(1) Halaga ng mga Letra
para kay vi_yuh, salamat sa
pagpapagamit ng pangalan!
━━━━━━━━━━━━━━━━━
VIA CANDELARIA is my number one basher. She loves making fun of everything I do. Be it projects, gifts, or poems-lahat ay may lait. Some part of me says that I should stop spending my time with her dahil wala naman itong naidudulot na maganda but I stopped hearing those voices. Ang mahalaga, may mambabasa ako.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Tahimik akong nakangiti habang hawak ko ang aking favorite gelpen. Nakadukdok ang mukha sa aking desk dito sa loob ng classroom. Himala nga at sa kabila ng kaingayan ng mga kaklase ko ay hindi man lamang ako dinapuan ng irita.
Ha. Kasi inspired. . .
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti ng malawak. Baka akalain nila na nababaliw na ako dito. Well, siguro nga ay nababaliw na ako. Sino ba naman ang hindi? Pinuri kaya ako noong favorite kong writer sa Wattpad. Dream come true 'yun, ano ba!
"Mary Jane."
Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng tula. Mahilig kasi akong gumawa ng poems. Karaniwan ay tula-tulaan lang ngunit ngayon ay isang narrative poem ang aking ginagawa. Nagulat pa nga ako dahil dati tingin ko rito ay sobrang hirap. Kaya ko naman pala.
"Mary Jane!"
Ayan. Tapos na! Umayos ako sa aking pagkakaupo at iniangat sa ere ang papel kung saan nakaimprinta ang tulang ginawa ko. Proud na proud ako dahil first time ko lang makagawa ng isang narrative poem. . . at may twist pa sa dulo!
"Hoy, Mary Jane Seraphina!" Nalukot ang mukha ko nang may humablot sa papel na hawak ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Akin na nga 'yan!" asar kong puna kay Via at sinubukang bawiin sakaniya ang aking papel. Mas inilayo niya ito sa akin.
"Ano ba 'to? Isang Balong Malalim? Lah. Patawa ka?" pagak itong tumawa at ibinalik sa akin ang papel. "Ayan ba 'yung ipapasa mo sa Filipino mamaya?"
Sa tono ng pananalitang ginamit ni Via ay napaiwas ako ng tingin. Yumuko nalang ako imbes na sumagot. Ganoon ba kapangit ang tulang ginawa ko na title palang ang nabasa niya ay inayawan niya na kaagad? Nanlumo ako lalo. Baka nga. . .
"Random picking ito, class. Once I call your name, proceed in front and read your poem out loud," pagpapaliwanag ng aming guro sa Filipino. "Any questions?"
Tila isang bulang pumutok sa ere ang panlulumong nararamdaman ko nang mapalitan ito ng kaba. Nagsimula na ang pagbunot ni Maam sa aming 1 whole sheet at rinig na rinig ko kung paano magdasal ang aking mga kaklase na sana ay hindi sila ang mauna. Nang unang matawag si Via ay nagtawanan ang lahat. Puno kasi ng kalokohan ang kaniyang tula na animo'y hindi graded ang kaniyang ginawa.
Nagtuloy-tuloy ang paglalahad ng mga tula ang aking mga kaklase. Ang paksa ng iba kong kaklase ay may hugot na tila ba mga broken hearted kahit never pa namang naging in a relationship. 'Yung iba naman ay parang may pinatatamaang mga plastikadang kaibigan kaya't seryoso lamang na nakikinig ang buong klase. At syempre, hindi naman mawawala ang introvert na walang gana kung magbasa at tila wala ring patutunguhan ang ginawang tula. Kadalasan sa mga ganito kong kaklase ay iyong mga lalake na tamad na tamad mag-aral.
Halos antukin na ako sa tagal nang biglang umere ang aking pangalan sa buong klase,"Mary Jane Seraphina."
Galing sa nakapangalumbaba kong pwesto ay bigla akong napaayos ng upo. Tila isa akong automatic na robot at wala sa sariling naglakad papunta sa harapan ng klase. Nanlalamig ang aking batok at nanginginig ang kamay. Nagulo na rin ang aking mga iniisip at hindi na alam kung saan ba dapat magfofocus: sa mga kaklase ko bang walang emosyong naghihintay sa susunod kong gagawin o sa papel na babasahin ko.
Nang umubo si Maam ay agad akong natauhan. Kinakabahan din akong umubo at ibinaling ang tingin sa papel na hawak ko.
"Isang Balong Malalim," pagsisimula ko.
Mariing ibinilin sa amin si ma'am na dapat ay ang laman ng aming tula ay kung ano lamang ang laman ng bag namin. Marami nga ang nagreklamo dahil ang hirap daw ng gustong mangyari ni Maam. Pero in the end, here we are, enjoying ourselves with the challenge.
Ang kadalasan kong narinig sakanilang tula ay direkta sila kung maglarawan. 'Yun bang literal na 'binuksan ko ang aking bag na walang laman, hay, ang aking mga libro ay naiwan ko na naman'-mga gan'on.
Itong saakin kaya? Hihiyaw din kaya sila sa akin tula gaya ng ginawa nila kanina sa iba naming kaklase? Kinakabahan man sa kanilang magiging reaksyon ay nagsimula na ako.
"Isang malalim na balon ang aking tinalon
Ang tubig na galing sa pink na bote ay paalon-alon
Kung kaya't natunaw ang perang papel na 150
Dito napatutunayang ang barya ay mas may silbi.
"Habang sinusubukan kong lumangoy
Ako'y nakakita ng isang lapis na gawa sa kahoy
May kakayahan itong magbura ng pagsisisi at kamalian
Hindi kagaya ng ballpen na kapag ika'y nagkamali, wala ka nang babalikan.
"Nagkaroon ako ng pag-asang bumangon
At makaalis dito sa masikip at magulong balon
Nang masilayan ang mumurahin ngunit bagong sapatos
Hindi na naisipan pang gamutin ng alcohol ang aking mga galos.
"Nang imulat ko ang aking mga mata
Makakapal na libro ang aking nakita
Ikaapat na misteryo na pala kami sa pagrorosaryo
Hindi ko man lang napansin dahil lutang na naman ako."
Natapos ko ang aking tula ngunit wala ni isa akong narinig na nag-react. Teka, nakinig ba sila? Unti-unti akong sinakop ng pagkadismaya.
Totoo nga. Tama nga si Via. Nagpapatawa ba ako? Sino nga naman ba ang magkakagusto sa tula kong tunog pambata? Sarkastiko akong natawa sa aking isipan. Walang kwenta.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at bumalik nalang sa pwesto. Narinig ko ang mahihina at malilit na palakpak galing sa ilang sulok ng aming classroom. Ito ang klase ng palakpak na ibinibigay ng aking mga kaklase sa mga kagaya kong walang kwenta ang tula.
Napayuko nalang ako sa kapahiyaang ginawa ko sa harapan ng klase.
"Ayos ka lang?" Hindi na ako nag-angat pa ng tingin. Si Via. Paniguradong nagdiriwang ito sa saya dahil sa walang naka-appreciate sa gawa ko.
Mas lalo kong idinukdok ang aking mukha sa mesa. Imbes na sagutin pa ito ay itinaas ko nalang ang aking kanang kamay at nag-okay sign. Narinig ko ang pagsasalita nito ng 'sige sabi mo eh' bago bumalik sa kaniyang pwesto.
It sucks to be me. Damn.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
"Bakit ba ang lungkot mo?" nagulat ako ng mag-approach si Via sa aking gilid. She's the last person I expect to be asking me that question. "Anyare ba?"
Umayos ako ng upo sa bench, signalizing that she can sit beside me. Umupo naman ito. Tinignan ko siya ng seryoso at nag-aabang lamang ito sa sasabihin ko. But oddly, I can sense some impatience in her eyes-should I open my problem with her?
"Spill. I have lots of things to do pa kasi, just so you know." Mayroong kaunting kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Para itong naging trigger button ko para tuluyan ng sabihin kung ano nga ba ang bumabahala sa akin.
"Mayroon kasing nag-critique sa isa kong story, sa una ay pinuri niya pa ang gawa ko. Ang ganda raw ng flow ng story ko. Medyo natuwa naman ako doon kasi sobrang bihira lang ako magkaroon ng reader na nagbibigay talaga ng mga praises," I smiled a bit while recalling what happened last night.
"Ugh. Just go straight to the point, MJ," sinipat nito ang kaniyang wrist watch kaya't napwersa akong sabihin na ang pinakasentro ng aking problema.
"Pero kasi sa bandang huli, sinabi niya na andami ko raw na grammatical errors. And she even questioned my value as a writer! Kung ganoon daw kasi na hahayaan ko nalang ang sarili ko na puro ako errors, hindi ko raw deserve ang title na 'writer'. Kasi hindi raw ako nag-eeffort na alamin ang mga do's and don'ts sa pagsusulat," hinihingal kong ikinwento sakaniya ang side noong reader ko. "At kung pababayaan ko nalang daw 'yun na ganon ay 'wag nalang akong magsulat. Mas mabuting magbasa nalang daw ako nang may matutunan naman ako."
She laughed with such disbelief in her voice. Mahina pa ako nitong hinampas sa braso. "Eh ikaw naman pala ang may mali eh! Bakit ka pa nagdadrama diyan? Sundin mo nalang siya. Aralin mo 'yung mga grammars chuchu na ikinapuputok ng butchi nung reader mo. Edi tapos ang usapan! Napaka-OA mo. Mga simpleng problema masyado mong ginagawang big deal."
Napintig ang aking tenga sa kaniyang sinabi. Imposible ko itong binalingan ng tingin. Gamit ang aking mata ay ibinuhos ko sakaniya ang lahat ng salitang gusto kong sabihin ng diretsahan.
Drama? OA? Big deal? Wala kang alam, Via. Wala kang alam sa mga efforts na ibinibigay ko sa pagsusulat. Hindi mo alam ang ginagawa kong pagsisikap para maging perfect sa mata ng tao ang mga akdang ginagawa ko.
Wala kang alam sa mga luhang inilalabas ng mata ko sa tuwing nakikita kong walang nagbabasa ng mga isinulat ko. Hindi mo alam ang frustration na nararamdaman ko everytime na gustong-gusto kong magsulat pero walang salitang lumalabas.
Wala kang karapatang sabihinan akong OA kasi hindi naman ikaw ang nakararanas ng mga pinagdaanan ko.
Kung may lakas lamang ako ng loob na sabihin 'yan sakaniya ay ginawa ko na. Ngunit hindi. Hindi ko siya pwedeng pagsalitaan ng ganoon. Siya lamang ang naglalaan ng oras para pagtiyagaang basahin ang mga akda ko. Na kahit na lantaran niyang ipinakikita sa akin ang pagkabagot habang nagbabasa ay ipinagpapatuloy pa rin niya ito.
Nagising ako sa pagkakalunod sa aking mga iniisip nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. Muli nitong sinipat ang kaniyang relo at tumingin sa gate ng aming paaralan. Ibinalik nito ang kaniyang tingin sa akin at ngumiti ng matamis.
"Sa tingin ko ay okay ka na?" inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sakaniyang balikat. "Una na ako ah? May party kasi akong pupuntahan. You know, birthday ni Casey?"
Tumango nalang ako at umiwas na ng tingin. Mukhang isa ata ako sa limang hindi nabigyan ng invitation sa birthday party na 'yun. Pati ba naman sa mga ganito ay nga-nga ako? Saya naman.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Lumipas ang aking sabado at linggo na puro lamang scroll sa social media ang aking ginawa. Either nagbabasa ako ng international ebooks o hindi naman kaya nagi-stream ng kanta sa spotify. Minsan rin ay nanonood ako ng random videos sa youtube. But nothing of them seems to cheer me up. Nothing seems to bring back "The Inspired MJ" I know.
Sinubukan ko rin namang magtype ng panibagong chapter sa aking nobelang ginagawa, yet, it all ended in the trash bin.
Wala talaga. Mukhang sinakop na ako ng katamaran sa pagsusulat. Sino ba naman kasi ang hindi tatamarin kung wala naman talagang totoong nagbabasa ng ginagawa?
Mas lalo pa nga akong nadismaya nung makita kong nanatiling 2 reads ang aking tulang Isang Balong Malalim. Naisip ko kasi na baka kaya hindi nagustuhan ng mga kaklase ko ang aking tula ay dahil sa hindi nila maintindihan ito. Hindi naman sa malalim ang ginawa kong tula pero base sa kanilang mga ginawa, masasabi kong ako nga ang naiiba. So I've decided to post it in my Wattpad account, hoping that they'll appreciate the pun ngunit ayun na nga ang nangyari-dalawa lamang ang nagbasa.
Inuntog ko ng tatlong beses ang aking ulo sa lamesa. Mahina lamang at iniiwasan kong hindi makagawa ng ingay dahil nasa loob ako ng library. Masungit pa man din ang librarian dito.
Gamit ang aking ballpen ay paulit-ulit akong nagdrawing ng bilog sa malinis na puting papel. Paulit-ulit ang paghagod ng aking kamay. Bawat ikot ay may diin at galit. Nakasanayan ko na kasi itong stress-reliever. Nagagawa nitong pakalmahin ang aking nagwawalang sistema.
"Hey.. are you okay?" Napabalikwas naman ako sa aking pagkakaupo nang may magsalita sa gilid ko. Nangunot ang aking noo nang makilala ito.
"U-Uy, Jace. . . ?" nalito ako kung ano ba dapat ang tonong gamitin ko.
Anong ginagawa nito sa library? Hindi naman siya yung mga tipong nagpupunta sa ganitong lugar. Maliban nalang kung para maglaro ng ML, malakas kasi ang signal rito eh.
"Ayos ka lang ba? Nakita ko kasi 'yung. . ." Inginuso nito ang papel na nasa harapan ko at kumamot sa batok, "It seems like you are giving all your wrath on that poor little paper."
Natawa siya ng mahina sa kaniyang sinabi. Napangiti rin ako ng awkward. Bigla rin akong naguilty sa kawawang papel na pinagbuntungan ko ng inis.
"Uh. . . okay lang?" hinatak nito ang upuan sa aking harapan ngunit hindi umupo. Tumingin siya at naghihintay ng aking permiso. Mabilis at nahihiya naman akong tumango.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niyang komportable ang sarili harap ko. Sinisipat nito ang mga nakalagay sa lamesang inookupa ko. Napatingin rin ako dito. Namula ako nang marealize kung gaano kakalat ang aking pwesto.
Akmang aayusin ko ito nang marinig ko siyang tumawa. Nakuha nito ang aking natataratang mata. Kita ko sa aking peripheral vision ang pasimple niyang pagngiti habang pinapanood ako.
"It took me three weeks before finding this certain someone," saad nito. Lito naman akong naglaan ng aking tenga sa kaniyang mga susunod na sasabihin.
"Alam mo naman sigurong hindi ako palabasang tao, hindi ba?" tumawa ito sa kaniyang tanong. Tumango ako kahit na nagtataka pa rin sa buong presensya niya.
"Okay?" lito kong sabi. Parang alien ang kaharap ko ngayon dahil hindi ko talaga siya maintindihan.
"Your username in Wattpad is @libraryniseraphina."
Umawang ang labi ko sa sinaad nito. Mukhang dahil sa naging reaksyon ko ay mas sumaya ang kaniyang kalooban.
"I'm right," he said it with disbelief but at the same time, with such a proud voice. Umiiling-iling ito habang may multo ng ngiti sa kaniyang mga mapupulang labi.
"P-Paano. . ." hindi makapaniwalang tanong ko rito. Teka nga ano ba ang nangyayari?
"Your poem entitled Isang Balong Malalim, when you recited it in front of our class, namangha ako sa kung gaano ka kagaling. Maybe our classmates doesn't appreciate your work kaya't nanatili silang tahimik. Pero narinig mo naman siguro 'yung mahihinang pumalakpak? Isa ako roon. I am amazed by your sense of seriousness with a pinch of humor. Even the title itself is catchy. Sino namang makagagawa ng tulang ganoon sa loob lamang ng tatlumpung minuto?" huminga ito ng malalim ngunit hindi pa rin nawawala saya sa labi.
"Noong sabado, balak ko lang sanang bisitahin ang account ni @libraryniseraphina para magbasa ulit ng short stories niya. Sakto namang pagpindot ko ng Wattpad app ay may lumabas na notification, may bago raw post na story. And when I checked it-" huminto ito at pinanood lamang ang aking reaksyon.
Ewan. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin o gawin. Masyado akong ginugulat sa mga kwento nitong kaklase kong bihira ko lang naman makausap.
"-When I checked it, all I could say is oh shit. A new poem is posted. And the title? Isang Balong Malalim," huminto ito at huminga ng malalim, "Life is really full of twist, don't you think?"
Natahimik ang aming pwesto matapos nitong ipahayag ang kaniyang karanasan. Nakatingin lamang siya sa akin ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong ilang. Tila ba parang sanay na sanay na ako sa presensya niya. Na para bang ang tagal ko ng sanay na kasama siya. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagkapwersa para magsalita.
We just stare quietly at each other. Smiling and talking with our eyes.
And after minutes of comfy silence and my senses are back to normal, I replied:
"Finally, I found my destined reader."
━━━━━━━━━━━━━━━━━
051620
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top