KABANATA II - Ang Panaginip
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maatim yang kinakain mo." sabi ni Tifa habang nagtatype sa macbook nya.
"Anong masama rito? Masarap kaya." sabi ko sabay kagat sa baon kong pancake na may palamang mayo and corned beef.
"Yuck! Nawawalan ako ng gana kumain sayo eh."
"Iyan pala ang walang gana." tinuro ko ang dalawang footlong sandwich, dalawang waffle, at isang malaking baso ng milo(chocolate drink, hindi ako). Sa kanya lang lahat yun.
"At least hindi naman ako adik sa mayonaise kagaya mo. Ano yung huling baon mo, adobo with mayo? Kadiri! At saka kailangan kong kumain ng marami dahil marami rin akong activities." sabi nya habang nakatingin sakin nang hindi man lang bumabagal ang pagtatype.
"Kare-kare with mayo and bagoong yun."
"AARRGG!" biglang nagpokus sya sa pagtatype. Dumoble pa ata ang bilis, kung posible ba yun.
"Activities?" ulit ko nang bumagal nang siya ng kaunti.
"Uh-huh."
"Tulad ng ano? Facebook?"
"Excuse me! Nagpoprogram ako!" irap nya sabay kagat sa isang waffle.
"Nagpoprogram ng ano? At bakit sa canteen mo kailangang gawin yan, ang sikip na kaya sa table natin." reklamo ko.
Magkaharap kami sa table namin sa canteen, ang pinakamalayong table mula sa pintuan. Sa likod nya ang pader na dating green na ngayon ay dirty green na with matching natuyong spaghetti sauce sa ibat ibang bahagi. Sa likod ko naman ang ilan pang mga table na unting unting inuukupa ng mga pumapasok na istudyante. Ang table namin ay para talaga sa apat na tao, ang upuan ay pahaba at gawa sa kahoy tulad ng sa lamesa mismo. Pero dahil sa pagkain, macbook at iba pang gadget ni Tifa, masikip na ito sa saming dalawa pa lang. Kaya walang nakikitabi sa amin. Mabuti narin yun, hindi naman kasi kami close sa mga kaklase't schoolmates namin eh.
Kahit mag bestfriend kami mabibilang mo lang ang pagkakataon na kumain kami nang magkatabi. Siguro dahil ayaw nyang nakikita ko ang ginagawa nya sa macbook nya. Hindi na dapat sya nag abala. Sa mangilang beses na nakita ko ang screen ng macbook nya, puro numero lang ang nakita ko. Iyung tipong makikita mo sa computer ng mga hackers sa pelikula. Kahit kumain ako ng 2 terrabyte na hard drive di ko maiintindihan yun.
"Sikreto ko na yun." kitams, ayaw nya sabihin. "Wala akong time para gawin to sa klase kaya dito ko ginagawa. Saka ayaw mo nun, walang tatabi, may quality time tayong dalawa." sabi nya nang may ngiti sakin.
Hindi sa unang pagkakataon, nakita ko kung ang ganda ng bestfriend ko. Maliit lang siya, 5 flat, pero bumagay yun kanyang balingkinitang katawan. Kayumanggi sya. Bilugan ang kanyang mukha, tama lang ang kapal ng kilay. Hindi matangos ang ilong pero hindi rin pango. May buhok siyang hanggang balikat na kapag naaarawan akala mo buhok ng mais. At ang pinaka pansinin sa kanya ay ang kanyang bilugang matang kulay brown pag tinitigan mong maigi. Kapag tinititigan ka nya ng mata sa mata makikita mo ang talino sa likod nun na para bang sa pagtingin nya sa mata mo mapagaaralan nya ang pagkatao mo. Nakakapanlambot.
Gaya ng ginagawa nya sa akin nung panahong yun.
Mabuti nalang may suot siyang salamin, nabawasan yung impact. Walang grado yun, pacute lang. Para raw magmukha siyang henyo. Isang cute na henyo.
Tiffany Kush Mendez ang pangalan nya. Tifa for short. Sunod sa bombshell ng final fantasy 7. Ilusyonada, haha. Igoogle nyo kung di nyo siya kilala. (as if naman)
"Maniniwala na sana akong sincere ka kung hindi ka lang walang tigil sa pagpoprogram mo eh." diniinan ko yung "program". Umipekto naman dahil sinara nya na yung macbook pagkalipas ng mga labinglimang segundo.
"So, anong gusto mong pagusapan natin, si Makie?" pangaasar nya habang nilalantakan ang unang footlong nya.
Si Makie yung crush ko sa campus. Actually, crush sya ng buong campus. Pero mamaya ko na sya ikukwento. Wala syang kinalaman sa gusto kong pagusapan namin. O yun ang akala ko dati. Kung alam ko lang.
"Hindi, adik!" lumingon ako sa likod kung may nakarinig sabay ulit ng "Hindi." nang mas mahina paglingon sa kanya.
"Yung panaginip mo na naman yan no?". Sabi nya matapos pagaralan ang mukha ko ng saglit. Ganun siya katalino, saglit lang alam niya kagad kung anong meron.
"Detective Conan ikaw ba yan? Paano mo nalaman?" painosenteng tanong ko.
"Oo ako nga, Kogoro Mouri. Malamang malalaman ko kaagad! Ikaw ba naman ang pumasok sa iskul nang mukhang adik na namumula ang mata at mukhang di naligo sa gulo ng buhok eh. Kilala na kita Milo," sagot nya.
"Wow, salamat bestfriend! Hindi ko alam kung pinupuri mo ako o nilalait pero salamat pa rin." sarkastikong sagot ko.
"Pinupuri kita."
"Excited na akong malaman kung paano mo ako laitin."
"Gusto mo ba talagang malaman?" sabi nyang may ngiting nakakasar. Nakakaasar kasi kahit di nya sinasadya, para pa rin syang nagpapacute.
Kinagat ko yung pancake sandwich ko at nilakihan ang pagnguya para makita nya ang laman ng bibig ko bilang sagot.
"ARRGGG!!!" sabi nyang muntik mahirinan sa milo.
Ganun kami magbiruang dalawa. Pero kahit minsan hindi pa kami nagkapikunan. Siguro dahil kaming dalawa lang ang makalapit sa iskul namin at ayaw naming masira yun. Kahit cute kasi siya, walang lumalapit sa kanya para makipagkaibigan, pwera nalang kapag may exam o project. Dahil sa talino na rin nya siguro yun. Henyo kasi siya. Gifted child. Mas matalino pa sya sa mga teachers. Kung tutuusin sa edad nyang 14 pwede na syang grumadweyt sa college na pipiliin nya. Pero sa di mawaring dahilan, mas pinili nyang magaral sa cheap na high school na to. Ang resulta, nilalayuan sya ng mga hamak na taga lupang kaklase namin.
Ganun talaga ang mga tao, ang mga bagay o taong di maarok ng sarili nilang pagiisip para kanila ay kakaiba at dapat layuan. Pero sa sandaling nangailangan sila, gagamitin nila ang kalyo nila sa mukha nilang oh kay kapal para humingi ng tulong sa taong iniiwasan nila. Pagkatapos balik sa dating gawi, isa ka muli kontrabida ng melodrama nilang buhay. Mga orocan.
Sa kaso ko naman, nilalayuan nila ako sa ibang dahilan. Kasi ayoko lang. Nabobore ako sa usapan nilang para sakin ay masyadong pambata. Na ironic kasi 14 lang din ako gaya nila. Pero iba na ang pagiisip ko. Kung ang laman ng utak nila ay paglalaro, computer games, gulpihan, landian at kung anu pang kababawan, iba ang sakin. Kung ano, di ko rin alam. Basta ang alam ko, ayoko ng ordinaryong buhay. Tingin ko nararamdaman nila sakin yun kasi kahit hindi nila napapansin, nilalayuan nila ako nang hindi sinasadya.
Pero iba si Tifa. Wala syang bahid ng pagkaplastik kagaya ng iba. Kaya unang araw pa lang ng klase, naging magkalapit na kami. Siya lang ang hinayaan kong mapalapit sa akin.
At saka si Makie.... Sana.
Wish ko lang. Libre naman mangarap eh.
"Sa tingin ko dapat mong iignore yang panaginip mo. Wala namang buting idudulot sayo ang matakot sa bangungot na hindi naman totoo."
Sabi nya paglipas ng ilang sandali.
"Di ako takot sa panaginip ko." depensa ko.
Tinignan nya lang ako.
"Oo na, natatakot na ako! Sheeesh! Ano lang kasi..." lumunok ako. "..parang totoo syang nangyayari." sabay tingin ako sa lamesa.
"Dreams are the manifestations of our subconcious mind. Ginawa talaga ng utak natin yun para magmukhang tunay. Pero hindi ibig sabihin nun na mangyayari ang panaginip mo sa totoong buhay. Pati ang meaning ng panaginip mo inaral ko na. Walang sense." sabi nya sabay kagat sa pangalawang footlong nya.
"Ikaw na ang astronomer." sagot ko
"Astrologer."
"Edi astrologer! Whatever! Parehas lang un!"
"Magkaiba yun! Ang astronomer nagaaral tungkol sa space, celestial bodies etc. at ang astrologer nama-- ARRGG!! Bwiset ka!" sigaw nya.
Bigla ko kasing ipinakita ang pancake sandwich sa bibig ko. Di talaga ako magsasawa rito.
"Eniweys," pagpapatuloy ko. "alam kong imposibleng mangyari yung panaginip ko. Pero hindi ko parin maiwasang mapaisip. Bata pa ako napapanaginipan ko na yun. Lalo pang lumalala ngayon, padalas na nang padalas. Feeling ko may gusto yung iparating sa akin." totoo yon, simula pa nung kamusmusan ko ay dinadalaw na ko ng panaginip ko. Habang tumatanda ako mas lumilinaw ang detalye. Mas dumadalas. Ngayong linggo naka apat na beses kong napanaginipan yun. Sa loob lang ng limang gabi.
Dati naisip ko na baka dala lang yun ng trauma ko nung pagkabata ko. Lumaki kasi akong walang magulang. Sabi ng nagampon sakin iniwan lang ako sa harapan ng gate ng bahay nya na walang ni isang mensaheng iniwan. Bukod sa isanf papel na nakasulat ang pangalan kong 'Milo'. Kung sino ang magulang ko, kung saan ako nagmula, kung bakit ako iniwan, walang nakakaalam.
Masaya ako sa piling ni Tita Dora na nagampon sakin. Mabait sya. Kahit minsan lang kami magkita dahil sa negosyo nya sa iba't ibang lugar, pag magkasama naman kami parang tunay ko siyang kapamilya. Nabibigay nya sakin ang materyal na pangangailangan ko. Pero lumaki parin akong nangungulila sa aruga ng tunay na magulang.
Kaya siguro malayo ako sa tao. Kaya rin siguro nung naging malapit kami ni Tifa ayoko nang bumitiw. Kaya rin siguro ako ginugulo ng panaginip ko.
Yun ang nasa isip ko dati.
Pero ngayong lumalaki ako kahit anong pagtutugma ang gawin ko hindi ko pa rin makita ang kuneksyon ng panaginip ko sa aking buhay o sa kawalan ko ng tunay na magulang. Walang sense. Hindi ko maintindihan. Alam ko sa loob ko, may ibig sabihin ang panaginip ko. May gusto itong iparating pero kahit anong pagbiyak sa utak ko gawin ko wala parin akong mahanap na kasagutan. Nakakaasar.
Wala sa isip ko, binalikan ko ang mga pangyayari sa panaginip ko kagabi.
~~~~~~~~~~~
Nagsisimula lagi ang panaginip ko sa kadiliman. Sa sobrang dilim hindi ko mawari kung nakadilat ako o nakapikit. Para akong nasa loob ng isang kweba kung saan walang umpisa o hangganang matanaw. Kahit gabutil na liwanag wala akong makita.
Tinignan ko ang kamay ko. O yung inaakala kong kamay ko. Dahil kung saan dapat nakikita ko ito, wala akong matanaw na kahit ano. Nasaan ang kamay ko? Pati ang katawan ko nawawala rin. Bulag na ba ako? O talagang nawalan na ako ng katawan?
Sinubukan kong maglakad, pero pakiramdam ko wala akong inaapakan. Wala akong nararamdamang bigat. Para akong lumulutang sa kawalan, hindi ko alam nasaan ang taas sa ibaba, ang kaliwa sa kanan. Ganito yata ang pakiramdam ng mga kaluluwang ligaw. Teka, may pakiramdam ba ang mga kaluluwa?
Ibig bang sabihin nito patay na ako? Habambuhay na lang ba akong mananatili rito sa kung saan man ako naroon?..... O habampatay ba dapat itawag dun?
Una ko munang narinig ang sigawan bago tuluyang nagbago ang paligid ko. Bigla akong napalibutan ng mapanindig balahibong panaghoy ng mga taong tila nalalagutan ng hininga. Bawat hiyaw ay puno ng daing at pighati na para bang mararamdam mo ang sakit na dinaranas nila.
Sa bawat sigaw parang may kamay na may matatalas na kukong pumipiga sa puso ko para durugin nang pinung pino.
Kung kailan akala ko mababaliw na ako saka biglang nag-iba ang kadilimang tumatakip sa paligid ko. Nakatayo ako sa gitna ng isang kaparangan ng talahib na napapalibutan ng kagubatan. Sa taas ko ay ang mapulang kalangitan na akala mo karagatang gawa sa dugo.
May katawan na uli ako, pero mas mataas ang naaabot ng paningin ko kaysa sa pagkaka-alala ko. Gumagalaw ako pero hindi ko nakokontrol ang aking katawan bukod sa aking mata. May kusa itong buhay, para lang akong nanonood na pelikulang may halos 180 degrees na line of sight, pero kung saan lang nakatapat ang mukha ko, dun lang ang kaya kong tignan.
Lumingon ako-o yung katawan ko sa kaliwa't kanan. Saka ko natuklasan kung saan nanggagaling ang nakakakilabot na sigawan.
Sana hindi ko na lang yun natuklasan.
Hindi ako ngiisa. Napapalibutan ako ng mahigit isangdaang katao. Ang ilan ay nakasakay sa kabayo, mas marami ang nakatayo. Nahahati sila sa dalawang pangkat, base sa kasuotan nila. Ang isang grupo ay nakasuot ng formal na kasuotang parang pang lumang militar. Parang panahon pa ng kastila. Ang kabila ay may suot ng parang ordinaryong pananamit ng magsasaka. Gaya ng suot ko. Ang galing. Nasaan na ang fashion sense ko?
Napuno ng naguumapaw na takot ang katawan ko. Dahil nasa gitna ako ng isang madugong labanan. Sa buong paligid ay may paminsan minsang pagsabog galing sa kanyon mula grupo ng nakapang militar. Sa bawat pagsabog ay may mga taong tumatalsik, pero kadalasan ay hindi magkakadugtong ang bahagi ng katawan nila.
Sa gawing kanan ko isang magsasakang may hawak na itak ang tinaga ang isang kalaban nya sa mukha, na sinubukang salagin ng lalaki ng kanang kamay, ang resulta, naputol ang braso nya ilang segundo bago mahiwa ang mukha nya sa gitna. Hindi nagkaroon ng pagkakataong magdiwang ang magsasaka dahil saglit lang nabaril sya ng isa pang kalaban gamit ang ripleng nakatutok sa ulo nya wala pang isang dipa ang layo sa kanya. Sumambulat ang bahagi ng utak nya sa talahiban.
Gusto kong sumuka. May tren sa bituka ko na paikot-ikot sa loob, pabilis nang pabilis hanggang ang lahat ng laman ng tyan ko ay naitulak sa bandang lalamunan. Pero hindi ako maduwal. Dahil hindi ko kontrolado ang katawan ko. At ang katawang ito ay di nakakaramdam ng anu mang bahid ng pagsuka. Sinubukan kong lumunok, hindi ako nagtagumpay.
Hindi ito nangyayari. Hindi ito totoo. Hindi. Hindi.
Sa kaliwa ko ay may maliit na grupo ng magsasaka-- lima kung tama ang bilang ko -- ang napapalibutan ng mga kalabang armado ng riple at pistola. Nagmamakaawa sila. Hindi ko maintindihan ang mga salita pero alam kong nagmamakaawa sila para sa buhay nila. Sumigaw ako para huwag ituloy ang pagputok ngunit walang lumabas na boses. Ni hindi bumukas ang bibig ko. Walang sabi-sabi umalingaw-ngaw ang putukan ng baril. Hindi ako makapikit. Sa dilat kong mata nakita ko kung paano isa-isa silang bumagsak, nagkulay pula ang mga damit mula sa mga bagong butas ng kanilang katawan, naghingalo at nalagutan ng hininga. Sa buong panahon na yun, nakatingin sila sa akin sa nangungusap nilang mga mata.
Bigla kong napansin, habang isa-isang bumabagsak ang mga magsasaka sa paligid ko dahil sa riple, pistola, espada pati sipa ng kabayo ng kabilang grupo, lahat sila nakatingin sa akin. At sa bawat paglagas ng buhay ng isa, nakaramdam ako pagkabawas sa bahagi ng puso ko. Dahil kakilala ko sila. Isa ako sa kanila. Bawat isa sa kanila ay kakampi ko. Hindi ko pa sila nakikita sa buong buhay ko pero may nagsasabi sa akin na bawat isa sa kanila ay kapatid ko. At alam kong totoo yun.
At lahat sila humihingi ng tulong sa akin.
Nakaramdam ako ng pagbago sa katawan ko. Nagsimula sa dibdib. Isang nagsusumiklab na damdamin ang nabuhay. Galit. Nagwawalang galit. Pero galit na hindi nabubulagan. Kundi galit na nababalutan ng isa pang katangian na parang bahagi na ng buhay ko. Katapangan.
Mula sa dibdib ko kumalat ang apoy sa aking buong katawan hanggang sa talampakan at dulo ng buhok ko. Napapalibutan ng kuryenteng dumadaloy sa aking balat. Naramdaman kong humigpit ang kanang kamay ko sa hawak ko. Tinignan ko kung ano yun. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
Hawak ko ang sandatang kahit doon ko lang nakita ay parang parte na ng buhay ko. Isang itak na parang karugtong ng aking braso. Tamang tama ang hugis at bigat at mukhang kayang humiwa ng buhok sa gitna sa talas.
Natigilan ako nang makita ko ang repleksyon ko sa itak. Sa halip na sa akin, ibang mukha ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saan. Ngumiti ang lalaki sa repleksyon, at alam kong ako ang nginingitian nya. Kung may nakatago pang takot sa sistema ko ay tuluyang nawala dahil sa ngiti na yon.
Wala na akong panahong magtaka kung sino siya dahil bigla akong -- o siya, dahil alam ko nang katawan niya yun -- lumingon sa paligid-ligid na parang may hinahanap. Paminsan minsan may lumalapit saking mga kalaban pero sa isang taga, isang tusok at tadyak bumabagsak silang walang buhay nang hindi man lang ako kumukurap. Tumagal yun ng ilang sandali hanggang makita ko ang hinahanap ko. Dumaloy ang kilabot sa aking likuran.
Ilang metro sa aking harapan nakatayo ang isang lalaki nang tuwid. May suot syang uniporme tulad ng sa mga kalaban pero mas may disenyo. Siya ang pinuno ng kalaban kong grupo. Wala akong makitang reaksyon sa mukha nya, hindi ko mabakas kung galit siya o natutuwa sa kinahihinatnan ng labanan.
Pero ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga matang nakatingin sakin. Nakakapangilabot. May demonyong ngiti ang kumikislap sa kanyang mga mata. Bawat na ugat sa aking katawan ay nagsasabing kapag lumapit ako sa kanya ay mamamatay ako. Gusto kong tumakbo.
"Wag kang matakot." bigla kong narinig ang sarili kong nagsalita. Pero hindi sa akin galing ang boses. Galing sa lalaking may ari ng katawan ko. Galing sa lalaking kabahagi ng kaluluwa ko. Galing sa aming dalawa.
"Maging matapang ka." sabi namin. Tumango ako. Hinigpitan ang hawak sa sandata. Tumingin uli sa lalaking ngayo'y nakangiti na, nakalabas ang mga ngiping puro matutulis na pangil. Sumigaw ako. Tumakbo papalapit sa demonyong lalaki. Buong tapang at lakas kong itinaga ang sandata ko tungo sa kanyang leeg. Biglang nagbago ang eksena.
Nakaluhod ako, nakatingin sa lupa, nakatali ang kamay sa likod. Nasa gitna ako ng kagubatan. Sa tabi ko ay may nakaluhod ding lalaking kilala ko pero di ko matandaan ang pangalan. Sa harapan ko ay may mga lalaking naka-uniporme pang militar nakatutok ang mga bayoneta sa amin.
Alam ko na ang mangyayari. Dito na matatapos ang buhay ko. Dito na ako mamamatay. Pero hindi ako natatakot. Wala akong pinagsisisihan. Tatanggapin ko ng taas noo at buong tapang ang aking kamatayan.
Tinignan ko sila ng mata sa mata. Ipapakita ko sa kanilang matapang ako. Na sa halip na matakot ako sila ang dapat matakot sa akin. Itinapat ko ang aking noo sa riple na pinaka malapit sa akin. Ngumiti ako.
Putok ng baril ang huling kong narinig bago bumalik sa kadiliman ang lahat.
Sa parteng ito ako laging napapabalikwas ng gising.
~~~~~~~~~~~
"Hoy! Choquik nakikinig ka ba?" bigla akong bumalik sa realidad sa pagbasag ng boses ni Tifa sa pagmumuni-muni ko.
"Hah? Ah eh ano-- oo naman, syempre nakikinig ako. Bakit naman hindi?" inignore ko yung pagtawag nya ng choquik sakin. Gasgas na yun. Tulad ng ovaltine, energen, ricoa, chuckie, cocoa(kakaw bigkas dyan hindi kokwa. Oh, di ba may natutunan ka sakin.), nido, anmum atbp. Mabuti na lang wala pang tumatawag sakin ng brown cow, kung hindi magwowalk out talaga ako run.
Binigyan nya ako ng tingin na hindi naniniwala.
"Talaga lang hah? Sige, anong sabi ko?" hamon nya.
Nautal ako.
"Na ano... Uhhmm.. Paborito mong kanta yung pusong bato na version ni jovit?" pabiro kong sagot.
Bumulong siya ng ilang salitang hindi ko pwedeng isulat dito. Mahirap na baka taga MTRCB ang makapulot ng weirdong notebook na to, ma rated-SPG pa ako.
Tinignan ko ang lamesa namin, wala na ang footlong, waffles at milo nya. Gaano katagal ba akong nag-flashback?
"Haha joke lang." umubo ako. "Sorry hindi talaga ako nakikinig. Iniisip ko lang yung panaginip ko. Naiinis ako kasi alam kong may gustong sabihin sakin yung lalaking sinaniban ko ng katawan. Pero hindi ko malaman." hinilot na kanang kamay ko yung noo ko. Sumasakit. "Pakiramdam ko sasabog ang utak ko kapag hindi ko naalala. Para akong na-LSS pero mas matindi ang tama. Hindi na ako makatulog ng maa--" natigilan ako nang hawakan nya ang kaliwang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.
"Milo." tinignan nya ako sa mata. "Milo makinig ka sakin, panaginip lang yan. Walang ibig sabihin yan at hindi mo dapat pagtuunan pa ng pansin yan. Lalo ka lang maiistress. Ok?" ngumiti sya.
Hindi ko alam kung anong mayroon sya pero sa simpleng hawak ng kamay lang at ngiti, gumaan ang pakiramdam ako. Para syang doktor at ang ngiti nya ang gamot ko. Pasalamat talaga ako at sya ang bestfriend ko.
Pero hindi parin nawawaglit sa isipan ko ang mga pangyayari sa panaginip ko. Ang mga panaghoy ng mga humihingi ng tulong ko. Ang ngiti ng lalaki sa repleksyon ko. Kilala ko ba siya? Ang mala-demonyong lalaki. Lalo na ang mala-demonyong lalaki na yun. Sino ba sya? At bakit paulit-ulit ang panaginip na un? Batid kong tama si Tifa. As usual. Hindi ko pa malalaman ang sagot ngayon--o baka hindi na talaga-- kaya mabuti pang iwaglit ko na muna sa isipan ko yun. Tama. Yun ang gagawin ko.
"Mamaya pupunta ako sa inyo, doon ko na tapusin tong ginagawa ko. Gagawan na rin kita ng tsaa para gumanda tulog mo." sabi nya
"Sige! Anong oras?" hinding hindi ko mapapalampas ang tsaa ni Tifa. Da best!
Madalas siya sa bahay namin tutal ako lang naman mag-isa run. Nasa ibang bansa kasi si Tita Dora at may inaasikasong negosyo doon. Minsan doon na sya nagoovernight. Pinapayagan naman daw sya ng magulang nya. "Daw", kasi yun ang sabi nya. Hindi ko pa nakikita't nakakausap ang parents nya. Hindi nya ako kinukulit tungkol sa magulang ko kaya hindi ko narin sya tinatanong tungkol sa kanya. At bago kayo magreact, may sarili siyang kwarto samin at wala kaming ginagawang hindi kanais-nais. Intiendez?
"Mamaya lang after ng lunch break."
"Hindi ka na ba babalik sa classroom kasama ko?"
"Hindi na. Mabobore lang ako. Naaral ko na yung lesson plan para sa month na to saka sa susunod. Saka mas mahalaga tong ginagawa ko." sabi nyang walang bahid ng yabang. Sabi sayo henyo yan eh. Sarap kurutin sa singit.
"Alam na ba ni Ma'am Gonzaga na hindi ka na papasok sa klase nya?" tanong ko.
"Hindi. Pero malamang mas matutuwa yun pag wala ako sa klase nya." sagot nya.
Tama sya run. Naranasan nyo ba minsan sa buhay nyo na tumayo sa klase habang nagtuturo ang guro sabay sabing "nagkakamali ka (po), Ma'am/Sir!"? Hindi pa? Pwes si Tifa nagawa nya na. Madalas. Kaya pati teachers ilag sa kanya.
"Edi aantayin mo na lang ako run? Alam mo naman kung saan nakatago ang susi diba?"
"Yup."
"Doon ka na ba matutulog?"
"Yah, may baon na akong damit dito."
"Wow ha! Biglaan siguro yang overnight mo samin. Walang ka plano-plano eh. Bumili ka na rin kaya ng dvd para may mapanood tayo." suhesyon ko.
"Meron na ako ritong movies sa macbook ko. Marami to. Ano, may tanong ka pa?" tanong niya.
Wala na akong maitanong. Si Tifa ang kausap ko eh. Malamang planado nya na lahat.
Sinubo ko na lang ang natitira kong pancake sandwich. Para makabalik ako ng maaga sa classroom nang walang aberya.
Kumunot ang mukha ni Tifa sabay tumingin sa likod ko wag lang makita ang kinakain ko. Haha. Yum! Yum! Yum!
"So pano mauna na ako sa cla-" napatigil ako nang mapansin kong may tinitignan talaga sya sa likod ko habang bahagyang nakabukas ang bibig. Mukhang hindi maganda to. Lumingon ako sa likod.
Eto na nga ba ang aberyang iniiwasan ko eh. Kapapasok lang ng canteen ni Bon Jovi, ang siga ng buong campus, kasama ang dalawang backup dancers nyang alipores.
Kung may taong kinaiinisan ako sa buong buhay ko, siya yun. The feeling is mutual sa kanya. Kapag may pagkakataon, hindi nya palalampasing mapagtripan ako. Kaya hanggat maaari iniiwasan ko sila.
Kaso nakatingin sila sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top