table of contents
hello! you are not required to read the shots in chronological order. then, i thought of leaving here some blurb so you'll have an idea about the shot you might be reading. on top of this, thanks for stopping by!
(1) Halaga ng mga Letra
Bilang manunulat, gaano ka nakasisigurong nasa tamang mambabasa ang iyong mga akda? Alamin ang halaga ng mga letrang iyong binubuo bilang isang makabuluhang pangungusap.
(2) Ginhawang Dulot ng Papel
Natural sa mga tao ang sumikip ang dibdib sa tuwing sinasakop ng kalungkutan. Masasabi kong swerte ang mga taong nakikita ang halaga ng papel sa tuwing sila ay binabalot nito. Alamin ang ginhawang dulot ng papel kay Mary Jane.
(3) Paniniwala at Salita
Bawat makasasalamuha sa buhay ay may dala-dalang paniniwala. Kilalanin ang kaibigan ni Mary Jane na si Shaira at mamangha sa kanilang magkasalungat na isipan. Sa huli, sino nga ba ang nakalalamang—o dapat nga bang may makalamang?
(4) Sulat ng Kaluluwa
Madalas man mapuri, hindi kailanman nabulag si Mary Jane sapagkat alam niyang mali ang pinanggagalingan nito. Alamin kung paano sinalungat ng dibdib ang bibig matapos isulat ang kaluluwa.
(5) Ang Dalawang Manunulat
Magkaribal kung ituring ng madla si Brian at Mary Jane. Parehas kasi silang manunulat at masasabi nga talagang may pagkakahawig ang kanilang tema. Ang tanong lamang ay bakit tila may namamagitan sa kanilang nakaraan?
(6) Ngiting Minanipula ng Salita
Ang matalik na kaibigan ni Mary Jane na si Shekainah ay palagi nalamang siyang pinasasaya. Palagi nalamang kapakanan nito ang kaniyang iniisip. Ang tanging gusto lamang ni MJ ay ang masilayan naman nito ang ngiti ng kaibigan. Nang mangyari isang araw, nakapagtataka dahil mukhang hindi nagustuhan ni Mary Jane ang epekto nito.
(7) Manunulat kami ng Pinsan ko
"Passion o Practicality—ano nga ba ang tamang piliin?" Ito ang isang tanong na nagpaikot sa kwento. Alamin kung paano binago ng dalawang salita na ito ang buhay ng dalawang magpinsan na si Irish at Mary Jane.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top