KABANATA LVII: Unang bugso
Nasa huli ang pagsisisi. Ilang beses mo nang narinig yan. At ilang beses mo narin yang napatunayan. 'Sana nagdala ako ng payong.' 'Sana binili ko na yun bago naubos.' 'Sana nilagawan ko sya.' 'Sana sinagot ko siya.' 'Sana hindi ako umutot nang palihim para mantrip. Taena, may tae na. *inner cry*'
Kung nakarelate ka man sa mga yan lalo na sa panghuli, wag ka magalala hindi kita huhusgahan. Dahil ganyan din ang nangyari sa akin... Ibig kong sabihin yung sa parteng nasa huli ang pagsisi, hindi run sa utotae.
Alam kong may mali. May nakalimutan akong importante, hindi ko lang mahagilap sa utak ko. Parang may malamig na bakal saking sikmura na gumugulong, masama sa pakiramdam. Tila masamang pangitaing sinasabihan ako na hanapin ang ito kung hindi ay pagsisisihan ko nang lubos. Pero inakala ko lang na dala lang ito ng kabang dulot ng digmaan. Pinili ko itong isantabi.
Kung nakinig lang sana ako sa aking kutob.
"Wiw. Yan na yata yung pinaka madilim sa bagay na nakita ko." pagobserba ko sa grupo ng halimaw na dahil sa suot na itim na baluti nagmukhang itim na ulap sa lupa.
"Magbabago yang pananaw mo kapag nalaman mo ang iyong hinaharap."
Tinignan ko nang masama si Lam-ang. "Anong gusto mong sabihin?"
"Wala naman. Bueno, oras na para magtrabaho. Ayaw naman natin silang paghintayin diba?"
Tumingin kami sa isa't isa't tumango. Iyon lang at naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Sumakay si Tony sa nakaparadang bannog at tinungo ang kalangitan kung saan naroon ang iba niyang kagrupo. Si Kiko ay nagtungo sa bahagi ng kampo kung saan naroon ang mga armas at makinaryang pandepensa. Humagibis si Bangis, sa buntot si Batong upang puntahan ang tropa sa unahan at pangunahan ito. Ang matatanda maliban kay Lam-Ang ay pumunta sa ibat-ibang bahagi ng kampo para sa kung punan ang mga pangangailangan ng aming hukbo. Sa huli ang natira na lamang ay kaming apat, si Noli, Talas at Lam-Ang.
"Dapat siguro samahan ko narin sila Bangis. Kailangan nila ako run." sambit ni Noli na kinontra ni Talas.
"Hindi iyon magandang ideya. Dito ka lang."
"Bakit? Kailangan nila lahat ng tulong maibibigay natin!"
Tinadyakan nya ito sa alulod at nagtatalon ang binata sa sakit.
"Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Sabihin mo, kailan kaba huling natulog? Kumain nang maayos? Alam kong ayaw mong ipakita pero nanghihina ka pa. Kaunting tulak lang sa iyo tutumba kana. Mas makakatulong ka pa rito kung magpapahinga ka ay iipunin mo muna ang lakas mo."
"Pero..."
Hinawakan sya ni Jazz sa balikat. "Tama siya kaibigan. Mas kailangan mo ng pahinga higit sa anupaman. Atsaka sa nakita kong ipinamalas ni Bangis alam kong kakayanin nilang gampanan ang tungkulin nila."
Nagkamot ako ng pisngi at nagbigay ng suhesyon.
"Ako nalang ang pupunta sa puwesto mo, tutal ganun din naman, kailangan kong labanan sila para matutunan kong gamitin ang bertud diba."
"Hindi maari. Dito ka lang." sabay-sabay nilang sagot.
"Huh? Bakit hindi maari?"
Nagkamot ng ulo ang guro. "Hindi mo pa siguro naiintindihan nang maigi, pero alam mo ba kung sino ang susi ng pagkapanalo natin? Ikaw. Dahil ikaw lang ang makakapatay sa bakunawa gamit ang bertud. Kahit matalo natin ang lahat ng kalaban sa ating harapan, kung wala ka para sagupain ang bakunawa, mawawalan ng saysay lahat ng paghihirap natin."
"Pero hindi ko ring kakayaning makita silang magbuwis ng buhay na wala akong ginagawa."
Nagdilim ang kanyang mukha. "Pagusapan natin ang realidad Milo. Sa maikling panahon na namalagi ako rito marami na akong naging kaibigan. Lahat sila ay masiyahin, mababait, nagniningning ang ngiti at karamihan sa kanila ay mamamatay sa una at susunod pang bugso ng mga kalaban. Alam nila iyon. Alam nating lahat yun. Pero hindi maaaring kasama mamatay sa simula pa lang ng laban. Kailangan mong mabuhay hanggang dulo at gagawin namin ang lahat para mangyari yun kaya mananatili ka rito."
"Sa labanan ito hindi importante kung magaling ka, kundi kung may matitira kang lakas hanggang sa dulo ng laban." dagdag ng diwata.
"Pero anong gagawin ko? Papanoorin ko lang silang mamatay?"
"Ang trabaho mo ngayon ay maghintay. Lulusong din tayo sa laban, pero hindi pa ngayon. Maghihintay tayo ng tamang panahon."
Natahimik kami. Alam kong totoo ang sinasabi nila ngunit hindi ito kadaling tanggapin. Naramdaman kong pinisil ni Tifa ang aking kamay para pakalmahin ako. Gumana ngunit hindi pa ito sapat. Mas epektib ata kapag yakap.
Binasag ni Noli ang katahimikan.
"Gayunpaman hindi ako mapapakali kung walang mamumuno sa ating hukbo. Wag nyong masamain, naniniwala ako sa kakayahan ni Bagwis, wala nang hihigit pa sa kanya sa atin sa palakasan pero sa usapin ng pamumuno... Sabihin na nating nawawala ang kanyang atensyon sa kanyang kapaligiran kapag nasa estado na sya ng pagkasabik sa dugo. Kailangang may mamuno sa hukbo kapag nangyari yun."
"Ako na ang pupunta."
"Hindi pwede Talas." tutol ng excab. "Hindi mo kakayanin, masyado ka pang bata para sumabak sa digmaan."
Umismid si Talas.
"Oo bata pa ako. Ang pinakabatang Punong Cabeza ng Kanlungan. At bilang Punong Cabeza responsibilidad ko ang tumayo sa harapan ng aking pinamumunuan. At nagkamali ka sa sinabi mo, hindi ako pupunta run para sumabak sa digmaan." tinuro nya ang magiging lugar ng bakbakan. "Pupunta ako run para manalo."
Nanlaki ang mata ni Noli. "Anong nangyari sayo? Nasaan na ang iyaking Talas na kilala ko?"
Ngumiti na bata at sumulyap sa amin. "Tiwala. Iyon ang nangyari sakin. Nagkaroon ako ng mga kaibigang nagtiwala saking kakayahan kaya natutunan kong magtiwala sa sarili ko."
Hindi rin naming maiwasang ngumiti sa sinabi niya. Niyakap pa nga sya si Tifa sa tuwa. Ako naman next.
"Maganda ang tinuran mo iha, pero ang tanong sino ang mamumuno sa mga mamamana? Ikaw ang pinuno ng pangkat na iyon tama?" tanong ni Lam-ang na sinagot ng nakayakap na di Tifa.
"Sa palagay ko ako nang makatulong dyan. Hindi ako magaling na mamamana pero kung pagkalkula ng angulo at distansya ang paguusapan, ako ng tamang tao para dyan. Magagaling naman lahat ng mamamana ng Kanlungan, kailangan lang ng direksyon."
"Sigurado ka? Malaking tulong iyon!"
Tumakas siya sa yakap ni Tifa at lumapit sa akin. Inilabas niya ang kanyang kamay.
"Ano yan?" tanong ko.
"Ang bato?"
Para akong nahulog sa bangin.
"???"
"Ang bato ko akin na!"
"AHHH ang ba..to... Umm bakit kinukuha mo, hindi ba akin na yun?"
"Hindi uh! Sabi ko ibalik mo sakin kapag nakabalik kana, nandito kana kay isoli mo na sa akin. Paborito kong bato yun." pinanliitan nya ako ng mata. "Wag mong sabihin naiwala mo dahil pinambato mo sa ipis dahil natakot ka?"
Sapul! May cctv footage ba nung ginawa ko iyon?
"Wag kang magalala, hindi ko sasabihin. Haha."
"Ano?!"
"Ibig kong sabihin naiwan ko sa bag. Hindi ko naiwala, nakatago lang. Importante yun kaya inaalagaan ko nang puno ng kalinga."
"Asaan yung bag?"
"Ayun yung nawala."
Tinadyakan nya ako sa alulod at habang nagtatatalon ako sa sakit may dinukot sya sa bulsa ko't kanya ring ibinulsa.
"Akin na ito ha. Kukunin ko ito pamalit nung bato ko. Pampaswerte."
"Hoy ano yang kinuha mo?!"
"Hindi ko alam, wag kang maglala iingatan ko itong mabuti. Hindi gaya mo." binelatan nya ako.
Hinalungkat ko ang aking bulsa ngunit hindi ko alam kung anong kinuha nya kaya hinayaan ko nalang.
"Tiyakin mo lang na isosoli mo sa akin yan mamaya!"
"Syempre. Kapag nagdidiwang na tayo sating tagumpay."
Iyon lang at tumakbo na siya sa direksyon ng hukbo sa unahan. Lihim akong natawa sa bata. Saglit lang kaming nawala ngunit malaki ang pinagbago niya, naguumapaw sa kumpiyansang nararapat sa taong nasa tungkulin niya. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang posisyon.
Umubo si Tifa. "Paano guys, ako naman ang aalis. Kailangan nako run, wish me luck."
"Tifa..."
"Nope. walang dramahan. Walang maggogoodbye, magkikita pa naman tayo mamaya eh." pigil nya sa akin. "Galingan mo mamaya lumaban vivideohan ko kayo, para magviral tayo sa facebook."
Nagngitian kami bago siya bumuntong hininga muna siya habang naglakad palayo.
"Ano nang gagawin natin ngayon." tanong ko nung makalayo siya.
"Ang pinakamahirap na trabaho sa buong mundo." nagkrus ng braso and diwata. "Ang maghintay."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kagaya ito ng isang tsunami. Isang malawak at itim na alon ng mga halimaw, lumulusob sa dagat ng kaparangan tungo saming pangpang. Ramdam mo ang kuryente sa hangin at pagnginig ng lupa dulot ng daang libong yabag ng mga paa. Kung titignan sa malayo parang mabagal ito ngunit paparating sila na nakakalarmang bilis. At ang hiyaw na maririnig mo mula sa lalamunan ng ibat ibang nilalang ay hindi ko malilimutan habambuhay. Halos tiyak na ang aming wakas.
Hanggang sa nangyari iyon.
Wala sa kalahati ng kaparangan umipekto ang unang patibong ng Walang-tinag. Ang lupang kanilang tinatapakan ay biglang naglaho. Nasa 43.6 metro ang lapad at nasa 5.6729 kilometrong haba ng lupa ang bigla nalang nawala. Nalaman ko kinalaunan na gawa ito sa tabla na bubukas kapag nataungan nang sapat na bigat at tinamnan ng damo upang di makita. Ang lalim nito ay halos 70 talampakan, sapat na upang ikasawi ng mahuhulog rito.
But wait, there's more!
Dyaran! Ang ilalim nito ay puno ng matutulis na bato na aabot hanggang sa dalawang katao ang taas. Kung ang mahuhulog ay sasadlak sa tinatawag kong reverse pisbol effect. Matutusok ang isa at madadaganan ng susunod hanggang parang live action movie ng tusukan ng pisbol ang naganap.
At iyon nga ang nangyari. Daan-daan ang nahulog sa kanilang kamatayan at dahil hindi mapigilan ang kanilang martya huli na para makahinto ang iba, natutulak ng pagusad ng libo sa kanilang likuran. Sa ilang segundo nagdiwang kami sa payak na tagumpay hanggang sa napuno ang hukay ng bangkay at nagsilbing itong daanan ng hukbo ng kalaban. Kung may buhay pa sa mga nahulog, nadurog na ang kanilang buhay sa bigat ng libong umaapak sa kanila.
Nakalampas sila sa unang patibong na tila hindi nagambala ng saglit na pagkaantala.
Walang nagbago. Patuloy parin sila sa paglusob. Di yata'y patak lamang ang nabawas sa kanilang hanay.
SWwoossh. Ang piping sambit ng libong patusok na kawayang umahon sa lupa Maririnig ang nakangingilong paghalik nito sa baluti ng mga maswerte kalaban. Ang mga hindi pinalad ay nagmistulang buhay na kamoteque na natuhog mula sa kanilang... Eniways, mahilig ako sa bananaque pero sa nakita ko ilang buwan akong naduduwal kapag nakakita ng bananaque na parang binatilyang naglilihi. Daan-daan ang namatay sa pagkatuhog, nakataas nang ilang dipa parang talahiban na namumunga ng katawan.
Ilang minutong natigil sa pagmartya ang kalaban sa hindi inaasahang bakod ng kawayan. Kung iyo'y ordinaryong kawayan lamang, hindi nila ito poproblemahin, isang tagpas ng matalim na kuko at itoy mabubuwal na. Ngunit ang mga ito'y aserong kayawan, ang isa sa pinakamatibay na kahoy sa mundo. Mas matibay sa narra, diamante at sumpaan ng magsingirog na hayskul sa ilalim ng puno ng saging na senyorita. Hindi ito basta-basta masisira.
Binunot ito ng mga higante na parang istik ng hotdog at marshmallow na natusok sa semi-bulok na repolyo sa bday party. Tapos itadakimasu kinain nila ang mga ito. Exotic eh, kinain yung kakampi, barbecued friends o tinuhog na kaibigan. Parang mali. Eniways di muna ako aattend bday party kahit imbitahan ninyo ako.
Marami pang umaatikabong patibong ang umusbong sa kanilang pagsulong. May mga kumunoy na nilubugan ng ilan, mga baging gumapang, lumingkis at dumurog sa iba, bumukal ang lupa at nagpaulan ng asido, dekuryenteng damuhan, daanang sumasara na parang libro atbp. Naghintay ako na may sumabog na landmine ngunit hindi ito nangyari. Mas higit pa ang nangyari sa inaasahan ko.
Move over C4, welcome...(drumroll please) TUMBONGBA! Bomba ito na gawa sa tumbo-- err, sa dumi ng iba't ibang maligno't halaman na kapag sumabog ay naglalabas ng amoy na literal na nakamamatay sa baho, no offense kay Bon Jovi. Yung amoy na tutulo sa ilong mo yung mga pangarap mo sa buhay. At ang matindi pa nito hindi KABOOM ang tunog ng pagsabog kundi PFFFTTT! Parang pinigil ngunit nagrebeldeng utot. Akala mo umutot yung lupa tapos nagtalsikan yung mga halimaw na parang ano... basta yun. Ang saya lang. Kausapin ko nga si Tony minsan para ipapatent yun.
Epektibo ang lahat ng patibong, di matatawaran ang balangay ni Tony sa kanilang paghahanda. Libo na ang bumagsak at patuloy pang bumabagsak. Ngunit iyon ay tuldok lamang ng yeso(chalk) sa gilid ng pisara. Sa bawat isang tumutumba dalawa ang pumapalit. Mumabagal ngunit hindi humihinto ang brusko ngunit tiyak nilang pamartya. Hindi matanaw ang hangganan ng along itim. At sa pagdaloy ng mala-oras na mga minuto narating na nila ang kalahati ng kaparangan.
Kung saan wala nang natitirang patibong.
"Nararamdaman ko na sa lupa ang mga yabag nila, masyado na silang malapit." Kumento ni Jazz na nuo'y nagkakalkal ng lupa dahil sa kaba. O baka nanghuhuli ng bulate.
Ngunit hindi ko maitatangging tama ang kanyang tinuran. Naririnig ko rin ang malayong mala-haginit(buzz) ng bubuyog, sigaw ng mga kalabang gutom sa pagpasakit. Kung sa aking kinatatayuan tumatayo na ang aking balahibo, paano pa kaya puwesto nila Bangis? Ngunit kung kinakabahan man, hindi nila ito ipinapakita. Bawat isa sa mga sundalo ay kalmadong nakatayo, pinagmamasdan ang pagsulong ng kalaban. Naghihintay.
Saan?
"Anumang sandali..." Sambit ni Noli, ang mata'y nagniningning sa halong kaba't pananabik. "Ngayon na!"
Halos kasabay ng pagsambit ni Noli tumunog ang tambuli(horn). Dumilim ang kalangitan sa nagliparan ang daang-daang palasong na nagmula sa amin. Nagmistulang ulap na tumakip sa kalangitan at mga bubuyog na papalapit sa kanila mga biktima. Pero anong magagawa ng daan-daang palaso sa daan libong kalaban? Kung ordinaryo lamang itong palaso, na nagmula sa ordinaryong manunudla, sasangayon ako. Ngunit malayo ito sa ordinaryo. Ang ulo ng mga palaso ay gawa sa tibo(stinger) ng mga higanteng putakting bulag na may kakayahang manusok nang di umaasa sa pangingin, ang resulta walang ni isa sa mga palaso ang magmimintis. Hahabulin nito ang kalaban hanggang sa tumama ito o masalag. At ang grupo ng manunudla ng Kanlungan ay mga dalubhasa. Kaya nilang magpakawala ng palaso kada dalawa-tatlong segundo. Sa isang minuto bawat isa'y makakapagpakawala ng 20-30 palaso, paramihin mo sa daan-daang manunudla, at ang kalalabasan ay daanlibong palasong laging tatama sa kalaban.
Para kang rumenta ng dalawampung trak ng Legolas.
Pero hindi kasing taas ng kalidad ng kagandahan ng katawang lupa.
Eniways, ang epekto nito ay kakilakilabot. Ang unang daluhong nito ay nagresulta ng delubyo. Nagbagsakan ang mga katawang tinamaan ng patak ng kamatayan na parang panamin na dinaanan ng salot. Ang unahan ay nahinto, ang mga bangkay ay naging pader na harang sa kanilang kasunod. Parang makinaryang panlimbang(printer) na nahinto kalagitnaan. Tinangkang lagpasan ng kasunod ang harang ngunit sa kanilang paghakbang sinalubong sila ng ikalawang bugso ng palaso. Panibagong parte sa pader ng walangbuhay na katawan.
Naulit ito nang naulit. Ang panibagong hanay ay umaakyat sa tumaaas na pader at namamatay. May mangilan-ngilan na nakakalampas ngunit hindi nakakalayo. Ang pader ng katawan ay nagiging malaking dagok sa mga ito, gayunpaman may ilang higante hindi napigil nito. Binangga, inapaakan ang mga kasamahan, tanging nakikita lamang ang mga biktima sa kanilang harapan. At pumanaw sila sa palaso ng mga biktimang ito. Tila naging langka ang kanilang katawan sa dami ng palasong tumusok sa mga ito, bumagsak, gumulong at sumagasa sa kasamahan nito. Hindi ko mabilang kung ilang beses itong naulit. Tila walang katapusan. Umabot sa puntong nagalala ako sa bilang ng kumukunti nming munisyones(munisyones).
Hanggang sa tumigil ang kanilang pagsulong.
Marahil dahil sa takot o sa kagustuhang isalba ang sarili, hindi ko alam. Isa lang ang tiyak, huminto sila. Ngunit hindi ang mga kasamahan ko. Walang awang umulan ng palaso sa mga walang kalaban-labang kalabang lumalaban, laban sa amin(yeah).
Nagsimula sa isa. May umatras, tumakbo pabalik sa pinanggalingan. Iyon ang naging mitsa. Sunod ang kayang mga katabi at di nagtagal buong hukbo ay kumaripas sa pagtakas. Nanatili kaming nanonood, hindi makapaniwala sa nangyari.
"WOOOOAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!"
Naghiyawan ang buong Kanlungan. Nagyayakapan sa hindi tagumpay na nakamit. Gagaya sana ako kaso kaswal na nakalabas ang mga kutsilyo ni Makie at nakairap sakin sa tonong 'sige subukan mo'. Hindi pa iyon tapos, dehado parin kami, nasa panganib parin ang aming buhay't tahanan, aatake parin sila panigurado, ngunit mula sa imposible naming sitwasyon ang maliit na tagumpay na iyon ang sumiklab na pag-asang hinihiling lang namin sa hangin. Nabuhayan kami ng loob at tunay na pinaniwalang kaya naming lagpasan ang pasubok na iyon.
At iyon na ang simula ng aming paghiganti.
"Mga kasama ito na ang tamang pagkakataon! Napanghinaan na sila ng loob, pagkakataon na nating ipaalam sa kanilang dapat nila tayong katakutan!" Malakas na sigaw ni Noli. Lahat ng atensyon ay nasa kanya, hinihintay ang nais marinig. "SUGOD!"
Sa likod namin umiyak ang tambulin at sa harapan lumindol ng mga paa. Ang hukbong pinamumunuan nila Talas at Bagwis ay gumawa ng bagyo ng alikabok sa kanilang dinaraanan. Ang larawan ng daan-daang bata't mga elementong nagkaisa, armado ng nakamamatay na sandata't gulay ay nakakapangilabot. Nalasing ako sa kaligayahang lumulunod sa aking puso. Nananalo na kami.
Narinig kong tinawag ang pangalan ko. Parang sibat na tumagos sa ingay ng pagbubunyi. Tulad ng normal mong reaksyon na kapag narinig mo ang pangalan mo kahit napakahina at kahit maingay sa paligid mapapalingon ka nalang bigla. Hinanap ko ang pinagmulan nito at nakita ko sa kalayuan kumakaway sakin si Tifa. Nasa itaas siya ng isang kahoy na tore, iwinawagayway ang busog, nagyayabang sa kanyang tagumpay. Kinawayan ko siya at sinigaw ang aking pagbati.
Hanggang napansin ko ang pagkabahala sa kanyang mukha't kinililos.
Sumisigaw sya habang itinuturo ang lugar ng digmaan, lumingon ako. Umaatras parin ang kalaban habang kami'y lumulusob. Mabilis ang aming pwersa ngunit sa lawak ng kaparangan aabutin pa ng sampung minuto bago maabot pader ng mga bangkay na kalaban. Doon magsisimula ang tunay na labanan. Nasa ayos ang lahat, wala akong makitang dapat niyang ikabahala.
Dun ako binato ng realidad. Para akong binagsakan ng bulalakaw na gawa sa kumukulong bakal. Tumigil ang tibok ng puso ko, naligo ako sa malamig na pawis at parang naging gelatin ang akong mga binti. Muntik na akong tumumba, aa loob ko ginugulpi ko ang aking sarili saking katangahan. Doon ko natuklasan ang mali na hinahanap ko. Ngunit huli na nang malaman ko ito.
"Milo, ok ka lang? Nanlalata ka." nagaalalang tanong ni Jazz. "...Natatae kaba?"
".....bong." bulong ko.
"bong?... Makati tumbong mo? Kumain kaba ng mani?"
Sa puntong yun napansin narin ng iba ang pagkabalisa ko.
"Anong meron?" tanong ni Noli.
"Makati raw tumbong ni Milo eh, natatae ata. Maghukay ba ako ng lupa?"
"Lagi namang mukhang natatae yan eh, pero para panigurado mahukay ka narin." pasok ni Makie.
"Patibong!" sigaw ko. "Ang sabi ko patibong hindi tumbong! Anak ng magulang!"
Nakuha ko ang buong atensyon nila. Seryoso akong tinanong ni Lam-ang.
"Anong ibig mong sabihing patibong?"
"Tignan ninyo ang dami ng patay sa kalaban! Hindi ba kayo nagtataka? Hindi ito natural."
"Oh anong masama run, ibig sabihin lang nun ay malakas tayo at nanalo tayo laban sa kanila. Paano naman magiging patibong kung napatay natin sila? Ano yun nagpapanggap lang silang patay?... @&%β@##*!"
Napamura siya. Ganun din ang aking mga kasamahan nung naintindihan nila ang tinutukoy ko. Dahil sa bugso ng damdamin dulot ng kagalakan, nalimutan naming lahat ang isang simpleng bagay. Ang unang mali.
Kapag namamatay ang mga aswang/lamanglupa/elemento, nagiging alikabok ito.
At ang pader ng 'bangkay' ay tumataliwas sa katotohanang iyon. Ang totoo'y walang patay sa kanila. Lahat sila ay nagpapanggap lamang na patay upang lumakas ang aming loob, ang pagtakas nila ang isa ring palabas upang gawin namin ang gusto nilang mangyari. Ang lumusob kami sa kanila. At sa pagkakataong nakalapit ang amin pwersa, sa pagkakataong panatag ang aming loob sa huwad na katiwasayan, saka sila aatake. Aahon sa pekeng pader, papalibutan ang aking kasamahan, at isang karumaldumal na patayan ang magaganap. Hindi... Isang katayan.
"Paano nangyari ito? Nakita ko kung paano, nakita natin lahat, hindi ba? Kung paano sila natamaan ng palaso! Walang mabubuhay sa pag-atakeng iyon!"
"Ang baluti!" sagot ko. "Ang baluti ang dahilan kung bakit hindi sila napinsala ng husto. Mali ang ating na gawa ito na mahinang klase ng materyal. Ang sabi ko na nga ba pamilyar ito sa akin nung una ko itong nakita. Nakita na natin ito dati sa bahay nila Neskapre at Batibat!"
Ang ikalawang pagkakamali. Hindi namin kaagad nakilala ang itim na baluti gayong kamakailan lamang nakita namin ito. Ang itim na metal na gawa sa purong takot. Ang parehong metal na hindi man lang nagawan ng gasgas ng aking Bagwis. Doon namin nalaman kung para saan nila ginagamit ang sinumpang likidong itim. Kung bakit gumagawa sila nito nang bultuhan. Upang gawing baluti, bilang paghahanda sa paglusob sa amin.
Masyado kaming naging kampante sa mababang kalidad ng pagkakapanday na kung iisipin ngayon ay sinadya para sa kadahilanang iyon, kung kaya't hindi namin ito nakilala. Hindi. Sa loob-loob namin may kutob na kami pero dahil madali itong napinsala ni Bangis tumatak sa aming isipan na hindi ito katibayan.
Doon pumapasok ang ikatlong pagkakamali.
Si Bangis ang pinakamalakas sa kasaysayan ng mga Napili. Sa sobrang lakas nagawa nya mayupi ang hindi magasgasan ng Bagwis. Nalimutan naming hindi kami kasing lakas ni Bangis. Siya lang ang kayang gumawa nun. Isa iyong malaking dagok. Kung ang Bagwis kong ubod ng talas ay walang silbi, paano pa ang sandata ng iba kong kasamahan. Maliban na lamang kung tablan ito ng mga gulay, na malabon mangyari.
"Batingaw..." kalmadong bigkas ni Lam-ang. "Ikaw ang gumawa ng patibong na ito. Marumi ka maglaro... Magbabayad ka." pumapatak ang dugo sa nakatikom nyang palad. Tanging senyales ng galit na hindi mo maririnig sa kanyang boses.
Naririnig ko sa likod ng akin utak ang sikotikong halakhak ng batingaw. Nalinlang nya kami. Isang epektibo ngunit nakakarimarim na taktika upang tiyakin ang aming katapusan.
Ngunit hindi pa tapos ang lahat.
"Kailangan natin silang pigilan! Ihinto natin ang pagatake upang makaatras pa tayo't makagawa ng estratehiya para talunin sila! Kung hindi man natin sila mapigilan sa tamang oras kahit papano mabalaan natin sila sa patibong nang hindi sila matambangan! "Ang tambuli, patunugin ninyo!"
Umiling lang si Noli sa aking suhesyon.
"Ang senyas ng tambuli ay para lamang sa pagsugod, walang pagatras. Kapag pinatunog natin itong muli baka mas lalo pa nilang pagibayin ang pagatake."
"Asaan ba si ginoong Gil kung kailangan mo?!"
Kung naroon si GG(ginoong Gil) simpleng teleport lang sa harapan ng pwersa namin mapipigilan namin sila. Yun ay kung di kami masasagasaan. Ngunit kabilang din siya sa mga lumusob.
"Tsk! Wala nang ibang paraan, suportahan natin sila!"
Tumango ang mga kasamahan ko, naglabas ng mga sandata at tumumakbo para saklolohan ang aming kasama. Hinigit ni Lam-Ang ang braso ko.
"Hep! Saan ka pupunta!"
"Wag nyo kaming pigilan!" pagpiglas ko. "Hindi ko nalimutan ang napagusapan natin kanina. Pero iba na amg sitwasyon ngayon, nasa tiyak panganib sila at kaya namin silang iligtas. Hindi ako uupo lang rito para manood gayong kaya naming pigilan ang magyayari."
"Maghunos dili kayo! Gaya ninyo hindi rin ako makakapayag na mapahamak ang mga batang iyon nang walang laban. Ngunit hindi na natin sila maabutan. Huli na tayo."
"Kahit na!"
"Kayo na maysabing hindi tumatalab ang Balisword. Anong magagawa ninyo para tumulong? Wala! Madadamay lamang kayo sa mamatay! Sasayangin ninyo ang sakripisyo nila! Kung may paraan kayo para maabutan sila, sige humayo kayo at sasamahan ko kayo. Ngunit kung magiging pataba lang kayo ng lupa gagawin ko ang lahat kahit pigilan kayo, maging ang baliin ang mga binti ninyo!"
Nahinto kami. Alam naming tama ang kanyang sinabu. May limang minuto nalang bago sila umabot sa pader, at saming pwesto hindi na pagdating namin roon ay huli na. Ang mga kapatid namin, si Bangis, si Talas, ang kanilang walang buhay na katawan ang aming aabutan. Sa lahat ng dinaanan kong pagsubok, iyon ang hindi ko matatanggap. Kung sinunod ko lamang ang aking kutob at nagisip nang maayos maiiwasan sana namin iyon. Nasa huli ang pagsisisi. Kung maitatama ko lamang iyon. Ngunit isang milagro ang kakailanganin namin para mangyari iyon
Sa harap ng namamasa kong mata na nakatingin sa lupa, nangyari ang milagrong iyon.
Naalarma kami sa marahang pagyanig ng lupa. Hanggang sa nagkaroon ito ng bitak. Napaatras kami bago tuluyan itong gumuho. Isang pamilyar na mukha ang lumitaw mula rito.
"Kalaban! Lumayo kayo!"
"Sandali Lam-ang! Hindi iyan kalaban!" pagpigil ko.
"Pero isa yang wirwir, isang kampon ng kadiliman!"
"Alam ko, kilala ko ang wirwir yan! Sinisigarado ko sa iyong hindi sya kalaban!"
Sa butas na mula sa lupa ay nakalitaw ang ulo't labas ang dila ng mala-asong galising wirwir. Nung makita ako nito tumahol ito sa galak. Kung tahol mang maitatawag ito. Parang tunog agak(quack) kasi. Asong umaagak. Mali yung nainstall sa kayang sound effects.
Iyon ang wirwir na iniligtas namin sa pagiging ulam ni Betty Batibat.
"Ashford Fulbright anong ginagawa mo rito? Hinanap ba ako?" tawag ko rito.
Tinignan ako ng mga kasamahan ko, pero walang sinipag na magtanong. Oo, pinangalanan ko itong Ashford Fulbright. Magaling ako magpangalan ng pet. Malayo sa Tagpi, Muning, Brownie, Whitey ng iba dyan. Matagal ko nang gustong magkaroon ng alaga kung kaya iyon agad ang nasabit ko nung muli ko siyanv makita.
Umagak itong muli at lumapit saking kumakawag ang buntot. Tapos nahulog ang buntot nito. Pinulot kong muli at ikinabit sa kanya. Sana tama yung pinagpasakan ko.
"Bakit kapa nagpunta rito? Nakatakas kana diba? Mapanganib rito. Wag mokong dilaan, natatanggal dila mo." Gusto ko sana syang himasin sa ulo kaso hindi iyon ang tamang oras.
Umagak uli ito na parang may nais sabihin.
"Nagpunta raw sila rito para tulungam tayo, bilang ganti sa pagtulong natin sa kanya."
"Naiintindihan mo sya Jazz?"
Nagkibit balikat ito. "Umaagak sya, tumitilaok ako, may kaunting pagkakaiba pero para ganun na rin yun. Para syang manok na may tudlit(accent)."
So conyo pala sya.
"Sandali.'SILA'?"
Sa sandaling sinabi iyon ni Makie na parang pinagpraktisan, nagsilabasan ang iba pang wirwir sa hukay. Lahat sila doble ng laki ni Ashford Fulbright na mukhang pinakabata sa lahat. Higit sa singkwenta ang bilang nila. Umagak si Ashford Fulbright.
"Ang sabi nya sumakay daw tayo sa kanila't dadalhin nila tayo sa gusto nating puntahan."
Nabuhay ako ng loob. Ang dating imposible ay nagkaroon ng solusyon dahil sa pagtulong ko sa isang galising aso. Papaano pa kaya kung galising tao ang tinulungan ko? Nagpasalamat kami sa kanila at hindi na magdalawang isip na sumakay.
"Hindi ako sasakay! Kayo nalang kung gusto ninyo! Pero hindi ako hahawak sa mga galising yan!"
Nahurt yung mga wirwir. Tae, sensitive.
"Ang sakit mo magsalita binibini. Hindi sila galisin! Nabubulok lang ang mga katawan nila at naagnas, pero hindi sila ginagalis." Depensa ni Jazz na sumakay sa isa. Tapos kinain nya na parang mentos yung uod sa tenga nito.
"Kung gayun, ako rin sasama."
"Hindi Noli, maiiwan ka rito para pamunuan ang Kanlungan. Mas kailangan nila ang presensya mo rito."
Nagitla siya saking pagtanggi. Nais niyang tumuligsa ngunit sa huli'y tumango siya nang walang sabi. Tumango rin ako sa kanyang pangunawa't naupo sa isang malaking wirwir na tinawag kong Alastair Kingsley at tumingin kay Makie hangang sa napilitan siya. Napilitang syang tumayo sa isang wirwir na parang nagiiskateboard at nagkrus ng bisig. Hanggang dulo astig parin.
Sinakyan ni Lam-Ang ang pinakamalaking wirwir. "Pasunorin nyo ang ibang wirwir, kung kinakailangan isasakay natin sa kanila ang mga sugatan. Handa na ba kayo?" tumingin siya sa amin at kami'y tumango. "Larga!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top