KABANATA V - Sigbin

"Mukha ba akong aso sa'yo Napili?" ang sabi nito. Ang boses nya ay parang angil ng isang lobo,

Ang unang pumasok sa isipan ko nung narinig ko ito ay 'Wow isang nagsasalitang aso!'. Joke lang. Ang tunay na naisip ko ay '@%*#@%& NAGSALITA YUNG ASO!!! OH MAY GAWD! @/%-%@©®$¢$(to the nth power). Don't get me wrong, hindi ako mahilig magmura, pero kung ikaw ang makakita ng dambuhalang nagsasalitang aso gaya ko baka makalathala ka ng isang buong diksyunaryong puno ng mura. Akala ko nga naihi na ako sa pantalon sa takot eh.

"N-nagsasalita ka?" tanong ko

"Pwede rin akong kumanta kung gusto mo." nakangising sabi nito. Sa pagitan ng mga ngipin nitong puro pangil ay may mga nakalawit na kahina-hinalang nabubulok na bagay na ayokong isipin kung saan nagmula.

BLAG!

Napaigtad ako sa gulat nang bigla nitong ihampas ang buntot nito sa kaawa-awang burger. Nag-crack nang kaunti ang sahig. Nakita ko ang kabuuan ng buntot nito at muntik na akong himatayin. Hindi ko alam kung ano ang kaharap ko pero paniguradong hindi iyon ordinaryong nagsasalitang aso. Although wala naman talagang ordinaryong asong nagsasalita. Sigurado na ako, isa itong halimaw. Duon ko lang kasi napansin ang likurang bahagi nito na dati'y natatakpan sa line of sight ko. Mas malaki ang likurang bahagi nito, ang buntot ay patulis sa dulo at pataba sa bandang katawan, parang buntot ng kangaroo. Para itong pinaghalong kambing na walang sungay at kangaroo. Parang freak experiment ng isang baliw na scientist.

"A-anong klaseng halimaw ka?!" nababasag na ang boses ko.

Lalong lumawak ang ngisi nito, literal na abot tenga, para bang may nakakatuwa sa sinabi ko.

"Halimaw? Masakit kang magsalita Napili, pero magandang tanong. Napakagandang tanong. Anong klaseng nilalang ako, para katakutan ng isang Napiling gaya mo."

Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nito dahil ang atensyon ko ay sana dila nitong lumawit, itim ito at pahaba na napapalibutan din ng pangil. Nangingilid na ang luha ko sa takot.

Tumingin ito nang blanko sakin sabay niliyad ang ulo sa isang iposibleng anggulo.

"Huwag mong sabihin hindi ka pa nakakita ng gaya ko?" natatakang tanong nito.

"H-hindi pa." sagot ko.

Tumawa ito nang malakas, natumba ako at napaupo sa sahig sa gulat.

"Isang Napiling hindi mulat?! Mantakin mo nga naman ang pagkakataon! Sa tagal kong naghahanap, isang bubot pa ang nakita ko!" tatawa-tawa nitong sagot.

Blag! Hinambas nito ang buntot sa tabi ko at napataas ako ng aking kamay para itago ang aking mukha sa halimaw na nasa harapan ko. Tumawa uli ito, tuwang tuwa sa takot na nakikita nya sa akin.

"Wag kang mag-alala Napili, hindi kita papatayin, tumayo ka."

Dahan-dahan akong tumayo dahil may nagsasabi sa aking kapag sinuway ko ang utos nito hinding hindi na talaga ako makakatayo kahit kailan.

Nakangiti parin, nagsalita ulit ito. "Mayroon din akong magandang tanong." dito'y nawala ang ngiti nito "Anong gagawin ko sayo?"

Isang simpleng tanong, pero para akong binagsakan ng isang bundok nang marinig yun. Anong gagawin sa akin ng halimaw?

"Ang bilin sa akin ng Batingaw ay dalhin ka nang buhay, pero matagal na akong hindi nakakatikim ng laman at dugo ng isang Napili."

Hindi ko alam kung ano yung Batingaw na sinasabi nito, pero batid kong ako yung Napili, simula pa lang yun na ang tawag nito sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit. Pero mukhang kabilang ang Napili sa favorite menu nya. Patay.

"Alam ko na!" nagagalak nitong sabi. "Hindi naman siguro magagalit ang Batingaw kung titikim ako ng isang braso o binti, basta dadalhin kita ng buhay. Anong sa tingin mo?"

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nagpalpitate ako at parang naparalyze sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko ang mga katagang "TUMAKBO KA!" in bold captions pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Alam kong mamatay ako kapag hindi ako tumakas pero parang nakakadena ang mga paa ko, hindi ako makahakbang.

"Bakit hindi ka magsalita Napili?" nakakapangasar nitong tanong. Ano bang sasabihin ko? Wag po kuya, hindi ako masarap? Babasagin ko sana sya eh, kung hindi lang ako nagyelo sa takot.

"Nanginginig ang tuhod mo, natatakot ka ba?" sabi nitong nakalabas ang lahat ng pangil at dahan-dahang lumalapit.

May kung ano sa tanong nya na gumising sa akin. Takot ba ako sa halimaw na balak gawing chickenjoy yung braso't binti ko? Hindi. Hindi ako takot. Takot na takot ako. Pero nagpintig ang tenga ko sa tanong nyang tila nanlalait sa akin. Marami akong kinakatakutan, pero hindi ko pinapakita kahit kanino yun, kahit pa isa itong mabaho at galising kambingaroo.

Tinawag ko ang lahat ng natitirang lakas ko para sa isang kagilalas-gilalas na pagpapakita ng tapang. Umiling ako. Wrong move.

"Mabuti kung ganoon!" Bigla itong dumamba, lahat ngipin ay nakatutok sa leeg ko. Wala itong balak kunin ang braso o binti ko gaya ng naunang sabi nito. Ang kahalangang nakikita ko sa mata nito ang nagpapatunay nun. Papatayin nya ako.

Hindi ko maipaliwanag kung papaano nangyari ang mga sumusunod. Siguro dahil sa adrenaline rush, instinct o reflexes, pero salamat kanila at buhay ako ngayon. Sa sandaling dinamba ako ng halimaw ay parang bumagal ang oras. Sa segundong pagitan na masasakmal nya na ang leeg ko kumilos ng kusa ang katawan ko.

Gamit ang buong lakas na hindi ko alam na mayron ako, hinampas ko ang bag ko sa gilid ng mukha nito. Hindi ito makakasakit sa kanya pero sapat na iyon para magulat at maiwaksi sa ibang direksyon ang atake nya. Kasabay nun imikot ako, tumalon sa gilid na parang action star, gumulong papasok ng eskinita at lumanding nang nakaluhod ang kaliwang binti. WTF?!! Nakailag ako, paano ko nagawa yun?!

Lumingon ako sa likuran nang marinig ko ang palahaw ng kambingaroo para lamang salubungin ng pagsara ng malakas na panga nito gahibla ang layo mula sa mukha ko. Ramdam ko pa ang init at baho ng hininga nito sa mukha ko bago ako na out of balance at natumba nang paupo. Gumapang ako nang pabaligtad habang hinahabol nya ako ng kagat, mabuti na lang at hindi kasya ang buo nitong katawan sa masilip na eskinita. Pagkatapos ay tumakbo ako palayo habang nagsisigaw.

"AAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!"

Nung una nagsusumigaw ako at kinakalampag ang bawat bahay na madaanan ko para humingi ng tulong, pero sa lahat ng kinalampag ko, walang ni isang nagbukas ng pinto. Para pa ngang walang nakatira sa buong lugar na yun. Imposibleng hindi nila napuna ang ginagawa kong komusyon, sa sigaw ko palang, daig ko pa ang isang cheerleading team sa lakas. Pagkalipas ng isang pagkakatok ay nagdesisyon akong maghanap nalang ng lugar na mapagtataguan, mas mabuti na yun para walang ibang madamay.

Nung akala ko hindi na nakasunod ang halimaw sakin, biglang may kumalampag sa bandang itaas ko, tumingala ako at parang tumigil ang tibok ng puso ko. Nakita ko ang nakangiting mukha ng halimaw. Nagtatatalon sya sa bubungan para habulin ako.

Binilisan ko pa ang pagtakbo. Pinasok ko ang kasuluksulukan ng squater's area. Hindi ito naging madali dahil nadilim ang lugar at dikit-dikit ang kabahayan. Laging nabubunggo ang gulugod at balikat ko sa mga nakausling kahoy o bakal mula sa mga barung-barong, hindi pa nakakatulong ang pagaalala ko na lumiko sa isang dead end, doon ko lang pinasok ang lugar na yun kaya di ko kabisado. Para akong nasa isang maze ng kabahayan. Mas lalong hindi nakakatulong ang mga sigaw ng halimaw at pagsuyo nitong magpahuli na ako para manguya nya ang ulo ko o mahigop ang laman ng aking bituka. Very tempting ang offer, muntik na akong pumayag. Nek nek nya.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo sa kadiliman, narating ko ang isang eskinitang may hollow blocks na pader sa magkabilang gilid at ang dulo ay kalsadang maliwanag. Liwanag. Ang liwanag ay kaligtasan. Kailangan kong marating kaagad yun. Habol hininga akong kumaripas tungo roon at nakalabas ako ng eskinita Natigilan ako, tumingin ng kaliwa't kanan. Bumalik ako sa kalsadang tinatahak ko bago makasalubong ang halimaw. Yung patakbo-takbo ko sa squater's area ay nagresulta lamang sa pagikot-ikot para lamang bumalik sa pinanggalingan ko.

Nagisip ako. Babalik ba ako sa loob ng eskinita at magbabakasakali na makapagtago sa gitna ng isang barung-barong para hindi makita ng halimaw o tatakbo sa kalsada. Nang may marinig akong kumalampag sa bandang likuran ko nagdesisyon akong tumakbo na lang sa kalsada, tutal naman mas ligtas ako sa maliwanag. Yun ang pagkakamali ko.

Nang makalapit ako sa pinakamalapit na poste ng ilaw ng makaramdam ako ng sakit sa kanang balikat at nadapa ako. Inuupo ko ang aking sarili para tignan ang balikat ko at nasindak ako sa nakita kong dugong umaagos sa tatlong wakwak dito. Hindi ito kalaliman pero masakit parin. Pero hindi ko ito ininda. Siguro dahil namanhid ako bigla dahil sa takot. Dahil isa't kalahating kanto mula sa pinggalingan ko ang layo ng halimaw sa akin.

Pero may nakapagtataka, paano ako nasugatan kung malayo pa ito sa akin? Humahaba ba ang kamay nya? Hindi. Sana inabot nya na ako nung naipit sya sa eskinita. Hinampas ba nya ako ng mahabang buntot nya? Hindi rin, ang tatlong wakwak sa braso ko ang magpapatunay na kuko ang ginamit nya sakin. May dugo rin ang kanang kamay nito. Pero pano nangyari yun? Sinibukan kong tumayo pero parang may pumipigil sakin, bumibigat ang katawan ko.

"Tapos na ang paglalaro. Hindi ka na makakatakas dahil hawak ko ang anino mo. Wala ring tutulong sayo, hindi ka nila makikita't maririg." sabi nitong nanunuya.

Anino? Huh? Anong ibig nyang sabihin? Tinignan ko ang anino ko sa sahig at naintindihan ko na. Nakaapak ito sa aking anino, at sa lugar kung saan nakapwesto ang anino ng kanang braso ko ay malayang umaagos ang dugo sa sahig. May kakayahan itong saktan ang biktima nya sa pamamagitan ng pagatake sa anino.

Pero bakit hindi pa nya ginawa ito nung unang nagkita kami? Napatingin ako sa liwanag na nangagaling sa poste. Ang posisyon namin! Nung nagkita kami, nakapwesto sya sa gitna ko at ng poste kaya di nya ito nagawa. Masyado namang madilim sa squater's area kaya wala itong maatakeng anino ko. Pero wala nang silbing rebelasyon na yun. Dahil nahuli nya na ako.

"Sa wakas, sa tinagal-tagal ng paghahanap ko makakatikim na ako ng tunay na Napili. Nakakasawa na ang lasa ng mga mortal." takam na takam nitong sabi.

Inapakan nito ang leeg ng anino ko at naramdaman ko ang higpit sa sarili kong leeg. Hindi ako makahinga, parang sasabog ang baga ko sa pag higop ng hangin na di dumarating. Parang puputok ang mga ugat sa aking mata. Kinamot kamot ko ang leeg ko pero wala akong mahawakang kamay na sumasakal. Ang sakit. Sobrang sakit. Akala ko mamamatay na ako, pero di pa pala tapos ang kalbaryo ko.

Tumingin ito sa akin nang malamig, inilabas ang dila nitong puno ng ngipin, at aktong tutusukin ang puso ng anino ko. Tuluyan akong umiyak, pero walang boses dahil nasasakal parin ako. Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko habang dumidilim ang gilid ng paningin ko. Mamamatay na ako.

Pagkatapos ay may hindi inaasahang nangyari. Mula sa likuran ko ay may maliit at makinang na bagay ang lumipad tungo sa halimaw at tumusok sa kaliwang mata nito. Kasabay ng paghiyaw nito sa sakit ay nakahinga at nakakilos narin ako. Umubo-ubo dahil sa sakit ng aking lalamunan pero nagpapasalamat sa sarap ng hangin na dumating muli sa baga ko. Kahit mabaho pa ang hangin dahil sa amoy ng kabingaroo.

Matapos akong umubo ay may napansin akong nakatayo sa pagitan ko at ng halimaw na parang pinoprotektahan ako. Nakatalikod sya sa akin kaya di ko kita ang kanyang mukha. Nakasuot sya ng net cap na kulay itim ang likod at puti sa harap, hoody na dark green, camouflage na 3/4ths at louis vuitton checkered design na chuck taylor. Sa kanang kamay nya ay may hunting knife, bread knife at kitchen knife syang hawak na tila gawa sa ginto maging ang hawakan, ganun marahil ang tumusok sa mata ng paborito kong pokemon. Buti nga sa kanya. Sa kanang beywang nya ay mayroon syang bukas na beltbag kung saan nya kinukuha ang mga patali. Di ko alam kung sino sya, pero utang ko sa kanya ang buhay ko.

Nagwawala't nagkikisay-kisay parin sa sakit ang halimaw, pumapalakpak din ang mga tenga nito kaya diko alam kung nasasaktan ba talaga ito o humihingi ng encore. Di nagtagal nakarecover din ito at ipinulupot ang dila sa hawakan ng gintong patalim, at hinugot ito kasama ng mata nya sabay itinapon sa sahig. Yuck!

Tila nainis, narinig kong bumulong ang nagligtas sa akin. "Tsk! Paborito ko pa man din yun." bulong nya. Napatingin ako sa kanya nang bigla. Tama ba ang narinig ko? Babae ata ang nagligtas sa akin. At pamilyar pa ang boses nya.

"Anong ginagawa mo! SINO KA?!! Bakit ka nakikialam!" galit na galit na sigaw ng halimaw habang umaagos ang itim na likido sa eye socket nito.

"Ako ang dapat magtanong sayo nyan malignong alipin, sino ang nagpadala sayo rito?" mahinahong sagot ng tagapagligtas ko. Sigurado na akong babae sya base sa boses. At parang kilala ko nga sya.

Nagalit lalo ang halimaw. "TAMPALASANG NILALANG! Sino ka para tawaging akong alipin?! Hindi ko mapapalampas ang --" biglang hinto nito.

Suminghot-singhot ito bigla. Parang may hinahanap. Inulit nya ito nang ilang bases at tapos at tumingin sa babae nang may bahid ng pagkamangha.

"Sandali, anong amoy yun? I-imposible! Pero hindi ako maaring magkamali. Isa kang..." putol nya sabay humalakhak na parang isang baliw. Isa syang ano? Sino ba talaga 'tong babaeng to?

Lumingon nang bahagya ng babae sa akin. "Ano pang ginagawa mo dyan? Gusto mo bang maging corned beef? Tumayo ka." sabi nya.

Hindi ako maaring magkamali! Kilala ko ang babaeng yun! Ilang oras lang ang nakaraan ay narinig ko ang boses nya. At kahit nakatago sa net cap ang buhok nya at bahagyang natatakpan ang mukha, nakikilala ko parin ang matang tila puno ng misteryong nakatingin sakin. Dahan-dahan akong tumayo.

"M-makie?" tanong ko sa kanya.

Tumingin uli sya sa halimaw.

"Hindi ko alam kung bakit ka narito pero isa itong malaking pagkakamali, hindi papalampasin ng organisasyon ang pakikialam mo." tatawa-tawang sabi ng halimaw. Organisasyon? Anong sinasabi nya?

"Matapang na salita para sa isang alaga." tugon ni Makie.

"HINDI AKO ALAGA!" sigaw ng halimaw na puno ng nagsisidhing galit.

"Makie anong ginagawa mo ri--"

"Pagbilang kong tatlo tatakbo tayo nang mabilis sa likod. Diretso lang sa kalsada hanggat diko sinasabing tumigil tayo."

"P-pero--"

"Mamaya na ang tanong, kung gusto mo pang mabuhay. Maliwanag?" tanong nya.

Tinignan nya ako. Halos magkasing tangkad kami at ilang dangkal lang ang layo ng aming mukha. Kahit nasa mapanganib na sitwasyon kami, hindi ko pa rin maiwasang mapalunok dahil sa ganda nya. Tumango ako.

"Nagbago na ang isip ko, hindi ko na ipapaalam ang tungkol sa inyo," sabi ng halimaw.

"Isa." bilang ni Makie. Tagaktak ang aking pawis at kunakabog ang dibdib, naghanda na akong tumakbo. Napansin kong nilipat ni Makie ang dalawang kutsilyo sa kaliwang kamay, naiwan lang ang gintong hunting knife.

"Dahil dito pa lang papatayin ko na kayo!" walang babala, biglang lumusob ang halimaw.

"TAKBO!!!" sigaw ni Makie. Anong nangyari sa dalawa at tatlo?

Bago ako tumakbo, bahagya kong nakitang tumama ang hunting knife sa natitirang mata ni kambingaroo. Sumigaw sa sakit ang halimaw, Ang bilis, hindi ko nakitang initsa nya ang patalim. Naka dalawang hakbang pa lamang ako nang biglang nabasag ang poste sa itaas at nabalot ng kadiliman ang buong paligid. Tumigil ako nagtalukbong gamit ang kaliwang braso para maproteksyunan ang sarili sa nahuhulog na salamin. Nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa braso ko.

"Anong ginagawa mo?! Gusto mo bang mamatay? Takbo!" sigaw ni Makie sa mukha ko sabay hatak sa akin.

Tumakbo kami nang mabilis habang hatak pa rin nya ako. Sa likuran namin nararamdaman kong ilang dipa lang ang layo namin sa galit na galit na halimaw na gustong kumatay sa amin. Nang malapit na kami sa susunod na poste ay bigla ulit itong nabasag. Doon ko napansin na binabasag pala ito ni Makie gamit ang gintong patalim nya. Uber coooooooool. Pinapatay nya ang mga ilaw para hindi maaatake ng halimaw ang mga anino namin. Yun nga lang bahagya kaming bumabagal kapag nadadaanan namin ang mga basag na salamin.

Naka pitong poste na yata kaming nadaanan nang biglang huminto si Makie. Sa di kalayuan ay makikita mo ang dalawang poste ng ilaw sa magkasunod na kanto. Huminga sya nang malalim at biglang bumato sa kanang kamay, sa isang segundong pagitan ay magkasunod na nabasag ang dalawang poste ng ilaw. Napasipol ako sa pagkamangha, hindi ko alam kung saan sya natuto nun pero isang syang eksperto sa pagbato ng patalim.

Bigla nya akong hinatak papasok sa uwang sa pagitan ng dalawang bahay sa kanan tapos ay sinenyasan nya akong tumahimik at lumuhod sa isang binti. Ilang saglit pa umalingasaw ang masangsang na amoy at narinig ang palapit na yabag ng kambingaroo. Pinigilan ko ang aking hininga at kilos nang lumitaw sa paningin namin ang kadiring mukha ng kambing na walang mata. Naramdaman kong kumuha ng patalim si Makie sa beltbag nya, naghihintay kung mapapansin kami. Naglulundag ang puso ko sa kaba, natakot pa nga ako na baka marinig nya ito sa lakas ng dagundong. Pero mabuti nalang at binulag sya ni Makie, nilagpasan nya lang kami.

Nung akala ko ligtas na kami at makakahinga na nang maluwag, bigla akong hinawakan ni Makie sa dalawang braso at hinampas ang likod ko sa pader. Napangiwi ako nang nakaramdam ako nang namimitig na kirot sa kanang balikat.

"Nasaan ang bertud?! Bakit hindi mo kinuha kaagad?!" nanggagalaiti ngunit pabulong nyang sabi sa akin. Napakatalim ng kanyang mata, para akong hinihiwa sa galit na nakikita ko rito. Pero bakit ba sya nagagalit? Anong ginawa ko?

"A-anong bertud?! Anong pinagsasabi mo?"

"Ang kwintas na iniwan mo sa bahay nyo! Bakit hindi mo kinuha agad? Binalaan na kita ah!"

"Teka, sandali! Anong bertud? Anong binalaan? Wala akong alam na bertud! Aray!" napalakas ang pagkasabi ko nun, bigla kasing humigpit ang hawak nya sa braso ko.

Binitawan nya ako at napatingin sa sugat ko, doon nya lang yata napansin yun. Tinignan nya ang kamay nyang puno ng dugo ko at napangiwi sya. Matutuwa na sana ako dahil akala ko nagaalala sya kaso pinunas nya ang kamay nya sa pader na parang nandidiri. Ansaya-saya.

Nagtanong uli ako "Ano bang nangyayari Makie? Anong klaseng halimaw yun? Bakit --"

"Sshh! Dapa." napadapa kami nang bigla nagtatakbong bumalik ang halimaw sa pinanggalingan nya. Sumisigaw ito sa galit, marahil alam nya nang naligaw namin sya.

"Isa yang sigbin." bigla nyang sinabi nang nakalayo na ang halimaw. Zegben ang pagbaybay nya rito.

Pagkatapos hinawakan nya ang polo, akala ko kung ano ang gagawin nya yun pala pupunitin nya lang ito pra gawing benda sa sugat ko. Tsk. Overpricing pa naman ang polo ng highschool.

"Anong sigbin?" sagot ko.

"Isa yang uri ng aswang na --"

"Aswang?!"

"Wag kang maingay!"

"Sorry." Hininaan ko ang boses ko. "A-aswang? Pero hindi totoo ang aswang."

"Muntikan ka nang kainin ng isa kanina, sa tingin mo hindi parin totoo sinasabi ko?"

Natahimik ako. Tama sya. Ang sugat ko ang magpapatunay na totoo nga ang sinasabi nya. Pero ang hirap paring paniwalaan.

Nagpatuloy sya. "Ang sigbin ay isang uri ng aswang na kumakain ng laman ng tao. At --"

"Hindi ba lahat naman ng aswang kumakain ng tao?"

"Hindi. Hindi lahat. At isa pang sabat itatapon kita sa harapan nya para gawing kang sisig."

Tumahimik uli ako. Ayokong maging sisig.

"Gaya ng napansin mo kanina, kaya nyang pumatay o makasugat sa pamamagitan lamang ng pag-atake anino ng biktima nya. Kaya nya ring higupin ang buhay ng tao nang paunti-unti sa pagsipsip sa anino ng biktima nito nang hindi napupuna, magkakasakit lang ang biktima nito bigla hanggang sa mamatay... Pero hindi yun ang nakakatakot sa kanya." parang bumigat ang hangin sa paligid sa sinabi nya. Ano pa ba ang mas nakakatakot sa aswang na yun.

"A-ano?" tanong ko.

"Kahit pa mapanganib sila, alaga lamang sila ng ibang aswang. Ibig sabihin hindi sya narito dahil gusto lang nya. May nag-utos sa kanya para gawin ito. At narito lamang siya o sila sa paligid."

Nanlumo ako. Halos mabaliw ako sa takot sa engkwentro ko sa sigbin na yun, muntikan pa akong mamatay. Ang ideya na isa lamang itong alaga ng mas nakakatakot na aswang na nasa paligid lang namin ay sobra na. Parang naramandamn ko na rin ang pakiramdam ng isang bilanggo ilang minuto bago sya bitayin. Nawalan ako ng pag-asa. Paano kami makakatakas nang buhay nito?

"Ang tanong, sino? Sino ang amo niya?" walang bahid na takot na tanong ni Makie. Para lang syang kaswal na nagtatanong kung anong oras. Nabuhayan ako, kung kasama ko ang magandang babaeng magaling sa patalim na ito, alam kong makakaligtas ako.

May bigla akong naalala.

"Batingaw." sabi ko.

Biglang lumingon si Makie sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Batingaw! Yun ang sabi nya kanina. Sabi nya inutusan daw siya ng Batingaw na dalhin ako nang buhay. Baka yun ang amo nya."

Napansin kong nanginginig ang katawan ni Makie, diin na diin ang pagkasara ng bibig. Kung ano man ang Batingaw na yun, nayanig sya. Hindi ito maganda.

"Kailangan na nating umalis dito, ngayon na." bulalas niya matapos nyang itali ng mahigpit ang benda.

"Bakit? Ano ba ang Batingaw na yun. Bakit ba kasi nangyayari ito?"

"Kung hindi mo iniwanan ang bertud hindi sana aabot sa ganito!" napalakas nang kaunti ang pagbigkas nya, tanda nang pagkainis.

"Bakit? Ano bang mayroon sa kwintas na yun?"

"Mamaya na ang tanong. Kailangan na nating umalis dito."

"Bakit pa? Di ba bulag na sya? Pag nagtago tayo rito baka umalis na rin sya mamaya."

"Malakas ang pang-amoy ng sigbin. Kahit binulag ko na sya, di magtatagal mahahanap din nya tayo dahil sa amoy natin. Lalong lalo kana, dahil isa kang Napili. Malakas ang dating mo sa kanila."

Yun na naman yung salitang yun. Napili. Pati si Makie tinatawag akong ganon. Pakiramdam ko isa akong inutil dahil hindi ko alam kung ano yun. Nao-OP ako sa dalawa. At saka may BO ba ang Napili kaya malakas ang dating ko sa aswang na yun? Nakakaflatter naman.

"Kailangan may magawa tayong paraan para hindi nya kaagad tayo maabutan kapag lumabas tayo rito." sabi nya. Tama sya. Kung malakas ang pangamoy nya, mahuhuli at mahuhuli nya rin kami. Parang aso na nanghuhuli ng kuneho sa kagubatan. Gulp!

Kailangan may magawa kami laban sa pang-amoy nya. Kung yun ang ginagamit nya para matunton kami, yun ang dapat naming sirain. Nagkaroon ako ng ideya.

"Gamitin natin to." sabi ko at ipinikita sa kanya ang laman ng aking bulsa.

"Ano yan?" tanong nya.

Kinuha nya ang pabangong binili ko, binuksan ang takip at inamoy.

"Ang tapang ng amoy!" sabit nya pagkatapos bumahing nang taylong beses.

Napangiti ako. "Edi sapakin mo."

Bahagyang nagbago ang mata nya. May nakita akong kinang. Parang mata ng sutil na batang nagbabalak mantrip.

"Kahit konti may silbi ka rin pala." biro nya. Ang unang biro nyang narinig ko. Wow. Sana nga lang biro talaga yon.

"Dyan ka lang sa likod ko, sundan mo ako. Pag tumakbo ako, sumabay ka sa akin." tumayo sya at dahan-dahang naglakad pa palabas ng pinagtataguan namin.

"Makie!" hinatak ko ang braso nya bago pa man sya makalabas. Nagkatinginan kami.

"Magiingat ka..." sabi ko.

Sa ilalim ng visor ng netcap nya, nakita kong ngumiti sya. Ang una nyang sinserong ngiti na nakita ko. Kahit takip ang mukha, Gumanda a sya nang isang milyong beses. Parang lumiwanag ang lugar at tumigil ang puso ko. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami magbubunyi at magdiriwang ako. Kaso hindi ko magawa. Dahik nakasalalay ang buhay naming dalawa sa isang bote ng matapang na pabango. Sinundan ko sya palabas sa kalsada.

Nakita namin ang sigbin sa gawing kaliwa may dalawang kanto ang layo sa amin. Nakatalikod ito at sumisinghot habang pumapalakpak ang tenga.

"Hoy tagpi! Nandito kami!" sigaw ni Makie.

Lumingon ito sa pwesto namin. "Wag mo akong tawaging tagpi!" sigaw nito pagkatapos ay lumusob papunta sa amin. Tumingin ako kay Makie, hindi sya natinag.

"CATCH!" binato nya ang pabango nang buong lakas at nabasag ito sa ilong ng sigbin. Bullseye! Nagsisisigaw ang sigbin habang hinahampas ang nguso nito sa sahig. Ang malakas nyang pangamoy ang naging sandata namin laban sa kanya.

"Milo, takbo!" sigaw ni Makie. Sumabay ako sa takbo nya paliko-liko sa mga kanto hanggang tumigil kami sa isang kalyeng puno ng nakaparadang iba't ibang sasakyan.

"Dun ka sa kanan, maghanap ka ng bukas na pinto!" sabi na sabay sinubukang buksan ang kotseng pinaka malapit sa kaliwa.

"Pero wala tayong mahahanap na bukas na --"

"Dalian mo!"

Ok, sige, sabi nya eh. Wala na akong panahong makipagtalo. Bawat segundo mahalaga. Isa-isa kong sinubukang buksan ang mga kotse sa kaliwa. Umabot ako sa pang limang kotse na wala pa ring nabubuksan kahit isa nang narinig ko ang yabag ng papalapit na sigbin.

Ang nasa usip ko ay inasayang lang namin ang oras namin. Dapat tumakbo na lang kami kaysa maghanap ng kotseng matataguan. Magrereklamo na sana ako nang biglang tumunog ang *click* at DYARAN! bumukas ang pinto ng bonggang bonggang kia pride na kulay kalawang sa harap ko.

"Makie dito!" dali-dali akong pumasok sa loob at dumiretso sa upuan sa likod, pumasok din si Makie, kinuha ang lata ng car freshener ni-lock ang pinto at tumabi sa akin. Binuksan nya ang lata, kinuha ang laman, hinati ito sa gitna at inabot sa akin ang kalahati.

"Ipahid mo to sa katawan mo, para matabunan ang amoy natin!"

Wala akong magawa kundi kuskusin na parang panghilod sa katawan ko ang car freshener. Di nagtagal nagamoy lemon na ako, lemon na may lahong amoy ng dugo, pawis at kadiring amoy ng sigbin na kumapit sa damit ko. Hindi fresh ang amoy ko, nakakasuka pa nga eh.

"Dapa sa ilalim!" utos ni Makie. Di ko na kailangang sabihan ng dalawang beses, siniksik ko ang sarili ko sa ilalim ng upuan. Halos magkatapat ang mukha namin sa pagkasiksik, nawawala tuloy ako sa hulog. Imbis na sa sigbin ako matakot, mas kinabahan pa ako dahil katabi ko ang crush ko. Napakaswerte ko.

Bigla narinig ko ang yabag ng sigbin malapit sa pwesto namin. Hindi pala ako swerte.

Inangat ko nang kaunti ang ang mukha ko para makasilip sa salamin tutal naman hindi ako makikita ng sigbin. Ganun din ang ginawa ni Makie. Nakita namin ito di kalayuan sa amin. Hirap na hirap itong maglakad dahil nabubunggo sya sa mga dinadaanan nya at sa tuwing nababangga niya ang isang sasakyan winawasak nya ito ng buntot nya. Kaawa-awa naman yung mga may-ari nun. Sa kabutihang palad mukhang epektibo ang car freshener at pabango dahil nilagpasan nya lang kami, kahit singhot ito nang singhot hindi nya parin nasagap ang amoy namin.

Tapos, tulad ng cliche na esksena sa ilang cheap na suspense movie, kung kailan akala ko nakaligtas na kami, biglang tumunog ang X-FILES ringtone ng cellphone ko. Napamura ako habang kinukuha ko ang cp sa kanang bulsa gamit ang kaliwang kamay. Inagaw nya ito sa kamay ko, binagsak sa upuan at sinaksak ng kutsilyo bago pa ako makaangal. Note to self: magsilent ng cp sa tuwing kasama si Makie. Kaso huli na rin ang ginawa nya, napansin ng sigbin ang tunog.

"Alam ko kung nasaan kayo!" sumigaw ang sigbin at binangga ang kotse. Umalog-alog ito at nagmistulan kaming maduming labada sa loob ng washing machine. Sigaw ako nang sigaw dahil sa takot at dahil narin sa mga bagong bukol na nabubuo sa ulo ko pag nauumpugan kami ni Makie at sa ilang bahagi ng kotse.

Sa isang batak ay nasira ng sigbin ang pinto sa likod, at nakaharap naming dalawa nang mukha sa mukha ang sigbin.

Eto na talaga, yan ang sabi ko sa sarili ko. Wala na kaming magagawa, mamamatay na kami. Kahit gaano pa kagaling ni Makie, sigurado hindi nya malalaban ang sigbin habang nakakulong sa loob ng sasakyan. At kung may milagro mang mangyari na magkaroon ng pagkakataong makatakas, sigurado akong si Makie lang ang makakatakas, pero ako hindi. Hindi ako ganoon kabilis kumilos lalo pa't may injury ako. Tatanggapin ko nalang. Sana lang maging mabilis at painless, although duda ako na mangyayari yun lalo pa't parang gusto kaming himayin ng pinung pino ng sigbin sa galit. Pakunswelo na lang na kasama ko si Makie, pero sa kabilang banda sana di nalang sya nadamay.

At saka sana, kung mamamatay na ako, yung mercedez o BMW na lang sana yung nabuksan ko kesa sa bonggang-bonggang kia pride na kalawangin.

Tumulo ang laway nito sa upuan, sabik na sabik na matikman kami, buruin mo may main course na, may desert pa. Ngumiti ito, sabay sumagpang patungo sa amin. Pumikit ako at hinintay ang pagbaon ng ngipin nito sa katawan ko.

TANG!

Umugong sa buong paligid maging sa loob ng katawan ko ang tunog ng kampana. Yun din ang tunog na narinig ko sa loob ng jeep. Nagtagal ng ilang segundo ang tunog hanggang tuluyan na itong nawala at napuno ng nakabibinging katahimikan ang lahat. Tanging ang tibok ng aking puso, hininga ko, ni Makie at ng sigbin ang aking naririnig. Ang sigbin! Bakit hindi natuloy ang atake nya sa amin? Anong nangyari? Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata...

At nakita ko kung paano tumulo ang malapot na kulay berdeng laway sa polo ko mula sa nakaangil na labi ng mabahong halimaw may isang dangkal lang ang layo mula sa mukha ko. Hindi ito kumikilos, parang pinagiisipan kung sasagpangin ba ako o hindi. Sa gawing kanan ko ay nakasiksik sa gilid si Makie hawak ang isang gintong patalim, handang itarak sa sigbin. Nagkatinginan kami at umiling siya, sagot sa mental na tanong ko kung sasaksakin nya ang sigbin.

Nagtagal kami sa ganoong posisyon nang parang ilang oras pero sa totoo ay ilang segundo lang talaga. Bawat isa ay naghihintay kung ano ang gagawin ng bawat isa. Sa wakas ay nagsalita rin ang sigbin.

"Magkikita pa tayong muli." sabi nito sabay ngiti.

"Good luck sayo kung makita mo kami, bulag ka remember?" sagot ni Makie.

Kumahol na parang aso ang sigbin sa direksyon ni Makie, pagkatapos ay umalis na ito nang parang labas sa loob at iniwan kaming nakasiksik parin sa loob ng sasakyan. Anong nangyari? San pupunta yun.

"Wala na ata sya." sabi ko pagkalipas ng ilang minuto.

Hindi sumagot si Makie bagkus ay lumipat sya sa driver's seat at sumalampak sa upuan. Hinubad ko ang kadiring polong punit na may dugo at kumikinang na mabahong laway ng isang karimarimarim na nilalang at itinapon sa labas ng sasakyan. Blech! Kung alam nyo lang kung gaano kabaho ang amoy, malamang hindi kayo kakain ng karne nang ilang araw. Nagkakape sa ilong. Parang chickenjoy, langhap sarap.

"Anong nangyari, bakit umalis yun bigla?" tanong ko, hindi naman sa nagrereklamo ako o mamimiss ko ang company nya. Mahirap lang paniwalaan na pagkatapos ng mahabang habulan, bigla na lang itong aalis kung kailan abot kamay nya na kami. O abot panga.

"Tinawag na sya ng amo nya." sagot nya habang nakapikit ang mata.

"Ang... Batingaw?"

Tumango sya. "Para sa isang sigbin, ang utos ng amo nya ay batas. Hindi nya ito maaring suwayin."

Kaya pala alipin ang tawag nya rito. Pero mukhang napipilitan lang ang sigbin na sumunod base sa reaksyon nito. Nakuha ko kung bakit parang napilitan lang ito umalis, pero mayroon pa akong di nagegets. Alam nyo kung ano yun? Lahat.

"Makie. Sabihin mo sakin na hindi totoo yung nangyari. Nananaginip lang ako diba? Imposibleng may aswang. Mamaya gigising na ako. Panaginip lng 'to. Sure na ako. ARAAYYY! Putakte! Bakit mo ako kinurot." reklamo ko nang kinurot nya ako sa braso.

"Masakit ba? Ibig sabihin gising ka. Hindi nananaginip." sagot nya habang nakatingin sa harap.

"Pero kalokohan yun! Paano magkakaroon ng aswang na sigpin-"

"Sigbin."

"Wala akong pakialam! Parehas lang un! Paano magkakaroon ng SIGBIN dito, hellooo? 2013 na! Nasa Manila pa tayo! Sa probinsya lang meron nun diba? Ayoko! Hindi ako naniniwala! Ayokong paniwala yung nakita ko! Pinaglalaruan lang ako ng utak ko." bulalas ko sa kanya. Napapasigaw na ako, pakiramdam ko kasi sasabog na ako sa bigat ng mga panyayari.

"Hindi porket hindi ka naniniwala sa isang bagay, hindi na yun totoo. Minsan yung mga bagay na pinaniniwalaan mo, yun pa ang kasinungalingan." mahinahong sagot nya.

"Huh?" ano raw?

"Nakikita lang ng mga tao ang kaya nilang paniwalaan. Ang mga bagay na imposible para sa kanila, hindi makikita ng mulat nilang mata dahil sarado ang isipan nila."

"O-ok?... Di ko nagets."

"Kahit hindi ka maniwala sa nangyari, totoo pa rin na nangyari ito, sa ayaw mo o sa hindi." pamisteryosang sagot nya.

"Sa ayaw ko o hindi? Parehas lang yun diba?"

Tinitigan nya ako ng masama, mapaatras tuloy ako nang konti. Mas nakakatakot pa ata sya sa sigbin. Note to self no. 2: wag babasagin ang trip ni Makie.

"At saka hindi lamang sila sa probinsya naroon. Marami sa kanila ang namumuhay sa syudad kagaya natin." pagpapatuloy nya.

"Bakit?"

"Mas maraming pagkain dito."

Biglang lumamig ang paligid. Ayoko nang isipin kung anong pagkain yun.

"At naghahanap din sila ng mga Napili"

Mas lalo pang lumamig ang paligid. Kung ano man ang mga Napili paniguradong mas mataas ang antas nila kumpara sa ibang nasa food chain ng aswang. Kumbaga kung ang iba normal na pagkain lang, ang Napili ay parang delicacy. At isa ako sa kanila. Yikes...

"Tinawag nya akong Napili. Anong ibig sabihin nun?"

Tumingin sya sa manibela at di sumagot.

"At sino ang Batingaw? Matagal na raw silang naghahanap ng kagaya ko. Bakit? Bakit ako?"

Hindi pa rin sya sumasagot, nakakabadtrip na.

"At saka anu yung sinasabi nya tungkol sayo? Hindi ka raw dapat nandito? Napili ka rin ba? Bakit alam mo yung tungkol sa mga aswang. Makie? Sagutin mo ako!"

Iniignore pa rin nya ako. May kinakalikot sya sa ilalim ng manibela at di ako pinapansin. Naalala ko tuloy yung nasa silid aralan kami, ganyan din ang ginawa nya sakin. Nakaramdam ako ng init sa tenga ko.

"Makie?" nung hindi pa rin nya ako pinansin hinawakan ko sya sa balikat. "MAKIE!"

Pinalo nya paalis ang kamay ko.

"Tumahimik ka! Kaya nangyayari 'to dahil iniwan mo ang bertud sa bahay, bakit? Dahil naputol yung bwisit na tali. Kung naisip sana ng makitid mong kukote na dalhin nalang sa bulsa yun hindi sana nangyari ito. O kung sana umuwi ka kagad gaya ng bilin ko sayo kanina edi sana wala ako rito ngayon at hindi madamay sa gulong pinasok mo!" pagalit na sigaw nya

"Anong bertud ba yung pinagsasabi mo? Yung batong mukhang tawas na iniwan ng pabaya kong mga magulang? Ano namang alam ko run? Ni hindi ko nga alam kung para saan yun eh. Ni hindi ko nga alam kung ano yung ibig sabihin ng bertud! At saka pano ko malalaman yung mga babala mo kanina eh puro pagsusungit ginawa mo kanina! Kasalanan ko ba 'to?"

"So sinisisi mo na ako ngayon? In case nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa akin, may bago nang butong nginangatngat si tagpi ngayon! Tapos sinisisi mo ako? Sus! Sana pala iniwanan na kita hindi pa sana nila nalaman na nandito ako! Pati ako ngayon nasa panganib na! Bwisit!"

Natameme ako. Tama na naman sya. Wala syang kasalanan sa nangyari kaya di dapat sya ang pagbuntungan ko. Dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya sa pagligtas sa akin. Pero kasi sya lang ang nakakaalam ng mga nangyayari, at wala akong ibang mapagtanungan. Para akong itinapon sa giyera nang walang alam sa pakikipaglaban at walang kahit anong sandata. At ang tanging paraan para mabuhay ako ay humingi ng tulong sa kanya. Kung ano man tong kinakaharap ko, mas malaki pa 'to sa akin, at di ko 'to kaya nang mag-isa, kailangan ko si Makie. At mali ang inasal ko sa kanya.

"S-sorry... Hindi ko sinasadyang sabihin yun. Hindi naman kita sinisisi." mahinahong sabi ko.

"Hmp." detalyadong sagot nya.

"Naguguluhan lang kasi ako kung bakit nangyayari sakin to ngayon. Para na akong mababaliw."

"Hindi mo ba talaga alam na isa kang Napili?"

"Hindi eh."

"Pati kung para saan ang bertud?"

"Sabi ko nga sayo di ba? Wala akong alam na bertud pala yun. Kung ano man ang bertud na yan."

"Bwisit talaga!" hinampas nya manibela sa inis. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit sya nagagalit. Pero anong magagawa ko, wala talaga akong alam.

Bumalik sya sa pagtutungkab ng ilalim ng manibela.

"Ano ba yung Napili?"

"Mamaya mo na ako tanungin, kung gusto mong mabuhay pa tayo. Hindi pa tayo ligtas dito, pwede pa nila tayong balikan."

"O-ok."

Pinanood ko lang ang ginawa nya hanggang sa kumuha sya ng kutsilyo sa beltbag nya. Ilang kutsilyo ba meron dun?

"Ano ba yang ginagawa mo?"

"Hinahanap ko yung wire sa ilalim para mapastart natin ito."

"Nanakawin mo 'tong kotse?!"

"HIHIRAMIN nating itong kotse. Isosoli rin natin 'to. NATIN."

"Pero hindi tama na basta nalang natin kunin ito nang walang paalam!"

"Kung gusto mong maglakad at maabutan ni tagpi, libre kang lumabas. Basta ako sasakay. Mamili ka, lalabas ka o titigil ka sa pagrereklamo?"

Di na ako sumagot. Oo nga mali ang magnakaw(o manghiram, whatever.) ng kotse, pero mas gugustuhin ko nang manghiram kaysa maglakad at makasalubong uli ang bestfriend kong kambingaroo. Saka iiwan naman namin yung pintuan na tinanggal ng sigbin. Mas mabuti na yun kaysa walang matira sa may-ari. Ang galante namin noh?

"Hindi mo na kailangang gawin yan." sabi ko sa kanya.

"Bakit?"

"Ayan yung susi o." sabay turo sa susian kung saan nakapasak ang susi.

Kahit natatago ng netcap ang mukha nya, kita parin na namula nang bahagya ang pisngi nya sa hiya. Hindi ko maiwasang mapangiti ng kaunti, akala ko bato na sya, may emosyon rin pala syang itinatago.

Nag-poker face ako, kunwari na lang wala akong napansin.

"Sinong tangang nag-iwan ng susi sa loob ng kotse?" sabi na lang nya para hindi ko mapuna na nahihiya sya.

"Yung parehong tanga na nagiwang bukas ng pinto."

"Salamat na lang at tanga sya, kundi patay na tayo ngayon."

Umubo ako at nagkamot ng ulo. "S-salamat din sa pagligtas sakin." Hindi ako makatingin sa kanya. Sa palagay ko namumula rin ako.

"Uh-huh." sabi nya pagkalipas ng mga sampung segundo.

Ipinihit nya ang susi at nagsimula nang magstart ang makina.

"Sandali! Marunong ka bang magdrive?" tarantang tanong ko.

"Watch and learn." ngumiti sya sa akin. Ngiti ng isang taong magyayabang ng skills na mayron sya. Di ko napigilang humanga sa kanya. Kung kaya nyang bumasag ng poste sa malayo gamit ang kutsilyo, malamang sisiw lang ang mag drive sa kanya. Mukhang fast and the furious ang magiging peg namin nito.

Bigla nyang pinaharurot ako kotse... Paatras.

*BLAG!*

Bumangga kami sa kotse sa likod nmin.

"Aray... Watch ang learn, watch and learn ka pang nalalaman dyan, eh hindi pa tayo nakakalayo binangga mo na kaagad." reklamo ko habang hinihilot ang bagong bukol ko nang naumpog ako sa windshield.

"Pinakita ko lang sayo yung maling di mo dapat tularan." depensa nya.

"Talaga lang hah?... Saan nga pala tayo pupunta?"

"Sa bahay mo."

Nagulat ako. "Bakit sa bahay ko? At saka alam mo ba kung saan ang bahay ko?"

"Oo alam ko. Kasi nandun yung bertud diba? Malamang papunta na yung ibang kasama ni tagpi at Batingaw para kunin yung bertud mo."

Muntik na akong malaglag sa upuan. Parang hinampas ako ng martilyo sa ulo sa sinabi nya. Bertud. Sa bahay. Tagpi. Batingaw. Mga kasama. Pupunta sila sa bahay. Si Tifa. Nasa bahay si Tifa!

"Bakit hindi mo sinabi kagad?! Bilisan mo!!" sigaw ko.

"Bakit?"

"Nasa bahay ngayon si Tifa! Naghihintay sakin! Arg! Kaya siguro sya tumatawag kanina!"

Dumilim ang mukha ni Makie."Mag-seatbelt ka." di nya na ako kailangang sabihin pang muli.

Pagkasuot ko ng seatbelt pinaharurot nya na ang kotse sa tamang direksyon.

~~~~~~~~~~~

Mabuti na lang at misteryosong wala paring tao sa kalsada dahil kung mayron, malamang sinagasaan na ni Makie. Buti rin at nakaseatbeat ako dahil ilang beses nakabangga si Makie ng mga nakaparadang sasakyan, poste, basurahan, signboard, gutter, kariton, halamanan, upuan, at iba pang bagay sa kalsada na nanging kaawa-awa piping biktima ng hit and run. Kung may pulis lang malamang hinuli na kami. O kaya nasagasaan narin namin sya.

Narating din namin ang bahay ko with style, (giniba ni Makie yung gate namin). Pagkababa ko nakita ko kaagad ang sirang pintuan sa sahig na puno ng kalmot ng malalaking hayop. O aswang. Kumakabog ang puso ko, dahan-dahan akong pumasok sa loob, binuksan ko ang ilaw pero hindi ito gumana. Nang nasanay ang mata ko sa kadiliman tumambad sakin ang isang kahindik-hindik na eksena.

Parang tinamaan ng pinagsama-samang bagyo, lindol, ipu-ipo at stampede ng mababangis na hayop ang loob ng bahay. Lahat ng gamit ay nasa sahig, sira. Lahat ng babasagin ay nabasag, lahat ng appliances ay wasak, ang mga upuan ay nabali ang mga paa ang ilan ay may ngatngat pa, ang lamesa ay hati sa gitna, nakabaligtad ang sofa at puno ng laslas, nagkalat ang basag na salamin galing sa picture frames na parang kinagat, at ang mga pader pati ang kisame... Puno ng kalmot ng tatlo o apat na kuko na ilang metro ang haba at singlalim ng isang pulgada. Hindi matutuwa si Tito Dora sa makeover ng bahay namin.

Pero ang kaguluhan ng bahay ay nawala na sa isip ko nang makita ko ang isang anyo sa sahig.

"Tifa!" dagli ko syang nilapitan at inupo. Gumana ang boyscout instinct ko. Humihinga pa ba sya? Check. Nakahinga ako ng maluwag. May sugat ba sya o bali sa katawan? Wala naman. Nahimatay lang siguro sa takot.

"Tifa gumising ka! Anong nangyari sayo? Hoy! Wag kang magbibiro ng ganyan!" di ko paring maiwasang mataranta nang hindi pa sya dumidilat kahit sinasampal sya.

"M-milo?" mahina nyang sabi habang dumidilat. Sa wakas nagigising na sya!

"Ok na Tifa, nandito na ako. Huwag ka nang matakot. Nandito ako."

Bigla nya akong niyakap at humagulgol. Maging ako naluha na rin. Mabuti at ligtas sya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag napahamak sya, ikababaliw ko yun.

"Milo?" tanong nyang humihikbi.

"Bakit Tifa?"

"Bakit ang baho mo?"

Wow! Leave to Tifa para sirain ang moment ko. Minsan lang ako magemote binasag pa nya ang trip ko. Sa dami ng pwedeng unang mapuna ng una pa nyang napansin ay ang amoy ko. Sabagay mabaho naman na talaga ako. At least sigurado akong ok ng pakiramdam nya, gumagana nang maayos ang pangamoy nya.

"Ok ka naba?" pagchange topic ko. Pinulot ko ang salamin nya sa sahig na buti na lang hindi nabasag. "Eto suutin mo."

Sinuot nya ito. "Tinatawagan kita... bakit di mo.. Bakit di mo sinasagot?"

"Uhhmm... Nasaksak ng kutsilyo yung cp ko."

"Huh?"

"Wala... Low batt lang."

"Milo... Akala ko papatayin nila ako. Ang dami nila. Kinakalampag nila ung buong bahay. Takot na takot ako... Akala ko..." umiyak uli sya.

"Tahan na. Hindi ka na nila masasaktan pa. Nandito na ako." pagaalo ko sa kanya. Kahit di ako kumpyansado na kaya kong protektahan kahit ang sarili ko lang sa mga gumawa nito.

"Sino ba sila Milo? Anong kailangan nila rito sa bahay mo? Parang may hinahanap sila."

"Di ko rin alam Tifa. Anong itsura nila? Ano bang nangyari?" tanong ko.

Nagisip sya bago magsalita. "Hindi ko alam. Hindi ko nakita ang mukha nila. Nanonood lang ako ng tv habang inaantay ka nang bigla nalang nagkalampagan lahat ng dingding, pinto at bintana, tapos may naaaninag akong anino ng mga tao sa bintana. Tinatawagan na kita nun pero di mo sinagot. Sigaw ako nang sigaw pero walang tumutulong sa akin. Tumawag ako sa landlie pero putol ang linya. Akala ko papatayin nila ako. Tumagal ng ilang minuto na yun lang ang ginagawa nila kala ko tapos giniba nila yung pintuan at pumasok sila, tinawagan kita ulit nun kaso nahimatay na siguro ako sa takot kasi wala na akong maalala after nun." nangingunig na pagkwento nya.

"Salamat naman walang nangyari sayong masama."

"Mayroon pa akong di nasasabi."

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag eh, hindi ko rin alam kung maniniwala ka." pagalangan nya.

"Pramis, kung ano man yang sasabihin mo, maniniwala ako." di ko na sinabi sa kanya na sa lahat nang napagdaanan ko, kahit sabihin nyang totoong may lumilipad na elepante maniniwala ko.

"Yung mga boses nila. Sumisigaw sila pero wala akong maintindihan. Hindi dahil sa ingay nila. Kundi dahil parang ibang salita yung ginagamiy nila. At meron pang iba na parang... Parang... Galing sa lupa yung boses. Nakakatakot. Parang hindi tao... Sa tingin mo nababaliw na ba ako? Baka dahil lang sa takot to?" kumapit sya sa damit ko at parang naghihysterical.

"Tifa, huminahon ka muna. Hindi ka nababaliw. Tahan na."

"Sa tingin ko ang organisasyon ang pumunta rito. Etong tubig." biglang sabi ni Makie habang inaabot ang isang basong tubi. Nagulat kami parehas ni Tifa. hindi namin napansin na nasa tabi na namin sya.

"Organisasyon?" tanong ko.

"Makie? A-anong? Milo, anong ginagawa nya rito?" nagtatakang tanong ni Tifa sa akin.

"Mahabang kwento. Inumin mo muna to." ipinainom ko sa kanya ang tubig, pero kita ko sa mata nya ang paghihinala. Ayaw ni Tifa sa lahat ay ang walang alam sa nangyayari.

"Hinalughog nila yung buong bahay, lahat ng sulok hindi pinatawad. Hinahanap nila ang bertud. Pero mukhang hindi nila natagpuan. Saan mo ito tinago?" tanong ni Makie habang nililibot ang mata sa paligid.

"Milo, anong bertud ang pinagsasabi nya?" nagtatakang tanong ni Tifa.

"Ano yun, yung kwintas ko."

"Anong kwintas?"

"Yung lagi kong suot na parang tawas--"

"Saan tinago Milo?!" inip na sabi ni Makie

"Oo, teka sandali, kukunin ko na, wait lang Tifa." tumayo ako.

"Teka, ano bang nangyayari?" tumataas na ang boses ni Tifa.

"Oo, mamaya sabihin ko sayo." sabi ko. "Teka paano mo pala nalaman na hindi nila nahanap yung kwintas ko?" baling ko kay Makie.

"Nararamdaman ko lang na nandito pa yun."

"Eh bakit hindi mo nalang hanapin."

"Nararamdaman ko lang na nandito pa yun sa bahay, pero kung saan mismo nakatago, hindi ko alam. Hindi ako manghuhula Milo."

Napakamot ako ng ulo. Kung nararamdaman nya bakit hindi nya mahanap. Weird.

"Teka ano ba yang pinaguusapan nyo." sabat ni Tifa.

"Mabuti pa sumama kayo sa akin." sabi ko.

Nagpunta kami sa kusina. Hindi ito naging madali dahil sa mga basag na salamin sa sahig at sa dilim. Pero narating din namin ang pakay ko. Ang nakatumbang refrigerator. Binuksan ko ito.

"Tinago mo yung kwintas mo sa ref?" tanong ni Makie.

"Oo bakit? Lagi akong nagtatago ng gamit dito."

"Ang weirdo mo..."

"Oo nga." pagsang ayon ni Tifa.

"Hindi naman mahahanap kagad ng magnanakaw. Epektib nga diba? Atsaka parang mas makintab kasi sya kapag pinalalamig." binuksan ang crisper at hinalungkat ang ilalim ng mga gulay. "Oh eto na." inabot ko ito kay Makie ang kumikinang sa pulang bato.

"Oh anong meron sa kwintas dyan? Bakit nila gustong kunin yan?" tanong ni Tifa.

"Eto ang bertud. Sigurado ako." sagot ni Makie. Kunot ang noo ni Tifa, halatang naguguluhan pa. Hindi ko sya masisi, ako nga rin naguguluhan eh.

Kumuha ng wire si Makie sa sahig mula sa nasirang lampshade, hiniwa ito gamit ang isang gintong patalim (buti walang kuryente) l. Nakita kong nanlaki ang mata ni Tifa nang nakita ito. Pinalitan ni Makie ng wire ang tali ng kwintas, ibinuhol ito at inabot sa akin.

"Proteksyon mo yan. Isuot mo lagi at wag na wag mong ilalayo sa katawan mo kahit kailan unless hiningi ko, maliwanag?"

"O-ok." sagot ko.

"Paano naman naging bertud yan Bakit nila gusto kunin? Ano yan may powers, ganun?" tanong ni Tifa.

"Oo."

"Huh? Weh?" tumawa si Tifa. Medyo pilit nga lang. Halatang iwinawaksi nya ang takot nya. "Kalokohan lang yan.

Malamang mga magnanakaw lang yung pumunta rito at hindi yang batong yan ang pinunta nila. Paano magkakaroon ng powers yang isang tipak ng bato?" paghahamon ni Tifa.

"Tumingin ka sa paligid mo." sagot nya. "Kung mga magnanakaw ang pumunta rito bakit hindi nila kinuha ang mahahaling gamit dito."

Tama sya. At alam yun ni Tifa.

"Dahil hindi sila magnanakaw, at ang pakay talaga nila ay ang bertud Milo."

Hindi matanggap ni Tifa ang paliwanag nya. Kahit ako rin naman. Masyado itong mababaw para paniwalaan. Tinignan ko ang kwintas. Wala namang nagbago sa bato, parehas pa rin ang bigit at itsura. Walang namang kakaiba. Mahirap paniwalaan na may kapangyarihan ito na gustong kunin ng mga nanloob.

"This is insane! Milo! Mabuti pa umalis na tayo rito, pumunta tayo sa baranggay ipablotter natin yung nangyari!" Sabi nya habang hinahatak ang kaliwang kamay ko.

"Teka Tifa." sabi ko.

"Tara na!"

Hinarangan kami ni Makie "Hindi kayo aalis." malamig nyang sabi.

At tulad ng inaasahan, di nagpatinag si Tifa.

"At bakit hindi? Sinong may sabi?"

"Hindi ko kayo hahayaang umalis dito habang hinahanap ng organisasyon at ng Batingaw si Milo."

"Anong organisasyon?! Anong batingaw?! Anong pinagsasabi mo?! Magnanakaw lang pumunta rito."

"Pano mo ipapaliwanag yung boses na narinig mo na parang hindi pantao."

"Halucination dahil sa takot!"

"Ang mga kalmot sa pader?"

Napatingin si Tifa sa pader at nagulat sa nakita. Dun nya lang napansin ang mga malalalim na kalmot. Pero di pa rin sya umatras.

"K-kutsilyo lang ginamit nila dyan."

"At bakit nila gagawin yun?"

"P-para takutin ako?" pagaalangang sagot nya.

Tumawa nang malakas ni Makie. Isang nakakaasar na tawa.

"Bakit, anong nakakatawa?" galit na tanong ni Tifa.

Gumitna na ako bago pa lumala ang lahat. "Tifa sandali lang, pakinggan mo muna ang sinasabi ni Makie."

"Naniniwala ka sa kwento nya?! Sa organisasyon na yun?"

"Tifa, mahabang kwento, pero may nangyari kanina, mamaya ko na ikukwento kung ano yun, pero muntik na akong mamatay kung hindi ako iniligtas ni Makie." nakuha ko ang atensyon nya.

"Hindi ko alam kung ano yung organisasyon na sinasabi nya, pero oo Tifa, naniniwala ako sa kanya. Kaya pakinggan natin sya, ok? Kung ano man ang nangyayari ngayon, sya lang ang makakatulong"

Tinignan nya ako nang matagal, hinahanap sa mata ko ang kung dapat ba akong paniwalaan. Tumango sya. Success!

"Anong gagawin natin?" tanong nya kay Makie.

Tumingin si Makie sa akin. "Maghanda ka ng gamit mo Milo, mga damit na kaya mong dalhin, pagkain, flash light kung meron ka, mga importanteng bagay, wag mong damihan, kung ano lang ang kaya mong dalhin na magagamit mo sa ilang linggo."

Tumango ako, kahit medyo nangtataka kung ano ang binabalak nya.

"Bakit saan tayo pupunta?" tanong ni Tifa.

"Tayo? Namin. Hindi ka kasama." sagot sa kanya ni Makie.

"No!" sigaw ni Tifa. Maging ako ay nagulat sa sinabi ni Makie. Hindi ko pwedeng iwanan si Tifa. "Bakit?! Kung saan pupunta si Milo pupunta ako! Hindi ako papayag na pupunta kayo kung saan nang may kakaibang mga nangyayari tapos ako maiiwan? Hell no! Hindi ako papayag" pagmamatigas ni Tifa.

Bumaling si Makie sa akin. "Hindi na dapat sya madamay Milo, hindi sya Napili. Mas magiging ligtas sya kapag hindi sya sumama sa atin."

May point sya. Kahit ayokong iwanan si Tifa, hindi tamang idamay ko pa sya sa gulong kinakaharap ko. Muntik na syang mapahamak dahil sa akin, ayoko nang maulit yun.

"Tama si Makie Tifa, ayokong madamay ka pa."

"Anong madadamay ang pinagsasabi mo? Kung ano man yang ilusyong sinasabi ng babaeng yan, damay na ako run! Dahil kung sino man yung pumasok dito kanina, kung yung organisasyon ba yun o ordinaryong magnanakaw, kilala na nila ako. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako sinaktan pero pwede nila akong balikan kung gugustuhin nila!"

"Mas lalo kang mapapahamak pag sumama ka sa amin." paliwanag ko.

"I don't care! Bakit ba gusto mo akong maiwan dito hah? Pwes kung gusto nyo akong iwanan, edi fine! Iwanan nyo ako, pero hindi ako aalis dito, aantayin kong bumalik yang organisasyong sinasabi nyo, kung patayin man nila ako bahala na sila, i dont care."

"Sige kung yan ang gusto mo, bahala ka." sagot ni Makie.

"Talaga!" pagmamatigas nya.

"Milo mag-impake ka na." utos ni Makie sa akin pagkatapos ay lumabas na sya ng bahay.

"Tifa..." baling ko kay Tifa

Tinignan nya ako nang masama. "Wag mo akong kausapin, magsama kayo ng psychotic na babaeng yan. Naniniwala ka sa kanya diba?"

"Mabuti pa tawagan nalang natin ang parents mo para mas lig--" tumigil ako sa pagsasalita nang biglang tumalim ang tingin nya sa akin nang nabanggit ko ang parents nya. Dumilim ang mukha nya. Doon ko lang sya nakitang ganun. Tingin na puno ng pagkamuhi at sakit sa pagtataksil sa kanya. Kung ano man ang mayroon sa magulang nya, isa itong malaking taboo sa kanya.

Nanatili kaming nagtitinginan, akala ko matutunaw na ako sa tindi ng titig nya sa akin. Sa kabutihang(o kasamaang) palad may nangyari na nagpahupa ng galit nya.

TANG!

"MILO! DALIAN MO!" sigaw ni Makie na biglang pumasok uli sa loob.

"A-anong nangyayari?" gulat na tanong ni Tifa.

"Ikaw, kunin mo ang mga gamjt mo at sumakay ka na sasakyan sa labas." sabi ni Makie sa kanya.

"B-bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?" tanong nya.

"BILISAN MO SABI!" sigaw sa kanya.

"O-oo sige." sagot nya.

Sabay kaming kumuha ng mga gamit na kailangan. Tumagal ng halos limang minuto ang pagiimpake ko, kahit ano na lang nilagay ko sa extrang backpack ko sa kwarto dahil naiwan ko yung bag na inihampas ko sa sigbin. Mas mabilis nakaimpake si Tifa dahil lahat ng gamit nya ay nasa bag nya na nakatabi sa gilid ng kwarto nya. Mabuti nalang at hindi ito ginalaw ng mga nanghimasok. Kahit hindi alam ni Tifa ang nangyayari, naramdaman nya ang taranta naming dalawa ni Makie kaya tinulungan nya akong magimpake para mas mabilis kaming makaalis.

Pagkalabas namin ay huminto muna si Tifa nang makita ang gulagulanit na malaking bakal na may pagkakahawig sa isang kotse. Nagbago kasi ang itsura nito sa dami ng tinamong parusa kay driver nitong nasa driver's seat.

"Sumakay na kayo dali." utos ni Makie.

"Anong nangyari sa kotseng yan." tanong ni Tifa.

"Pina-overhaul lang namin." sabi ko." Sumakay kana sa harap. Dito na ako sa likod."

Magrereklamo pa sana sya dahil ayaw nyang makatabi si Makie pero nang makita nyang kulang ng pinto ang likod, sumakay na kaagad sya sa harap.

"Anong nangyari sa pinto?" tanong nya nang nakasakay na kami.

"Namisplace lang namin" sagot ko. "Makie, anong nangyayari?" baling ko sa driver.

"Narinig nyo yung kampana? Ibig sabihin nun nandito ang Batingaw, at malamang hinahanap nya tayo dahil nalaman nya na kay tagpi, alam nya nang may isang Napili rito. Parating na sila." sagot ni Makie habang iniistart ang makina.

Kinabog ang dibdib ko. Eto na naman ang kalbaryo. Parating na sila. Sila. Plural. Ibig sabihin madami. Hindi ito maganda.

"San tayo pupunta?"

"Sa isang kaibigang makakatulong sa problema natin sa organisasyon."

"Teka! Organisasyon? Napili? Batingaw? Tagpi? Anung pinagsasabi nyo? Ginogoyo nyo lang ata ako eh." tanong ni Tifa.

"Mamaya ko na ipapaliwanag." "Kailangan na nating umalis dito ASAP." sagot ko.

"SANDALI!" sigaw ni Tifa bago umandar ang kotse.

Napatingin kami sa kanya.

"M-marunong ka bang magdrive, Makie?" tanong nya.

Nagkatinginan kami ni Makie, unting-unting gumuguhit ang ngiti sa aming labi.

"Watch and learn." sabay naming sagot sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top