(3) Paniniwala at Salita
para kay shytryfly, salamat dahil
isa ako sa mga pili mong kaibigan.
━━━━━━━━━━━━━━━━━
SHAIRA GOMEZ is a hopeless romantic friend of mine. Naniniwala siya sa destiny, soulmate, and true love. Hindi ko naman siya masisisi sa way of thinking niya dahil living evidence ang kaniyang Mama at Papa sa larangang ito-which is sana lahat.
Kabaligtaran ako ni Shaira na mas pipiliing maghintay at hayaang tadhana ang gumawa ng daan para sa kaniyang love life. Ako kasi ay puro laro lang sa una at sa seseryosohin sa kalagitnaan. Pero, once na maramdaman kong nagiging cold na siya ay iiwan ko na agad ito sa ere. Ayoko kasing ako ang iniiwan kaya hanggat maaari ay ako ang nang-iiwan.
Inaakala nila na hindi ako nasasaktan dahil ako ang unang tumatakbo-they're wrong. Nasasaktan din ako. . . it's just that I never truly accepted my feelings, that's why.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Gamit ang aking namumugtong mata ay sinalubong ko ang aking maulang umaga. Ha. Ang swerte ko naman at sinabayan pa ng kalangitan ang mood ko. Ayos, ang lakas maka-senti. Baka mamaya niyan ay iiyak na naman ako rito ng walang dahilan. . . o baka meron talaga pero ayoko lang tanggapin. Hay. Ewan.
Ramdam ko ang pagkasaburayray ng aking buhok ngunit hindi na ako nag-abala pa itong ayusin. Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa banyo dahil sa hilo. Hangover pa ata, pakshet. Tequilla pa more, MJ. Ipagpatuloy mo lang yan.
Sarkastiko ang natawa sa sarili bagk ipinagpatuloy ang morning routine.
"Oh, bakit ang saya mo naman ata ngayon?" puna sa akin ni Shaira. Umupo ako sa tabi nito at sinilip ang nakapatong sa kaniyang lamesa.
"Wow. I-calig mo naman name ng crush ko!" ngumuso ako na ikinakunot naman ng noo niya.
"Crush? Diba may kachat ka? Sino ba kasi 'yun?" Confusion is evident on her face as she tried recalling the name of the guy. Feeling ko nga ay hindi ko na rin ito kilala dahil sa nakalipas na 8 hours, naka-move on na ako sa kaniya.
"I'm not sure ah. . . but I think you're refering to my past chat mate na si George? Tama ba?" inosente ko siyang tinignan. Nakatingin lang ito sa akin na parang mali lahat ng sinasabi ko.
"Anong ibig mong sabihin? You ghosted your chatmate again?!" sa gulat ay nabitawan niya ang calligraphy babies niya.
Iniwas ko nalang ang tingin ko nang marinig ang inis sa kaniyang boses. Paniguradong papangaralanan na naman ako nito. Hayst. Ewan ko ba diyan at paniwalang-paniwala sa true love shit. Walang true love. Kung siguro ay sa panahon ng mga lola't lolo namin ay totoo pa ito-sa mga magulang ng iba na napapanatiling lumaban sa tukso. Sa henerasyon namin ay wala na. Laro-laro nalang ang pag-ibig.
"Birthday ng Lolo ko sa sabado, MJ. Punta ka ah?" habang naglalakad kami ng sabay pauwi ay nagsalita si Shai. Hindi ko na napigilang ngumiti.
Tuwing may handaan kasi sa kanila ay halos palagi niya akong inaaya. Kung sanang madaling hindian itong kaibigan ko ay baka hindi na ako nag-ooverthink sa iniisip ng pamilya at mga kamag-anak niya sa akin.
"Shai kasi-" napatigil ako ng makita kong lumungkot ang kaniyang mukha. Natunogan niya na siguro, "-kasi may nakita akong pogi kanina. Crush ko na siya hehe."
Nagliwanag naman ang mukha niya, "Pupunta ka?"
"S-Syempre naman," sinabayan ko pa ng tango ang aking ulo para mas mabigyan siya ng kasiguradohan. Puno ng ngiti niya akong niyakap.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa school ay "pabida" ako dahil palagi akong sumasagot sa recitation. Sa bahay naman ay "mapapel" ako kasi palagi akong tumutulong sa gawaing bahay. Sa school paminsan ay "madamot" ako kasi hindi ko sila binigyan ng papel isang beses. Sa bahay naman paminsan ay "tamad" ako kasi hindi ako nakapaghugas ng pinggan isang beses. Sa ganito lumipas ang buong linggo ko kaya't laking tuwa ko nang maalalang makakahinga pala ako ng maluwag dahil pupunta ako sa birthday ng Lolo ni Shai.
Mabuti nalang pala at pumayag ako. At least ay mayroon akong mapupuntahang lugar na wala sa dalawang araw-araw kong pinatutunguhan: school at bahay. Nagsuot ako ng pastel yellow na sleeveless dress at nakasabit sa aking balikat ang nude na sling bag. Cellphone, wallet, at panyo lamang ang nakalagay sa loob ng maliit kong bag. Dahil hindi naman ako naglalagay ng make up ay madali akong natapos sa pag-aayos.
Nagpaalam na ako kay Mommy na busy sa kaniyang kausap sa landline habang nagtext lang ako kay Daddy na aattend ako ng birthday. Mabilis namang pumayag ang aking walang pakielam na magulang. And then, I'm good to go.
"Happy birthday po!" nagmano ako sa Lolo ni Shai at iniabot ang aking simpleng regalo. Sandals ito na kamukha noong sinusuot ni Daddy every time na nagkakaroon ng biglaang lakad.
Kakuntsaba ko nga si Shai sa pag-alam ng size ng paa ng Lolo niya. . . though kung hindi ko pa ito pipilitin ay hindi niya sasabihin. Sabi niya kasi ay presence ko lang naman ang kailangan; 'no need for gifts' dagdag niya pa. Nang niloko ko siyang hindi nalang ako pupunta ay ayun, kinagabihan ay sinabi niya rin sa akin ang nais kong malaman-basic.
Masasabi kong ang pamilya ni Shaira ay taliwas sa kung ano ang meron ako. All of their faces were plastered with this genuine smile I never saw in my family. Siguro ay kulang-kulang thirty ang narito ngayon sa bahay nina Shai.
Casual ang pag-uusap ng mga ito pero kita ko kung gaano sila ka-intimate sa isa't isa. May mga batang nagtatakbuhan habang ang mga magulang nila ay busy sa pakikipag-usap sa kanilang kamag-anak.
"Uy!" Nakaramdam ako ng pagsanggi sa aking balikat. Magagalit sana ako ngunit umatras ito ng makita ko kung sino ito. "Akala ko hindi ka pupunta."
Lumingon muna ako sa aking paligid para humanap ng tulong sa aking kaibigan. Shai's nowhere to be found. Shit.
"Pwedeng umupo sa tabi mo?" casual na tanong sa akin ng lalakeng pinsan ni Shai. Nakausap ko na ito siguro ay mga three times na rin pero kahit ganoon ay palaging nagiging awkward ang pakikitungo ko sa kaniya.
I stiffly nodded my head kaya't umupo siya sa aking tabi. Our shoulders are almost touching kaya pasimple akong umurong palayo. Hindi naman nito iyon napansin. Medyo napahinga ako ng maluwag dahil doon. I don't want to be rude, he's just being friendly here.
"Bakit ba hindi ka pumunta last time? Sayang inabangan pa naman kita," nanigas ako sa aking kinauupuan ng sabihin niya ito. "May ipapakita kasi sana ako sayo eh."
"H-Ha?" is what I only managed to reply.
"Oh, I mean. . . ipaparinig," tumawa siya sa sariling pagkakamali. Napalingon ako sa kaniya dahil doon. Ang gwapo talaga niya kahit side view; ito siguro ang dahilan kung bakit ako naiilang sakaniya. Feeling ko ay fictional character siya na nakalabas sa fourth wall. Kamangha-mangha kasi ng lahat sa kaniya.
Napaawang ang aking labi. I was caught off guard when he suddenly look at his side. . . to where I am sitting. . . to me. He smiled with such amusement in his eyes. Hindi ko maiwas ang aking tingin dahil 'tila naaakit akong titigan pa siya ng matagal.
Tumayo ito kaya't naputol ang aming tinginan. Umubo siya bago nagsalita, "Tara sa rooftop, ipaparinig ko sa'yo 'yung dapat na sana ay last time mo pa narinig."
Hindi ko alam kung anong kakapalan ng mukha ang sumapi sa akin dahil sumunod ako rito ng walang pag-aalinlanagan. Nang aksidenteng magkatagpo muli ang aming mata ay nakita ko rito ang bahid ng pagkagulat.
Noong mga nakaraang pagtatangka niya kasing kausapin ako ay never akong naging maluwag sa kaniya. Palagi lang akong matipid at straightforwad kung sumagot sa mga tanong niya. He's probably shocked to see that I'm follwing him. Iniwas ko nalang ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagpapaligsahan ang kulay kahel at asul sa kalangitan. Sobrang ganda. Malakas rin ang hangin rito dahil nasa fourth floor kami ng bahay nina Shai.
Madalas ay dito kami gumagawa ng projects every time na nagiging parter or magkagroup kami ng aking kaibigan. Nakakarelax kasi rito at. . . at madaming pagkain. Haha.
Muntik na akong maapatalon sa gulat dahil sa kalabog na nanggaling sa likod ko.
"Oh sht," mura ng nag-iisang kasama ko. I really have a hard time recalling his name. I think two months na ata ang nakalipas since we last talked. Alam ko'y nagpakilala ito sa akin pero siguro sobrang lutang ako noon at hindi na siya naintindihan.
Nakita ko kung paano niya sinipat ang kaniyang hawak na ukelele. Mukhang tumama ito pintuan. Wait. Ang cute! I want one too! Pangarap kong magkaron niyan kaso kahit na may pera ako ay hindi ako bumibili. Ingay lang daw kasi 'yun sabi ni Mommy.
"I have a favor," hopeful ang mukha nito nang lingonin ako. "Alam mo ba 'yung Perfect Two at I'm your mashup?"
Unti-unting namuo ang ngiti sa aking labi, "Oo naman! Ang cute kaya nun!"
Tumango-tango pa ako at napapalakpak ng wala sa oras. Bigla akong naexcite, at hindi ko na nakapa pa ang hiyang sa kaniya ko lang nararamdaman.
Nagliwanag din ang mukha nito, "Talaga? Alam mo bang ang tagal ko ng naghahanap ng ka-duet sa kantang 'to?"
"Matagal ko ng pangrap na kantahin yan ng may kaduet!" sabay kaming natawa.
May naglalaro pa ring ngiti nang tumango ito sa akin tsaka sinimulan ang pagtugtog ng ukelele.
"You can be the peanut butter to my jelly
You can be the butterflies I feel in my belly
You can be the captain and I can be your first mate
You can be the chills that I feel if we ever split."
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang kumakanta. Kahit kasi siya ay may kurba rin ang labi kaya't sino naman ang hindi masisiyahan sa ganitong tanawin, hindi ba?
"Don't know If I could ever be
Without you, 'cause boy you complete me
And in time I know that we'll both see
That we're all we need."
Tinalasan ko ang aking pandinig dahil magsasabay na kami sa susunod na part.
"So I won't hesitate no more, no more
This cannot wait, I'm yours
Open up your mind and see like me
Open up your plans and then you're free
Look into your heart and you'll find love, love, love."
Halos mapahinto ako sa pagsabay sa pagkanta dahil sa lamig ng kaniyang boses. Ang ganda. . .
"'Cause you're the apple to my pie
You're the straw to me berry
You're the smoke to my high
And you're the one I wanna marry."
Nakatitig lamang ako sakaniya habang kinakanta niya ang part niya. Hindi ako makahinga sa sobrang pagkamangha sa kaniyang boses. Nang muling dumating ang chorus at magsabay ang aming boses ay bumilis ang tibok ng puso ko.
"And we're the perfect two
We're the perfect two
We're the perfect two
Baby me and you
We're the perfect two."
At nang kantahin niya ang pinakahuling parte ng kanta ay natulala nalang ako. Hindi na ako nakasabay sa kaniya. Nawala ako dahil sa seryosong mata nitong nakatitig saakin. Hindi bumibitaw. Hindi kumukurap.
"So please don't, please don't, please don't
There's no need to complicate
Because our time is short
This oh, this oh, this is our fate
I'm yours."
Tinapos niya ang huling pagstrum sa kaniyang ukelele ngunit ang aming tinginan ay hindi pa rin napuputol. Mababagal na pagpalakpak ang nagpapukaw sa aking pagkawala sa sarili. Sabay kaming napaiwas ng tingin. Napahaplos ako sa aking buhok at tumayo; habang siya ay pekeng umubo at kumamot sa kaniyang batok.
"Shai. . . ?" alanganing bati ko sakaniya. Hindi niya nililingon ang kaniyang pinsan na nasa gilid ko lang.
"Ang galing niyo naman!" malawak na ngiti ang ipinalipat-lipat nito sa amin. Tumigil ang kaniyang tingin sa akin at tumaas baba ang kaniyang kilay. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Para itago ito ay inirapan ko nalang siya.
"Ayoko pa sanang putulin ang date niyo kaso ay nagyaya na si Mama for picture dahil magsisiuuwian na rin ang ibang mga bisista. . ." binalingan ng aking kaibigan ang kaniyang pinsan. "Tsaka kanina ka pa hinahanap ni Kierra. Muntik na ngang umiyak dahil akala niya iniwan na siya ng kuya niya."
Wala sa isip na nilingon ko siya. Mahina itong natawa at umiling. May kapatid siyang mas bata? Tapos babae pa? Ang cute.
"Mauuna na po ako. Happy birthday po ulit," pagpapaalam ko. "Tita, Tito, hindi na po ako makakatagal. 6 pm lang po kasi ang paalam ko eh."
"Sigurado ka bang ayaw mong dito nalang maghapunan?" paninigurado ni Tita Shane.
Tumango ako rito ng may ngiti sa labi. "Opo, Tita. Salamat po sa pag-iimbita."
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Humiga agad ako ng pabagsak sa kama pagkauwi. Nagplay sa utak ko ang nangyari kanina sa rooftop. . .. suddenly a smile crypted on my face. Nako. Crush ko na ata siya. Huhu. Bawal 'yun. Di ako pwedeng magkagusto sa relatives ng kaibigan ko-that is my unsaid exception. I can date every guy but not my friend's relatives.
Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ang pagba-vibrate ng aking phone. Nasa loob ito ng sling bag ko. Kaso imbes na cellphone ang bumungad saakin, isang sticky note ang nakita ko. Kakulay ito ng suot kong dress kanina na pastel yellow.
Why do I have this gut feeling saying that you do not know my name? Just to make sure, I'm Kiro. I know you're MJ. Uh. . . your voice sounds great. I think we really are perfect two. Good night!
Perfect two? Umiling ako ng paulit-ulit at umaasang matatanggal nito ang mga nagliliparang paru-paro sa aking tiyan. Nang mabigong pigilan ang aking nararamdaman ay ipinikit ko nalang ang aking mata. Hindi na ako nagpalit ng damit. Hindi ko na inintindi kung masyado pang maaga para matulog. Basta ang alam ko lang ay sobrang saya ko bago hinatak ng antok.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Akala ko panaginip lang ang lahat. It seems like what happened yesterday was just a dream. Dali-dali ko ngang tinext si Shai if totoo bang pumunta ako sakanila kahapon.
Shai:
Ha?
Ayos ka lang ba?
Agad akong binalot ng kaba matapos mabasa ang kaniyang reply. What the hell.
Mary Jane:
Diba birthday ng Lolo mo kahapon?
Tapos pumunta ako? Kumanta pa
nga kami ni Kiro sa rooftop niyo ng
perfect two eh.
Napailing ako saaking sarili at binura ang huliing linya ng aking pahayag.
Me:
Diba birthday ng Lolo mo kahapon?
Tapos pumunta ako?
Shai:
Magkita nga tayo ngayon, MJ.
Nababaliw ka na ata eh.
Mas lalo akong nakaramdam ng panlalamig sa aking katawan. Agad akong bumangon sa higaan at pumunta sa CR. Ngunit nang madaanan ko ang aking salamin ay napahinto ako.
Yellow dress. . . ?
Unti-unting kumurba ang ngiti sa aking labi. Sht.
"Hoy gaga ka. Ano bang pinakain sa'yo ni Kiro at mukhang nabaliw ka na diyan? Ang bilis mo naman atang mahulog at isang kanta lang ay bigay ka kaagad. Alam mo siguro love at first sight 'yan... though pang-apat na kita mo na 'yan sakaniya. Si Mama at Papa kaya biktima rin ng love at first sight. Aksidenteng nagkatinginan lang daw sila habang nasa magkabilang jeep sila. Traffic nga non eh. Akala nila di na sila ulit magkikita. Fate ang gumawa ng paraan para magkita ulit sila. And then. . . tada! I'm here, the evidence of their undying love."
Umirap ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? Palaging sona kung magkwento ang isang 'to. Kaya nga halos isumpa siya ng mga kaklase ko everytime na siya ang naaassign bilang prayer leader before break time dahil napakadami niya talagang nasasabi. She might be a tiny girl pero ang bibig niyan. . . nako!
"Hinihingi ni Kiro 'yung number mo. Bibigay ko ba?" Isang araw, habang kumakain kami sa canteen, napahinto ako.
Number? Para makipagtext?
"No. . ." paulit-ulit akong umiling. Tinignan ko si Shai sa mata. "Huwag, Shai. Huwag mong ibibigay."
"Ha?" puno ng pagtataka ang mukha nito ngayon. "Diba mahilig ka makipagtext? Bakit ayaw mong ibigay ko ang number-"
"Wag," sabi ko at naglakad papunta sa washroom.
Nagsimulang maghalo-halo ang mga iniisip ko. Bumalik sa memorya ko ang kadalasang pagtatapos ng pag-uusap ng mga nagiging chatmate ko. Kadalasan pa nga ay hindi talaga nagkakaroon ng "closure" ang aming pag-uusap dahil ako ang unang hindi nagpaparamdam. Siguro dalawa o tatlo lang sa sampu ang nagkaroon ng closure. And I can't even say to myself if proper closure ba ang nagyari or not. Basta I ended it and then blocked him. . . them.
Napahilamos ako ng wala sa oras at umaasang matatanggal nito ang mga negatibong salita na naglalaro sa isipan. No. Ayokong ganon rin ang patunguhan namin ni Kiro. Hindi ko ata matatanggap 'yon.
"MJ? Ahm. . . I think this might overwhelm you pero. . " binalingan ko ng tingin ang aking kaibigan. Sinundan pala ako nito. "Kiro is outside. He's waiting for you."
Wala na akong sinayang na oras at lumabas. I need to explain my side, my complexities, and everything. Kung tatanggapin niya man ito o hindi, bahala na.
━━━━━━━━━━━━━━━━━
051120
p.s shai, if nababasa mo ito, i just want to say na wala akong crush sa pinsan mo—na amaze lang talaga ako sa galing niyang mag-ukelele huhu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top