KABANATA LXIV - Sungay at Balahibo
May mga bagay na mas malala pa sa kamatayan.
Isa narun ang makita ang kamatayan ng mahahalaga sa buhay mo. Hindi naman ako nagsinungaling. May namatay talaga akong kaibigan. O yun yung inakala ko. Lasog na yung katawan eh, parang pusong pinaglaruan, yinurakan at itinapon. Oh wag ka ring mamamatay ha. Pero ewan ko ba, siguro dahil narin narito yung pekeng shenron (o imitashenron) na nabuhay siyang muli.
Joke lang. Alam ko kung bakit sya nabuhay. Nung may hinarbat sya sakin, ang nakuha niya ay ang hikaw ng Sarangay na nakuha ko noon Digmaan ng mga Watawat. Wala kaming ideya sa epekto nito ngunit sabi ni Makie ay itabi ko lang ito at magagamit ko ito sa hinaharap. Ngunit hindi ko na magagamit namin ito sa ganitong paraan.
Summoning Jutsu.
Pero kailangan mo pa atang mamatay o maging malapit sa kamatayan upang gamana. Hindi ko sigurado pero inonote ko yan para sa susunod si BJ nalang itutulak ko sa itaas para walang masasaktan.
Kung anu't ano pa man, nakahinga ako ng maluwag na nasa mabuting kalagayan si Talas kahit nasayang yung pangfamas acting ko. Pag naging pelikula to, deym best scene ever. Tapos si Ungga Ayala gaganap. Perfection.
Limang sarangay ang tumambad sa amin. Isang eksenang nagpahinto sa paglapit ng mga kalaban. Marahil maging sa panig ng kadiliman, ang mga sarangay ay kinatatakutan. Sino ba namang hindi matatakot, bawat isa kanila ay mukhang nagngangalit na diyablong kalabaw na matipunong katawan, mga kalamnan ay nagpuputukan na parang bagong taon na. Kulang na lang sumayaw sila sa kantang 'Jumbo Hotdog Kaya mo ba to' platinum encore edition.
"Akala ko namamalikmata ako ngunit... Mga sarangay yan diba? Hindi pako nakakakita ng ganyan karaming sarangay, mas lalo pa sa mula sa labas ng kagubatan. Mas lalong nagiging malagim ang pagsubok nating ito." Komento ni Tony.
"Tut-tut-tut, sa palagay ko hindi. Maaring hindi natin sila kakampi, ngunit hindi rin natin sila kalaban. Mas pabor ang pagdating nila satin."
"Anong ibig mong sabihin?"
Ikinuwento ko ang tungkol sa hikaw ng sarangay. Tinigyan nya ko na para akong linta na may salted caramel.
"Ninakaw mo ang hikaw ng sarangay?! Hindi ko alam kung tanga ka lang o isa kang maswerteng tanga. Mas baliw kapa sa mga naririnig ko."
"Uhmm... Salamat?.. Teka naririnig mo? Kanino?"
"May tenga ang lupa. Pero hindi na importante yun... Sa tingin ko galit parin sa iyo ang mga sarangay... Dinuduro ka nung isa oh."
Dinuduro nga ako nung nasa gitna, na palagay ko'y pinuno nila. At base sa nanggigil nitong reaksyon, na parang gusto akong sakalin gamit ang gunting-de-yero ay ang sarangay na ninakaw--err hiniraman ko ng hikaw.
"Mukhang galit na galit sa iyo ah"
"Hindi, gusto lang akong hamunin niyan ng dance battle."
Bigla kaming humandang lumusob nung bigla itong lumuhod kay Talas na masyadong tuliro upang matakot. Taliwas saking inaasahan, hindi siya sinaktan ng sarangay. Maingat lang siya nitong inamoy, binugahan saka binuhat at isinakay sa balikat. Tinignan ako nito na tila sinasabing may utang ako sa kanya.
BRAUUUGHHHHHHHHHH!!!!
Umatungal ito sa langit. Kung bakit galit ito sa langit, ewan ko, ngunit agad na sumunod na umatungl ang iba. Mga sigaw na nakakagimbal ng sinumang makakarinig.
Kasi di sila nagbeblending.
Mula sa buong paligid sunod-sunod na nadaragdagan ang mga palahaw, sa puntong maririnig hanggang sikmura.
Nakaramdam ako ng iregular na pagtibok ng puso, na kalaunay nalaman kong dagundong ng lupa na dumadaloy sa aking katawan. Lumilindol. Hindi natural na lindol ngunit pagyanig na gawa ng mga yabag.
Mula sa kagubatan ay nagsilabasan ang libu-libong nilalang. Mga hayop, mahiwagang nilalang, nuno, mga lambanang iba-ibang kulay, bawat residente ng sagradong kagubatan ay dagsang sumugod tungo sa nagitlang hanay ng mga kalaban. Isa itong kamangha-manghang tanawin.
Sa pagkabigla ng kalaban ay hindi sila nakatugon nang maayos at naging biktima ng daluhong na nagbusog sa kamatayan ng karamihan. Tila alam ng mga residente kung saan dapat atakihin ang mga nakabaluting halimaw. Ang mga sarangay ay nagsimula naring umatake. Tila mga tren hindi mapigalan sa pagragasa gamit ang matutulis nitong sungay.
Hinampas ako ni Tony sa balikat. Tulala syang nakatingin sa nagaganap habang tinuturo ang kanyang balikat. Nagtataasan ang lahat ng kanyang balahibo.
"Totoo ba ito?... Hindi ba ako nananaginip lamang?" May nginig nitong tanong. Maririnig ang kaluwagan(relief) sa kanyang tono.
Wala akong maisagot. Maging ako'y namamangha sa nakita. Nagkaroon kami ng panibagong mga kakampi.
Sa gitna ng kaguluhan, naramdaman ko ang titig ng sarangay sakin na aking sinuklian. Ang mga mata'y bagamat nanlilisit ay tila nangungusap. Itinuro niya ang nakakapit na si Talas na noon nagsisimulan nang matauhan, at saka itinuro ang Bakunawa. Buong panaho'y hindi lumilisan ang titig sakin. Tumango ako. Walang salitang binitawan, magkaibang uri ngunit nagkaintindihan.
'Poproteksyunan ang sa iyo, proteksyunan mo ang akin.'
"Tara na, may trabaho pa tayong tatapusin." ani ko kay Tony.
"Iiwanan mo si Talas sa sarangay?"
"Hindi siya sasaktan nito. Nasa mabuti siyang kamay."
"Paano mo nasabi?"
"Pakiramdam ko lang."
"Paano kung mali ang pakiramdam mo?"
"Pagiisipan ko kapag narun na tayo, sa ngayon may mas dapat akong unahin. At sa palagay ko tama ako."
Napatingin ako sa kanya na hinihimas ang tuka ng Bannog.
"Wag kang magagalit pero, nagugulat ako sa iyo. Sa impresyon ko sa iyo noon, matigas ka, aakalain kong wala kang pakialam kay Talas."
"...Dahil wala talaga. Ayoko lang maging instrumento kung sakaling mapahamak sila. Ayokong mabahiran ang konsensya ko." tumalon pasakay sa kanyang ibong naghihintay.
Wow edgelord.
Datapwat gabakal ang kanyang tugon, sa loob ko, alam kong nababahala rin siya. Ayaw lang niyang ipakita. Parang yung isang kilala ko. Parang... Teka.
"May tanong ako..." ani ko habang umuupo sa ibon. "Anong relasyon mo kay Makie? Bakit parang galit ka sa kanya? At saka bakit mo pinipilit na siya si Dian Warwick at-."
"Dian Warwick? Masalanta."
"-Masalanta. Parehas lang yun. Anong meron? Hindi ako sinagot ni Makie nung tinanong ko siya."
"...Alam mo ba kung saang bansa naroon ang punong tanggapan ng Google?"
"Huh? Tingin ko nasa US. Pero di ako sigurado, bakit?"
"Ibig sabihin wala ka sa lugar upang magtanong, kaya manahimik ka nalang." supalpal nito.
"...Sabi ko nga eh." tameme ko.
Sumampa ako sa Bannog nang mas kasanayan kumoara nung una.
"Lilipad na tayo. Wag mokong hahawakan ilalaglag kita."
"At bakit naman kita hahawakan? Kaya kong balansehin ang sarili ko." tugon ko habang inaatras ang mga bisig kong payakap na sa kanya. Sayang lolz.
Pumagaspas ang ibon at kami'y pumanhik na sa kalangitan, sa ibaba natanaw ko si Talas sa balikat ng Sarangay na kumakaway sa akin. Mukha yatang close na sila ng Sarangay at handa nang kunin ang una nilang gym badge.
"Pasensya kana."
"Huh?" nabigla ako sa halos pabulong na sinabi ng Cabeza.
"Sa tinuran ko kanina. Hindi ko gustong maging bastos. Pero may mga bagay lang akong ayaw kong ibahagi sa iba."
"Naiintindihan ko."
"...salamat." pabulong niyang tugon.
Saglit lang ang paguusap namin na iyon pero may wari ako na bukod kay Talas, siya ang cabeza na makakasundo ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Anak ng kamote. Wala na bang katapusan ito? Kung kailan wala na tayong tagapana... Asan pala yung boomerang mo baka pwede nating gamitin sa kanila."
Sa aming harapan ay may kumpol ng airwang na humarang saming daraanan. Tila ulap na gawa sa mga daan-daang mga halimaw.
"Masyadong mabigat, kapag dinala ko babagal tayo."
"Anong sandata mo kapag wala yun?"
"Kali."
Napatango ako. Base sa napanood kong labanan nila ni Makie, mahusay nga siya sa mano-mano. Ngunit walang magagaw ang kali sa sitwasyon na iyon.
Nilabas ko ang bagwis.
"Wala na tayong pagpipilian kundi sumulong. Kaya mo pa bang bilisan?"
"Heh." Ismid nito. "Itikom mo ang bibig mo kung mahal mo pa yang dila mo."
Hinimas nya ang higanteng birdy(bannog) at tinapik-tapik ang ulo nito. At sa isang huni bigla ito pumagaspas ito pasulong sa bilis na talo pa ang mamahaling sasakyang. Bawat pagaspas at tila nilalatigo ang hangin. Nilusog namin ang gitna ng ulap, mistulang ginagawan ito ng butas. Marahil sa pagkabigla ay umiwas ang mga airswang at nalimutan kaming pigilan. Hindi sinayang ng cabeza ang pagkakataong iyon upang magmaniubra sa paligid ng mga ito. Dalubhasang iniiwasan ang may malay ang harangan kami. Ang mga nakakalapit winawarak ng kuko at tuka ng bannog habang pinoprotektahan ko sila sa likuran. Talong beses ay may nagtankang umatake na maligayang binawasan ng pakpak. Bagamat tila kami langaw na iniiwasan ang patak ng ulan, sa kahusayan ng cabeza at ng bannog nalampasan namin ang unos.
"Ayun! Konting tiis nalang."
Sa di kalayuan ay may uwang sa pagitan ng mga kalaban. Ang dulo ng ulap ng mga airswang ay aming natatanaw. Agad namin itong tinahak, at sa wakas nakatakas din kami sa predikamentong ito.
Papasok sa panibagong pagsubok. Nalampasan namin ang unos. Ngunit napalitan ito ng bagyo.
"Mahabaging Bathala... Naisahan nila tayo."
Tumambad samin ang isang malukom(concave) na pader binubuo mga nga airswang. Tila payong na sinisulungan kami. Sinubukan naming umatras ngunit ang nilampasan naming mga airswang ay kumalat at hinarangan ang aming takasan, gumawa ng panibagong malukom na hati na bumuo ng isang malaking bola ng airswang. Epektibong kinulong kami sa loob. Kahit saan ka lumingon, mukha lamang ng aswang ang makikita mo.
Sa ilang segundong natigilan kami, sinuyod ko ang aking utak ng paraang makatakas sa kulungang kinasadlakan namin, ngunit nablanko ang aking isipan.
Napabuntong hininga si Tony, kinatok ang kahoy sa kanyang PuSi at tumayo.
"Tony? Anong plano mo? May naisip ka ba?"
"Sa pagkakataong ito, isa lang naman ang magagawa natin." Mula sa sisidlan sa kanyang baywang hinigit niya ang isang gintong punyal, na matatandaang nakuha niya nung naglaban sila ni Makie. Inilapat niya ito sa kanyang noo na tila nagdarasal saka humandang lumaban. "Ang magpursige at lumaban hanggang kamatayan." Aniya.
"Ekyus me, hindi ko pa tapos one piece, di pa ko pwede mamatay." War freak lang. Tumayo ako at tumalikod sa kanya, na hindi madaling gawin kapag nasa lumilipad kang ibon. "Sangayon ako sa magpursige at lumaban, pero ang mamatay, wag muna. Balak ko pang isetup ka ng blind date kay Makie nang makapagusap kayo."
"...Siyang tunay?"
"...basta sama ako." Mahina kong dugtong.
Sinipat nya ako pagilid ng mapaghusga niyang mata.
"Ayos lang."
"Sabi ko nga, biro lang na-huh?"
"Andyan na sila, humanda ka. Protektahan mo ang pakpak ni Muning."
Bago ko pa maproseso kung bakit sya pumayag at kung bakit Muning pangalan ng ibon nya, nagsimulang lumusob ang mga Airswang. Isinantabi ko muna ito saking isipan.
Dahil wala nang panahong magisip.
Sabay-sabay silang lumusob sa lahat ng direkson, hindi sinunod ang unang batas ng action films, one at a time lang. Kusang kumilos ang saking katawan, tinataga ang lumalapit, iiniiwasan at sinasalag ang mga atake. Ganun din ang ginagawa ng cabeza. Sa masikip naming pwesto nagagawa naming lumaban, nagpapalit ng posisyon, yumuko habang ang isa'y umaatake sa kanyang ulunan. Para akong robot na walang ibang layunin kundi lumaban. Tila ipu-ipong walang tigil sa paghagupit. Kumukulo ang aking dugo at ramdam saking bungo ang pagpintig ng aking puso. Unti-unti naguguhitan ng galos ang aking katawan, sa pingis, magkabilang braso't tagiliran ngunit hindi ko ito ininda. Nagsusumigaw na ang nagngagalit kong mga bisig at braso ngunit patuloy lamang ako. Dahil kahit nauubusan na ako ng hininga, ang mga kalaban ay hindi.
Kung nahihirapan kami, mas lalo na si Muning. Nakakaatake siya gamit ang tuka at kuko ngunit ang kanyang mga pakpak ay walang kalaban-laban. Kung kayat hanggat maaari'y dinedepensahan namin ang mga ito. Subalit may limitasyon ang kaming gagayahan.
KWEEERRKKKKK!
Isang airswang na kung tawagin ay Berbarang ang nakalusot at nakagat ng kaliwang pakpak ng ibon. Agad ko itong nilundag at sinaksak sa mukha na ikinamatay nito. Nanatili sa paglipad si Muning at agad akong bumalik saking pwesto.
Nakaramdam ako ng init na tila binanlian ang aking likod. Napasigaw ako sa sakit na dulot ng pagkalmot ng isang airswang. Umikot ako at tinaga ito, ngunit sa proseso ay nawalan ako ng balanse at nabitawan ang balisword.
At nahulog ako.
"MAIKO!" Sigaw ni Tony.
Milo po.
Wala itong kundi panoorin ako. Hidi tulad kay Talas, wala siyang espasyo upang iligtas habulin ako. Saking paningin mabagal siyang lumiliit. Habang ang mga airswang na nakapuna sa nangyari ay nilipat ang atensyon sa akin. Hindi na nila hihintaying bumagsak ako saking kamatayan.
Mukhang hindi ko nga matatapos ang One Piece. Sadlayp.
Baglang may humawak saking bukong-bukong(ankle) at tumigil ako sa pagbagsak. Hinintay ko ang mga sumunod na atake... Ngunit hindi ito dumating.
Maging ang maraming airswang na papalapit ay hindi rin dumating. Bukod sa nakahawak sakin. Tinignan ko ito at ang nakita ko...
Ay isang angel.
Isang literal na angel ang nagligtas sa akin. Marahil ipinadala ng Bathala mula sa kalangitan upang iligtas ang aking buhay. Napuno ako ng emosyon sa milagrong naranasan. Ninais kong magbagong buhay at aminin mangiyak sa tuwa nang marinig ko itong magsalita.
"Milo..." mahiwaga nitong sabi. "Ang baho ng paa mo, makaapak kaba ng tae?."
"............Jazz?"
May pakpak na ang kaibigan kong Man-ok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top