KABANATA LII - Sinturong Pangkawalan

"Sinasabi ko na sa inyo, hindi. Hindi tayo maghihiwalay." matigas na pagtanggi ni Makie.

"Lubos naman akong nagbubunyi at ganyan pala ang pagtingin mo sakin. Pero kailangan na nating maghiwalay, para rin sa atin ito. para hindi na magpatuloy pa ang sakit. Its not you, its me." pagdadrama ko.

"........ Lul."

Aruy.

"Pero wala na tayong ibang magagawa, oo sinabi nga ng ginoo na liblib yung daanan pero sa dami nila malamang sa hindi, may makakakita at makakakita sa atin. Mas lalo pa kung magkakasama tayo." paliwanag ni Noli.

"Ngunit sa panukala mo mas lalo lang tayong manganganib kung hindi sapat ang bilang natin para protektahan ang isa't isa."

"Kaya hahatiin natin sa patas na paraan ang grupo ayon kakayahan nating lumaban. Sa gayong paraan, hindi tayo madaling mamataan at kung makita man tayo makakalaban parin tayo nang maayos."

Ang pinagtatalunan namin ay kung paano makakatakas mula sa pinagtataguan namin palabas ng bundok nang hindi nakikita ng mga kalaban. Isang tila imposibleng gawain sa dami ng mga matang naghahanap sa amin. Malinaw na ang pagtakbo nalang para tumakas at umasang hindi mahuhuli ay hindi mabuting desisyon. Lalo pa't sa bilang naming pito, hindi kami makakakilos nang maayos sa kapag dumating ang pagkakataong kakailanganin naming lumaban. Kung magawa man naming lumaban, para narin naming hinanda ang sarili namin sa ginintuang plato para ihandog sa kalaban.

Kahit gaano ka man kagaling sa pakikipaglaban, ang pito laban sa libu-libo ay kailanman hindi magiging maganda ang resulta. Lima laban sa libo kung hindi mo ibibilang ang dalawang bata.

Kung kaya nagbigay ng panukala si Noli na hatiin sa dalawa ang grupo upang mabawasan ang tyansang makita kami ng kalaban.

"Naiintindihan ko ang punto mo pero tingin ko hindi iyon magandang ideya." hinawakan ni Tifa ang balikat nya. Tumaas ang kilay ko. "Ang isang grupo dadaan sa sinabi ng ginoo, pero yung isa pa saan dadaan? Base sa nakikita ko mula rito wala nang madadaan na may matataguan. Para narin natin silang inutusang magpakamatay nun."

Ang sinasabi ni Jacinto ay isang di pansining daanan na natatakpan ng mga halaman na kaya lamang daanan kapag nakapila sa isang linya. May punto ang gusto ni Noli, dahil walang makakapagsabi na mula sa itaas hindi kami makikita ng mga kalaban na para kaming nasa fieldtrip sa may pagawaan ng lapis na nasa isang mahabang pila, mabagal at walang katuturan.

Kung dadaan ka sa iba, kalimutan mo na. Walang ibang daanan kundi matatarik na bato. Kapag nagmadali ka madadali rin ang buhay mo. Bukod pa run, ilang hakbang palang makikita kana ng mga halimaw na nasa kalangitan.

Ano sila? Mga wakwak, at ek-ek. Pfft, chicken feeds. Kung may mas dapat kang katakutan ay yung nagbigay ng pangalan sa kanila. Kung naging magulang mo yun baka Aw-aw pangalan mo ngayon. Yung nga lang madami sila. Ay di yun dapat tawanan.

"Kung magkasunod nalang? May ilang minutong pagitan?" tanong ni Noli.

"Hindi ko makita yung lohika run." ani Makie. "Papaano kung sa gitna ng daan maligaw ang isang grupo o may mangyaring kung ano man na mawalan tayo ng komunikasyon, paano tayo magkikita uli tun? Mas maganda parin magkakasama tayo."

"Pwede pong magsalita?"

"Oo naman Ever, wala naman samin bibig mo eh." sabi ko. "Saka nagsasalita kana." Pinanliitan nya lang ako ng mata.

"Tutol po kaming dalawa ni Mira. Ayaw kasi naming maghiwalay. Kung magkasama naman kami sa isang grupo, lubos na magiging mapanganib iyon para sa grupo namin."

Walang makatangi run. Hindi kami bato para paghiwalayin ang kambal. Pero ang ibig sabihin nun mapupunta sila sa grupo ng tatlo o apat. Kung apat, mahihirapan ang dalawang taong lumaban habang dinidepensahan ang mga bata. Wag na nating pagusapan kung sa grupo ng tatlo.

"Rejected?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Rejected." si Tifa ang sumagot. Sa puntong yun di na umangal si ExCab.

"Gumawa kaya tayo ng komusyon para mapunta ang atensyon nila sa ibang lugar?" tanong ni Jazz.

"Anong komusyon nasa isip mo?" sabi ko.

"Manunog o magpasabog tayo ng isang bahagi ng bundok para yun ang puntahan nila?"

Bago pa man matapos si Jazz ay umiiling na ang diwata "Bukod sa wala tayong pampasabog, hindi natin alam kung may aswang na nasa malapit lang. O yung sobrang bilis kumilos na mapupuntahan agad tayo. Para narin nating sinabing 'nandito ako, habulin nyo ako.'"

"Ummm... Pwedeng ulitin mo ng yung huling sinabi mo, pero with feelings." tanong ko.

"Gusto mo lagyan ko ng feeling ang pagsapak sayo?"

Napapalakpak si Tifa. "Alam ko na! Paano kaya kung..." tumingin sya sakin.

"Kung ano?"

"Gamitin mo yung bertud? Kaya mo nang gamitin yu n diba? Makakatulong ba yun para makatakas tayo rito?"

Hinawakan ko ang suot kong bertud.

"Hindi ito gagana nang ganun eh. Baka makasama pa. Kaya ko nang gamitin ang kapangyarihan ng bertud, pero hindi ko pa ito kayang kontrolin agad."

"Teka, ano ba yung kapangyarihan ng bertud mo?"

Sa tanong na iyon lahat ay lumingon sa akin. Naghihintay ng aking sagot na may kinang sa mga mata. Di ko sila masisisi, marami sa kanilang isipan naglalaro ang ilang daang posibilidad. Maghanda kayong magulat.

"Kaya kong utusan ang apoy." sagot ko.

Kumurap sila. Walang reaksyon. Napakamot pa ng pisngi si Makie. Nawalan ng interes. Eh?

"Pag sinabi mong utusan, ibig bang sabihin pwede mong utusang mamalengke ganun? Bumili ng toyo, suka?"

"Oo Jazz, pwede mo ring utusang mag-igib ng tubig."

"Apoy na nagiigib ng tubig? Talaga?"

"Syempre hindi!" sigaw ko. Pero sa loob loob ko, 'angas din nun ah.' "Teka bakit ganyan ang mga reaksyon nyo? Hindi man lang ba kayo magugulat. Hahanga, ganun?"

Napaismid lang sila.

Napakamot ng ulo si Tifa. "Paano ko ba sasabihin? Medyo... Anticlimatic."

Napatango sila.

"Hindi ko alam kung ano yung anticlimatic pero sangayon ako sa kanya."

Salamat sa suporta Jazz.

"Ano bang anticlimatic pinagsasabi ninyo?"

"Medyo may hinala na kasi ako, tingin ko pati sila rin na may kinalaman sa apoy yang bertud mo."

"Halata naman, sa ilang beses nagliyab yan." sanayon ng diwata kay Tifa.

"Eksakto." sagot uli ng isa. "Pero naisip ko parin, baka may iba pa na mas may 'wow factor'. Hindi yung 'edi wow factor' lang."

"Teka mali pagkakasabi ko. Ok naman yang apoy eh. Malaking tulong yan sa labanan. Medyo cliche lang."

"Mas nakakahanga siguro kung kaya mong ano... Umutot ng apoy. Parang ganun."

"Oo nga! Tama yun nga! Di yun common. Kaya mo ba yun Milo?"

Tinitigan nila ako pati ang pwet ko na parang nahihintay na lumabas na dragon dun.

"Tigil-tigilan nyo ko. Hindi ako uutot ng apoy!"

"Haha biro lang yun kaibigang Milo. Paano ba gumagana yan?" tanong ni Jazz.

"Bale ganito, kaya kong kontrolin at gamitin ang apoy bilang sandata pero masamang balita kapag nawalan ako ng kontrol. Kaya sa ngayon ayoko pa syang gamitin."

"Gaano kasama?"

"Baka masunog ang buong lugar na ito."

Napakrus ng braso si Tifa. "Hmm.. sa nakikita ko sinisira na nila ang buong kagubatan eh. Siguro kung makakatakas naman tayo dahil dun, pwede nating itong isugal iyon."

Umiling ako.

"Nung sinabi kong buong lugar, hindi ko lang tinutukoy yung buong kagubatan. Ang ibig kong sabihin ay buong Cavite."

Natigilan sila. Pakiramdam ko uminit sa paligid. Sa labas dumagundong ang malakas na tunog kasabay ng pagyanig ng lupa. Kung ano man ang nagaganap sa labas, hindi ito rumehistro sa amin.

Kinagat ni Makie ang kanyang hinlalaki. "......Masama nga yun. Tsk." sabi nya.

"Binabawi ko na ang sinabi kong anticlimatic yan." kumamot ng ulo si Tifa. "Pero paano mo ito gagamitin laban sa Bakunawa kapag nagkataon?"

Nagkibit balikat ako. "Hahanapan ko nalang ng paraan. Pero ang importante ngayon ay ang kaslukuyanating problema. Paano tayo makakaalis rito?"

Hinampas ni Noli ang pader para mas dramatic ang sasabihin. "Kung may paraan lang sana tayo para mabigyan ng mensahe ang ating  kasamahan sa Kanlungan, makakahingi tayo ng suporta sa kanila. Baka magpadala pa sila ng susundo sa atin."

Napabuntong hininga lang kami.

"Teka! Meron! Pwede natin silang kontakin!" nagniningning na pahayag ni Tifa.

"Talaga? Papaano?" tanong ko.

"Huh? Hindi mo alam? Limot mo na agad?"

"Ang alin?"

"Ay boplogs." napafacepalm sya. "Yung card!"

"....?"

"Yung calling card na binigay sa atin ni Pilandok, naaalala mo na?!"

Napamulat ako. Oo nga. Sa dami nang napagdaanan namin namin nakalimutan ko na yun. Este kinalimutan. Akala ko kasi walang silbi. Kinuha ko ang wallet at inilabas ang maliit na papel kung saan nakalagay ang numero niya at napaisip ako.

"Wala akong pantawag."

Naalala kong sinaksak ni Makie yung hatinig ko.

"Akin na, tatawagan ko." kinuha ito ni Tifa at tinawagan gamit ang cellphone nyang parang di nalolowbat. Nilagay nya ito sa loudspeak at pigil-hiningang naming pinakinggan ang pagring hanggang sa may sumagot.

"Hello, Phil Andrews Marketing Firm Incorporated, how may I help you?" sagot ng kabilang linya. Napatda si Tifa dahil halatang nagboboses babae ito.

"Hello, Pilandok? Kailangan namin ng tulong mo."

Wala munang sumagot hanggang,

".........the number you have dialled is not yet in service. *tut*"

Binaba nya! Binabaan nya kami! Parang scammer na may pinagtataguan. Malamang yun nga ang dahilan kung bakit nya binaba.

Tumawag uli si Tifa at sumagot muli siya. "Hello, Phil An-"

Inagaw ni Makie ang cellphone.

"Hoy Scooby-doo! Subukan mo lang babaan pa kami at makikita mo ang hinahanap mo!"

Sandaling katahimikan.

"..A-ang aking ama?" sagot ni Phil sa normal nyang boses.

"Huh? Anong ama?"

"Nakita nyo na ang aking ama?! Sabihin mo, makikita ko na ba sya? Kaytagal ko na syang hinahanap, akala ko pangarap nalang ang mga sandaling ito huhuhu. Salamat kung sino ka man."

Hindi sumagot si Makie at dahan-dahan nyang nilapag sa sahig ang cellphone. Habang nagtataka kami kung anong gagawin nya bigla syang naglabas ng kutsilyo.

"Whooops akinayan!" agaw ko rito bago nya katayin. "Phil! Si Milo to! Alam kong ikaw yan. Alam ko ring biglaan pero tulungan mo naman kami."

"Milo? Sinong Milo?" sagot nito

"...Ummmm" nalimutan nya na kung sino ako?

"Biro lang." sagot nya. Sarap kapunin. "Oh bakit ngayon lang kayo napatawag? Ilang araw na naming hinihintay ang tawag ninyo uh. Anong tulong ba kailangan nyo?"

"Nandito kami ngayon sa bundok Napili at napapa..." Huh? Tama ba narinig ko. "Teka anong ibig nyong sabihin matagal nyo nang hinihintay ang tawag namin?"

"Binigay ko sa iyo yung card para tawagan nyo kami sa oras na kailangan nyo ng tulong namin o natapos nyo na ang Misyon. Kaya nagaalala kami dahil sobrang tagal nyong tumawag, akala namin mabibigo kayo o napahamak na." para naninisi nyang sabi.

"Pero sabi mo business offer yung card na yun!"

"Ah yun ba sabi ko? Ahaha pasensya, ako nagkamali. Sorry tao lang. Ay hindi pala ako tao hahaha!"

Papahuli kita sa barangay, aso ka.

"So kumusta, nagtagumpay kanang tanggalin ang selyo ng bertud?" tanong

Tumango ako pero sumagot ng "Oho." nung naisip ko ng di nya ito makikita.

"Magandang balita yan! Hindi mo alam kung gaano ako kasayang marinig ang yan." Bigla syang nagbago ng tono. "Ngayon ang kailangan mo nalang ay bumalik dito sa lalong madaling panahon."

"Teka, hindi namin natatalo ang bakunawa! Hindi pa nga namin alam kung nasaan sya, bakit babalik na kami agad dyan?"

"Hindi nyo na kailangang syang hanapin. Dahil narito na ang bakunawa."

Nagkatinginan kaming magkakasama. Bumutil ang malamig sa pawis sa noo.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"...Makinig kayong mabuti at wag mabibigla. Hindi namin alam kung papaano pero nakapasok na ng Kanlungan ang mga kalaban."

Para akong tutumba sa narinig. Napasok na ang aming tahanan.

Nagpatuloy sya. "Sa ngayon nasa kabilang bahagi sila ng Kanlungan at naghahanda sa isang malaking pagsalakay kasabay ng pagkain ng bakunawa sa buwan. Naghahanda ang Tanggulan ngayon sa malaking digmaang magaganap at kailangan namin ang presenya ng Pinili at bertud para sa labanang ito."

"Gaano karami ang sinasabi mong kalaban?" tanong ng diwata.

"Binibining Makie?"

"Ako nga."

"Ikinagagalak kong marinig ang boses mo. Hindi ko pa tiyak. Pero labis-labis ito sa bilang natin. Inaamin ko sa inyo, hindi maganda ang sitwasyon para sa atin. Nagpadala kami ng ilang Napili para suriin ang lakas ng kampo nila pero... Hindi na sila nakabalik pa."

Walang nagtangkang magsalita pero iisa lang nasa isipan namin. Maaaring patay na sila. At maari ring ilan sa kanila kaibigan ko. Dahil kung hindi Magtagumpay, Walangtinag ang balangay na parehas sa ganoong gawain ang naatasan rito.

"Phil! Si Talas? Kabilang ba sya sa pinadala ninyo?! Anong nangyari sa kanya?!!" pasigaw na tanong ni Noli.

Napahawak nang mahigpit si Tifa saking braso. Maging ako ay natakot sa maaring balita tungkol kay Talas. Kung may masamang nangyari sa batang yun...

"Ang boses na yun... Noli? Ikaw ba yan?" hindi nakasagot si Noli sa pagaalala pero sapat na iyon para makilala sya. "Ikaw nga! Paanong naging kasama ka nila Milo? Hindi ka namin mahanap! Pero tamang tama ang pagda-"

"Phil! Sagutin mo ang tanong ko!" sigaw nito.

"Oo. Ok lang sya." napabuntong hininga kaming lahat. Si Tifa napapunas pa ng mata. Hinimas ko ang ulo niya at ngumiti ito sakin.  "Pinilit nyang sumama ngunit bilang Punong Cabeza hindi nya maaring iwanan ang ating hukbo. Gusto mo ba syang makausap?"

"Salamat sa Bathala kung gayon." sagot ni Noli. "Hindi, pakiusap huwag muna. Kakausapin ko nalang siya at ang buong Kanlungan sa pagbalik ko. Ang pangunahing problema muna ang ating lutasin. Kailangan namin makarating dyan."

"Sangayon ako dyan. Pero bago yun may sinasabi kayong ihihiling ng tulong?"

Ako ang sumagot. "Tungkol dyan..."

Ipinaliwanag ko sa kanya ang kasalukuyan naming sitwasyon. Kung paanong tila nakulong kami sa bundok at anumang oras maaari kaming matagpuan.

"Problema nga yan. Ipapadala ko sana si Gil Perez para sunduin kayo ngunit mahirap puntahan ang kinalulugaran ninyo. Baka aksidenteng mapunta pa kayo sa ibang planeta."

Kuminang ang mata ni Tifa. "Uy pwede yun? Pwedeng bang mamili ng planetang pupuntahan?"

Tinignan namin sya at nagzipper sya ng bibig.

"Ganito nalang, magpapadala kami ng susundo sa inyo. Pero subukan nyong makalabas sa bundok na yan, kung hindi man kahit makalapit nalang sa labasan. Mahihirapan kasi silang makapasok dahil sa mga kalaban."

"Pero yun nga ang pinoproblema sa simula palang eh. Hindi kami makaalis rito kasi makikita kami ng mga kalaban." sagot ko.

"Hmmm... Naalala mo ba ang payo ko bago magsimula ang DiWa? Tungkol sa sinturon ng Kapre? Nakahanap ka ba?"  tanong nya.

"Ngayong nasabi mo, oo meron nga."

Nilabas ko sinturon sa aking bag.

"Tamang tama, yan ang makakatulong sa inyo! Sabi ko na nga ba maasahan ka kahit wala sa itsura mo haha. Gamiting nyo yan parakguqakcjclavs- *tut* *tut* *tut*"

"....Phil?" tanong ko pero wala nang sumasagot sa kabilang linya. "Naputol."

Kinuha uli ni Tifa ang cellphone at ngunit di na kumunekta ang linya. Nagkaroon kami ng agam-agam sa nangyari pero pinili nalang naming isantabi ito sa aming isipan.

"Ang huling sabi nya ay gamitin natin ang sinturon na ito. Pero paano naman makakatulong ito sa atin? May nakakaalam ba sa inyo?"

Umiling silang lahat. Maging ang diwatang si Makie hindi alam kung para saan ito.

"Hindi ako pamilyar. Wala akong pakialam kung kung ano mang kasuotan meron ang mga kapre." sagot nya sabay tingin nang matalim sakin. "Ni hindi ko nga alam na may nakuha kang ganyan eh."

"Ahahaha..." pinagpawisang tawa ko.

Kinuha ito ni Tifa. "Isa lang ang paraan para malaman natin."

Inikot nya ito sa kanyang baywang. Sa una'y nahirapan sya dahil sukat ito sa katawan Neskapre, ngunit sa gulat namin lumiit ito at umangkop sa sukat ni Tifa. Sa huli nagawa nya na itong itali.

Ay sa harapan namin naglaho syang parang bula.

"WHOOOOOAAAHHH!" nabiglang hiyaw namin.

"B-bakit?! Anong nangyari?" lumitaw syang muli, tinanggal ang sinturon.

"N-nawala ka!" sabi ni Noli

"Paanong nawala?"

"Isuot mo uli."

"O-ok." itinali nya itong muli.

"Ang galing! Nawala ka ulit ate!" ani Ever.

"Oo nga ano? Wow! Hindi ko makita ang katawan ko. Naging invisible ako! Paano nangyari yun? Kailangang mapag-aralan ko ito nang maige." sabi ng boses nya na nanggaling sa kinatatayuan nya bago nawala.

Medyo nakakakilabot kasi parang may multo sa paligid. Weird, hindi na ako takot sa aswang pero sa multo medyo.

Hinatak ni Mira ni tela ng pantalon ko. "Ano yung invisible kuya?"

"Yung nawawala ka pero nandun parin. Kagaya ni ate Tifa mo, hindi na sya makita."

Kumunot yung noo nya. "Ano namang bago run?"

"........"

Hinampas nya ako sa binti at tumawa. "Joke lang kuya ikaw naman."

Tumawa rin ako kunwari. Hindi ko alam reaksyon ko sa kanya minsan.

"Sandali lang may susubukan ako." sabi ni Tifa.

"Wahuy anuyun?!" sigaw ko. Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

"Wag kang magulo, ako lang yun. Ayan! Ang galing! Tama ang hinala ko."

"Anong hinala?" tanong ko.

Napatingin ako sa mga kasamahsn ko at nagtaka sa mga titig nila. Nanlaki ang mata nila pero hindi direktang nakatingin sa akin. Parang may hinahanap.

"Milo." tawag sakin ni Makie. "Naglaho ka rin."

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naging mahirap ang pagbaba namin ng bundok. Masyadong masukal ang daanan na sapat na para mahirapan ang isa humakbang, lalo pa kung nakapila kayo at magkakahawak ng kamy. At mas lalong lalo pa kung hindi nyo makita kung saan ang paa mo. Nararamdaman mo lang na nakatapak ka na pero di mo ito makikita.

Kakaiba sa pakiramdam.

Ilang beses nagkakabanggaan kami kapag huminto ang isa. At marami ring pagkakataong na may napadausdos o muntikang madapa pero dahil sa suporta ng lahat wala namang naaksidente.

Sumatutal nakakamangha ang sinturon. Marami itong maitutulong sa amin. Magagamit namin ito sa maraming bagay.

Oo, sa maraming bagay.

"Baba!" nagpasquat kami sa babala ni Makie. Sa itaas may lumilipad na isang berbarang(*1). Hindi ko maintindihan kung bakit kami nagtatago gayong inbisibol naman kami. Pero mas mabuti nang maingat lalo pa't mas mapanganib ito kaysa sa iba nitong kasama.

Isang beses habang nalalakad kami may dumaang matahungal(*2) sa aming harapan. Malaking mukhang bakang halimaw na mabalahibong may pangil. Akala namin magpapatuloy ito nang biglang tumigil at lumingon sa amin. Lumapit ito sa amin. Ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Tifa sa akin. Dahan dahan kaming umatras habang sumusunod sya sa amin, tila sinusundan ang aming amoy. Pinigil ko ang aking paghinga para di nya marinig. Nung alaka ko maaabot nya kami biglang *paaak* may nambato sa puno sa kanan. Sumigaw ito at nilusob ang pinanggalingan ng tunog, at mula sa paligid naglabasan ang ilan pang maligno na sumunod dito. Hindi ko alam kung sino nambato pero salamat sa kanya at nakasalisi kami sa kanila.

Maliban run wala nang naging problema. Maagap naming naiiwasan ang mga lugar maraming kalaban. May mga higanteng maligno pero malayo ito sa amin kung kaya hindi namin ito inalala. Ilang minuto pa at narating namin ang paanan ng bundok nabnapapalibutan ng puno. Kaunting tiis nalang at malapit na kami sa labasan. Malapit na kami sa kaligtasan.

Masyadong madali.

May naituro sakin si Tifa dati na naalala ko bigla. Ito ay ang Murphy's Law. Ayon dito, kung may mangyayaring masama, mangyayari at mangyayari ito.

At yun nga ang nangyari.

Isang iyak ang nanggaling sa gilid.
Tumigil ako para puntahan ito.

"Hinto! Sino yun? San ka pupunta?" tanong ni Makie.

"May sumisigaw." sagot ko. "Baka nangangailangan ng tulong."

"Hindi natin yun pupuntahan! Paano kung patibong yan. Malapit na tayo sa labas oh."

"Paano kung hindi? Ayokong dalhin sa kunsensya ko na hindi ko tinulungan ang kaya ko naman."

"Sangayon ako sa kanya."

"Hay nako bahala kayo!"

Wala nang nagawa si Makie kundi sumama sa amin. Sinundan namin ang sigaw hanggang makita namin ang linawag. May sunog sa pinanggagalingan nito. Mas binilisan ko ang paghakbang, rumiritmo sa tibok ng puso ko. Hanggang sa tumambad sa amin ang isang kahindik-hindik na eksena.

Isang maliit na baryo ang nasusunog. Sa labas ng kabahayan may mga taong nakasalampak sa damuhan, hindi na gumagalaw at naliligo sa dugo. Karamihan sa kanila kung hindi wakwak ang ang sikmura, nawawalan ng binti o braso. Muntikan na akong maduwal sa nakita.

Hanggang sa narinig ko ang isang sigaw.

Sa kaliwa may isang babae nakaluhod yakap-yakap ang isang maliit na bata. At sa harapan nila ay isang kiwig(*4), parang baboy-ramong mas malaki at literal na umaapoy ang mata. Duguan ang bibig nito at may nakadikit na laman sa ngipin, naghahanda na upang sagpangin sila.

Hindi nako nagdalawang isip. Bumitiw ako sa aking mga kasama at sumugod para iligtas. Nagulat ako sa kakaibang liksi ng aking paa, napaka gaan ng aking katawan. Ilang segundo lang naroon na ako. Para sa kalaban para lang akong lumitaw mula sa kawalan kaya wala syang nagawa nung lumundag ako, humiwa paikot gamit ang balisword para gayatin ang kanyang leeg. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang ulo lumapag ako sa damuhan at paatras na dumulas. Humawak ako sa sahig para huminto sabay lingon sa kanila.

"Rakenrol." sabi ko. Whoooo ang cool ko.

Nilapitan ko ang dawala. "Ok lang kayo? Wag kayong matakot, ligtas na kayo."

Tumingin sila sa akin sa naging alikabok na... "Maraming salamat, utang namin ang buhy namin sa iyo."

Nagulat ako nang ang nagsalita yung batang babae na hawak nung mas matanda. Wala pa ata syang limang taon pero ang presensya nya at parang matanda na. Hanggang napansin ko ang kanyang matang kulay asul at taas ng kanyang labi. Wala itong alulod.

Isa syang enkantada.

"Sino ka? Anong ngalan mo?" tanong pa nito sa akin.

"Milo Hernandez." sagot ko. "...Isang Napili." dagdag ko nung parang naghihintay pa sya ng kasunod. Sa turo rin kasi sakin ni GDP, mahalaga ang pormalidad sa mga enkantado.

Tumango sya. "Milo Hernandez na isang Napili, hindi ko malilimutan ang iyong ngalan. Muli'y maraming salamat." yumuko sya sa akin. Dali-dali ko syang ginaya.

"Carolina. Aalis na tayo."

"Opo." sagot nung babae at kinarga ang enkantada. Lumingon sya sa akin. Napaka ganda nya. Itim na buhok at may maamong mukha. Isa syang tao. Kumindat sya sa akin bago siya tumakbo sa loob ng kagubatan, palayo sa aking paningin.

"Sino yun?" tanong ni Tifa na hindi na inbisibol.

"Ewan ko. Pero enkatada yung bata."

"Talaga? Hmmm." sagot ni Makie na tila nagiisip. Baka kakilala nya yun.

"Mga katoto, may malaking problema tayo." sabi ni Noli.

Lumingon ako sa tinuro nya. Problema nga. May mga aswang na tumatakbo tungo samin. Amomongo, ebwa(*5), amalangkit, mantahungal, halu-halo. Nasa daan ang bilang.

"Tingin ko huli na para maging invisible noh?" taning ni Tifa.

"Oo huli na. Takbo!"

Tumakbo kami sa kabilang direksyon. Pero hindi pa kami nakakalayo, biglang may bumagsak na mga umaapoy na kahoy. May mg wakwak sa itaas na naglalaglag ng mga nasusunog na bahagi ng bahay para harangan ang aming daanan. Lumipat kami sa ibang direksyon.

May sumipol sa hangin at kami'y yumuko. Tyempo naman may nambato ng puno sa aming harapan, kung hindi kami huminto at lasog na ang aming katawan. Isang higanteng ongloc(*6) ang nambato nito mula sa likuran namin. Tumakbo kami sa kanan, lumapag ang berkaran para salubungin kami. Tatakbo kami sa kaliwa, nasa harapan na namin ang mangtanghul. Pinanggalingan papalapit ang humahabol sa ibabaw ng puno matatanaw na nakasilip ang mga higanteng bungisngis at iba pang maligno.

Napapalibutan kami ng libu-libong kalaban.

"Kaibigang Milo kung gagamitin mo ang bertud ngayon na ang tamang oras." ani Noli.

"Mamamatay tayo kapag mali ang paggamit ko."

"Mamamatay din tayo kapag di mo ginamit!"

"May iba pa sigurong paraan!"

"Pwes bilisan mo ang pagiisip! Wala na tayong oras!" reklamo ni Makie.

Tumatakbo nang mabilis ang aking isipan. Sa likod nito may inaalala ako, isang paraan na magliligtas sa amin mula sa maraming kalaban. Alam ko meron pa, hindi ko lang maalala.

Dumilim ang kalangitan nang matakpan sa dami lumilipad ang buwan. Halos hindi ko matanaw imahe nito.

"!!!!!!"

Binuksan ko ang aking bag at may kinuha. Merong makakatulong sa amin. At ang hawak ko iyon.

"Ano yan?"

"Isang sulatin na bigay sa amin ni Mayari bago kami umalis Kanlungan." ipinakita ko ang balumbon na liham. "Ang sabi nya sa amin kapag nasa oras kami ng kagipitan, napapalibutan ng kalaban ay gamitin namin ito. Isang beses ito pwedeng gamitin kaya itinabi ko muna pero ngayon mukhang kailangan na natin!"

"Ang galing mo Milo, buti naalala mo yan. Bilisan mo na, buksan mo na!" ani Tifa

"Oo!"

Maaaring isang mahika ang nakasulat sa liham na papatay sa kalaban, o ililipat kami sa ibang lugar. Isa lang ang nakatitiyak, ligtas na kami at utang namin iyon kay Mayari. Huminga muna ako nang malalim at nagusal nagpasalamat sa diyosa ng Buwan saka ko ito binukasan. At nabasa ko ang mga mahiwagang katagang nakasulat doon:

"Nanganganib kayo? Buti nga sa inyo! Lakas nyong mangasar uh, buwanang dalaw pa! Bahala kayo ngayon sa buhay ninyo, belat! Bwahahahahaha." (drawing ng mukha nyang nakadila).

"............."

Itinapon ko sa sahig yung liham saka gigil na pinagaapakan ko. Pati yung ibang nakibasa, nakiapak narin. Ang init ng ulo naming lahat. Bwisit na dyosa yun.

Sinigaw ko ang pangalan nya sa inis.

"MAYARIIIIIII!!!!!!!!"

Nakalapit na ang kalaban sa amin at lumundag upang sagpangin kami, hinanda namin ang aming sandata para salubungin sila.

*BOOOOOOOOOMMMMMM!!!!*

Dumagundong ang lupa nang mula sa kalangitan ay may bumagsak sa aming harapan. Sa lakas ng pwersa nito sumabog ang hangin tangay ang lupa, bato, halaman at iba pang bagay. Nagtalsikan ang mga maligno mapalad na di direktang nataamaan habang kami napakapit sa punong itinapon sa amin upang di kami tumalsik.

Nung humupa na ito, ang lupa sa tapat namin ay may malaking uka na parang binagsakan ng bulalakaw. Sa gitna nito, sa gitna ng alikabok ay may nakatayo. Isang dalagang nakatalikod sa kamin. Mahaba ang kanyang buhok, ang kanyang balat ay parang lumiliwanag. May suot syang baluting pandigma na gawa sa kumikinang na pilak at kakaibang bato. Sa kanyang tagiliran ay may espadang gawa rin sa pilak na nakatarak sa lupa. Dahandahan syang lumingon sa amin. Nanlamig ako sa kanyang titig, naging gulay ang mga binti. Normal ang isa nyang mata.

Ngunit ang isa mata nya ay isang maliit na buwan na lumulutang sa puting kalawakan.

Nakakatakot ngunit napakaganda. Ang babaeng kaharap namin ay ang pinaka magandang nakita ko sa buhay ko hanggang ngayon.

"Tawag nyo ako?" walang ngiting tanong nya.

Dumating na ang dyosa ng buwan para lumaban.


••••••••••••••••••••••••••••••

(*1) Berbarang/berbalang
Origin: Sulu
Parang silang bampira pero di ngssparkle. May pakpak sila tulad ng wakwak at ang mata nila ay matalas tulad ng sa pusa. Kailangan nilang kumain ng laman ng tao kundi ay mamamatay sila. Kawawa naman. :'(

(*2) Mantahungal
Origin: Tagbanua
Mala baka sa itsura at boses pero walang sungay. Makapal ang malahibo at malaki ang bibig na may dalawang pares ng pangil. Hindi ko lang alam kung matatakot ako kung hinabol ako tapos biglang nag MOOOO sya sakin.

(*3) Kiwig
Origin: Aklan
Tulad ng sabi ni Milo para syang baboy ramo, na para ring aso o pusa na nakayukod. Umaapoy ang mata, magaspang ang patusok na buhok at malalaking pangil. May buntot itong mahaba't payat na nakaturo sa langit. Meron siguri siyang modem sa pwet na naghahanap internet signal. Ang kakaiba dito takot nya sa mahabang nakalugay na buhok.

Kaya laging magconditioner. Long hair = long life.

(*4) Ongloc/Ungloc/Unglok
Origin: Kanlurang Bisaya
Isang malaking itim na malataong halimaw. Matutulis ang ngipin nito at para kumain ay ginagawa nitong buko ang isang pilyong bata. Kasi vegan sya. Pero tatatanga sya na pwedeng lokohin ng bata para makatakas. Ang mga pilyong bata para parusahan noon ay pinapahuli ng magulang sa mga ongloc. Tough love men, tough love.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Salamat po sa mga nagfloodvotes. i love you all:

yeppeunprincessmmavinanteCaleMers1AnjLexandra23koalax27EunLeeAceKimranoMedelJhunjhunblackstripe000danics01alliahduckytrikitingchansky78Ai_Love_Yuzelzel1407

Pavotes po guys, pafollow narin and pashare sa iba.

Update po sa book production, nageedit na po ako ng manuscript. Sa bibili po thru me via shipping pag available na may libre pong bookmark na kasama ;)
Update ko po kayo uli.

Merry Xmas and Happy New Years guys


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top