(7) Manunulat kami ng pinsan ko

para kay shidonyo, paniguradong
magugulat ka sa mundong hawak
ng kwentong 'to.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

IRISH VILLEGAS is my secret role model. I quietly idolize the way she dresses, they way she narrates her thoughts, and above all, the way she acts independently. Yes, patago ko siyang hinahangaan. Why? Ayaw ko kasing aminin sa sarili ko na mas magaling siya kaysa sa akin. I think it's a recognized weakness of mine. I never admit my weakness and failure. Kaya nga hindi ko siya maintindihan sa kung paano niya nagagawa iyong tanggapin ng ganun-ganon nalang.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"MJ, look mo ito oh!" kinikilig na ipinakita sa akin ni Ate Irish ang kaniyang phone. "I really really need to be in there. . . ha! Someday I will be one of them."

Itinaas ko lamang ang kilay ko sa kaniya at binalingan ang cellphone na nasa harapan ko. Parang nasa mall kinuhanan ang picture, maraming tao ang nakatutok sa isang sentro: pitong taong nakaupo sa gitna at may nakalagay na pulang lamesa sa kanilang harapan. Bawat isa ay may pangalang nakalagay.

Nilingon ko ito. "Sino ba 'yang mga 'yan?" Kita ko ang dreamy look sa kaniyang mata at ang malaking ngiti sa kaniyang labi bago ito sumagot.

"Mga kilalang manunulat 'yan." Tinapunan ako ng kaniyang puno ng pag-asang tingin. "Sa susunod ay isa na rin ako sa kanila."

Umiling ako at lumayo sa tabi niya. Masyado kasi itong clingy. Dikit ng dikit, nakakairita lang. Hindi naman nito inintindi ang pag-alis ko dahil patuloy pa rin ito sa pagsasabi ng kaniyang mga pangarap kahit na si Baby Freya nalang ang naiwan kasama niya sa sala.

Ate Irish has always been like that. Daydreaming about her future and talking about almost everything with such positivity in her voice. Ang ikinaganda lang nang kaniyang pangangarap ay unti-unti niya itong tinutupad. She loves making little steps in everthing. I find this stupid; bakit pa siya nagsasayang ng oras sa paggawa ng maliliit na hakbang if she can just create a big step in just one snap? Hindi ba't mas less time and effort 'yun? Good way din ito para malaman mo in such a faster way if success ba ang patutunguhan mo or failure. Less butthurt kapag failure lang pala 'yung patutunguhan mo kasi you only risk a little effort. Hindi ka nagpakapagod ng sobra-sobra kaya't kapag nadapa ka, hindi masyadong masakit.

Yet, kahit na gaano pa ako ka-opposite ni Ate Irish, I still look up upon her. Masyado ko kasi itong kilala kaya't ganito ko nalang napapansin ang mga bagay bagay. Madalas ay inooppose ko ang mga opiniyon ni Ate Irish, but where do I see myself every time I make a decision for my life? I found myself basing my choice from what Ate Irish had done before. Siya na ang nagiging basis ko sa halos lahat ng decision ko sa buhay without her knowing it.

I breathed heavily as I let my cloud of thoughts free my mind. Umupo ako sa aking study table and opened my laptop. I clicked MJ's Personal Matters folder and I am welcomed by my lists of my unposted short stories and novels. Yes, I too write stories. I am inspired by Ate Irish, of course. Sa una ay trip-trip ko lang dahil sa curiousity ko sa palaging ginagawa ni Ate sa desktop niya. Hindi ko naman alam na dadating pala ang isang araw kung saan magiging seryoso pala ako rito.

I am grade five that time when I have first received my award for the writing contest I joined.

"Omg! Seryoso? First runner up ka?" Puno ng excitement ang boses ni Ate MJ isang gabi pagkarating namin sa kanilang bahay. Sakanila kasi kami nagpaplipas ng bakasiyon tuwing summer vacation. "I'm so proud of you! Halika nga rito, turuan mo kong magsulat ng maganda."

Irish Villegas is the only one who recognizes my achievement as a young writer. Si Papa kasi ay mas proud saakin sa pagiging isang honor student ko since grade 1. Dahil nga rito ay hindi ko masyado sineseryoso ang pagseseryoso ko sa pagsusulat. I mean, 65% akong nagseseryoso sa pagsusulat habang ang natitirang 35% ay chill lang and focusing more on the other things.

Pinalipas ko ang aking kulang-kulang na apat na oras sa pagtitipa sa harap ng aking laptop. Hindi maikling kwento o panibagong kabanata ang aking ginawa. Ngayon ko lamang nalaman na kaya po lang gumawa ng ganito?

Sampung senyales na hindi ka talaga nakatakdang
maging isang manunulat.
MJ Seraphina || May 4, 2015

Hindi ko alam kung accurate ba ang mag isinulat ko roon kaya't nilagyan ko ng note na ibinase ko lamang ito sa aking sariling obserbasyon sa aking paligid.

2009 palang ay nagsusulat na ako, pero matapos kong makuha ang aking unang award noong 2010 ay doon pa lamang ako nagsimulang magsulat at kumpletuhin ang aking gawa.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit si Ate Irish ay tuwang-tuwa sa tuwing nadadagdagan ang numero nang nagbasa sa kaniyang ginawang mga nobela? Talagang doon ba nababase ang galing at halaga ng isang manunulat? Edi paano pala ang isang katulad ko na nagsusulat ng walang mambabasa, edi wala pala akong kwenta?

Dahil sa walang kasagutan kong tanong ay nawalan ako ng ganang iedit ang aking gawa. Matapos isave ay pinatay ko nalang kaagad ang aking laptop. Ipinikit ko ng ilang minuto ang aking mata upang pahingahan.

Sa sampung senyales na ginawa ko, isa lamang ang hindi tumama: nagsusulat para sa kasikatan. The rest ay tama na ang lahat. Sa tingin ko ay hindi ko na dapat pang paglaanan ng oras ang pagsusulat. Wala naman kasing may pakielam.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Lumipas ang ilang taon at hindi ko rin naman nasunod ang plano kong pagtalikod na sa pagsusulat. Kahit na anong pagpipigil ko ay palagi ko pa ring natatagpuan ang sarili kong nakaharap saaking laptop at nagpapatangay sa agos ng aking imahinasyon.

Kahit anong pananakot ko sa sarili ko kagaya ng 'kapag nagsulat ka, magbabayad ka ng fifty pesos sa sarili mo' o hindi naman kaya 'hindi ka bibili ng milktea kapag nagtype ka ng kahit na limang salita lang para sa story mo,' sinusuway ko pa rin ito at nakagagawa pa rin ng oras para magsulat.

Bakasyon ulit ngayon at nasa hapag kami para salu-salong kumain. Kaharap ko ngayon si Ate MJ habang nasa tabi ko si Papa.

"Anong course ang balak mong kunin, MJ?" Nakuha ni Tita Irene ang nakalutang kong atensyon. "Next year ay college ka na rin, hindi ba?"

Tumango ako kay Tita at balak na rin sanang sumagot nang maunahan ako ni Papa. "Accountacy ang kukunin niya, Irene. Magaling kasi ito sa math kaya't hindi na nakagugulat pa na ito ang gusto niyang kunin."

Lah. Di ako magaling sa Math. Nagkakabisa lang ako ng mga formula or hindi kaya inaaral ng mabuti ang mga steps para masolve pero never akong nahilig diyan sa walang hiyang Math na 'yan. Kung hindi lang requirement sa mga honors ang hindi pagkakaroon ng line of 7 ay buong puso ko pa 'yang ibinagsak.

"Wow. Ang talino naman pala nitong si MJ." Ngumiti si Tita at napatingin kay Ate Irish. "Ito namang Ate Irish mo ay Medtech ang kukunin. Balak kasi niyang magdoctor."

Napansin ko ang pagiging stiff ng balikat ni Ate Irish nang marinig ang kaniyang pangalan. Tila ba napintig ang kaniyang tenga matapos marinig ang sinabi ng kaniyang ina.

Si Tito Kris naman ay tahimik lamang na ipinagpapatuloy ang pag-aayos ng mga pagkain. Ilang sandali pa at namatay na rin ang topic kaya't tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain.

"Mommy, Daddy, gusto ko pong kuhaning course ay creative writing." Gulat akong napatingin kay Ate Irish.

Napatigil naman si Tito Kris sa pagsasandok ng ulam at napatingin sa kaniyang asawa. Naiwan naman sa ere ang akmang pagsusubo ng pagkain ni Tita Irene. Pinasadahan ng tingin ni Tita si Tito at matamang binalingan si Ate Irish.

"It's a two year course lang naman, 'My, 'Dy, at hindi na kayo mamomroblema sa tuition ko dahil natanggap ang scholarship form ko kay Gov." Patuloy ni Ate Irish kaya't mas lalo lamang nangunot ang noo ni Tita at Tito.

"Anak, akala ko nagkalinawan na tayo last time na pagdodoktor ang gusto naming maging kabuhayan mo? It's for your own good. Ayaw naming matulad ang buhay mo saamin na kumakayod sa ilalim. We want you to be on the top, living your life smoothly; without a sweat. Kapag nagdoktor ka, paniguradong mangyayari ang lahat ng 'yun."

"But.." Segunda ni Ate Irish. "Hindi ako maghihirap dito sa kukunin kong kurso. I am doing what I love kaya't kahit mahirapan man ako ay alam kong worth it. Kaysa naman sa piliin ko ang isang bagay na alam ko naman na sa una palang ay hindi ko gusto. I want to take the all the risks, 'My, 'Dy."

Panigurado'y nahihiya lamang saamin sina Tita at Tito kaya't hindi na nila sinagot pa ang binitawang pahayag ni Ate Irish. Nang itinuon ko ang buong atensyon ko kay Ate ay isa lamang ang naging kumento ko: napakatapang niya. Ito ang isa sa hindi ko kayang basta nalang gayahin sakaniya, ang katapangan para tumayo sa sariling desisyon.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Fourth year college na ako sa kursong accountancy at ilang araw nalang ay gagraduate na. Masaya ba ako? Hindi.

Wala akong maramdaman ni isang patak ng self-satisfaction. Hindi ko man lang maloko ang sarili ko at sabihing 'nakakaproud ka self!' with a smile in my face. Siguro ay magagawa ko namang sabihin 'yun kaso ay iba ang tono, baka puno ito ng sarkasmo kaya huwag nalang.

Lumipas ang limang taon at hindi na muli ako nakabalik kina Ate Irish para magpalipas ng bakasyon. Masyado kasing maraming ginagawa kapag college kaya naman nasanay na ako na kahit na bakasiyon ay nagpapakabusy ako sa pagtatrabaho sa mga part time jobs. Feeling ko kasi ay nagsasayang lang ako ng oras kapag hinayaan ko yung sarili ko na tumunganga lang buong vacaction when in fact ay pwede akong kumita ng pera.

"This is my birthday gift for you, Anak. Salamat sa pagtupad sa namatay kong pangarap ah?" My Papa sincerely said as he kissed me on my forehead. "Mahal na mahal kita, Anak."

"Pa naman. Masyado kang senti." Biro ko sa kaseryosohan ng aking tatay.

Pinagmasdan ko si Papa habang inaayos nito ang pagkakalagay ng isang pabilog na cake saaking study table. Si Papa lamang ang tangi kong naging rason kung bakit kahit na halos araw-araw akong hindi makatulog sa kakaproblema para sa aking kinabukasan ay nagagawa ko pa ring magpatuloy. Na kahit na umiiyak ako ng walang luha ay may lakas ng loob pa rin akong gumising sa umaga at harapin ang sandamakmak na numero.

Binuhay ako ni Papa mag-isa. Dinamitan, pinakain, tinutuan ng magandang asal, kaya't tama lamang na pangarap niya para saakin ang sundin ko. Wala akong karapatang magdemand, anak lang ako; magulang siya. Atsaka he deserve all of these, he's a great father afterall.

Hindi naman siguro ako mamamatay kapag mas pinili ko ang gusto ni Papa kaysa sa gusto ko hindi ba? For sure naman na kung destined talaga kami ng pagsusulat, makakagawa ako ng oras para rito. So, its a good choice all in all. Or thats what I want myself to think.

"Mahal din po kita, Pa." Out of nowhere ay lumabas sa bibig ko. "Salamat po sa lahat."

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"MJ!!!!" Mahabang sigaw ni Ate Irish nang makita niya ako sa labas ng gate nila. "Namiss kitaa!!!"

Napapikit ako sa sobrang higpit ng yakap na ibinigay saakin nito. "Ate.."

Sinubukan kong luwagan ang pagkakayakap nito saakinpero mas lalo niya lang hinigpitan, pang-asar lang. Dahil dito ay sinuklian ko nalang ang yakap niya. Namiss ko rin naman siya ano. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Pansin ko nga rin ang dami ng pinagbago niya eh.

Kung dati ay maganda ang presensiya ng kaniyang mukha, ngayon ay parang may mali. Dati ay palaging masaya ang mukha nito ngunit ngayon ay parang pilit nalang ang kaniyang ngiti. Kahit ang katawan nito ay namayat, 'yung ilalim ng mata niya ay sumisigaw ng 'gusto kong matulog!'

Anong nangyari sakaniya? Hindi siya ganito noong huli kaming nagkita... bakit?

At biglang sumagi sa isip ko ang huling hapunang pinagsaluhan namin. Sinunod niya ba ang passion niya sa pagsusulat? Pero parang imposible. Hindi siya magiging 'ganito' kung ang tunay niyang gusto ang kaniyang pinili. Baka sinunod niya ang kaniyang magulang?

Ngumiti si Ate Irish nang mapansin niya ang titig ko sakaniya. "Mukhang marami kang tanong ah? Tara na nga sa kwarto, doon tayo magkwentuhan."

Gulat ang nakita ko sa ekspresyon nina Tita Irene at Tito Kris nang makita nila ako. Siguro ay dahil sa semi-formal kong pananamit? O baka naman dahil sa pisikal kong pagbabago? Medyo pumayat kasi ako hindi gaya ng dati na medyo may katabaan. O baka naman dahil sa postura ko? Tinuruan rin kasi kami sa kurso ko kung paano humarap sa mga kliyente, dapat confident. Sa ilang taong pagpapaulit-ulit ko nito ay hindi ko alam na kahit saan at kanino ay ganito na ang naging tindig ko.

"Congrats sayo, hija! Napakagaling mo naman at pumasa ka bilang isang CPA!" Natutuwang komento saakin ni Tita at lumapit para yakapin ako. Si Tito naman ay nasa tabi niya lang at binati rin ako.

Nagkaroon pa ng maliit na kamustahan nang bigla silang tumahimik dahil nagsalita si Ate Irish. Nagtataka man ay napatigil rin ako.

"Akyat lang po kami ni MJ." Hinawakan ako nito sa balikat. "Paniguradong pagod ito sa biyahe. Diba, insan?"

Kahit na naguguluhan sa kanilang inaakto ay tumango nalamang ako. Ano bang meron?

"Ate Irish, ayos ka lang ba?" Hindi ko na napigilan pa at ibinato na kaagad ang unang tanong na kanina pa naglalaro saaking isip.

"Sa tingin mo?" Ngumiti ito. Isang nahihirapang ngiti.

Nangunot ang noo ko, "Bakit? Hindi mo ba sinunod ang kursong gusto mo?"

"I followed it." Tumawa ito ng mapait. "And look where I am now."

Malungkot niyang iprinesenta hindi lamang ang kaniyang katawan ngunit ang buo niyang pagkatao. Puyat at malungkot na mata, namumutlang mga labi, mapayat na pangangatawan, at matamlay na awra.

"Ate Irish, hindi ikaw 'yan." Iniling ko ang ulo ko sakaniya.

"I know..." Umiwas ito ng tingin. "Pero ako na ito ngayon. Wala na akong magagawa."

Hindi ako makapaniwala. Ako na hindi pinili ang pagsusulat, hindi sumaya. Siya na pinili ang pagsusulat, hindi rin sumaya. Ano ba talaga ang dapat na gawin? Ano ba talaga ang dapat na piliin?

The End.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

[050420]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top