(5) Ang Dalawang Manunulat
dedication lost.
━━━━━━━━━━━━━━━━━
Matt Augustine is my greatest rival in my writing career. Madalas kaming mapagkumpara nito dahil parehas detective ang genre ng aming storya. Some of Bryan's loyal readers are bashing me the same as my loyal readers towards him. Sa kabila nito ay mayroon pa rin namang mga nasa gitna lamang at tahimik kaming sinusuportahan ng sabay. But then one day, a book signing event decided to invite us both, and this is what happened. . .
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Tahimik akong nakaupo sa aking pwesto. Nasa loob ako ng isang malaking room, air conditioned, at visible sa aking pandinig ang ingay ng mga readers na nasa labas. Pilit itong pinakakalma ng mga event organizers dahil ang iba ata ay nagpupumilit na pumasok na upang makapagpapirma na sa amin.
"Just five more minutes, guys!" sigaw ng isang organizer. Mukhang narinig ito ng ibang readers kaya't nagtilian ang mga ito sa labas.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Five more minutes and I need to smile genuinely. Sanay naman na akong ngumiti whenever I attend events like this. Pero iba ang booksigning na ito. Iba ang sitwasyon ko ngayon. Bakit?
Kasi katabi ko si Matt.
I can't smile with this creeping nervousness in my system.
"Contented ka naman ba?" nanlaki ang mata ko when he suddenly asks me—yata? Hindi agad ako sumagot dahil baka hindi naman ako ang kausap niya. Kaya nung kinalabit niya ako, muntik na akong mapalundag sa gulat. Narinig ko ang pagtawa niya.
Gusto kong manapak. Akala ko ba nagkalinawan na kami?
"Syempre naman," matipid kong sagot nang hindi siya nililingon.
"Ako, hindi mo ba ako tatanungin kung masaya ako?" dahil sa rahan ng boses na ginamit niya ay dahan-dahang nawala ang pressure balikat ko. Napahinga ako ng maluwag at dito rin nagsimulang bumalik ang lahat. . .
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
"Boo! Wala ka pala eh," ngumisi ako ng malaki at tinapat ko sa mukha ni Matt ang mataas kong score, mas mataas sa kaniya. "27 out of 30? Yuck."
Mayabang kong pinagpagan ang aking balikat upang mas lalo siyang asarin.
"Ang yabang mo. Isa lang naman itinaas mo sa'kin. Nakalimutan ko lang lagyan ng date 'yung papel ko kaya nagka-minus one ako. Kung hindi nangyari 'yun—"
"—Pero nangyari. Nangyari kaya big thumbs down for you. Aww," nalulungkot ko kunwaring saad habang nakahawak pa sa dibdib. Minsan lang ako manalo over him, might as well sulitin ko na ang kayabangan ko. Haha.
"Who scored higher than 25?" agaw ni Maam Abella sa aming atensyon. "Kindly raise your hand."
Dalawa lamang ang nagtaas: ako at ang katabi ko. Napangiti ng malawak si Maam Abella na tila inaaasahan niya na ang aming kamay.
"What's your score, Mr. Augustine?" tanong ng aming guro habang inaayos na ang kaniyang gamit. Tinignan ko ang oras sa aking wrist watch; walong minuto nalang ang natitira sa kaniyang oras.
"27, Maam," tumayo pa siya bago sumagot. Pasikat.
Narinig ko ang pagsinghapan sa paligid. Ang kadalasan ko kasing naririnig na score nila nasa gitna ng 3 hanggang 12. Sino ba naman kasi ang papasa sa sobrang hirap na quizzes ni Maam Abella? Halos patayin na nga kami nito sa everyday recitation, paano pa kapag sinamahan na ng surprise quiz?
"Gusto ko nalang maging kriminal, libre na bahay, may pagkain pa."
Natawa ako sa aking isipan nang maalala ang sinabi ng isa kong kaklase. Talagang pamatay kasi eh. Though gets ko naman ang point ni Maam na sinasanay niya lang kami for college.
"How about you, Ms. Seraphina?" naputol ang paglutang ng aking isipan nang balingan ako ni Maam, "What's your score?"
"28 po, maam!" masaya kong tugon. Ha. Ako ang highest! It only means na. . .
"Great job. So we have a winner! Ms. Seraphina is exempted for our next surprise quiz." Hindi nakaligtas sa'king pandinig kung gaano nalungkkot ang aking mga kaklase.
Todo review kasi sila kanina last minute bago magsimula 'yung quiz, hoping na baka makakuha sila ng mataas na score. Kaso ay ayun nga. Para sa akin kasi ay studying takes time. Tipong kung gusto mo talagang matuto, paglalaanan mo 'yun ng oras. Kaya big thumbs down ako for crammers.
"Tara sa canteen, libre kita," yaya ko ng buong puso kay Matt. Sinimangutan lang ako nito at tumayo na. Isa rin siya sa umasa pero hindi kinaya. Aww.
"Review tayo sa bahay mamaya ah," inangat ko ang aking tingin patungo sa kaniya. "Tatlo ang graded activity na mangyayari bukas: dalawa sa core, isa sa strand. Tsaka I need more recitations."
"Luh. Ang OA naman nito. Loosen up nga, pare!" Loko ko sakaniya. Ayaw kasi nito kapag tinatawag ko siyang pare, nagmumukha raw akong tomboy.
"Nag-update ka na ba?" pagbubukas ko ng panibagong topic. Ayoko na sa kwentong studies. Nakakastress 'tong si Bryan.
"Diba sabay tayo mamaya? O nag-update ka na?" kumunot ang noo niya sa akin. May deal kasi kaming dapat daw ay sabay kaming mag-update sa story na isinusulat namin.
But there is one problem. . . "Wala pa akong naitatype."
"What the," sinamaan ako nito ng tingin, "I promised my readers! Alam nilang mamaya ako magpopost ng new chapter, umaasa sila. MJ naman!"
"Hehe. Sorna po," kumamot ako sa ulo ko. Alam ko kasing ayaw nitong hindi tumutupad sa mga pangako niya. "Pwede naman sigurong magdahilan diba? Pero kung ayaw mo edi mauna—"
"As if," pumalatak pa ito sa konsumisyon sa akin. Sorry na nga eh! "Dalian mo nalang magtype nang makapag-update ako kahit na madedelay ng kaunti."
"Ikaw nagsabi niyan ah," ngumisi ako. "Ilan na ba reads mo?"
Chineck nito ang kaniyang phone. "798, ikaw ba?"
Tinignan ko rin ang aking phone at nadismaya sa nakita, "De wow, 781 lang."
At unti-unti ko na nga pong nakita ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang labi. Madrama pa nitong pinagpagan ang kaniyang balikat at itinaas-baba ang kilay.
"Napakayabang mo talaga!" inis kong sabi na siyang ikinatawa niya. Leche!
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Sabay kaming naglalakad ni Bryan pauwi ng bahay nila habang busy ako sa pagsipsip sa aking milktea. Feeling ko talaga may something silang pampaadik na inilalagay dito kaya't hindi ko na mapigilan ang sarili ko para gawing daily ang pag-inom nito. Mabuti nalang nga at minsan ay nauuto ko si Bryan para ilibre ako. RK eh, kaya no sweat maglabas ng 85 pesos for me.
Though ngayon baliktad dahil ako ang nagtreat sa kaniya ng paborito niyang french fries na sour and cream flavor sa Sulok ng Patatas na food stall malapit sa school. Yung pangalawa sa pinakamalaking lalagyan pa nga ang binili ko para hati kami. Kaya ngayon, habang naglalakad kami ay may milktea na ako, may fries pa. Saya diba.
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo may cheese," pigil ang tawang puna ng katabi ko. "Malapit na tayo sa bahay nakakahiya kung makikita ka ni Mama na ganyan itsura mo."
Hirap akong tanggalin ang tinuturo niyang parte dahil una, may hawak akong milktea, at pangalawa, may powder flavor yung isa kong kamay. Buong kamay ko kasi ang nalalagyan ng powder everytime na kumakain ako ng finger foods.
"Saan ba?" Kinapa ko ang aking bibig gamit ang kamay kong may hawak ng milktea. "Ha? Saan?"
Hindi gawain ni Matt ang maging sobrang lapit saakin. 'Yung tipong hindi siya clingy or asar nang asar. Cool lang. Mas masaya pa nga rin itong nakikitang nahihirapan ako kaya ganon nalang ang gulat ko nang siya na mismo ang nagpunas ng dumi sa mukha ko. Matapos niyang gawin yun ay agad siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.
"Hoy, bilis!" sa sigaw niyang ito ay natauhan ako at lutang siyang sinundan. Wala lang 'yun.
"Good afternoon po, Tita," nagmano ako sa Mama ni Matt. Binati niya ako ng isang mabait na ngiti.
Hindi na nagulat pa si Tita nang makita niya akong kasama ng kaniyang anak. Paano kasi ay sanay na itong palagi akong pumupunta sa kanila tuwing uwian para sabay kaming magreview ni Matt. Matapos kaming papiliin ni Tita kung ano ang gusto naming miryenda ay nagpaalam na ang aking kaibigan.
"Ma, akyat na kami sa taas. Madami pa kaming dapat na pag-aralan " masungit na sabi nito at nauna nang maglakad sa kanilang taas.
"Napaka-sungit mo talaga," panenermon ko rito. "Buti nalang mabait si Tita."
Narinig ko lang ang pag-tss niya kaya't napangiti nalang ako. Binuksan niya na ang kaniyang laptop at doon nagsimulang magtipa. Nagkabit balikat nalang ako sa pagseseryoso niya bago inilabas ang aking libro.
Ang way of studying namin is una, magbabasa kami for 30 minutes, and then after that, magbabatuhan naman kami ng tanong. Mas nagiging effective kasi ang pag-aaral namin sa ganitong paraan. Turn na ni Matt para magtanong sa akin at naghihintay lamang ako sa ibabato niy nang biglang sumingit ang boses ni Tita Jena.
"Anak, tumawag ang papa mo kanina. Pinapaalala niya lang na next month na ang alis mo. Mag-ready ka na raw ah?" paalala ni Tita habang dala-dala ang aming miryenda.
Aalis? Next month?
Napatingin ako kay Matt. Naka-iwas ito ng tingin ngunit kita ko ang pagkaasar sa kaniyang mukha. Matapos ilagay ni Tita ang pagkain sa mesang gamit namin ay bumaba na ito. Hindi pa rin niya ako tinitignan.
"Aalis ka? May outing kayo? Sama naman!" biro ko, mukhang halata yata na masyadong pilit. Nangibabaw kasi ang kaba sa loob ko.
Binalingan ako nito ng kaniyang seryosong tingin. "Gusto ni Papa na sa Canada ko na ipagpatuloy ang pag-aaral ko."
My body went frozen. Ako naman ang napaiwas ng tingin. Tama nga. So, iiwan niya nga ako? Wala na akong kaibigan, ganon?
"Sinubukan ko mang patunayan na maganda ang pagtuturo rito sa Pilipinas by maintaining a high grades pero hindi pa rin siya kuminsido," pagpapatuloy nito.
Wala na nga. Wala na nga akong kaibigan. Aalis na nga talaga siya.
Iniangat ko ang aking tingin at ngumiti, "Wow! Nakaka-excite naman ang buhay mo. Panigurado marami kang magiging k-kaibigan doon."
Naramdaman ko ang bara sa lalamunan ko kaya't pinili kong 'wag nalang muna magsalita. Nakita ko ang pagtayo niya sa kaniyang pwesto. Tumabi ito sa aking gilid at pilit hinuhuli ang aking mata. Natalo ako.
"Hey. . . makapag-uusap pa rin naman tayo." He tried convicing me with his hopeful voice but I know deep inside, he's just convincing himself too.
Maliliit na tango ang iginawad ko sakaniya. "Oo n-naman."
We promised to always keep in touch with each other. But when the day comes and he left, I decided to let him fly freely by cutting all of our connections.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Napabalikwas ako nang makarinig ulit ng tilian. Ah. Nasa booksigning nga pala ako. Naghihintay pa rin ang aking katabi na tanungin ko siya. Bumuntong hininga nalang ako.
"Hindi ka ba m-masaya?" sinikap kong hindi mabasag ang aking boses.
"Sino ba ang hindi magiging masaya?" he genuinely smiled without breaking our eye contact. "52 Million na ang reads ng story ko; ikaw 49 Million pa lang. Sinong hindi sasaya roon 'di ba?"
Sobra ko siyang gustong yakapin ngayon. I missed him so much. Ang nag-uumapaw nitong kayabangan, kasungitan, at kalokohan.
"Congra—" napahinto ako ng may lumapit na babae sa harap namin.
"At nandito pa ang number one supporter ko," iginawad niya ang kaniyang kamay sa babaeng lumapit sa amin. Wow. Lahat ng wala ako ay meron siya.
"I'd like you to meet Cynthia, my girlfriend."
━━━━━━━━━━━━━━━━━
051220
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top