KABANATA LVI - Konseho de Guerra

////ANUNSYO\\\\

Mangyari po lamang na paki-like ang opisyal na fb fanpage ng SMAAK. Pakihanap nalang ang katagang Si Milo at ang Kwaderno. Pakireview narin ng 5 stars para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Makikita nyo run ang mga inpormasyon ukol sa libro at mga eklusibong bagay na hindi ninyo makikita rito.

Ok balik na sa istorya.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Ngayong narito na ang lahat, simulan na natIn ang pagpupulong."

Nakaupo kaming kabataan sa harap ng isang pahihabang mesa habang ang Maestro Kwatro na nagsalita ay nasa dulo kasama ni Lam-ang GDP at Scoobydoo. Sa tapat namin ay nakahanda ang pagkaing na walang gumagalaw, maliban kay Jazz at Bangis. Sa kabilang dulo nakaupo si Noli katabi si Talas. Kung inaasahan ninyo ang isang maramdaming muling pagkikita sa pagitan nila, nagkakamali kayo. Nagkita sila at nagtanguhan at naupo sa kanyang puwesto. Nasa mukha ni Talas ang kasiyahan ngunit balot ng pangamba sa kasalukuyang kaganapan. Tanging bati lang ang aming pagpapalitan. May oras para maging emosyunan, ngunit hindi iyon ang oras na iyon.

Lihim akong nagpasalamat dahil dun. Baka hingin niya yung bato sa akin, wala akong maibigay.

Noong una si Talas ang nakaupo sa dulo bilang punong Cabeza, ngunit sa kanyang pagpipilit, at pagsangayon ng iba, si Noli ang naupo. At aamihin ko, sa kanyang postura, tila pinanganak siya para mamuno.

Ang kasama pa sa pagpupulong ay ang aming grupo maliban sa dalawang paslit na dinala ni Ines sa pagamutan para tulungan ang mga manggagamot, si Tony, Bangis at...

"Sandali." ani Noli. "Hindi pa tayo kumpleto, asan si Bon Jovi?"

Umiling si Maestro. "Hindi natin siya makakasama sa atin. Lumisan muna siya pansamantala."

Sa upuan niya ay nakaupo ang lalaking humuli samin nung dumating kami sa Kanlungan.

"Nagmarternity leave, ganun?" kunot-noo ong tanong.

"Hindi naman yata tama na aalis nalang siya ngayong nahaharap tayo sa labanan. Lalo pa't isa siyang Cabeza." Sabi ni Jazz sa pagitan ng pagkain ng hilaw na mais na nakalapag sa harap niya. At ang ibig kong sabihin sa pagkain, tinutuka niya ito na parang humeheadbang na umani ng kakaibang tingin sa kwarto.

"Iresponsable." bagot na bulalas ni Makie. Hindi ko alam kung si BJ tinutukoy nya o si Jazz na hinahabol ng kagat sa gitna yung mais na gumulong. "Pero wala akong pakialam. Wala namang pagbabago, nandito man siya o hindi."

"Lapastangan!" bilang duro nung lalaki. "Bawiin mo yang sinabi mo!"

"Oh sige edi akin na, ibalik mo sakin."

Hindi makapagsalita yung lalaki, hindi alam sasabihin. Pahiya wamport.

"Pagpasensyahan mo na ang dila ng kasama ko, ano... Umm..." napahawak ako sa bibig. "Ano nga uli pangalan ng minor character na ito?" tanong ko kay Tifa na katabi si Talas, hawak ang kamay sa ilalim ng mesa.

Tumayo ang lalaki at nagtaas-noo. "Ang ngalan ko ay Batong, kanang kamay ng Cabeza Bon Jovi at hahalili sa kanya habang hindi pa siya bumabalik."

"Saan siya nagpunta?" tanong ni Tifa.

"Walang nakakaalam unang ginang." Nasamid kami sa unang ginang. Psrang gustong manampal ni Tifa. "Ilang araw makalipas ng inyong panglisan, sa unang sulyap ng pagdating ng kalaban umalis siya upang maglabay. Batid nyang hindi kakayanin ng Kanlungan ang hukbo ng kalaban kung kaya't nakipagsalaran sya para maghanap ng paraan upang sugpuin sila. Isang liham ang kanyang iniwan para satin."

"ANOOO?!" gulantang na sigaw ni Jazz. Tinignan siya ni Batong. "Nagulat lang ako marunong sya magsulat."

Kahit namumula sa inis, inilapag niya ang isang liham. Kinuha ko ito at binasa ang kalahig manok na sulat. No offense Jazz.

"Maglalakbay muna ako, patungo sa kalawan. Upang habulin ko ang pangarap sa buhay. At susuungin ko itong kadiliman, makita ko lang ang liwanag ng katarungan."

".....umm parang narinig ko na ito."

"Tanga sulat yan, paano mo maririnig?" sagot niya sakin. Tumaas kilay ko hanggang stratosphere.

"Ibig kong sabihin pamilyar sakin."

"Guni-guni mo lang siguro. Hindi kaba nahabag? Isa itong makahabagdamdaming deklarasyon niya ng pagsasakripisyo upang tulungan ang Kanlungan. Isa syang huwarang bayani." pinunasan niya ang kumikislap niyang luha.

"Sumalangit nawa."

"Hindi pa sya patay!"

Sarkastikong natawa si Makie. "Si Bon Jovi, naghanap ng paraan bukod sa direktang pag-atake sa kalaban? Akala ko nakita ko na ang lahat."

"Si Cabeza Bj... Matapos ang nangyari sa DiWa at piging... May nagbago sa kanya." mahinang sabi ni Batong.

"Nagbago?"

"Mas naging, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Kalmado? Mas naging mahinahon siya. Sa tingin ko kaya rin siya lumisan ay may nais siyang patunayan sa sarili niya at sa Kanlungan."

"Patunayan na ano?"

Umiling ito. "...Hindi ko alam."

"Kilala ko si BJ, kahit mainitin at malaki ang ulo niya ang hangarin nya para sa Kanlungan ay dalisay. Tiyak kong ginagawa niya ang lahat upang tumulong sa sarili nyang paraan." paniniyak ni Noli.

"Dalisay man o hindi, ang pag-alis ng isang Cabeza nang walang pahintulot ay isa paring pagaabanduna sa katungkulan. Marapat na pagpatawan siya ng parusa sa iresponsable niyang gawain." ani Tony.

"Cabeza Tony!" biglang sigaw ni Talas.

"Bakit, totoo naman ah. Saka bakit pinoprotektahan mo siya, galit ka run diba? Dapat nga sangayon..."

Natahimik siya mahinang nagpaumanhin nang napansing nakatingin sa ibaba si Noli, tila napahiya. Kung mapaparusahan si BJ sa paglisan nang walang paalam, papaano pa si Noli? Ilang taon syang nawala dahil sa walang pahintulot niyang pagalis?

Pumalakpak si Lapu-lapu. "Ang usapin patungkol sa kaparusahan ay makakapaghintay ng ibang pagkakataon, sa ngayon asikasuhin muna natin ang mga suliranin na nasa ating harapan. Bilang panimula, nais ko munang marinig ng lahat ang ulat sa katatapos lamang na misyon ng pangkat ninyo. Maaari nyo bang ibahagi ito sa amin, Milo."

Tumango ako at nagsimulang ikwento ang naganap ng mga nakaraang araw, ang kaguluhan sa Kalookan, ang home visit kanila Neskapre, ang Bundok Napili, kamatayan ni Bonifacio, hanggang sa aming pagbabalik. Paminsan-minsan nagdadagdag ng mga importanteng detalyeng aking nakaligtaan ang mga kasama ko, gaya ng detalyadong diskripsyon ng iba't-ibang klase ng bulateng makikita mo sa magkakaibang lupain.

Nung nabanggit ang kinahinatnat ni Bonifacio, pinili kong hindi pansinin ang namamasang mata ng mga nakatatanda.

"Ang batang iyon..." may malungkot na ngiting bigkas ng Maestro. "Ni hindi man lamang humingi ng tulong sa atin."

"Simulat sapul hindi siya ang tipo na aasa sa iba upang lutasin ang problema. Sya ang tipo na hahawakan ito at dudurugin sa sarili nyang kamay." mahinang sabi ni GDP.

"Isa syang mabuting bata. At ehemplo ng isang tunay na Napili." ani Lam-ang

"Gabayan nawa siya ng Bathala sa kaluwalhatian."

Sa sinabi ni Lapu-lapu sandali kaming nagalay ng katahimikan.

Kumahol.. Err.. Umubo si Pilandok. "Ayon sa iyong tinuran, tama bang sabihing nasa iyo na ang tunay na kapangyarihan ng bertud?"

Tumango ako.

"Kaya mo na itong gamitin?" tanong ni Lapu-lapu.

"Kaya nyang umutot ng apoy maestro!" giliw na sagot ni Jazz. Napalingon sakin ang lahat. May halong pagkamangha at pandidiri sa mata.

"Isa yang... Mabuting balita. Ang bawat Pinili iba-iba ang paggamit sa kapangyarihan ng bertud. Mabuti at nahanap mo ang... nababagay sa iyo." pekeng ngumiti si Lapu-lapu.

Nagthumbsup si Lam-ang. "Nakakadiri. Pero astig. Wala pakong nakitang umuutot ng apoy. Aymprawdopyu." Sinungaling! Nangungutya ang ngiti nya eh.

"Uulitin kong sabihin, hindi ako umuutot ng apoy."

"Ganun ba?..." parang nalungkot na tugon ng karamihan. Bwisit.

Nilabas ko ang aking kamay. At sa pagkagulat ng lahat, may lumutang na apoy sa itaas ng aking palad.

"Sa ngayon ganito pa lamang ang kaya kong gawin. Kaya ko pang lakasan pero baka hindi ko kayaning kontrolin at ikasunog ng buong paligid. Para mapagsanayan ito nang lubusan kailangan ko pa ng panahon at... Jazz, pwede bang wag ka magluto ng mais sa apoy ko."

Nalungkot siya nang pinatay ko ang apoy.

"Panahon." ani Lapu-lapu. "Bagay na wala tayo ngayon. Naging Pinili rin ako at para makontrol ang kapangyarihan ng bertud noon ay inabot ako ng ilang taon. Hindi na tayo makakapaghintay nang ganoon katagal. Kung tatalunin natin ang Bakunawa, kailangan mo itong gamitin."

Kung ganun lang kadali ginawa ko na agad. Pero ilang beses ko itong sinubukan, may takot na pumipigil sakin. Masyado itong malakas na gusto akong lamunin, tila gusto nitong kainin ang lahat sa paligid ko. Tila may sarili itong buhay. At tila gusto nitong magwala.

"May isa pang paraan." pasok ni Lam-ang. "Kung kailangan mo ng pagsasanay, may libu-libo kalaban sa labas kang mapagsasanayan."

Napakurat ako. "Tama! Kailangan ko lang silang talunin para maglevel-up ako!"

"Anong lebel up?"

"Wala, wishful thinking lang ni Milo." tugon ni Tifa. Nagpatuloy uli si panot.

"Kung natatakot kang makapaminsala ng iba dahil sa kapangyarihan mo, pumili ka nalang ng pipinsalain mo. Marami nyan sa labas. Gamitin mo nang gamitin, tiyak kong matutunan mo rin ito ng tama."

"Papaano kung magkamali ako."

"Hahanap tayo ng ibang paraan, kaya nga tayo nagpupulong diba?"

"Maestro Lam-ang, tutal naman dati kayong Napili maari mo ba syang samahan?" tanong ni GDP. "Ako ang guro niya sa pakikipaglaban, ngunit pagdating sa bertud kulang ang aking kaalaman para turuan siya. Kayo lang ang makakapaggabay sa kanya."

"Wala akong nakikitang dahilan para hindi. Tutal naman, marami pa akong dapat ituro sa kanya bilang unang guro niya." Nguniti siya nang nakakatakot. Kinabahan ako bigla sa magiging leksyon namin.

"Humanap kayo ng pahanon mamaya pagkatapos ng pulong, ngayon dumako naman tayo sa ibang usapin. Tungkol sa mga kalaban, gusto kong malaman kung anong impormasyong nakalap natin sa kanila. Kiko?" tawag ni Maestro Kwatro kay binatang Nobita.

Tumango ito ay naglabas ng nirolyong mapa at nilapag ito sa lamesa. Gawa ito sa lumang papel na may mgs punit sa gilid. May mga dibuho ito mga puno, lawa, parang, buntok at ng isang maliit na bayan sa gawing kanan. Sa ibaba nito nakasulat ang katangang Tanggulan. Iyon ang mapa ng Kanlungan. Sa gilid nito ay may ginuhit na pindutan pabilog. Pinindot ito ni Kiko ay may lumitaw na gumagalaw na maliliit na pulang tuldok. Nagkumpulan ang mga ito sa kabuuan ng Tanggulan at gawing kaliwa nito. Kalat naman sa buong mapa ay may ilang bughaw na tuldok.

"Tignan ninyong lahat ito. Ipinapakita ng mapang ito ang kasalukuyang populasyon ng mga narito sa Kanlungan. Ginawa ko ito nung nakapasok kayo nang walang permiso sa Kanlungan. Naisip ko kasi, kung nangyari ito nang minsan, sinong makakapagsabi na hindi ito mangyayari uli? At ayun nga't tumama ang aking sapantaha." tinuro niya ang pulang bahagi. "Ang nakikita ninyong kulay pulang tinta na iyan ay tayong mga taga-Tanggulan, ang ilang kulay bughaw na tinta na nakakalat sa mapa ay mga residente ng Kanlungan na ayaw makisalamuha sa iba."

"Asaan yung mga kalaban?" tanong ni Noli.

"....Narito." huminga muna siya nang malalim bago nanginginig na pinindot muli ang buton.

Nanlambot ang tuhod ko. Walang mapagsalita at tibok lang ng aming puso ang maririnig mo sa kwarto. Halos kalahati ng mapa sa gawing kaliwa ay naging kulay itim. Ang mga kagubatan ay hindi na makita dahil natakpan ng itim na tinta.

Napahawi ng buhok si Kiko. "Huli ko itong nakita kanina, at sa sandaling panahon... Hindi ko inakala... Na aabot sa ganito."

"Ano ang bilang nila?" nanginginig na tanong ni Tony, tila takot malaman ang kasagutan.

"Ang konserbatibong bilang ay humigit-kumulang limampung libo."

Para kaming sinuntok sa dibdib. Tumagaktak ang pawis sa malamig na silid. Limangpung libo. Parang naririnig ko na sa paligid ang tawa ni Sitan.

"At may mga higante pa silang kasama." pagpapalakas loob ni Tifa.

"Nagpadala kami ng mga impormante. Sa kasamaang palad ang karamihan sa kanila'y hindi nakabalik." nababasag ang boses ngunit natigas na sabi ni Talas. "Ngunit sa kanilang sakripisyo ay mahalagang impormasyon ang naibahagi nila sa atin. Ayon sa dumating na ulat, nasa dalawangdaan lamang ang mga higante, dahil kakaunti talaga ang bilang nila sa mundo. Sangkapat(quarter) ng pwersa ay mga lumilipad, ang natitira ay mga panlupa. Kung isahan, kahit mga musmos sa Tagumpay kaya silang labanan. Ngunit ang ganito karami..." hindi na nya itunuloy. Namayani muli ang katahimikan.

Tumayo at hinampas ni minor character ang mesa.

"Papaano nakapasok ang ganito karaming kalaban sa Kanlungan?! Kahit kailan hindi pa tayo napapasok, tapos bigla nalang ganito karami?! Parang ang hirap paniwalaan. Kayo!" dinuro niya kami. "Kayo lang ang may kasalanan ng lahat ng ito! Pagkatapos nyong dumating sila naman ang sumunod! Wag nyong sabihin nagkataon lang iyon, kayo ang nagdala ng kalaban rito sa amin! Kayo ang may sala!"

"Oy ang OA ng reaksyon mo ha! Nagpapahaba ka lang ata ng screentime eh. Hindi kami ang may pakana nito!" sagot ko sabay kagat ng mais sa inis.

"Maupo ka Batong." mahinahong Utos ni Noli.

"Hindi ako mauupo hangga't hindi ninyo pinapalayas ang mga perwisyong iyan.

"Batong Bastos! Maupo ka!"

Lumabas sa ilong ko yung butil ng mais sa pagpigil ko ng tawa. Batong Bastos yung buong pangalan niya. Diko alam kung mas masakit ang ilong ko o ang kinabag kong tyan.

Naupo naman siya.

"Ayokong pinagsasalitaan mo nang masama ang mga taong nagligtas sa akin at nagsumikap nang husto para magbigay pag-asa sating matagal nang suliranin laban sa Organisasyon. Walang kapantay ang ginawa nilang sakripisyo para sa atin. Matuto kang gumalang."

Sa mabigat na pangaral ni Noli tumiklop ito. Hindi ko pa nakita ang ganoong pagkatao ni Excab. Kung tutuusin ang ipinapakita niyang paguugali at tulad na ng isang maestro. Kung kaya pala ganun na lang ang taas ng pagtingin ng mga Napili.

Pero paano nga ba sila nakapasok? Walang makapagsabi. Pero kung saan, si Pilandok ang nakasagot.

"Walang batayan ang pagduda mo sa kanila. Sakin tantya dito sila nangaling." tinuro nya ang isang bahagi ng mapa na maitim. "Hindi lang kita dahil madilim, pero may isang lumang tarangkahang hindi na ginagamit rito. Malayo ito mula sa dinaanan nila Milo papasok ng Kanlungan, hindi ito alam ng karamihan sa residente mas lalo na sila. Walang paraan para malaman nila ang tungkol dito."

"Ang katanungan ay kung paano nila nalaman ang danang ito." pahayag ni Tifa.

"Importante pa ba iyon? Nandito na sila, hindi natin mababaliktad iyon. Kung may pagtatalunan tayo, yun ay kung paano natin sila susugpuin. HAHAHA"

"Tama ang tinuran mo Cabeza Bangis," sangayon ni Lapu-lapu. "Inaasahan na naming matutuklasan ng Organisasyon ang lokasyan ng Kanlungan magmula pa lamang nang itayo namin ito. Isa milagro na tumagal nang ganito bago nila tayo natagpuan. Pero isa itong magandang pagkakataon dahil ngayon ay mas handa na tayong depensahan ang ating tahanan"

"Pero limampung libo? Paano natin tatalunin yun? Teka ilan ba ang pwersa natin." tanong ni Tifa nagdadisect ng mangga.

"Kung isasama natin mga kaibigan nating lamanglupa, mahigit dalawang libo tayong kayang lumaban." sagot ni Talas.

"Limampung libo laban sa dalawang libo? Close fight uh. Kada ida sa atin kinakailangang tumalo ng tig250. Natatawa nalang ako sa pagkabahala." hindi nya tumatawang sagot.

"Gawin mong 300 yung sakin para mas madali." sagot ni Jazz.

"Kung ganyan lang din pala, gawin mo nang 500 yung sakin. Dagdag mo narin yung mga higante! HAHAHA!"

Tumaas ang kilay ni Jazz sa sinabi ni Bangis. "750 na sakin."

"1000 sakin!"

"Mga iho, ano tingin nyo rito isang laro?" pagalit ni Lam-ang na kinatahimik nila. "Gawin mong 2000 yung sakin ha, kailangan kong magpapayat." isa kapa panotskie.

"Pwede ba tayong humingi ng tulong sa mga Napili sa labas? Yung mga dating residente ng Kanlungan?" tanong ni Tifa.

Tama iyon, kung mahihingi namin ang tulong nila, mas mapapagaan ang aming dalahin.

Umiling si Pilandok. "Pinadalhan ko na sila ng mensahe, napost narin ako sa pwitter ngunit wala pang tugon mula sa kanila. Mukhang may sumira sa linya ng ating komunikasyon. Sa kasamaang palad mukhang wala tayong aasahang tulong mula sa iba."

Di ko na tinanong kung ano yung pwitter.

"Masyadong maaga para sabihin iyan."

"Anong oras po ba dapat?"

Parang gusto akong batukan sa ngala-ngala ni GDP, buti di abot.

"May mga kaibigan ako. Hindi, mali yun. May mga kilala ako na pwedeng hingan ng tulong. Nagpadala ako ng mensahero para makipagnegosasyon sa kanila upang paglaanan tayo ng kanilang mga tauhan."

Kumunot noo ni Makie. "Negosasyon? Anong ibig ninyong sabihin?"

"Sabihin na nating hindi sila mahilig makipaghalu-bilo sa ibang lahi lalo na kapag sa tingin nila mabababang-uri ang mga ito at wala silang pakinabang sa kanila."

"At sino naman sila?" tanong ni Noli.

"Mga engkantado ng Biringan(*1)"

Hinampas ni Lam-Ang ang mesa. "Ayun ang sinasabi ko! Kung tutulungan nila tayo wala na tayong poproblemahin pa, paniguradong ipapanalo natin ang labanang ito!"

"Napakagandang balita nyan! Kahit papaano makakahinga na tayo nang maluwag" pahayag ni Milo.

Gumaan pakiramdam sa paligid at gumuguhit ang ngiti sa mga labi, tila nabunutan sila ng tinik sa balita.

"Ano yung Biringan?" tanong ko.

"Isa iyong bayan ng mga Engkantado at Engkantada sa may Samar." sagot ni Pilandok. "Pero hindi ito makikita sa kahit anong mapa dahil tulad natin, nasa iba itong mundo."

"Hindi lang bayan kundi kaharian." pagtama ni Lam-ang. "Nakarating na ako run. Napakalaki, napakaganda, punong puno ng mamahaling bato at ginto. Wala itong katulad sa mundo. Masyado nga lang marangya sa aking panlasa."

"At ang mga engkanto run ay magagaling sa pakikipaglaban kaya matutulungan nila tayo?" tanong ko.

"Hmmm.. Medyo-medyo lang. Magagaling din naman pero mahaba ang kanilang buhay, at sa kahabaan nito tila nawalan na sila ng interes sa mga bagay na nagbibigay alab sa dibdib kagaya ng pakikibaka. Idagdag mo pa na walang gustong kalabanin ang bayang kung kaya wala silang pagkakataong ipamalas ang kasanayan nila. Kahit gaano ka kagaling, kung wala ka namang interes, hilaw ang kalalabasan ng kahit anong ginagawa mo. Pero hindi naman talaga sa larangan ng pakikipag laban sila kinakatakutan eh."

"Kung ganun, saan?"

"Teknolohiya." sagot pa niya. "Sa kahit anong henerasyon, ang bayan na may nakahihigit na teknolohiya ang nakaaangat sa lahat. At ang Biringan... Sabihin na nating ang teknolohiya nila ay mas maaga ng ilang libong taon kaysa sa henerasyon natin. Teknolohiyang may halong mahika. Iyon ang Atlantis ng Pilipinas. Mga kotseng lumipad, mga gusaling singtayog ng bundok na kayang itayo sa isang palakpak, tubig at pagkaing hindi nauubos na kayang lumitaw mula sa maliit na lalagyan, mga kagamitang pinapangarap lang ng mga imbentor. Makikita mo yun sa Biringan. At higit sa lahat..." *paused for dramatic effect* "Ang kanilang mga sandata."

"Sila ang may pinakamalakas na sandata sa mundong ibabaw. Kung magkakaroon lang ako ng isa sa mga iyon at mapagaaralan.. Hehehehe." nakakakilabot na tawa ni Kiko. Nerdmode.

"Tulad ng sabi ni nobita malakas nga ang mga ito, siguro kalahati lang ng pwersang panandata nila kaya nang pabagsakin ang pinakamalalakas na bansa."

"Meron ba silang Lightsaber?" nagnining-ning matang tqnong ni Tifa.

"Alam ko sa kanila kinuha ang konsepto nun. Laruan lang iyon bata sa kanila."

Napatalon sa upuan ang kaibigan ko. "Papuntahin nyo sila rito ngayon na! Tapos hingi nyo ako lightsaber.. Pleaseeee." pacute na pagmamakaawa nito.

"Sana nga meron din silang Balightsaber! Hahaha, alam nyo yun, balisong na lightsaber?! Yung pagbukas mo lilitaw yung ilaw tapos.... Ayun. Walang natawa. Mga talipandas!" reklamo ni Lam-ang nung bagot namin siyang tinignan.

"Ok moving on, kung makukuha natin ang suporta nila tiyak na ang ating pagkapanalo. Nakikinikinita ko na, maganda ang kalalabasan nito." kislap matang sabi ni Tifa. Nasa isipan parin yung lightsaber.

"KUNG makukuha natin ang suporta nila. Gaya ng sabi ko, nakikipagnegosasyon pa ako."

"Batid ko ang hirap niyan lalo pa't nasa kanila na maharil ang lahat na pwede mong ibigay. Ano ba ang mga inalok mo kapalit ng tulong nila?"

"Hindi ko maaring sabihin pero nasa may linya ito ng mga bagay na kapag sinabi ko iiyak si Maestro Lapu-lapu."

"Anak ng..." napahinto si Lapu-lapu nang makita kaming nakatingin sa kanya, sinulyapan nya si GDP na tingin na 'maguusap tayo mamaya.' "Ehem. At ano ang sabi ng mensahero mo, may balita na ba?"

Umiling ito. "Anumang minuto'y makakabalik na siya rito para mag-ulat, ipanalangin natin na kasama na niya ang mga bago nating kakampi."

"Sandali hindi ba nasa Samar ang Biringan? Paano makakabalik agad ang mensahero nyo rito?" tanong ni Tifa.

"Tulad ng nasabi kanina nasa ibang mundo ito tulad natin. Nagkataong malapit lang ang Kanlungan sa Biringan. Sobrang lapit na nasa isang oras lang ang pagitan ng mga teritoryo natin. Pero para makatawid sa kabila, kailangan mo ng permiso at" tinuro ni Noli ang gawing itaas ng mapa kung saan may daanan na naputol sa dulo ng mapa. "dumaan sa kalsadang kung tawagin namin ay NLEKS."

"NLEX? North Luzon Expressway?"

"Hindi. NLEKS. N-L-E-K-S. Napiling Lakbayin sa EnKantadong Siyudad."

Umismid ako. "Wow pinilit talaga ha. Sino nagisip ng pangalan nyan?" lumingon ang nakatatanda kay Lam-ang na nuo'y nagpapanggap na nanonood ng anay na naglilimbo rock. "Nagtanong pako."

Biglang may pumasok na binatilyo sa kubo. Nagpalitan sila ng sulyap ni senyor Goyong bago muling lumabas.

"Mga kasama, narito na ang hinihintay nating kasagutan." kumunot ang noo niya bago sumigaw. "DAPA!"

Gaya ng aking napagsanayan at pagpapamalas ng aking kahusayan sa maagap na pagdedesisyon, dagli akong dumapa sa lapag at gumulong sa ilalim ng mesa.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Makie. Lahat sila nakatingin sakin.

"Ummm sabi nya dapa kaya dumapa ako."

Umiling so GDP. "Tinatawag ko lang sya. Dapa ang pangalan nya."

Turo ni sa binatilyong kapapasok lang sa kubo.

"...Seryoso? Bakit yun ang pangalan mo, nakakalito naman." iwas pahiya kong tanong habang bumabalik sa upuan.

"Para kapag tinawag siya, dadapa yung hindi nakakaalam. HAHAHA!" laking tulong na pangasar ni Bangis. Sa itsura ng lahat, mukhang ako lang ang di nakakaalam.

"Kamusta ang paglalakbay mo Dapa. Ano ang sagot ng Biringan?" tanong ni GDP kay Dapa. Malungkot itong tumingin sa sahig.

"Ikinalulungkot ko ginoo, nabigo ako."

"Anong ang eksaktong naging tugon nila."

"N-nakikisimpatya sila sa ating suliranin, ngunit hindi na raw nila ito problema. May mga bagay raw na mas mahalaga silang kailangan gampanan. Hiling daw nila ang ating tagumpay."

Napapikit nalang si GDP habang kami ay iba-iba ang reaksyon ng pagkadismaya.

"Maraming salamat Dapa. Makakaalis kana. Magpahinga ka muna at hintayin sa iyong pinuno ang susunod mong tungkulin."

Tumango ito at lumabas na ng kubo.

"Graaahhhhhhh!" tinadyakan ni Lam-ang ang isang bakanteng upuan na tumalsik sa dingding. Nahati ito sa ilang daang piraso. "Ang mga hambog na engkanTADONG yun! Akala mo kung sino na silang magagaling at mataas ang tingin sa sarili! Hindi nila problema?! Hah! Hindi ba nila alam na kapag bumagsak tayo, sila na ang susunod sa bilang dahil kapitbahay lamang sila! Sabi ko na hindi dapat umasa sa mga basurang iyon. Wag lang silang magpapakita at pupulbusin ko talaga-"

"Huminahon kayo Maestro Lam-ang." pag-alo ni Lapu-lapu.

"Mahinahon naman ako ah! Kung naghuhuramentado ako sa tingin mo buo pa itong kubong ito?"

"Lauro." matigas na sabi ni Makie.

Nagbuntong-hininga ito. "Paumanhin saking inasal."

"Naiintindihan namin. Simula pa lang wala nang katiyakan ang sagot nila. Ang totoo niyan, hindi ko gusto ang mga Engkangto ng Biringan." bumulong siya sa huli na sapat lang na marinig ko. "Dahil nakikita ko ang dating sarili ko sa kanila."

Kung anong ibig nyang sabihin, hindi ko alam.

"Tama sila kung tutuusin. Oo kailangan natin ng tulong pero sa balikat natin bumabagsak ang problemang ito, atin ito para buhatin. Kung magsasama-sama at magtutulungan, alam kong tayo ang magtatagumpay sa huli. Sa ngayon unahin muna natin ang dapat unahin. Tony, ano ang lagay ng ating depensa kung sakaling lusubin tayo?" baling ni Noli rito.

"Akala ko hindi mo na itatanong. Tulad ng alam ninyo sa loob ng ilang taon bumuo kami ng sistema ng mga patibong sa Kanlungan, partikular na sa kagubatan at dito." itinuro niya ang malaking kaparangan sa pagitan ng kalaban at ng Tanggulan. "Kung lulusubin tayo, rito sila dadaan kung kaya't pinugpog namin ito patibong. Dinagdagan pa namin nitong nakalipas na araw. Hukay na may patusok, kumunoy, pampasabog, mga halamang may lason, de-kuryenteng sapa at iba pa. Ngunit sa rami nila, ang maidudulot lang nito sa tingin ko ay pabagalin sila sa pagsulong."

"Malaki tulong na ang bawat sandaling maidudulot nito, salamat cabeza Tony."

Nagkibit-balikat ang cabeza pero nagpipigil ng ngiti.

Tinuro ni Talas ang bahagi ng kaparangan na malapit sa Tanggulan. "Kapag nakalagpas sila rito, sakop na sila ng aming pag-atake." aniya. "Ngunit kulang ang aming bilang, iilan lamang kaming mamamana."

"Isama mo na ako run." suhesyon ni Tifa. "At habang may oras pa gagawa tayo ng mga palasong sumasabog."

"Hindi mo na kailangan gawin yun. Alam kong kakailangin ninyo kaya gumawa ang balangay ko ng sagpakan(supply) ng mga sumasabog iba pang palaso."

"Talaga Kiko? Nakow dabest ka talaga parang gusto tuloy kitang yakapin!"

Pinanlakihan ko siya ng mata.

Nagpunas ng pawis ang cabeza. "Pwede naman eh..."

Nagkrus ng braso si Tifa. "Sabi ko parang lang. Wag kang ano."

Whooo strike kay Tifa.

"Ang problema ay yung mga lumilipad, mahihirapan kaming hatian ang aming atensyon sa kanila at sa mga nasa lupa." dagdag ni Talas.

"Ang grupo kong panghipapawid at ng ilan pa nating lumilipad na kaibigan ang bahala sa kanila." sagot ni Tony.

"Kakayanin nyo ba ang bilang nila." tanong ni Noli

Dumilim ang mukha ng niya at di agad sumagot.

"Tony?"

"Kami nang bahala sa kanila." paguulit nito. Tumango si Noli.

"Ang unang pangkat ng sasalubong sa Kalaban ay pamumunuan mo Bangis. Susuportahan ka ni Batong habang wala pa si BJ."

"Wag kang magalala duduruin ko lahat ng buto nila at idedesenyo ang mga lamangloob nila sa damit namin. HAHAHA!"

"Parang-awa mo na, huwag. Patayin mo nalang sila nang ano... Normal." pakiusap nung Batong.

"Normal na pagpatay? Pwede narin. HAHAHA!"

Napansin kong ang mga nakakatanda noon ay hindi nagkukukomento. Pinababayaan lang kaming magdesisyon. Marahil ginamit nila ang pagkakataon upang magkaroon pa kami ng karanasan sa digmaan.

"May dalawa lang akong inaalala." Pasok ni Tifa. "Napansin nyo na siguro yung una, ang iba sa kanila ay may suot na baluti. Normal lang ba yun?"

Naalala ko na ang karamihan sa kanila ay may suot na itim na kasuotang metal. Ang totoo parang may suot silang trashcan. Very fashionable.

"Hindi." pailing na sagot ni Lam-ang. "Sa libong labanang aking ginanapan, ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng mga aswang at lamanglupang nakabaluti. Marahil dahil tayo ang kaharap nila kung kaya't pinaghandaan nila ito."

"Dapat ba natin itong ipangamba?"

"Sa itsura nun na mukhang gawa ng vulcanizing shop? Dagdag na proteksyon pero pampabagal lang yun. Mababang kalidad, bara-bara ang paggawa at mukhang madaling masira. Tanungin nyo si Bangis, siya mismo ang humarap sa kalaban at makakapagsabi kung magiging problema ba ito."

"Baluti? Meron ba sila nun? Hindi ko na napansin eh." nagtatakang sagot ni Bangis.

"Meron! Yung kulay itim?" pagpapaalala ko.

"Ah yun ba? Sus, hampasin mo lang yun sira na agad eh. Saka maraming bahagi ng katawan na nakalitaw na pwedeng puntiryahin. HAHAHA."

"Kung gayon sa kalidad ng mga sandata natin, sinisigurado kong hindi na ito problema." sagot ni GDP.

Nakahinga kami nang maluwag, kahit papaano nabawasan ang dapat naming isipin.

Nagpatuloy si Tifa. "Ang pangalawa ay ang ikinikilos nila."

Sinangayunan ito ni Phil. "Alam ko ang ibig mong sabihin, masyado silang organisado. Kadalasan ang mga tulad nila ay lulusob na lamang sa kanilang bibiktimahin at wawasakin ang nayong tulad ng Tanggulan. Pero para mistulang naging disiplinadong hukbo na nagsanay sa larangan ng pakikidigma, aaminin ko ang aking paghanga. Isa itong imposibleng nagpamalas saking harapan."

"Isa lang ang ibig sabihin nito, may namumuno sa kanila." ani Jazz na umiinom patingala.

"Sino naman?"

Nagpunas siya ng bibig. "Tingin ko kilala nyo kung sino."

Ilang segundo pa ang lumipas bago kami nagtinginan sila Tifa, Makie at Lam-ang. Ang pagkilala ay relumihistro sa mga mata.

"Ang Batingaw!" sabay naming sambit.

Natahimik muli ang kwarto. Dalawang beses ko nang nakaharap ang Batingaw at parehong hindi kaaya-aya ang kinahinatnat. Ang inklinasyong makakaharap syang muli ay hindi magandang biro.

"Kung si Batingaw nga ang may nasa likod nito, maraming tanong ang mabibigyang-linaw. Dahil kaya nyang pamunuan ang kaisipan ng mga kampon ng kadiliman gamit ang tunog. Siya lang ang makakagawa nito." ani Lapu-lapu.

"At dahil sa kanya, malaki ang mababago. Siguro 500 nalang ang bilang ng kalaban para sakin. Kakailanganin ko ang konsentrasyon ko para sa kanya. Ipaubaya na ninyo siya sakin."

"Hindi! Akin siya!" sagot ni Tifa kay Lam-ang sabay sabing. "Joke lang ahihihi." nag peace sign pa siya na diko kinaaliw.

"Naniniwala akong hindi lamang siya ang pasimuno ng pagsalakay na ito. Isa itong malaking misyon sa kanila, sa aking pananaw may mas nakatataas pang miyembro ng Organisasyon ang narito para mapaniguradon magtatagumpay sila sa kanilang pinaplano." pahayag ng Maestro Kwatro.

"Iyon ang hindi ko maintindihan." sagot ko. "Hindi ba't ang pagkain ng bakunawa sa buwan ang kanilang prayoridad? Bakit pa nila tayo kailanganing salakayin? Magagawa naman nila yun sa ibang lugar. Anong merito nilang makukuha rito?"

"Dahil alam nilang pipigilan sila ng Kanlungan sa balak nila kung kaya't nilusob nila tayo. Dahil kung abala tayo sa buong pwersa nila, wala tayong magagawa kundi panoorin nalang ang pagkawasak ng buwan." sagot ng diwata.

"Isa na iyon, pero ang tingin ko ito'y dahil sa mga bertud na nasa ating pangangalaga, at sating mga Napiling nangangalaga rito. Ang inaasahan natin ay ang paglaho ng buwan, hindi ng isang digmaan. Kung kaya't sa kanilang pananaw tayo ay hindi handang dumipensa. Mga hitik na bungang kaydaling pitasin at nguyain. Inaasahan nilang titiklop tayong parang uod na magkukumahog magtago sa ilalim ng lupa. Doon sila nagkakamali. Matagal na natin itong hinihintay. Kung giyera ang hinihanap nila, iyon ang makikita nila. At pagsisisihan nila ito sa kabilang buhay kung magkakaroon sila nito." pahayag ni Lapu-lapu.

"May nagsabi ba ng uod?" sabik na tanong ni Jazz, ang katas ng kinakain nyang mansaubas(ubas na sinlaki ng mansanas) tumutulo sa bibig. Pinunasan ito ni Lam-ang ng damit niya, pero mas lalong nadumihan dahil nangigitata ang damit nila kung kaya sumipol nalang ito at nagpanggap na walang nangyari.

"Nabanggit mo ang uod. Ang bakunawa... Nasaan na ito ngayon?" tanong ni Noli.

"Namataan namin ito sa Karagatang Walang-Hanggan, natutulog sa kailaliman, naghihintay ng itinakdang kung kailan ang nasa rurok na ang taglay itong lakas upang umahon."

"Teka may narinig akong hindi ko palalampasin, may dagat rito?" tanong ni Tifa.

"Oo at gaya ng pangalan nito, wala itong hangganan." itinuro Tony ang isang bahagi ng tubig sa gilid ng mapa.

"Para sa teknikalidad, may hanganan ito." dagdag ni Kiko. "Kapag naglayag ka nang ilang taon, aabutin mo ang dulo kung saan mapuputol ang dagat at mahuhulog ka sa pinanakamataas na talon sa balat ng lupa."

"Gaano kataas?"

"Mamamatay ka muna sa gutom bago ka lumagapak sa dulo."

"Paano nangyari yun?!" kinikilig na tanong ni Tifa. "Milo punta tayo run! Sa dulo ng karagatan!"

Napakaromantikong pakinggan, parang nagtatapat ng pagibig, pero hindi Tifa. Gusto kong mamatay nang hindi nahuhulog nang gutom.

"Nakakakilig ninyong panoorin pero magpokus muna tayo rito kung mamarapatin ninyo. Saka na kayo magpatihulog sa kamatayan ninyo pagkatapos." ani Makie na walang bahid ng pagkakilig sa mukha.

"Ang nais kong malaman kung ano ang gagawin nating hakbang. Lulusubin ba natin sila o hihintayin natin silang umatake at dedepensa lang tayo? Kung may gagawin sila, iyon ay paglitaw na ng buwan kung kaya't may oras pa tayong maghanda." sabi ni Tony.

Hinampas ni Batong Bastos ang lamesa. Seryoso, ano bang ginawa ng mesa sa kanila? "Hindi totoo yan! Kung maalala nyo, limampung libo ang bilang nila. Kukulangin ang panahon natin para talunin sila at patayin ang bakunawa sa kanilang likuran. Ngayon na ang tamang panahon kung lulusob tayo."

Tinaasan siya ng kilay ni Tony. Uminit ang ulo. "Sa iyo na nanggaling. Limampung libo sila, babalik tayo sa simula, paano natin sila tatalunin? Isama mo pa ang Batingaw, at ang posibilidad ng iba pang opisyal ng Organisasyon. Sa huli ang dambuhalang bakunawa. Magpapakamatay lang tayo."

"Yun nga ang masaya run eh! HAHAHA."

Hindi masaya yun Bangis. Paluin kita ng rambo sandals eh.

Nagtaas ng kamay si Noli.

"Hindi mangyayari iyon kung magkakaisa tayo. Kung magtutulungan tayo, lahat kaya nating gawin. Walang imposibleng hahadlang sating daanan. Sasagasaan natin silang lahat nang nakataas ang noo. Wala tayong tulong, dehado tayo sa bilang, ngunit namamayani tayo kung puso ang paguusapan. Maniwala kayo sa inyong sarili, maniwala kayo sa inyong katabi, mananalo tayo."

Kumalma sila at tumango. Ang mga nakatatanda ay tila natuwa sa nasaksihan. Pakiramdam ko kaya nyang solusyunan ang mga suliranin nang may makatwirang pagiisip. At dala ng sitwasyon, naisip ni Lam-ang na magkwento ng nakaraan niyang hindi importante sa amin.

"May nais akong ibahaging kwento mula sa aking kabataan, kapupulutan ninyo ito ng aral at ikalalakas ng loob. Noong ako ay musmos pa lamang....."

*BONGGGG*

*OOOOOOOooooooooooooHhhuuuummmmmm*

Mula sa kalayuan, umugong sa aking kaloob-looban ang pamilyar na tunog na gumawa ng mapinsalang bagyo sakin dibdib. Sinundan ito ng mahabang magawit ng trumpetang pandigma. Sa labas maririnig ang mabilis na yabag ng mga paa sa magkakaibang direksyon.

"Ano yun?" tanong ni Batong.

"Iyon ang senyales na kumikilos na ang kalaban. Hindi pa man tayo nakakapagbuo ng mahusay na plano ngunit gahol na tayo sa panahon."

"Mukhang wala na tayong oras para pakinggan ang kwento mo." ngiting sabu ko kay Lam-ang.

"Mas mabuti. Ikukwento ko nalang ito sa salebrasyon ng ating pagkapanalo, kaya bago iyon walang sinuman ang binibigyan ko ng pahintulot na mamatay sa inyo, maliwanag?"

Tumango kami. Bumaling sa amin si Lapu-lapu.

"Mga Cabeza at kapwa Napili, ito na ang panahon kung kailan ipapamalas ninyo ang inyong kakayahang hinubog ninyo nang ilang taon. Ito ang unang ninyong digmaan. At nais kong malaman ninyo, na ipinagmamalaki ko kayong lahat. At wala akong ibang gustong maging kakampi ngayon, kung hindi kayo. Ibibigay ni Goyong ang karagdagan ninyong tungkulin. Nawa'y gabayan tayo ng Bathala."

Sabay-sabay kaming nagtayuan at tinungo ang daan palabas.

"Sandali lang!"

Lumingon kami kay Talas nanakatingin nang seryoso sa amin. Inilabas niya ang kamay nya na pahiga.

"Para sa tagumpay." ngumiti siya sa amin na anong sinuklian. Ipinatong ko ang aking kamay, sumunod si Tifa at Jazz. Sa huli tila napilitan si Makie gumaya. Tumingin kami sa iba.

Nagkamot ng ulo si Tony. "Hindi ako mahilig sa ganito pero." nagisip siya at pinatong ang kamay. "Para sa di pagtinag."

Ipinatong ni Kiko ang kanyang kamay at tumingin nang seryoso. "Para sa pagwagi."

"Hindi ko alam kung gagawin ito ni pinuno pero" nilapag ni Batong ang kamay nya. "Para sa pagdiwang."

Bahagyang bumaba ang aming kamay nung sumama si Bangis. "Para sa... Pagdalo? HAHAHA" napangiti kami.

Sa huli ipinatong ni Noli ang kanyang kamay sa ibabaw. Makahulugang tinitigan ang bawat isa sa mata. Itinatatak sa isipan ang mukha ng bawat kapatid. At ipinaabot samin ang di sinasabit na uto na lahat kami ay babalik nang buhay.

Sumigaw siya.

"PARA SA KANLUNGAN!"

"OOOOHHHH!" sagot namin sabay ng aming pagkalas.

Lumabas kami ng pintuan nang hindi lumilingon sa likuran at saming katabi. Dahil hindi na kailangan. Dahil alam naming hindi kami nagiisa.

Dito nagsimula ang epikong digmaan sa Kanlungan na kailanman hindi maitatala sa kasaysayan.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

(*1) Biringan
Origin: Samar

Isang mahiwagang syudad ng mga engkangto na makikita(o hindi) sa lalawigan ng Samar. Sinasabing puno ito ng yaman at kagandahan na hindi mo makikita sa kahit saan. Ang iba pang impormasyon rito ay hindi ko muna ibabahagi sa hindi ko pa pwedeng sabihing kadahilanan.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Tenkyu sa mga nagFV namely:

CadmusTwofive Kierra_rue MsSmiley24 JanLesterBarruga xodorae Namianyan ArChErAlyzza12 violetteskies02 MaryianneArcallana aleckyuut Princhipi chumaru12 bestshot15 BubblyBear03 icainapinknotebook Matabangfangirl PinaiMisi joessy11 MariaMarjelynJoyDapi 


Tenkyu sa nagbabasa parin. Hehe. Yung sneakpeek ng cover ng book nasa fb page, maglalagay rin ako ng mga short side stories dun. Pati dun narin aaccommodate ng upcoming orders. Sa mga inadd ako sa fb na diko naaccept, like nyo nalang dun and msg haha. Rakenrol

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top