KABANATA LXII -Katahimikan Bago ang Katapusan

"Nasabi nyo nang kung gaano ito kalaki kanina, pero hindi ko inaasahang ganyan. Higit ito sa inaakala ko."

"Hindi. Higit syang mas malaki kumpara noong nakaraang araw." Tugon ko kay Lam-ang

Ang higanteng katawang tila ahas ay bumalot sa isang bahagi ng kaparangan, pumapaimbulot sa pulang kalangitan na animo'y buhul-buhol na lubid na nais bigtiin ang dumudugong buwan. Halos dumoble ang laki magmula nung nakaarang ko itong nasilayan. Ang kilabot na nadarama ko'y tila kumalakat sa buo naming samahan. Iisa lamang ang nasa isipan.

Hindi namin ito kayang talunin.

Ang subukan ito'y tiyak na kamatayan.

Sinilip ko si Lam-ang at nakita ko ang isang ekspresyong hindi ko pa nakikita sa kaniya... Takot. Na madali niyang pinawi nang namataan niya akong nakamansid. Hinawakan nya ako sa balikat. Walang salitang binitawan upang patibayin ang aking loob. Marahil hindi rin nya ito mahanap sa sarili niya.

Ang katahimikang bumabalot sa aming kampo ay nakakahiwa, tila sapat na upang makapatay. Makapatay ng pag-asang tila baliw naming pinanghahawakan.

Walang kumikilos, lahat napako sa lupa,  maririnig mo ang paglagok ng laway ng ilan. Hindi ko sila masisi, sa unang pagigikita halos sa bakunawa ay halos maihi ako sa salawal. Ngayon pa kayang nakita nila ito sa mas malala nitong anyo.

Isang malakas na palakpak ang bumasag sa katahimikan at lahat kami'y napatingin sa pinanggalingan nito.

"Ayun na nga..." Ani Noli. "Dito na tayo mamatay."

Mas lalo pa kaming napatahimik. Hindi alam kung ano ang itutugon ang bigla siyang tumawa.

"Ang papangit ninyo tignan." Bungisngis nito. "Para kayong bulateng hindi matae. Kung nakikita niyo lang ang sarili ninyo."

Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Marahil nakakaramdam kayo ng takot, wag kayong magalala, parehas tayo. Takot ba akong mamatay? Oo. Takot mabawasan ng bahagi ng katawan? Oo. Takot na malamon nang buo ng higanteng ahas na iyo. Oo. Pero alam ninyo ang mas kinakatakot ko?" Lumingon siya sa tahimik niyang mamamansin. "Natatakot akong hindi ako ang taong makakapatay sa bakunawa."

Nagkaroon ito ng epekto sa mata ng mga tao.

"Ang karangalan na lumaban para sa inyo, ang ipagtanggol kayo laban sa manggugupo, sa kampon ng kasamaan na nais sumira sa ating pamilya, ang pagkakataong makaganti ako sa mga panahong nawalay ako sa ating tahanan, ang humarap sa imposibleng hamon at magwagi para sa inyo, iyon lang ang tangin nais ko."

"Ngunit tignan ninyo ako. Isa nalang akong balat ng kahapong nakalipas. Hindi na ako kasing lakas tulad nang dati. Hindi ko na kayo kayang ipaglaban."

May ilang bumoses ng kanilang alam na pinatahimik niya ng kanyang kamay.

"Alam kong alam ninyo ang katotohanan ng aking mga salita. Naisin ko man, sa aking kalagayan, hindi ko kayang talunin ang bakunawa. Dahil mahina na ako... Dahil ako'y magisa."

Tumingin siya nang may apoy sa mata.

"Ngunit hindi TAYO nagiisa. Narito tayong lahat, sama-sama. Sa panahong ito, walang Magdiwang, Magtagumpay, Walang-tinag, Magdalo at Magwagi. Iisa lamang ang tawag sa atin. Mga Napili. Mga Napiling tagapagtanggol ng Kanlungan laban manlulupig." Itunuro niya ang hanay ng mga kalaban. "At wala nang hihigit pang kaligayahan ang karangalan na ipagtangol ang ating lupain, ang ating mga kapatid hanggang sa kaduluhan."

"Hindi pa huli ang lahat, may panahon pa tayo. Hanggat hindi pa nakakaangat ang bakunawa sa kalangitan ng Kanlungan upang kainin ang buwan, may pagkakataon pa. Sa tulong ng ating mga bagong kasangga at mga sandatang handog nila, magbabago ang direksyong ng alon.Walang tayong nating kayang gawin kapag tayo ay sama-sama, kaya't sa pangkakataong ito tayo naman ang mangunguna, itangan ninyo ang inyong mga sandata and dalhin natin sa kanila ang gyerang hinahanap nila! Dahil tayo ang Kalungan, tayo ang mga Napili, at tayo ang magwawagi!"

At inagat nya sa kalangitan ang kanyang sandata, isang latigo, na kung tutuusin ay malamya kumpara sa kung espada ito pero sumabay parin ang madla kasabay ng hiyawan na pumunit saking eardrum. Ngunit kasabay noo'y napunit din ang belo ng takot na bumalot sa amin.

Sa gitna nito nakita kong tumingin sakin si Noli na parang nangungusap at tumango. Tumango rin ako bilang pagsanggayon. Kung saan? Aba hindi ko alam, tumango lang ako para di magmukhang tanga.

Kumilos ang lahat, kanya-kanyang kuha ng mga mga sandatang ipinapamahagi ng mga biringero, bago umalis nagmamadali umalis tungo sa kaukulang pwesto nila.

"Dapat matuto ka kahit konti sa pagiging pinuno sa batang iyon. Magaling syang magpalakas ng loob." Kumento ni Lam-ang.

"Hindi naman nababagay sakin ang maging pinuno."

"Masyado mong dinidiskredito ang sarili mo,  yan ang mas hindi bagay sa iyo."

Binatukan nya ako nang bahagya. Isang batok na walang intensyong manakit.

"Arekup, bakit mo ko binatukan?!"

"Ulupong! Hindi masakit ang batok ko sa iyo." Singhal nito tapos at pinagmasdan ako. "Pasensya kana."

"Wow, bago yan uh. Marunong ka palang magsorry." Gitla ko.

"Dahil ito ang nararapat. Ang iatang sa inyong kabataan ang malaking responsibilidad na ito ay masakit saking kalooban ngunit wala akong magagawa. Tutulungan namin kayo sa lahat nang aming makakaya ngunit ang pagkitil sa bakunawa ay hindi sa akin nakatakda."

"Sa tanan ng aking, marami na akong nagupong halimaw, marami sa kanila'y muntik ko nang ikamatay ngunit lahat sila'y natapos saking mga kamay sa huli. Ngunit ang isang yan... Naiiba ang isang iyan. Hindi ako kompyansang kahit sa rurok kabataan ko kaya ko itong talunin. Hindi dahil hindi sapat ang aking kakayahan, ngunit dahil hindi ito ang itinakda. Milo, Ininapasa ko na sa iyo ang aking sulo. Sundan mo ang iyong tadhana."

Bakit san ba sya pupunta? Di nalang ako hinintay para sabay na kami.

Humarap siya at sa aking pagkabigla, yumuko sa akin.

"L-lam-ang, wag kayong yumuko pakiusap, hindi nyo kailangang gawin yan."

"Nararapat lamang ito, bilang miyembro nang nakakatatanda sinserong akong humihingi at kapatawaran sa pagpatong ng napakalaking responsibilidad isang batang gaya mo."

Umiling ako.

"Ano kasi Lam-ang... Nasisilaw ako sa bumbunan nyo."

"Tarantado."

Inundayan niya ako ng sapak na aking sinalag, ngunit di ito dumating. Sa halip at marahan niyong dinikit ang kamao saking dibdib.

"Natataandaan mo pa ang una kong leksyon sa iyo?"

"Hinding-hindi ko ito malilimutan." Dahil wala ka naman halos tinuro.

'Wag kang mamamatay.' Nung una kinainisan ko ito dahil aminin na ating lahat, walang kwentang leksyon ito. Parang nung tinuruan ka ng music sa school pero di ka pinahawak ng instrumento, puro kumpas lang saka drawing ng nota. Ngunit habang dumadami ang pinagdadaanan namin na halos ikamatay namin, pinanghawakan ko ang leksyong ito. Isa itong paalala na magingat. Sa totoo lang ilang beses na ako nitong iniligtas.

Kinuha niya sa sukbitan sa likod ang kanyang sibat.

"Magaling magsalita si Noli." bigla nitong pasok. "Ngunit ang mabulaklak na salita'y kasing halaga lamang ng tinatagal ng halimuyak nito."

Tumango ako.

"...Naintindihan mo ba ako?"

Umiling ako. Hehehe.

"...Ibig sabihin walang halaga ang salitang di napaninindigan. Magandang pakinggan ang mga katagang 'walang imposible kung tayo sama-sama'. Ngunit ang realidad, wala tayong malinaw na paraan para talunin ang bakunawa. Ang magagawa lang natin sa ngayon ay magpunyagi hanggang sa kadulo-duluhan. Narito kami para sa inyo."

Matapos ang kanyang litanya tinahak niya ang daan papunta sa hukbo. Narito raw sya pero umalis naman. Bipolar amp.

"Milo!"

Lumapit sakin ang dalawang maganda kong kasamahan. Tangan ang mga sandatang kinuha nila mula sa mga taga-biringan.

"Tignan mo ito oh ang ganda."

Pinakita sa akin ni Tifa ang dala nitong mga palaso, ang katawan nito'y gawa sa pilak ngunit ang agaw atensyon ay ang ulo nitong nililok sa bughaw na diamante.

"Paano kaya nila ito ginawa? Kailangang mapagaralan ko ito para makagawa tayo nang sarili natin." ningning mata nitong sabi.

"Malamang sa Biringan lang matatagpuan ang materyales na ginamit dyan."

"Masyado kang nega. Paano mo natin malalaman kung di susubukan?"

Nagkibit-balikat ako. Kapag hindi ko rin naman siya mapipigilan kapag pagsasaliksik na ang pinaguusap.

"Ikaw Makie, isa lang kinuha mong punyal?"

"Isa lang ang kailangan ko."

Isinilid niya sa beltbag and bughaw na punyal, matapos nito at naglabas siya ng mga kutsilyong ibat iba ang wangis, ngunit lahat ay bughaw ang patalim.

"Whoa! Dumami yung kutsilyo. Hindi, yung bag mo ginaya nya yung nilagay mong kutsilyo?"

"Kinukuha nito ang katangian ng inilalagay ko rito. Nilagyan ko ito ng ginto dati, kung kaya lahat ng kutsilyo ko ay ginto."

"Kapag nilagyan ko ba ng mayonaise yan anong mangyayari."

"Sasaksakin kita hanggang tumae ka ng mayonaise, ayun yung mangyayari"

You're so sweet Makie.

"Pwede ko bang mahiram saglit yan, for science." Ani Tifa.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"Kahit uli't ulitin mokong tanungin, hindi parin ang sagot."

"Ang damot mo, kala ko ba ang mga diwata mga galante, pahiram lang saglit ayaw pa."

Sasagot sana si Makie ngunit hindi nya ito itinuloy, kumunot ang noo't tila nagiisip nang malalim.

"Pagiisipan ko." marahan nitong tugon.

Nagitla kami sa kanyang tinuran. Hindi makapaniwala na papayag siya na ipahiram ang kanyang mahiwagang bag na importante sa kanya.

"Totoo ba itong naririnig ko? Papayag ka? Lumalambot na ang batong diwata? Friends na ba tayo ngayon?"

"Kilabutan ka sa sinasabi mo langaw, di tayo magkaibigan..." Nagkrus ito nang braso.  "Pero di ko maitatanggi na may silbi kayo sakin. Wag mo lang aking inisin baka magbago isip ko."

"Yes maam!" Sumaludo si Tifa.

Ngumiti ako nang palihim. May silbi kami sa kanya. Sa mata ng ibang tao mukha itong impertenenteng(woo hirap iispell) sabihin. Pero para sa nakakakilala sa kanya, isa na itong malaking papuri. Kung kaya narin siguro ganun ang tugon ni Tifa. Maaaring lagi silang nagkakainitan ngunit pakiramdam ko nakakaroon sila ng tahimik na pagkakaunawaan. Hindi sila magkasundo ngunit hindi ibig sabihing magkaaway sila.

"Para saan pala yan?" Baling ko sa dalawang nakasukbit na tubong bughaw sa baywang nito.

"Para ito kay Jazz. Naisip naming kumuha narin ng sandata para sa kanya."

"Oo nga pala, nasaan nga pala yun, kanina ko pa siya hindi nakikita."

"May kailangan daw siyang puntahan sa kagubatan, sa may malaking puno. Hindi ko narin siya makontak magmula kanina." Sagot ni Tifa.

Tumango ako. Madalas nagpupunta si Jazz sa kagubatan sa di nya sinasabing dahilan. Kung ano pa man ito, importante ito sa kanya na nagawa niya ng puntahan sa kabila ng panganib. Datapwat alam namin ang kakayahan ni Jazz na ipagtanggol ang sarili niya, may bakas ng pagaalala ang aming mukha.

Kinatok ko ang kahoy saking PuSi, sumunod ang dalawa.

"Kayong dalawa." ani Makie habang nakatitig sa bakunawa. Ang malapulang liwanag ng buwan ang nagpapalalim ng kuno sa kanyang mukha. "Kapag natapos ang lahat ng ito, at kapag nabuhay kayo. Sisingilin ko ang kabayaran ng lahat ng pagtulong ko sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko pa maaaring sabihin sa ngayon, ngunit may kailangan akong gawin na mas mapapadali kapag hindi ako nagiisa."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang marangal na diwata'y humihingi ng tulong sa amin sa paraang hindi niya ito hinihingi. Its your time to shine Milo. White Knight mode activated.

"Manghihingi ka ng tulong tapos ayaw mong sabihin kung para saan? Sabihin mo muna bago kami sumama baka networking lang yan."

Wag mong sirain yung moment Tifa. Melodramatic na nga eh.

"Sasabihin ko kapag natapos na ang lahat.. Natural para masabi sa inyo kung ano ito, kailangang siguraduhin ninyo makakabalik kayo nang buo at buhay."

"Paano si Milo, kulang-kulang. Arekup!" Pinitik ko sa tenga si Tifa.

Ibig sabihin gusto niya kaming mabuhay. Wag ka magalala Makie, gusto rin namin yun.

Bumuntong hininga si Tifa.

"Napaka-awkward mo minsan. Nawalan ako ng ganang kumontra sa iyo." Napakamot ito ng ulo. O ng bonnet. Muntanga lang. "Pero sangayon ako, sa ngayon ito muna ang problema natin." Baling niya sa Bakunawa. "Mahihirapan tayong patayin yan."

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi ang cute nya. Ikaw ba kaya mong pumatay ng tuta?"

"Una sa lahat hindi yan cute. Pangalawa, kung ang tuta kaya akong lamunin nang buo, baka kayanin ko."

"Pero seryoso paano natin tatalunin yan? Kung nung nakaraan natin itong nakaharap ang nagawa lang natin lumikas. Mas lalo pa ngayon, na dumating siyang higit pang mas malaki. Sa isang wagaswas ng buntot nito, dadaan satin ang malalagas." Ismid na ani ng diwata.

Para maintindihan ninyo, kung dati maihahalintulad sa tren ang laki lapad nito, kasing lapad na ito ng maliit na tore. Malaki oo pero... May mali akong nararamdaman ngunit diko mawari. May nasa likod ng aking isipan na bumubulong sakin ngunit hindi ko marinig ang mga kataga.

"Sa laki rin nito, kahit gamit ang sandata ng Biringan, parang karayom lamang itong tutusok sa kanya. Wala akong nakikitang paraan para talunin siya." Ani ni Tifa.

"...Meron akong plano."

Napalingon sila sakin. At ibinahabi ko ang aking naisip. Ilang segundo silang napaisip, tinitimbang ang aking mga nilahad.

"Isang kabaliwan yang naisip mo..." Tugon ni Tifa matapos ang ilang sandali. "I like it!."

"Pwede pero isa itong mapanganib na sugal. Sigurado ka ba sa planong yan?" ani ng diwata.

"Sa lagay natin ngayon, gawin ko man o hindi malaki ang tyansang ito na ang katapusan natin. Mas mabuti pang gawin na natin ang lahat ng ating makakaya, nang sa ganun wala tayong pagsisisihan."

"May punto ka. Pero paano natin isasagawa ang planong iyan?"

"Ang una nating dapat gawin ay makalapit sa bakunawa. Kung makakalipad tayo sakay ng mga alaga ni Tony mas mapapadali kaso..." tumingin ako sa langit.

"Oo... Magiging problema iyan."

Sa kalangitan sa panig ng Bakunawa ay may namumuong ulap. Hindi ordinaryong ulap ng gumagawa ng bagyo ngunit ulap ng binubuo ng iba't ibang aswang at maligno. Tila sila libu libong insektong may hatid na delubyo sa sakahan.

Sa sasamaang palad, hindi sila nadamay sa pagararong ginawa ni Apolaki. At tila ata nadaragdagan pa ang kanilang bilang.

Napa-ehem si Tifa.

"Ako nang bahala sa mga iyun. Kaya kong gumawa ng daan sa kalangitan ngunit bigyan ninyo ako ng kaunting oras."

"Anong gagawin mo?"

"Sabihin na nating may hinanda kaming secret weapon." kumindat si Tifa.

Napangiti ako pero sa loob ko 'kaming?'. Parang gusto ko rin ng secret weapon laba sa kasama niya.

"Habang wala pa ang 'secret weapon' na yan patuloy kaming lulusob sa kanila upang bawasan ang kanilang bilang tama ba?" tanong ni Makie.

"Oo, kung mas makakalapit sa Bakunawa, mas maganda. Ako naring bahala makipag sa komunikasyon para koordinado ang lahat. Sa mga huling detalye at hindi inaasahang kaganapan gawin nyo na ang sa tingin nyong nararapat gawin para umusad ang plano."

Saglit kaming natahimik biglang pagsangayon.

"Milo." Basag ni Tifa sa katahimikan. "Hindi kita pipigilan sa plano, dahil alam kong hindi ka magpapapigil, pero isa lang ang hihilingin ko... Bumalik ka ng buhay sa akin."

Marahan akong tumango para di lumabas ang kilig sa ilong. Isa lang din ang hinihiling ko, sana pigilan nya ako. Pero Im a big boy now, di ko pinahalatang gusto ko nalang umuwing luhuan at kumain ng ice cream sa kama.

"Ganun din ang hiling ko sayo... Makie." mahinang sabi ni Tifa.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"...Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo." lumihis ito ng tingin. "Pero salamat."

Mahinang bulong nito sa hangin. Pero dahil sa amin ito papunta, narinig namin ito. Isang gabutil na ngiti ang gumuhit aa mukha ni Tifa. Datapwa't aliit, maramot, halos hindi makita, isa itong tunay na ngiti.

Ginulo ko ang bonnet niya.

"Wag kang mag-alala walang mangyayari sa aming masama, kami pa ba? Sa lahat ng pinagdaanan natin? Kahit ano pamang ibato satin, hindi tayo patitinag. Maghintay ka lang rito sa Tanggulan at babalik kaming lahat na para lang kaming namasyal sa mall."

"Siguraduhin mo lang." ngiti nito.

"Oo naman."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isa lamang itong simpleng plano. At sa simula umaayon ang lahat ng kaganapan. Napuno ako ng pag-asa. Pag-asang hindi inaasang magkakaroon ako. Pag-asang matutupad ko ang aking mga salita.

Hanggang nangyari ang di inaasahan.

Sa sarili kong mga mata aking nasaksihan...





Ang pagpanaw ng isa saking mga kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top