KABANATA LI - Refrelevator
Once upon a time, in a faraway land,
May lagi akong napapanaginipan.
Ngunit ngayo'y lumipas ang panaginip.
At ang boses sa isipa'y tuluyang nanahimik.
Kung kaya ngayon wala akong masabe.
Kaya pabili nalang ng kamote.
Teka wala nang sense,
...Condiments?
Sinubukan kong magsulat nang makababag damdaming tula bilang pagpugay sa buhay ng Supremo pero naalala kong basura ako gumawa ng tula. Siguro mula sa kabilang buhay binabato nya na ako ng mga cedula. Pero totoo rin namanang nilalaman ng tula, bukod dun sa kamote thingy(kamothingy?). Totoong ngayon tumigil na ang mga panaginip kong paulit-ulit. Teka mali yun. Tumigil ang panaginip ko na may patungkol sa Supremo. May ilan pakong panaginip, karamihan sa kanila ay premonisyon sa hinaharap na pagsubok, pero iyon ay ibang kwento na. Pati ang boses nya sa aking isipan na gumagabay sakin kapag ako'y nasa kagipitan, nawala naring lahat. Pakiramdam ko nagiisa na ako... Na mas ok na, kasi kung naging dalawa ako paksyet baka umihi ako na tumatambling.
Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal nakaluhod at nakatingin lang sa kanya nang hindi sya nakikita. Pahapyaw kong naaalala na binuhat ko ang magaan nyang katawan at inihiga papag na higaan sa may gilid. Blanko ang isipan ko matapo yun. Naghalo ang lungkot at lito, na nangyayari kapag sa harapan mo nawalan ng buhay ang isang importanteng tao. Hindi sa unang pagkakataon, pinagdudahan ko kung tama ba ang pinasok ko. Kung kaya ko ba ang ang kinakaharap kong pagsubok. Oo alam kong nakasalalay ang aming buhay at sa isang maling hakbang pwede itong bawiin sa amin, handa naman kami run.
Pero iba na kapag may namatay na sa inyo.
Para kang sinampal ng katotohanan na hindi isang laro ang iyong ginagawa. Na ang kamatayan ay hindi lang isang salita o banta, bagkus ay isang malamig na aninong nakatago sa kanto at anumang oras ay hahagkan ka, gustuhin mo man o hindi.
"Ijo..." isang kamay ang lumapat sa aking balikat. Sumagot ako nang hindi tumitingin.
"...Wala na sya ginoong Emilio. Ipinamana nya sa akin ang bertud, kahit alam nyang kapalit nito ang buhay nya. Hindi ito patas..."
Lumingon ako at doon ko nakitang lahat ng aking kasamahan ay nasa loob na, dala-dala ang malungkot na ekpresyon sa kanilang mukha.
"Ito ay kagustuhan ng Supremo. Hindi lang ito tungkulin para sa kanya. Wala syang ibang hinangad kundi ang tagumpay mo at linaan nya ang lahat para sa katuparan nito." marahan na tugon sa akin ng katipunero.
"Pero hindi ba mas marami pa syang magagawa kung nabubuhay pa sya? Mas nagtutulungan nya akong magtagumpay kung nandito pa sya."
"Nandito parin naman sya eh. Patay nga lanhummrpp."
Tinakpan nila Tifa at Noli ang kanyang bibig para hindi na makapagsalita pa nang insensitibong bagay. Pero ayos lang naman, alam kong wala syang ibang ibig sabihin na masama sa kanyang sinabi. Nagpapaka-Jazz lang sya. Mas naalibad-baran ako sa sumunod na eksena. Ang resulta kasi, naglapat ang kanilang kamay at nagkatinginan sila. Ngumiti si Noli na sinuklian naman nang mahiyaing ngiti ni Tifa.
Tapos may nagsayawang mga duwende sa bulaklaking kaparangan na lumitaw sa background habang may mulawin na lumilipad kumakanta ng 'ikaw nga'. SUNUGIN!
"Ehem excuse me-"
"Sige dumaan kana." sabat ni Ever, pinanliitan ko sya ng mata.
"Mawalang galang na, nagmomoment ako rito, nalulungkot ako diba, ayan oh may tutulo na ngang luha konting kembot nalang. Mas maaapreciate ko kung hindi kayo maghoholding hand sa bibig ni Jazz." irita kong sabi.
"Huy grabe ka! Hindi naman kami naghoholding hands! Magkapatong lang kamay namin tapos..... Umm.... Oo nga noh? Tehehe." aliw na tawa ni Tifa.
"Syang tunay binibini, pasensya ka na hindi ko rin kaagad napuna hahaha." tugon ni Noli.
"ok lang hahaha..."
"......."
"............"
Nagtagal pa sila sa ganoong posisyon habang parang naguusap ang mga mata.
".............pwede nyo nang tanggalin yung kamay nyo sa bibig ni Jazz. Pipigilan nyo ba paghinga nya?" gising ko sa kanila.
"Ay oo nga pala." dagli nilang tinanggal ang mga kamay.
"Naku, wag nyo akong alalahanin mga katoto." ani Jazz. "Amoy lupa naman yung kamay nyo kaya ok lang sakin, para lang akong naghuhukay. Hala sige, ipagpatuloy nyo lamang ang inyong ginagawa."
Ibinalik nya ang kamay ng dalawa sa kanyang bibig at pikit-matang inalala ang matatamis na sandali ng kanyang buhay. Yung dalawa naman sumakay nalang.
"Ehem." pagsingit ni Ever. "Bakit parang masama ang itsura mo kuya? Ibig kong sabihin, bukod sa normal. Wag mong sabihing... Naiinggit ka sa kanila noh?" pangaasar pa nya.
"isasantabi ko yung sinabi mong 'bukod sa normal' pero naiinggit? Sus hindi uh."
Hindi naman sa naiinggit akong hawakan ang kamay ni Tifa, dahil sa pagiging malapit namin may mga pagkakataong nangyayari ito nang natural. Ayoko lang na nagaganap ito sa ibang tao. Pero syempre ayokong aminin ito.
"Wag ka nang mahiya" may ngiting nakakaalam na sabi ni Noli. "kung gusto mo rin naman dapat sinabi mo nalang, ok lang naman."
Tapos lumapit sya sakin... At tinakpan ang bibig ko.
"......anong sa tingin mong ginagawa mo?" tanong ko sa ilalim ng kamay nya.
"Tinatakpan ko ang bibig mo, diba gusto mo rin ito."
Kumindat sya sakin at biglang may nag flash.
Pinicturan kami ni Tifa.
"Isa itong ginto! Ang ganda ng kuha, perfect!" malalim na paghingang reaksyon ni Tifa habang pinagmamasdan ang screen ng kamea. Hinampas ko ang kamay ni Noli bigla.
"Ay noooo dont stop! Isa pang posing please!"
Kinilabutan ako maging si Noli kung kaya lumayo sya at nagipon ng kanyang manly essence.
Dagli kong binago ang usapan.
"Nagdadrama ako Tif, sa next life nalang siguro." sumimangot ito pagdinig at nagdabog. No, Tif."Saan na nga uli tayo ginoo?" baling ko.
"Huh? Ummm. Dun na sa mas marami syang magagawa kung buhay pa sya? Tama?"
nagulat na tugon ni Jacinto na tila naaliw samin.
"Oho dun nga. Saglit magiinternalize lang ako. (hinga malalim) Bakit binigay nya pa sa akin ang bertud kung mamamatay lang rin sya bilang kapalit?!" maramdamin kong panaghoy.
"...Kasi iyon ang misyon nya. Para sa kanya mas mahalaga ka kaysa sa buhay nya kaya walang pagaalinlangan nya itong ginawa. Hindi sya nagsisi sa kanyang desisyon dahil ito ang tama." nice follow up!
Inipon ko ang drama ko sa katawan at sinabing "Pero dahil sa akin namatay sya! Hindi nyo ba naiintindihan yun? Parang ako narin ang pumatay sa kanya kung tutuisin! Huhu. Ako ang-arekuppooo!"
Tinadyakan ako ni Makie at napaupo ako sa sahig. Makalipas ang tatlong kabanata, sa una nyang paglabas sa eksena, tinadyakan nya ako. Ansakit. Isa pa please. Rakenrol.
"Andami nyong drama, naiinip nako!" pagkrus nya ng kanyang braso. Cute. "Makinig ka, lahat ng nilalang sa mundo namamatay, hindi nababago yan. Lahat! May iba lang tulad niya na mas matagal nabuhay kumpara sa iba pero mamamatay parin sila. Hindi importante yun."
Tingin ko importante yun Makie.
"Ang importante kung anong ginawa nila sa habang nabubuhay sila. Anong pagbabago, anong kabutihan, anong impluwensya sa mundo ang kanilang nagampanan. Ang importante ay ang kakaharapin nila ang kamatayan na walang pagaagam-agam, at may payapang isip na may nagawa silang ikabubuti ng mahal nila sa buhay at iba pa. Tignan mo sya." tinuro nya si Andres na nakahiga, nakangiting akala mo natutulog lang.
"Tignan mo ang ngiti nyang... Ano... Umm... Medyo creepy... Pero pumanaw sya nang nakangiti dahil tapos na ang misyon nya, nagtagumpay sya. Maging masaya na lamang tayo kahit... Medyo creepy talaga! Bahala na nga kayong magusap dyan! Basta umayos ka!" duro nya sakin sabay tago ng mata ilalim ng visor.
Hanuitu? Si Makie natatakot sa patay? Pero hindi ko sya masisisi, kahit ako medyo kinikilabutan dahil parang nakangiti sakin si Boni. Buti nalang hindi sya nakadilat. Pasensyahan tayo, idadapa ko sya kapag nagkaganun.
"Tama ang sinasabi ng binibini, ijo." pagsangayon ni Emilio.
"Diba," tugon ni Makie. "sabi sayo ang creepy tignan eh."
"Ano... Hindi yun ang tinutukoy ko binibini."
Nagkibit balikat lang ang diwata.
"Naiintindihan ko na nalulungkot at natatakot ka sa nangyari, pero hindi gugustuhin ng Supremo na malungmok ka lang gaya nang nangyayari ngayon. Ang pinaka mainam mong gawin ay tuparin ang kagustuhan niya para sa iyo."
Tinignan ko sya nang patanong.
"Ang mamuhay ka nang normal." paliwanag nya. Natawa akong walang bahid ng aliw.
"Isang malabong kahilingan yan para Napiling kagaya ko."
"Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit ka lumalaban?" tanong nito.
Napaisip ko. Iyon nga ba ang dahilan? Isang buhay na normal? Maaari. Pero higit sa lahat ang gusto ko lamang ay ang mabuhay. Yun naman ang nakatanim na pangangailangan ng bawat nilalang mula pa nung unang panahon at gagawin nito ang lahat para mapangalahaan ito. Iyon ang dahilan kung bakit ako lumalaban. Para pangalagaan ang buhay ko pati narin ng mga kasama ko.
Na hundi nalalayo sa kagustuhan ng Supremo.
Kaya ang pagmumukmok ay isang paglapastangan ñsa huli nyang kahilingan. Kailangang magpatuloy akong humakbang para hindi sya biguin. Tumango ako at tumayo.
"Ok kana kuya?" hinawakan ako sa kamay ni Mira. O kung saang akala nya naroon yung kamay ko.
"Ayos lang ako. Bukod sa tagiliran kong natadyakan." ngiti ko sa kanya. "Malungkot pero hindi ito ang oras para maging sentimental. Marami pa tayong dapat gawin."
Gumaan ang pakiramdam sa kwarto nung sinabi ko iyon. Unting unting gumuhit saming labi ang ngiti na simbulo na paghilom. Maswerte ako at naroon ang mga kaibigan ko para damayan at gisingin ako sa aking pagdadalamhati.
Kulang nalang makalimutan naming may patay sa gilid.
"Nagawa mo na ba ang lahat nang dapat mong gawin rito?" Tanong ni Makie na naka krus ang braso at naiinip.
Napasulyap ako sa lugar ni Bonifacio bago tumango bilang sagot.
"Ano nang susunod nating hakbang?" Tanong ni Jazz.
"Isa nalang naman ang natitira nating dapat gawin, pero ito ang pinaka mahirap." kumamot ako ng ulo "Ang patayin ang bakunawa."
Halos lahat sila napabuntong hininga. Nagpaisip kung paano sisimulan ang sunod naming galaw na tila walang patutunguhan.
"Suntok sa buwan yun. Pero possible. Hindi ba Milo?" baling ni Tifa sakin.
Napatingin ako sa panyong nakabuhol sa aking galanggalangan.
"Ano yan? Wala naman yan kanina uh. May kinalaman ba yan sa bertud? Sa pagtanggal ng selyo nito?" tanong nya.
Inangat ko ito para makita nila at nagisip bago sumagot. Inalala ang sinabi ng Supremo.
"Oo. Pero mamaya ko na ipapaliwanag. Sa tanong mo kung posible, ang totoo nyan hindi ko pa alam. Alam ko na kung paano gamitin ang bertud at kung pagbabatayan ang lakas ng bakunawa nung una nating syang nakaharap walang duda kaya ko syang talunin..."
"Pero ang bakunawa ay lumalakas sa bawat paglipas ng araw." pagpatuloy ni Jazz. "Hindi natin alam kung gaano sya kalakas ngayon. Lalo pa at nalalapit na ang palugit ng misyon."
"Kaya sa lalong madaling panahon kailangan matalo na natin ito agad."
Tumango kami sa pagkakasundo.
"Bago ang lahat, ang tanong dyan paano ninyo mahahanap ang bakunawa? May nakakaalam ba sa inyo?" narigilan kami sa pagusisa ni Jacinto. Walang makasagot.
Hanggang may naalala ako.
"May ideya ako kung saan sya nagtago, pero hindi ako sigurado kung naron pa ito."
Idinetalye ko ang aking huling panaginip kung saan nagpunta ako sa isang palapag sa isang matayog na gusali. Kung paanong napanood ko ang paguusap ng tatlong lalaki kasama ang batingaw, ang eksena kung saan nagpakita ang bakunawa sa kisame, at ng posibilidad na maaring naroon pa ang bakunawa sa gusali."
"Sandali, bakit hindi ko alam ang tungkol sa panaginip na yan?" may inis na tanong ni Makie.
"Ummm.. Panaginip lang kasi iyon eh, hindi naman totoo. Kaya akala ko hindi na importante kaya hindi ko na sinabi pa." hindi ko na binanggit na naikwento ko ito kay Tifa, baka lalo pang uminit ang ulo nya.
"Hindi importante? Hindi mo ba alam na ang panaginip ng isang Napili ay maaring isang premonisyon na makakatulong sa atin? Sa susunod, sasabihin mo sa akin ng panaginip mo. Lahat. Maliwanag?"
"....Sigurado ka, lahat?" ngiti ko sa kanya.
Napaisip sya.
"....Binabawi ko ang una kong sinabi. Wag lahat. Yung konektado lang sa misyon natin. At wag mo akong ngitian, babawasan ko ngipin mo."
Yes maam, masusunod. Magiging katuwang kana ng mga panaginip ko. Ahihihi.
"Mabalik tayo sa suspetsa ni Milo." pasok ni Emilio. "Kung ang panaginip mo ay nakabase sa katotohanan, may posibilidad naroon pa Bakunawa pero maliit na lamang. Ayon sa panaginip mo nasa kisame sya, ngunit nung nakaraang labanan sa Kalookan kasing laki na ito ng tren, masyado na itong malaki para makapagtago sa isang syudad nang hindi nakikita."
"Pwera nalang kung nasa ibang dimensyon ito nakatago." sagot ni Noli. "Sa simula pa lang paano sya magkakasya sa kisame diba? Yun lang ang sagot dun, nasa ibang dimensyon sya na konektado sa kwartong yun." dagdag pa nya.
Kung tama ang hinala nya, yun rin ang maaring dahilan kung bakit para akong nasa ilalim ng tubig pero hindi. Kung bakit may mga isda pero hindi nila ako pinapansin. Dahil magkasama kami sa iisang lugar pero magkaibang dimension. Utak, wag kang susuko, kaya mo yan.
"Kung sa gayon paano natin sya mahahanap? Di yata'y sunod na iyon sa imposible." ani ni Jazz.
Napapalakpak nang isang beses si Tifa.
"Kung di natin sya mahahanap sa regular na paraan, bakit hindi na lamang sya ang papuntahin natin sa ating lugar?"
"At papaano naman natin gagawin yun?"
"Papainan natin sya ng bagay na gustong gusto nya. Bukod sa buwan syempre. Delikado yun."
"Ano naman yung ipapain natin sa kanya? Ano pa bang mas gusto nya bukod sa buwan?" tanong ko.
Tumingin silang lahat sakin na walang sinasabi.
"Oi... Bakit lahat kayo nakatingin sakin nang ganyan?"
"Wag kang mambintang kuya! Hindi ako nakatingin sayo!" himutok ni Mira.
Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan Mira.
"Hmmm.. Pwede. Tingin ko pwede nga yun" nagiisip na sabi ni Makie.
"Saking pananaw malaki ang posibilidad na eepekto yun." tugon ni Jazz.
"Huy, anong yang sinasabi ninyo?!"
Humawak si Ever sa akin at Ngumiti nang buong ningning.
"Kuya, Salamat." sabay punas ng imaginary luha.
"Seryoso, ano ba yang pinaguusapan ninyo?!" irita kong tanong.
"So, saan natin ipapain si Mi-"
Biglang yumanig sa buong silid. Hindi, sa buong bundok. Dahilan para di matuloy ang sinasabi ni Tifa.
Dumagundong ang malalim na *Boorgghzz* at umulan ng alikabok at malilit na bato sa kisame. Ang ilan sa amin ay napaupo o nadausdos sa sahig. Niyakap ko si Mira at lumuhod para protektahan sya sa bumabagsak na bato at babasaging bagay na nahuhulog sa lamesa at ilang tukador sa gilid. Ang mga lumulutang na kandila ay umaandap na parang christmas lights.
"Lumilindol!" sigaw ni Noli. Obyus naman diba? Yumayanig ang lupa eh.
Kasing bigla ng pagsimula nito ay ang pagtigil naman nito. Napasulyap kami sa itaas, nakikiramda, waring makikita sa kisame ang sanhi ng pagyanig. Bago pa man din makapagsalita ang isa, nagkaroon na naman ng pagyanig.
Nagkaroon ng iba pang pagyanig, pabago-bago ng lakas, tila nanggagaling sa ibat-ibng bahagi ng bundok. Parang may bumabagsak mula sa kalangitan at humahampas sa kalatagan.
At huminto uli.
"Anong nangyayari? Hindi isang lindol yun kapag pahinto-hinto!" sigaw ni Tifa.
Nagmamadaling nagtungo sa lamesa si Jacinto, may kinuha sa tukador nito at inilapag sa ibabaw. Agad rin kaming lumapit upang makita ito.
"Ano ho yan?"
Isa itong kahoy na tabla. Sa ibabaw nito ay may maliliit na botelyang naglalaman ng likido. Nakahilera ito sa walo pahalang at siyam pababa. May mga nakasulat sa ibabaw nito tulad ng 'puting bato' 'balete' 'hilagang bangin' 'tarangkahan'.
"Bawat isa sa mga botelyang ito ay may kakambal na botelya na nakatago sa palibot ng bundok." itinuro nya ang isang botelyang kumukulo ang laman. Sa ibabaw nito nakasulat ang salitang 'talon'. "Kapag may lumapit na kalaban sa botelya sa labas, kukulo ang kakalbal nitong botelya rito gaya nito, kaya nalalaman namin kung saan naroroon ang kalaban."
Habang sinasabi nya iyon patuloy na dumadami ang kumukulong bote hanggang sa humigit na ito sa dawalampu.
"Kung ganyan kadami ang kumukulo, ibig sabihin nun..."
"Napapalibutan nila tayo."
Natahimik kaming lahat at ninanamnam ang bigat ng sitwasyon. Yumayanig parin ang lugar at dumarami ang boteng kumukulo. Pati angnakasabit na botelya sa aking PuSi ay nagwawala na rin. Ayoko nang isipin kung ano na ang nagaganap sa labas.
Dumating sa punto lumagpas na ang bilang aa limampu ang kumukulong bote. Pati ang mismo tabla ay natatangay narin ng pagnginig. Hanggang sunod-sunod na pumutok ang mga bote na labis naming ikinabigla.
"Masama ito. Hindi kinakaya ng mga botelya ang dami ng mga kalaban sa labas kung kaya't nagkanda basag ang mga ito. Hindi ko lubos maisip kung gaano sila karami para humandong sa ganito. Pero paano? Kahit pa malaman ng mga kalaban na nandito kayo, hindi madali ang pumasok sa teritoryo ng bundok na ito." tanong ni Jacinto.
"... Sa tingin ko ako ang may kasalanan." pag-amin ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nung naguusap kasi kami ni Maestro, binanggit nya sa akin tunay na plano ng organisasyon kung bakit nila pinakawalan ng bakunawa at nais patayin si Mayari. Iyon ay para buhayin ang pinuno nila... At binanggit niya ang pangalan nito. Ayaw nya, pero pinilit ko lang. Kaya nalaman niya kung nasaan tayo."
Naalala ko ang mga matang nakatingin sa akin. Para akong binuhusan ng tubig.
"A-anong pangalan? Sino ang tinutukoy mo?" tanong ni Tifa.
Naalala ko ang pangalan, ngunit gustuhin ko man hindi ito lalabas sa aking labi. Parang may sumasakal sakin. Maging ang itsura ng mga kasamahan ko ay naging balisa hindi ko pa man sinasabi. May kung ano sa paligid na parang may nanonood, naghihintay na banggitin ang kanyang pangalan. At nararamdaman din ng mga kasama ko ito.
"Wag mong babanggitin." pagpigil ni Makie. "Wag dito. Hindi natin masasabi kung anong maaring resulta ng pagbanggit mo pa sa kanyang pangalan." sa kanyang pagiling at pawis sa noo, batid kong may hinal sya kung sino ang tinutukoy ko.
Isang malakas na pagyanig uli ang naganap. Malapit sa aming lugar.
"Wala nang oras, kailangan na nating makaalis rito!" sabi ni Jacinto
"Pero paano? Ilang oras ang ginugol namin sa pagpunta palang rito, kapag bumalik pa tayo sa tinahak nating daan kanina, baka abutan na kami ng kalaban bago pa man din kami makalabas."
Naisip ko palang ang daan namin pabalik, tinakasan na ako ng pag-asa.
"May iba pa ng daan palabas." ani Jacinto "Isang lihim na lagusan para sa pagkakataong tulad nito."
"Saan?"
"Eto." hinawakan nya ang isang kwadradong bagay. Ang kwadradong bagay kung saan ako kumuha ng tubig.
".....Ref na naman?" halos sabay naming tugon nila Tifa, Makie at Jazz.
"Oo. Bakit anong meron?" tanong nito.
"Wala naman. May mga naaalala lang kami tungkol sa mga ref." pekeng ngiti ko.
Nagtaka kami kung bakit ganoon. Sa ref ko itinago ang bertud. Sa ref din kami tumakas mula sa unang atake nila Batingaw. At ref na naman uli ang magliligtas samin. Nagkataon lang ba? O may dyos ng ref na gumagabay sa amin? Ref is life. Ref is love.
Binuksan nya ito at tumambad sa amin ang isang ordinaryong ref na may lamang naggegelatin na ulam. Akala ko hindi ito gumana hanggang sa itinulak nya ang dulo nito at ito'y bumukas na parang pinto. Sa kabilang dulo may kwarto. Asteeeeg.
"Pumasok kayo. Ang kwartong yan ay nakakunekta sa isang tagong labasan sa bandang tuktok ng bundok. Mula roon may madaling daanan na pababa. Hindi ko alam ang sitwasyon sa labas pero ang daanang iyon ay hindi madaling makita mula sa ibaba. Ligtas iyon... Marahil." pagpapalakas nya ng loob.
Pumasok kami isa-isa sa loob. Kwadrado ito, ang espasyo ay sapat sa bilang namin at ay makikilusan pa. Gawa ito sa bakal na malasalamin ang kintab. May hawakan sa gilid at ang kisame may liwanag. Para itong... Elevator.
"Asteeeg. Isang elevator sa loob ng ref? Bago to uh. May pindutan pa rito sa gilid at LED screen ng kasalukuyang palapag oh." aliw na reaksyon ni Tifa habang kinukunan ito ng litrato.
Pati ako, sa kabila ng kaba, ay labis na natuwa. Totoo ngang ref is life. Hanggang nakita ko si Emilio na nakapwesto sa labas.
"Ginoo?" tanong ko. Ngumiti ito.
"Hindi na ako makakasama sa inyo."
Nagulat kami sa sinabi niya.
"B-bakit po? Kasya pa naman tayo. Ansabi sa rito ang maximum limit ay 15 people pa naman." turo ko sa karatula sa itaas. Umiling lamang sya.
"Kasabay ng pagkamatay ng Supremo ay ang pagkatapos ng sarili kong tungkuling umagapay sa kanyang misyon. Sa ngayon hanggang dito nalang muna ang pagtulong ko sa inyo." marahan nyang tugon.
"Pero gumuguho na ang bundok, kapag naiwan kayo rito baka..."
"Hindi ako rito mamamatay." sagot nya saking agam-agam. "May kailangan pa akong gawin. Kailangan kong ihatid ang Supremo sa kanyang huling hantungan. Nakakadurog ng puso kung sa kulungang ito lamang sya mahihimlay."
Tinignan nya ang nakahigang pigura ng dati nyang pinuno. Hindi nya ipinapakita pero ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang tindig at nakasarang kamao. Sa loob ng ilang siglo ang Supremo ang itinuring nya ng inspirasyon. Ang liwanag sa madilim na daang kanyang tinatahak. At marahil isa naring ama. Kung kaya naiintindihan ko ang sakit na kanyang nadarama.
"Isang lugar na nasisinagan ng malayang araw, sa mapayapang mundo, yun ang hiling nyang paghihimlayan. Ako na ang magdadala sa kanya sa lugar na nasisinagan ng malayang araw."
Lumingon sya sa amin.
"Ang mapayapang mundo, sa inyo ko na inaatang."
"...Makaka-asa kayo."
Sa kanyang gilid tinanggal nya sa sisidlan ang isang rebolber, tinignan ito nang mataimtin saka lumapit sa akin.
"Ito ay pagaari ng Supremo, hindi na ito gumagana at ginagamit ko nalang bilang pampaswerte. Tanggapin mo." inaabot nya ito sa aking kamay.
Mabigat at malamig ito sa aking palad. Walang espesyal na katangian, bagkus ay may mga gasgas at lamat pa. Marka ng ilang taong pagkagamit.
"Hindi ko po ito matanggap." umiling ako at ibinalik sa kanya na kanyang ikinataka.
"Wag ka nang mahiya o mag-alinglangan. Hindi ko na ito kailangan. Tiyak ko ring gugustuhin ng Supremong mapasakamay mo ito." pagpupumilit nya.
"Hindi naman yun eh.." tugon niya. "Sira na yan bat ibibigay nyo pa sakin? Wala bang mas bago? Yung ayos pa?"
Napakurap siya.
"Andami mong arte, tanggapin mo na. Mabebenta pa natin yan online." pagkumbinsi ni Tifa.
"Sabagay." kinuha ko ito.
"Huy! Wag nyo ibebenta yan!" gitlang sigaw ni Jacinto. "Lagi mo lang itabi sa iyo. Balang araw baka magamit mo rin iyan pag dumating tamang panahon."
Sabagay. Baka mapandikdik ko pa ng bawang o paminta sa hinaharap.
"Titoooooo!!!!" Sabay na sigaw ng kambal. Tumakbo sila palabas tungo kay Emilio.
Kaso si Mirasol naumpog sa pintuan ng ref at naupo. Dali-dali syang itinayo ng dalawa.
"Aruyy huhuhu..." iyak nito habang nakayakap sa binti ni Jacinto, habang ang kapatid nyay nagpapanggap na naiiyak pero natatawa.
Bumaba ang katipunero at hinimas ang ulo ng dalawa.
"Magpakatatag kayong dalawa at sumunod sa mga ate at kuya ninyo.
"Opo." tulo luhang tugon ni Mira.
"Wag kayong malungkot, magkikita pa naman tayong muli."
"Asar ka tito wala namang ganyanan!!!" asar na nanuntok si Mira.
Si Ever ang tinamaan. Yipee.
"WAAAAAAAHH Huhuhu." palahaw ng bata. Happiness.
"Ay, grabe umiyak si kuya ohh. Daig mo pa ako. Kahiya naman to, umayos ka nga."
Kinagat nito ang kanyang labi at nagpigil ng iyak. Sa itsura nito gusto nyang batukan ang mahal na kapatid pero di nya magawa. Niyakap nalang ni Emilio ang dalawang bata para itago ang kayang natatawang mukha. Hindi ko alam kung mahahabag ako o matatawa.
Tumayo ito at pinapasok muli ang dalawa. "Alagaan nyo silang mabuti. Wag nyo silang hayaang mapahamak." bilin nya sa amin. Tumango kaming lahat.
Tinungo nito ang Supremo at marhang binuhat ang kanyang labi.
"Hanggang sa muli." paalam nya sa amin.
"Isama nyo po sila Magallanes kapag nagkataon." pahabol ko.
"Hindi nya magugustuhan yun, pero susubukan ko." natawa nyang tugon.
Isang huling sulyap at naglakad na sya palayo sa amin. Ang likod nyang matikas, mga lumulutang na kandila, at bumabagsak na alikabok na parang nyebe ang huling imaheng umukit sa aking utak bago isinara ni Noli ang pintuan. Totoo nga. Walang pamamaalam na walang kirot sa puso.
Pinindot ko ang nagiisang buton sa elevator at nagsimula na itong umangat. Walang nagsasalita sa amin. Walang nagtatangkang ilahad ang sapantaha ng bawat isa dahil baka magkatotoo. Hindi na sya babalik pa. Sana mali kami. Sana.
Hindi pa nakatulong ang pakiramdam sa loob ng elevator. Ok na sana maliban lang sa dalawang problema. May kantang pinapatugtog sa speaker. Ayos lang dahil natatakpan ang tunog ng pagyanig. Pero ang kanta ay 'Butsikik'. At sa aking pananaw, hindi ka makakapag emote kapag soundtrack mo ay 'Butsikik'. Weird nung. At ang huli, totoo pinaninindigan nito ang pagiging ref na elevator. Kasi yung lamig sa loob ay kasing lamig din ng sa ref. Kainis eh. Buti nalang di namatay yung ilaw pagkasara ng pinto.
Sa pagtunog ng *TING* ay bumukas na ang pinto. Ang unang sumalubong sa amin ay ang mainit na simoy ng hangin. Lumabas kami sa isang malaking pasilyo, ilang hakbang ay dulo na nito kung saan matatanaw ang madilim na kalangitan. Paglingon ko ay wala na ang pintuan ng elevator.
Naglakad kami hanggang dulo, habang papalapit at naririnig namin ang ingay na palakas nang palakas, tulad ng pintig ng aming puso. Nang maabot namin ang dulo kung saan nasa bandang tuktok kami ng bundok, para akong hihimatayin sa aking nasilayan. Napamura ako.
Sa ilalim ng halos bilog na buwan, ilang parte ng kagubatan ang natutupok ng apoy. May ilang malalaking halimaw na mas mataas pa sa mga puno. Sa kalupaan at paanan ng bundok samut saring maligno ang matatanaw. Sa kalangitan lumilipad ang hindi mabilang at matukoy na mga nilalang. Napakarami nila. Daan-daan. Libo.
At lahat sila kalaban.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*ANNOUNCEMENT*
Dahil pasko na may malaking supresa po kami ni Milo para sa inyo. Xmas gift namin para sa lahat na patuloy sumusubaybay sa paglalakbay ng barkada hanggang sa ngayon.
Yes tama po ang hinala ninyo at kahilingang ng karamihan. Wait for it!
Ang SMAAK ay ikacancel ko na. Yipee!
Sorry tinamad nako eh. Wahaha.
Joke lang. Seryoso na po.
Next year(hopefully) mapapublish na ang SMAAK.
Nakatanggal ako ng offer sa isang bagong publishing house. napagusapan namin ni Milo, at sabi nya 'why not?'
Though pinagiisipan ko pa kung tatanggapi ko yung offer or kung magseSelf-Pub ako. Either hihingi ako ng favor to help me decide.
Please comment dito kung sino yung sure ng magoorder ng book. Preferably pre-order. Para mabilang yung magiging possible na bilang ng ippublish at magkaroon ng funds. Para magkaidea ako.
Sa umpisa online pa lang ang pagaavaile pero pag ok ang sales it will reach bookstores sa ibat ibang lugar. Sa jupiter, neptune, andromeda galaxy, mga ganun.
Promis, lahat ng oorder may libreng mikmik. Pasasalamat ko ito sa inyong suporta.
Yun lang muna. Pwede rin magpm yung oorder para mainform ko kayo kung paano kung sakaling sure na yung publishing.
Maraming salamat guys. I love you all. At rakenrol.
*bow*
thx po sa mga nag floodvotes:
eecaiyuzon, elchuunix, SerenaOohlala, LightNexuS, youreminence, shittingshits, dhangwa, eTheLaNdia, yjuavniea, reenzee
Please keep on voting. pa floodvotes, share and follow po for the economy. thank you
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top