KABANATA VII - Langgam
"T-tama ba narinig ko?" Nanginginig na sabi ni Tifa. "Sya raw si...."
"...Mariang Palad.."
*Whhhaaapaaakkkk!" Kinarate chop nya ako sa ulo. Grabihan lang simula pa lang ng chapter, injured na ako.
"Gagu! Maria Makiling daw! Anlayo nun sa Mariang Palad! Ang corny mo hayuuuup!" Paglalambing nya.
"Alam ko... Pinapatawa lang kita. Arouch naman..." hinimas ko yung ulo ko.
"Pero... Totoo kaya yung sinabi nya na sya raw si Makiling?.. Hmm.. Teka kaya ba yun yung mga pangalan nya?! Haha... How childish naman!" Natatawang sabi nya.
Pangalan nya? Oo nga noh. Makie. Makiling.. Pinagisipang mabuti uh(sarcasm included)..
Oh wait! Ano ba fullname nya?
'Makie D. Tangwaling'
Hmm.. arrange natin uli.
'D. Watang Makieling'
'Diwata ng Makiling'
Syete... Ang jologs ng anagram nya hahaha.
Ehem... Anagram po pala tawag dun sa mga words or codes na need mo iarrange ng positions para makabuo ng hidden words o meaning. Natutunan ko yan kay Tifa. Take note po reader ng kwadernong ito, marami nyan dito, baka makatulong kayo sa pagsolve ng di pa namin nasosolve. TIA
"Ewan ko. Pero sa lahat ng nakita ko, kahit anong sabihin nya maniniwala ako. Kung sya nga si Makiling...... Teka nga, eh ano naman kung sya nga? Big deal ba yun?" Tanong ko.
"...Hindi ko rin alam. Pero siguro oo, diba nagaalangan sya sabihin? Malamang may malalim na dahilan kung bakit." Kinagat nya labi nya, mannerism nya yun pag nagiisip. Ang cute lang, parang ang sarap makikagat. "Pero bukod sa ilang kwento tungkol sa pakikisalamuha at pagtulong nya sa tao wala na akong alam kay Makiling. Alam ko lang Diwata sya sa bundok ng Makiling."
Ako rin walang gaanong maalala sa lessons nung elementary ako tungkol dun. Pero kung sya nga talaga ang Diwata ng Makiling, masasagot nun kung bakit ang awesome nya kumilos. Pero may mga tanong parin ako:
-Bakit wala syang pakpak?(assuming may pakpak nga ang mga diwata)
-Bakit nasa school sya bilang isang kaklase ko?
At ang most disturbing sa lahat...
-Kung nakaattend sya sa first wedding... Gaano na sya katanda ngayon?...
Owmaygasss..
"Huy! Anong tinutunganga mo dyan? Tara na pumasok na tayo." Pagbasag ni Tifa sa iniisip ko.
Tumango ako. Walang sense isipin ang mga bagay na diko pa masasagot, im sure ipapaliwanag naman ni Makie ang lahat.
Tinignan ko muna yung bahay. Hindi pala sya bahay. Parang medyo malaking sari-sari store. Yung parang wholesaler ng mga sitsirya na pwede kang pumasok sa loob. May lumang signboard din na may design ng Boom na Boom theme park(wow updated) at nakasulat na "Liam Angara Store". Pagpasok namin, wow!
Walang magara sa store ng Angara!
Pasquare na medyo malaki yung loob na may parang counter sa tapat na may nakapatong na ibat ibang basket ng prutas at gulay na tinutuka ng isang tandang nakatambay dun(daig pa ang pusa). Sa likod nun may pinto papunta siguro sa main house. May asong aspin din na nakahilata sa sahig na may katabing bantam(maliit na tandang). Pagpasok namin parang tumingin samin yung aso, tandang at bantam pero di gumawa ng ingay, medyo creepy lang.
Sa paligid may ibat ibang shelf na naglalaman ng mga boteng may lamang langis, ugat, binurong ahas, at kung anu-ano pang likido at bagay na ayoko ng imaginin kung saan nagmula. Hindi ko tuloy alam kung extension ba ito ng mga tindahan sa paligid ng quiapo church.
Ang nakakagulat pa, may mga display ng deadly weapons tulad ng sibat, bolo, pana at palaso, kris, pananggalang etc na nakakapagtakang di pa sila nararaid ng nbi o ni Mar Roxas. Pero hindi yun ang kumuha ng atensyon ko kundi yung nakasabit sa taas ng pinto sa likod ng counter.
May nakadisplay na ulo ng malaking isdang parang pating.
Napakapit si Tifa sa akin. Kahit hindi na buhay yung isda nakakatakot parin kasing tignan. Parang ngangasabin ang ulo namin. Ano ba tong pinasok namin? Kuta ng mga kulto? Bahay ng albularyo? Bureau of Customs?
*ding* *ding* *ding* *ding*
Sinarado namin ang pinto at nilapitan si Makie na nasa tapat ng counter na nadi-*ding* dun sa bell na parang sa mga lobby ng hotels.
"Ang tagal...." inis na sabi ni Makie tapos ginahasa ng kamay nya yung bell.
*dingdingdindingdingdingding*
"INESSSSSSSSSS!!!" Napatalon kami sa gulat nung may sumigaw na lalaki sa loob. "MAY TAO ATA SA TINDAHAN, PUNTAHAN MO NGA RUN!"
"IKAW NA! MAY GINAGAWA PA AKO!" Sagot nung "Ines" ata. Mas malayo yung dating ng boses nya samin.
"IKAW NA, TUMATAE AKO EH!!!"
"IKAW NA SABI! PAG DIKA UMALIS DYAN DI LANG TAE LALABAS SAYO!"
Whoa... Too much information. Di namin need marinig yun. Awkward amp..
"Makie tama ba tong pinuntahan natin? Kaibigan mo ba talaga yan?"
"......oo." sagot nya habang tinatago ang mukha sa netcap.
"Basta ako kakausap sa kanya, wag kayong sasabat nang hindi kinakausap, ako na bahalang magpalinawag at magpakilala sa inyo."
"Need paba namin makipag shakehands" tanong ko.
"Bakit, gusto mo?"
"Wag na thank you nalang, si Tifa nalang daw." Iling ko.
"Gagu-" sasagot pa sana sya nang bumukas ang pinto.
Yung lumabas sa pinto ay isang lalakeng sakasuot ng puting sando at jersey short at kwintas na parang ngipin ng buwaya. Nasa 40-50 ang edad. Medyo matipuno ang katawan pero may malaking beer belly, mga 5"6 ang taas, may konting putingbuhok at sinasakop na ng naghihimagsik nyang noo ang kanyang bumbunan. Medyo kahawig nya si Paquito Diaz dahil sa bigote nya. All in all mukhang wala syang pinagkaiba sa mga common na makikita mo sa lahat ng inuman. In short, hindi bagay yung name na Liam sa kanya.
Pero may kung ano sa kanyang tumatak sa akin. May aura syang nakakaintimidate. Parang kapag pinasagot ka sa blackboard pero wala kang maisagot at tinitignan ka lang ng guro mo nang masama, x20 mo yun. Parang ganun yung feeling nung tumingin sya sakin.
Tinignan nya kami isa-isa pero dumilim yung mukha nya nung nakita nya si Makie. Parang... galit sya. Pero bakit?
"Sarado na kami. Makakaalis na kayo. Pakisara nalang nang maayos yung pinto sa paglabas nyo." Tapos kumuha sya ng crossword book na nakapatong sa upuan sa may counter, umupo rito at dina kami pinansin.
Nagkatinginan kami ni Tifa, parehas naguguluhan. Anong nangyayari? Akala ko ba tutulungan nya kami? Akala ko ba kaibigan sya ni Makie? Bakit parang hindi sya kilala nito?
"Kailangan namin ng tulong mo." mahinahon na sabi ni Makie.
"INESSSSS!" nagulat ule kami sa sigaw nya. "ANO SA FILIPINO ANG MATHEMATICS?"
"....EDI MATEMATIKA ULUPONG! TUMATANDA KANA TALAGA!" sagot nung nasa loob.
"WALONG LETRA LANG EH! SAMPU YUNG MATEMATIKA! KUNG MAKA-ULUPONG KA AKALA MO TAMA!"
".....ABAY HINDI KO NA ALAM!"
"EH FILIPINO NG BIOLOGY, WALONG LETRA?"
"EWAN KO, IKAW NA SUMAGOT, WAG MO AKONG TANUNGIN INIISTORBO MO AKO!"
"KUNG ALAM KO SAGOT EDI DI NA AKO NAGTATANONG SAYO! Ano ba naman kasing klaseng crossword to ang hirap sagutin." Mahinang sabi nya sa dulo.
Umaakto sya na parang wala na kami. Sa totoo naiinis na ako at gusto ko nang magsalita kung di lang dahil sa sinabi ni Makie.
Tinignan ko sya, kalmado parin ang itsura nya pero halatang nababadtrip narin. Lumapit sya sa tapat mismo nung manong. Napatingin naman ito sa kanya tapos bumalik sa pagsagot ng crossword
"Bakit nandito pa kayo? Pinaalis ko na kayo diba?"
"Ang sabi ko, kailangan namin ng tulong mo." Matalim na sabi ni Makie.
Tumigil ang manong sa pagsulat.
"Hindi mo ba narinig ang sabi ko? Sarado na kami. Alas dose na nga eh. Umalis na kayo. Wag mong hintaying ako pa magpalayas sa inyo." Mabigat nyang tugon na hindi man lang tumitingin kay Makie.
Sa puntong yun may naramdaman akong tumutuka sa paa ko, yung bantam pala. Binubugaw ko ng paa palayo pero bumabalik. Pero mas ok na yun kaysa kay Tifa inaamoy ng aso sa wetpaks haha.
"Wala kaming balak bumili. Malayo ang byinahe namin papunta rito dahil ikaw lang makakatulong sa amin. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko."
"Wala akong interes marinig ang sasabihin mo. Isa pa kung anong man problema nyo, wala akong pakialam. Nakakaistorbo lang kayo, importante ginagawa ko."
Anong importante?! Nagkocrossword ka nga lang eh! Sarap sungalngalin ng panot na yun.
"...Hindi mo ba ako nakikilala?" Tanong ni Makie. Tinignan sya nang masama nung lalaki. Bawat salita na binitawan nya nun, nakakahiwa.
"Hindi kita kilala pero alam ko kung ano ka, diwata. Hindi imbitado ang tulad mo sa pamamahay ko. Kinamumuhian ko ang mga kagaya mong traydor na walang karapatang mabuhay sa mundo, kaya umalis ka na bago ako pa mismo ang makapatay sa iyo."
Pakiramdam ko puno ng lason yung kwarto(which is baka totoo nga dahil baka may lason yung mga nasa garapon sa paligid), ang bigat nung atmosphere, ramdam ko yung killing intent nung lalaki.
Kinamumuhian nya ang mga diwata? Bakit? Traydor daw? Anong ginawa nila para mabansagang ganun?
Si Makie naman halata sa nanginginig nyang kamay na nasaktan sya sa sinabi ng matanda.
".....Hindi mo ba ako matandaan Lauro? Ako ito." mahinang sabi nya.
"WAG MONG SUBUKAN ANG PASENSYA KO DIWATA!" tumayo bigla yung matanda na sumisigaw at umaapoy ang mata sa galit. Dinuro nya si Makie. "TALIPANDAS KA! WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN AKONG GANYAN! ISA LANG ANG TUMATAWAG SAKING LAURO! AT ANG TULAD MO ANG PUMATAY SA KANYA! PINATAY NYO SYA! PINATAY NYO ANG MARIA NG MAKILING!"
Nagulat kami sa lalaki, pero mas magulat kami sa sinabi nya. Patay na raw ang Maria ng Makiling. Ibig bang sabihin nun nagsinungaling si Makie sa amin?
"LIAM ANO YAN? BAT SUMISIGAW KA?" sigaw nung Ines.
"WALA INES! MAY PINAPAALIS LANG NA IPIS!"
"AHHH OKAY, WAG KA NALANG SUMIGAW, NAKAKAISTORBO KA SA KAPITBAHAY!"
"IKAW RIN SUMISIGAW EH!"
"WAG KANG PILOSOPO BAKA GUSTO MONG SA SAKIT KA SUMIGAW!"
"Che.. Akala mo naman hindi rin sya sumisigaw." Bulong ni Liam na mukhang takot sa asawa.
"HAHAHAHAHAHAHA!" biglang tawa ni Makie. Ayan na naman sya. Bigla na nama tumatawa nang walang nakakatawa.
"Bakit ka tumatawa diwata? May nakakatawa ba?" Matalim na tanong ni Liam.
"Haha oo meron Lauro. Este "Liam" pala. Liam na pala pangalan mo ngayon. Hindi parin kayo nagbabago Ines hanggang ngayon." Nagpunas ng luha si Makie.
Tahimik lang ang lalaki, pero parang nagtataka.
"Ako ito "Liam". Hindi pa ako patay, ako si Maria Makiling."
"Tigilin mo ang kasinungalingan mo diwata. Hindi ako nakikipagbiruan. Isang kasinungalingan pa mula sa bibig mo, gugulong ang ulo mo sa sahig."
Ngumiting nanghahamon si Makie. Kinabahan kami. Ayoko ng ngiti nyang yun. Lalo pa't mukhang seryoso si Mang Liam sa banta nya.
"Magpapakita nalang ako ng patunay." Ipapasok sana ni Makie ang kamay nya mula sa leeg.
Sa sandaling yun may mga ibat ibang nangyari nang sabay-sabay. Sa sobrang bilis hindi ko nasundan ang lahat ng mga naganap, pero susubukan kong ilarawan sa abot ng aking makakaya ang nakita ko.
Biglang lumaki yung tandang sa counter at sumabog yung balahibo nya, mula run may hugis taong lumabas at inatake si Makie gamit ang isang mahabang bolo na nakadisplay sa pader. Nakita kong dumapa si Makie at dumukot sa beltbag nya.
Biglang sumigaw si Tifa, pero bago ako makalingon may sumabog na balahibo ng manok sa paanan ko, tapos nakaramdam ako ng sakit sa likod ng binti na parang may humampas. Napaluhod ako sa sakit tapos may humigit sa braso ko at binaluktot sa likod ko, idinapa ako sa sahig at niluhuran ako mula sa likod.
Sa pagkakadapa ko, nakita ko si Tifa na may nakayakap na babae(mahaba kasi buhok) mula sa likod na parang holdaper at may patalim na nakatutok sa leeg nya.
Hindi pala patalim. Kuko. Matalas na kuko...
*klang!*
Lumingon ako kay Makie at nakita kong nasalag nya ng kutsilyo yung bolo ng kalaban nya. Tumigil sila at nagkatinginan.
Tapos biglang may *whosh crhagk* na tunog ilang inches sa mukha ko. May maliit na tubo na hinampas sa lupa na inkinacrack nun.
"Pasensya ka na, pero wag kang kikilos, kundi mapipilitan akong saktan ka." Sabi nung nakapatong sa akin.
"Siraulo! Sinaktan mo na nga ako eh!" Sigaw ko. Pero syempre joke lang yun, diko sinabi yun, ayokong masaktan ule, ano ako tanga?
"Milo..." humihingi ng tulong sakin si Tifa. Pero wala akong magawa wala akong maisip na paraan. Kung may kakayahan man ako bilang Napili, binigo ako nun. Nakakaasar.
"ANO NA NAMAN YAN LIAM?" Biglang sigaw uli ni Ines.
"YUNG IPIS BUHAY PA!" Sagot ni Liam.
"EDI PATAYIN MO NA NANG MATAPOS NA YAN!"
Ngumiti si Liam, at nakaramdam ako ng kilabot sa spine ko.
"Wag kang magalala Ines, baka yun na nga ang gagawin ko."
Anak ng puto. Ano ba tong pinasok mo samin Makie.
"Mabilis ka diwata." Puri ni Liam na nakatayo at nakatingin lang samin. "Pero hindi sasapat ang bilis mo para iligtas mga kaibigan mo."
Tinignan kami ni Makie. Nakikita ko sa mata nya ang pagkabagabag. Alam kong gusto nya kaming iligtas pero wala syang magawa. Kung si Liam lang ang makakatulong sa amin, hindi kami pwedeng umalis.
"P-pero pakinggan mo lang ako ang sasabihin ko." sabi ni Makie.
"Wala akong balak makinig sa diwatang gaya mo, tama nang nilapastangan mo ang pangalan ng Maria sa panggagaya mo sa kanya. Wag mong itulak ang swerte mo, kung talagang kilala mo ako, alam mong hindi ako mapagpasensyang tao."
Hindi nagsalita si Makie. Kita kong hirap na hirap syang magdesisyon, lalo pa't nakasalalay sa kanya ang buhay naming tatlo. Pag umalis naman kami ganun din kalalabasan, buhay parin namin ang nanganganib sa organisasyon. Kahit anong piliin nya, hindi maganda.
Umupo uli si Liam at kalmado nang nagsalita.
"Bibilang ako ng tatlo. Pag hindi pa kayo umalis..." hindi nya na tinapos yung sasabihin nya.
Binulungan ako nung nakapatong sakin.
"Pasensya kana. Hindi ko gustong gawin ito. Pero kayo yung mapilit. Sorry.."
Anong sorry? Ganun na lang yun? Papatayin lang kami rito tapos wala na? Ni hindi nga kayo nakinig sa sasabihin namin eh.
"Isa..."
"Makie umalis na tayo... Humanap nalang tayo ng ibang tutulong sa atin." Sabi ko.
"Wala na tayong ibang mapupuntahan. Wala na akong kilalang tutulungan pa tayo." Sagot nya.
Tumingin ako kay Tifa. Nakakagat labi sya at mukhang nagiisip ng paraan para makatakas sa mangyayari sa amin. Napabilib ako kasi akala ko magbebreakdown sya sa takot pero hindi sya natinag.
Si Makie naman kita parin ang fighting spirit. Hindi ko lang alam kung may plano sya o puro fighting spirit nalang.
"Dalawa..."
Sinubukan kong tumayo, hindi ako pwedeng sumuko habang yung dalawa nagiisip ng paraan. Kailangang makatulong ako.
Pero nung makakatayo na ako nilakasan yung pagbaluktok ng braso ko kaya bumagsak ako uli.
Hindi ko na alam gagawin ko nun. For the 4th time sa ilang oras na nagdaan, akala ko mamatay na ako.
Hinanda ko ang sarili ko.
"Tatlo-"
"SIPNAYAN AT HAYNAYAN!" Biglang sigaw ni Tifa.
Napatigil kaming lahat at tumingin sa kanya. Anong pinagsasabi nya?
"Filipino ng mathematics, eight letters, 'sipnayan' yun. Mula sa isip-hanayan. Biology naman, eight letters din is 'haynayan', mula sa buhay-hanayan o pagaaral ng buhay. Yun yung sagot sa crossword mo." Sabi nya.
Tumingin si Liam. sa crossword nya.
"Umm... T-tama.. A-ang galing mo."
"Syempre, 2yrs old pa pang ako sumasagot na ako ng isang crossword book sa isang araw!" Nakuha pang magpahumble ni Tifa.
Syempre lumaki mata naming lahat sa kanya, kahit si Liam at yung tatlong alalay nya. Kahit ako na bestfriend nya nagulat sa sinabi nya. Di ko alam maaga nadedevelop ang pagkanerd.
Tumingin pa si Liam sa crossword nya.
"Eh ano yung sagot dito sa-"
"SANDALI!" Putol nya kay Liam. Na sa ikinagulat ko, tumahimik naman.
"Tutulungan kita sagutin lahat ng crossword mo sa isang kundisyon, papalayain mo kami at makikinig ka sa sasabihin ni Makie."
Wow lang... Wow lang talaga. Ang galing makipagnegotiate ni Tifa. Pati si Makie mukhang napabilib sa lakas ng loob nya.
Saka dalawang kundisyon yun hindi isa. Oh well..
Pero di ko alam kung matutuwa ako o hindi. Crossword lang ang halaga ng buhay namin? Ansaya saya.
"Hmmm... Papaano kung hindi ko magustuhan ang paliwanag ng impostorang yan?"
"Wag mo akong tawaging impostora!" Sigaw ni Makie.
"Wag kang magulo impostora! Este Makie!" Sabi ni Tifa, tinignan sya nang masama ni Makie. Halatang gumaganti sya run sa pagtawag sa kanya ng "langaw".
"Pag hindi mo nagustuhan ang sasabihin ng impostora-este ni Makie, edi aalis na kami. Makikinig ka lang naman eh, nasayo na yun kung tutulong ka, no commitments, and no harm done."
"Hmmmm....."
Pinagisipan nya nang ilang segundo ang sagot nya.
Pumayag kana panot. Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko
"Sige pumapayag ako..."
"YES!" sigaw naming tatlo.
"Pero hindi ko ipapangakong tutulong ako sa inyo makikinig lang ako."
"Okay, call!" Sabi ni Tifa.
"Pakawalan nyo na sila!" Sabi nya sa tatlo.
At binitawan nga kami sa wakas. Tinulungan akong tumayo nung umatake sa akin habang patuloy na humihingi ng sorry.
Matangkad sya sa akin mga 5"6 o 5"7 balingkinitan at kayumanggi. Mukhang 16-17 lang. Ayoko mang aminin, ang gay kasi pakinggan, pero gwapo sya.(pakshet wag sana nila mabasa to mapagkamalan pa akong bakla). Di ko na idedescribe kung ano itsura nya kayo na bahala magimagine.
Mukha naman syang mabait kaya tingin ko kung iba sitwasyon baka magkasundo kami.
Nakakailang lang kasi bukod sa hawak nyang arnis(na akala ko tubo kanina), at suot na tshirt na red, nakabahag lang sya. Yung pang igorot.
"Okay lang yun. Hindi naman ako nasaktan gaano(kasinungalingan)."
"Haha hindi nga halata, konti lang kasi yung niluha mo eh."
"Pawis lang yun ng mata ko, nasobrahan sa pagkurap."
"Hahaha. Sige sabi mo eh."
Tumingin muna sakin si Tifa at nag-nod sakin bago lumapit kay Liam at tinulungan sumagot ng crossword. Yung babaeng yumakap naman sa kanya na may mahabang buhok kinausap muna yung medyo may edad na lalakeng nakasalagan ni Makie bago sila sumandal sa isang sulok at tinignan kami na parang nagoobserba lang.
"Wag mong pansinin yang inay at itay ko, ganyan talaga yan sa mga bisita, loyal kasi sila kay amo kaya lahat ng tao pinaghihinalaan. Pero mababait talaga yan pag nakilala mo." Sabi ng katabi ko.
"Mama at papa mo sila?"
"Uh-huh, bakit?"
"Kung di ako nagkakamali yung nanay mo yung aso kanina at yung tatay mo yung tandang?"
"Tama! Ang galing naman ng obserbasyon at napansin mo yon!"
"Tapos ikaw yung bantam kanina."
"Oo ako nga haha"
Kung paano nagkaroon ng anak na bantam ang isang aso at tandang ay hindi ko na itinanong. Sa sobrang weird wala na akong interes malaman. Feeling ko magsusuicide na utak ko sa lahat ng kaweirduhang naganap nung gabing yun eh.
"Mga mahiwagang hayop talaga kami na may kakayahang magbagong anyo bilang tao. Pero minsan lang namin ginagawa, pag may labanan lang. Ang hirap naman kasing lumaban kung manok ako diba? Pero ang totoo nyan wala pa akong nasasalihang laban, sila inay at itay palang. Bata palang kasi magkakasama na sila ni amo pag may pinupuntahan silang mga gyera...." at kung anuano pang paliwanag nya na rapidfire sa bilis. Kahit di naman talaga ako makikinig, isa lang kasi nasa isip ko nun eh.
".....tinutuka mo yung paa ko kanina diba?"
Namutla sya.
"...O-oo." Namula nyang sabi. Syet lang, may gana pang mahiya.
Kinilabutan ako, kung iisiping mo kasi, parang hinahalikan nung lalaking yun yung paa ko. Gusto kong hugasan yung paa ko nun sorba. Arggg kinikilabutan ako pag naaalala ko yun.
Pero mas ok na yun kaysa kay Tifa na inaamoy nung aso yung... Ah ewan! Erase erase erase erase erase!
"H-hindi ko kasi mapigilan. Ganun talaga kapag pormang manok ako, wala akong choice kundi sundin katauhan(o kamanukan) kong pangmanok. Diko makokontrol yun." Paliwanag pa nya.
"M-Mabuti pa burahin natin sa alaala yun at kunwari nalang walang nangyaring ganun."
"M-mabuti pa nga..."
"....................."
Nakabibinging katahimikan. Awkward level: to infinity and beyond.
Buti nalang at dumating si Makie para punan ang awkward silence na namayani samin nun.
"Oy!" bati nya sakin tapos nagtanguan sila nung lalake. Tumabi sya sakin at nagcross arms.
"Sabi mo samin kaibigan mo yun." Reklamo ko sa kanya. "May kaibigan bang gustong katayin ang kaibigan nila?"
"Yung matandang panot na yan kasi.
, ayaw maniwala sakin na ako si Makiling. Tatadyakan ko talaga mamaya yan eh, makikita mo."
"Eh ano yung sabi nyang kanina patay ka na raw?"
"Yun lang akala nya. Sabagay di ko naman sya masisisi dahil sa nangyari dati. Saka medyo iba narin itsura ko."
"Iba na itsura mo?"
"Heh! Wag mo nang tanungin! Di na importante yun at walang koneksyon sa nangyayari ngayon!"
Ang sungit talaga. Di ko nalang sya tinanong tungkol sa mga yun kahit nahihiwagaan ako run sa sinabi nyang iba na itsura nya. Isinantabi ko nalang yun sa utak ko para itanong sa susunod na pagkakataon.
"Anong balak mong gawin ngayon? Paano mo syang kukumbinsihin na tulungan tayo? Baka may ibang choice pa, sa iba nalang tayo humanap ng tulong."
"Wala na. Sya nalang talaga ang nagiisang pinagkakatiwalaan ko. Wag kang magalala, may paraan ako para paniwalain sya. Kailangan ko lang ingudngod sa pagmukha nya ito."
Hawak hawak nya yung suot nyang kwintas na napapansin ko minsan sa kanya. Gawa ata sa silver na korteng bulaklak na di ko alam kung anong tawag.
Di ko alam kung anong significance ng kwintas pero dahil mukha naman syang confident nagtiwala nalang ako.
Tahimik lang kaming lahat habang inaantay matapos yung dalawa sa crossword.
Naiilang lang ako dahil yung katabi kong lalake kumakain ng chicken feeds sa palad nya. Yung parang pinatigas na butil ng mais at mga pellets. Ang masama pa nito tinutuka nya yun nang parang manok!
Inalok nya pa ako na magalang kong tinanggihan dahil sabi ko busog pa ako kahit ang totoo nyan gutom na dahil di pa naghahapunan ng gabi yun.
At wakas..
"Yes tapos narin!" Sigaw ni Tifa.
"Tapos na nga. Ang galing, natapos mo kaagad ito gayong ilang araw na akong naistuck up sa unang pahina pa lang." Manghang manghang sabi ni Liam.
"Bweno paano ba yan? Tinulungan na kita tulad ng usapan natin, ikaw naman."
"Hindi ako marunong sumira sa usapan iha, makikinig na ako sa inyo."
Ano raw? Iha?! Matapos kaming muntikang murderin dahil lang sa crossword naging magalang na sya?
"Ipostora este Makie, do your thing na, its your time to shine. Kaw na bahala, wag mo sayangin effort ko." Sabi ni Tifa paglapit nya samin.
"May araw ka rin sakin langaw." sabay lapit ni Makie sa counter pagkatapos nila magisnaban. Di ko lang alam kung bakit ang sungit nila sa isat isa. Mga babae nga naman.
Hinubad ni Makie ang suot nyang kwintas at nilapag iyon sa counter. Biglang itong kinuha ni Liam at napatayo sa gulat. Base sa reaksyon nito, hindi sya makapaniwalang hawak hawak nya ang kwintas. Pati yung tatlong alalay nya parang nagulat din.
"B-bakit nasayo ang kwintas na to? San mo ito kinuha?! Sabihin mo!" nanginginig sa galit nyang sabi.
"Arrrghhhh, nasa akin yan, kasi sa akin yan! Bakit ba ayaw mong maniwalang panot ka! Teka nga..."
Kumuha sya ng luya sa basket, tinignan saglit at ibinagsak sa counter.
*BLAG*
Nagkalamat yung parteng binagsakan ng luya sa bigat na kung tutuusin imposible dahil magaan lang naman ang luya. Pero nung tignan ko maige di na sya mukhang ordinaryong luya lang. Iba na yung kulay nya. Mas madilaw, kumikintab at parang naging makinang. Mukha na syang...
"G-ginto!" Bulong nung lalake sa tabi ko.
Oo, naging ginto yung luya. Gaya nung mga kutsilyo niya. Ibig bang sabihin normal na kutsilyo lang yun na ginagawa nyang ginto? May lahi ba syang alchemist?
Nalaman ko nalang kinalaunan kay Tifa na ayon sa mga alamat, may kwintas daw na hugis ilang-ilang si Maria Makiling at ginagawa nyang ginto ang luya para ibigay sa mga mahihirap na mamamayan na baryong nasasakupan nya.
Kaya pala ganun nalang ang gulat ng mga tao sa paligid. Pero ako, isa lang nasa isip ko. Gusto kong kunin yung luya. Hehehe.
Nagpalipat-lipat ng tingin kay Makie, sa luya at kwintas si Liam na mukhang naguguluhan bago imilaw ang mukha nya sa pagkilala.
"G-ginawa mong ginto yung luya! Isa lang ang kilala kong nakagagawa nyan, at nasa iyo pa ang kwintas na ito, hindi ako maaring magkamali! Ikaw nga! Ikaw nga ang Maria ng Makiling!"
Lumabas sya ng counter at sa gulat namin ni Tifa, lumuhod sya sa isang tuhod at yumuko sa harap ni Makie, yung parang paggalang na ginagawa sa isang hari. Pati yung tatlong alipores nya ganun din ang ginawa. Mangiyak-ngiyak pa sila sa tuwa.
"Patawarin mo ako binibini, hindi kita nakilala. Ang tagal mo kasing nawala. Ang balita namin ay patay ka na."
"Liam... Wag kang umiyak, timingin ka sakin." malambing na sabi ni Makie. Tingingala naman sya with matching teary eyes.
"Binibini-"
At wala syang kaabugabog na tinadyakan sa mukha, gaya nga ng sinabi ni Makie sakin. Natumba pa yung kabinet sa likod nya at nahulog ang laman. Nanginig naman sa takot ang natirang tatlo, siguro akala nila sila ang susunod.
Note to self ule: wag maniniwala sa malambing na tinig ni Makie. Kabahan ka na kapag ganun nangyari.
"Siraulo ka pala eh! Kanina ko pang sinasabing ako si Maria Makiling ayaw mong maniwala! Muntik mo na kaming patayin tapos ngayon iiyak-iyak ka dyan?! Eh kung saksakin kaya kita!"
"Patawarin nyo ako binibini!"
Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa nagaganap, wala na yung matapang na dating ni Liam napalitanan ng kaawa-awang itsura nya sa harapan ni Makie. Bumulong tuloy sakin si Tifa na di nya muna papainitin ulo ni Makie. Natakot din sya matadyakan haha.
"Sige tumayo ka na at naalibadbaran lang ako. Hala kayo rin, tumayo na kayo, nakakahiya lang, di na ako sanay sa luhod-luhod na yan. Wala na sa uso yan."
"P-pero-"
"Gusto nyo ng tadyak ule?"
At tumayo nga sila.
"ANO BANG INGAY YAN LAURO? MAY NARINIG AKONG BUMAGSAK AT NABASAG SA----"
Ang babaeng naka bestida na lumabas sa pinto ay mukhang nagulat sa sa nakita nyang eksena. May suot din syang kwintas na ngipin. Siguro nasa 40 lang sya pero kita parin sa mukha nya ang kagandahang malamang nagpabighani sa maraming lalake nung kabataan nya. Sya yung Ines.
"Anong nangyari dito? Sino kayo?"
"Kamusta Ines?" Bati ni Makie na nakangiti nang sinsero.
"I-Ines! Ang binibini! Nagbalik na! Buhay ang Maria ng Makiling!" Galak na sinundan ni Liam
Pagkarinig nun napaluha si Ines at napatakip ng bibig bago tuluyang yumakap kay Makie. Niyakap din naman sya nung huli.
Mukhang may naamoy akong favoritism.
"Paano ka nabuhay binibini? Akala namin tuluyan ka nang nawala. At bakit parang... bumata ka?"
"Medyo rude din ang tanong mo Ines, pero ok lang. Basta mahabang kwento, ang mahalaga ligtas ako at nandito muli."
"Sila Maria Sinukuan at Maria Cacao nakaligtas din ba?"
"Hindi ko alam Liam. Nagkahiwalay kami, wala na akong balita sa kanila after nung nangyari. Nagtago nalang ako sa loob ng ilang taon hanggang sa eto na nga, nagpakita na ako sa inyo"
Napatahimik sila. Marahil iniisip yung nangyari Dun sa Maria Sinukuan at Cacao. Medyo pamilyar ako sa mga pangalan na yun mula sa aralin nung elementary. Mga diwata rin ata sila katulad ni Makiling pero sa kweba nakatira, kung bakit ewan ko. Baka walang pangrenta ng apartment.
Nacurious ako sa sinasabi nilang "nangyari" kung saan muntik nang mamatay si Makie at yung dalawa pang Maria. Ano kaya yung nangyari na yun at bakit kinailangang magtago ni Makie?
"Ay sandali, nakalimutan ko ipakilala kayo sa mga kasama ko." Sabi ni Makie.
"Milo at langaw, ang magandang babaeng ito na asawa ng panot na yan, ay si Ines Kannoyan."
"Magandang gabi, ikinagagalak ko kayong makilala. Ang kaibigan ng binibini ay kaibigan narin namin."
Bumati rin ako. Pero si Tifa nanigas lang sa kinatatayuan nya. Parang pamilyar sa kanya ang pangalang Ines Kannoyan.
"At ito namang ulyaning panot na to, ang tutulong satin, si Liam."
"Sa abot ng aking makakaya, binibini."
Tumango sya kay Makie at sa amin.
Pero nagulat kami sa huling sinabi ni Makie.
"Mas kilala nyo sya sa pangalang Lam-ang."
~Itutuloy~
********
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top