KABANATA LXIII - Panaghoy ng Pagkalagas

"Lilinawin ko lang ulit. Sa kabila ng mala-dagat na bugso ng libu-libong kalaban natin, na lahat at pakay tayong katayin, gusto mong makalapit sa bakunawa.?"

"Uh-huh" sagot ko habang sinasaksak sa leeg ang isang amalanhig, habang sakay ni Ashford Fullbright.

"Matapos nun, aakyatin mo yung katawan nito... Nang hindi napapansin"

"Tumpak."

"Pagkatapos nun papasok ka sa bunganga nito... At?"

"Magtitimpla ng kape at magsusulat ng kanta. Ano pa ba, edi sa loob ko siya aatakihin."

"....Wow. Wala na atang mas tatanga pa sa plano mong yan." kutyang ani Bon Jovi. Tinandyakan niya ang isang Amomongo at pinugutan ito.

"Pwera nalang kung naging plano ka." Tugon ko.

"Hindi ko alam kung paano bibilangin ang mga mali sa plano mong yan. Kukulangin pa ata buhok ko sa kili-kili sa dami. Wala kaang talento sa pagiisip."

"Kung di mo naitatanong, nung nakaraang gumawa ako ng plano, umuwi kang talunan."

Natahimik ito.

"Nadale ka nya run kapatid HAHAHAHA."

Tinignan niya nang masama si Bangis.

"...Sa plano mong yan, saang parte run yung mamamatay ka?"

"Sana wala." Nilingon ko siya. "Teka, bakit nga ba narito ka? Wala ka bang ibang lulugaran?"

Sa diko alam na dahilan, magkakasama kami.

Nagsimula na uli ang digmaan. Dahil kasama na namin ang mga taga Biringim ay mas naging madali ang ang daloy ng pakikipaglaban saming pabor.

Pero hindi ko parin alam kung bakit sila nasa tabi ko...

"Sino ba ang bida ng kwentong ito?" Tanong ni BJ "Ako diba? Kaya kung nasaan ang aksyon, dapat naroon din ako. Atsaka kung may pagkakataon, mapapatay kita at aakalain nilang gawa yun ng kalaban. Tapos ililigtas ko ang Kalungan, magiging kami ni Tifa dahil makikita nya ang aking kagitingan, ayun everybody happy."

"Akala ko ba wala nang mas tatanga pa sa plano ko?" ismid ko. Hinati ko sa baywamg ang isang kalaban. "Tama bang narito kayong dalawang Cabeza at iniwanan ninyo ang Balangay ninyo?"

Nagkibit ito ng balikat.

"Malalaki na sila, kaya na nila ang kanilang sarili. Kung hindi nila kakayaning lampasan ito nang wala kami, ibig sabihin lang nun hindi sila nararapat dito."

"At isa pa, mas mabuti nang wala sila kapag nagsasaya ako! HAHAHA." tawa ni Bangis.

Parang natawamg naawa ako sa sitwasyon ng balangay niya. Diko alam kung paano nila  pamahalaan si Bangis kapag nagiging sikopato(psychopath) ito.

"Mabalik tayo sa plano. Kung sakaling--

"WAHHH!" gulat na pagaingit ni BJ. "Anak ng! Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot..."

Bigla siyang pinagpawisan. Sa gilid niya, pagilid na makatingin si Makie.

"...po. Pasensya na, nagulat lang po ako."

Nakatingin ito sa lupa. Halatang natrauma sa diwata.

Gusto kong tumawa, pero takot din ako kaya Makie. Lol.

"Kung sakaling makalapit nga tayo, at lamunin ka nang buo o bawas ng bakunawa, at magupo mo ito, paano ka naman lalabas?"

Nagkibit balikat ako sa tanong ng diwata.

"Sa kapangyarihan ng pagkaikabigan? Ewan, hindi ko pa alam. Aalamin ko nalang kapag naroon na ako."

"Oh malamang sa hindi, itatae ka nito." Ani BJ

"Kung magsalita ka para kang may kasanayan sa pagtae uh." Kumamot akong ulo. "Magsimula muna tayo sa unang hakbang. Ang makalapit sa halimaw na yan."

Umabante kaming apat. Isang kakaibang kombinasyong hindi ko inaakalang magbubuo. Ngunit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, para kaming adobo at mayonnaise. Magkaiba ngunit perpekto ang kombinasyon. Seryoso, subukan ninyo.

Siguro pambabalabis ang salitang "perpekto". Pero hindi ito nalalayo.

Si BJ ang nagsisilbing talibà(vanguard) o pangunahing tanod sa unahan. Gamit ang malaking kalasag, binabangga niya ang mga kalaban na panandaliang natitigilan. Bago pa man sila makabawi, isang wasiwas ng sibat ang lalaslas sa kanilang leeg, o tutusok sa kanilang lamang nakalitaw mula sa kanilang pananggalang. Ayoko mang aminin, hindi matatawaran ang kanyang kasanayan sa pakikibaka. Mistulan silang sumasayaw sa hangin habang umaatake na hindi madali kung ilang hakbang na lang isa ka nang budget meal na sumo wrestler. Hindi ko siya gusto bilang kalaban, pero bilang isang kakampi, hindi ko parin siya gusto. Pero nirerespeto ang kaniyang galing.

Kay Makie ang umaatake sa kalabang nasa himpapawid. Bago pa man sila makalapit, inuulan na sila ng kristal na patalim. Marahil magiging hadlang sa paglipad ang mga pananggalang kung kaya't walang suot ang mga ito na pumabor sa amin. Duda akong mahihirapan si Makie na umasinta sa pagitan ng mga kalasag ngunit sa dami ng kalaban, ang isang pagkakamali'y pwedeng maging huli.

Kapag dumadami ang kalaban ni BJ, binabawasan nya ito sapat upang makalaban nang maayos ang Cabeza ngunit sobra na makakahinga ito nang maluwag. Pakiramdam ko gusto nya itong mahirapan. Sadistang diwata. Sadistwata? I like it.

Isang beses binato nya ng kutsilyo si BJ, na nasangga ng huli.

"Bakit, bakit moko inatake? Magkakampi tayo!"

"Tsk." palatak nito. "Namalikmata ako, akala ko aswang ka."

"...Naiintindihan ko, lahat naman tayo nagkakamali-ARG! Bakit moko inatake uli!?"

"Naninigurado lang ako. Bakit? Nagrereklamo kaba?"

Tumingin ito sakin na tila humihingi ng tulong at binilang ko naman ang mga lamok na nagkakaracruz. Labas ako dyan pre. Ang pagdurusa mo ay ang kagalakan ko bwahahahaha!

"...Hindi po. Pinapraktis lang yung akting kong pangfamas." aniya.

Kapag may nakalagpas sa kanya, doon ako pumapasok. Tatlong alamanhig? Hiwa, taga, saksak. Mga amomongo? Laklakin ninyo atake ko. Kusa nalang kumikilos ang aking katawan, umaatake kung saan kinakailangan habang marahang umaabante. Hindi alintana ang likuran dahil alam kong binabantayan din ako ni Makie. *kiligmats*

Si Bangis? Para syang lindol na nagkatawang tao. Isang haspas talo ang sebong sangkatutak. Kapag hinambalos nya ang isang aswang tumatalsik itong parang si Eugene nung sinuntok ni Taguro, lahat ng madaraanan ay nakakaladkad hanggang huminto at maging burol ng abo. Kapag may mga higanteng parating agad niya itong sinasalubong at winawasak. Minsan hindi ko na alam kung sino ang tunay na halimaw sa kanila.

Hindi ito plinano, hindi rin inaasahan, ngunit kung titignan mo, tila matagal na kaming nagkakasama sa mga labanan. Synchronized ang bawat kilos. Parang kpop group na pumapatay ng mga aswang habang inuulanan ng confetting laman-loob. Aaminin ko, nakaramdam ako ng saya. Walang makakapigil sa aming marahang pagsulong. Ngunit doon nag-uugat ang isa pang problema.

Masyadong mabagal ang aming pagsulong. Dahil narin sa tila hindi nauubos na bilang ng kalaban. Sa isang napapatay, may dalawang pumapalit. Nagagawa namin silang puksain lahat ngunit isa itong malaking hadlang sa aming pag-abante. Hindi magtatagal magpapatong ang kapaguran saming katawan, at kung walang magbabago, lalamunin kami nito. Kalimutan mo na ang makalapit sa bakunawa, baka di maglaon, maging libingan na namin ang aming kinatatayuan.

Kailangan namin ng isang pagkakataon. Isang pang kakataong babaliktad sa aming sitwasyon.

"---Milo?"

"...Tifa?"

"Ayun! Sa wakas! Nakontak din kita! Nahirapan akong ayusin yang kumunikasyon dahil naapektutuhan yung signal sa nakaharang. Eniway, kamusta?"

Nakalimutan  kong meron kami nito. Buti pinaalala ni Tifa bago kami lumusob.

"Hindi maganda. Hindi halos kami makalapit. Aabutin kami siyam-siyam rito."

Saglit na katahimikan.

"Bweno... Plan B?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Plan B." Tumango ako. Bobo lang, para namang makikita nya. "Nakahanda na ba?"

"Oo, sa tulong ng mga taga-Biringan naayos na namin ito ni Kiko."

"K-kasama mo si Kiko ngayon?" tanong o9.

"Oo, naka-akap sya sakin. Alam mo ba ang galing ng teknolohiya ng mga Biringero! Andami kong iikwento sa iyo pagtapos neto."

"Teka anong sabi mo?"

".....Selos ka? Binibiro lang kita eh. Hehe."

Parang naririnoig ko sa boses niya ang kanyang ngiti.

"Alam ko! Saka mamaya na yan. Plan B muna tayo, plan B!"

"Oo nga pala! Hindi ko alam kung gagana ito dahil hindi pa ito nasusubukan. Kinumpuni na namin ito ngunit sa pagkaluma isang beses lamang itong pwedeng gamitin pagkatapos ay bibigay na ito. Kaya kung ano mang mangyari, humanda kayo."

"Maliwanag, isang pagkakataon lang naman ang kailangan natin."

"Ok, sa bilang ko ng tatlo."

Sinenyasan ko. ang aking mga kasama at nagsimulang magbilang si Tifa.

"Isa... Dalawa... Tatlo!"

Isang pagsabog ang maririnig mula sa Tanggulan, kasabay nito ang pagyanig ng lupa. Bahagyang lumiwanag ang langit nang isang dambuhalang naglalagablab na bolang kulay pilak ang lumipad tungo sa direksyon ng Bakunawa. Mistulang bulalakaw na humawi sa kutina ng kalangitang gawa sa samutsaring lumilipad na halimaw. Rumaragasang tanikala ng kamatayan, lahat ng matamaa'y nasusunog at nagiging abong pumapatak sa kalupaan.

Saan ito nagmula? Sa mukha ng Bulkang Taal ay isang malaking kanyon ang nakausli.  Ito ang huling sandata ng Kanlungan kung tawagin ay KanYon, o Kanlungang Batalyon na binuo ng mga orihinal na tagapagtatag ng Kanlungan.

Ang bala ay ang orihinal nilang bala ngunit binalutan ng metal na mula sa mga biringero. Ang totoo nyan, sobra ang dalang mga sandata at baluti ng mga biringero, maraming natira kung kaya't naisipan ni Tifa na tunawin ito at ibalot sa bala. Ang resulta, isang natural na pangontra sa baluti ng kalaban.

Kung kaya ganoon na lamang antisipasyon namin... Maaari kayang mapuksa nito ang Bakunawa? O di kaya't masugatan man lang?

Sa aming pagkagimbal, lumingon ang bakunawa at sa bilis na hindi inaasahan sa kaniyang laki, humahupit na tila latigo ang kanyang buntot. Sa lakas tila nahiwa ang hangin at natangay kami't natumba. Tinamaan nito ang bala na tumalsik sa malayo, bumagsak at gumuhit sa lupa hanggang tuluyan itong tumigil.

Nagpakawala nang makahumindig pabalahibong hiyaw ang malaking ahas sa direksyon ng Tanggulan. Isang hiyaw na bumuhay sa primal na takot na nakapaloob sa dugo ng bawat nilalang. Ang takot ng maliit na biktima sa harap ng maninila. Kung pwede lang, tumakas na ang balat ko saking kalansay.

Sa ilang makapigil hiningang segundo nasemento kami, hinihintay na sugurin ng bakunawa ang aming bahay at wasakin ito ng tuluyan. Ngunit sa tumingala lang ito at tumingin sa malamlam na buwan, tila nagpapakalasing sa nawawala nitong kagandahan.

"Bangis! Ayos ka ang ba?!" tanong ni  BJ sa Cabeza.

Nakatayo lang ito at nakatingin sa nanginginig nitong mga palad. Ang muha nito ay isang larawang hindi maipinta.

"...Ano ba itong nangyayari sa akin. Hindi ko pa ito nararanasan kahit kailan. Buong katawan ko ay sinisigaw na tumakbo ako palayo. Ano ba itong nararamdam ko?" nahina nitong tanong.

In love ka parekoy... Wiiihh binata na sya.

"Takot." sagot ni BJ. "Takot ang tawag dyan."

Oo nga, sabi ko nga pwede ring takot lang siya.

"Takot?..." Pag-ulit nito tila hindi makapaniwala.

Doon ko napagtanto na sa unang pagkakataon nakilala nya ang emosyon na ito. Ang konsepto ng takot ay hindi pa niya nararanasan kailanpaman. At ang naging sanhi nito ay ang Bakunawa. Isang patunay na hindi biro ang aming kinakaharap.

"Normal lang ang matakot, Cabeza. Hindi ito lingin sa aming lahat. Lahat tayo ay nakakaramdam ng takot sa mga sandaling ito." pagsingit ni Makie habang kumakain ng saging. Saan sya nakakuha nun? "Ang tanong na lang, paano mo ito kakaharapin?" Tinapon nya ang balat ng saging kay BJ at pumalatak ng masangga ito ng huli.

Bilang tumawa ang malaking Cabeza.

"Hahahahaha! Natatakot ako? Sa wakas! Ganito palang ang pakiramdam ng natatakot, matagal ko na itong maranasan!! Gusto ko itong nararamdaman ko!"

Baliw. Baliw ang isang ito. Kung di ako sigurado dati, sigurado na ako ngayon. Lowkey para syang si Hisoka kapag nagogobilize. Kinilabutan akong bahagya.

Narinig kong umiyak sa takot si Ashford Fullbright. Hinimas ko ang ulo nito na aking pinagsisihan kasi sumama yung langib, at binigyan ito ng permisong umalis. Lubos na ang tulong na naibigay nito sa akin. Matapos nitong tumingin na tila nagpapaalam, humukay na ito sa lupa at tumakas tungo sa kaligtasan.

"Sabi sayo tanga ka magplano. Ni hindi man lang umubra ang secret weapon mo, umalis pa yung alaga mo. Paano na? May plan B, plan B ka pang nalalaman palpak din naman pala." kutya ni BJ.

Nakakairita mang aminin pero tama sya. Umasa kaming kahit papaano maapektuhan ng bahagya ang higanteng ahas ngunit hindi man lang ito nagtamo ni katiting na galos. Ang masama, dahil sa kanyang hiyaw ay tuluyan nang nasira ang communicator ko at hindi na makausap si Tifa. Napabuntong hininga ako at napatingin sa himpapawid.

"Inaasahan na namin yan."

"...Inaasahan na ano?"

"Na papalpak ang plan B. Kaya nga --"

Isang malakas na pagaspas, at lumapag mula sa kalangitan ang isang malaking Ibon. Sakay nito ang si Tony, ang Cabeza ng Walang-Tinag.

"--may Plan C pa kami."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Simple lang ang konsepto, lumapit sa bakunawa, kung hindi kaya sa lupa, edi sa kalangitan. Ngunit dahil sa dami ng kalaban lumilipad hindi ito maisasakatuparan. Dun pumasok ang KanYon. Dalawa ang layon nito. Una, atakihin ang bakunawa. Umubra man o hindi, magagawa nito ang ikalawang layon. Bawasan ang bilang ng kalaban at gumawa ng daan upang makalipad ang pinakamagaling naming piloto at ng kanyang Bannog tungo sakin upang maibagsak ako aa bakunawa.

Para sa isang planong nabuo namin nila Tifa at Makie sa sandaling panahon, ito ay labis na kahanga-hanga, thank you very much. Ngunit gaya ng kadalasang nagaganap may ibang plano ang tadhana. Sadhana sa tadhana.

"Bago ka umangal, makinig ka muna. Hindi. Hindi ako aalis. Kahit anong kumbinsing gawin mo, hindi ako papayag. Narito ako kung saan ako nararapat. Hindi ko hahayaan  na nasa ligtas akong lugar habang halos nagpapakamatay na kayo rito. Bago ako naging Cabeza, isa muna akong Napili. Isang mandirigma na sa digmaan nabibilang. Kaya't sa ayaw mo't gusto, mananatili ako rito. Tutal naman, ako ang nagdala sa iyo sa Kanlungan, marapat lang na hanggang sa dulo ay sasamahan kita."

"Pero sinong mamumuno sa Kanlungan?"

"Alam nating lahat may mas nararapat sa aking mamuno, nasa mabuti nyang kamay ang Kanlungan. Pero kung uungkatin mo ang pagiging pinuno ko, sige inuutasan kitang sundin ako."

Tinignan ko si Tony, bahagyang sinisisi ito at humihingi ng tulong.

"Sya ang boss. Isa lamang akong hamak na tagasunod." Kibit balikat nitong sabi.

Napubuntong hininga ako.

"Sige. Tutal naman mas delikado na pabalikin pa kita. Basta mangako ka na hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo. At kumapit ka nang mabuti."

"Masyado mo akong minamaliit, Maiko. Ikaw ang kumapit."

Maliit ka naman kasi talaga.

Sumakay ako sa Bannog sa likuran ni Talas na nasa likod ni Tony. Nilingon ko ang aking mga kasamahan. Saglit kaming nagkatinginan ni Makie bago nya ako tinanguan.

"Kitakits tayo mamaya." Paalam ko.

"Mamatay kana sana." Sagot ni BJ.

How sweet.

Pumagaspas ang bannog as lumipad na kami pataas. Sa tulin ng aming pag-ahon tila naiwan ko ang aking ulirat sa lupa. Wala akong halos makapitan kundi ang balahibo ng ibon na minsa'y nabubunot. Hindi ko na tinangkang hawakan si Tony dahil baka sipain ako. Sayang effort sa paglipad.

Huminto kami sa taas na bahagyang mahigit sa ulo ng bakunawa. Hindi ko matantya ngunit nasa 683.6 feet ang taas. Makikita mo sa ibaba ang kasalukuyang sitwasyon ng digmaan. Bawat lugar ay may bakas ng labanan at pagkasira. Sa ilalim ng pulang liwanag para itong morbidong pelikula ng buhay ng mga langgam. Sa tulong ng mga Biringero halos naging pantay ang laban kung titignan sa itaas ngunit kapansin-pansin parin nilamang ng bilang ng kalaban.

Hindi magtatagal at guguho ang aming hanay at magiging simula ng aming pagkatalo.

Yun ay kung hindi maunang makain ng bakunawa ang buwan, kung saan magiging huli na ang lahat.

Kailangan na namin itong tapusin nang mabilisan. Ngunit hindi ito magiging madali.

"Humanda kayo, may mga paparating."

Sa kasamaang palad napansin kami ng aswang na panghimpapawid. Para mas madali tawagin nalang nating silang ano... Airswang. Aswang na pang air. Hehehe. Genius naming sense unlocked.

Nabawasan man ng KanYon ang mga *ehem* airswang, marami paring natira, at lahat sila kami ang pinuntiya.
Ngunit sa galing magnaniubra ni Tony ng Bannog, hindi nila kami mataabutan.

Isang manananggal ang umatake sa kanan, umiwas kami sa kaliwa, ok na sana ngunit sumampal yung small intestine sa mukha ko. Kapatid, para kang nilatigo ng mabahong longganisa. 10/10 diko irerekomenda. May umatake sa kaliwa, lumihis ang ibon at bahagya kaming nakaiwas, at dinagit ng bannog ang ulo nito at dinurog. May grupo na nagkukumpol para sagitin kami, sinara ng bannog ang pakpak at pumaimbulog kami pababa bago pakurbadang umangat muli, ang mga madaanan hiniwa nito ng kuko. Lahat ito nagaganap habang lumilipad kami tungo sa bakunawa na may konting kalayuan pa.

Tumayo si Talas nang magkaroon kami ng espasyo sa pagitan ng mga pagatake.

"Talas?"

"Panahon na upang gantihan kayo sa lahat ng nagawa ninyo sa akin Maiko. Oras ko na upang magpasikat." anito pagkatapos ay sinuot ang kanyang goggles.

Bumunot sya ng tatlong palaso sa kanyang buslo at sabay na hinigit sa busog. Gamit ang konsentrasyong pawang dalubhasa lamang ang mayroon, pinuntirang ang grupo ng airswang sa aming harapan. Huminga siya malalim at dahan-dahan itong binuga.

Kanyang pinakawalan ang mga palaso.

At sa aking labis na paghanga... Walang tumama. Wow epic.

Bago ko pa siya batukan, bigla nalang lumihis sa tatlong direksyon ang mga balaso at hinanap ang magkakaibang biktima.

At sumabog.

Tatlong pagsabog na kumitil sa mga maraming naabutan nito. Kahit yung bhagya lang na nataamaan ay parang dahon na nalagas.

Gamit niya ang mga palasong inimbento ni Tifa. At marami pa siyang naitatabi nito.

Hindi pako natatapos saking pagkabigla nang muli siyang nagpakawala ng palaso paitaas lumipad ito tungo sa magkakaibang direksyon at sumabog sa katawan ng mga naging biktima nito. Paulit-ulit itong naganap sa nakakabilib na ritmo. Ang buong paligid namin ay parang dinisenyuhan ng pailaw sa dami ng umaandap na pagsabog. Hanggang sa tuluyan nang naubos ang kanyang palaso.

Kagaya ng bilang ng mga kalaban.

Halos kami na lamang ang nasa himpapawid. Ang mga natira ay nasa ligtas na distansya sa takot na masabugan. Wala nang hadlang sa aming paglalakbay.

Galak sa lumingon sa akin si Talas, buong magmamalaking ibinandera ng kanyang mga ngiti ang kanyang tagumpay. Nung mga panahong iyon, halos wala siyang pinagkaiba sa normal na batang babae. Kung ang normal na batang babang iyon ay mukha ring lumaki sa kweba. Ginantihan ko siya ng ngiti. Ipinagmamalaki ko na sya ang punong Cabeza ko.

At doon gumuho ang lahat.

"Na..Piliiii...."

Halos sumabog ang ulo ko sa dumadagundong na boses na pumasok rito.
Halos ang oras at dumilim ang aking paningin. Nanginig ang buo kong katawan at tila nagsara.

Nakatingin sa amin ang bakunawa.

Mga mata'y puno ng kahalayan at may ngiting nangungutya.

"Masaya akong.. Nag...kita tayong.. Muli."

Bawat kataga nito ay tila sumasaksak sa aking puso. Sapat ang ang boses nito upang patayin sa sindak ang ordinaryong tao. Ngunit nanatili akong matatag. Saking pagkabigla, kinaya ko ang antas ng takot na aking nararamdaman.

Ngunit hindi ng aking mga kasama.

"Mi....lo..."

Iyon ang huli kong narinig bago ko naramdamang nawalan ng ulirat si Talas.

At nahulog siya.

Nanigas ang katawan ko habang pinapanood siyang mahulog.

Nanigas. Ang. Katawan. Ko. Habang. Pinapanood. Siyang. Mahulog.

Hangang ngayon hindi ko makakalimutan ang mga sandaling paulit-ulit kong pinagsisisihan.

Lumipas pa ang isang hindi matapos na segundo bago ako magising.

"Tony! Si Talas nahulog!"

Ngunit hindi siya kumilos, natigilan din sa takot. Isang himala na wala sa isipan ng bannog na pumagaspas parin ng pakpak.

"Tony!!!"

Sa mas malakas kong sigaw siya nagising at walang sinayang na oras na inutusan ang ibong magpatihulog. Ngunit ilang mahalagang segundo ang nawaldas namin. Nangamba akong huli na ang lahat.

Narinig kong tumawa ang Bakunawa. Nagpapakasasa sa takot at pagkawasak naming nadarama. Sinumpa ko ito nang taimtim.

Sinara ng bannog ang kanyang mga pakpak at pinusisyon ang katawan nito patusok para mabilis na bumagsak. Nahihilo nako sa bilis ngunit saking isipan ay kulang pa ito. May agwat pa ang bumabagsak na katawan ni Talas mula sa amin at mabilis ng na papalapit ang lupa.

Bilisan mo. Isang daang beses sa isang segundo kong inulit ang mga katagang iyan saking isipan. At tila umiipekto ito dahil kaunti nalang ay maabutan na namin siya.

Lima.. Apat. Tatlo. Talong dipa nalang ang layo kung kayat inabot ko na ang mga kamay ko para abutin siya.

Dalawang dipa.

May bumangga sa amin.

Isang wakwak ang sumalubong sa amin at bumangga sa bannog. Walang pinsala ngunit tumalsik kami palayo, umikot sa ere bago tuluyang nakahanap ang balansa at lumipad uli pababa.

At nakita ko kung paano lumagapak ang katawan ni Talas sa lupa.

Tumalbog. Gumulong. At huminto sa posisyon na hindi nararapat sa katawan ng tao.

Nanghina ako. Nawala lahat ng pakiramdam sa katawan. Nablanko ang isipan.

Hindi ko na namalayang nakalapag na kami ilang metro ang layo sa kanya.

Hindi na namalayang bumagsak ako at gumulong sa lupa.

Hindi ko na namalayang tumatakbo ako, nadapa, at gumapang papalapit sa kanya.

Hindi ko na namalayang sumisigaw ako ng walang salita.

Ang namamalayan ko lang ay ang duguan niyang mukhang nakaposisyon saking lugar. Ang mga patay niyang mata natagpuan ang sa akin.

Iyon ang huli kong nakita bago dinumog ng mga halimaw ang kanyang walang labang katawan. Pinagpipistahan

Nabasag ang mundo ko. Tulala at hindi makawala sa nakakahindik bangungot kong nasasaksihan. Bangungot na hindi ako magiging.

Gusto ko mang magsisi. Gusto ko mang baguhin ang nangyari. Ngunit huli na ang lahat...

Patay na ang Punong Cabeza ng Kanlungan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tila isang pagsabog ang naganap.

Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Nagtasikan ang mga halimaw. At sa  espasyong pinagtasikan nila ay may tumatayo. Isang batang tila umiilaw ng kulaw kahel. Umuusok ang duguang katawan. Ang mgga buto ay unti-unting bumabalit sa dating pwesto, mga sugat ay naghihilom.

Buhay si Talas.

Hindi ko alam kung papaano, at maging siya, sa kanyang ekspresyon bakas din ang pagtataka.

Ngunit buhay si Tala. Iyon lang ang mahalaga.

Bigla siyang napatingin sa likuran doon nalaman namin ang dahilan.

Nung sinabi kong nagtalsikan ang mga halimaw, hindi pala ito lubusang tama. May natira. Mag nakapwesto sa likuran ni Talas, naghihintay, nagbabantay. Ang makisig at matipunong katawan kumukutya sa mga halimaw na nakapalibut. Ang nanlilisik nitong mga mata ang pinapaikot sa buong paligid hanggang nagtagpo kami.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako.

Sinagot nya ito nang nakakayaniglupang hiyaw sa langit. Sa likuran nito sa marami pa ang sumabay sa kanyang sigaw.

Pumasok sa entablado ang Sarangay. At hindi ito nagiisa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top