KABANATA L - Ang Mamatay nang Dahil Sayo
"Paano nyo nalaman na pinanganak ako?" tanong ko
"Naramdaman ko sa pamamagitan ng bertud. Bigla itong nagising, nanumbalik ang dati nitong kapangyarihan. Bukod dun umaangkla ito sa isang tiyak na direksyon. Dun ko nalaman na iyon na ang tamang panahon. Dumating na ang bagong Pinili. At tinuturo ng bertud ang kanyang lokasyon." wika nya.
Nakuha nun ang buo kong atensyon. Kahit sino naman marahil, kung magkakaroon ng balita tungkol sa nakaraan nyang hindi pa natutuklasan ay magiging lubos na interesado.
"Teka, kailan po nangyari yun?... Sa totoo lang kasi hindi ko alam kung kailan ako ipinanganak. Ang alam ko lang iniwan ako sa pintuan na ang tangan lang ay ang bertud, at isang papel na nakasulat ang pangalan kong Milo."
Totoo yun. Dahil hindi namin alam kung kailan ang kaarawan ko ang ipinagdiriwang nalang namin ay ang araw kung kailan ako natagpuan sa labas ng bahay. Isang matagal nang biro na ang tawag namin rito ay 'foundday'. Na medyo nakakailang lalo na nung nakaraang na kinantahan ako ni Tifa ng 'happy foundday to you~' sa paaralan.
Umiling ito.
"Hindi ko tiyak ang araw kung kailan. Hindi na kasing klaro ng dati ang aking memorya. Bukod dun, sa lugar na ito hindi mo makikita ang pinagkaiba ng araw sa gabi. Lumilipas lang ang araw nang hindi mo namamalayan."
Nanlumo ako sa kanyang tinuran. Dun ko lang napuna kung gaano ako nasasabik na magdiwang ng kaarawan. Di ito pumapasok sa isipan ko, o marahil iniiwasan ko itong isipin. Kaya para isang atake ng katotohananang aking narinig. At hindi ito nakatakas sa atensyon ng Supremo.
"Ramilo." sambit nya.
"???"
"Ramilo dapat ang tunay mong pangalan. Ramil kapag pinaikli."
Tumindig ang balahibo ko sa leeg.
"Dapak! Kinilibutan ako grabe! Tenkyu nalang po, mas ok na ako sa Milo." Niyakap ko ang sarili ko na parang giniginaw. Ramilo? Watda? "Saan naman po nanggaling yang pangalan naman? Ang baduy naman."
"....Ako ang nagbigay sayo ng pangalang yun." sagot nya.
"Abay ok naman pala eh, punumpuno ito ng damdaming sumisimbulo sa kagandahan ng mundo... Pero hindi rin eh. Korni parin. TEKA!" napalingon ako muli sa kanya. "Tama ba ang narinig ko? Ikaw ang nagpangalan sa akin nun? P-paano?"
"Nung naramdaman kong ipinanganak ka lumabas ako ng yungib na ito na nagsilbing tahanan ko ng isang siglo. Kasama si Emil at gamit ang bertud bilang tangkaw ko upang mahanap ka naghanap kami para sa isang paglalakbay. Anong gulat nung natagpuan kita... Sa labas lamang ng bukana ng bundok na ito. Kung sino ang nagiwan sa iyo, kung gaano katagal ka nang naruroon, kung paano ka napadpad doon ay ang sanggol na ikaw na parang inosenteng naghihintay sa aking pagdating ay isang katanungan na bumabagabag pa rin sa akin hanggang sa ngayon. Nagkataon lang o sinadya, tingin ko isa ito at tinakda ng tadhanang mangyari. O itinadha ng bertud."
"Kung ganun, ang aking magulang... Hindi nyo alam kung sino?" maharan kong tanong.
"Ikinalulungkot ko, ngunit wala akong alam na impormasyon ukol sa kanila." umiling sya. "Ngunit nung nakita kita isang damdamin ang numukal sa aking puso. Itinuring kitang anak. Dahil ako na siguro ang pinakamalapit bilang ama sa iyo. At nakita ko rin sa iyo ang aking anak na pumanaw." nakangiti nyang pagamin sa akin. Nakaramdam ako ng init sa dibdib ko.
"...Mukha rin akong patay ganun?"
"Sasampalin kita."
"Wag po papa."
Parehas kaming kinilabutan. Never again.
Nais ko sanang tanungin sya tungkol sa anak nya ngunit tila ayaw nya itong pagusapan. Hindi rin naman ito nabibilang sa mga dapat kong malaman kaya hindi ko na isinulong.
"Paano po ako napunta sa bahay ng tita ko?" tanong ko.
"Kahit pa sinabi kong tinuring kitang anak, sumatutal wala pa sa sampung minuto kitang nakasama. Hindi kita pwedeng isama sa yungib, baka lumaki kang ungglo. Ang buhay sa kweba ay hindi nararapat sa isang sanggol Napili man o hindi. Hindi rin kita maaring samahan sa labas na mundo kung saan hindi na nabibilang ang isang multo ng nakaraan kagaya ko. Isa lamang ang natitirang paraan."
"Ang ipaampon ako at ipaalaga sa iba." pagintindi ko. Tumango bilang pagsangayon.
"Inatasan ko si Jacinto na hanapan ka ng isang tahanan na mangangalaga sa iyo na malayo sa aking kinaroroonan pero hindi sobrang layo para makapamuhay ka ng normal."
Tumaas ang isang kilay ko.
"Ramdam ko nga ang pagkanormal ko ngayon eh. Hinahabol ng mga halimaw na gusto akong patayin at gawing omelet. Araw-araw gigising ako na titignan kung hindi paba kinakain ng bakunawa ang buwan. Tapos marerealize ko na araw nga pala, wala pang buwan. Tanga lang. Tapos kailangan kong iligtas ang mundo? Hindi ko nga mailigtas sarili ko sa kapag periodical eh. Tapos-"
"Nagsisisi kaba sa buhay mo ngayon?"
Natigilan ako. Sinariwa ang mga naganap. Lahat ng panganib, paghihirap, nakakatakot na eksena at mga pagkakataong muntikan na akong malagutan ng hininga.
"Hindi." buong loob kong sagot. "Kasama ang mga kaibigang wala ako dati."
Nagulat din ako sa sagot ko nun. Madami akong nakilala at natutunan sa saglit ngunit mahaba kong paglalakbay. Maraming tumulong sa akin at naging kaibigan. Si Tifa, Makie, Jazz, Talas at ang kambal atbp. Si Noli... Hmm, so-so Ang dami kong paghihirap na dinanas ngunit dahil sa kanila, hindi ko ito pinagsisihan.
"Natutuwa akong malaman na napalaki ka nang maayos."
Ngumiti sya at inabot ang aking ulo para himasin. Nahihiyang napatingin lang ako sa lamesa. Napakagaan ng kanyang mabutong kamay, ngunit pakiramdam ko nadagdagan ng timbang ang aking pagkataon.
"Dalawang bagay lang ang naipabaon ko sa iyo, ang iyong pangalan na Ramilo. Nagkamali ata ng rinig si Emil na Milo ang isinulat sa papel. " buti nalang bingi. "At ang bertud na sinelyuhan ko may sapat lamang na lakas upang maprotektahan ka mga kalaban. Habang suot mo ito hindi nila malalamang isa kang Napili, at naging konektado tayo ng pagiisip tulad nung sinabi ko sa iyo kanina."
"Konektado sa paanong paraan?"
"Bilang halimbawa, nabibigyan kita ng babala sa pamamagitan ng mga panaginip."
Ahhhhh kaya pala. Pero seryoso, babala yun? Naaalala ko ilang taon din pinasakit ang ulo ko nun dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito.
"Kaya ko ring basahin ang nasa isipan mo at nakakausap ka sa pamamagitan nito paminsan-minsan kapag kaya ng aking kalusugan."
Basahin ang aking isipan. Yun pala ang dahilan kung bakit parang alam ny ang aking iniisip.
"...Iyon lang ba?" duda kong tanong.
"Sa isang antas nakikita ko rin ang ilan sa nakikita mo."
"'...Sa isang antas, meaning?" kinakabahan kong tanong.
"...Kung ang tinutukoy mo ay ang mga pinapanood mo tuwing madaling araw sa kompyuter-"
"WAAAAHHH MAY DAGA!" turo ko sa gilid.
"Huh? Saan? Wala namang daga rito." nagtaka nyang tugon
"*ubo*Ayun oh, ummm... sa likod, nagiskateboard!"
Kunot noo syang lumingon sa tinuro ko.
"Ay wala na, sumakay na ng taxi, may hinahabol pang flight pa-Paris. *ehem* balik tayo sa mas *ubo* importang bagay tulad ng ano... bertud? Oo yun! Bertud nga, yung ano.. Kwan.." nagisip ako ng itatanong. "Kung ibinigay nyo sa akin ang bertud dati, bakit sinelyuhan nyo pa? Hindi na sana namin kinailangan pang pumunta rito para tanggalin ang selyo."
"Dahil sasabog ka at magiging palamuti sa araw ng mga patay, o di kaya't magliliyab na parang panggatong sa pugon" walang gatol nyang tugon. "Hindi kakayanin ng mura mong katawan ang buong kapangyarihan ng bertud. Hinintay namin ang tamang panahon ay ikaw ay nasa tamang edad na para kayanin ang lakas ng bertud."
Salamat sa tamang desisyon Supremo. Hindi ko pinangarap maging palamuti o panggatong ang mura kong katawan... Pero mas gusto kong isipin na mahal ang katawan ko at hindi mura. Kornina. Rakenrol.
"Paminsan-minsan inoobserbahan ni Emil ang iyong kalagayan. At sa aking utos, nang sa kanyang palagay ay nasa wastong gulang ka na at nararapat para sa bertud humanap sya ng paraan upang ikaw mabigyan ng mensahe sa katauhan ng dalawang bata. Kung paano mo malalampasan ang mga pagsubok para makuha ang bertud ay sa iyo na nakasalalay. Ngunit ang mga pinagdaanan mo sa lumipas na mga linggo, ang mga nakasalamuha mo, mga labanan, at pagdating mo sa Kanlungan, lahat ng iyon ay labas sa aking inaasahan. Marahil ito ang paraan ng tadhana para hubugin ka bilang nararapat na tagapagmana ng Bertud ng Katapangan."
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan matapos nyang sabihin ito.
"Iyon na ba ang katapusan ng kwento?" tanong ko.
Tumango sya. Tumayo ako at sa permiso nya kumuha tubig na inumin. Pakiramdam ko isang buong libro ng kasaysayan ang binasa ko nang buo sa isang upuan. Kabilang pa run ang aking payak na nakaraan. Tila naubos ang aking lakas sa pakikinig.
Ganun pala ang nangyari. Kaya pala. Maraming sa mga katanungan ko ang nabigyan ng linaw. Ang nakaraan ko, saan ako nagmula, ang mensahe sa Lupanng Hinirang at iba pa. Nakakapanghinayang lang na wala parin akong nalaman sa mga magulang ko. Pero sa nung panahong yun, hindi iyong ang pangunahin kong dapat atupagin.
"At ngayon dumako na tayo sa pinakamahalagang parte at tunay na dahilan ng pagpunta nyo rito. Ang tanggalin ang selyo ng bertud. Nakahanda ka naba?" tanong niya.
"Kahit hindi pa wala akong magagawa. Kailangan ko ang kapangyarihan ng bertud para mapatay ang bakunawa bago nito kainin ang buwan."
Dumilim ang kanyang mukha senyales ng isang mahalagang bagay na dapat talakayin.
"Tungkol dyan, may nais akong iparating na mensahe sa iyo at sa buong Kanlungan. Ang tunay na dahilan kung bakit ginising ng Organisasyon ang Bakunawa."
Nagtaka ako.
"Hindi ba para kainin ang buwan at mabalot ng kadiliman ang mundo?"
"Iyon palang ang unang bahagi. Kailangan nila nila ng kadiliman para magawa ang tunay nilang plano. Kadiliman na makakamit lamang ng pagkawala ng araw o buwan na magsisilbing tagaprotekta ng mundo sa araw at gabi. Masyadong malakas si Apolaki kung kaya't kay Mayari natuon ang pagatake."
"Ano ba ang tunay nilang plano?"
"Ang muling pagkabuhay ng kanilang pinuno... Hindi. Ng kanilang Panginoon."
Nakaramdam ako ng gimbal sa di maipaliwanag na dahilan. Maging sa mga mata ng Ama ng Himagsikan nakakita ako ng emosyong kilala ko. Takot.
Wala akong ideya kung paano nya nakuha ang impormasyong ito, marahil sa pagiimbestiga ni Jacinto, pero sa reaksyon niya walang dudang ito ay katotohanan.
"...Sinong panginoon ang tinutukoy nyo? Anong pangalan nya?"
Umiling ito.
"May mga bagay na kahit ako ay hindi ko tatangkain. Kabilang doon ang pagsambit sa kanyang ngalan. Makapangyarihan ang mga pangalan. May epekto ang pagbigkas nito, lalo na sa isang makapangyarihang tulad nya. Masyado itong mapanganib."
Naiintindihan ko. Nasabi na ito dati sa akin ni Makie nung papunta palang kami kay Lam-ang para humingi ng tulong. Ngunit...
"Hindi. Gusto kong malaman." pagmamatigas ko. "Dapat kong malaman. Kung lalaban ako na nakasalalay ang buhay ko at ng mga kaibigan ko karapatan kong malaman ang dahilan kung bakit. Karapatan kong malaman kung sino ang tunay kong kalaban."
Napabuntong hininga sya at kumamot ng ulo.
"Nakita mo na sya sa panaginip. Ang lalaking inatake natin ng bolo."
"Natatandaan ko iyon! Yung lalaking may ngiting nakakakilabot? Yung kinalaban mo?"
Pumasok saking ala-ala ang ngiti nyang puno ng malisya. Naramdaman ako ng panlalamig ng paa at kamay.
"Oo sya yun. O ang ispirito nya. Wala syang katawan. Nung pinarusahan ng Bathala ang mga dyos na nagaklas at sinira ang Biyaya, sya ang may hawak nito, ang resulta ay ang pagkawasak ng kanyang katawan. Sa isang salita pumanaw sya. Ngunit ang tulad nya ay hindi tuluyang namamatay. Ang ispirito ay buhay pa naghihintay na manumbalik sa kanyang katawa. Sumanib-sanib lamang ang ilang bahagi ng kanyang ispirito sya sa katawan ng isang nasa lugar ng maraming pagdurusa at kamatayan. Ginigawa nya yun para manood. Dahil para sa kanya ang kamatayan ang pinakakasiya-siyang bagay sa mundo. Mas brutal na kamatayan, mas lalo nyang kinapapanabikan."
"S-sino ba.. Talaga sya?" nagdadawalang isip kong tanong. Dapat hindi ko nalang tinanong.
Ilang segundo ang lumipas bago sya sumagot. Hirap sa pagdedesisyon kung babanggit nya ang pangalan. Sa huli sinabi rin nya.
"Sitan. Ang dyos ng kadiliman at kamatayan."
Biglang dumilim ang paligid. Purong kadiliman. Wala akong makitang kahit ano. Si supremo, ang lamesa, ang watawat, ang mga kandila, naglahong parang bula.
Sa paligid bumabanda ang kanyang pangalan na binibigkas ng ilang nagpapatong boses na parang may halong tunog kinaskas ng maraming kukong sabay sabay na kinaskas sa metal.
Sa pader ng kadiliman bilang may bumukas. Isa itong mata. Mata sa kadiliman. Isa pa ang bumukas sa ibang bahagi. At isa pa. At isa pa. Ilang segundo lang napalibutan ako ng libong mata na ibat iba ang laki. At lahat sila tinititigan ako nang may pangungutya at nag nanais manakit.
'nahanaprinkitanahanaprinkitanahanap' paulit-uli na mga katagang nanggagaling sa buong paligid. Bawat uli ay palakas nang palakas na parang nanggagaling na sa utak ko.
Hindi ako makakilos. Hindi ako makatago. Hindi ako makasigaw. Sumigaw ako ngunit walang lumalabas. Samantala patuloy parin ang mga boses, na may kasabay ng mga tawa. Nabibingi na ako.
Tapos bigla itong huminto. Nakiramdam ako.
"Nakikita kita." biglang may bumulong sa tenga ko.
"--MILOOO!"
Nagising ako at bumalik sa mundo sa tawag ni Bonifacio. Unting bumalik ang hangin sa aking mga baga. Tumingin ako sa paligid para tiyakin ang kung nasa silid uli ako ni Bonifacio.
"Haahhh haaahhh... A-anong nangyari?" habol hiningaong tayo.
"Natagpuan na ng Organisasyon ang ating kinaroroonan."
"Hah? Anong gagawin natin? Kailangan na ba nating umalis? Kasalanan ko ito eh, kung hindi ko pinilit alamin ang pangalan nya hindi hahantong sa ganito ang sitwasyon!"
Ninenerbyos kong tugon. Naalalao yung mga mata. Nabalot ako ng takot. Ayokong muling makita yun.
"Maghunos dili ka. Kahit natagpuan nila tayo, hindi ibig sabihin nun na makakarating sila agad rito. May panahon pa tayong gawin ang dapat gawin at pagkatapos umalis rito."
Tama sya. Walang silbi ang matakot sa bagay na hindi pa dumarating. Pinakalma ko ang aking paghinga.
"Gawin ang dapat gawin?"
"Hay habahaging Bathala kaawaan mo ang batang ito. Ang bertud! Tatanggalin ko ang selyo hindi ba?"
"Oo nga pala, sorry nawala sa isipan ko. Uhmmm... Anong gagawin ko?"
"Wala kang dapat gawin kundi tumayo dyan at sagutin ang tanong ko."
"Ahh...."
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inalalayan ko rin syang tumayo.
"Sa oras na tanggalin ko ang selyo, maari itong magdulot ng kamatayan, nakahanda kaba para rito?"
'Ang Mamatay nang Dahil Sa'yo'
Ang huling kataga sa Lupa ng Hinirang na nanatili sa Lupang Hinirang. Ang huling pagsubok.
"Gamitin ko man o hindi ang bertud sa oras na mawala ang buwan kamatayan din ang nakahanda para sa akin. Mas mabuti nang mangyari iyo sa sariling kong desisyon. Gaya nang lagi kong sinasabi, hindi ako handa pero gagawin ko."
Hinawakan nya ang bertud.
"Sandali! May tanong ako!"
"Hmmm?"
"Ano ang kapangyarihan ng bertud?"
"Nakarating ka sa puntong ito na hindi mo parin alam kung ano ang kapangyarihan nito? Hindi mo man lang ba naitanong sa tingin mo nakakaalam dati?"
"Ang sabi nila ay kakaibang lakas o abilidad o di kaya'y pagkontrol sa mga elemento. Per kung anong eksaktong kapangyarihan ng bertud ko, walang nakakaalam"
"Hindi bale. Malalaman mo rin ito."
Biglang nagliyab ang bertud sa aking dibdib. Dumaloy sa buo kong katawan ang init. Pakiramdam ko nadaragdagan ang aking lakas. Lumiwanag ang kanyang kamay habang tila itinutulak paloob ang bertud sa aking katawan.
Natapos ang seremonyas na umuusok ang aming katawan. Napatingin ako sa aking kamay. Parang walang nangyari pero hindi.
Sa loob ko, may nagbago.
"Siguro may hinala kana kung ano ang kapangyarihan ng bertud?"
Tumango ako. Pwede na akong maging super saiyan.
Joke lang. Pero hindi ko muna sasabihin kung ano ang kapangyarihan nito.
Isa lang ang tiyak, nawala nang bahagya ang takot na idinulot sa akin ng ng pangalan ng kalaban.
"Sa ngayon hindi mo pa kayang manipulahin nang tuluyan ang kapangyarihang iyan. Kapag sumobra ang paggamit mo sa limitasyon ng iyong katawan, ikamamatay mo ito."
"Parang kotse na nilagyan ng makina ng eroplano? Hindi kakayanin ng kotse ang bilis ng andar nito magugutay gutay ito." nagmamatalino kong tugon.
"...Hindi. Sa simula palang hindi na kakasya yung makina nun sa kotse. Tanga lang magiisip nun."
"........"
"........"
"Medyo awkward po... Usap na po tayo uli."
"Ahh oo sige. Hmmm. Kung ako ang papipiliin nais ko munang linangin mo ang paggamit mo sa bertud sa loob ng isa o dalawang linggo. Pero.."
"Wala na pong oras para roon." dugtong ko.
Hinubad niya ang suot nyang pulang panyo sa leeg.
"Bilang pangwakas, suotin mo ito."
"Para saan po ito?" tanong ko habang itinatali nya ito sa kanan kong braso. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay.
"...Makinig kang mabuti sa sasabihin ko."
At may sinabi sya sa akin na labis kong ikinagulat at hindi ko mapaniwalaan.
Aaminin ko, hanggang ngayon, ayaw ko parin itong paniwalaan.
"...B-bakit kailangan kong gawin iyon? Kailangan pa ba yun? Hindi... Ayoko... Kalokohan yan." pagtanggi ko.
"Milo." hinawakan nya ako sa braso na pilit kong inalis. "Sa loob ng ilang dekada wala akong hinintay kundi ang pagkakataon ito. Lahat ng pahanon at gawaing ginugol ko ay nakatutuon lamang sa iyong tagumpay at kaligtasan. Ang buhay ko ay nilaan ko para sayo, hindi kita lolokohin."
"P-pero..."
Madami akong gustong sabihin sa kanya. Mga bagay na gusto kong pabulaanan. Mga argumentong gusto kong ilapag sa kanya. Hindi ko ito nagawa.
Dahil walang sabi-sabi'y bumagsak sya sa sahig.
Dagli akong lumuhod sa kanyang tabi, dahan-dahang inangat ang ulo para itayo nang mapansin ko ang pagbabago sa kanya.
Lalong kumulubot ang balat at bumagsak, halos nawala ang natitira nyang lamay at litaw ang korte ng kanyang buto. Nalalagas din ang kanyang buhok.
Parang tumatanda sya ng isang taon kada isang segundo.
"S-supremo! Anong nangyari sa inyo? Bakit ka nangkakaganyan!"
"...Ubos na ang aking... oras.." naghihingalo nyang sabi.
"Anong oras ang pinagsasabi ninyo? H-hindi ba imortal kayo. Gaya nila Lam-ang at iba pa?"
Umiling ito na hirap na hirap.
"Pinahiram lamang ako ng lakas ng... Bertud.. pinahiram nya lang ako ng.. buhay na sapat hanggang sa sandaling ito... Ngayon nagampanan ko na ang aking tung..kulin... Binabawi nya.. na ito."
Umubo sya at kumalat ang dugo sa kanyang bibig. Piniga ang puso ko.
"Bakit nyo ibinigay sa akin ito agad?! Ibabalik ko uli sa inyo, tapos pumunta tayo sa Kanlungan! May magagawa pa sila para tulungan kayo!"
"Pagod... na ako Iho... Matagal na akong... nakatakdang lumisan sa mundo.. Tanggap ko na... Ang aking pagkamatay..."
"P-pero.." umiling ako. "Kailangan ko ng tutulong sa akin na pagaralang gamitin ng bertud!"
Ngumiti sya at nilibot ang kanyang mata. Hinahanap ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay at natagpuan nya ang aking lokasyon.
Tinagnan nya ako gamit ang mga matang nawawalan ng itim. Mga matang nawawalan ng laman. Mga matang nawawalan... ng buhay.
"Naniniwala akong... kaya mo yan... Maraming susu *ubo* porta sa iyo. Magtiwala ka sa sarili mo.. Mag...tatagumpay ka."
Kumunot ang aking mukha at nangilid ang aking mga luha.
"Wag kang tumingin... nang ganyan... Sabi ko sayo maaring... magdulot ng kamatayan ang pagtanggal ng sel...yo ng bertud hindi ba?"
"Pero hindi nyo naman sinabing kayo ang mamamatay!" puno ng sakit ang aking boses.
Tinignan nya lang ako na parang isang batang pinapatahan.
"Masaya akong mamatay para sa bayan... Ang mamatay nang para *ubo* sa kanya ang pinaka malaking karangalan sa lahat. At bilang gantimpala, makakasama... *ubo" kong muli ang aking mga minamahal. Wala nang pagsisidlan ang.. aking kali...gayahan."
Diniinan nya ang hawak saking kamay gamit ang huling lahat at binigyang diin ang mga sumunod na salita.
"Makinig ka sa hu..ling salita ng taong papanaw na. Gawin mo ang *ubo ubo* bilin ko, maliwanag?"
".....opo." tumango ako.
"Ipinagkakatiwala ko na... sa iyo... ang lahat... salamat... Anak..."
"......................"
Katahimikan.
Lumisan ang Supremo nang may mapayapang ngiti sa kanyang mukha.
Nagampanan nya na ang kanyang tungkulin. Hanggang sa huli, isa syang tunay na bayani.
Isa syang tunay na ama.
Sa unang pagkakataon... Nakaranas ako ng pagkamatay ng isa sa mahalagang bahagi ng aking buhay.
Hindi ko inakala noon, na hindi iyon ang huli.
••••••••••••••••••••••
To follow na yung A/N.
Pavotes nalang po and comment
Rakenrol
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top