KABANATA LIV - H(Z)ero's Welcome

"Noli..."

"Bangis..."

Magkaharap ang dalawang kabesa. Sa sandaling nasilayan ni Bangis si Noli nawala ang masiyahin nitong desposisyon at nilapitan niya ito na mabigat ang hakbang. Napaatras ako sa nakakabutas na tingin ni Bangis sa kanya, at sa sarado nitong kamaong tila naghahanap ng mukhang dadampayan.  Napaatras ako at naisip na marahil hindi sila magkasundo at anumang oras isang away ang sasabog sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ang nanlilisik na mata ni Bangis ay biglaang lumuha... Huh?

"NOWIIIEeeee!" hagulgol nito habang pabuhat na niyakap si Noli. Kinikiskis pa nya yung pisngi nya rito. "San ka ba nanggaling?! Namiss ka naming lahat huhu akala ko di ka na namin makikita eh!"

Wat da factorial function?! Bigla nalang syang umiyak na parang paslit. Napaatras akong muli, sa ibang rason.

"Oo na! A-a-a-a-Araguy bitiwan moko mababalian ako ng buto adik ka!" reklamo ni Noli.

"Ayos lang yun! Marami namang buto ang tao kaya may reserba kapang magagamit kapag nabali ang ilan. HAHAHA!"

"Ganon pala yun? Ngayon alam ko na." tatango-tangong ani ni Jazz sa tabi ko na tila naliwanagan.

Hindi Jazz. Hindi ganun ang buto ng tao. Wag kang ano.

Umubo-ubo si Excab nung ibinaba sya nito,  mabuti nalang buo parin ang buto skeletal system nya.

"Akala namin napahamak ka na eh. Mabuti nalang talaga nasa mabuti kang kalagayan... Bukod sa ano... Sa amoy mo. HAHAHAHA!" tawa nito matapos umiyak. Bipolar?

"Siraulo ka talaga kahit kailan. Wala pakong ligo eh, ano magagawa ko? Hahaha."

"HAHAHAHAH!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

At nagtawanan sila kahit walang nakakatawa, tulad ng filler scene sa isang palabas kapag baduy yung punchline.

Taliwas sa aking unang inaakala, malapit pala silang magkaibigang.

"Pero seryoso, lubos kong ikinagagalak ang iyong pagbabalik. Hindi na tulad ng dati ang Kanlungan nung lumisan ka. At ngayon nahaharap na tayo sa digmaan walang mas sasakto pa sa iyong padating, kailangan ka ng Kanlungan."

"Masyado mo akong pinupuri kaibigan, nawa'y di ko kayo mabigo. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa Kanlungan, makabawi man lang ako sa aking pagiging makasarili."

"Dapat lang. Sinundo ka namin kaya sulitin mo pagod namin." pasok ni Tony na nakasakay parin sa ibon nya.

"Magandang gabi rin sayo Tony. Pero mas maganda ka parin."

Whoooo nag-gym ito, anlakas eh. Kaso si Tony gaganunin nya? Amazona yun eh. Para narin nyang binitawan ng pickup-line si Makie. The horror.

"A-anong sinasabi mo?! A-akala mo natutuwa ako, lul! Hmp!"

Ehhhh? Nagitla ako. Si Tony ba yun? Bakit parang namula sya at nagsungitsungitan. Asan na yung amazona? Pati ba naman sya naapektuhan ng maalamat na abs? Pati si Makie parang pumipintig yung ugat sa sentido.

"Sus hindi raw natutuwa pero nung nagtanong si Phil kung sino pwedeng magpunta rito nagmamadali ka kaagad magtaas ng kamay."

"Sumigaw ba sya ng I volunteer as tribute?" tanong ko.

"Hindi, Ano yun? Pero para syang tutang nakakita ng buto nun HAHAHA... *BLAGUGG!"

"!!!!"

Nagulat kami kasi hindi namin alam kung paano bigkasin ang "!!!!" pero nagawa namin dahil may tumama sa likuran ng kanyang ulo na malaking boomerang. Kung saan ito nanggaling alam na namin pero ang salarin ay nagpapanggap na kinukutuhan lang yung ibong sinasakyan nya at walang kinalaman sa nangyari.

Mga kids, hindi mabuting gawain ang mamato ng boomerang sa ulo. Sa ibang bahagi nalang.

Tumingala si Bangis. "Umaambon ba? Uulan na ata... Oy Taz kamusta?!"

Seryoso, gaano katibay ang katawan nya para hindi indahin iyon? Pero gayunpaman may konting dugo sa kanyang ulo na parang hindi nya nalang napapansin. Hindi ko lang alam kung nagiging magalang lang kami pero walang pumuna sa amin at nagsabi na dumugo ulo nya. Meh.

"Oy! Ok lang ako, kung sino ka man!" sagot ng manok na ikinamot ng ulo nung isa.

"Nalimutan mo na agad ako? Grabe ka naman! Hindi mo na ba natatandaan, kami yung nakalaban mo sa DiWa. Nang dahil nga sayo natalo ang balangay ko eh. Pero seryoso..." bigla syang tunungo rito. "Patawarin mo ako sa ginawa ng grupo namin sa iyo. Ang mga Diwang ang nagtulong-tulong na gumulpi sa iyo nun, pero wala akong ginawa para pigilan sila dahil isa iyong paligsahan na nagtatagisan ng lakas at normal ang sakitan... Pero sumobra ata. Ako na humihingi ng kapatawaran saming ginawa. Sanay magsimula tayong muli."

"Ahh! Oo tanda ko na!" napapalakpak siya. "Hayaan mo na yun, maliit na bagay. Hindi naman ako nasaktan gaano."

"Mabuti kung ganoon, hindi naman namin gustong saktan ka talaga. HAHAHAHA! Pero... Sigurado ka bang ok ka lang. Kinuyog ka namin eh."

Ikaw dapat tangungin kung ok ka lang, may buwanang dalaw ka narin sa noo. Tumatagas na.

"Oo naman ok lang ako. Sinadya ko yun. Hindi nyo rin naman talaga ako masasaktan kahit gustuhin ninyo eh." natural nitong tugon

Napakurap si Bangis, wari'y inaalam kung seryoso ito sa kanyang sinabi. ".........HAHAHAHAHA! Sinadya mong magpagulpi? Nakakaaliw ka talaga. Kaya pala parang bigla kang nabuhay nun! Natawa nalang talaga ako sa nangyari. HAHAHA! Whooa ang init ah." nagpunas nya ng dugo sa noo na parang nagpunas lang ng pawis. Wag ka magalala, kapag naubusan ka ng dugo lalamigin kana.

Sumabat yung babae sa ibon. "Nakakataba ng puso ang makita ang pamumukadkad ng pagkakaibigan ninyo pero sa totoo lang wala akong pake. Ang tagal ninyo. Sumakay na kayo at baka abutan pa tayo ng siyam-siyam, at ako na magsasabi sa inyo, hindi ninyo iyon magugustuhan."

"Bakit naman?" tanong ko habang nagtungo sa ibon ni Tony kung saan isinasakay ni Bangis si Ever.

"Hindi paba kayo nakakakita ng siyam-siyam?" 

Nalito ako. Siyam-siyam, nakikita? Alam ko expression lang yun eh.

"Ako hindi pa..." sagot naman ni Mirasol. Tinignan sya ni Bangis, nung napansing bulag ito hindi sya sigurado sa kanyang itutugon, peeo sa huli tumawa lang ito at isinakay din sya.

".....HAHAHAHA palabirong bata. Kahanga-hanga ka't hindi mo hinahayaan ang kalagayan mo upang maging masaya gusto ko iyan. Mga bagong Napili? Saan nyo sila natagpuan?"

"Mahabang kwento kaibigan." sagot ni Excab.

"Mahaba rin ang byahe, ikwento nyo nalang samin sa daan. O sa ere kasi lilipad tayo HAHAHAHA! Binibini?"

Inalok nya ang kanang kamay para apakan at kaliwa para hawakan ang kamay ni Tifa paakay sa pagakyat sa kabilang ibon. Humanga ako sa lakas ng niya dahil nasuportahan nya ang bigat nito.

"Salamat. Oh ano meron sa siyam-siyam na sinasabi mo?" ani Tifa.

"Ang siyam-siyam(*1) ay isang tao nakikiangkas sa gitna ng daan, pero ang totoo ligaw na kaluluwa ito. Habang naglalakbay ikukwento niya ang siyam niyang kasalanan na ginawa niya ng siyam na beses, sa huli magbabagong anyo ito bilang naanas na kalansay. Gabi ito kadalasang lumalabas kaya nagmamadali ang mga tao at baka abutin pa sila ng siyam-siyam."

"Oooohhh dun pala nagmula yun."

"Ang totoo nyan wala tayong dapat katakutan sa kalansay, tadyakan ko pa yun eh. Pero yung makikiangas yung hindi natin kilala tapos dadaldalin tayo nang kung anu-ano, nakakairita yun."

Tumango si Tifa. " Sabagay. Nakakairita nga yun. Anyway! Ang laki naman ng bird na ito. First time ko makasakay sa malaking bird."

"U-ulitin mo nga yung sinabi mo..."

"First time kong makasakay sa malaking bird? Bakit?"

Niyakap ni Bangis ang kanyang sarili na tila kinikilig, may luha pa sa pikit kyang mata. "Wala lang... Labis lang na nagbubunyi ang aking tenga sa narinig."

Bigla kong naalala ang sinabi samin Talas. Para maalala nyo, may flashback tayo. Pasok flashback!

O yun sana gusto kong mangyari pero dahil low budget at tinatamad ako, kwento ko nalang. Ang sabi nya 'Mabait syang mabait pero manyak.' Oh well, sino ba ako para manghusga. Huehuehue.

Dahil dun si Makie hindi nagpahawak, tumalon lang pasakay.

"Sabi mo eh... Ang ganda ng ibon na ito, anong tawag dito?" tanong ni Tifa na niyayakap ang leeg ng ibon na sinakyan nya.

Para silang malalaking lawin na kayang dumagit ng malaking hayop sa isang paa. Parang Pigeot na nagdiet at minus jeprox na longhair.

"Mga Bannog(*2) ito." Hinimas ni Tony ang ibon sakay niya na may ngiting madalang makita sa kanya. Humuni ito at ikiniskis ang ulo sa kanya. "Mababait ngunit mabangis na residente ng kalangitan. Noong ilang siglo ay namayani sila sa kaulapan ngunit dahil sa polusyon at ibang pang nakalulungkot ba pangyari nanganganiba silang maubos. Sa ngayon, wala na sila sa sandaan ang bilang nila sa mundo, at ang ilan sa kanila ay nasa pangangalaga ng Kanlungan. Ang dalawang ito ay naiba, magmula sa unang alaala ko narito na sila sa aking tabi. Sila ang nag-alaga sa akin bago pa man ako napunta ng Kanlungan."

"Mahal na mahal ninyo siguro ang isa't isa"

Tumango siya. "Sila ang kinagisisnan kong pamilya."

Nakakaluwag ng dibdib na makita ang pagiging maamo ng ibon sa kanya at ganun narin ang kislap sa kanyang mata. Kung paano sya inalagaang ibon hindi ko na itinanong.
Sinusubuan kaya sya ng bulate nung sanggol pa sya? Magkakasundo sila ni Jazz.

"Anong pangalan nila?"

"Eto sinasakyan ko si Tagpi, lalake sya. Yung isang yun, babae naman na yun, Miming naman pangalan nya."

"...ano ulit yun?" tanong ko.

"Eto si Tagpi at yun Miming. Bakit?"

"Wala naman ahaha.. Akala ko kasi ang sabi mo Tagpi at Miming pangalang mga ibon na ito hahaha."

"Yun nga ang sabi ko." seryoso nitong tugon.

Napatingin akong palihim kay Bangis na natawa nalang sa reaksyon ko. Henyo magpangalan ng ibon.

Nagkamot ako ng ulo. ".....Ok.. Siguro sasakay nako para makaalis na rin tayo. San ba kami pupwesto?"

"ahhhh, tungkol nga pala run."

Nagkamot sya ng pisngi at di tumingin sakin mata.

Kinabahan ako bigla.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kamusta ang tanawin? Nageenjoy naman kayo sa nakikita ninyo?" sigaw ni Tony sa lakas ng pagaspas ng hangin.

Lumilipad kami sakay ng ibon, ilang metro at maabot na ang ulap.

"Kabilang buhay na ang tanawing makikita ko kapag nagtagal pako rito! Pasakayin nyo kami!" sigaw ko pabalik.

"Ano raw sabi nya?" tanong ni Tifa sa kabilang ibon. Hindi kamiarinig sa lakas ng hangin.

"Masaya raw sya kasi ang sarap ng hangin. Para raw syang nagmagic carpet ride." sagot ng diwata naming kasama.

"Oooohhh.. Sige lang Milo enjoy lang kayo dyan!"

Kinawayan ako ni bespren. Dun lang sa tanan ng buhay ko na nakaramdam ako ng napakatinding pagnanasang batuhin sya ng tsinelas. Sumigaw nalang ako sa inis.

Bakit? Dahil sila lang nakasakay sa mga bannog. Ayon kasi sa kay Tony, ma-ere ang mga ibon at ayaw magpasakay ng lalake maliban sa bata. Kaya ang naging posisyon ay ganito, Tagpi: Ever-Mira-Tony, Miming: Tifa-Makie. Nagtalo pa ang dalawa dahil ayaw nila magkatabi sa isang ibon pero dahil mas ligtas ang dalawang bata na katabi ni Tony na sanay sa pangingibon(parang pangangabayo, pero sa ibon) wala silang nagawa.

Saan kami? Sa paanan. Dagit-dagit kami na parang uod na ipapakain sa inakay. Sa bawat pagaspas ng pakpak para akong nahuhulog. Muntik nakong gumawa ng sariling uod. Ni hindi ako makapiglas, wala akong magawa kundi titigan ang nakakalulang kalupaan. Naiwan ko nga ata yung kaluluwa ko sa lupa eh, tumakas. Gusto ko tumili kaso dyahe kasi nasa kabilang paa si Bangis. Tanging mabubulaklak na salita nalang ang nabubulalas ko para hindi maihi sa salawal.

"Maghunos dili ka kaibigan Maiko" kalmadong pag-alo niya. Hindi ata siya nakapagbaon ng takot sa kanyang katawan. "Lalo ka lang malula sa ginagawa mong pagpupumiglas. Masasanay rin ang iyong katawan kalaunan. Gayahin mo ako, isipin mo lang ng lumilipad ka, damhin mo ang pagaspas ng hangin sa iyong mukha, hagkan ang malamyos na simoy ng hanging dala ng *GGLLGGLLUGLUGLUGGUGG"

Sumuka sya.

"Nakuha mo?" kumindat sya sakin at nagthumbs up. Mas convincing yun kung di ka dumudura ng value meal.

"Nakuha ang alin? Yung sinuka mong rainbow na pwedeng sundan ni Hansel at Gretel sa ibaba? Hindi noh!... Dapat nga ako magtanong sa iyo kung ok ka lang eh."

"Mukha bang hindi?" sagot nya. Bakit, mukha bang oo? "Saka hindi ako sumuka, nagbawas lang ako ng timbang para di mabigatan ang ibon." palusot nya.

"Ihulog nalang kita para mas makabawas ng timbang." tugon ni Tony sa itaas.

"Hahahahaha! Walang namang ganyanan!"

"Hindi lang pagsuka mo yung tinutukoy ko." dugting ko. "Ibig kong sabihin bumagsak ka kanina nang sobrang taas pero parang hindi ka naman nasaktan. Paano nangyari yun?"

Hindi parin mawala sa aking isipan ang eksena na bumaksak sya at tumayo nalang na parang walang nangyari. At may isa pa...

"Ewan." nakaka-enlighten nyang sagot. "Bata palang matibay na ang katawan ko sa mga pasakit. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko na! Siguro dahil mahilig ako sa gulay?"

Edi sana immortal na yung mga vegan ngayon.

"Pero tingin ko nasa pagiisip mo rin yun eh." dagdag nya. "Ika nga nila hindi importante kung bumagsak ka, ang mahalaga ay tumayo ka uli at magpatuloy."

"Ibang pagbagsak naman yun eh. Kung ibang tao yun lasog na pagbagsak. Kung ako bumagsak sa building goodluck sakin kung makatayo pako. Yun ay kung buhay pako."

"Kung iyan ang nasa isip mo malamang tama ka. Kung sa tingin mo hindi mo kaya ang isang bagay, tama ka, hindi mo kaya iyon. Kasi ikaw mismo ang nagbibigay ng limitasyon sa sarili mong kakayahan. Pero kapag binali mo ang paniniwalang yan magagawa mo ang dati'y akala mo imposible. Tignan mo ako, hindi ko inisip na mamamatay ako sa pagbaksak ko kaya hindi ako namatay. Nasaktan lang pero walang pinsala. Hahahaha!"

Napamulat ako. May punto ang sinabi niya. Dahil kapag wala kang tiwala sa iyong sarili, paano mo makakamit ang mga bagay na nais mong makamtan. Ang mga imposible ay posible maniwala ka lang.

"Eh bakit dumudugo yang ulo mo?"

Ayun naman yung isa kong tinutukoy. Bumagsak hindi sya napinsala sa pagkahulog pero sa boomerang ni Tony, nasugatan sya. Bakit?

"HAHAHA! Anong dugo, hindi yan dugo, pawis yan, kulay pula lang."

"Pawis na bumubulwak mula sa wakwak mo sa bumbunan? Dugo yan oy."

"Eto tandaan mo lagi Maiko, para sa tunay na lalaki, ang pawis at dugo ay walang pinagkaiba."

Wow, ang astig nun. Lalo na sana kung hindi sya namumulta. Natawa sya sa reaksyon ko.

"Bakit ba tawa ka nang tawa? Wag mo masamain uh, kanina pa kasi ako nagtataka." at naiingayan.

"Hmmm? Wala namang dahilan para hindi tumawa. Lahat ng bagay na pinangarap ko lang dati nasa akin na. Tahanan, mga kaibigan at pamilya, lahat ay ibinigay ng Kanlungan. Wala na akong maihihiling pa. Titigil lang siguro ako sa pagtawa kapag namatay na ako HAHAHAHAHA... Atsaka..."

"Atsaka?..."

Kumislap ang talim sa kanyang mata. "Atsaka kapag may nanakit saking tahanan, kaibigan at pamilya. Kapag may nagtangka, lilipulin ko sila... Pero baka hindi rin. Tatawa siguro ako habang ginagawa ko iyon. Tawang hindi nila kakalimutan kahit sa kabilang buhay."

Sa unang pagkakataon nakita ang bahid ng kabaliwan sa kanyang ngiti. Isang ngiti ng nilalang na nabubuhay para manakit ng katunggali at nakakakita ng kasiyahan rito. Isang direktang pagimbulog sa pagkatao nyang akala ko'y nakilala ko. Parang nagbago sya ng katauhan. Dun ko napatunayan kung bakit Bangis ang kanyang ngalan.

Aaminin ko sa inyo, natakot ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang usapan at nagkaroon nagkaroon ng pader sa pagitan namin. Mabuti nalang nabasag ito dahil kay...

"MILO! Tignan mo ako! Lumilipad ako oh! Ako na si Superman-ok! Bok bok bokkkk!!"

Nakayakap ang binti ni Jazz sa binti ng Bannog at umarte sya na lumilipad tulad ni Superman, yung nakataas ang isang kamay. Nakalitaw sa kanyang likod ang kanyang pakpak, pero maliit lang kasi bantam sya.
Idagdag mo pa ang itsura ni Noli na dagit sa kabilang binti, hinimatay sa lula at tumutulo laway. Iyon pala ang ayaw matulog. Natawa ako sa eksenang nakita ko.

Hanggang sa naalala kong nandun si Bangis at nakita nya ang itinatago naming kamanukan ni Jazz.

"Saan nanggaling ang..." nanlalaki ang mata nya sa pagkagulat. Nung nakita nyang tila kinakabahan ako parang naintindihan niya at nagkibit balikat sya. "Hmmm. hindi ko nakita yan, wala akong nakita. HAHAHAHAHAHA!"

"...Wala ka bang itatanong?"

"Tanong? Meron sympre pero hindi naman importanteng malaman ang kasagutan dun. Isa lang ang mahalaga sa akin."

"Ano yun?"

"Residente na kayo ng Kanlungan, tama?"

"Tama."

"Ibig sabihin bahagi na kayo ng pamilya ko. At kahit ano pa kayo, o siya," turo nya kay Jazz. "Kapamilya ko kayo, iyon lang ang importante. Wala na akong pakialam sa ibang detalye HAHAHAHA."

Sa unang pagkakataon, hindi na ako naingayan sa kanyang tawa.

~~~~~~~

Ayon kay Tony hindi kami maaring dumaan sa Taal lake papunta sa Kanlungan dahil sa dalawang rason. Napapalibutan na ito ng mga kalaban at binabantay lahat ng papasok at lalabas mula rin para hulihin. At ang daanan na iyon ay sobrang mapanganib, na dahilan kung bakit maliban sa aming grupo walan nang dumaan dito. Kung kaya malipas ang ilang minuto nakita namin ang aming sariling lumilipad sa kahabaan ng EDSA. Ang mga ilaw ng mga gusali ay nagmistulang bituwin sa pekeng kalangitang kung tawagin natin ay syudad.

Sa pagitan ng istasyon ng MRT mula Buendia at Ayala, may isangdaang metro bago pumasok ng lagusan ng istasyon ng Ayala, may isang lagusang makikita lumiliko pakanan. Hindi ito dinadaan ng tren. O hindi ito pwedeng daanan. Dahil walang riles na patungo sa lagusang iyon. Sa ilang segundong matatagpuan mo ito kapag sakay ng tren tanging kadiliman lamang ang kakaway sa iyo.

Sa mata ng ordinaryong tao ang lagusang ito ay misteryoso, abandonado at walang tiyak na patutunguhan. Tila isang pinagplanuhang gawan ng istasyon ngunit di naituloy sa di malamang dahilan. Ang katotohanan hindi nila ito maituloy dahil sa mga kakaibang nangyayari. Nasisira ang mga kagamitan, may naaksidente, may naliligaw gayong isa lang ang daanan, o ang lupa ay singbakal ang tigas na hindu kinakaya ng makinarya, kung kaya't napagdesisyunang sumuko at hindi na ipagpatuloy ang operasyon.

May mga pwersang hindi maaaring pakialaman ng mga mortal.

Kung ang isang normal na tao ay papasukin ito, makikita nya ang kanyang sariling hihinto sa tapat ng isang pader at mapipilitang bumalik na lamang sa kanyang pinanggalingan. Ngunit kung matutupad ang ilang kundisyon, iba ang kanyang makikita. Dahil isa ito sa lihim na tarangkahan tungo sa Kanlungan.

"Kumapit kayo, magaspang ang byahe mula rito. May posibilidad na may nagaabang na kalaban sa ating paguwi. Saking hudyat ihanda ninyo ang inyong mga sandata." ani Tony.

Sa kanyang senyas nagpatihulog ang mga Bannog hanggang lumilipad na kami sa ibabaw ng riles ng tren. Sa aming tabi tila nakikipagkarerahan ang isang tren lulan ang mga pasaherong parang sardinas na siniksik sa lata. Nung una nagalala ako dahil nakatingin sila sa amin, nagtataka. Pero ang mga Bannog ay mahiwagang nilalang na kayang linlangin ang mata ng mga mortal. Ibang anyo ang kanilang nakikita, umaangkop sa kayang maarok ng kanilang pagiisip. Marahil helicopter or fighter jet para di halata.

Sa aming harapan ay mabilis na sumasalubong ang isang tren, ilang segundo na lamang ay babangga ito samin. Bilang sagot mas lalo pang binilisan ng mga ibon ang paglipad, gahibla bago sumalpok ay lumiko kami papasok sa abandonasong lagusan. Nagpreno ang driver, bakas mukha ang pagtataka. Kalaunan nabasa ko ang headline dyaryo kinabukasan nun. 'Mrt tumirik dahil muntik nang bumangga sa helicopter!' Nagresulta ito sa isang ramdom drug testing sa bawat tauhan ng mga bawat istasyon. Ang sarap makatulong sa pamahalaan.

Bakit hindi ninyo nabalitaan? Kaunting galaw lang ng palad(o paws?) ni Pilandok at naglaho na sa itong parang bula sa balita.

Sa loob ng lagusan ay may sanga-sangang daanan na makikita mo lamang kung ikaw ay-o nasa presensya ng- isang Napili. Daan-daang daanan ang iyong babagtasin at kung wala kang PuSi na nagtuturo ng tamang daan gamit ng GPS(naks) maaring maligaw ka at di na makalabas pa nang buhay.

Hindi ko na nabilang kung nakailang liko kami. Padami nang padami ang daanan pero hindi bumabagal ang mga bannog na di nalilito kung ano ang pipiliin. Hindi problema ang liwanag dahil may mga mineral na naglalabas ng ilaw na aming parola. Ang kinakangamba ko ay ang baba ng dingding dahil ilang beses ay kumikiskis ang aking binti sa sahig. Para kang sumakay sa roller coaster pero mas mapanganib at nakakatakot. Walang anumang pahiwatig napansin ko na lamang na kami'y nas kalangitan, kita ang mamula-mulang buwan na umaalon sa panaklob nitong gawa sa tubig.

Nasa Kanlungan na kaming muli.

Lumitaw na lamang kami tulad ng kabute sa ere, walang lagusan, kweba o pinto kaming nilabasan at derekta uli sa kalangitan. Isa itong uri ng depensa kung saan kapag may kalaban na sa kabila ng mga proteksyon ay makapasok parin sa tarangkahang, mahuhulog sya direkta sa kanyang kamatayan.

Sa may kalayuan naaninag ang Tanggulan. Isang naghuhumiyaw na emosyon ang hindi ko inaasahang sumigaw sa aking dibdib. Na agad din naunsyami nang may dumaplis sa aking pisngi.

Palaso!

Nagimbal ako pagtingin ko sa ibaba. Nakilala ko ang lugar kung saan kami lumitaw, isang kaparangan sa bandang harapan ng Tanggulan. Ngunit ang dating kaparangan ng kadamuhan ay wala nang makitang berde. Napalitan ng tila kapet ng mga itim na langgam na sa pangalawang tingin ay mga halimaw na nakasuot ng itim na... baluti? Ang ilan sa kanila na may kamay ay may hawak na pana na itinutok sa amin at pinawalan.

Isang bagyo ng palayo ang sumalubong sa amin.

"May parating na mga palaso! Kumapit kayo!"

Hindi na ako kailangan sabihan pang muli ni Tony. Mabilis na minaniubra ng Bannog ang kanilang katawan. Pumagaspas ng malakas para pahintuin ang mga pana, ang hindi napigilan ay aming iniwasan. Pakanan, pakaliwa, palusong at paikot, minsan ay tumatagilid pa at himala naming naiiwasan ang mga pana. Paminsan-minsan ay nakakahanging sa akin ka ikinahihinto ng aking puso pero nanatili kaming ligtas. Ngunit walang itong senyales ng paghinto.

"Kapag nagpatuloy pa ito magiging mapanganib na masyado para sa atin! Hindi kakayanin ng mga bannog iwasan ang lahat pana! Kailangan pigilan natin sila sa pamamana!" sigaw ni Tony.

"Ako na ang gagawa!"

Inilabas ni Tifa ang kanyang busog, naglagay talong pana at pinawalan ito sa lupa kung saan naroroon ang mga kalaban.

"Anong tulong ang magagawa ng tatlong pana mo sa atin, wala pa sa kalingkingan yan sa dami nila." reklamo ni Tony.

"Hindi lang yan ordinaryong-"

Tatlong magkakasunod na pagsabog ang yumanig sa kalupaan.

"-mga pana lamang." pagtatapos ni Tifa.

Nahinto ang pagatake sa amin dahilan ng kaguluhang naganap. Namatay ang direktang tinamaan nito at ang iba'y nagpulasan palayo.

"Ang galing nun. Pero hindi pa tayo ligtas, kaya mo pa ulitin yun?" tanong ni Tony na nakatingin sa aming likuran. Tinignan rin namin ito.

Samu't saring lumilipad na halimaw ang humahabol sa amin. Parang ulap ng malalaking bubuyog.

"Huli na iyon, wala na akong sumasabog na pana!"

"May mga higante sa ating harapan!" sigaw ni Ever.

At totoo nga, may ilang Bungisngis at iba pang nilalang na armado ng mga malalaking panghampas ang sinasalubong ang aming paglipad na parang papatay ng lamok.

"Akin ng Bungisngis sa harap!" sigaw ni Bangis na may mapanganib na ngiti.

"Maliwanag!" pagsagot ni Noli na nagising na. "Mga kasama, ilabas ninyo ang inyong sandata ang maghandang sumagupa! Walang mamamatay hangga't hindi pa tayo nakakauwi!"

Sumigaw kami ng pagsangayon, kahit sa aking isapan sumagot ako ng 'so ok lang mamatay kapag nakauwi na? Ganun ba yun.'

Inilabas ko ang Bagwis na gumawa ng musika habang hinihiwa ang hangin habang sa aking kabila ay may hawak si Bangis na isang malaking piko na ang kabilang dulo at bakal na maso. Kung saan ito nagmula hindi ko namataan. Mukha itong mapanganib, oo. Pero wala nang mas magmumukhang mapanganib sa ngiting kumakalat sa kanyang pisngi.

"Magiging masaya ito! MAGIGING MASAYA ITO! HAHAHAHAHA!"

Iyon ang huli nyang sinabi bago sya tumalon tungo sa higante sa aming harapan.

Nakauwi na kami. Home sweet home. Yehey.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(*1) Siyam-siyam
Origin: Ilo-ilo

Sa mga mortal patungol ito sa isang katayuan ng panahon kung kailan umuulan ng siyam na araw at gabi na hindi tumitigil. Delubyo ito sa ilan ngunit biyaya sa magsasaka. Pero may iba pa itong pagkahulugan.

Noong ika-19 na siglo ay nauso ang mangaangkas na ito sa mga manlalakbay na sakay ng kabayo. Sa huli magiging kalansay ito at humihiling na magpahatid sa pinakamalapit na simbahan.

Kundi ba naman makapal mukha, nakiangkas na tatakutin kapa para magpahatid. Ngayon tumigil na sya sa pagangkas dahil nakita nya na ang liwanag. Nag-uuber at grab na sya ngayon.

(*2) Bannog
Origin: Ilokano, Tinguian

Mga higanteng ibon na lumilipad (sorry big bird) at kayang dumagit ng kalabaw sa kanilang mga paang may matatalas na kuko.
May ibon na kung tawagin ay Banog. Palakihin nyo siya nang ilang daang beses at parang ganun ang itsura ng Bannog.

Basically parang nagevolve lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Una sa lahat salamat sa nagpadala ng napakagandang dibuho ng kabanatang ito si, vonagapito. palakpakan natin sya gamit ang paa at sa kaliwang pige ng pwet. salamuch.

salamat din sa mga ito:
KateMartinez8maybelfuentebellakaitou_kid19Octaviusenasate_4redeemerMonterolameecielottieRrabbit13contellations
zzerkar2lauxesbiHanaMitchi0Jjiminie_MjLaganganOneTimeLovertelle1649ApolloBonifaciohellranger13vhieyacastrolyfhighElishaAllenAldabaJuanMiguelGarbonesVivianACaayaSleepShifterAkizheialle_xxx

Sila po ay mga nagFloodvotes, sila ay kahanga-hangang nilalang. Inyo silang tularan. babanggitin ko ang ngalan nila pabulong saking sapatos mamaya bago ako mahimlay sa pagtulog bilang pagpupugay. :') kayo rin FV na ;)

Sa mga naghihintay ng publishing ng book, GOOD NEWS! Naghihintay rin ako. Hindi kayo nagiisa. Isnt it lovely?

Yun muna, chiao!

P.S.

Sa aking estimasyon ay may 10-15 na kabanata na lamang ang nalalabi sa SMAAK.

Pero wag magalala dahil di dun matatapos ng paglalakbay nila Milo, papasok lang sila sa panibagong yugto.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top