KABANATA LIX - Apo-laki

Walang taong perpekto sa mundo. At kung hindi ako perpekto, mas lalo na si Bon Jovi. Ngunit hindi niya ito alam. Ang buong pangaakala nila ay isa syang nilalang na biyaya ng Bathala para sa sankatauhan. Para sa kanya sya ang goat(Greatest Of All Time sa hindi nakakaalam), at wala syang sinasayang na pagkakataon upang ipangalandakan ito. Amoy kambing siya kaya pwede narin.

"Ano ka ngayon, nganga! Akala mo ikaw lang ang may backer na diyos? Kung ikaw may diyosa ng buwan, sakin mas malakas, dyos ng araw! Inyo peys!" nagpagpag ng balikat si BJ saking direksyon. "Ayan, singhutin mo balakubak ko Maikolangot!"

"Pwe! Pwe! Tigilan mo yan, may sumasamang garapata!"

Isantabi ang kanyang pagyayabang, ang nagawa ni BJ ay isang hindi inaasahang milagro. Isang biyayang magaalis samin sa kumunoy na aming nilulubugan. Hindi ko man gustong aminin, sa pagdala niya sa diyos ng araw siya ang naging bayani ng Kanlungan.

"Inggit ka lang g@**. Ang yabang-yabang nyo pa nung umalis kayo rito pagkatapos ako rin pala ang magbubuhat sa pwet ninyo. Anong napala ng Misyon ninyo? Wala. Nagsayang lang kayo ng oras mga ul*l." pag-asin niya saking sugat.

Pumasok rin iyon sa aking isipan. Na sa pagdating ni Apolaki dala niya ang kasiguraduhan ng aming pagwagi. Sa nakita kong ginawa ng kanyang kapatid, dinala ang mga halimaw sa buwan, hindi ko lubos maisip kung gaano kataas ang antas pagkawasak na kaya niyang gawin sa mga kalaban. Hindi na ako magugulat kung kaya niya ubusin ang lahat ng ito sa isang kisapmata. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Labis akong nabuhayan ng loob sa bagong pagasang dumating ngunit sa likod ng aking utak ang panghihinayang sa pagod at hirap na aming dinanas na tuluyang nawalan ng saysay.

At sa pinakasuluksulukan ng aking puso ay ang pagkadismaya na doon lang magtatapos ang lahat. Masyadong... Anti-klimatiko?

"Kaya lumayo ka saking harapan timawa, lumuhod ka. Sambahin mo ang nagligtas sa iyo. Ituring mokong panginoon!"

"Pangitnoon? Matagal na naming alam yan. Kahit naman ngayon eh, pangitngayon ka."

"Uupakan kita kung hindi lang ako sibilisadong tao. Nagmamataas ka lang ngayon, pero dahil saking padrino, bukas luluhod din ang mga tala!"

"Wala silang tuhod."

"Shaddap! Paanoorin mo kung paano ko lupigin ang mga halimaw na ito! Apolaki, I choose you!"

Ang lakas maghamon para sa taong nagtatawag lang. Gayumpaman, ang dalhin sa digmaan ang diyos ng araw ay di makakailang kagilagilalas.

Mahirap syang tignan, hindi dahil anumang dahilan kundi dahil literal siyang mahirap tignan. Para bang kasalanan ang madantayan ng mata ng mortal ang kanyang kaanyuan. Halintulad kay Mayari, may presensya siyang nakapangliliit ng kaluluwa. Ngunit di gaya ng kanyang kapatid na mas malumanay, ang kanya'y mas mapanggiit. Tila presensya ng haring matwid at kagalang-galang na hindi maaaring lapitan. Hindi mo makikita ang edad sa kanyang mukha, ngunit sa porma nito hindi ako magtataka kung bigla syang sumayaw at kumanta ng kpop. Pero alang-alang katahimikan ng aking isipan, wag!

Baka may nagtatanong sigsig(brand) ng kotse, hindi ko alam ang model pero isa itong Aurelio. Sportscar na gawang pinoy. Move over, Sarao!

Nagsindi ito ng sigarilyo, o kung anuman ang ginawa nya(nagbaga ito nang walang apoy), sumandal sa kanyang sasakyan, humithit at bumuga ng gintong usok sa kalangitan. Walang tokshit, gintong usok. Akala ko nga fairydust eh, ang gay nun.

"At bakit ko naman gagawin yun?" tanong nito tumitingin samin.

Kununot ang mukha ni BJ. "A-anong sinasabi mo?! Hindi ba narito ka para tulungan kami? Kung paglalaanan mo kami ng iyong kapangyarihan kaya mo silang lipulin sa isang iglap."

"Totoo. Pero wala akong obligasyong tulungan kayo."

"Bakit?! Para saan pa yung grand entrance mo kanina kung wala ka namang gagawin! Hindi mo kailangan ng obligasyong tumulong sa nangangailangan!"

Tumingin lang ito sa kalangitan na wari'y hindi hindi siya narinig. Yari. Mukha talagang walang interes tumulong sa amin. Labis kong ikinagulat ang pinagkaiba nila ng ugali ni mang Daniel. Iyon na marahil ang tunay niyang pagkatao. O pagkadiyos. Nagpatuloy si BJ.

"Kung hindi mo kami tutulungan malaki ang tyansang matalo kami. At kapag nangyari yun... Mamamatay kaming lahat, hindi lang ng mga Napili, pati narin ang mga tao sa labas na mundo."

Bumuga ito ng usok.

"Wala ba kayong pakialam sa amin?"

Nagkibit ito ng balikat.

"...Anak ka ng-"

Dumantay ang mata nito samin kasabay ng biglang paginit ng paligid. Nakakaalarmang tumakas ang pawis sa aking katawan at tila pati dugo'y gustong bumutil sa mga kilit(pores) ng aking balat. Maging ang unang linya ng mga aswang na nakabilog samin ay natusta hangang buto.

"Bathala! Anak ka ng Bathala diba? Asteeg!" pagpasok ko.

Niliitan niya ako ng mata na tila inaaral ako, ngunit bumalik sa dati ang temperatura sa kabutihang palad.

"Oo, panganay na anak ng magiting na Bathala. Bakit mo natanong?"

"Wala lang po. Rakenrol lang kasi." tatawa-tawa ko sabay hinablot si BJ. "Huminahon ka Bon Jovi, walang magagawa ang init ng ulo para kunbinsihin sya. Hayaan mong ako ang kumausap sa kanya, may kasanayan nako sa pakikipagusap sa diyos. Kailangan lang uutuin mo sila." bulong ko rito.

Tinaasan nya ako ng kilay. Danerve! "U-uutuin?"

"Oo. Nakita si Mayari diba? Mukha syang bata nung nakita mo, ngunit may anyo rin syang matanda gaya ni Apolaki ngayon. Pero sa loob nya para paring syang isang bata."

"So ang duda mo tulad ni Mayari isip-batang utu-uto rin sya?"

"Mismo. Kaya ako munang kakausap sa kanya kasi ang alam mo lang manggulpi ng bata at di mang-uto."

Pinagdudahan nya ito ngunit sa huli'y tumango siya. "...Syang tunay. Sige bibigyan kita ng permiso, ikaw nang bahala."

"Alam nyo naman sigurong halos katabi nyo ako at naririnig ko kayo diba? Utu-uto?" nakakrus na brasong sabi sa amin ni Apolaki.

"Joke lang Mang Daniel! Este Apolaki... Pasensya na hindi ko kasi maipasok sa utak ko na kayo si mang Daniel, magkaibang magkaiba kayo."

"Ginawa ko lang ang personalidad na iyon dahil sa pagkakataon. Kalimutan mo na ang lahat ng ukol sa kanya. At wag mong kakalimutan ang dyos sa pangalan ko."

Tumango ako. Pagkakataon? Bakit kaya nya nasabi iyon?

"Pero mahal na dyos Apolaki, gaya ni Bon Jovi nais ko rin sanang malaman kung bakit ayaw ninyo kaming tulungan." napaisip ako't may naalala. "Dalhin ba ito sa batas ng Bathala na hindi kayo maaaring makialam sa mga mortal?"

Napabuntong hininga ito at pinatay ang kayang sigarilyo sa noo ng malapit na amalanhig at ikinaabo nito't mga katabi.

"Magkalinawan tayo batang mortal," bagot niyong tugon. "hindi ako naparito para tumulong sa inyo. Hindi iyon dahil sa pinagbabawal ng aking Ama. At kahit di nya ipagbawal, hindi parin ako gagawa ng hakbang upang sagipin kayong mabababang nilalang. Kung sa tingin ninyo kagaya ako ng aking kapatid na kinagigiliwan kayo, nagkakamali kayo. Hindi ko nga maintindihan kung anong nakita ng babaeng iyon sa inyong mga tao upang paglaanan ng panahon. Nakuha pa nyang humingi sa inyo ng tulong na tila magkatumbas kayo ng tinatayuan. Para sa akin, wala kayong pinagkaiba sa mga langgam. Ni hindi ko nga mawari ang pinagkaiba ng itsura ninyong dalawa."

"Sa haba ng sinabi ninyo, dun sa ako nainsulto sa dulo." sagot ko.

"Linya ko iyan." sabat ni BJ.

Ngunit totoo ito. Sa isang dyos na hindi matantya ang kapangyarihang hawak, ang buhay naming mga tao ay wala pa sa tuldok sa buong kalawakan. Hindi nararapat paglaanan ng kanilang panahon. Kaya ang makausap sya namg harapan ay nakakapagtaka.

"Kung ganun naman pala, bakit kayo narito?" tanong ko.

Dinuro nyang may pagkamuhi si Bon jovi.

"Iyang mabahong mortal na iyan ang dahilan!" giit nito.

"A-ako?"

"Nagtaka kapa, ikaw lang mabaho satin." inirapan nya akk.

"Ginambala nya ako sa aking tahanan sa panahon ng aking pahinga! Kung maaari ko lamang kunin ang kanyang buhay ay ginawa ko na, ngunit hindi ko magagawa iyon sa Napili ng aking sagisag kung kaya't inihatid ko na lamang siya rito."

"Tahanan? Pumunta ka sa araw?" takang tanong ko.

"Tanga kaba? Syempre hindi! Edi patay na ako ngayon. Pinuntahan ko ang tahanan niya rito sa mundo."

Sabi ko nga. Tanga nga ako minsan.

"Saan?"

"Tingin mo sasabihin ko sa iyo? Impormasyon lang iyon para sa mga cabeza ng Balangay ng araw."

"Bundok Apo. Iyon ang aking tahanan." sagot ni Apolaki. "Wala akong makikitang dahilan upang ilihim ito, sa katunayan nagtataka ako kung bakit hindi ito alam ng karamihan at walang dambana para sa akin. Ipinagmamalaki ko ang aking tahanan kung kaya't hinango ang pangalan nito sa akin. Marapat lamang ang pinakamalaking anyong lupa na aming nasasakupan ay tahanan ng panganay na anak ng amang Bathala. "

At duon ko napagtanto kung bakit Mount Apo ang pangalan ng pinakamalaking bundok sa bansa. Ang pinakamalaking makikita mo sa lupa ay ipinangalan sa pinakamalaking makikita mong lawas na langitnin(heavenly body) sa kalangitan. Kaya Apo-laki. Rakenrol.

"At anong ginawa mo run at parang nabadtrip sya sa iyo?" tanong ko kay BJ.

"Wala naman. Ipinakita ko lang ang aking angking galing at dedikasyon para kumbinsihin siy-"

"Umiyak sya nang buong magdamag na parang kinatay na baboy. 'Parang awa ninyo mahal na Apolaki, kailangan ka namin'. Marami na akong narinig na tunog, pero ang palahaw nyan ang tanging nagpundi ng kalyo ng tainga ko!"

"H-hindi totoo yan!"

"Sinasabi mo bang sinungaling ako mortal?"

Umiinit uli ang paligid.

"...Marahil nga umiyak ako nang kaunti. Pero pawis lang yun ng puso na lumabas sa mata."

"Mahal na Apolaki-"

"Hindi kita mahal, sinira mo ang kotse ko." putol nya sakin.

"Hindi po ako ang nagsira nun! Yung kasama kong babae yung nagbangga."

Tinignan niya ako nang may pagkadismaya.

"Paano ko tutulungan ang isang lalakeng hindi kayang akuin ang kasalanan ng kanyang babae?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa panlulumo pero dahil sa kilig nung sabihin nyang aking babae si Makie. Ahihihi. Shucks.

"Alam ba ninyo kung anong ang pinaka kinaiinisan kong uri ng tao?" tanong nito.

"Yung tinderong nagkakamot ng singit tapos iaabot sayo nang nakakamay yung binili mong Stick-O? Iyon kasi yung sakin eh."

"...Hindi yun. Pero nasa top 5 yan. Ang kinaiinisan kong uri ng tao ay iyong mapipilit. Iyong mga taong makasarili na ipinipilit ang kanilang kagustuhan na walang pakiwari sa sitwasyon ng iba."

Napangiti siya sa unang pagkakataon. Ngunit ngiting may pait. Na tila inaalala ang nakalipas.

"Naalala ko tuloy nung unang araw akong nagpanggap na ordinaryong taxi drayber. Isa ito maamong umagang may maalimuyak na simoy ng-"

"Sandali lang po Apolaki, magpaflashback ba kayo?" tanong ko.

"Ah.. Oo, bakit?"

"Pwede ho bang wag nalang?"

Pinandilatan nya ako. "Ako ang dyos ng araw, sino ka upang pigilan ako kung kailan ako magpaflashback!?"

"Hindi naman po sa pinipigilan ko kayo, ano lang kasi eh.... Antagal nating nawala tapos may flashback pa, parang hindi ata naaangkop yun."

"???"

"Huh, ano bang sinasabi ko? Natutuyuan na ata ako ng utak sa init. Ibig kong sabihin medyo wala pong oras para sa flashback sa gitna ng digmaan."

Sa totoong buhay hindi aabot ng 5 episodes ang isang jumpshot.

Sa pagkasabi ko noon, dumagundo ang tunog ng kampana sa kalayuan. Wari'y hudyat, nagsimulang umabante ang hukbo ng mga aswang, maging ang nakapalibot samin ay naging agresibo sa paglapit, isinasantabi ang nasusunog na katawan para sa pagkakataong masaktan kami. Humanda kami ni Bon Jovi sa nakaambang pagatake.

Ngunit hindi na ito kailangan. Sa naiiritang itsura, nilagatik ni Apolaki ang kanyang daliri. Mula sa araw isang nakakasilaw na tore ng sinag ang bumagsak sa pinagmulan ng tunog. Mula saaming kinatatayuan ay ramdam ang pagyanig ng lupa, kasabay ng nakakapasong hangin at hiyawang gasgas ng puso. Ang natamaan nito ay tiyak ang kamatayan.

"Ayan mas may oras na kayo, tinunaw ko ang istorbong kampana. At bago kayo magisip nang mali, hindi ko kayo tinulungan, hindi lang ako tagahanga ng maiingay na tunog."

Napalunok ako sa tuyong lalamunan. Muli naranasan ko ang kapangyarihan ng isang dyos. Hindi ito mabuti para sa puso.

Biglang may pumasok sa isipan ko.

Kasama bang natamaan ang Batingaw?

"Kung ayaw ninyo flashback, hindi ko na itutuloy." pagpapatuloy nito. "Pero ang dahilan kung bakit ako naganyong tao ay para punuan ang aking kulikuti sa pagkaaliw ni Mayari sa inyong mortal. Gusto kong malaman ang paguugali ng mga kinatuwaan nilalang ng aking ama. Nakasalamuha ko ang iba't ibang klase ng tao, matanda, bata, mayaman, mahirap, mabait, masama. Lagi ko silang pinakikitaan ng pagkagiliw ngunit ito'y hangin sa loob ng botelya, walang nilalaman. Wala akong naramdaman. Maliban sa isang nagtangkang magholdap sakin, pinatawa niya ako nang lubos kaya ginawa ko siyang gasolina ng sasakyan ko bilang gantimpala."

Note to self: wag tanggapin ang gantimpala ni Mayari kung mailigtas namin sya.

"Ang ayokong pasahero ay ang mga mapipilit. Gustong bumaba sa bawal, magsakay nang sobra, magmadali kahit lagpas sa nararapat, pinipilit ang kagustuhan kahit mali. Kahit nakakaistorbo sa iba. Kagaya ng ginagawa ninyo ngayon."

Hindi ako makapagsalita, hindi alam kung anong isasagot sa kanya. Malinaw ang nais nyang ipahiwatig. Kami ang uri ng taong ayaw niya. Ang kung pipilitin namin siya, mas lalo nya itong hindi gagawin.

"Hindi mo talaga kami matutulungan?" tanong ni BJ na parang hindi nakikinig.

"Teka pagiisipan ko. Oo, hindi."

"Kahit pa para ito sa iyong kapatid?"

Tila nakita kong pumintig ang ugat sa noo ng dyos. Mukhang may tinamaan siyang paksang hindi nararapat talakayin.

"Kami ni Mayari... Kailanman hindi naging magkasundo. Nagtatalo kami sa lahat ng bagay. Mahilig siya sa mga tao, ako hindi. Mahilig siya sa tsitsitya, ako sa mga pagkaing masusustansya. Mahilig syang magbiro, minsan nilagyan niya ng dinurog na siling labuyo ang tomato juice ko, nung hinarap ko siya ukol rito ang sabi niya "masustanya naman ang sili kaya anong pinoproblema mo?" ang ulupong iyon. At sa lahat ng pagtatalo namin, siya ang tanging kinakampihan ng aming ama. Ako ang panganay kaya ako ang dapat magpasensya. Kahit siya ang may sala, ako ang mapapagalitan. Isang beses nung mga bata kami naglalaro ako ng holen, inagaw nya ang isa at ibinato, bumagsak sa mundo na halos ikawasak nito. Sino ang nasisi? Ako, dahil hindi ako marunong magtabi ng gamit. Kung mamamatay man siya sa kaganapang ito, hindi ko ito ipagluluksa. Baka ipagdiwang ko pa ito." sabi nitong walang ngiti sa mata.

Nagsindi uli siya ng sigarilyo at hinawakan ang pinto ng sasakyan.

"Naihatid na kita mortal. Tapos na ako rito."

"Bakit!?"

Napahinto ang dyos sakin.

"Kung totoong wala kang pakialam kay Mayari, bakit mo kami tinulungan?"

Tumaas ang kanyang kilay, hindi maintindihan ang kaing tinuran.

"Isa kang diyos, imposibleng mahihipnotismo ka ni Makie para ibigay samin ang sasakyan mo. Itinuro mo pa sa amin ang tamang daan! At ngayon kung iisipin ko, katakatakang ang diyos ng araw ay nagkataong bumabyahe sa lugar kung nasaan kami, na naging daan para makatakas kami sa kapahamakan. Nagkataon? Hindi! Sinadya mong pumunta roon upang tulungan kami nang sa gayon matitiyak mong maliligtas namin ang kapatid mo."

Naalala ko ang sabi ni Makie, simpleng hipnotismo lang ang ginamit niya. At kahit bilib ako sa kakayahan niya, hindi ko mauuusan niya ang pagiisip ng dyos ng araw. Ibig sabihin sinadya nyang ibigay ang sasakyan. At naalala ko ang sinabi niya, ginawa lang niya si nang Daniel dahil sa pagkakataon. At ang pagkakataon na iyon ay para tulungan kami.

"At kung tutuusin kung paghatid lang sakin ang dahilan mo, hindi mo na kakailanganin pang pumunta rito." Segunda ni BJ. "Kaya naman siguro ng kapangyarihan mo na dalhin ako rito kahit wala ka. O kahit paalisin lang ako sa bundok Apo kung gugustuhin mo. Pero hindi, pinili mong magpunta rito ng personal. Yun ay dahil gusto mo talagang tulungan kami, tama ba ako?"

Pinanlisikan nya kami ng mata, at aaminin ko sa inyo sa oras na iyon gusto kong magswimmin sa balong malamin sa init ng kayang tingin. Pero hindi kami natinag ni BJ. Hanggang...

Tinaas niya ang kanyang mga kamay.

"Ano pabang masasabi ko? Suko nako." napakamot siya ng ulo. "Aaminin ko, sinadya ko kayong itahak sa tamang landas para matiyak na makukuha ninyo susi sa kapangyarihan ng bertud para mailigtas ang kapatid ko. Oo hinatid kita rito para masiyasat ang inyong kalagayan, kung kakayanin ba ng inyo hukbo ang hukbo ng karimlan. Kahit gaano ako naiinis sa babaeng yun, hindi ko parin maitatangging kapatid ko siya. Hindi ko siya mamaaring pabayaan. Kahit lagi kami nagtatalo, ako pa rin ang kuya nya. At m-ma.. Ma..."

"Ma?..." patataka kong tanong.

Tinakpan niya ang kanyang mukha't tumalikod.

"Mahal ko ang kapatid ko! Ayan sinabi ko na! Langya, wag nyo akong tignan, kakahiya bwisit! Wag na wag nyong sasabihin yan kay Mayari, kung hindi babalatan kokayo nang buhay at isasawsaw sa katas ng kalamansi!"

Tsundere si Apolaki!!! Anak ng bungang-araw na tinubuan ng kabute nagblush pa sya!!!

"Ehehehe loving kuya ka pala." may pagkutyang sabi ni BJ.

"...anong magagawa ko, ang kyutkyut kaya ng kapatid ko."

"Eh bakit mo sya binulag?" tanong ko.

"Hindi ko naman sinasadya iyon! Isa lamang iyong pagkakamali, isang simpleng pagtatalo ng magkapatid na nauwi sa pagkakasakitan. Normal naman sa kapatid yun diba?"

Nope. Ewan ko sa iba, pero tingin ko hindi normal na bulagin mo yung kapatid mo.

"Pinilit kong humingi ng kapatawaran pero sabi nya sakin hindi na nya ako bati. Saklap. Ni hindi ako makalapit sa kanya, lagi nya akong nilalayuan. Nakakadurog ng ginintuan kong puso." kumislap ang mata niya sakin. "Tingin mo galit pa sya?"

Nagthumbs up ako. "Sobra."

Bumagsak ang mukha niya.

"Pero tutulong ka sa pakikibaka namin, makakabuti yun para mapatawad ka niya. Baka maging susi yun ng pagkakabati ninyo."

Lumiwanag uli ang kanyang mukha.

"Parehas kayo ng pananaw ni Tala(*1)."

"Sinong Tala?"

"Bunsong kapatid namin, pero sa ugali nya parang sya yung tumatayong ate samin. Gusto nya ring magpunta rito ngunit bawal. Ginawa ko lang dahilan ang paghatid sa kanya para makapunta rito. Pero nagbabago na tayo ng usapan, babalik parin tayo sa simula. Gustuhin ko man, bilang diyos hindi ako mamaaring makialam sa inyong suliranin."

Bumagsak ang aking balikat. Ganun din pala ang kalalabasan, buong akala namin ayos na ang lahat.

"Ngunit wag kayong manlumo, dahil sa simula't sapul hindi nyo naman kailangan ang aking tulong."

Nagulat ako't nahiwagaan.

"Anong ibig nyong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin, kaya nyo silang talunin sa sarili nyong lakas."

Imposible yun.

"Papaano?" tanong ni BJ. "Kahit anong gawin kong pagiisip,wala akon nakikitang katapusan na kami ang magwawagi. Nasa amin ang tapang at giting ngunit ang realidad ay di iyon sasapat upang gupuin ng daan ang libu-libo. Kaya nga kita nilapitan."

"Oo hindi sasapat kung kayo lang. Ngunit hindi kayo nagiisa. Lahat ng pinagdaanan ninyo ay may dahilan. Bawat hakbang ninyo ay nagtatanim kayo ng binhing ngayon nagpupunlanna. Lahat ng kailangan ninyo upangmanalo ay nasa inyo na."

"...Nasaan?"

"Narito."

Dinutdot niya ang kanyang daliri saking dibdib. Sa lugar kung nasaan ang aking puso. Ramdam ko ang init ang kanyang enerhiya sa aking balat. Isang nakakagaang pakiramdam.

"Nasa iyong puso ang lahat ng kasagutan. Nasa puso mo ang--"

"Araykoooo @#*+•*!!! Yung tshirt ko nasusunogggg!"

Pinagpagpag ko ang aking tshirt, ngunit hindi ito sapat kaya gumulong-gulong ako sa sahig. Nng maapula ang apoy, puno na ako ng dumi sa damit, namumula pa ang balat sa butas na tshirt at kamay. Hindi naman maubos ang uhog ni BJ sa kakatawa. Minatahan ko nang masama si Apolaki.

"Umm... Ang tawag dyan, sunburn. Hahaha... Makaalis na nga. Paalam!"

Pumasok sya bigla sa sasakyan at binuksan ang makina

"Sandali! Matapos mo akong sunugin aalis kana agad! Wag mo sabihing na awkward ka lang dahil sinubukan mo maging astig pero sablay kaya gusto mong tumakas?!"

Sinarhan nya akong bintana ngunit pinigilan ko ito.

"Ano yung sinasabi mong nasa amin na lahat ng kailangan namin?"

"Malalaman nyo rin maya-maya." mahiwaga nitong tugon bago tuluyan nyang naisara ang bintana.

Ngunit hindi umalis ang sasakyan. Ilang segundo pa, bumabang muli ang bintana.

"Mortal...." sabi nyang nakatingin lang sa harapan.

"Ano yun?"

"Pakisabi sa kapatid ko... patawad. Hindi ko na uulitin yung ginawa ko sa kanya."

"Syempre isa nalang mata nya, kapag inulit mo pa yun bulag na talaga sya."

"Nakakainit ka ng ulo alam mo ba iyon?"

"Makakarating sa kanya."

Tumango siya.

"Mabahong mortal, oo ikaw, wag kang magpanggap na hindi ikaw tinatawag ko. wag ka nang babalik sa tahanan ko. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo run."

"Kung papatayin mo sila, ipapangako kong hindi nako tatapak sa bundok mo." turo ni BJ sa kalaban.

"Wala ka sa lugar para magbigay ng kundisyon. Uulitin ko, hindi ko kayo tutulungan."

Ngumiti ito sa amin. Ngiting pamilyar. Ngiti ni Mayari kapag may kabulastugang nais gawin.

"Pero palubog na ang araw, nagmamadali na akong umuwi. Hindi ko siguro mamamalayan kung may mabubundol ako sa pagmamadali."

Bago rumehistro sa amin ang kanyang sinabi, napaatras kami sa pwersa ng makina. Nabalot ng apoy ang sasakyan. Naliliyab na tila kahit ang apoy, kaya nitong sunugin.

"Paalam mga mortal!"

Humarurot palayo ang nagsusumidhing sasakyan ng apoy, parang bulalakaw sa lupang winawasak ang lahat ng daraanan. Hinati nito ang kalupaan, walang makapipigil, lahat ng nakaharang ay nainsinera. Tila isang makinaryang dinesenyo para pumatay. Sinunog nito ang lahat ng halimaw na malapit rito. Gumawa ng nagaapoy na daan sa ginta ng kaitimang tanawin ng mga kampon ng kasamaan. Nagpatuloy ito sa dereksyon ng araw sa guhit-tagpuan(horizon). Hanggang sa tuluyan itong nawala sa aming paningin.

Nang matapos ang lahat, sumalubong sa amin ang hindi mapanipaniwalang tanawin. Ang kalupaan ay naging disyerto ng abo. At sa paligid makikita ang panakanakang bilang ng aming kasamahan na hindi nadamay sa pagragasa ng apoy, hindi mapaniwalaan ang nasa kanilang harapan.

Halos kalahati ng kalaban ang naubos ng dyos na ayaw tumulong.

Makapaninding balahibong hiyawan ang maririnig sa aming kasamahan sa buong paligid. Hiyawang pwedeng yumanig sa mundo. Hiyawang naging dahilan ng pagatras ng natirang kalaban sa mas ligtas na lugar.

Nagkatinginan kami ni Bon jovi. Malalim ang mga hininga't nagaapoy ang mga mata. Pinakawalan namin ang napakalakas na sigaw mula sa aming dibdib. Ang sigaw ng tagumpay. At wala sa loob na naghampasan ang aming palad na sa lakas halos ikapunit ng aking balat. Kinuyom ko ito't kinulong ang pakiramdam ng pagkapanalo.

"Hindi na ito mauulit Milo." tamang pagbanggit nya ng pangalan ko matapos mahimasmasan.

"Alam ko Bon Jovi."

Kahit kailan sa aking buhay, hindi pumasok sa isipan ko na mag-aapir kami. Patunay lang na walang perpektong tao sa mundo. Dahil ang mga perpektong pagkakataon ay nangyayari lamang sa pagitan ng mga imperpektong tao. At ang mga sandaling iyon itinakdang hindi na mauulit muli.

"Hindi pa tapos ang lahat. May trabaho pa tayong gagawin."

Tinignan ko ang hanay ng kalaban sa kalayuan. Malaki ang nabawas sa kanilang bilang ngunit hindi mababago ang aming kalagayan. Mas marami parin sila kumpara sa kapiranggot na bilang namin.

Ngunit iyon... Iyon na ang simula.

Tinahak naming dalawa ng sabay ang direksyon patungo sa kampo, saking likuran sumusunod si Ashford Fulbright at Alistair Kingsley na maswerte nakaligtas sa unang bugso.

*****************

Di nagtagal naintindihan ko na ibig sabihin ni Apolaki. Tama nga siya, ang mga butong aking naitanim ay handa na para pitasin.

Makalipas ang kalahating oras dumating samin ang balitang nagpabago ng lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(*1) Tala
Origin: Tagalog
Dyosa ng.... (Surprise, surprise), mga bituin!
Wow, I did not expect that! Pangatlo sa magkakapatid ngunit hindi masasabing pinakamahina. Pinakamahinahon sa tatlo at tumatayong tagapamagitan sa pagaayaw ng dalawa. Marami pa siyang katangian ngunit, hindi pa niya timeslot.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Rakenrol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top