KABANATA LXV - Kalakalang Galyon

"Ako nga, pasensya na nahuli ako ng dating. Pero akin na muna isang paa mo, ang baho talaga nito."

"M-may pakpak ka?..." Inabot ko yung kabila kong paa.

Inikutan nya ako ng mata.

"Malamang. Manok ako. May manok bang walang pakpak?"

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Pero hindi naman tulad ng ganyan! At saka nakakalipad kana. Paano nangyari yan?"

"Medyo mahabang kwento pero isa nakong murat ngayon."

"...Ano yung murat?"

Mula sa kung saan biglang nagsipasukan ang maraming angel. Iba't iba ang mga kulay ng pakpak ngunit bawat isa'y may dalang sandata. Niłusob nila ang mga airswang at napuno ng himpapawid ng umaatikabong labanan. Bawat isa sa kanila'y may angking galing na taglay ng mga namumuhay sa kalangitan. Sa buong paligid tita pinintahan ng alikabok sa mga pumapanaw na airswang.

"Mga taong-ibon. Mga kaibigan ko. Ang bangis no?"

"Rakenrol..."

Iyon lang ang nasabi ko sa pagkamangha.

Inilipad niya ako at inilapag kay Muning.

"Milo..." Nalilitong sabi ni Tony. Mga mata'y pabalik-balik sakin, kay Jazz at sa buong kapaligiran. "Anong nangyayari? Sino ang mga yan. At bakit may pakpak na yang kaibigan mo?"

"Hindi ko rin alam, pero sumatutal niligtas nila tayo. Kung papaano nagkapakpak si Jazz ay gusto ko ring malaman."

Sa tinuran ko kong iyon, hinawi niya ang kanyang buhok at pumosing. "Hehehe. Ang angas no? Kaya kong ito."

Sumayaw sya sa ere, at sa sinabikong sayaw, nagotso-otso siya, bawat kilos at sabay sa pagpagaspas ng pakpak. At nakuha nya pang mukhang proud sa ginagawa niya. Nilabas niya ang dalawang arnis, buong pagyayabang na pumosying sa inikot ito na tila cheerleader at... PAG!

"Arekupo!"

Tinamaan niya ang kanyang pakpak at bumagsak siya. Malipas ang ilang segundo bumalik siya na tila walang nangyari.

"Mahabang istorya, pero sa tulong ng mga murat, may balahibo akong nagbibigay sakin ng kakayahang makalipad."

Ipinakita niya sa kanyang likuran ang nagiisang balahibong kulay bahaghari.

"Gusto ko pa sanang idetalye ngayon mukhang pinahihirapan ka ng malaking bulateng yan." Tinuro niya ang Bakunawa. "Anong kailngan kong gawin para makatulong?"

"...Bago ang lahat, may problema tayo. Nahulog ko ang Bagwis. Kung wala iyon, baka hindi ko magalusan lang ang bakunawa"

Napatingin sila sakin, hindi makapaniwala saking tinuran. Isang mapanlaw(uncomfortable) na katahimikan ang pinagsaluhan natin.

"Ito ba iyon ginoo? Sa iyo ba ito?"

Isang balingkinitang babaeng taong-ibon ang umahon mula sa ibaba. Sa kanyang puting bestida, buhok na samasaliw sa lawiswis ng hangin at marikit na mukha, labis akong namangha. Tangan niya ang balisword na inaabot niya sa akin.

"S-salamat binibini." Pinandilatan ko si Jazz at tinuturo gamit ang mata ang dilag. "Sino yan? Bakit dimo pinapakilala samin yan!" Singal ko sa mapaglihim na traydor.

"Ay oo nga, ang binibining ito ay nagngangalang Elisa."

"Ikinagagalak ko kayong makilala." Yumuko ito bilang pagpapakilala bago magiliw na nginitian Jazz...

Ay anong pinakain mo sa kanya Jazz, bakit ganun na lamang ang ekspresyon nito.

"Ang binibini ito naman ay si Tory."

"Tony"

"Tony pala. Isa sa mga cabeza ng namin. Ang ito ang kaibigan kong si Milo."

Napatingin ito sakin na tila nagulat.

"Milo?... Siya ba yung kaibigan mo na kinukwento mo na..."

Bumulong siya Jazz na natawa sa narinig.

"Oo siya yun." Singal nito.

Ngumiwi ito sakin na tila nagppigil ng tawa.

"Isang karangalan ang makilala ka sa wasak ginoong Milo.. Pfft" tinakpan niya ang kanyang bibig.

Hoy Jazz ano na yung kinukwento mo tungkol sakin. Parang nagcrave ako sa higanteng chicken wings

"Lubay na lubay(relaxed) kayo ah. Gusto nyo bang ipagtimpla ko pa kayo ng kape." Sarkatikong ani Tony.

"Binibini, gusto mo raw ba ng kape?" Tanong ni Jazz kay Elisa.

"Uhmm... Mas makigatas po ako. Pero di po ata ito ang oras para run?" Magalang notong tugon.

"Makakalbo ako sa iyo at mga kasama mo Maiko." Kamot ulo ni Tony. "Mayroon na tayong madadaanan. Handa na ba kayo?"

Tumango kami at lumipad tungo sa direksyon ng Bakunawa.

Sa tulong ng mga... murat(?) nagkaroon kami ng malawak na daraanan. Malaki ang nabawas sa mga airswang at ang nagtatang lumapit at hinaharan ng mga ito. Pinalibutan nila kami na tila mga tanikalang baluti.
At si Jazz. Para syang paru-parong, paroo't parito ang lipad. Aktibong hinahabol ang mga airswang habang sinusuway ni Elisa. Masaya ako para sa kanya, natupad mya ang pangarap nyang lumipad at nagkaroon pa siya ng kaloveteam. Mamatay na sana sya. Joke lang wamport.

Walang kahirap-hirap naming narating ang aming destinasyon, nalang baitang na mas mataas sa ulo ng Bakunawa.

'"Ngayon... Ano na?" Tanong ng Cabeza.

Ang totoo niyan hindi ko alam. Wala pakong plano kung sakaling makarating sa puntong iyon.

"Kailangan nating mapanganga ang bibig ng Bakunawa tapos tatalon ako sa loob."

"Seryoso ka sayong tinuran ginoo? Papano kung may asido ito sa sikmura, katumbas nun ang kamatayan mo."

"Wag mong pagduduhan ang aking kaibigan Elisa, alam nya ang ginagawa niya. Maaring rin namang wala itong asido. PERO kung may bulate ito sa tyan, alam mo na Milo." kinindatan ako ng manok. Hayup na yan.

"Mas inaalala ko kung paano natin ito papangangahin sa ganyang kalagayan."

Walang imik itong makatingala sa buwan mga mata'y kakulay nito. Hindi gumagalaw, tila isang malaking estatwa. Ni hindi niya napuna na malapit lang kami sa kanya. Ang buong atensyon ay naagaw ng buwan na tila sinaniban ito ng ispirito. Bagamat hindi ito gumagalaw mas lalo akong kinabahan. Dahil ang tahimik na ilog ay mas malalim, mas nakamamatay.

"Alam ko ang solusyon para dyan."

Mula sa kung saan may nilabas siyang malaking bulateng halongg ginto at berde ang kulay.

"Anong gagawin mo dyan? Kakainin mo?"

"Sana. Pero mas makakatulong ito ngayon sa sitwasyon natin. Isa itong girde. Ang bulateng ito kapag hindi naihanda nang maayos ay may lasong kayang patayin ang isang buong elepante."

"Kahanga-hanga pero dalawang bagay. Malaki ang pinagkaiba ng elepante sa Bakunawa, hindi sasapat ang isang may lasong bulate para kiliitiin ang sikmura nito. At kahit tablan ito ng lason, paano mo ipapakain yan kung ang unang problema ay kung paano natin siya pangangangahin."

"Hindi natin ito kailangang pakainin, kailangan lang nating taamaan ito sa mata, at kung humiyaw ito sa sakit, lumundag kana Milo. At kung sasapat ba ito?" lumingon siya kay Elisa na sumenyas sa iba pang taong-ibon, bawat isa sa mga ito naglabas ng bulate. "Sa palagay ko ay oo."

Pwede. Sa katunayan isa itong magandang ideya lalo pa't wala akong maisip na iba. Nays one Jazz.

Napangiwi akong tumayo dala narin ng sugat ko sa likuran. Nakita ko ang pagaalala sa kanilang mukha.

"Gawin na natin ito, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa." Ani ko.

Tumango sila. Itinaas ni Elisa ang kanyang kamay.

"Ginoo, kapag binaba ko ito hudyat iyon para sabay nilang batuhin ang bakunawa. Humanda kana."

Ako naman ang tumango at pumusisyon, dumadagundong sa dibdib ang puso. First time ko magbungee jumping. Wala pang tali.

Ibinaba ni elisa ang kanyang kamay at umulan ng bulate. Nagmistulang laser battle ng mga spaceship pero walang budget kaya pinalitan ng uod. Nung tumama ang mga ito sa mata ng bakunawa, nakuha namin ang resultang nais namin. Epektibo ito.

Sobrang epektibo.

Sa katunayan sa sobrang epektibo nito, humiyaw ito ng higit sa inaasahan.

At ang hiyaw na iyon ang sumira sa sa aming plano.

Hiyaw na napakalakas at tinis na sapat na upang mapaupo akong muli at takpan ang aking mga tenga. Ang mga buto ko'y nanginginig na parang mababasag. Mga ngipin ay tila malalagas. Naramdaman kong tumulo ang dugo sa mula saking ilong at di ako magtataka kung tumatagas iyo derekta saking utak. Kulang nalang umiyak ako ng dugo.

Masakit. Napakasakit.

Sa paligid ko nagbabagsakan ang mga taong-ibon. Isang himala na nakakapit pa si Jazz at Elisa kay Muning na sa aming swerte, hindi masyadong naapektuhan tulad namin. Kahit papaano hindi kami bumagsak. Ngunit kung hindi titigil ang sigaw ng Bakunawa, maaaring sumabog ang aking utak.

Bago pa man ako mawalan ng malay, isang mahinang tunog ang napansin ko. Hiwalay na tunog sa hiyaw ng bakunawa. Hindi ko alam kung ano ngunit nilaan ko ang pandinig ko rito, basta lumiban lang ang aking pandinig sa kapit ng boses ng bakunawa. Umaalon ito, paiba-iba ng ritmo, palakas nang palakas. Parang isang uyayi(lullaby) na bumalot saking tainga sapat na upang hindi ko lubusang indahin ang sakit. Ito ang naging lubid ko saking ulirat. Hinanap ko kung saan ito nagmumula. Nung ako'y napatingala, nagimbal ako sa aking nakita.

Sa labas ng kisameng tubig, isang malaking bagay ang maaaninag. Hindi ko mawari kung ano ito ngunit mabilis itong papalapit.

Hangang binasag nito ang kisameng tubig.
Sinabi kong binasag ngunit mas tama kung sasabihing umahon ito sa tubig. Dahil ganoon ang itsura ng nangyari, pero pabaliktad. Pagahon nito lumakas pa lalo ang tunog dahilan upang makilala ko ito bilang isang kanta na nagmumula rito. At ang bagay na umahon sa tubig. Ang malaking bagay na iyon maniwala kayo sa hindi.

Ay isang galyon.

Luma, may mga sira, ngunit hindi mapagkakaila na isa itong galyon.
At sa ibabaw nito ay naaninag na lulan nito. Habang bumabaksag ito mula sa kalangitan unti-unti kong naaaninag ang mga ito, at kung sino ang kumakanta. Naririnig ko rin ang isang malusog na tawa na nagmumula isa pa.

"BWAHAHAHA!" Tawa nito. "Narito na ako mga puñeta!"

"M-magellan?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Kasama nyang lulan ng lumang barko ang gisurab, marindaga, buso at mamangkik na nakalaban namin noon. Pati narin si... Emilio Jacinto. Kung paano sila nakapunta sa Kanlungan at kung bakit sila magkasama, ay isang misteryo. Bago pa ako matauhan, tuluyang nahulog ang sinsakyan nilang galyon hanggang.

BRRGAHHKKZZZZ!

Bumangga ito sa Bakunawa sa pwersang kayang magpagiba ng maliit na gusali. Sumakto ang pagtama ng uluhan nito sa lalamunan ng bakunawa dahilan upang mayanig ito at tumigil sa pagsigaw. Kung paano ko nasabing lalamunan, ewan ko. Kung ako tatangunin mo, lahat ng ahas ay ulo lang at buong katawan ay leeg na.

Agarang bumuti ang aming lagay nung matigil ang bakunawa pero langya nainis ako nung makilala ko na ang kinakanta ng marindaga ay operatic version ng pamela one. Sarap sampalin ng songbook.

Datapwat tila napadta ang bakunawa, hindi ito bumagsak sa kanyang pwesto at sa kasamaang palad nakatikom muli ang kanyang bibig. Ang barko naman ay misteryosong makabangga parin at hindi h nahuhulog sa ere.

"Lumapit tayo sa barko." Ano ko sa kanila habang pinupunasan ang dugo saking ilong.

Bagamat may agam-agam ay sumangayon si Tony ay sumangayon ito nang walang tanong. Marahil wala pa siya sa tamang pagiisip.

Sa malapitan ang galyo ay kahanga-hanga. Luma, may mga agiw, ngunit buo ito, kumpleto pati mga lagay kahit butas ang ilan rito.  Sa ilalim ay ito lumulutang ito sa tubig na gawa sa linawag na pamilyar sa akin. Ang Moon River. Ilog na gawa sa liwanag ng buwan. Napangiti ako.

Sa kanyang nanghihinang kalagayan, nagawa parin ni Mayari na padalhan kami ng karagdagan tulong.

"Hoy hijo!" kaway ng Espanyol nung nakalapit kami. "Saglit lang tayo nagkawalay mukha ka nang gusgusin. Ay yang isa mong kasama, mataas na ang lipad. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon."

Natawa na ako nang mahina. Walang lakas para sumagot.

"Salamat. Muntikan na kami kung di kayo dumating sa tamang oras."

"Dumating kami dahil marahil iyon ang itinakda. Alam kong gulat ka na narito kami, maging ako rin naman. Bigla nalang nagliwanag ang aking galyon, at namalayan ko na lang na naglalayag na kami, kasama ang tontong yan." Singal nito kay Jacinto na nuo'y nakatingin sa bakunawa.

"Bueno, tutal narito narin kami, dederechuhin na kita," Ngiti nito sakin. "Nasan ang bastaedong Lapu-lapu na yan at may kailangan kaming tapusin."

Napabuntong hininga nalang ang mga kasama nito.

"Ginoo, ang napagusapan natin, narito tayo upang tulungan ang Kanlungan, at ang kapalit noon ay paguusapan natin ng inyong kalayaan. Hindi ito ang panahon sa personal na interes."

"Alam ko! Pero baka sakali naman... Kahit makaisang sapak lang ako sa kanya?"

"Wag mo namang sirain ang pagkakataon ito para sa aming lahat."

"Mga puñeta, sige na nga! Tutulong muna tayo, pagkatapos nun." Lumingon ito sakin. "Sabihin mo sa bastardong iyon na magtutuos kami."

Nagkibit balikat ako.

"Makakarating."

Sa puntong iyon wala na akong paki, basta matapos lang ang lahat. At sa palagay ko, hindi siya tatanggihan ni Maesto Kwatro kung may maganap man na Duelo.

"Uhmm Kapitan." tawag ng buso.

"Ano?!" irita nitong tugon.

"Sa tingin ko gugustuhin ninyong makita ito." turo nito sa itaas.

Sa aming saglitang paguusap hindi namin namalayan na nagkaroon na nagkaroon na ng malay ang bakunawa. Ngunit hindi ang muka nito ang tinuturo niya. Kundi ang higante nitong bunton na nakahanda ng humataw sa galyon.

"Hijo de pu--"

Nilatigo ng Bakunawa ang galyon na tila gawa sa posporong nawasak. Binitbi ng gisurap si Magelan ang at marindaga, si Emilio Jacinto at tinangay ng mamangkik, at ang buso ay naging usok.

Kami namin, sa lakas ng paghagupit ng hangin ay nagpaikot ikot sa ere. Tila kaming nilamukos na papel na nilipad ng ipu-ipo. Kumapit ako nang mahigpit na parang nakasalalay ang buhay ko rito. Na totoo naman.

Kaso nabunot yung balahibong kinakapitan.

Tumalsik ako sa himpapawid, nagsirko na parang skydiver na walang parachute. Muntikan na akong masuka sa hilo mabuti nalang ay may humawak sa magkabila kong bukong-bukong. Sila Jazz at Elisa.

"Na naman?" Sambit ni Jazz. "Nakahiligan mo nang mahulog uh"

"Hindi ko naman ginustong mahulog, kusa nalang nangyari." Wow, malamang naging dayalog mo rin yan.

"Ginoong Jazz!" Nakakabahalang sigaw ni Elisa. "Ang baho ng paa nya!"

...mabaho ba talaga paa ko.

Hindi ko nalang pinansin ang mga pagtatalo nilang magpalit ng pwesto para hanapin ang  mga kasama ko. Maririnig ang pahinang pagmumura ni Magellan habang bumabagsak, hindi na ako nagalala sa kanya daig pa nya ang masamang damo sa katatagan. Sa kabutihang palad nasa maayos nang paglipad sila Tony, na isinasakay si Jacinto. Marahil hindi kaya ng mamangkik na buhatin nang matagal.

"M-milo." Nanginig na tawag ni Jazz.

Ang buto't ng bakunawa ay muli na namang nakataas. Nakatututok sa amin. Handa na kaming hambalusin. At sa aming bigat, hindi namin ito maiiwasan. Lalo pa sa buntot nito sa halos sinlapad ng kalsada, walang mapupuntahang... Teka.

"Jazz, Elisa, ibato nyo ako paitaas nang buong lakas tapos lumipad kayo pagilid para makaiwas."

"Huh? Nababaliw ka na naman ba Milo? Gusto mo ba talagang magpakamatay para mailigtas kami? Hindi ko gagawin yun sa iyo, dahil kaibigan kita!"

"Makinig ka Jazz! May tiwala kaba sakin?"

"Wala!"

"....dapat sasabihin mo run meron."

"Edi meron! Pero hindi parin kita iiwanan. Tignan mo naluluha kana!"

"Dalian nyo na, wala nang panahon!"

"Hindi Milo! Hindi!"

"May thunderbird ako sa kwart-"

At tinapon ako paitaas ni Jazz. Hindi ibinato, kundi tinapon. Ni hindi niya kinailangan ng tulong ni Elisa para run, tila sinaniban siya ng lakas ni Bangis. Naluha ako sa dalawang dahilan.

Una dahil pinagpalit ako sa thunderbird.

Pangalawa dahil naisakatuparan na namin ang aking plano.

Sinalubong ko paitaas ang bumabagsak na buntot. Dinepensahan ng mga bisig ko ang naluluha kong mukha hanggang kami ay nagtama.

At pumasok ako sa puwet ng bakunawa.

Mission complete.

.......May mga bagay talagang mas malala pa sa kamatayan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dalawang kabanata dahil nais ko nang ipagpatuloy ito nang matino. Sa mga nagtatanong mahaba pa po ang kwento ni Milo. Sa tantya ko nasa wamport palang tayo.

Sana wag kayong magsawang tangkilikin ito.

Sa mga bumili ng book 1 maraming salamat hindi ko ito makakalimutan for 3 days, wait nyo nalang yung book two, kinokoncentualize na. Theme is Blue.

Sa gustong umorder magkakaroon uli ng pre-orders kapag naipadala na lahat ng naunang batch.

For more info contact lang po kayo sa official FB page ng SMAAK. sasagot po ako kapag di busy ehehe.

Palike and share narin para asteeeeg.

Muli salamat po sa inyo, and more updates to come :)





Salamat pong muli sa inyong lahat!

RAKENROL!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top