasakit. Kahit mahina ako, gagawin ko ang lahat para pigilan yun, kahit wala pang maging saysay ang papel ko. Gagawin ko yun di dahil Napili ako, pero dahil responsibilidad ko yun, bilang isang tao."
"Kung ayaw mo akong turuan, ayos lang. Maghahanap kami ng ibang magtuturo. Kung wala talaga pagaaralan ko itong magisa." pagtatapos ko.
Mapakamot ng ulo si Lam-ang.
"Mantakin mo nga naman ang pagkakataon. Isang bata pa ang nagtuturo sa akin kung ano ang tamang gawin."
"Hindi naman kasi synonymous ang pagiging matanda sa pagiging tama."
Tinignan nya ako nang maigi.
"Alam mo ba ang pinapasok mo Napili? Tandaan mo, hindi ito isang laro o palabas, totoong buhay to. Pag namatay ka, wala nang balikan. Handa ka bang mamatay?"
"Malamang hindi! Kanina lang antahimik ng buhay ko tapos ngayon marami nang nagtatangka na patayin ako, syempre hindi ako handang mamatay. Pero handa akong mabuhay. Kaya nga nasa harapan mo ako ngayon eh."
"Mukhang hindi uhuging bata itong Napili na dala mo binibini."maliit na ngiting sabi nya kay Makie.
"Sabi sayo eh."
"Pero patpatin parin sya."
"Wow thank you uh!" sagot ko sabay tawa nilang tatlo ni Jazz
"Ibig bang sabihin nyan pumapayag ka nang turuan si Milo?" ani ni Tifa.
"Bigyan nyo ako ng isang araw. Paguusapan muna namin ni Ines. Dumito muna kayo habang wala pa akong sagot."
Napahinga kami ng malalim kaluwagan. At least pagiisipan nya na. Di kagaya nung tumatanggi pa sya. At least may pagasa na.
"At binibini, may kailangan pala tayong pagusapan nang sarilinan." baling ni Lauro kay Makie.
"Ano yun?"
"Tungkol ito kay Gat Panahon."
Biglang namutla ang mukha ni Makie at nanginginig ang labi. Nagmamadali silang pumasok sa mainhouse at Iniwan nila kaming nagtataka sa nangyari.
"Sino si Gat Panahon? Kamaganak ni Gat Abelgas?" tanong ko kay Tifa.
"Ang korny mo gagu. Di ako sigurado. Tatay ata ni Maria Makiling."
Pagkatapos nun inisnab at iniwan nya na ako para tignan yung laman ng mga bote sa tukador na parang mas mahalaga pa kaysa kausapin ako. Galit parin ata sya.
Gat Panahon. Tatay ni Makie? Ano kayang nangyari sa kanya at parang natakot si Makie?
Lumipas ang ilang minuto na nagaantay parin kami sa kabila. Si Tifa nagsisiyasat parin ng mga bote. Nakakwentuhan ko si Jazz tungkol sa mga nakakatawang karanasan nya bilang manok. Pinigilan ko nalang itanong kung paano sya umiihi at dumumi bilang tao. Kasi diba sa manok, sabay lang?
*tok tok tok*
Napalingon kami sa pintuan nung makarinig kami na mahinang katok. Inantay namin kung kakatok pa uli o may tatawag mula sa labas pero wala naman. Nagkibit balikat lang si Jazz. Marahil namalik-tenga(meron ba nun) lang kami. Wala naman sigurong customer ng dis oras ng gabi.
Nagkwentuhan ulit kami. Pero di ako mapalagay. Sino kaya yung kumatok? Bakit di na sya kumatok ule? Baka may kailangan syang importante.
Para akong naliligo sa pawis. Gusto kong malaman kung sino yung kumatok, kahit parang guni-guni ko lang yung tunog ng pagkatok. Pati si Jazz parang natutulala lang at tumitingin sa pinto.
Sino ba sya? Kailangan kong malaman.
Wala sa sarili at nanginginig akob tumayo sa upuan. Hinawakan ako sa kamay ni Jazz para pigilan pero tinanggal ko lang.
"Sino yan?" tanong ko.
Walang sumagot.
"May tao ba dyan?"
Walang paring sumagot.
Baka nga guniguni ko lang talaga. Pero hindi eh, rinig na rinig ko yung tatlong mahinang katok na yun.
Unti unti akong lumapit sa pintuan.
Parang may nagdedemsy roll sa puso ko sa bilis ng pagtibok. Isang parte ng utak ko sinasabing wag kong buksan ang pinto, wag kong papasukin ang nasa labas, pero di ko mapigilan ang sarili ko. Kinakabahan ako pero kailangan ko talagang buksan ang pinto.
Nasa tapat na ako ng pinto at pahawak na sa doorknob nang may familiar na boses mula sa loob ko ang pumigil sa akin.
GUMISING KA MILO!
Natauhan ako bigla. Sino yun? Tingin ko ako lang ang nakarinig sa kanya. Bakit pamilyar ang boses nya? Pero kung sino man sya, nagpapasalamat ako at ginising nya ako sa pagkawala ko sa sarili. Dahil alam kung sino man ang nasa labas, ramdam kong puno ito ng galit at kasamaan. At gusto nyang manakit.
Napabuntong hininga ako. Muntik-muntikan na yun.
Paatras na ako nung biglang hawakan ni Tifa ang pinto at wala sa loob na binuksan ito.
Biglang bumagal ang oras.
Nawala ang tunog sa paligid.
Dumilim ang buong kwarto.
Tumambad sa harapan ko ang tatlong tao-hindi pala. Tatlong nilalang na nakaitim na belo at hindi kita ang mukha. "Nilalang" dahil nakakasigurado akong hindi sila tao.
Dahil walang taong naglalabas ng purong kasamaan gaya nila.
Kung totoo si Kamatayan, kaharap ko ang tatlo sa kanila.
~~~~~~~~~~~~~~
Author's notes (yes! first time!):
Ito ang pinaka mahirap na chapter sakin so far dahil di ako sanay sa maraming dialogues at characters.
("(^^,)
Anyways pinutol ko to kasi mahaba na, dapat yung next chapter at itong chap 8 ay iisa lang. Kaso ayun nga, may tendency talaga akong masulat ng mahaba kaya pinutol ko sa dalawang chap.
Ipopost ko kagad this week yung next, at punumpuno yun ng aksyon promis.
Diko nga alam paano ko isusulat yun eh.
On the side note. May isa akong segment na idadagdag.
Kung papansinin nyo, maraming words, characters, events at creatures ako na ginagamit sa kwento na based on facts pero di pamilyar sa karamihan, kaya maglalagay ako ng parang dictionary sa dito sa bandang author's note para di mapuno ng explanation yung mismong kwento.
Sisimulan ko sya siguro next chapter.
Kasi next chapter gagamit ako ng maraming creatures sa unang scene palang. Umaatikabong bakbakan ang magaganap kaya wait for it. XD
Sorry pala sa cliffhanger, lagi nalang akong ganun diba? Haha pampabitin lang.
Sige na, mahaba na to.
Till next chapter!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top